NovelToon NovelToon

FREEDOM

Elle

Elle
Elle
It's been a while..
Elle
Elle
Nakabalik din dito sa Manila
Elle
Elle
NovelToon
Elle
Elle
Ang daming nabago sa mga paborito kong tambayan non..
Elle
Elle
Natatandaan ko nung college, dito yung paborito naming tambayan ni Stell pagkatapos ng klase
Elle
Elle
Tapos food trip ng kwek-kwek at balut sa baba ng tulay bago umuwi..
Elle
Elle
Kumusta na kaya yung bano na 'yon?
Elle
Elle
NovelToon
Elle
Elle
Hindi pa kami nagkikita mula nung makabalik ako rito
Elle
Elle
I-surprise ko kaya si tukmol?
Elle
Elle
Kaso last time na sinurprise ko sya ang ending ako pa ang nasurpresa
Elle
Elle
Bano talaga
Elle
Elle
NovelToon
4 years ago
Sa bahay nila Stell
Elle
Elle
💭
Elle
Elle
Buti na lang talaga at game na game sila tita sa pasurprise ko kay Teytey
Elle
Elle
pinadala pa talaga nila sakin ang susi ng bahay nila 😁
Gumawa ng GC si Elle kasama ang pamilya ni Stell para kuntsabahin sila sa gusto nyang prank-surprise sa kanyang best friend. Napag usapan nila na ang ipapaalam nila kay Stell ay magkakaroon lang sila ng birthday dinner celebration sa araw na 'yon. Sinadya nilang lahat na wala sa bahay at nagkunyaring mga busy sa labas ng bahay. Ang totoo ay umaga pa lang ay naghahanda sila sa pag dedecorate sa resort na inarkila nila para doon talaga i-celebrate ang birthday n'ya overnight.
Ang dapat na mangyayari ay pupuntahan n'ya sa bahay nang hapon na 'yon si Stell, para sabihing nag aaway at nagpisikalang away ang mama at papa n'ya sa store nila sa bayan. Susunduin n'ya kunyari si Stell para ipaawat yung "away" ng parents n'ya. Dapat OA ang acting n'ya sa harap ni Stell. Dapat convincing. Pang FAMAS. Best actress. Yung acting na mahihiya sina Vilma Santos at Angel Locsin sa gagawin n'ya. Pinaghandaan n'ya talaga ang moment na 'to. Ilang araw rin s'yang nagpractice sa harap ng salamin tuwing pagkatapos maligo.
*Bumuntong hininga sabay bukas ng pinto*
Elle
Elle
💭
Elle
Elle
Aba hanep na batang 'to, ang lakas ng patugtog
Elle
Elle
Nandito pa lang ako sa sala rinig na rinig ko na yung speaker n'ya sa kwarto
Elle
Elle
Parang tanga
Elle
Elle
Sad boy yaern?
*Dahandahang umakyat papunta sa kwarto ni Stell*
🎼🎵🎶
🎶🎵ikaw, ang pag ibig na hinintay🎶
🎵puso ay nalumbay nang kay tagal ngunit ngayo'y nandito na, ikaw🎶
*kalabog sa pagbukas ng pinto*
Elle
Elle
Tey!!!
Elle
Elle
Sila tit--a
NovelToon
Stell
Stell
Elle!!!
Stell
Stell
Anong ginagawa mo rito?
Stell
Stell
shit, shit, shitttt
Aira
Aira
???
Aira
Aira
And who's this girl? Ate mo?
Stell
Stell
Yes--
Elle
Elle
??? Hoy!
Stell
Stell
--I mean, no-
Stell
Stell
Pinsan ko pala
Elle
Elle
Pinsan?
Elle
Elle
tayo?
Elle
Elle
kelan pa?
Aira
Aira
???
Stell
Stell
Ok, not by blood pero-
Elle
Elle
Magbestfriends tayo, Tey. Hirap na hirap banggitin?
Elle
Elle
Ok, listen, sorry for interrupting your business here
Elle
Elle
Babalik na lang ako mamayang hapon
Aira
Aira
Wait, bestfriends kayo?
Aira
Aira
And you have the access to enter their house and even my boyfriend's room easily?
Elle
Elle
Uhm..
Elle
Elle
Parang.. Ganun na nga?
Stell
Stell
Hinde, babe listen, para na kase kaming magkapatid ni Elle
Stell
Stell
And close na sya sa family ko since senior high school pa lang kami
Aira
Aira
I never heard of her
Aira
Aira
Never mo s'yang nakwento sakin
Stell
Stell
Kase nga hindi mo pa sya kilala, babe. Ipapakilala pa lang sana kita sa kanya
Aira
Aira
Pero itinago mo sa'kin na may girl best friend ka
Stell
Stell
I didn't bother to mention you about her kase nga wala naman s'ya sa relasyon natin
Elle
Elle
Ay wow, aray ha?
Stell
Stell
I mean-
Stell
Stell
You are important pero.. Gets mo naman sana di 'ba, bes?
Elle
Elle
Joke lang, bes. Alam ko naman, ano ka ba.
Elle
Elle
Kaya nga aalis na muna ako eh, chat ka na lang mamayang hapon
Stell
Stell
Sige, thanks bes!
Elle
Elle
Sorry ulet
*Sa Park ng Subdivision* Nauwi sa wala lahat ng pinaghandan nyang prank sana kay Stell. Pero ayos lang. Babawi na lang s'ya sa surpresa nila kay birthday boy mamayang gabi sa resort. Wag na sanang maudlot.
Elle
Elle
💭
Elle
Elle
Gagong 'yon
Elle
Elle
Naggirlfriend nang hindi kinukwento sa'kin
Elle
Elle
Daf*ck yun pa talagang si Aira na pinaglihi sa kaartehan ang niligawan n'ya
Elle
Elle
Ang dami daming babaeng naghahabol sa kanya sa campus, yun pa ang napili ni tukmol
Elle
Elle
E 'di sana sa aso na lang s'ya nagpahabol
Elle
Elle
NovelToon
Elle
Elle
May paganun ganun pang nalalaman si gago e
Elle
Elle
cringe
NovelToon
Stell
Stell
Hoy, nandito ka lang pala
Elle
Elle
Oy, kumusta naman ang birthday boy na may new girlfriend as his birthday present sa sarili?
Stell
Stell
Baliw
Stell
Stell
So.. Ano?
Elle
Elle
Anong "ano"?
Stell
Stell
Ba't ka sumugod sa bahay kanina?
Elle
Elle
Tingin mo?
Stell
Stell
Kase namiss mo 'ko?
Elle
Elle
Eww
Stell
Stell
Kase pogi ako?
Elle
Elle
What duh--
Elle
Elle
Aalis na lang pala ako at parang may paparating na bagyo
Elle
Elle
Lakas ng hangin mo e
Stell
Stell
De, joke lang, 'to naman
Stell
Stell
Alam ko namang birthday ko
Stell
Stell
Pero sana hindi ka bigla biglang sumusulpot na lang
Stell
Stell
Hindi ka nga kumatok sa kwarto
Elle
Elle
Ay wow, sorry ulet ha?
Elle
Elle
Malay ko ba na may ibang tao na pala ngayon na pwedeng pumasok sa kwarto mo bukod samin ng pamilya mo
Stell
Stell
..
Elle
Elle
Saka ang lakas lakas ng cringy song na pinapatugtog mo. Useless din ang katok, nuh
Stell
Stell
Pero ok lang
Stell
Stell
Hindi naman ako galit
Stell
Stell
Nagulat lang din talaga ako kanina
Elle
Elle
Oo nga e, kung anu-ano na pinagsasabi mo
Elle
Elle
Naging magpinsan pa tayo sa harap ng girlfriend mo
Stell
Stell
-ex girlfriend
Elle
Elle
Ex girlfriend?
Elle
Elle
Hahahahahah gago
Elle
Elle
E nakasulat sa board kanina sa kama mo "will you be my girlfriend", ano yon?
Stell
Stell
Tama naman
Stell
Stell
Sinagot n'ya ako kanina after nung surprise ko sa kanya
Stell
Stell
we talked,
Stell
Stell
Nag snacks sa sofa ng kwarto ko
Stell
Stell
Pinarinig ko sa kanya yung mga songs ni Moira na paborito ko,
Stell
Stell
Yun yung naabutan mo
Elle
Elle
Uhmm, okay?
Elle
Elle
Pero sure kang kumain lang kayo?
Stell
Stell
Huh?
Elle
Elle
Nag usap lang kayo sa kwarto?
Elle
Elle
🤨🫢
Stell
Stell
Gago hindi naman ako ganon na tao, nuh
Elle
Elle
E 'bat mo 'ko nimumura? 😠
Stell
Stell
Ikaw e, pinag iisipan mo ako ng masama
Elle
Elle
Defensive, wala naman akong sinabi.
Elle
Elle
Tinatanong lang kita
Stell
Stell
Whatever
Stell
Stell
So, bakit ka nga kase pumunta? Parang may sasabihin ka kaninang hindi mo na natuloy sabihin, e
Elle
Elle
A, wala naman, ok na
Elle
Elle
Sila mama at papa mo kase
Elle
Elle
Nag aaway sa tindahan nyo nung dumating ako
Stell
Stell
???
Stell
Stell
Seryoso ba?
Elle
Elle
Oo, sinakal ng mama mo si tito kaya tumakbo na ako dito para sana ipaawat sayo
Stell
Stell
Tanga lang maniniwala sayo, bes
Stell
Stell
dinudurog nga ni mama yung lamok na kumakagat kay papa kase ayaw nyang nasasaktan yon
Stell
Stell
Kung may definition ng OA na pagmamahalan, parents ko na 'yon
Elle
Elle
*dun ka pala siguro nagmana*
Stell
Stell
Ha? May sinasabi ka?
Elle
Elle
Hinde, wala
Elle
Elle
Pero seryoso nga, nag aaway sila kanina pero naayos ko rin naman
Stell
Stell
Naks
Stell
Stell
Anong ginawa mo? Pano mo sila napagbati?
Elle
Elle
Binigyan ko si tita ng kutsilyo, si tito naman binigyan ko ng malaking gunting
Elle
Elle
Magsaksakan kako kayo
Elle
Elle
Ayun, nagsitigil
Stell
Stell
Totoo ba yan, bes?
Stell
Stell
Hahahah sira na yata ulo ng dalawang yun e, lakas ng trip minsan
Elle
Elle
Pero yung kanina, seryoso, anong nangyari after kong umalis?
Stell
Stell
Wala, I tried to explain pero ayaw n'yang makinig sa'kin
Stell
Stell
sinaktan ko raw s'ya by not telling her your existence
Stell
Stell
May halak yata sa utak yung babaeng 'yun e
Stell
Stell
Umay
Stell
Stell
Kaya ayun, makikipaghiwalay raw s'ya
Stell
Stell
Tapos nung sinabi ko namang "Okay, sige" lalong nagalit sakin tapos umiyak saka umalis
Elle
Elle
Gago, at hindi mo man lang hinabol?
Stell
Stell
Ba't ko hahabulin?
Stell
Stell
Never in my life to chase someone as dumb as her
Stell
Stell
Ako ang hinahabol ng mga babae, ba't ko pa s'ya hahabulin?
Elle
Elle
Whatever
Elle
Elle
Buti na lang talaga best friend kita
Elle
Elle
Red flag na red flag sa'kin yang ganyan e
Stell
Stell
Pake ko
Stell
Stell
Tara na

Elle Throwback

NovelToon
NovelToon
NovelToon
NovelToon
NovelToon
NovelToon
Elle
Elle
Ba't ba tayo lumayo sa cottage? Baka hanapin tayo nila tita
Stell
Stell
Hayaan mo sila 'don
Stell
Stell
dito muna tayo
Stell
Stell
tayo muna
Elle
Elle
Huh?
Stell
Stell
Hayaan mo na kako muna sila don magvideoke. Naiingayan na ako sa totoo lang
Elle
Elle
A..
Stell
Stell
Makalyo pala talaga palad mo 'noh?
Elle
Elle
**binawi ang kamay sa pagkakahawak ni Stell**
Elle
Elle
judger
Elle
Elle
Alam mo namang working student ako kaya ganito palad ko
Elle
Elle
At least pinaghirapan kong ipunin 'tong kalyo ko, duh
Stell
Stell
Luh s'ya
Stell
Stell
Dami agad sinabi
Stell
Stell
**sigh**
Stell
Stell
Parang nagkaamats ako sa isang bote ng Heineken kanina, kainis
Elle
Elle
weakling
Elle
Elle
Ang sabihin mo, mahinang nilalang ka lang talaga kahit kelan
Elle
Elle
Hahahah, tara maligo uli sa dagat?
Elle
Elle
Mawawala yang amats mo, pramis
Stell
Stell
Ayoko na, ang lamig kaya
Elle
Elle
Sige na, please? Balik din tayo agad dito after ilang lublob sa dagat
Stell
Stell
Lublob
Stell
Stell
Pag binaliktad?
Elle
Elle
Bol-
Elle
Elle
Woi!!! Gago ka talaga!
Elle
Elle
Baboy
Elle
Elle
**pinaghahampas si Stell**
NovelToon
NovelToon
NovelToon
NovelToon
NovelToon
NovelToon
Stell
Stell
Napagod ka noh?
Stell
Stell
Harot pa
Stell
Stell
Weakling ka rin e
Elle
Elle
Shut up
Elle
Elle
baka ikaw?
Elle
Elle
Kung anong laki ng katawan mo s'yang hina naman ng resistensya mo. Awit sa'yo
Stell
Stell
Malaki naman ang ano ko
Elle
Elle
Pakyu ka, babalik na talaga ako sa cottage
Stell
Stell
Ang abs!
Stell
Stell
Ano bang iniisip mo? Ikaw 'tong kulay plema ang utak tapos sakin ka magagalet
Elle
Elle
NovelToon
Elle
Elle
Sayo na 'yan
Stell
Stell
Ano 'to?
Elle
Elle
Bato
Stell
Stell
Ay, o? Gumaganti s'ya
Elle
Elle
mag usap kayo n'yang bato
Stell
Stell
Hahaha hayup na yan, akala ko naman kung ano na
Elle
Elle
Parang inaantok na ako bes, o baka dahil lang 'to sa alak
Stell
Stell
sandal ka dito sa balikat ko dali
Stell
Stell
pero wag mo 'kong tutulugan. Magchismisan lang tayo rito
Elle
Elle
Ano pang ichichismis ko sayo bes? E ultimo yata pag utot ng kapitbahay namin nakwento ko na sa'yo e
Stell
Stell
Si OA
Elle
Elle
Totoo naman, wala ka na yatang hindi alam sa'kin e
Elle
Elle
Ikaw na lang magkwento, medyo tinatamad din kase akong dumaldal ngayon
Stell
Stell
Uhm..
Stell
Stell
Ano bang ikukwento ko..?
Stell
Stell
Wala na rin akong maisip e
Stell
Stell
Langya, ang ending ako rin ang nag isip ng sasabihin. Hanep
Elle
Elle
Bakit ayaw mong magseryoso sa mga nagiging girlfriend mo?
Stell
Stell
Ay hala, ang sabi ko magchismisan tayo. Hindi ko sinabing i-hotseat mo ako
Elle
Elle
Bakit nga?
Stell
Stell
Happiness or chocolate na lang itanong mo bes, sasagot ako dali
Elle
Elle
Tskk
Elle
Elle
Bakit??
Stell
Stell
Kase..
Stell
Stell
Pwet mo may rocket?
Elle
Elle
pakyu namang kausap 'to o?
Elle
Elle
Seryosohin mo naman ako kahit minsan, matinong nagtatanong yung tao, e
Stell
Stell
Baka pag sineryoso kita lumayo ka?
Stell
Stell
NovelToon
Elle
Elle
Hah?
Stell
Stell
Hatdog
Elle
Elle
Hayp ka
Elle
Elle
Laseng ka na bes
Elle
Elle
D'yan ka na nga
**mabilis na tumayo si Elle pero..**
Stell
Stell
NovelToon
Stell
Stell
Stay!
Stell
Stell
Please?
Elle
Elle
💭
Elle
Elle
Gagong 'to, lasing na nga talaga. may stay-stay pang nalalaman, ano 'ko aso?💭
Elle
Elle
Bumalik na tayo sa cottage bes, baka hinaha--
Stell
Stell
NovelToon

Breakfast

The Next Day
Stell
Stell
Good morning
Elle
Elle
Aba, tita gising na po ang anak n'yong sinapian ng Heineken kagabi
Stell
Stell
Ha?
Elle
Elle
Hatdog
Stell
Stell
NovelToon
Stell
Stell
Ang aga aga, Elle. Tigil tigilan mo muna ako
Elle
Elle
Ay wow, tinatarayan pa ako ng anak n'yo, tita! Hahahah
Stell
Stell
Ma, may biogesic ka ba d'yan?
Stell
Stell
Sakit ng ulo ko, kainis
Elle
Elle
*Weakling*
Stell
Stell
Rinig kita
Elle
Elle
So?
Elle
Elle
Patingin pala ng tenga mo
Stell
Stell
Tenga ko?
Stell
Stell
Bakit?
Elle
Elle
Basta patingin
Elle
Elle
Yang sa kanan
Stell
Stell
NovelToon
Stell
Stell
bakit? Ano bang meron sa tenga ko?
Elle
Elle
Ay bhe, wag kang magpout-pout d'yan at ang sagwa mo tingnan
Elle
Elle
Pabebe
Stell
Stell
Ano ba kaseng meron sa tenga ko?
Elle
Elle
Wala ka talagang maalala sa pinaggagawa mo kagabi, bes?
Stell
Stell
Uhm..
Stell
Stell
Wala..
Stell
Stell
Yung naligo tayo sa dagat, tapos nagbonfire tapos nag inuman..
Stell
Stell
Bakit? Ano pa bang nangyari after non?
Elle
Elle
As in wala kang maalala?
Elle
Elle
Kaloka ka kaya kagabi, bes
Elle
Elle
Kung anu-anong pinagsasabi mo kagabi bago tayo bumalik sa cottage
Elle
Elle
hinatak mo pa ako pabalik kagabi kase sabi mo takot ka sa mga sirena at kay dugong pag umalis ako dun sa tinambayan natin.
Elle
Elle
Gago tawang tawa ako sa'yo kagabi. Ang weird mong malasing, bes.
Stell
Stell
luh..
Stell
Stell
Hindi nga? Hahahah
Elle
Elle
Oo nga
Stell
Stell
E kwento mo yan kaya muka akong tanga
Elle
Elle
Baliw muka ka talagang tanga kagabi, pero sobrang napatawa mo naman ako
Elle
Elle
Tapos eto pa ang malala
Elle
Elle
Tinatawag ka nila tita para tumulong ka sa pagliligpit ng mga gamit natin nung nagbonfire tayo
Elle
Elle
Alam mo anong sabi mo?
Stell
Stell
Ano?
Elle
Elle
Sinabihan mo lang naman sila tita na bilisan nilang kumilos at magtrabaho sa resort mo.
Elle
Elle
Sinisante mo pa si tito nung nakita mong pinagtatawanan ka n'ya
Elle
Elle
Siraulo ka talaga
Tito Jhun
Tito Jhun
Nagulat na nga lang ako, bigla akong tinuro ng tukmo na yan, sabi sakin..
Tito Jhun
Tito Jhun
"ikaw, oo ikaw na may dalang mga bote! Makupad kang kumilos. Sisante ka na"
Tito Jhun
Tito Jhun
Medyo may amats na rin ako ng alak kaya parang nakalimutan kong anak ko pala yung nagsesante sakin
Tito Jhun
Tito Jhun
Saka ko lang naalalang hindi naman pala ako trabahador dito sa resort, hahaha
Tita Mylene
Tita Mylene
Yan, sayo namana ng anak mo yang pagkamali-mali pag nakakainom ng alak, hon
Tita Mylene
Tita Mylene
Pati ako inuutusan mo kagabi na ikuha ka ng sabaw kase humihilab kamo ang tiyan mo
Stell
Stell
wala akong maalala sa mga pinagsasabi n'yo. Ang sakit n'yo sa ulo
Elle
Elle
But wait, there's more!
Elle
Elle
nung pumasok ka na sa kwarto n'yo kagabi, sabi mo tulog na sila tito kaya panay bulong ka
Stell
Stell
Bulong?
Stell
Stell
Bakit, katabi ba kitang matulog para bulungan kita?
Elle
Elle
Baliw! malamang hindi! Panay ang send mo sa'kin ng mga selfie mo kaya tinawagan na kita bago ka pa magsend ng kung ano sa'kin
Stell
Stell
Totoo nga?
Stell
Stell
Weh??? Di nga?
Elle
Elle
Ay, ayaw maniwala ni gago
Elle
Elle
icheck mo kaya convo natin?
Stell
Stell
NovelToon
Stell
Stell
Hala gagi oo nga
Stell
Stell
hindi ko talaga maalala yang mga yan
Stell
Stell
Mayghad
**Mga sinend n'yang pic kay Elle kagabi**
NovelToon
NovelToon
NovelToon
NovelToon
NovelToon
NovelToon
NovelToon
NovelToon
Elle
Elle
O ano, ayaw mo pa rin maniwala?
Elle
Elle
Alam mo bang sinuot mo pa yung eyeglasses mo para lang magsend ng selfies mo
Elle
Elle
Piniflex mo rin sakin yung mga hikaw mo sa tenga
Elle
Elle
If I know yung isa jan sa piercing mo ay naghilom na
Elle
Elle
Kaya ko chinicheck tenga mo kanina kase baka nagdugo o nasugatan ka sa pinaggagawa mo kagabi
Stell
Stell
Kaya pala medyo masakit tenga ko kanina paggising, pero ok naman na ngayon
Elle
Elle
Tapos hinubad mo pa yung t-shirt mo at nagflex ka ng muscles mo, parang tanga
Stell
Stell
If I know gustong gusto mo rin naman
Elle
Elle
Utot mo
Elle
Elle
Kaya ko nga inoff yung video call e. Baka kase magsayaw ka pa pag hindi ko i-noff yun
Elle
Elle
Kadiri
Stell
Stell
Makakadiri ka, e palihim ka rin namang sumusulyap sa braso ko
Elle
Elle
Kapal ng mukha neto
Elle
Elle
Tita o? Kargado na naman ng kabag anak nyo
Elle
Elle
Lumalabas yung masamang hangin sa bunganga
Tito Jhun
Tito Jhun
Naku, ganyang ganyan nagkatuluyan yung aso't pusa sa'min nung araw
Stell
Stell
Baka parehong may rabies yung aso't pusa sa inyo, pa?
Stell
Stell
Wala na sa katinuan yon kung nagkatuluyan sila
Tita Mylene
Tita Mylene
E parang kayo, parang aso't pusa pero laging magkasama
Tito Jhun
Tito Jhun
Ahermm..
Tito Jhun
Tito Jhun
Tanggap na tanggap naman namin si Elle sa pamilya kung sakali man
Stell
Stell
NovelToon
Stell
Stell
Teka lang, ma, pa parang lalong sumakit ulo ko sa pinagsasabi n'yo
Stell
Stell
Kung san san na napunta yung kwento, e
Stell
Stell
Saka, kahit si Elle na lang ang mahuling babae sa mundo na makakasama ko, e wag na lang. Magpapakatandang binata na lang ako pag nangyari yon
Elle
Elle
ay wow naman, hindi porket maraming naghahabol sayong mga babaeng mukang aso, e magiging isa na ako sa kanila.
Elle
Elle
Hinding hindi rin naman ako magkakagusto sa katulad mo, noh
Elle
Elle
Saka para lang kitang kuya. Bwiset na kuya
Elle
Elle
Kaya kalmahan mo lang
Stell
Stell
Tss..
Elle
Elle
Saka alam ko namang walang magkakagusto sa itsura kong 'to, bes. No need na ipamuka pa sakin yon, oki?
Stell
Stell
..
Tita Mylene
Tita Mylene
Oy, tama na yan at baka magkapikunan pa kayo
Tito Jhun
Tito Jhun
tapusin na natin 'tong almusal para makauwi na

Download NovelToon APP on App Store and Google Play

novel PDF download
NovelToon
Step Into A Different WORLD!
Download NovelToon APP on App Store and Google Play