The Truth Behind The Light
Prologue
Maaga akong bumangon dahil matagal akong nakatulog kagabi.
Putcha, 3am na ako natulog dahil sa binabasa kong comic eh.
Skylar
"Kaka-comic mo 'yan." bulong ko.
Aba! Kasalanan ko ba??? Tanungin niyo kaya 'yang mabait kung kaibigan!
Oh, speaking of my good friend--nandito na siya.
Napa-eyeroll nalang ako dahil umagang-umaga eh siya na kaagad ang bumungad.
Skylar
"Ano nanaman???"
inis kung bungad din.
Nakita ko pa kung paano siya napanguso.
Nako! Ang sarap talagang tadtarin 'yang bibig niya, eh!
Carlota
Grabe! Wala bang good morning???
Skylar
Napa-taas ako ng kilay.
"Anong good sa morning kung mukha mo agad ang bumungad???"
Carlota
Napa-eyeroll naman siya.
"Anyways! Hehehe. How's the comic???"
para siyang kinikilig na ano, eh. Parang ewan talaga 'tong babaeng 'to.
Skylar
Napangiwi naman ako.
"Ano?? Para kang natatae, eh!"
Carlota
Napanguso nanaman siya.
"Sige naaaa! Tell me naaaaa"
Skylar
"Hoy, babaeng charlota! Isasakay talaga kita sa chariot, buanga ka!"
Carlota
"I'll shut my mouth na if you tell me na kasi!"
Nanggi-gigil na talaga ako sa babaeng 'to.
Skylar
"Wala! Ang badoy ng story!"
Skylar
"Ang manhid ni Bida!"
Skylar
"'Yung ulap din! Akala mo kung sino!"
Carlota
"Duh, at least gwapo si Cloud, 'no!"
Skylar
"'Yan ka nanaman babae, kaya talaga iniiwan ka ng boyfriends mo, eh."
Napa-gasp pa siya at may pahawak-hawak sa dibdib niya.
"Howerderyu!"
Agad ko naman tinulak ang mukha niya.
"Che! Pupunta na ako!"
Carlota
"At this time?? Girl, it's like 6am! akala ko ba, eh, 10am ang class mo."
Skylar
"Aba, money is life! Nakalimutan mo siguro na may part time pa ako, 'no!"
Carlota
"Oh, yeah. I totally forgot about it."
Skylar
"Tse! Aalis na ako! I-lock mo 'yang pinto, ha!"
Carlota
"Yeahhh, bye-bye, my kalangitan!"
Skylar
"Ulol"
Pinakyuhan ko agad siya at lumabas
Bumungad ang hangin sa mukha ko.
Ang ganda-ganda talaga kapag maaga.
Kahit na ang sakit sa loob na bumangon ng maaga.
At least, worth it naman.
Habang naglalakad, napahinto ako sa pedestrian lane ng may nagpop-up na kung ano sa harap ko.
[ERROR!!!!]
[YOU'RE THE CHOSEN ONE!]
Skylar
"Huh??? Anong---???"
Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng napatingin ako sa gilid ng may biglang sasakyan na papalapit na sa akin.
Parang bigla nalang nagslowmo ang paligid.
Susko, Lord! Ayoko pang mamatay! Hindi pa nga ako nakatikim ng Magnum, eh!
Namalayan ko nalang ng bigla nalang ako lumipadng natamaan ako.
Ang sakit, parang bumu-blur na 'yung paningin ko.
Ang last ko nalang nakita, eh 'yung nagpop-up kanina.
[SYSTEM]
[GOODBYE, AND WELCOME!]
Skylar
"Yawang, pisting giatay..."
Bulong ko matapos akong binalutan ng dilim.
Yourstrulymebetsin
Hi, guys! Author is here!
Yourstrulymebetsin
Sana magugustuhan niyo ang story ko.
Yourstrulymebetsin
I really hope so.
Yourstrulymebetsin
Anyway, I'll try my best!
Download NovelToon APP on App Store and Google Play