Kwarto ni Princess Celestine
Malambot ang mga kurtina na dumadampi sa malamig na hangin mula sa bintana. Sa gitna ng kisame, may chandelier na parang ginawa sa liwanag ng mga bituin—sparkling, elegant. May bookshelf din sa gilid, puno ng mga classic novels at fairy tales.
Nasa may bintana si Princess Celestine, tahimik na nakatingin sa langit. Parang may kung anong bumabagabag sa kanya. Katabi niya si Nanny Isah, nakaupo sa rocking chair, may hawak na mainit na tasa ng kape.
Celestine (mahina ang boses, medyo malalim ang iniisip): "Na-nanny... hindi ko alam kung ako lang ‘to pero parang may kulang. Parang may hinahanap ako... na hindi ko maintindihan."
Nanny Isah (ngumiti, gentle ang boses): "Ganun talaga, ‘nak. Lalo na sa isang dalaga na pa-woman na. Minsan, kahit hindi ka pa umaalis, parang naglalakbay na ang puso mo. Pero minsan, kailangan mo talagang lumabas para mas makilala mo ang sarili mo."
Celestine (napatingin sa kanya, may pag-aalala sa mata): "Paano kung hindi nila ako payagan?"
Nanny Isah (uminom ng konti sa tasa niya, tapos tumingin kay Celestine): "Anak, hindi mo kailangan ng permiso para maging ikaw. Pero... kailangan mo ng lakas ng loob para ipaglaban ‘yon—nang may respeto."
Celestine (tumango, pero may luha sa gilid ng mata): "Nanny... kung aalis ako, itatago ko ang pangalan ko. Ayoko na makilala bilang prinsesa. Gusto ko... tawagin akong Amara Morget. Maaari ko bang dalhin ang apilyedo mo?. Para kahit papano, maramdaman kong... normal lang ako."
Nanny Isah (tumayo, hinaplos ang buhok ng prinsesa): "Amara Morget, ha? Oo namn, Bagay sayo, anak. Simula bukas, hindi ka na si Princess Celestine ng Ravencourt. Isa ka nang dalagang may bagong simula."
Throne Room ng Ravencourt Palace
Golden hour. Ang liwanag ng papalubog na araw, sumasayaw sa stained glass windows ng palasyo. Tahimik na pumasok si Princess Celestine sa throne room. Nandoon sina King Alistair at Queen Seraphina—ang kanyang mga magulang.
Celestine (halatang kinakabahan pero steady ang boses): "Ina, Ama... may gusto po sana akong sabihin."
Napatingin ang reyna. Kita agad sa mata niya ang worry.
Queen Seraphina (mahina ang tinig): "Ano ‘yon, anak? May problema ba?"
Celestine (tumango, pilit ang ngiti): "Wala naman po. Pero... gusto ko pong sumama kay Nanny Isah pauwi sa Valmorian. Gusto ko pong maranasan ang buhay sa labas ng palasyo. Gusto kong mag-aral bilang normal na dalaga."
Tahimik ang paligid. Unti-unting tumulo ang luha ni Queen Seraphina habang pinipigilan ang emosyon.
Queen Seraphina (hawak ang kamay ng anak): "Celestine... sigurado ka ba? Hindi ko alam kung kakayanin kong hindi ka makita araw-araw..."
Celestine (yumakap sa kanyang ina, halos maiyak): "Alam ko pong mahirap, Ina. Pero gusto ko pong hanapin kung sino talaga ako. Bilang princessa ng Ravencourt alam kong mapanganib sa labas ng palasyo pero naka sisiguro ako na magiging maingat po ako. Ina."
Si King Alistair, tahimik lang at seryoso ang mukha. Tumayo siya, mabigat ang bawat hakbang.
King Alistair (matigas ang boses): "Hindi pwede. Ikaw ang prinsesa ng Ravencourt. May obligasyon ka."
Celestine (tumindig, hindi natitinag): "Alam ko po. Pero may obligasyon din po akong maging totoo sa sarili ko. Ama."
Nagkaroon ng maikling katahimikan. Napabuntong-hininga si Haring Alistair, tapos ngumiti ng bahagya at pabirong tumingin sa kanyang asawa.
King Alistair (kunwari dramatic): "Sige na nga! Umalis ka na! Huwag ka nang bumalik! Wala na akong prinsesa...!" (Tila ba'y naging drama king)
Napatawa kahit paano si Queen Seraphina, kahit basa pa ng luha ang mata. Si Celestine, napangiti rin.
King Alistair (bumalik sa seryoso): "Pero may kondisyon. Sasamahan ka ni Butler Mels. Hindi ka pwedeng mag-isa. Naiintindihan?"
Celestine (mabilis ang tango): "Opo, Ama. Salamat po... sa tiwala."
Muling niyakap ni Celestine ang kanyang ma magulang. At ilang oras lang, naghanda na si Celestine—nakasuot ng simpleng damit, parang ordinaryong estudyante. Wala kang makikitang konting magagarbong damit at ang mga alahas. Kasama si Nanny Isah, lumabas siya sa palasyo.
Labas ng gate sa palasyo:
Amara: Simula ngayon... Ako na si Amara Morget
Muling napalingon sa kanyang kaharian. "Sana balang araw maintindihan ng lahat ang ginagawa ko"
Download MangaToon APP on App Store and Google Play