NovelToon NovelToon

A Very Crappy Life

Chapter 1: The Question

"Wow, I'm so freaking tired... bakit ba kasi ako naglakad? Exercise kuno — putangina, anong naisip ko dun?" Sabi ko habang pumapasok ako sa hotel room ko at dumiretso sa ref para uminom ng tubig. I took a few gulps, then sighed. Too exhausted to eat, dumiretso na ako sa bathroom for a quick shower bago humilata sa kama.

Today was supposed to be an ordinary day, pero may isang tanong sa commercial na napanood ko na nagpatigil sa isip ko buong araw. "Are you happy with your life right now?" Tapos sinundan pa ng, "Do you feel content with your life na kung bigla kang mamatay at mag-flashback lahat ng memories mo, masasabi mong 'At least I accomplished something and I'll be remembered by people who love me.'"

Tangina. Sino bang magtatanong ng ganun? Ipapakita lang nila yung bagong cellphone nila may pa drama pa talaga sila. Akala ko simpleng tanong lang, pero hayup, ilang oras ko na siyang iniisip. It's 3 AM now and I'm still wide awake, my mind drowning in doubts. May nagawa ba talaga akong worth remembering? O isa lang akong tao na dumaan sa mundo na parang wala lang? My life felt like a cycle—work, eat, sleep—repeat. Walang remarkable, walang life-changing.

Napabuntong-hininga ako ulit. I grabbed my phone at nagpatugtog ng music para sana makatulog. I only have one song—Lana Del Rey's Put Me In A Movie. The haunting melody filled the room, and fuck, naramdaman ko na agad yung luha sa mata ko. I hate this. This song perfectly captures how I feel about my life—empty, repetitive, and meaningless.

"God... what the hell am I even doing with my life?" bulong ko sa sarili ko. Buong buhay ko, I've been chasing success. I always thought na as long as ako yung nasa taas, as long as ako yung pinakamarami ang pera, magiging masaya ako. But now that I’m here... bakit parang wala namang kwenta? I never had that many friends, I kept pushing people away because I was too focused on myself. People said I'm too greedy, too career-driven. And now, I’m realizing... they were right. I'm just a girl who built her life around achievements, pero walang totoong fulfillment.

Putangina, am I really just a hollow person pretending to be powerful? I thought I had it all, pero ngayon, I can barely hold on to what I have. I feel like I'm slipping. And the worst part? Wala akong maaalalang moment sa buhay ko na masasabi kong, "Shit, ang saya ko dito."

"Fuck this," I muttered. Tumayo ako at binuksan yung bintana ng balcony ko. I didn't even think twice. "PUTANGINA NIYO LAHAT! GAGAWIN KO NA LAHAT NG GUSTO KO, I SWEAR! HINDI KO NA KAYO PAPAKIALAMAN! FUCK YOU ALL!!" I screamed at the top of my lungs, then biglang may sumigaw din sa baba.

"YOU GO, GIRL! BUT ALSO, SHUT UP! MAY BABY AKO DITO OH!" sigaw ng lalaking may kargang sanggol. OMG, stressed yung mukha ni Kuya parang wala pang tulog shet. Agad namang namula yung mukha ko sa hiya.

"OH MY GOD, SORRY!" pasigaw kong sagot, sabay sara ng bintana. Napahiga ako sa kama at tinatakpan ng unan ang mukha ko. "Tangina... ang cringe ko."

Pero deep down... I felt lighter. Maybe this is what I needed. Maybe it's time to stop living for achievements and start living for myself.

"Sana... magawa ko 'to," I whispered. "Sana, one day, masabi ko rin na masaya ako. Like, truly happy."

Chapter 2: A Childhood Of Contractions

Flashback......

Naalala ko tuloy yung mga nangyari sa buhay ko. Tanginang commercial yun. I guess growing up, my life was far from idyllic. Bata pa lang ako, pakiramdam ko invisible ako — parang wala akong lugar sa mundo. Sa apat na magkakapatid, ako yung pangatlo. Squeezed between my older brother, older sister, at yung bunso naming kapatid na babae.

Maaga nagsimula yung kwento ng parents ko. My mom got pregnant with my brother when she was just 19. Dahil sa nangyari, pinilit ng lolo ko — a stern, silent man — na magpakasal sila. Si Lolo? Ewan ko, parang ang bigat lagi ng tingin niya sakin. Siguro kasi kamukha ko si Mama, at isang paalala ako ng pagkakamali ng anak niya. Pero kahit ganun, mas okay na siya kesa sa ibang tao sa paligid ko. At least siya, tahimik lang at totoo sa sarili niya na ayaw niya sakin. Mas ok na kesa sa mga nagpapanggap di ba?

Nung pinilit silang magpakasal, nag-umpisa silang tumira sa maliit na one-bedroom apartment. They were young, clueless, pero mahal nila ang isa't isa. Yun nga lang, habang tumatagal, mas nagiging distant sila. Pero ironically, mas matagal silang nagsama kasi mas kaunti na yung away. Para bang kapag wala na kayong oras magkasama, wala na rin oras magtalo.

Pagdating ko ng tatlong taon, bigla na lang nagkasakit si Mama. Wala kaming pera. Si Papa, siya lang ang nagtatrabaho kaya napilitan kaming lumipat sa probinsya at tumira sa mga lolo't lola ko sa father side. Si Papa? Naiwan sa city para maghanapbuhay. Ang peaceful nung lugar, pero saglit lang pala yung katahimikan kasi nalaman ni Mama na buntis siya sa bunso naming kapatid.

Lumipas ang taon, nasa third grade na ako nun, at yung bunso naming kapatid, kakapasok lang sa kindergarten. Dito na nag-iba lahat. Lagi kaming nag-aaway ng kapatid ko. Wala silang pakialam sa akin, at ako, nagsisimula nang mapagod sa lahat. Kaya si Mama, nagdesisyon na ipatira ako sa lolo’t lola ko. Sabi niya para daw madisiplina ako. Pero ang totoo

Itinapon niya lang ako.

Yung bahay ng grandparents ko? Malaki, pero parang walang kabuhay buhay. Walang TV, walang ibang batang kalaro. Si Lolo, tahimik lang. Pagkagaling trabaho, uupo sa silya, makikinig sa radyo. Si Lola naman, laging nasa kanto, naglalaro ng baraha sa kapitbahay. Ako? Nakatingin lang sa kawalan, nagtatanong kung bakit ganito yung buhay ko.

Tuwing weekends, naglalakad ako ng 30 minutes para bisitahin sila Mama at mga kapatid ko. Doon lang ako nagiging "bata." Nakakapaglaro, nakakapanood ng TV, at kahit saglit lang — masaya ako. Pero syempre lahat naman ay laging may ending. Babalik at babalik ako sa bahay ng lolo’t lola ko, kung saan tahimik, malamig, at parang wala akong saysay.

Sa paningin ng iba, parang okay naman ang lahat. Pero ang totoo? Parang nakakulong ako sa isang buhay na walang kulay. Sa gabi, iniisip ko kung may nagmamahal ba talaga sa akin o kung isa lang akong pabigat sa lahat. Ang bigat-bigat sa loob, lalo na pag naiisip kong sa edad kong 'to, ramdam ko na agad kung paano maging mag-isa.

Chapter 3: The School Days

Noong ng bata pa ako, wala akong kaalam-alam sa totoong bigat ng buhay at mga pagsubok na naghihintay para sa akin. From Monday to Friday, consumed ako sa school — a Catholic school run by nuns and a priest. Pero ang mas mahirap? Parang blurred yung boundary ng school at personal life ko, kasi kahit sa bahay ng lolo’t lola ko, parang classroom din — puro rules and a lot of expectations.

Kahit saan ako magpunta, either sa bahay ng mga grandparents ko o sa classroom, may strict schedule. Wala akong karapatan o kalayaan. Sa classroom, mas grabe. Nilagay ako sa star section — kung saan lahat ng estudyante, matatalino, competitive, at laging gustong lamang sila sa lahat. Lahat ng tao doon, tingin sa isa’t isa, kalaban. Kaya bata pa lang ako, natutunan ko nang mag-focus sa sarili ko at mga achievements na ako lang naman ang nakakakita, kahit na ibig sabihin nun eh balewalain ko yung ibang tao.

Lumaki ako sa isang maliit na lugar kung saan lahat ng tao, magkakilala alam lahat ng baho ng isa't isa. Sobrang liit ng mundo namin na pag may chismis, parang isang oras lang, alam na ng buong bayan. Sa school, napapalibutan ako ng mga pinsan at kapitbahay ko — pero kahit ganun, never ako naging close sa kanila. Most of the time, mag-isa ako. Naging socially awkward ako, parang laging may pader sa pagitan ko at ng ibang tao.

Tatlo sa mga pinsan ko ang kasama ko sa klase — sila Julie, Jane, at Kira. Si Julie at Jane? Tangina, ang lala nila. Akala nila, mayaman kami kasi galing kami sa city, kaya feeling entitled sila na dapat palagi akong bumili ng pagkain at school supplies para sa kanila. Pag hindi ko ginawa? Guilt-trip agad. “Yaman-yaman niyo tapos hindi mo kami malibre?” Tangina, di nila alam, halos wala na kaming makain sa bahay.

Tapos andun si Kira — siya yung parang "kambal" ko. Magkatabi lang bahay namin, at dahil close yung mga magulang namin, napagdesisyunan nila na palakihin kaming parang kambal kahit isang buwan lang ang tanda niya sa akin. Pero siya? Lahat ng wala ako, nasa kanya. Maganda siya, matalino, mayaman, at sobrang sikat. Ako? Ewan. Parang anino niya lang ako palagi.

Si Kira, mahaba ang buhok, ako naman maikli. Lagi niyang suot ay color pink, ako laging blue. Siya ay paborito ng lahat, ako napapansin lang pag may kailangan sila. Pero alam mo? Bata pa ako nun, hindi ko iniinda. Hindi ako naiinsecure. Sapat na sakin na lagi kaming magkasama — kahit na, alam kong hindi ako kasing halaga niya sa mata ng ibang tao.

Ang masakit? Mismong mga matatanda, sila pa yung unang nagpapakalat ng masasamang salita tungkol sa akin. Sinasabi nila, paglaki ko raw, wala akong mararating. Magiging patapon daw ako, babaeng lasengga, palamunin, walang direksyon sa buhay. Pero bata pa lang ako nun, syempre, wala akong pake. Hindi ko pa alam kung gaano kabrutal ang mundo at kung paano sila walang awa pagdating sa mga kagaya ko. Grabe, ganito ba pag mahirap?

Download MangaToon APP on App Store and Google Play

novel PDF download
NovelToon
Step Into A Different WORLD!
Download MangaToon APP on App Store and Google Play