NovelToon NovelToon

Falling In Love (BINI/Taglish)

Characters

( A Mikhaiah Novel - Falling In Love)

Mikhoel Jayzon Lim

- vb captain

- nonchalant

- cold

Ayasha Quinn Arceta

- smart girl

- softie

- pinaka "maganda" (daw)

****Ship******name**:

MikhAya

Disclaimer

The following novel is purely fictional and the plot is not associated to the actual historical records.

All the characters, businesses, places and incidents in this novel are either a product of the author’s imagination or used in a fictitious manner.

Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidentalish.

Before reading:

- Separate fiction to reality

- Happy shipping

- Ignore the grammatical errors

- Not proofread

- Enjoy!

Hello everyone, this is dashvinci. I am new to this app, so it’s a pleasure to meet you all. I am inviting you to read my second novel, I am actually a filipino and I am a fan of BINI. It must be rare to find a blooms here or a fan of BINI, but I am delighted to tell you that I would like to write a lot of BINI novels. Thank you everyone, happy reading!

Chapter 1

" Captain dito! " Sigaw ng isang player at lumapit naman ang captain nila at hinampas ang bola pabalik sa kabilang linya.

" Argh! " Dabog ng captain ng kabilang linya nang hindi masalo ng kakampi niya ang bola. Ngumiti naman si Mikho na parang nang-aasar.

Nag set naman si Mikho at ito ay hindi ulit nahampas ng kabilang linya. Galit na galit ang captain ng kabilang linya na si Simone.

Nag set ulit ito at natamaan si Simone ng bola at siya ay pagalit na tumakbo papalapit kay Mikho at bigla niya itong inambahan ng sapak sa mukha. Sakto naman na dumating ang tatlong kaibigan ni Mikho, nakita nila na sinapak ito ni Simone at tumakbo si Coleen para sapakin din si Simone.

" Mikho! " Sambit ni Coleen habang tinatapik niya ang mukha nito dahil nawalan ito ng malay. Tumakbo rin papalapit si Gio at Joey, agad naman inawat ni Joey si Simone at pinagsabihan.

" Mikho, gising bunso! " Binuhat naman ni Coleen si Mikho papuntang clinic at pinagpahinga roon, nagising rin naman agad ito.

.

.

.

.

.

.

" A-ate Cole? " Tumingin naman agad sa kaniya ang nakatatanda niyang kaibigan at lumapit ito sa kaniya sabay haplos sa buhok nito at may bakas ng pag-aalala ang mukha nito.

" Mikhs, okay ka lang? May masakit ba sayo? " Tumango naman ang nakababata at dahan-dahan na umupo. Binigyan naman ni Coleen si Mikho ng pagkain para may laman rin ang tiyan nito dahil mahigit isang oras rin ito walang malay.

" Bat ka ba kase sinapak ni Simone? May ginawa ka nanaman bang katarantaduhan? " Napakmot naman ang nakababata sa ulo at ngumiting pilit. Binatukan naman ito ni Coleen ng mahina at tumawa lang si Mikho.

" Nakita ko yan kanina, natamaan ba naman si Simone ng bola pagkaset ni Mikho " Sambit ng babaeng papasok sa clinic na si Joey, isa pa nilang kaibigan. May mga dala itong libro para mag-aral.

" Wag mo na uulitin yon Mikho, baka hindi lang sapak ang maabot mo kay Simone. " Ngumiti lang ito kay Coleen at nagsimulang maglakad paalis ng clinic. Nabitawan naman agad ni Joey ang libro na kaniyang binabasa dahil aalis na sila para sa susunod na klase. Sinenyasan naman ito ni Coleen na sabay-sabay na sila dahil pare-parehas naman sila ng pupuntahan.

Pagkalabas ay nakita nila si Gio na nakasandal lang, kinuha naman ito ni Joey para sumabay na rin ito.

.

.

.

.

.

.

.

Pagkapasok nila sa classroom ay pinuntahan naman agad ni Coleen ang kaniyang girlfriend na si Yves.

" Hi uyab " Kaagad naman itong humalik sa pisnge ni Yves at tinabihan sa upuan. Binigyan naman ni Gio ng isang ' disgusted' ' na tingin si Yves at Coleen.

" Uyab si Gio oh " Nang-aasar na sumbong ni Yves kay Coleen, natawa naman si Coleen at humarap kay Gio na nang-aasar din, kumunot lang naman ang noo ni Gio.

" Inggit ka lang Gio eh, wala ka kaseng bebe " Natatawang sagot ni Coleen, hindi naman ito sinagot ni Gio at napakamot nalang sa ulo.

" Nonchalant lang daw kasi siya forever " Sambit naman ni Mikho na kakaupo lang at nagbabasa, umupo naman si Joey sa tabi niya at nakibasa sa libro.

" Oo nga pala uyab, magtransfer daw pinsan ko here sa school " Narinig naman iyon ni Mikho at napatingin sa dalawang babaeng magkahawak ang kamay na nakapatong sa lamesa.

" Si Aya ba uyab? " Tumango naman ito kay Coleen. Tiningnan naman niya ang magiging reaksiyon ng tatlo na kanina pa tahimik.

" Tsaka pala si Shina at Stacy, magtransfer daw silang tatlo " Ngumiti lang si Coleen sa kaniyang girlfriend at tumingin kay Gio na naglalaro lamang sa kaniyang phone

" Gi, feeling ko bagay kayo ni Shina. Yung isang kaibigan ni Yves, bagay kayo nun kaso magkaiba lang kayo ng vibes. " Nakangiti lang ito at naka thumbs up ang kamay, tinignan lang ito ni Gio at binigyan niya ito ng ' are you serious? ' look.

" Not interested. " Sabi naman ni Gio na may pagkalamig ang tono sa kaniyang boses. Napansin naman ng magkasintahan na tahimik lang ang dalawa na si Mikho at Joey.

" Kayong dalawa, ikaw Joey bagay ka kay Stacy, tutal pareho kayong OA. " Nanlaki naman ang mata ni Joey nang mabanggit ang pangalan niya. Napakamot lang rin ito sa kaniyang ulo.

" Study first yan si Jo. " Sambit ni Mikho na nagpabuntong hininga kay Joey. Ngumisi naman si Coleen nang magsalita si Mikho.

" Ikaw Mikhs... bagay kay Aya " Bigla naman tumingin si Mikho kay Coleen at binigyan niya ito ng ' what the heck? ' na tingin dahil hindi siya sanay na may nagsh-ship sa kaniya sa hindi niya kilala o sa ibang tao.

" Mikho and Aya, boom MikhAya. May shipname na agad kayo Mikhs " Nakangiting sabi ni Coleen na nagpakunot sa noo ni Mikho. Pati si Yves at Joey ay natawa sa reaksiyon ni Mikho dahil may nagsh-ship sa kaniya sa hindi niya kilala.

" Angas mo naman Mikhs, hindi pa kayo magkakilala pero may shipname na kaagad kayo. Support ako pare HAHA " Natatawang sabi ni Joey at binatukan naman siya ni Mikho na mahina. Tahimik lang si Gio habang pinapanood ang mga kaibigan niyang nagbabangayan.

" Tahimik ni pareng Gio ahh, isip nga tayo shipname niyo nung kaibigan ni ate Yves " Sambit ni Joey at napakunot na rin ang noo ni Gio na parang napipikon na at onti nalang ay mababatukan na niya rin si Joey.

" Tumahimik ka Joey at baka ikaw ang mabigyan ko ng shipname nung Stacy. " Higante naman ni Gio pero naka poker face pa rin ito, natahimik nalang din si Joey pero nakaisip nanaman ito ng pang-asar kay Gio.

" Gio and Shina, GioShi! Bagay ah! " Masayang sabi ni Joey at nang-aasar pa rin. Binatukan na rin ito ni Gio dahil sa labis na pagkapikon. Nagtawanan naman ang magkasintahan pero si Mikho ay tahimik lang din. Sanay kase si Mikho at Gio na tahimik lang kaya hindi sila pareho masyado nagsasalita.

" Joey and Stacey, Jocy!! " Pikon na saad ni Gio at tumingin sa ibang direksiyon para mabawasan ang pagkapikon. Namula naman si Joey kahit hindi dapat siya mamula, tinago niya nalang ito at nanahimik dahil ayaw na niyang mabatukan pa ulit.

" Pero alam mo Mikho, kung hindi ka pa nakakausad sa ex mo, oks lang yan tol. Makakausad ka rin. " Sambit ni Coleen at tumatak naman ito sa isip ni Mikho.

" Nakausad na ko. " Malamig nitong sagot, ni-hindi rin nila alam kung bakit biglang naging malamig ang pakikitungo ni Mikho sa ibang tao dahil dati ay hindi naman ito malamig. Ito ay masayahin pa dati pero siya ay naging nonchalant na at tahimik na Mikho.

" Kelan ka kaya babalik sa dati, Mikho? " Sabi ni Coleen sa isip niya dahil bilang pinaka matanda sa kanilang magkakaibigan ay responsibilidad niya rin na protektahan ang kaniyang mga bunso, para na rin niya itong mga kapatid. Hindi niya hinahayaan na may masaktan sa kanilang tatlo, sobrang maingat na tao si Coleen pagdating sa kaniyang pamilya, kaibigan, mga mahal sa buhay o kanino man. Kaya't marami ang humahanga sa kaniya at isa na rito si Yves.

" Kelan pala magt-transfer dito si Aya, uyab? " Tanong ni Coleen sa kaniyang kasintahan na nagm-make up

" Hindi ko sure uyab eh, baka bukas na siguro. Naghahanap pa kase yon ng condo na matitirahan niya. " Lumingon naman si Coleen kay Mikho dahil alam niyang meron pang bakanteng kwarto ang condo nito at pwede sila maging roommates.

" Yan si Mikho uyab oh, may isa pa yan kwarto sa condo niya. Pwede naman sila maging roommates, if okay lang kay Aya uyab " Tumango naman si Yves bilang pag sang-ayon sa suhestiyon ng kaniyang kasintahan, napalingon naman si Mikho nang mabanggit ang kaniyang pangalan at ang tungkol sa isang kwarto pa sa kaniyang condo.

" Huh? Why sa condo ko? Marami naman ibang condo riyan ah, maghanap nalang siya ng sarili niyang condo. " Sabi ni Mikho na ipinagdadamot ang kaniyang condo dahil ayaw nito na may kasama sa condo.

" Dali na Mikhs, roon muna siya magstay at pag nakahanap na siya ng condo niya lilipat rin yon. " Pagpapakiusap ni Yves kay Mikho, wala naman itong palag at nagawa dahil kapag si Yves ang nangulit sa kaniya ay hindi rin siya makakapalag dahil parang totoong kapatid na niya rin ito.

" Fine, fine. Basta hindi siya mag-iingay, kundi papaalisin ko siya sa condo ko. " Sungit na sambit ni Mikho at tumango lang si Yves, medyo may pagkaingay kase ang pinsan ni Yves.

" Thank you Mikho, hulog ka talaga ng langit!! " Sambit ni Yves at hindi lang umimik si Mikho. Dumating rin naman agad ang kanilang guro at nagsimula na rin ang klase.

" Okay guys, may announcement ako. Bukas na bukas, may magiging bagong mga kaklase kayo na makakasama niyo this whole school year okay? So hintay lang at makikilala niyo rin sila. " Announce ng guro at tumango lang ang mga estudyante bilang sagot. Malamang ito ay ang pinsan ni Yves at ang kaniyang dalawang kaibigan. na magt-transfer sa kanilang school.

Ganun lang din ang naganap sa buong klase, tawanan ng magkakaibigan, bangayan o bardagulan at iba pa. Mukhang madadagdagan ulit ang kanilang mga kaibigan at makakabuo ng circle of friends.

Chapter 2

Mikho's POV:

Hindi ako nag tagal sa school dahil marami pa kong gagawin at kailangan na daw 'yon maipasa next na pasukan. Nagstay pa sila ate Cole, Joey at Gio sa school dahil naglaro pa sila ng volleyball.

Maaga rin ako gumising para pumasok dahil may training pa kaming apat para sa laro, may paparating kasing competition, maglalaban-laban daw ang team namin at team ng ibang school.

Naglalakad ako mag-isa sa hallway dahil hinihintay ko pa yung tatlo nang may marinig akong tawanan sa bakod ng school, malapit lang rin kase ang hallway roon kaya pwede mo marinig kung ano yung nangyayari.

Iniliyad ko ang aking ulo para makita kung ano yung nangyayari at may isang babaeng umiiyak habang pinagtatawanan siya ng isang grupo ng lalake at babae, lumaki naman ang aking mata nang makita kong binuhusan ng tubig yung babae sa ulo niya. Nabitawan ko ang dala kong bag at biglang tumakbo papalapit sa kanila.

Nagulat naman silang lahat nang tinanggal ko ang jacket ko para ipatong sa babaeng umiiyak. Agad silang umatras dahil tinignan ko sila ng masama at parang nagliliyab na ang mga mata ko sa galit.

Ano ba meron sa babaeng to bat trip nila?

" Andyan na si Mikho, takbo! "

Sigaw ng isa at tumakbo naman ang ilan sa kanila para lumayo sa akin.

Damn, basa na rin ako. Wala pa naman akong pamalit tss.

" You okay? " Walang gana kong tanong sa babae na ngayon ay katabi ko at walang imik habang inaalala ang nangyari kanina. Tumango lang ito at sumisinghot pa rin, tumawa lang ako ng bahagya dahil para siyang basang sisiw at batang nagsusumbong dahil may umaway sa kaniya.

Sinong mag-aakala na may isang babaeng ganto kaganda ang binubully?

Well.. thats a fact, maganda naman talaga siya. I don't even know why she's getting bullied and i.. never saw her in the school? Kabisado ko na ang buong school kaya kilalang kilala ako, but i've never seen a beautiful girl here. I found myself looking at her, like... admiring from afar but its different, im not far away.

" Whats your name? " I ask that out of nowhere and i don't know why.. she didn't answer and just keep staring at the ground, i chuckled again.

" Ayasha, Aya nalang itawag mo sakin. " My world stopped and i froze in my position.

Thats.. ate Yves' cousin.. what a small world huh?

" So, its you " She gave me a confuse face and i chuckled over again and again like a crazy. Ang cute niya kapag confuse na confuse siya kung ano nangyayari.

Nah, what i'm thinking is freaking wrong!! She's not cute but.. my heart keep saying yes! ARRGGHH!

What are you saying Mikho?! You're out of your mind and a freaking insane!

Okay okay calm down self, we just met her so calm down

" You're ate Yves' cousin right? " She nodded at me while looking at the sky peacefully. Ang ganda niya kapag walang emosyon yung mukha niya.

" How did you know that? "

" I'm ate Cole's friend, ate Yves is her girlfriend. " She smiled at me, i hate that smile.. but nevermind i don't care at all. She suddenly held my hand, that made me flustered. Huh flustered?? I gave her a confuse face and she just chuckled.

" So.. you must be Mikho? " She chuckled again, arghhh! She's so happy, that makes me annoyed... but its fine, i always encouter things like this. But their smile annoys me and i don't know why.. maybe i'm just not a happy person and like a person full of sadness or what? Bruhhh...

" Yes, I am Mikhoel, but I prefer if you call me Mikho " She nodded and she let go of my hand slowly, that makes me calm for a bit. I opened the zipper in my bag and get my snack, and i gave it to her while she gave me a confuse face again. I just smiled and she understands what i'm saying and she starts to eat while we share the snack. Mhmm she hums because the snack is too delicious and too salty, i guess she likes Lays? Until.. she eats the food just for herself, i just let her because i know she's tired and she's wet because of the water that the bullies poured her.

After she eat, i stand up and lend a hand to her, wanting to help her to stand. She immediately accepts it, at dahan-dahan na ipinagpag nito ang kaniyang damit. Ako na ang kumuha ng kaniyang mga gamit at nilagay ito sa likuran ko, nagtaka naman siya kaya ngumiti lang ako at sinasabi ko sa aking mata na ako na ang magbubuhat ng mga gamit niya. She just nodded and starts to walk, i just followed her. I know we're already late but i don't care, atleast i made a friend... maybe?

.

.

.

.

.

.

Pagkapasok namin sa classroom ay pinagtitinginan kami ng lahat at ang professor namin ay nakatingin na rin, ngumiti lang ako ng pilit sa kaniya. Nagulat din naman sina ate Yves, ate Cole at Joey. Nakatitig lang kasi samin si Gio at hindi alam kung ano ang nangyayari. May nakita naman akong dalawang babae na katabi nila na gulat na gulat rin, yung isang babae ay sobrang balot ng pink.. daig pa barbie, tsk. Yung isa naman ay naka glasses lang at parang siya yung pinakabata sa aming lahat, ito na siguro yung mga kaibigan pa ni ate Yves.

" Ms Lim, why are you late in my class? And you, you are Ms Arceta right? " Ang babaeng katabi ko ay tumango lang at sinimulan na maglakad papalapit sa gitna para magpakilala, habang ako naman ay naka peace sign sa professor namin at tumango lang siya tsaka na ako dumiretso sa upuan ko na nasa pagitan lang ni ate Cole at ng isang upuan na walang nakaupo, nasa tabi naman nito si Joey na katabi ni Gio. Iisang row rin kase kaming magkakaibigan.

" Hi guys, my name is Maraiah Queen Arceta. Just call me Aiah, i live from Cebu and my hobbies is to play with my dogs and cats.. thats all thank you. " I smiled at my desk knowing that she has confidence and the professor just nodded.

" Okay Ms Arceta, sit beside Ms Lim. " She nodded and went to the chair that is beside me, i helped her sit and she smiled while i just nod. Siniko naman ako ni ate Cole ng marahan at mahina na parang nang-aasar, inirapan ko lang ito at humalakhak siya ng mahina,

mapangasar talaga to eh

" Okay uhm, since the two students over there na hindi pa nag i-introduce, punta kayo dito sa gitna. " Tumayo naman yung dalawang babae na nasa tabi lang ni ate Yves at ito ay pumunta sa gitna. Unang nagpakilala yung babaeng sobrang pink yung suot.

" Hi everyone! My name is Stacy Aurelie Sevilleja, i'm from Nueva Vizcaya and i like pink, halata naman sa suot ko diba? And i thank you! " argghhh, sobrang kikay naman nito, shes also too loud!! Next naman na nagpakilala yung isang babae na kasama niya.

" Hi guys! My name is Shina Mei Catacutan, i'm from Isabela and i love to make people laugh! Thank you, mwa!! " She's oa for a little bit but its okay.. i guess.. well i just hope na masaya siya kasama. But.. base on ate Yves' kwento ay masayahin daw iyon at tawa ng tawa, malakas din daw tawa niya. I guess.. a little fun, bakit hindi subukan diba?

Umupo na yung dalawang babae sa tabi ni ate Yves at naglesson lang yung professor maghapon na hanggang sa mag lunch na, balak ko sana ilibre si Aya ng pagkain. Naabutan ko siyang nagliligpit ng mga gamit niya kaya nilapitan ko naman ito agad.

.

.

.

.

.

.

" Uh hey.. " Lumingon lang siya sa akin ng hindi tinatanggal ang tingin sa kaniyang bag at nag-aayos pa rin. She just hummed as an answer.

" Uhm.. gusto sana kita ilibre ng lunch? You know... sasabay kase ako kila ate Cole so baka gusto mo na rin sumama? " She just nodded and finished fixing her things, nandito pa rin sila ate Cole at hinihintay kami. Ngumiti lang ito na nang-aasar at naintindihan naman agad ni Joey ang iniisip nito habang si Gio ay nakatingin lang dun kay Shina. Natamaan ata si giochalant?

" Ikaw Mikhs ah, 'di mo sinabi samin na dalaga ka na pala " Nang-aasar na saad ni ate Cole, binigyan ko naman ito ng kunot na noo at itinaas ang kamay na kunyareng aamba na ng suntok. Tumawa lang naman yung mga tarantado at inasar ako ng inasar. Sinamahan ko lang sila, kasama na rin namin si Stacy at Shina. I guess new friends?.. new cof din

I guess.. this will be a great school year. Thank you lord, i have found my true friends, new circle again..

please be good at me this time lord, sana hindi na maulit yung dati.

Download NovelToon APP on App Store and Google Play

novel PDF download
NovelToon
Step Into A Different WORLD!
Download NovelToon APP on App Store and Google Play