This is work of fiction. Names, characters, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in fictious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
***
Meron po kayong mababasang wrong grammar, typographical error dito next time ko na lang aayusin. Hehehe😅
First Story ng Criminal Series sana magustuhan nyo
Prologue
Magagarang kaayusan ang nakikita ko sa aming Mansyon. Nagkakagulo ngayon ang aming mga kasambahay dahil sa gagawing Masquerade Party sa aking pagdidiwang ng aking kaarawan. Hindi ko na Sana gusto magkaganto pa para sa aking birthday pero ito ang gusto ng aking mga magulang kaya Wala na akong magawa. May iaannounce din Kasi sila kaya lahat ay imbetado sa aming Mansyon.
"Hija, dumating na ang magaayos sayo. Sina Hydi at Claudette." Pakilala sa akin ng aking ina sa mga kasama nyang dumating sa aking kwarto. Tinignan ko naman Isa Isa Ang mga Ito isang babae pala si Hydi at medyo may pagka malambot Naman ang isa nitong kasamang lalaki.
"Oh sya maiwan ko na kayo dyan at madami pa akong aasikasuhin." Sabay alis ng aking ina sa aking kwarto. Bumalik Naman ang tingin ko sa magaayus daw sa akin. Tinanguan ko lang sila bilang hudyat na simulan na nila. Humarap na rin ako sa salamin.
Si Hydi ang syang nagayus sa aking mukha sa mantalang si Claudette Naman Ang syang nagayus sa aking buhok.
"Ang ganda nyo naman po maam kahit hindi na kayo ayusan ang ganda ganda nyo na." Sabi sa akin ni Claudette ng matapos nila akong ayusan. Ngumiti lang ako ng bahagya sa kanila at nagpasalamat.
Tinignan ko naman sa salamin ang aking itsura pagkatapos nilang umalis sa aking kwarto. Simple lang ang ayus ng aking mukha sa mantalang Ang buhok ko naman nakaayus na parang isang prinsesa sa fairytail.
Kinuha ko naman ang aking silver na maskara at sinuot Ito sa aking mukha. Ang tanging natatakpan lang nito ay ang kalahati ng aking mukha. Kitang Kita sa maskara ang aking singkit na mata at manipis na labi na nabahiran ng pink na lipstick.
Narinig ko namang may kumatok at biglang bumakas ang pinto ng aking kwarto. Pumasok na aking mga magulang na suot ang kanilang mga magagarang kasuotan at may kasama silang hindi pamilyar sa aking lalaki.
"Anak ito nga pala si Diego Santillian your future husband." Pakilala ng aking ama sa kanilang kasamang lalaki. May itsura na man maputi ang kanyang balat halatang anak mayaman.
"Future husband?" Nagtatakang tanong ko sa kanila. Ipapakasal ba nila agad ako gayong kaka 18 ko pa lang.
"Anak napagkasunduan Kasi namin ng magulang ni Diego na ipagpakasal na lang kayong dalawa tutal ay naman mag kasosyo kami sa negosyo at tyka matagal ka na ring gusto nitong si Diego." Paliwanag saakin ng aking ama. Tila nahihiya naman si Diego sa sinabi ng aking ama at napahawak pa sa kanyang batok.
Yun pala ang gusto nilang iaannounce sa aking birthday party. Nakita ko naman masayang mga mukha nila habang nagaabang ng magiging reaksyon ko. Wala na akong magawa ayaw ko namang idisappoint ang aking mga magulang kaya tumango na lang ako tulad ng lagi Kong ginagawa.
"Well, maiwan ko muna kayo dito Drashiela, Diego." Sabay tingin nilang dalawa sa amin ni Dad at Mom sabay labas nila habang nakangiti.
"So I'm glad I finally meet you Drashiela." Pagbubukas ng usapan Diego matapos kami iwang dalawa ng aking magulang.
"Yeah." Akward kong sagot sa kanya sabay alis ulit ng aking maskara.
"Sorry kung nabigla ka sa biglang desisyon ng ating mga magulang. Pero wag kang mag alala I will be a good husband to you."
"Ganon ba." Napipilitang sagot ko na lang.
"Nga pala may gusto Sana akong ibigay sayo, nung nakita ko Ito sa Paris naisip kong babagay to sayo." Sabay labas nya mula sa kanyang coat ang isang huhis parehabang kahon.
Binuksan nya Ito at nakita ko ang isang napakagandang silver necklace na may palawit na malaking kulay pulang diamante.
"Tumalikod ka at ng maisukat natin Ito sayo." Paguutos ni Diego sa akin.
Humarap naman ako sa salamin at nakita ko kung paano nya sinuot sa akin ang kwintas. Namangha Naman ako sa ganda nito tila ito ay galing pa sa mga royalty, ng naisuot na Ito sa akin bumagay Ito sa aking kasuotan.
Pagkatapos nya itong ilagay itinabi nya sa mukha ko ang kanyang mukha habang nakatingin sa salamin.
"Perfect" Sabi niya sabay halik sa aking pisngi.
Nagsimula na ang party at pinanood ko lang Kung paano magsalita sa unahan ang aking mga magulang.
"Maraming salamat sa inyong pagpapaunlak sa aming imbitasyon. Sa pagdiriwang ng kaarawan ng aking nagiisang anak na si Drashiela Eskovar." Paninimula ng aking ina sabay palakpakan ng mga panauhin.
"At kasabay ng kanyang pagdiriwang ng kanyang kaarawan ay nais rin namin at ng pamilya ng Santillian na ipahayag sainyo ang nalalapit napagiisang dibdib ng aking anak na si Drashiela at ni Diego Santillian." Pagkatapos sabihin iyon ng aking ama ay tumayo naman ang magulang ni Diego at nakipagkamay sa aking ama samantalang ang aking ina Naman ay nakipagbeso pa sa ina ni Diego. Samantalang si Diego Naman ay ngiting ngiti habang nakatayo sa tabi ko ako namam ay hindi ko alam Kung nakangiti ba ako dahil Wala man akong nararamdaman tila manhid na rin ako sa nangyayari.
Pagkatapos iaannounce Ang engagement namin ni Diego ay nagspeech Naman ang aking magulang tungkol sa kanilang muling pagtakbo bilang Mayor ng aming lalawigan.
Salita Naman ng salita si Diego sa tabi ko ngunit parang Wala namang pumapasok sa isip ko. Oo lang ako ng oo sa lahat ng kanyang sinasabi sa akin hanggang sa Hindi na ako nakatiis at sinabi Kong kailangan ko lang pumunta sa powder room.
Habang naglalakad ako sa loob ng aming Mansyon na pinagdadausan ng party may napansin naman akong isang lalaking tila gutom na gutom na nandoon sa may parte Kung saan nakalagay ang mga pagkain.
Natatawa Naman ako sa kanyang ginagawa at pinagmasdan ko na lang Kung ano ang kanyang ginagawa. Naglalagay pa sya ng pagkain sa loob ng kanyang coat. Hindi bagay sa kanyang kasuotan ang kanyang ginagawa.
Nilapitan ko Ito dahil nakaramdam ako ng awa dito marahil ay gutom na gutom Ito at sasabihan ko na lang ipagbabalot ko sya ng pagkain.
"Excuse me" tawag ko sa kanya habang patuloy itong kumakain at punong puno pa ang kanyang bibig.
"Uhm" Sabi nito habang punong puno parin ang bibig. Bigla Naman syang natawa sa ginawa nito. Sumenyas naman itong tila sandali lang kaya tumango ako at naghintay.
Pagkatapos nitong ngumuya ay uminom muna Ito ng tubig. Bahagya pa itong tumighay at sumigaw.
"Success!"
Imbes na mandiri ay tila natawa Naman sya sa ginawa nito. Napaisip sya sa buong gabing Wala syang naramdaman ngayon lang sya nakaramdam ng pagkatuwa.
Tinitigan lang naman sya nito at tila hinihintay ang pagtigil ng kanyang pagtawa. Napansin nya na Ito at tumigil na rin sya katatawa.
"Ok ka na? Happy?" Sarcastic nitong tanong sa kanya.
"Sorry, Hindi ko lang mapigilang tumawa nakakatuwa ka kasing pagmasdan habang kumakain ng ganon tapos yang ayus mo pang pormal." Sagot ko Naman sa kanya.
"So ibig mong sabihin na ang mga nakadamit ng ganito ay Hindi man pwedeng umakto na parang patay gutom?" Tanong naman nya sa akin.
"Naku hindi ganon ang ibig kong sabihin." Tangi ko pa sa kanya sabay senyas ko pa sa aking kamay.
"Naoffend ba kita? Sorry ha. Gusto mo ipagpabalot pa Kita ng pagkain?" Pagoofer ko pa sa kanya.
"Sa tingin mo Hindi ako maoofend dyan sa mga pinagsasabi mo?" Galit Naman nitong tanong sa akin.
"Para talagang sinasabi mo na patay gutom ako at ang pinunta ko lang dito sa inyong party ang yang pagkain nyo ah."
"Nagmamagandang loob lang Naman ako eh. Namimisunderstood mo lang ako." Medyo naiiyak ko ng sabi sa kanya. Ako na ngang nagmamagandang loob ayaw pa nya.
"Eh bakit naiiyak ka na dyan?" Tanong nito sabay tingin sa paligid.
"Tsk. Halika ka nga." Sabay hila nya sa kamay ko.
Nagitla naman ako sa kanyang ginawa at hinayaan ko na lang sya. Habang tumatakbo kami napansin ko Naman ang kanyang itsura matipuno naman Ito halatang malaki ang katawan tykaka mukhang gwapo dahil kahit natatakpan ang kanyang mukha ng maskara halatang matangos ang ilong nito at ang ganda ng kanyang panga.
Dinala pala nya ako sa aming garden na may malaking fountain sa gitna.
"Bakit ba napaka iyakin mo? Tinatanong lang Naman Kita eh." Sabi nito sabay upo sa may pabilog ng fountain. Kumuha ulit Ito ng pagkain sabay kumain na naman uli.
"Eh bakit ba, totoo naman sinabi ko parang gutom na gutom ka kaya gusto na kitang ipagpabalot ng pagkain." Sagot ko Naman.
"Sus, napakababaw talaga ng mga babae, tsk." Sabi nito sabay kagat ulit sa kinakain nya.
"Bakit ka nga pala malungkot?"
"Ha? Ako malungkot?" Turo ko sa sarili ko. "Paano mo Naman nasabi na malungkot ako?"
"Kitang Kita dyan sa mga mata mo, kahit itago mo pa Yan. Lumalabas at lumabas dyan sa mga mata mo Kung gaano ka kalungkot." Sabi nito sa akin.
Tinitigan ko Naman ang kanyang mata. Wala Naman akong mabasa sa mga mata nya tila sanay na sanay syang kinukubli ang kanyang nararamdaman.
"Paano mo nagagawa Yan?" Tanong ko.
"Ang alin?"
"Paano mo naitatago yang emosyon mo dyan sa mga mata mo?" Tanong ko habang nakatingin pa rin sa kanyang mga mata.
"Tignan mo ang langit, di ba madilim Kasi nga gabi." Sabi nito. Para Naman gusto nyang batukan Ito sa mga pinagsasabi nito.
"Pero Alam mo ba Kung bakit wala kang makitang liwanag? Kasi kinukubli Tayo ng kadiliman ng gabi." Patuloy nito. Nahiwagaan Naman ako sa kanyang sinabi.
"At ano Naman yang gabing sinasabi mo dyan sa walang emosyon mung mukha?" Naguguluhan Kong tanong.
"Alam mo Kung nasaan ang kasagutan? Nandyan Lang sa tabi tabi." Pumitas naman sya ng isang pulang pulang rosas sa aming Hardin na maraming tinik at tinanggalan nya Ito ng tinik at ibinigay sa akin.
"Happy Birthday Drashiela."
Kasabay noon ang malakas na pagputok ng fireworks sa kalangitan.
"Paalam"
Chapter 1
Dinner
"Ano Ang ibig mong sabihin na nawala mo ang kwintas na ibinigay sayo ni Diego?!" Hindi makapaniwalang tanong saakin ng aking ina habang nandito kami sa aking kwarto kinabukasan pagkatapos ng aking kaarawan.
Pagkatapos kasing mawala ng parang bula ng misteryosong lalaking Yun kagabi ay napansin nya na tila gumaan ang kanyang leeg.
Pagkatapos Naman ng party habang nagbibihis na sya napansin nya na Wala na pala sa kanyang leeg Ang kwintas na bigay ni Diego.
"Sana lang ay Makita na ng tauhan ng ama mo yang kwintas na yon Kung Hindi malalagot Tayo sa pamilya ni Diego. Alam mo ba kung gaano kamahal ang naiwala mo?" Dagdag pa ng aking ina. Hindi naman ako makapagsalita sapagkat iniisip ko pa Kung saan ko naiwala ang kwintas na yon.
Wala Naman akong maisip Kung saan ko ba Ito nailagay dahil hindi ko Naman Ito tinagtag sa leeg ko. Inisip ko naman ang mga pinuntahan ko kagabi. Ang naaalala ko lang namang pinuntahan ko ay...
"Drashiela, maaari ba kitang makausap?" Biglang pasok ng aking ama sa aking kwarto. Seryoso naman ang mukha nito at tila pagnagkamali sya ng sagot ay lagot talaga sya dito.
"Ano po Yun?" Kinakabahan kong tanong sa aking ama habang nandito kami sa may library nya at office na nya rin.
"Tinanong ka saakin ni Diego kagabi Kung nasaan ka raw, wala naman akong maisagot dahil wala ka namang sinabi Kung nasaan ka." Panimula ng aking ama habang nakaupo sa kanyang upuan at nakahalukipkip sa akin.
"Saan ka pumunta kagabi?" Tanong nya saakin na may aoutoridad ang boses.
"Ang totoo po nyan ay may nakilala po ako kagabi." Kinakanabahang paninimula ko at hindi ko na binanggit kong Ito ay lalaki o babae.
"Pumunta lang po kami sa may Hardin. At pagkatapos non bumalik na rin po ako sa Mansyon." Maingat ko pang paliwanag.
"Kung ganon ay tama nga ang hinala ko na ang lalaking kasama mo kagabi ay syang nagnakaw ng iyong kwintas." Nagulat namam ako sa sinabi ng aking ama. Paano kaya nya nalaman ang nangyari kagabi.
"Nacheck na namin ang CCTV ng buong Mansyon at ang lalaking kasama mo ang syang napagalaman naming kumuha nito dahil sya lang naman ang kasama mo sa hardin Hindi ba?"
"Pero wala tayong ebidensya na sya nga ang kumuha ng kwintas." Pagtatanggol ko pa sa lalaking iyon.
"Ano pa ang hinahanap mong ebidensya gayong malinaw Naman na sya lang ang kasama mo ng gabing iyon!" Si Dad namay himig na pagkairita.
"Wag mo ng ipagtanggol ang lalaking iyon, pumunta ka na lang sa dinner nyo ni Diego at humingi ka ng tawad sa pagkawala mo ng kwintas."
Yun na Yun bakit ba kailangan ko pang humingi ng tawad Hindi ko naman ginustong bigyan ako ng mamahaling kwintas.
Wala na akong nagawa pa at tumango na lang ako sa iniutos nya at bumalik na sa aking kwarto. Habang papunta Naman ako sa aking kwarto naalala ko nanaman ang nangyari kagabi.
'Hindi mo makita ang liwanag sapagkat ikinikubli Ito ng dilim ng gabi'
Ano naman kaya ang ibig nyang sabihin doon. Napakamisteryoso nya talaga, hindi ko man lang pala naitanong kung ano ang pangalan nya.
Nakatulog pala ako ng mahaba at pagkagising ko ay 6pm na. Mabilis naman akong naligo at nagayus para sa sinasabi ni Dad na dinner namin ni Diego. Simple lang ang ayus ko sinuot ko Lang ang isang simpleng black dress na above the knees na bumagay sa maputi kong balat nagsuot din ako ng silver necklace para may accessories Naman akong suot.
Nilugay ko Lang Ang Alon Alon Kung buhok na kulay light brown na umabot hangang baba ng aking balikat. Naglagay Lang ako ng konting lipgloss sa kulay pink Kong labi at hinayaan ko na Lang Ang pisngi Kong natural na mapula sinoot ko na rin Ang aking stilettos at sling bag na chanel na regalo ng aking ina nung birthday ko.
"Wow ang ganda ganda naman ng anak ko Manang mana talaga sa akin." Ngiting ngiti sabi ng ina ko pagkababa ko sa aming hagdan.
"Take care, and don't worry magugustuhan mo rin si Diego napakabait, galing sa magandang pamilya at higit sa lahat gwapong bata pa nyang si Diego." Pagaasure pa sa akin ng aking ina ng makitang seryoso na Naman Ang aking mukha.
"Ok mom I'll go now." Sinabi ko na lang sabay beso ko sa kanyang mukha at umalis na.
Pagkarating ko Naman sa restaurant na pagdidinneran namin ni Diego ay sinalubong agad ako ng isang waiter.
"Table for two ma'am"
"No, I am with Mr. Santillian." Sagot ko Naman sa kanya.
"Oh this way ma'am" pagkatapos tinuro nya Kung nasaan si Diego.
Nakita ko Naman si Diego na nakangiting nakatangin sa akin. Ipinaghila Naman nya ako ng upuan at umupo na rin ako.
"Your so beautiful tonight Drashiela." Pagpupuri naman sa akin Diego habang nakatitig sa akin.
"Thank you." Pagkatapos kung magpasalamat ay tumawag na sya ng waiter.
Habang pumipili naman ako ng pagkain ay napansin Kong nakatitig sa akin yung waiter habang hinihintay ang order namin. Napatingin naman ako dito. Parang pamilyar Ito sa akin salita ko sa aking isip.
Tinitigan ko naman Ito sa mata dahil parang pamilyar Ito talaga sa akin. Nagkatitigan naman kaming dalawa napansin ko ang kanyang mapupungay na mata at makapal na kilay, matangos na ilong na parang may lahing banyaga, ang kanyang labing mapula at higit sa lahat ang kanyang pangang umiigting na tila may iniisip na masama.
"Ano saiyo Drashiela?" Biglang tanong naman ni Diego sa akin. Sinabi ko na lang Ang gusto kong kainin at umalis na rin ang waiter. Hindi ko pa rin tinatanggal ang pagkakatingin habang Ito ay umaalis. Bagay na bagay rin dito ang pangwaiter na kasuotan parang naging model pa sya sa suot. Model na pang waiter. Medyo natawa Naman sya sa naisip.
"Drashiela!" Pagtawag pansin Naman sa akin ni Diego ng mapansing nakatitig pa rin ako sa waiter.
"Yes?" Tanong ko dito sabay balik ng tingin ko Kay Diego.
"Nasabi sa akin ng ama mo na nanakaw daw ang ibinigay ko sayong kwintas. Totoo ba Ito?" Tanong saakin ni Diego. Nasabi na pala ng aking ama ito Kay Diego.
"Ah, oo gusto ko sanang humingi ng tawad sa nangyari. Kasalanan ko naiwala ko yata Yun." Paghingi ko Naman ng tawad sa kanya.
"Wag munang sisihin ang sarili mo sa nangyari." Sabay hawak nya sa kamay ko nakapatong sa lamesa.
Bigla naman syang napahiwalay ng dumating na ang order namin na sinerve nung parang pamilyar sa aking lalaki.
"Nauunawaan ko Kung bakit Ito nawala. Marami talaga ngayon ang magnanakaw sa lugar natin kaya gustong lutasin Ito ng magulang mo." Patuloy paring Sabi ni Diego habang ang waiter Naman ay patuloy parin sa pagseserve kaya tinitigan ko Lang ulit Ito dahil parang pamilyar talaga Ito sa akin.
Ng magtama ulit ang mata namin doon ko naalala na ito pala Yung lalaking kasama ko kagabi.
"Kaya sinuggest ko sa Dad mo na bigyan ka ng bodyguard, lalo na ngayong Malapit na ang eleksyon marami ang ang magtatangka talaga saiyo." Patuloy ni Diego. Samantalang ako Naman ay nakatingin parin sa waiter hanggang sa hindi sinasadyang natapunan ng wine sa suit nya si Diego.
"What the Fvck!" Si Diego tumayo sya at pinunasan ang kanyang damit.
"Sorry po!" Paghingi naman ng tawad ng waiter. Ahm ano ba dapat itawag ko sa kanya.
"Sorry?! Don't you know how much this coat cost!" Nagagalit na sigaw ni Diego. Nagulat naman ako sa kanyang sinabi hindi ko akalain napara dun Lang sisigaw na sya.
"Where is your manager? I need to talk to your manager!" Mabilis na Sabi ni Diego.
"Diego, will you please stop pinatitinginan na Tayo ng mga tao oh." Pagpapakalma ko sa kanya sabay lapit ko sa kanya. Tinignan ko naman Yung waiter Ngunit nakatungo Lang sya.
"Excuse me, is there something wrong?" Pagdating ng manager ng restaurant.
"I want you to fire this useless waiter." Turo pa ni Diego sa waiter na hanggang ngayon ay nakatungo parin. "Tinapunan nya ng wine ang coat ko and kanina ko pa napapansin ang pagtingin tingin nya sa fiance ko."
"Diego!" Saway ko sa kanya. Sobra na sya ha para lang dyan sa suit nyang natapunan ng wine nanggagaliiti na sya.
"Diego stop this already, were making a scene here." Pakiusap ko na sakanya.
"Sorry for the trouble. We will fix this immediately." Sabi nung manager sabay umalis sila nung waiter.
"Sorry for tonight Drashiela." Hinging tawad Naman ni Diego sa akin habang nasalabas na kami ng restaurant.
"Hindi ka dapat saakin humihingi ng tawad kundi dun sa waiter. Napakasakit ng sinabi mo kanina dun sa waiter." Sabi ko Naman dito na nakahalukipkip paharap sa kanya.
"Yes I know, hatid na kita?" Anyaya pa nya saakin.
"No thanks nandyan na ang driver ko." Masungit ko paring Sabi sa kanya.
"Ok I will go now, promise it will never happen next time." Si Diego sabay halik nya sa pisngi ko at sumakay na sya sa kanyang kotse.
Pagkaalis ni Diego ay pupunta na Sana ako sa sasakyan namin ng Makita ko Yung waiter na pinapagalitan ng manager yata nila.
Pinuntahan ko Ito at ako na Ang hihingi ng tawad sa ginawa ni Diego kanina.
"Hay naku Van, Wala na akong magagawa anak ni Mayor Eskovar Yun at ni Mr. Santillian Yun eh." Narinig Kong Sabi nung manager na kausap namin kanina.
"Ayus Lang ate Mels maghahanap na Lang ulit ako ng ibang raket na pagkakakitaan." Malungkot na sagot naman ni Van. Van ata ang pangalan nung waiter Yun Yung pakinig Kong tawag sa kanya eh.
"Oh sya sige, ikamusta mo na lang ako sa mama mo ha." Narinig ko pang Sabi nung manager. Sabay alis ni Van na may dalang isang bag pack sa kanyang balikat.
Habang naglalakad naman Ito nakatungo lang ito tila malalim ang iniisip. Sinalubong ko na Ito.
"Van!" Sigaw ko pagkatapos ay lumapit na ako sa kanya. Umangat Naman ang kanyang tingin at tumingin sa akin. Bahagyang nanlaki pa ang kanyang mata tila nagulat ng Makita ako.
Pagkalapit ko ay tumingala pa ako sa kanya dahil sa tangkad nya na kahit may takong pa Ang suot ko ay umabot Lang ako sa kanyang baba.
"Van right?" Pagkukumpirma ko sa kanya.
"Bakit ano ang kailangan mo?" Malamig na malalim na boses na tanong nya lalo ko tuloy naalala ang paguusap namin kagabi dahil sa kanyang boses.
"Gusto ko sanang humingi ng tawad sa ginawa ni Diego kanina. Alam ko hindi tama Yung jinajudge ka nya agad." Ako habang nakatitig parin ako sa kanyang mga mata.
"Bakit ikaw jinudge mo rin naman ako kagabi ah?" Tanong nya saakin. Naisip ko naman ang sinabi ko sa kanya kagabi, Wala naman akong naalala na jinudge ko sya ah.
"Na misunderstood mo Lang naman ako kagabi, ah nga pala maghahanap ka diba ng panibagong trabaho?" Pagtatanggol ko pa sa sarili ko.
"Pwede kitang hanapan baka meron pang bakante sa amin, Teka ano bang natapos mo meron kabang baranggay clearance, NBI clearance, Birth certificate..." Patuloy ko pang Sabi Hindi ko napansin na umalis na pala sya.
"Van!" Sigaw ko sabay habol sa kanya. Ang haba Naman Kasi ng biyas nya Hindi ko mahabol.
"Ano gusto mo ba hanapan kita ng trabaho?" Pagaalok ko pa sa kanya.
"Hindi ko kailangan ng tulong mo. Lalo na Kung galing sa pamilya mo." Malamig ulit na Sabi nya saakin. Naging matahimik Naman Ang aming paligid at ang tangi ko lang naririnig ay mga tunog ng sasakyan na dumadaan sa kalsada.
"Sorry" nahihiyang Sabi ko. "Gusto ko Lang Naman makatulong" dagdag ko pa.
"Umuwi ka na sainyo, Wala akong pakialam sa tulong na sinasabi mo. At pwede ba wag mo akong tawaging Van." Sabi nito at tumalikod ulit saakin
"O--k" medyo naiiyak ko ng Sabi.
"Kuya, kuya na lang itatawag ko sayo!" Sigaw ko sa kanya habang naluluha pa rin.
Humarap naman sya sa akin na may matalim na matang nakatingin sa akin.
"Vanrick, hindi Van" sabay talikod nya at umalis na.
"Vanrick" Yun pala ang pangalan nya ang pangalan ng taong nagparamdam ng kakaibang emosyon saakin.
Download NovelToon APP on App Store and Google Play