Napamulat ang mata ni Yuki sa biglaang pag-iyak ng isang sanggol na hawak niya. Muntik na siyang magulat ng maalala na wala naman siyang sanggol na anak. She was about to stand up while still holding the baby but she realize that she was only sitting at the top of a high wall while leaning against Deiji. Her room mate. Sa walang kakayahang tumayo ay iginala na lamang niya ang kanya mata.
She saw a nightmare she'd never imagined would even happen in real life. A bunch of zombies trying to reach them. With that, a flashback came into her mind with scenarios on how they end up in that kind of situation.
BIGLANG sumigaw dahil sa inis si Michelle nang buksan niya ang telebisyon sa kwarto ng kanilang apartment. Nakalagay kasi dito ay 'no signal' gayong oras iyon ng paborito niyang anime series.
"Baka sa antenna lang." Pagpapakalma sa kanya ng kambal na si Michael.
"Bawal dito sa dorm ang lalaki. Nandito ka na naman daw kasi Michael sabi ng t.v. namin." Pang-iinis naman ni Deiji sa lalaking kambal ni Michelle.
Ang tinutuluyan kasi nila ay isang Dormitory na para lamang sa babae ngunit palaging nakatambay si Michael sa kanilang kwarto. Samantalang sa kabilang building naman ang boys dormitory.
"Ako na naman nakita ni Ate Deiji." Nakangusong sagot ni Michael habang ginagalaw-galaw ang antenna ng t.v. upang makanood ang kakambal.
Natatawang nakikinig na lamang si Yuki sa tatlo habang nag-aayos para sa trabaho. Isa siyang hotel keeper hindi kalayuan sa kanilang dorm at pang-apat na buwan na niya ngayon dito. So far, gustong-gusto niya ang trabaho dahil malaki ang sweldo at tipid sa gastusin kaya malaki ang naiipon niya. Bukod pa sa binibili niyang pasalubong para sa pamilya na nasa labas ng Sitio De Villasarza.
Maayos naman ang trabaho ng asawa at hindi sila pinapabayaan. Gusto niya lamang tulungan ito dahil lumalaki na ang mga bata at wala pa silang naiipong dalawa.
"Wag niyo ikakalat ang mga gamit ko, pakiusap." Nakataas na kamay at kunwari ay nantataray na pakiusap niya sa kambal na palaging nangingialam ng mga gamit niya tuwing wala siya.
"Si Michelle kasi gustong gusto lagi pakialaman drawer mo kasi lagi ka daw may chocolates sa mga gamit." Panunuro ni Michael sa kapatid.
"Ikaw din naman. Mas malaki ka nga kumagat ei!" Pagbabalik naman ni Michelle
"Ahhhh!" Napatingin ang tatlo kay Deiji dahil sa biglaang pagtili nito.
"Bakit?" Tanong agad ni Yuki dito.
"Walang signal 'yong WiFi. Trinay ko din sa data ng both sim ko. Wala pa din." Pagsusumbong ni Deiji kay Yuki.
Pare-pareho silang napatingin sa t.v. na hanggang ngayon may nakalagay na 'no signal'. Nagmamadali silang tatlo kunin ang kanya-kanyang phone para icheck ang signal.
"Wala din ako." Ani Michael na nakatingin pa din sa kanyang phone at kinalikot-kalikot ito.
"Ako din." Mahinang sambit ni Yuki sa kanila.
Napatingin naman silang apat kay Michelle na may pagtatanong na ekspresyon. Dahan-dahan namang umiling ito sa kanila.
Bagsak ang balikat na lumabas ang apat sa kanilang kwarto upang magtanong sa iba. Maya maya pa ay bigla sila nakarinig ng malakas na pagsabog mula sa labas kasabay ng iba't ibang malalakas na tilian mula sa iba't iba ring tao.
Nag-uunahan palabas ang mga tao mula sa dorm upang matingnan at masilip kung ano ang nangyayari sa labas. Tila pare-pareho silang mga walang alam sa mga nangyayari.
"Michelle, humawak ka sa kamay ko." Biglang ani Michael dahil nakakaramdam siya na may nangyaring masama at hindi maganda.
Humawak naman si Michelle sa kamay ng kambal habang nakasunod silang dalawa kay Yuki at Deiji na ngayon ay papalabas na ng dorm.
"Anong meron?" Tanong ni Yuki sa ibang kasamahan sa dorm na naunang nakalabas.
"Hindi din namin alam. Bigla na lang sila nagtatakbuhan." Sagot naman ni Madrid. Ang kanang kamay ni Nanay Pasing sa paghahanda ng kanilang pagkain.
Tinuro nito ang mga taong takot na takot na nagtatakbuhan papunta sa kabilang direksyon. Tila mula sila sa direksyon ng gate ng Sitio De Villasarza.
Lumapit naman si Deiji sa isang hollow blocks na magkapatong saka umakyat dito.
"Ate Deiji, baka mahulog ka." Paalala ni Michael habang hawak hawak pa din ang kamay ng kambal.
May kataasan kasi ang inakyatan nito. Hindi niya alam ay laking squatter ang dalaga sa labas ng Sitio at sanay sa akyatan ng pader at puno.
Mula sa taas ay nagmasid si Deiji. Naisip niya na sana ay mula sa ikatlong palapag ng kanilang kwarto niya na lang sana sinilip at tiningnan kung hindi sila bumaba at nagmadaling makaisyoso.
Kita niya ang mga taong nag-uunahan papunta sa gawi nila. Sinundan niya ng tingin ang tinatakbuhan at iniiwasan ng mga ito. Nagtataka pa siya ng may kakaibang itsura ang tumatakbo at sumusunod sa isang babae. Niliitan niya pa lalo ang mga mata niya upang makita ng maayos ang itsura nito.
Laking gulat niya ng bigla na lang may lalaking tumalon mula sa gilid ng babaeng tumatakbo saka siya kinagat sa leeg. Lalo pa bumigat ang mga paa ni Deiji ng biglang itingala ng lalaki ang ulo na may kasamang balat at laman ng babae mula sa leeg na kinagatan. Sa sobrang panghihina niya at nagmamadaling makababa ay muntik muntik na siyang mahulog. Mabuti na lamang ay nakaalalay sa kanya ang kambal at si Yuki.
"Anong meron?" Pagtatakang tanong ni Yuki sa kaibigan.
"T-tak... bo..." Nanghihina pang sambit ni Deiji. Lahat ng kasama niya sa dorm ay nagtataka sa inaasal niya.
"Takbo!" Pilit na sigaw ni Deiji saka hinila sa kamay si Yuki at Michelle na hawak pa din ni Michael ang kabilang kamay.
Nagtataka man ang tatlo ay wala silang nagawa kundi sumabay na lamang sa takbo ni Deiji.
Puno ng pagtataka ang mukha ng lahat sa sigaw niya. Tumatakbong sinilip ni Deiji ang ibang kasamahan sa dorm ngunit napahinto siya ng makitang mga nakatayo pa din ang mga ito at nakatingin sa kanilang magkakaibigan at nagtataka kung bakit din sila natakbo.
Napahinto din ang tatlo at napatingin sa kanya saka tumingin sa tinitingnan ni Deiji. Medyo nakakalayo na sila. Sabay-sabay nanlaki ang mga mata ng mga ito ng bigla na lamang may mga taong mukhang nagwawala at wala sa tamang pag-iisip na sinugod ang mga kasamahan sa dorm.
"What the hell?" Takhang sigaw ni Michael na may bahid ng takot.
Lalo sila natakot ng may dugong nagsiagusan mula sa mga parteng kinakagatan ng mga nababaliw na tao.
Nagpatuloy sa pagtakbo ang apat. Mas mabilis kung ikukumpara kanina. Ngayon ay alam na nila na may maling nangyari sa mga tao at sa paligid nila. And they need to runaway from those crazy people para iligtas ang sarili nila.
Mabigat ang loob dahil sa hindi kaaya-ayang pangyayaring nangyari sa mga kasamahan sa dorm ay kailangan nilang magpatuloy. Their disappointed to themselves because they can't do anything to help them but to watch as they are dying slowly and turned into psychopathic person.
"Ate Yuki, anong nangyayari?" Umiiyak at natatakot habang tumatakbo pa din na tanong ni Michelle kay Yuki na halos lutang din kakaisip sa kung anong nangyayari.
"I don't know." Wala sa sariling sagot ni Yuki.
"Just keep running." Michael told her twin sister at hinigpitan pa lalo ang pagkakahawak sa kamay nito upang kumalma.
Almost half hour of running ay nakita nila ang dulo ng Sitio Villasarza. It has 6-7 feet tall wall and 2 feet wide.
Kanya kanyang akyat ng mga tao sa pader upang makaligtas sa anumang kapahamakan ang naghihintay sa kanila.
"Akyat doon!" Sigaw ni Deiji sa tatlo dahil sa sobrang ingay ng kapaligiran.
Naghalo-halong tili, sigaw, at iyak ng mga bata ang maririnig mo.
"Masyadong mataas." Suhestyon ni Yuki na hindi niya kayang umakyat sa kahit saang mataas na walang mapag kakapitan.
"Michael, una ka." Deiji called Michael and positioned herself. She straightly leaned her back onto the wall and bent her knees. She crossed his fingers and put it in front of her.
Ginawa niya iyon para magkaroon ng maapakan si Michael paakyat.
"I can't leave Michelle here." Michael declined.
"You're not going to leave her idiot! You're the one who's going to pull us up." Naiinis na paliwanag ni Deiji kay Michael.
Natataranta kasi ito dahil sa mga nasaksihan niya. Sa isip niya ay dapat nilang bilisan ang pag-akyat at baka maabutan sila.
Nagdadalawang isip man si Michael ay wala siyang nagawa kundi ang lumayo ang konti mula kay Deiji upang makabwelo.
Tumakbo siya at umapak sa kamay ni Deiji saka inihakbang ang isa niya pang paa sa isang balikat nito. Ngunit dahil sa walang experience sa mga ganitong bagay ay nastock siya sa balikat ni Deiji na naging dahilan ng pagsakit ng balikat at likod ni Deiji.
Isang kamay ang tila nag-ooffer ng tulong kay Michael kaya naman agad siyang napatingin dito.
"Michael, faster!" Yuki shouted at him as she saw how hurt Deiji was.
"Glenn." Michael murmurs and grabs his classmate's hand.
Parang nabunutan naman ng tinik si Deiji ng mawala si Michael mula sa pagkakapatong sa balikat niya.
"Michelle it's your turn." Saka mahinang itinulak nito si Michelle papunta kay Deiji na naka posisyon ng muli pagkatapos mag-unat.
"Bilisan niyo nandiyan na sila!" Sigaw ni Michael mula sa itaas.
Nagmamadali namang umapak si Michelle sa kamay ni Deiji saka humakbang sa balikat niya. Tinulungan naman ni Glenn si Michael sa paghila sa kakambal nito.
"They're coming." Mahinang sambit ni Glenn nang makitang may mga nagmamadaling duguang mga tao ang nagtatakbuhan papunta sa kanila. Ngunit sapat na ito upang marinig nila Yuki at Deiji.
"Yuki!" Sigaw ni Deiji kay Yuki ng maistatwa ito dahil sa sinabi ni Glenn. Tila nag-isip na naman siya ng kung ano ang mangyayari sa kanya kapag nahuli siya ng mga ito.
"Yuki!"
"Ate Yuki!" Sabay na sigaw ng tatlo dahilan para mabalik siya sa kanyang isip. Gusto niyang masampal ang sarili dahil nagsasayang siya ng oras para sa kaligtasan ni Deiji na huling aakyat dahil sa kanila.
"Sorry." Pagpapaumanhin ni Yuki saka tumapak sa palad ni Deiji at humakbang sa balikat nito.
Iniabot niya ang kanyang kamay sa kamay ni Glenn at Michael na nakaabang upang hilahin siya paitaas. Nagulat siya ng bigla siyang itulak ni Deiji paitaas.
Nang makaakyat ay gano'n na lamang ang gulat niya ng may lalaking duguan at mukhang na lapnos na ang balat ang biglang sumugod kay Deiji.
"Deiji!" Sigaw ni Yuki sa sobrang kaba. Mabuti na lamang ay nakailag siya sa pagsugod ng lalaking mukhang wala sa tamang pag-iisip.
Kumuha ng kahoy si Deiji malapit sa kanya saka hinampas ito sa mukha. Laking gulat niya ng hindi ito tablan at naputol lamang ang kahoy.
Sa sobrang gulat niya ay hindi na niya nagawa pang maikilos ang paa upang makailag sa sumunod na pag atake kaya napapikit na lamang siya.
Naghintay si Deiji ng kagat mula sa lalaki katulad ng nakikita niyang ginagawa ng mga ito sa iba. Ngunit wala siyang naramdaman. Wala sa oras siyang napadilat at nakitang sinipa na pala ito ni Glenn palayo sa kanya na ngayon ay nakababa na pala mula sa pader.
"You first." Sambit ni Glenn sa kanya saka ginaya ang posisyon niya kanina lamang upang makaakyat ang mga kaibigan.
Tumango lamang siya saka lumayo ng kaunti para makabwelo paakyat. Sumenyas pa siya sa mga kaibigan na tumabi at siya naman ang aakyat.
Bago siya tumalikod ay nakita niya ang babaeng duguan na papunta sa kanya kaya naman ay tumakbo na siya at umapak sa palad ni Glenn saka humakbang sa balikat nito paakyat. Hindi katulad ni Michael, siya ay nakaakyat ng walang kahirap-hirap.
Pinwesto naman ni Michael at Deiji ang kamay nila kay Glenn upang tulungan paakyat. Ngunit tinanggihan sila nito saka humarap sa babaeng sumugod kay Deiji.
Hinawakan niya ito sa likod saka binato papunta sa pader ng nakadapa. Hinintay muna ni Glenn na pumosisyon ang babae na tatayo saka siya tumakbo at tumalon pahakbang sa likod nito at nakaakyat ng wala ding hirap.
Nakahinga naman ng maluwag ang apat nang makaakyat si Glenn.
"Uwuahhh!" Napatingin silang lahat sa biglaang pag iyak ng sanggol malapit sa kanila.
Kita nila ang isang babae na sa tansiya nila ay nasa 30's ito. May bitbit itong sanggol na sa tingin nila ay anak niya. Umiiyak ang babae kasabay ng iyak ng sanggol habang nakatingin sa ibaba.
Halos manlumo sila ng makita ang isang lalaki na pilit umaakyat sa pader ngunit hindi magawa dahil pinagpiyestahan na itong kagatin at kainin ng mga nababaliw na tao sa baba.
Napayakap naman si Michelle kay Yuki dahil sa sobrang takot at lungkot.
Maya maya pa ay biglang natumba na ang lalaki na sa tingin nila ay Asawa ng babaeng may hawak na sanggol.
"He's dead." Glenn calmly says it towards the girl holding a baby.
Lalong umiyak ang babae na sinabayan ng kanyang sanggol na naging dahilan ng paglapit ng maraming nababaliw na tao sa pwesto nila at nagpupumilit silang abutin mag-ina.
The girl was bitten dahil nakasampay lamang ang paa niya sa pader. Glenn was disappointed because of it. Sa isip niya ay magiging isa din itong zombie dahil sa mga napapanood at nababasa niya. Pero hindi siya sigurado dahil gusto niyang mapatunayan ito mula sa lalaking kakamatay lamang.
He sitted and faced the other direction so the zombies would not reach him. Gumaya naman ang apat sa ginawa niya. Michael is sitting beside Glenn and Michelle is sitting beside his twin brother. Deiji is also sitting beside Michelle as Yuki is still looking at the crying mother and its child. She misses her own children.
Yuki sitted beside Deiji when Glenn suddenly stood up.
"Bakit?" Biglang tanong ni Michael sa kaklase.
"That man got up and turned into a zombie." Glenn pointed out to the man who died a minute ago.
"Zombie?" Takang tanong ng apat kay Glenn.
"Tingin niyo anong nangyayari?" Seryong balik tanong niya sa apat.
Ayaw man nilang maniwala ngunit sa nangyayari ay para ngang nagkaroon ng biglaang zombie outbreak.
"And I think It's only inside Sitio De Villasarza. So, our family outside are safe." Mahabang sabi ni Glenn habang nakatingin sa malayo na walang bakas ng pagsabog at sunog tulad sa loob ng Sitio De Villasarza.
Napatingin si Yuki sa babaeng nakagat kanina. The girl also stare back at her.
"I'm going to turn too, right?" Umiiyak na tanong niya ngunit nanatiling tahimik ang lima na lalong nagpaiyak sa babae.
"Can you hold my baby?" The girl suddenly asks Yuki.
Walang pag-aalinlangan na dahan-dahang kinuha ni Yuki ang Baby mula sa kanya. Umiiyak na tumayo ang babae.
"Please. Protect her." And with that, the lady jumps towards a bunch of zombies.
Napaiwas sila ng tingin ng pinagpiyestahan ang babae.
Napamulat ang mata ni Yuki sa biglaang pag-iyak ng isang sanggol na hawak niya. Muntik na siyang magulat ng maalala na wala naman siyang sanggol na anak. She was about to stand up while still holding the baby but she realize that she was only sitting at the top of a high wall while leaning against Deiji. Her room mate. Sa walang kakayahang tumayo ay iginala na lamang niya ang kanya mata.
She saw a nightmare she'd never imagined would even happen in real life. A bunch of zombies trying to reach them. With that, a flashback came into her mind with scenarios on how they end up in that kind of situation.
Maya maya ay biglang lumingon si Glenn sa kanya.
"Let's go there." Sabi nito sa kanya sabay turo sa kadulu-duluhan ng gubat.
Saka niya lang napansin ang mga taong nagsitawiran na din pala mula sa kabilang pader at naglalakad na papunta sa direksyon na tinuro ni Glenn.
Yuki remembers the day her husband drove his car to take her to Sitio De villasarza. There's a weird white and tall barrier around the Sitio made of iron. People are already walking towards that direction thinking there's a way for them to escape from zombies.
Tumango si Yuki saka ginising ang mga kasamahan. Panatag ang loob ni Yuki dahil may isa pang lalaki silang kasama to protect them lalo na't may dala-dala na silang Baby.
"Bakit?" Agad na tanong ni Deiji kay Yuki na mukhang nakalimutang napapaligiran sila ng zombie.
"Let's go there." Gaya niya sa sinabi ni Glenn sa kanya kanina saka tinuro ang direksyon na tinatahak ng mga tao.
"Anong meron doon? Bakit sila pumupunta doon? Hindi pa din ba tayo mare rescue?" Mabilis at sunod-sunod na tanong ni Michelle sa kanila.
Naalimpungatan ito at mukhang takot na takot pa din dahil sa mga pangyayari. Lahat tahimik matapos magtanong ni Michelle. Kahit sila ay walang alam sa lahat ng nangyayari at wala din silang balita mula sa labas ng Sitio De Villasarza.
"We don't have signals. We can't ask for help." Kalmadong paliwanag ni Glenn na lalong nagpaiyak kay Michelle.
"I think it's planned. It's fucking well planned. They used a high paying job and cheap supplies and low bill of rent, electricity and water to lure us here." Sambit ni Deiji na mababakas mo ang sobrang gigil sa bawat salitang binitawan niya.
Napatingin si Deiji sa mga zombies na nasa baba nila saka tumalikod.
"So we need to go there?" Ulit na tanong ng dalaga saka tiningnan isa-isa ang mga kasamahan.
Sabay-sabay silang napatingin sa sanggol ng bigla itong umiyak ng napakalakas.
"Let's go. Nagsisilapitan na silang lahat dahil sa ingay ng baby." Madiing sambit ni Glenn saka nauna nang tumalon at tumawid sa kabilang pader.
Inalalayan naman niya bumaba ang bawat isa lalo na ang mga babae. Inggit na inggit si Michael kay Glenn. Kung ikukumpara kasi silang dalawa ay talaga namang itsura pa lang ni Glenn ay mukha ng malakas at matikas. Samantalang siya ay isang gamer lang na maghapong nakaupo.
Nang makababa na silang lahat ay nag-umpisa na silang maglakad papunta sa harang na kinakailangan nilang tawirin upang makalabas at makaligtas mula sa mga zombies. Lingid sa kanilang kaalaman na may isang taong nakagat ang kasama nilang nakatawid mula sa kabilang pader.
Ilang oras na silang naglalakad lakad ngunit wala pa din sila sa nais puntahan. Wala pa silang kain, walang maayos na tulog at kahit patak ng tubig ay wala magmula pa kagabi. Hinang-hina ang katawan nila habang patuloy pa rin ang pagtahak ng daan kasama ang iba pang mga tao galing sa kabilang pader.
"Ang sakit na ng paa ko." Reklamo ni Michelle.
" Gutom na ako." Biglang reklamo din ni Deiji na naging dahilan ng pag ngiti ng tatlong kaibigan na si Yuki, Michelle at Michael. Alam kasi nila kung gaano katakaw sa pagkain si Deiji. 'patay gutom' nga siya kung tawagin ng mga kasamahan sa dorm. And Deiji really love how her friends gave her a nickname. Gayon pa man, kahit anong katakawan ng dalaga ay hindi ito tumataba.
Umiyak na naman ng napakalakas ang sanggol na hawak ni Yuki. Sa tingin niya ay 4-5 months pa lang ang bata dahil dalawa na ang anak niya. This time ay mas malakas at mukhang walang balak tumigil ang bata sa pag iyak. Wala silang nagawa kundi ang huminto upang matingnan ang kalagayan ng baby at para makapag pahinga saglit kahit papaano.
"Gutom na si Baby." Biglang anas ni Yuki.
"Sabi sa inyo ei. Nakakagutom talaga ang mga oras na ito." Pag ibiro ni Deiji sa mga kaibigan. Gusto niyang gumaan ang loob ng bawat isa kahit siya mismo ay gustong gusto ng makaalis sa impyernong 'yon.
"Ang baby, normal sa kanila ang maya maya nagugutom. Sayo hindi 'yon normal." Pagbabara ni Yuki kay Deiji na nagpanguso sa dalaga.
"Oh!" Gulat silang lahat ng biglang nag abot si Glenn kay Yuki ng isang chocolate na may tatak burnburone.
"May date kasi ako kagabi. Nagdala ako ng bulaklak at chocolates para sa kanya. Diba 'yon naman gusto niyong mga babae?" Biglang paliwanag ni Glenn sa mga kasama ng bigyan siya ng nagtatakang mga tingin sa kani-kanilang mukha.
Kinuha naman ni Yuki ang chocolates saka kaonting pinahiran and dila ng baby upang tumahimik ito. Alam niyang bawal ito sa bata lalo na at walang laman ang tiyan ngunit kinakailangan nilang mapatahimik ang bata sa ngayon.
"Sweet naman pala." Pangkatyaw ni Michael sa kaklase.
"Ei nasaan na siya ngayon?" Tanong niyang muli.
"She was caught. I was just a minute earlier to the four of you na nakaakyat sa wall. And I didn't get a chance to save her. She was bitten before I could react. I was such a coward." Mahaba ang malungkot na pliwanag ni Glenn sa kanila.
Natahimik naman silang lahat dahil sa awkward ng kanilang usapan. Glenn lost someone and they lost everyone from dorm.
"Ahhhhhhhh!" Napatigil ang lahat sa paglalakad at napalingon ang lima sa pinanggalingan ng sigaw.
Bumalik ang kaba nilang lahat ng marinig ang pamilyar na sigaw at tili na iyon. Sigaw na may halong takot at sakit. Glenn step forward to clearly look for the cause. He saw a girl biting someones neck. A zombie. He whisper to himself.
"Run!" He shouted as he started running too. The five of them find themselves running again to save their lives.
"What happened?" Deiji asks Glenn as they are still running together.
Michelle and Michael are in front while still holding each other's hand. While Deiji and Glenn are on Yuki's side to protect Yuki who's holding a baby.
"Paano?" Tanong din ni Yuki ngunit hindi na masagot pa ni Glenn dahil kahit siya ay nagtataka maliban na lamang kung may nakatawid ding infected.
But Glenn is still wondering if it didn't turn earlier like what happened to the guy who died last night. Maybe it depends on how your body will react to the virus before it can get through to your brain.
"There!" Turo ni Michelle sa harapan nila.
Sa wakas ay nakita na nila ang napakataas na puting harang na gawa sa bakal. It's easy to climb dahil meron kang maaapakan at makakapitan.
Lalo nilang binilisan ang takbo dahil palapit ng palapit at padami ng padami ang tilian at sigawan ang naririnig nila mula sa likuran.
"Stop!" Abot kamay na nila ang nais akyatin ngunit napahinto sila sa napakalakas na sigaw ni Deiji.
They looked at Deiji and saw her stepping back. Nagpalinga-linga ito sa mga taong nagbabalak umakyat sa bakal na harang.
Gano'n na lang ang gulat nila ng makitang nangingisay ang lahat ng taong humahawak sa bakal.
"Fuck!" Napasigaw na lamang si Michael saka umatras. Kung nagkataon ay silang dalawa ni Michelle ang mauuna.
Download MangaToon APP on App Store and Google Play