"What's the use of all of this if you're going to cheat on me?" Malakas na sigaw ko sa asawa ko.
"Because I'm already tired! I can't deal with this anymore! You can't give me a child. I wanted to have a family!" Sumbat din niya sa akin kaya nanggagalaiti ang mga kamay ko.
"Pinagsasabi mo? Nangako ka sa akin na ayos na tayong dalawa sa huli, hindi ba? Hindi ba? Ano ngayon?"
"Iba na noon at iba na rin ngayon. Lahat ng bagay nagbabago. Pati desisyon ng tao. I'm sorry, Rich. But i can't be with you anymore. I love her, I love Tyla. She can give me a child, unlike you!"
"So gan'on? Eh di sana hindi mo na lang ako pinakasalan! Sana hindi ka na lang nangako!"
"I'm sorry, Rich. But let's get divorce." Pagkatapos niyang sabihin ang mga katagang iyon, tumalikod na siya nang hindi man lang ako binibigyan ng kahit isang sulyap man lang.
"R...Red... Do-don't... Don't leave me, Red! Please don't leave me!" Mabilis kong habol sa kaniya.
Hinawakan ko pa ang laylayan ng kaniyang damit para pigilan lang siya na makaalis sa bahay.
"Ano ba, Rich? Hindi na kita mahal, hindi na ikaw ang nasa puso ko. Kaya tumigil ka na. Huwag mo ng saktan ang bawat isa sa atin." Naiinis na singhal niya.
Pilit niya rin akong itinatakwil sa kaniya. Kaso patuloy kong hinihigpitan ang pagkakahawak sa laylayan ng damit niya habang ang aking mga luha ay patuloy na nagsisibagsakan.
"Please, Red. Don't leave me. I can't. Ikaw lang ang nag-iisa sa buhay ko. Ayaw kong iwan mo ako. Please, Red. Don't..."
"I said stop this nonsense, Rich. Let's divorce and love yourself. Huwag mo na akong hintayin. Huwag mo na akong pigilan dahil pagod na ako, Rich. Gusto kong magkapamilya!"
Galit na sigaw niya hanggang sa maramdaman ko na lang ang pagtulak niya sa akin nang malakas palayo kaya napatumba ako sa sahig.
Napatama pa ang aking siko sa lamesa pero wala man lang sa kaniya. Nagdiretso siya na umalis, walang baling-baling sa likuran.
Nang makaalis na siya, lahat ng emosyon ko ay inilabas ko.
Buong gabi akong umiiyak. Sinisisi ang sarili na lalaki ako.
Hanggang sa magdesisyon ako na wakasan ang buhay ko.
"No one ever loves me. How can I love myself?" Mahinang tanong ko sa aking sarili at blangkong nakatingin sa ibaba ng palapag ng building.
"It's now over, if I k-lled myself."
Matapos kong sabihin iyon, wala rin akong pagdadalawang-isip na tumalon sa mataas na building na ito.
Pumikit at dinadamdam ang hangin na humahampas sa aking buong katawan habang patuloy ang pagbagsak sa ibaba.
Ngumiti ako nang mapait sabay labas na naman ng luha sa aking mga mata.
'I'm sorry.'
***
[Notice! Character Alrich Zane Falco has been awakened. The True Beauty has been produced. The Plot's Processing ... The Plot Completed]
[Character Alrich Zane Falco's Mission: Giving Birth With The Protagonists Children]
[Character Alrich Zane Falco's Mission: Taking Care Of The Protagonists Children]
[System: Character Alrich Zane Falco has been isolated]
[Notice! Wait for 6 years until the storyline ended]
[Character Alrich Zane Falco's Mission: Giving The Children To The Protagonist After Their 5th Birthday]
.
.
.
.
.
.
.
.
.
[Alert! Alert! The Storyline has been ruined]
Nakatingin lang sa labas ng bintana si Alrich habang pinagmamasdan ang mga bituin na kumikinang sa kalangitan.
Hanggang ngayon hindi pa rin niya maintindihan ang nangyayari. Nagising na lang siya na may nagsasalita na sa kaniyang isipan.
Akala niya ay nababaliw na siya. Akala niya ay nawala na siya sa sarili. Pero hindi.
Hindi ito imahinasyon. Totoo ngang may kumakausap sa kaniya habang wala siyang malay.
Subalit hindi niya matukoy kung ano iyon noong una.
Children?
Protagonist?
Wala siyang kaalam-alam. Nasa libro ba siya? Ano namang libro?
Kung nasa aklat man siya bakit totoong pangalan niya ang gamit?
Totoo rin ba na magkakaanak siya?
Hindi ba ito halusinasyon lamang? O haka-haka lamang?
At sino ang ama?
Kaso ipinagsawalang bahala niya iyon.
Lumipas ang isang linggo na nasa loob pa rin siya ng mansyon. Kahit na gusto niyang lumabas at tingnan ang kabuuan ng lugar, hindi niya magawa dahil patuloy na nagsasalita ang nasa isipan niya.
Kailangan niyang tapusin ang storyline bago siya tuluyang makalaya. Pero anim na taon? Anim na taon siyang nakapirmi rito?
Walang tao, walang kahit anong katulong, tanging mag-isa lang siya. Si-nu-suportahan ang sarili sa bawat araw na nagdadaan.
Sakto rin na nakakaramdam na siya ng kakaiba sa kaniyang sarili.
Animo'y nararanasan na rin niya ang paghihirap ng mga nagdadalang-tao. Pero paano niya malalagpasan ito?
Sino ang tutulong sa kaniya?
Sobrang daming mga katanungan at bumabagabag sa isipan ni Alrich. Kung noon nanalangin siya na sana magkaroon sila ng anak ni Red, pero ngayon parang ayaw na lang niya.
Sa bawat araw na lumilipas, linggo at maging mga buwan.
Hindi na nakakayanan pa ni Alrich ang mga nangyayari. Pilit niyang pinapatay ang kaniyang sarili upang hindi maghirap ang mga bata sa paglaki.
Ayaw niyang mabuhay ang mga ito sa lugar na parang nasa loob sila ng isang laro na kung walang gagalaw sa screen, hindi rin sila mabubuhay.
Kaso kahit anong gawin niya patuloy siyang bigo. Hindi siya nilalagutan ng hininga kahit ilang beses man niyang saktan ang sarili.
Kaya sa huli inisip na lang ni Alrich na mabuhay na lang at ipanganak ang mga bata sa hindi niya kilala na ama.
Sino bang ama nila?
Tanong niya sa kaniyang isipan bago mapalingon sa isang cellphone na hindi niya tinitingnan simula ng magising siya.
Nawawalan na kasi siya ng pag-asa.
Pero nang buklatin niya ang contacts. Dalawang numero lang ng tao ang nandito.
Si Jin Linran at Jin Weilan.
Hindi niya maintindihan kung ano ang koneksyon niya sa dalawa na ito.
O ano bang koneksyon nila sa mga batang nasa loob ng kaniyang sinapupunan.
Sila ba ang isa sa ama?
Ngunit ipinagsawalang bahala na naman ni Alrich ang mga naiisip. Nagsimula na rin siyang mag-te-text sa mga ito ng mga kung anu-ano.
Ginawa niyang isang diary ang mga numero sa contacts niya kahit pa-paano ay nababawasan ang pagkaalalahanin niya sa bawat araw.
Kahit hindi sila mag-reply sa kaniya, ang mahalaga may pinagkakaabalahan siya.
Pero sumasagi rin sa kabilang utak niya na sana may isa ang sumagot sa kaniya.
***
[Notice! The babies wanted to get out! Time for labor.]
[System: Labor's Processing...]
Nang sumapit ang kaniyang kabuwanan, tanging ang system niya ang tumulong sa kaniya na ilabas ang dalawang bata.
Hindi niya makita kung ano ang ginagawa nito. Nakataas ang kaniyang ulo habang ang bibig ay may sakmal-sakmal na damit.
Nakahawak din ang kaniyang dalawang mga kamay sa lamesa sa kaniyang ulunan.
Papikit-pikit habang patuloy na nakikipag-operasyon sa system. Parang may kung anong naramdaman siya sa kaniyang tiyan at medyo liwanag na nagiging sanhi ng pananakit ng kaniyang mga mata kaya pinipikit-pikit niya na lang.
Kahit na gusto niyang makita kung ano bang nangyayari at wala man lang siyang nararamdaman na sakit, hindi niya magawa.
Pilit na pinapanatag ni Alrich ang kaniyang sarili. Gusto niyang ilabas ang dalawang bata nang walang kahit anong aberya.
Tanging sa system na lang siya umaasa.
'Please...please save my babies...' mumunting pakiusap niya habang nakapikit.
Nagsibagsakan na rin ang mga luha sa kaniyang mga mata. Mas masakit pa ang nangyayari ngayon kaysa ang nakasama ang minamahal sa dalawang taon.
Dahil sila ang naging inspirasyon niya upang mabuhay sa mundo na hindi niya alam kung belong ba siya o isa lamang bisita.
Ayaw niya na isa rito ay mawala.
[System: Labor's Completed.]
Dinig niyang saad na naman ng boses sa isipan niya. Pero nanghihina na siya.
Sumasakit na rin ang kaniyang ulo sa hindi niya malaman na dahilan. Wala ngang sakit sa tiyan, pero sa ulo matindi.
Gusto niyang matulog, gusto ng tuluyan na matulog ni Alrich.
Pero naiisip niya pa rin ang mga anak niya.
Paano kung bumalik siya sa mundo niya?
Paano kung tapos na ang misyon niya rito?
How about his twins?
Sino ang mag-aalaga sa kanila?
Kahit na nahihirapan na sa paghinga si Alrich. Pilit niyang inaabot ang kaniyang mga anak. Pero wala siyang makapa.
'Nasa'n ang mga baby ko?' nag-aalala niyang wika.
Humihiling na sana ay may kahit isa sa kanila ang umiyak para mawala ang bigat sa puso niya.
"Please ..." Nanghihina niyang pakiusap habang patuloy pa rin ang pagkapa.
Hindi siya makabangon, hindi siya makalingon sa iba't ibang direksyon. His body become stiffed and can't move even in a little bit.
"Wahhh!"
"Wahh! Wahh! Wahh!"
Nang mapakinggan na ni Alrich ang biglaang pag-iyak ng mga bata na animo'y narinig siya, ang tinik na bumaon sa kaniyang dibdib ay unti-unti na ring nawawala.
Ngumiti siya nang malawak subalit ang mga luha ay patuloy pa rin sa pagbagsak.
Masaya siya,
Maligaya siya na narinig ang hiyaw ng mga anak niya,
Pero sino ang mag-aalaga sa kanila?
'H-hindi...'
[Alert! Alert! Severe Blood Loss. Sleep Mode Activating... Sleep Mode Activated.]
[Turning on Babies' Nanny... Activated]
[Activating Security Procedure. Activated]
[System: Character Alrich Zane Falco sleep mode on. You can sleep in 7 days prior.]
Salitang mga naririnig niya sa kaniyang isipan. Dahil sa sobrang dami, hindi na niya maintindihan. Ang tanging naiisip niya lang ay ang mga anak niya.
"Please let my babies alive. Help me..." Mahinang tugon niya sa kawalan bago tuluyang makaramdam ng matinding antok at unti-unti na ngang ipinikit ang kaniyang mga mata pero hanggang ngayon ay nasa utak niya pa rin ang mga bata.
'Ang mga anak ko...'
****
[7 days of Sleep Mode Completed. Character Alrich Zane Falco has been awakened]
"Hmm..." Dahan-dahan na iminulat ni Alrich ang kaniyang mga mata.
Unang tumambad sa kaniya ay ang kisame na walang kahit anong tinta. Marahan din niyang ibinaling ang kaniyang ulo sa kaliwa, nakita niya ro'n ang dalawang sanggol na nakatabon lang ang carpet sa kanilang sarili. Walang kahit anong saplot.
Kahit na nahihirapan ang kaniyang sarili sa panganganak, marahang tumayo sa pagkakahiga si Alrich upang puntahan ang dalawang sanggol.
Unang tingin pa lang niya sa mga ito ay parang may kung anong humaplos sa durog niyang puso.
Kamukhang-kamukha niya ang dalawa. Ni isa ay wala silang nakuha sa ama nila.
Para bang ang lahat ng pahirap na dinanas niya sa mga buwan na iyon ay bigla na lamang nawala.
Now, he has two angels. Two angels will become his strength and he'll do everything to make their life happy.
Kahit na siya lang ang magtataguyod sa kanila. Ayos lang.
Pero hindi siya tumigil sa pag-te-text sa dalawang numero.
[It's worth it. After 9 months of being pregnant, I can finally see my two angels]
[Hindi mawawala ang pagdadalawang-isip kung kaya ko bang palakihin sila. Pero kakayanin ko. Sila na lang ang natitira sa piling ko]
[Kung sino man kayo, p'wede bang kahit isang 'congratulations' lang? Kahit pa-paano may tao pa rin pala ang nakikinig sa akin]
....
Pero ni isa walang sumagot. Wala man lang nag-congrats sa kaniya dahil sa tagumpay na natamo niya.
Subalit hindi naging hadlang iyon. Patuloy na nagsusumikap si Alrich na palakihin ang dalawang sanggol.
Mahirap sa una dahil wala siyang alam sa pagpapalaki. Wala rin naman siyang mga magulang na nagtuturo sa kaniya kung paano ba mag-alaga ng bata dahil laki siya sa ampunan.
Ngayon ay nasa anim na buwan na ang mga sanggol. Habang lumalaki sila, mas lalong nagiging kamukha niya.
Kahit na itakas niya ito at hindi ibigay sa tunay na ama nila, walang magiging problema.
Anak niya ang mga ito. Siya ang nagpakahirap, bakit niya ibibigay sa wala man lang paramdam na lalaki?
Ipaglalaban niya ang karapatan niya. Kahit na sa kam-tayan pa.
"Babies, don't leave your daddy okay? Don't leave me like they did to me. I can't bear it..." Nagsusumamo niyang turan sa dalawang sanggol na nakatingin sa kaniya nang nagtataka.
Mga nakahiga sa kama pero gan'on na lang ang gulat niya nang sabay-sabay nilang hinawakan ang mahaba niyang buhok na saktong bumagsak sa harapan nila nang siya'y yumuko upang hindi nila makita ang nagbabadyang luha na gustong lumabas sa kaniyang mga mata.
Narinig niya rin ang mga tawanan nila. Kahit na hindi pa nila siya naiintindihan sa kaniyang sinasabi. Animo'y sumasang-ayon na agad ito sa kaniya.
Kaya napangiti rin siya sa nakita. Marahang niyakap ang dalawang sanggol na itinadhana sa kaniya.
"I'll protect you, my babies."
"So protect me too if they ever find or come here to get you."
[After 5 Years]
The door opened with forced. Ang nakahiga sa sofa na nilalang ay napamulat dahil sa narinig. Pero hindi siya kumilos patayo.
Dahan-dahan niyang ikinilos ang kaniyang ulo sa direksyon ng pinto upang tingnan kung sino ang bumukas ng pinto kahit na alam naman na niya kung sino ang mga ito at nakita sa harapan ang dalawang bata na magkamukha na malawak ang mga ngiti na naglalakad sa direksyon niya.
"Dad!"
"Daddy!"
Masayang tawag nila sa ama nila na nakahiga. Si Kidlat ang nagsabi ng Daddy at si Zefhan naman ang Dad. Limang taong gulang na ang dalawa, parehas maligalig, at masayahin.
Pero pagdating sa nararamdaman ng kanilang ama, nagiging malamig sila o hindi kaya ay seryoso.
Kahit na ganito lang ang edad nila ramdam na nila ang sakit na pinapasan ng ama nila na nagsasariling sikap na buhayin sila sa mansyon na ni isa ay walang katao-tao.
May mga unlimited food nga para sa pang-araw-araw nila. Pero tanging sila lang ang nakikita nila sa bawat araw.
Kaya nasanay na sila na presensya lang nila ang nakikita.
Sa edad na lima, napagtanto nila kung gaano nahihirapan ang ama nila sa ganitong sitwasyon. Minsan ay napapasulyap na lang sila rito kung paano ito magtipa sa cellphone na luma.
Naghihintay ng sagot pero wala. Hanggang sa makita na lang nila na nasasanay na ang ama nila sa ganitong eksena.
Kaya ginagawa nila ang lahat para pasayahin lang ang ama nila.
Ang ama nila na siyang nagluwal sa kanila.
"Babies, what's wrong?" Mahinhin na wika ni Alrich. Pero nandoon pa rin ang pagkalalaki na boses.
Kaya ang dalawang bata ay napalingon sa isa't isa. Napatango at ang kanilang mga mata ay nangungusap kahit na hindi na kailangan pang magsalita.
Mabilis silang lumapit sa kinaroroonan ng kanilang ama. Hinawakan ang dalawang braso nito at pilit na pinapatayo siya sa pagkakahiga.
Kahit na nagtataka na si Alrich sa ikinikilos ng kaniyang mga anak. Wala na rin siyang nagawa kundi ang sumunod sa mga ito.
Dahil sa taas niya na 180cm ang mga anak niya ay hanggang hita pa lang niya. Nasa limang taong gulang pa lang ito kaya hindi pa sila tumatangkad.
"Let's go outside, dad!" Magiliw na wika ng panganay sa magkambal, si Zefhan. May nunal ito sa ilalim ng kanang mata. Samantalang wala naman si Kidlat.
"Yes! May ipapakita kami sa iyo, daddy!" Sang-ayon din ng bunso kaya napapatawa na lang siya sa dalawa at nagsimula na silang lumabas sa mansyon na tahimik at animo'y parang haunted.
Kahit na hindi naging madali ang limang taon na pakikibaka sa pagpapalaki sa dalawa. Masaya naman si Alrich sa naging bunga.
Nagkaroon siya ng dalawang anak na hindi mo masasabing nasa laro ka. Totoong-totoo sila.
Masasabi na rin niya sa sarili niya na kasapi na rin siya sa mundong hindi niya pa alam, hanggat nasa tabi pa niya ang mga anak niya hinding-hindi niya hahayaan na mawalay sa kaniya ang mga ito.
Gagawin niya ang lahat upang hindi sila kunin ng kanilang mga ama.
Oo, mga ama. Dahil noong isang taon niya lang napagtanto kung sino ba sina Jin Linran at Jin Weilan sa buhay niya.
Kundi ang kaniyang mga asawa. At katulad ng kaniyang mga anak, kambal din ang mga ito.
Pero hindi niya lang mawari kung paano pumayag ang mga magulang nito sa kasal na dapat ay isa lang?
Tama ba na dalawa ang maging asawa?
Saka paanong hindi na sila umuuwi sa mansyon? Iniwan na lang ba nila ang orihinal na Alrich Zane Falco sa bahay na walang katao-tao?
Ano ang dahilan nila?
Maraming katanungan si Alrich, pilit niyang hinihingian ng paliwanag ang mga nasa contacts niya pero ni isa ay walang nag-te-text.
Kaya pumasok agad sa isipan niya na baka nagbago na ang mga ito ng numero o cellphone.
Nagsabi rin siya na makikipag-divorce na siya sa dalawa pero wala pa rin kaya itinigil na niya ang paglilitaw ng ganitong topic.
Itinago rin niya ang marriage certificate nila sa hindi makikita ng dalawang bata. Nakuha niya ito sa isang room sa itaas na ng bahay.
Siguro ito ang kwarto ng mga iyon. Noong una hindi niya magawang malibot ang bahay dahil na rin sa laki at lawak, saka buntis din siya kaya ayaw niya na naglalakad siya paibaba at paitaas sa hagdanan.
Nang lumaki-laki na ang magkambal at kaya na rin nilang umintindi sa mga babala niya, nagawa na rin niyang libutin ang buong mansyon.
At iyon nga ang importante na natagpuan niya.
Naresolbahan na ang isa sa unang katanungan niya. About sa Protagonists... dalawa pala ang tinutukoy ro'n.
Ang hindi niya lang mawari ay kung bakit magkambal din sila?
Marami siyang katanungan pero sa ngayon ayaw niyang masira ang ulo sa kakaisip ng mga bagay na hindi niya na maintindihan.
***
"Saan naman tayo pupunta?" Nagtatakang tanong niya sa dalawang bata nang mapansin na papunta na sila sa kasuluk-sulukan ng gubat.
May gubat sa likuran ng mansyon. Hindi niya pinapansin iyon dahil may kakaiba ro'n. Animo'y may bangin na maling tapak lang ay mahuhulog ka na sa pinakailaliman.
Kaya't iniiwasan niya iyon kahit ano pang mangyari.
"Come on, dad! Don't k*ll the fun. Just wait!"
"Yeah! Yeah! Tama si Kuya, daddy. Mas mabuti na lang pong shut up tayo." Sabat din ni Kidlat.
Hindi malaman ni Alrich kung magagalit ba siya o matatawa na lang.
Kaya tahimik na lang siyang nakisama sa dalawa niyang anak na nauuna, hanggang sa mapanganga na lang siya nang makalabas na sila nang tuluyan sa gubat habang nag-iingat na huwag makatapak sa maling direksyon.
Kung mangyari man, baka mahulog silang lahat sa bangin na napakadilim sa kinailalaliman nito hindi mawari kung ano ang nasa loob.
Ang tinatapakan lang nila ay isang lumang matabang kahoy na nakadapa, nagiging silbi na tulay papunta sa kabilang direksyon na natatabunan din ng mga puno at mga damo na matataas na kumpol-kumpol.
Hindi gan'on kalayuan ang dulo subalit nakakahindik balahibo pa rin kung t-tingnan ang nasa ilalim ng tinatapakan mo.
Pero iyon na lang ang gulat ng tatlo nang maabot nila ang dulo at ang paglagpas nila sa mga puno.
"Wow. What's this? Am I dreaming?" Gulat na gulat pa rin ang mukha ni Alrich.
Hanggang ngayon hindi pa rin siya makapaniwala. Nilibot ng kaniyang mga mata ang kapaligiran.
Papikit-pikit pa siya. Sinasabi sa sarili na baka nanaginip lang siya. Pero may dalawang malambot at maliliit na mga kamay ang humawak sa dalawa niyang palad kaya napalingon siya sa mga ito.
Nakangiti ang kaniyang mga anak habang nagmamasid din sa buong kapaligiran, sa mismong direksyon ng mga bahay na sibilisado.
"We're free, dad!"
"We're now in the new world, daddy!"
Sabay na pahayag ng dalawang anak at malakas na itinaas ang mga nakareserbang braso.
Kaya natatawa na lang si Alrich sa nakikita sa anak bago dahan-dahan na lumuhod upang yakapin ang dalawa.
Unti-unti na ring nagsibagsakan ang luha sa kaniyang mga mata.
"Finally... Finally we're free." Mahinang tugon niya sa mga ito.
Matagal na niya itong pinapangarap. Matagal na niyang inaasam na makalabas sa isolated place na tanging siya lang ang naninirahan.
Nagpapasalamat siya dahil dumating ang mga anghel sa buhay niya. Kung wala sila... mananatili ba siyang masisiraan ng bait sa lugar na wala man lang siyang nakikita?
"Yes, dad/daddy! Dream come true!" Nakangiting wika ng dalawa.
[Alert! Alert! The Storyline has been ruined]
Biglang bulalas ng system sa isipan ni Alrich. Napaangat ang kaniyang mukha sa dalawa, tumayo agad sa pagkakaluhod atsaka seryosong lumingon sa magkambal.
"If I count 1 to 3, we will run? Okay?"
Napalingon bigla ang magkambal sa ama nila nang marinig itong mga kataga. Imbis na maguluhan at magtanong. Ngumiti pa sila nang nanabik. Naghihintay sa pagbilang ng ama nila at naghahanda na rin ang kanilang mga paa sa pagtakbo.
"In count of 1..."
"2"
"3"
"Let's run!" Sigaw niya sa kanila.
Tuwang-tuwa naman ang mga bata sa pagtakbo habang hawak-hawak nila ang dalawang palad ng kanilang ama.
Kahit na lumalabas na ang mga pawis sa kanilang noo, hindi pa rin sila tumitigil. Humahagikhik din sila habang lumalayo nang lumalayo sa direksyon ng mansyon na tanging kalungkutan lang ang dala.
Oo, masarap ngang mabuhay sa tahimik na lugar. Pero kung ganito na parang sila lang ang tanging nabubuhay sa loob ng limang taon at hindi p'wedeng lumabas sa tarangkahan, sinong mananatili sa Isolated Place?
Sa loob ng limang taon ngayon lang nakaramdam si Alrich ng kaginhawaan.
Kahit na tumatakbo sila ng kaniyang mga anak, tanging nararamdaman niya lang ay kalayaan. Kalayaan sa mundong malapit na siyang mawala sa sarili.
"Dad, we're finally here!" Tugon ng kaniyang panganay nang tumigil na sila sa pagtakbo nang makita na nila na malayong-malayo na sila sa kinaroroonan ng mansyon na iyon.
Now, they were facing the city full of lights, people's screaming, laughing, and calling to their love ones. Cars beeping, the upcoming sounds of the train, and many more.
Na ngayon lang ulit naranasan ni Alrich na makita at maramdaman.
Para bang bumalik siya sa dati niyang mundo. Kung saan nagsisimula ulit siya na makipagsapalaran sa mundong punong-puno ng sakripisyo.
Kung noon sarili lang niya ang iniisip na buhayin, pero nang dumating na ang dalawang bata sa buhay niya, magkakayod siya nang todo upang bigyan sila ng magandang buhay.
Gagawin niya ang lahat para sa kanila.
Hanggat humihinga pa siya, hindi siya titigil. Sila ang inspirasyon niya, kaya mananatili siyang matatag.
Download MangaToon APP on App Store and Google Play