NovelToon NovelToon

Teresa: The Bloodthirst

Prologue

Third Person's Point of View

"Glenny! Bilisan mo! Ano ba!? Why so bagal kumilos!? Argggh!" Pagdadabog ni Gina sa kaibigan niyang si Glenny na pababa palang ng kanilang kotse.

"Oo na, eto naman masyadong atat kala mo maganda. Psssh!" Pabulong na tugon ni Glenny at nagmamadaling naglakad para makahabol sa kaibigan.

"See!? The sun is about to set na and hindi pa tayo nakakapagselfie! Naghihintay na yung mga fans ko sa Enstagrame kaya dalian mo na and bring out the phone! Ambagal!" Pagrereklamo ni Gina na pasekretong inirapan naman ni Glenny.

*Snap* *Snap* *Snap*

"Isa pa daliiiii!" Sambit ni Gina at nagpose sa camera ng parang walang bukas.

*Snap* *Snap* *Snap*

"Gina, beshy ang dilim na, I think we should go home na. And it's so daming lamok na here." Maarteng sabi ni Glenny sa kaibigang busy kakapose sa kanyang camera phone.

"Okey. Okey. Eto na, last na. Picturan mo ako dun sa may tree over there!" Mataray na tugon naman nito.

Kitang-kita ang pagkairita sa mukha ni Glenny ngunit wala siyang nagawa kundi sundin ang utos ng kaibigan. Naglakad sila papunta sa isang malaking puno na para bang iilang dekada nang nakatanim doon. May butas ito sa gitna at mukhang marupok na ang mga sanga nito.

Nagmamadaling lumapit si Gina sa puno at agad na umawra, kumuha naman ng magandang angulo si Glenny upang makuhanan ng magandang litrato ang kaibigan.

*Snap* *Snap* *Craaaack!*

"AHHHHHHHHHHH!" Malakas at nakakabinging tili ni Gina. Nanlaki ang mga mata ni Glenny dahil sa kanyang nakikita. May kungsino/ano ang humihila kay Gina papasok sa butas ng puno. Malakas ang pagkakahila nito at pilit na pinagkakasya ang kawawang babae sa butas na naging dahilan para magkabali-bali ang ilan sa mga buto ni Gina. Malalaking sugat, nagsikalat na dugo, maingay na sigaw at pagmamakaawa mula kay Gina ang maririnig sa buong paligid.

Nakatulala, patuloy at wala sa sariling kumukuha parin si Glenny ng litrato. Hindi ito makagalaw ng dahil sa sobrang pagkabigla, ni hindi niya magawang tulungan ang kaibigan. Nanginginig siya sa takot at unti-unting nabitawan ang cellphone na ginamit upang kumuha ng mga litrato.

Glenny unconsciously walked backwards as she witnessed her friends' last breath in front of her, her body trembled in fear while her lips began to dry and turn pale.

Hindi niya alam ang gagawin, dapat niya ba itong isumbong sa mga pulis? Paano kung siya ang pagkamalang pumatay sa kaibigan? Sin-

*Peeeeeeeeeeppppp!* *BANG!*

Ngunit sa isang iglap ay may humaharurot na kotse ang biglang bumungad sa harapan ni Glenny. Wala nang buhay ang babae na naipit sa pagitan ng isang kotse at puno, tumutulo ang kanyang dugo mula sa noo kung saan nakatusok ang isang matalim na sanga mula sa puno. Mukhang bali-bali din ang ilan sa mga buto nito at halos tumalsik palabas ang mga mata dahil sa mahigpit na pagkaka-ipit.

Bumaba ang nagmamaneho ng kotseng nakabangga kay Glenny, ngunit imbes na pagkabahala, ay isang nakakatakot na ngiti ang nakasilay sa kanyang mga labi.

"Be afraid, be so afraid.

'Cause I'll make sure not even one of you will stand awake.

Watch me as I take your life out of you,

blood will flow like river but all you can do was shake in pain and suffer." Nakangisi nitong sambit at humalakhak ng parang demonyo bago maglakad papalayo na parabang walang nangyari...

Chapter 1

Third Person's Point of View

Santibañez University a University known for it's high standards in teaching, a school only the RICHEST can afford and only accepts the best. Best teachers, best technologies, a school for perfectionists, with its best and outstanding students. A school known for it's perfection.

Ito rin ang dahilan kung bakit kakaunti lamang ang makikitang scholar sa unibersidad na ito. Maliban sa sobrang hirap makapasa at makapasok dito, halos lahat din ng mga scholar students ay kusang-loob na umaalis sa unibersidad dahil sa mga mayayamang bullies na hindi magawang ikick-out ng unibersidad dahil sa kapangyarihang taglay ng kanilang mga magulang, in other words, 'The Spoiled Brats'. Pero, kagaya ng kasabihang,

'There's always a light somewhere in the darkness.'

May isang section sa unibersidad na nakabukod-tangi sa lahat. This section is known as the 'Acme Section'. Just like other students, mayayaman at sikat din ang mga estudyante sa section na ito, the only difference are, students in the Acme Section are smarter, more responsible, have different unique personalities and most of them are the 'Heirs' o 'Tagapagmana' ng kani-kanilang kumpanya, kung tutuosin ay ilan sa mga ito ay kilala na bilang CEO na mga bata palamang ay napagmanahan na ng mga responsibilidad ng kanilang mga magulang.

Kagaya na lamang ng isang grupo ng mga estudyanteng ito na nakaupo ngayon sa VIP Room ng school cafeteria.

Angelene's Point of View

"Shut the f*ck up Jethro!" Nanggigigil na sigaw ko kay Jethro dahil kanina pa niya ako tinutukso sa kaklase naming si Fritz, ayun sa kanya, umamin daw si Fritz na crush ako nito kaya walang tigil ang pangaasar na natatanggap ko sa buong section. And I don't like being teased. Nakakabwesit! Nandito ako ngayon sa VIP Room ng school cafeteria kasama ang buong tropa na sina Jethro, Christine, Jae Moren, Tres, Niño, Khris, Lemarie, Babylyn, Dollrine, at Nicole.

Nagdadabog akong umupo sa tabi ng best friend ko na tutok na tutok sa paglalaro sa kanyang cellphone habang nakasuot ng wireless headset.

"God Like!" Kita ko mula sa screen nang cellphone nito. I crossed my arms and glared at her to get her attention, pero mukhang 'mas interesting' pa yung laro niya kesa sa best friend niya at hindi manlang ako binigyang pansin. She's wearing her usual 'harry potter' eye glasses, I have to admit that it looks good on her. Pero naiinis ako kaya, Arrrrgggh!

"Aish Angelene! What do you expect from your best friend? To your GAME ADDICTED best friend!?" Naiinis na saad ko sa sarili ko habang nakayuko.

Napaangat ako ng tingin ng makarinig ako ng tawanan mula sa mga kaibigan ko. What are they laughing at? And why the hell are they looking at me!?

"What!?" Mataray na tanong ko sabay taas ng kilay ko sa kanila. Mas lalong lumakas ang tawanan nila dahilan para ihampas ko ang kamay ko ng malakas sa lamesa. And of course, napangiwi ako sa sakit dahil sa impact. What I did took everyones attention, including the 'game addict' sitting beside me na tinanggal pa ang kanyang headset ng makita at marinig ang ginawa ko.

"Sorry Lene, pero after hearing you say 'What do you expect from your best friend? To your GAME ADDICTED best friend!?' We just can't stop ourselves from laughing. Hindi kasi halatang inis na inis ka eh! Hahahahaha!" Pangaasar ni Christine at sinunod ang tono ng pagsasalita ko kaya nagtawanan silang lahat. Okay. Hindi ko alam na masyadong malakas ang pagbulong ko. Good thing she was weari-

"Sorry." Naputol ang pakikipag-usap ko sa sarili ko nang marinig ang malamig na boses ng 'yelo' kong best friend. Shit! Shit! She heard it! F*ck! This is so embarrassing! "Sorry I didn't know you were trying to get my attention."

"BWAHHAHAHAHHAHAHAHHA!" Malakas na tawanan ng mga hayuf naming kaibigan. Aish, they just really have to ruin the moment. I just looked at her and shrugged, a way to tell her that it was fine. Nakita kong pinatay na nito ang kanyang cellphone, itinago ito sa kanyang bulsa at itinuon ang attention sa buong barkada with her usual poker face.

'Well, that's more like it.' Masayang bulong ko sa sarili ko bago i-sandal ang ulo ko sa balikat niya habang naghihintay kami ng pagkain namin.

"Hey, have you guys heard the news last night?" Tanong ni Dollrine habang nagcecellphone. Umiling kami bilang sagot.

"What about it?" Tanong ko habang nakasandal parin sa balikat ni Khris.

"Gina's and Glenny's body was found dead in a mountain resort last night. Hindi pa daw alam ng mga pulis kung sino ang may kagagawan ng krimen pero patuloy parin silang nagiimbestiga." Pagpapaliwanag ni Dollrine. We gasped when we heard the news. Kaya pala wala sina Gina at Glenny ngayon.

I wonder why would someone do this kind of crime. I hope their death will be given justice.

*****

Palabas na kami ng cafeteria at pabalik na sa classroom nang mapadaan kami sa isang hallway na pinagkakaguluhan ng ibang estudyante. Ano kayang nangyayari?

Naglakad kami papalapit sa kaguluhan pero mukhang hindi kami napansin ng mga nagkukumpulang estudyante kaya hindi namin makita ang mga pangyayari. Getting impatient, Niño ang pinakamayabang at 'siga' sa tropa started speaking.

"Tatabi kayo o ako mismo ang magdadala sa inyo sa tabi ng mga libingan niyo!?" Sabi nito sa malakas pero malalim na boses na nakakuha ng attention ng lahat. Pati ang mismong gulo ay natigil.

Well, just like the usual, a group of bullies, bullying the scholars. Nothing new. We just shrugged it off and left the place when the students started to go back to their own businesses. The scholars even thanked us thinking that we saved them but the truth is, we just happened to pass by, it's sad but true. We don't even care kung sino ang nambubully at binubully as long as we are not involved.

We were a few rooms away from our classroom when we saw our teacher Ms. Deoful entered the room but, almost immediately went out and started to scream for help. Being the good but at the same time curious students we are, we immediately approached her and asked her what happened, but she seems to be so 'shocked' and 'afraid' to even speak and just pointed her fingers to our widely opened classroom door.

Blood.

Blood.

Blood.

Blood is everywhere. My eyes started to roam the whole room. Blood on the tables, chairs, white board, and of course on the floor. Fresh blood from a fresh dead body. In the middle of the classroom laid the body of one of our classmate.

Leah Era's pale, wounded and dead body was brought out of our room. According to the police officers, Leah's body have a total of 27 deep knife cuts. How brutal can the killer be!?

Walang sinuman maliban sa mga otorisadong mga pulis ang pwedeng pumasok sa classroom dahil under investigation ito. We were assigned to a different classroom at doon nagpahinga at nagpakalma ng mga puso naming mabilis ang tibok dahil sa kaba. To be honest, I'm afraid. No! I'm terrified. After Gina's and Glenny's death? Now Leah's death!? All three from one same section! I don't know why, but I have this feeling that there will be next deaths coming soon, and all of it will come from our section...

"Sinong demonyo ang gagawa non!?" Sigaw ni Katherene. She's one of Leah's best friends so no wonder she'll react that way. I mean, if I was in her position I'll react the same way, right? Wala sa sariling napatingin ako sa matalik kong kaibigan. She looked back at me, held may hand in between hers and smiled, reassuring me that everything will be alright. That smile, that smile that only 'I' have the authority to see, it calmed me and without even knowing, I've fallen asleep in her arms.

Someone's Point of View

Nakaupo ako sa sanga ng isang mataas na puno habang pinagmamasdan ang mga mukha ng buong Star Section. Halata ang takot sa mga mata nila. Napangisis ako. Tama yan. Matakot kayo. Matakot kayo dahil iisa-isahin ko kayong lahat!

"Be afraid, be so afraid.

'Cause I'll make sure not even one of you will stand awake.

Watch me as I take your life out of you,

blood will flow like river but all you can do was shake in pain and suffer."

Chapter 2

Jethro's Point of View

It's been two months since that 'crime' happened. Everything is back to normal now. Parang walang nangyari, parang walang namatay. Everyone is back to their usual self. Lahat nakamove-on na. Pero hanggang ngayon, hindi parin nabibigyan ng hustisya ang brutal na pagkamatay nina Gina, Glenny at Leah. The police are having a hard time in naming the killer. Sabi nila, walang bakas na iniwan ang killer at kahit isang ebidensiya ay wala silang makuha. Kaya hanggang ngayon ay hindi parin nila maisara ang kaso. Whoever the killer was, it's still a mystery for all of us, for all of the Star Section.

"Hoy Jeth! Pinapatawag ka ni coach!" Dinig kong tawag sa akin ni Fritz mula sa labas ng classroom namin. Tumayo ako at agad na pinuntahan si Fritz bago kami pumunta sa Soccer Field kung saan naghihintay yung coach namin.

Oh, before anything else, let me introduce myself, I'm Jethro Arinal. 17 years old. I'm already in my 12th grade, Senior year. And I'm the schools' soccer team captain.

"Coach?" Sabi ko ng marating namin ang kinaruruonan ng coach namin.

"Jethro, Fritz good thing you're here. May ipapagawa ako sa inyo." Agad na saad nito habang tinitignan ang listahan ng mga players.

"Ano naman yun coach?" Tanong ni Fritz sa coach namin pero malayo ang tingin. Nakita kong ngumiti si g*go kaya sinundan ko kung saan siya nakatingin.

"Bullseye!" Nakangising bulong ko sa sarili ko ng makita kung sino ang tinitignan nito.

Angelene Valiente. Ang nagiisang crush ni Fritz. Katropa ko si Angel but, honestly speaking, may pagkabitch siya. Yeah, she's pretty, gorgeous! She's talented, smart, hella rich and all! Pero may side kasi siyang masungit at parang araw-araw may dalaw kaya bilang lang ang mga kaibigan niya. Well, count me as one of her small number of friends, pero to be completely honest, napasama lang naman siya sa tropa namin dahil sa best friend niya na talagang kaclose ko, kaclose namin. Well, speaking of Her best friend... ang masasabi ko lang ay, Computer Games, Mobile Games, Online Games. She's a game addict. Okey! I should stop.

"I want the both of you, Team Captain and Assistant Team Captain to train the newbies and teach them all that they needed to know before the season starts. Can you do that?" Agad akong tumango kay coach. Nagpasalamat ito bago nagpaalam na aalis na. Babalik na sana ako sa classroom pero nakita ko si Fritz na nakakunot noo habang nakatingin sa kinaruruonan ni Angelene.

"Stop staring and start courting!" Panunukso ko na nakakuha ng atensyon niya. Tumawa siya saglit bago tumingin uli sa bench sa bandang dulo ng Field kung saan nakaupo si Khris at naglalaro 'nanaman' sa cellphone niya. At si Angelene na sinusubukan 'nanamang' kunin ang atensyon ng kaibigan. I sighed.

"Aren't they too close?" Biglang sambit ni Fritz pero patuloy parin sa pagtitig sa magkaibigang ngayon ay naghahabulan na at pilit na inaagaw ni Khris ang cellphone mula kay Angelene na pilit na inilalayo ang cellphone sa kaibigan. I smiled seeing them being so playful. "I mean, are they a thing?"

Bigla akong napatawa ng malakas. Halos gumulong-gulong ako sa field kakatawa dahil sa narinig ko. Angelene and Khris? A thing? Couple? BWHAHAHAHHAHHAHAHA! That's crazy! Maluha-luha kong tinignan si Fritz at tumawa uli.

"Dude? G*go ka talaga! BWHAHAHAHHA!" Lalo akong naluha kakatawa dahil sa weird na expression na makikita sa mukha ni Fritz. Halatang nagtataka siya. Inilabas ko lahat ng maitatawa ko bago harapin si Fritz ng seryoso.

"Pre, kalma ka lang, mag-best friend lang sila. 'Wag masyadong maglagay ng malisya. Kaya kung ako sayo ligawan mo na habang single pa! Hahaha!" Sabi ko at pinanuod ang magkaibigang nagaagawan parin ng cellphone. Natawa si Fritz.

"You're right. Sorry, masyado ko 'ata silang jinudge. I think we should go back in class. Kailangan pa nating gawin yung plano mong proposal." Sabi nito at naglakad na kami palabas ng field at bumalik sa classroom. Ngayon na naalala ko ang plano kong proposal ay bigla akong nakaramdam ng kaba. What am I gonna do?

Christine's Point of View

"Jaeeeeeee Moreeeeeeeeeennnnnnn!" Sigaw ko mula sa labas ng school library dahilan para magalit ang librarian. Nagpeace sign lang ako bago pumasok sa loob at hinanap yung kaibigan kong bookworm.

Naghanap ako ng naghanap hanggang sa makita ko siya sa Fantasy Book Section. Agad ko siyang nilapitan at hinila palabas ng library. Call me 'sadista' but she definitely needs to have a break from books. Kulang nalang i-kasal na sila ng mga libro, 24/7, day and night, mapabagyo, tsunami, ipo-ipo o lindol hinding-hindi mo sila mapaghihiwalay. Aiissshh!

"What do you need?" Walang ganang tanong nito at naglabas ng libro para basahin. See? No wonder why her house is full of books. Hindi ba sumasakit ang mata niya kakabasa? Aiiiishhh!

"Hindi ba sumasakit mata mo kakabasa? What's with books ba? Bakit hindi kayo mapaghiwalay? Ha?" Medyo naiiritang tanong ko. She looked at me for a second then looked back on the book she was reading.

"No, it doesn't hurt at all. Books? Books are more interesting than any living or non-living things here in this world. So I'd rather spend my life with it or not to live at all." Saad niya habang tinitignan ako sa mata. Sheeeetttt ang weird niya pramissss.

Third Person's Point of View

"Guyssssss! Selfiiiiiieeeee!" Malakas na pagyayaya ni Daniela kaya agad-agad na umawra ang mga kaklase nito sa kanyang camera.

*Snap* *Snap* *Snap*

"Fierce!" -Edgeline

*Snap* *Snap* *Snap*

"Peaceeeee!" -Nicole

*Snap* *Snap* *Snap*

"Wacky!!!" -Lindsey

*Snap* *Snap* *Snap* *Snap* *Snap*

"WHAHAHAHAHAHAHAHAH!" Tawanan ng mga ito nang makita ang kanilang mga mukha sa screen ng cellphone ni Daniela.

"Shit I'm so gorgeous." Mataray na saad ni Gypsy at inilabas ang sariling cellphone at nagselfie mag-isa.

"Hooooyyyyyy ba't ang pangit ko diyaaan!?" Nakangusong reklamo ni Nicole na tinawanan lang ng mga kaibigan. Patuloy lang sila sa pag-awra at pagkuha ng magandang anggulo nang pumasok ang Student Council President sa kanilang silid.

"May I have everyone's attention please." Sabi nito sa gitna, agad na itinuon ng buong star section ang kanilang atensyon sa presidente.

"So, the student council planned about the Senior Promenade." Pagsisimula nito at nakakuha ng iba't-ibang reaksyon mula sa mga estudyante.

"5 months from now will be the S.Prom and we decided the theme to be a Masquerade Party." Pagpapatuloy nito. At nakatanggap nanaman ng mga reaksyon.

"Pinapasabi ni Chairwoman Santibañez na dapat niyong gamitin ang natitirang 5 months upang makapaghanda para sa Senior Masquerade. A King and Queen will be crowned according to their attire and performance. Good luck and that's all." Sabi ni Tres, ang President ng SC.

Naghiyawan ang buong Star Section dahil sa balitang narinig nila. Lahat ay excited at nagpaplano na tungkol sa damit na kanilang susuotin.

"Tres!" Sabi ni Jethro na nakakuha ng atensyon ng presidente at ng buong klase.

"Yes Mr. Arinal? How may I help you?" Pormal na sagot naman ni Tres.

"Sus! 'Wag masyadong formal, kaklase ka padin naman namin! Hahahaha!" Tawa nito pero halatang kinakabahan. Nakitawa nadin ang mga nakikinig sa usapan.

"So... Tres... about the S. Masquerade thing..." pagsisimula ni Jethro ng nakayuko, ni hindi niya kayang tignan sa mata ang presidente dahil sa hiya.

Lumuhod ito at naglabas ng pulang rosas mula sa vest na suot. Bigla namang pumasok ang ibang myembro ng Soccer team na sina Fritz, Charles, Earl, Carl at Lester. May hawak silang malaking banner na may nakasulat na 'Will you be my Prom Date?'. Malalakas na hiyawan at tilian ang maririnig sa apat na sulok ng silid. Nanatiling tahimik naman sina Jethro at Tres dahil nahihiya ang mga ito sa isa't-isa.

"Will you be my date?" Nahihiyang tanong ni Jethro habang nakaluhod at inaalay ang hawak na rosas kay Tres.

"If you wanted me to be your date then I have no problem with it." Nakangiting sagot ni Tres na mas ikinakilig ng mga kaklase nila. Nagsimula na ang asaran at malapit nang magkapikunan nang biglang magsalita si Angelene.

"Hep! Hep! May i-aanounce din ako!" Masiglang saad niya pero nakataas ang kilay, tumayo siya sa harapan ng klase. Natahimik ang buong klase. Lahat ng atensyon ay nasakanya. Lahat ay naghihintay sa sasabihin nito.

"Just in case na nakalimutan niyo, my 18th birthday will be next week!" Masayang sabi ni Angelene at muling nagkagulo ang buong silid. Lalong naexcite ang mga magkaklase dahil alam nilang bongga pa sa pinakabongga kung magpaparty ang kaklase nilang si Angelene. Perks of being the Heiress of the Valiente Marketing Corp.

"Yep! It's on the 9th of October and!!!!! EVERYONE IN THIS CLASS IS FREAKING INVITED!" And just like that, the whole class erupted into ear breaking screams of excitement. Well, except to those who are naturally emotionless and cold.

"Prepare your damn clothes because we are going to have an overnight party in a resort of my choice! Everything will be paid under my pocket so you don't have to worry about expenses." Masasayang hiyawan nanaman ang maririnig mula sa silid. After all, She's one of the richest person in the whole class.

Habang patuloy sa pagpapakasaya at pagiingay ng Star Section, hindi nila alam na isang babae ang tahimik na nakamasid at nakikinig sa kanila. She's secretly smiling na parabang nanalo ito sa lotto. But little do you know that pure evilness is what she was thinking.

"Let the night of blood begin."

Download MangaToon APP on App Store and Google Play

novel PDF download
NovelToon
Step Into A Different WORLD!
Download MangaToon APP on App Store and Google Play