"Rainah Amore Vergara. You're late" salubong sa'kin ng aking teacher na si Ms. Santos.
"Sorry ma'am. Mahaba po kasi ang pila sa sakayan" dahilan ko. Yes, it's true. Nalate rin kasi ako ng gising kaya nadatnan ko ng ganoon kahaba ang pila sa sakayan.
Tinaasan nya ako ng kilay. "Not a valid reason, Ms. Vergara" anito sabay iling. "You know you have an early class today dapat nag effort kang gumising ng maaga to attend my class ahead of time" panimula nito.
"Sorry ma'am" yun na lang ang nasabi ko. Wala naman akong laban dito. Tsk. Bwesit kasi naunahan ako kanina.
"I don't want this to happen again, Ms. Vergara. Understood?" tumango ako. "Hindi na kita papapasukin sa susunod kapag na late ka pa. Please. Please make an effort. Importante ang bawat segundo class. Time is gold sabi nga nila. Imbis na mag sstart na tayo sa discussion ay hindi natin magawa dahil may mga singit ng singit na late comers. I hope next time ay wala ng ni isa sainyo ang mahuli sa klase ko. Naiintindihan ba?"
"Yes ma'am!" sagot ng lahat. Tahimik akong pumunta sa upuan ko at linabas ang notebook ko para sa subject ngayon.
LUNCH BREAK
Pagkatapos ng huling klase ko para sa umagang iyon ay pumunta muna ako sa locker ko para ilagay ang mga librong dala ko at dito rin namin napag usapan ni Aiah na magkita para sabay kaming kumain.
Kunot noo kong tiningnan ang sticky notes na bumungad sa akin na nakadikit sa locker ko.
"Rainah Amore,
Hi! I put something inside your locker. Hope u like it :)
^^^love, K."^^^
I raised my brow. At sino na naman tong K na to? Araw araw yata iba't ibang letter ang nagdidikit ng sticky note sa locker ko. Konti nalang makukumpleto na ang Alphabet, bwesit.
I crumpled the sticky notes at deretsong shinoot yun sa basurahan sa malapit. Wala akong oras sa mga ganoong bagay. At yung 'something' na sinasabi nya isang kulay itim na pony tail na may letter K? Tapos may kasama pang sulat iyon.
"I know you don't like chocolates and flowers that's why I'm giving you this cute pony tail. Qt just like u :) ps. pls use it."
At sino ka ba para sundin ko?
"Rainah Amore!!" gulat akong humarap kay Aiah at mabilis ko ring ibinulsa ang ponytail para hindi nya makita.
"Banggitin mo pa ang second name ko at tatamaan kana talaga sa'kin" pagbabanta ko rito pero nginitian nya lang ako.
"Huh? You saying something?" nangiinis na anito.
Inirapan ko na lang ito sa naging sagot. At bakit nga ba naman matatakot ang isang Mariah Laura sa'kin? Unbothered queen kaya to.
"Sabi ko, ang pangit ng ugali mo Mariah Laura" sagot ko sabay takbo palayo sakanya.
Kung ako, ayaw kong binabanggit ang second name ko. Si Aiah, ayaw na tinatawag sya sa buong pangalan nya dahil napaka luma raw pakinggan. But for me it is ✨ beautiful ✨.
"Ang mahuli manlilibre!" sigaw ko sabay takbo. Pero hindi pa man ako nakakalayo ay bumagsak na ako sa sahig dahil nabangga ako.
"Omg!" Rinig kong sigaw ni Aiah.
"Sa iba kasi nakatingin yan tuloy" mahinang anito. Aba! Kilala ko ang boses na iyon.
Khian Jace Jimenez! 🤬
Download MangaToon APP on App Store and Google Play