NovelToon NovelToon

He Got Me Pregnant

HE GOT ME PREGNANT

Sariela Arguaza

"Ahh.." ungol ko nang maramdaman kong bumaba ang halik ni Alexander sa akin. Mula sa aking mga labi, papunta sa leeg at pababa ng pababa sa hubad kong dibdib.

Pinagpapawisan ako ng malamig. This is the first time that I'll do this kind of stuff, and it's kinda uncomfortable.

Muli niya akong siniil ng halik sa labi. Napakatamihik ng paligid at tanging ang tunog lang ng mga aming paghahalikan ang maririnig sa buong silid.

"Uhm.." ungol ko.

"Uhh.." ungol ni Alexander habang patuloy akong hinahalikan pa rin. Ang mga kamay niya ay kung saan-saan na dumadapo. Humihimas sa aking likod, bewang pataas sa dibdib ko at muling bababa upang pumisil ng bahagya sa aking matambok na pang-upo.

"You really have the perfect body, huh." paanas na sambit ni Alexander.

Hindi ako sumagot sa kanya. Bagkus ay tumitig lang ako sa mga mata niyang punong-puno ng pagnanasa. I smirked and kissed him again. This time, lumikot na rin ang mga kamay ko at kung saan-saan na napapadapo.

Sa tagal naming naghagalikan ay hindi ko namalayang natanggal na pala niya ang tanging saplot na tumatabon sa aking pang-itaas na katawan. Matapos niyang mahubad iyon sa akin ay basta na lamang niya iyon itinapon sa kung saan at saka siya naman ang naghubad ng pang-itaas niyang damit. Tuloy ay tumambad sa akin ang katawan niyang katamtaman lamang ang laki.

Hindi ko na napakatitigan ng ayos ang katawa niya nang dumukwang siya upang halikan ako ulit. Hayon nanaman ang mga halik niyang mapaghanap at tila uhaw na uhaw.

"And cut!" pababa na ang mga halik niya sa aking malulusog na dibdib ng bigla ay may nagsalita at pumalakpak, bagay na ipinagpapasalamat ko.

Patuloy na pumapalakpak ang buong team ng movie na shin-shooting namin ngayon. HOT MOMENTS. Iyon ang pamagat ng palabas na tine-taping namin ngayon na ipapalabas nation wide.

Iba't ibang papuri ang pinauulan sa amin ng aming team.

Si Alexander ay naayon na at wagas kung makangiti. Bilib na bilib sa sarili .

Samantalang ako naman ay agad nagbalot ng kumot at tumayo upang dumaretso sa banyo, para makapaglinis ng katawan at makapagpalit na rin ng damit.

Tumayo na ako papunta sa banyo ng bigla ay magsalita si Alexander, mula sa aking gilid. "Where you going?"

"Bathroom." Simpleng sagot ko sa kanya at saka siya nilampasan, ayoko siyang makausap. Sa totoo lang ay ayaw ko sanang tanggapin ang project na ito dahil masyadong daring ang palabas.

Ito ang unang beses na tumanggap ako ng project na masyadong pang mature ang content. Maraming nag-ooffer sa akin ng ganitong project, but I never accepted it. Because I have a boyfriend.

But this time, tinanggap ko na ang offer. Kahit ayaw ko ay kailangan kong tanggapin dahil malaki ang offer na bayad sa akin. At higit sa lahat ay kailangan ko ng pera.

Pagpasok ko sa banyo ay ayad akong nagtungo sa ilalim ng shower. Naligo ako. Kinuskos kong maigi ang katawan ko, lalo na ang mga parte na hinalikan ni Alexander. Nanlalagkit ako at pakiramdam ko ay ang dumi-dumi ko na.

Matapos kong maligo ay kinuha ko na ang mga damit ko upang magbihis, nang bigla ay mapasulyap ako sa salamin. Kitang-kita ko ang buong katawan ko na walang saplot.

Lumapit ako sa salamin at mas pinakatitigan pa ang aking sarili. Sinuyod ko ng tingin ang buong katawan ko. Nang dumapo ang paningin ko sa aking dibdib ay nakita ko ang marka ng mainit na sandali namin sa taping.

Napababuntong hininga na lamang ako at napatanong sa aking sarili. Ako ba talaga ang nasa repleksyon ko sa salamin? Kailan pa? Kailan pa akong naging ganito? Hindi ako ito.

Kung noon ay ganda lamang ang puhunan ko upang magkaroon ng pera, ngayon ay hindi na. Pati katawan ko ay ginawa ko na rin puhunan ng pera.

Asan na ang pinangako ko sa aking sarili noon na kailanman ay hinding-hindi ko gagamitin ang katawan ko para magkapera? Asan na ang paninindigan ko? Wala. Nawala na parang bula na tinangay ng hangin.

Naiiyak ako. Iyon ang totoo. Kanina habang hinahalikan ako ni Alexander ay gustong-gusto kong magpumiglas at sampalin siya. Gustong-gusto kong umiyak, pero wala akong magagawa dahil desisyon ko to at kailangan ko itong panindigan.

Pakiramdam ko ay napakababa at napakadumi ko ng babae, pakiramdam ko ay wala akong pinagkaiba sa mga babaeng nagtatrabaho sa bar para magkapera. Lahat iyon ay nararamdaman ko sa oras na ito, at ang sakit-sakit noon. Hindi ko matanggap ang sarili ko.

Natigil lang ako sa pag-iisip ng mga bagay-bagay ng may kumatok sa pinto. "Ariel, hindi ka pa ba tapos? Mag-mi-meeting tayo sabi ni direct."

Hindi ko na namalayan na namamalisbis na pala ang aking mga luha. Agad kong pinunasan ang aking mga pisngi at saka nagbihis na ng tuluyan, pagkatapos ay lumabas na ng banyo.

Nakaupo na silang lahat at ako na lang ang iniintay nang maabutan ko sila sa living area ng condo na pinag-shooting-an namin.

Naghanap agad ako ng bakanteng upuan, una kong tiningnan ay ang pwesto ni Jared, ang long time boyfriend ko. Hayun at may bakante sa tabi niya, pero bago pa man ako makaupo doon ay pumwesto na doon ang manager ko.

Gusto ko mang umapila na ako sa pwestong iyon ay hindi ko na nagawa dahil nagsalita na si direct. "Sariela, sit beside Alexander."

Pabuntong hinga akong lumakad papunta sa tabi ni Alexander. Labag man sa loob ko ay wala naman na akong magagawa dahil ito lang din naman ang bakanteng upuan.

"Good job, Sariela and Alexander. I love your act. It looks so real." Pasimulang papuri sa amin ni Direct. Agad naman nagpalakpakan ang mga kasama namin, maliban sa akin at kay Jared na ngayon ay umiigting na ang bagang at matalim na ang mga mata.

Tinitigan ko siya. Hindi siya nakatingin sa akin at sa baba lang nakatuon ang mga mata. Alam kong galit siya.

Nabigla ako nang bigla ay akbayan ako ni Alexander at halikan ako sa pisngi sa harap ng production team. At higit sa lahat sa harap ni Alexander.

Nanlilisik ang mga matang tumitig ako sa kanya at buong lakas siyang tinulak, dahilan ng pagkakahulog ni sa upuan. "What the hell are you doing?!" Pasigaw na sambit ko.

Tatawa-tawa siyang bumalik sa pagkakaupo at hinarap ako. "What? What's wrong with that? Come on, Sariela. Nagawa na natin ang mas malala pa diyan at gagawin din natin ang mas malala pa. Okay."

The nerve of this guy! " Can't you see? My boyfriend is infront of us! Respeto naman para samin ng boyfriend ko Alexander!" Gakit na galit kong sigaw sa kanya.

How could he tell that to me infront of my boyfriend?! Oo, alam ko. Mas malala ang nagawa na namin kanina sa taping, pero kahit pa may nagawa na kaming iba ay dapat matuto pa rin siyang rumespeto! Magkaiba ang acting at actual na nangyayari!

Sasampalin ko pa sana siya nang awatin kami ni direct. "Enough, you too!"

Nagpatuloy ang meeting namin. Marami pang sinabi si direct tungkol sa Movie, pero ang nakakuha ng attention ko ay ang sinabi ni direct.

"Sariela, next shootings ay baka iba na ang magiging partner mo." Nagugulat na napatingin ako kay direct. Paanong iba? Akala ko ba...

"What?!!" Agad na alma ni Alexander. Napatingin kami sa kanya. "I-I mean...akala ko ba ay ako ang leading man?" Agad na pahabol niya.

Ang dapat na itatanong ko kay direct ay naitanong na niya kaya naman nakinig na lamang ako kay direct.

"Actually, no. Sa unang meeting pa lang namin noon ay iba na talaga ang supposedly leading man ni Sariela, but unfortunately that time Aius Frosco isn't available, dahil siguro naman ay alam niyo ang balita noon na ikakasal na siya sa long time fiancé niya. Kaya kinuha ka namin Alexander para pamalit."

"So this time, available na siya? Kaya ako isasantabi nanaman? Is that it?!" Ramdam ko ang galit niya sa bawat pagbigkas ng salita. Hindi ko lang alam kung kanino ba siya may galit, kay direct ba o kay Aius?

"It's not like that, Alexander. It's just—" bago pa man matapos ni direct ang sasabihin niya ay agad nang tumayo si Alexander.

"Alright. Whatever you say, just call me for our next shooting." at agad na siyang umalis.

What a jerk! Bastos!

Doon na din natapos ang meeting namin at pinayagan na kaming umuwi lahat.

HE GOT ME PREGNANT

"Love." tawag ko kay Jared nang nasa lobby na kami ng condominium building. Hindi niya kasi ako pinapansin, simula pa kanina nung lumabas kami sa pinag-shootingan namin na condo.

"Love, please. Pansinin mo naman ako. Galit ka ba sakin? Love, please wag ka na magalit. Huh?" malambing na tinig kong sinabi sa kanya, pero hindi niya talaga ako pinapansin. Nagtuloy-tuloy lang siya sa paglalakad. At sa bilis ng lakad niya, ay kailangan ko pang bahagyang tumakbo para lang maabutan siya.

"Love, don't be mad at me, anymore. Okay?Hmm?" Patuloy ko pa siyang inamo.

Nagulat ako ng bigla siyang tumigil dahilan para bumangga ako sa matigas niyang likod. Kamuntik pa akong matumba, pero hindi iyon nangyari dahil sinalo niya agad ang baywang ko.

"Don't be mad at you? Really, Ariel? Sinasabi mo talaga sa akin 'yan? To think na may kahalikan ka kanina! No, higit pa nga sa halikan, eh! Ano sige sabihin mo sakin kung paanong hindi ako magagalit?!" pagalit na sigaw niya sa akin.

Alright, alam ko naman na nagseselos siya, e. Ano pa bang magagawa ko, e sa ganito ang takbo ng mga pangyayari sa industriyang kinabibilangan ko? Anong magagawa ko kung sa pagpapahalik lang ang kaya ko para magkapera? Hindi niya naman ako katulad na nakapagtapos ng pag-aaral, mayaman at mayroong sariling kompanya na mapagkukuhanan ng pera?

Gustong-gusto kong ibato sa kanya ang mga salitang iyan pero mas pinili ko na lamang na magbaba ng ulo at humingi ng paumanhin ulit. Ayoko ng iparinig pa sa kanya iyon dahil mas lalaki lang ang away namin. Ayoko noon. Ayokong nag-aaway kami dahil nasasaktan ako. I love him with all my heart.

Bumuntong hininga muna ako bago sumagot sa kanya. "Sorry, Love. Pasensya ka na. Sa ganitong trabaho lang kasi ako magaling. Sa pag arte lang. Pasensya ka na rin kung kinuha ko ang project na yan kahit na alam kong ayaw mo sa ganyang tema ng proyekto ko. Sorry, Love. Kailangan ko lang kasi ng pera ngayon, e." pagkasabi ko noon ay malungkot akong ngumiti sa kanya. Siya naman ay tila napatulala sa akin.

Inantay ko pa ang sasabihin niya, pero ng wala na siyang sinabi pa ay nagpatiuna na ko pagpasok sa loob ng elevator. "Let's go, love. I know you're tired from work. I'll cook you dinner." Nakangiting sambit ko.

Habang nasa elevator kami ay tahimik lang ako. Kumalma na rin siya. Malamig na ang ulo. Ganyan naman kami mag-away, e. Saglit lang basta ba may maalam na magpakumbaba sa amin.

Hanggang sa buong biyahe ay tahimik lamang kami. Paminsan-minsan ay may tinatanong siya sa akin at sinasagot ko naman iyon.

Nang makarating kami sa tapat ng condominium building niya ay agad akong bumaba ng kotse, hindi ko na inintay pa na pagbuksan niya ako ng pinto.

Hinintay ko lang siya makalabas at saka ako nagpatiuna na para maglakad papasok sa loob ng building.

Nasa tapat na kami ng elevator at lahat ay wala talagang nagsasalita sa amin.

Bumuntong hininga ako. Gusto ko na siyang kausapin, pero may pumipigil sa akin. Gusto kong tingnan kung kakausapin niya ba ko, na siya ang mauunang magsalita. Gusto kong siya naman ang magpakumbaba sa amin ngayon, lagi na lang kasing ako.

Bumukas ang pinto ng elevator kaya pumasok na ako doon. Pero ganoon nalang ang gulat ko ng bigla ay hapitin ako ni Alexander sa baywang ko.

"I'm sorry, Love. If I acted like that a while ago. Sorry. I understand you now." pabulong niyang sambit sa akin.

HE GOT ME PREGNANT

Napangiti naman ako. "It's oka—" hindi ko na naituloy pa ang sasabihin ko nang agad siyang dumukwang palapit sa akin at sakupin ang mga labi ko.

Tila may iba akong napansin sa paraan ng paghalik niya sa akin ngayon. Mapaghanap iyon. But I just let him. He's my boyfriend anyway.

He kissed me so deep. And I kissed him back just like how he kissed me.

Gamit ang mga labi niya ay ibinuka niya ang mga labi ko, pagkatapos ay ipinasok niya roon ang mga dila niya. Bahagya rin siyang sumisipsip sa aking pang-ibabang labi.

"Ahh.." bahagya akong napahalinghing nang bumaba ang halik niya mula sa aking labi patungo sa aking panga, sa leeg, at pababa pa.

Ang mga kamay niya ay lumilikot na rin. Hihimasin ang dibdib ko at bahagyang pipisil doon.

"L-love, nasa elevator tayo. Baka may makakita." Mahinang sabi ko sa kanya.

"Shh... No one's here." hindi na ako nakasagot sa kanya nang mas lalo pa niyang hapitin ang katawan ko palapit sa katawan niya habang hinahalikan pa rin niya ako. Nang magtama ang mga pang-ibabang bahagi ng mga katawan namin ay napaungol ako ng maramdaman ko ang nabubuhay niyang alaga. Shit! Am I ready for this? Naitanong ko na lamang sa aking sarili.

"****!"

Tila napapaso kaming naghiwalay ni Jared ng may marinig kaming nagsalita. Agad na napaangat ang tingin ko at halos manlaki ang mga mata ko ng makita ko si Aius Frosco.

Shit! What the ****?! Nakakahiya! Agad akong nagsumiksik sa likod ni ni Jared dahil sa kahihiyan.

Nakakainis. Bakit sa lahat ng pagkakataon na pwede kaming magkita, bakit ngayon pa? Sa ganitong sitwasyon pa talaga namin!

Nakakahiy! Nakakahiya! Ultimate crush ko pa naman siya tapos...tapos.. argh!!

"What the ****! Get a room guys!" Singhal na sigaw niya sa amin.

"Sorry man." natatawang sambit lang ni Jared, pagkatapos ay hinila na niya ako palabas ng elevator at naglakad na papasok sa unit niya.

Bago kami tuluyang pumasok ni Jared sa unit niya ay tumingin pa muna ako sa elevator para tignan si Aius. Ang gwapo niya talaga. No wonder, ang daming nahuhumaling sa kanya. At kasama na ako roon. Landi!

Nagtama ang mga paningin namin at halos kapusin ako sa hininga ng bigla ay eksahederang tumambol sa kaba ang puso ko!

Bago pa man ako makapag-iwas ng tingin sa kanya ay nahila na ako ni Jared papasok sa loob ng unit niya.

Pagkapasok na pagkapasok namin sa loob ng unit niya ay agad niya akong isinandal sa pinto at sigod ng halik.

I kissed back. Pero hindi ko alam, may kung anong pumipigil nanaman sa akin. Pero isinantabi ko na lamang ang kung ano man ang nararamdaman kong pumipigil sa akin. Hinayaan kong halikan ako ni Jared. Kinandong niya ako kaya at saka siya naglakad papunta sa couch.

Nang maihiga niya ako sa couch ay agad niyang tinanggal ang ang polong suot niya at itinapon iyon sa kung saan. Agad namang dinamba ng kaba ang puso ko. Shit? what's he doing?

Nang akmang hahalikan niya ulit ako ay iniwas ko na ang aking mukha sa kanya.

"What, Love? Let's continue what we started." pabulong na sinabi niya iyon at saka akmang muling hahalikan ako but this time itinulak ko na siya.

Napalayo siya sa akin at madilim ang matang tinitigan ako, dahilan para makaramdam ako ng takot. "What?!"

"H-hindi pa ako handa sa ganitong bagay, Love. Let's take it slow please? Hindi pa tayo parehas handa sa ganito." mahinang sabi ko.

Nagulat ako nang bigla ay suntukin niya ang coffe table sa gitna dahilan para mabasag iyon at mapatili ako. "Take it slow?! Hindi pa handa?! Tangina, Ariel kailan ka pa ba magiging handa?! Matagal na tayo, hanggang ngayon wala pa ring nangyayari satin!? Galit na galit na sigaw niya sa akin.

Natatakot ako. Naiiyak ako. Pero kinaya ko pa ring sumagot sa tanong niya.

"Love, hindi naman iyon ang basehan ng isang relasyon. Intindihin mo naman ako. Hindi pa talaga tayo handa sa ganoong bagay. Hindi—"

"Stop it! Leave! You're useless!" malaks na sigaw niya sa akin at saka ako tinalikuran.

Agad namang nagpatakan ang luha ko. Ang sakit. Ang sakit-sakit. Ano bang magagawa ko, e kung hindi pa ako handa?

"Love, please wag naman g ganito, oh." may pagmamakaawa kong sambit sa kanya.

"I SAID LEAVE!!" galit na galit niyang sigaw sa akin.

Wala akong ibang nagawa kundi ang umiyak ng umiyak at umalis na lang sa unit niya.

I failed again! It's my fault again!

Gustong-gusto kong ipaliwanag sa kanya kung bakit hindi pa ako handa sa ganoong bagay, pero alam kong hindi siya makikinig sa akin.

Umiiyak akong sumakay ng taxi at umuwi sa bahay namin.

Pagdating sa bahay namin ay mas lalo pa akong nasaktan ng malakas na sampalin ako ni Mama sa pisngi.

"Ano? At talagang itinuloy mo pala ang proyekto na iyan, ha?! Diba sinabi ko na sayong huwag na huwag kang kukuha ng ganyang project?!" Galit na sigaw ni mama.

"Ma malaki po ang bayad—" napatigil ako sa pagpapaliwanag ng sampalin niya ulit ako ng ubod ng lakas.

"Para lang sa pera ay magpuputa ka, ha!? Lumayas ka na dito sa bahay! Hindi ka na namin kailangan!" sigaw ni mama pagkatapos ay iniwan na akong mag-isang umiiyak sa sala namin.

Ang sakit. Bakit napaka sama ng araw na ito? Ano bang masama sa hindi pa ako handa at anong masama sa paghahanap-buhay ko?

Wala naman akong ibang pagpipilian na trabahong may malaking kita na sasakto sa pagpapagamot ni Papa at mga kampritso ni Mama.

Bakit?! Bakit ganon sila sakin!?

Bakit hindi nila ako maintindihan?!

Download NovelToon APP on App Store and Google Play

novel PDF download
NovelToon
Step Into A Different WORLD!
Download NovelToon APP on App Store and Google Play