NovelToon NovelToon

BL∞D MONSTER

ZERO

...↭𝐁𝐋∞𝐃 𝐌𝐎𝐍𝐒𝐓𝐄𝐑↭...

...𝖄𝖊𝖆𝖗 𝟏𝟗𝟔𝟏...

...ᙩ PRѺLѺGÜ€ ᙬ...

...༐...

...╔════❖•ೋ°════°ೋ•❖════╗...

                 ℑt's been a hundred years since I decided to live in these world. I was bored so I escaped from the castle of mine— it's not like I am needed there anyway then I found this place..

Where am I? Somewhere in the Philippines but then my suppose to be silent and peaceful life for 3 years in here became so noisy because of—

"Yuan! Yuan! Giting na giting na!" He was having a best bloody meal on his dream ng maramdaman niyang may yumuyugyog sa kama niya trying to wake him up.

Fuck! Ba't ko ba nakalimutan na may kuting sa mansyon ko? Tch. The door.. I forgot to lock it again. Damn it.

"Avinir, stop it. I'm still sleepy." A five year old girl with a black hair, grayish eyes & morena skin smiles at him habang siya naman ay nanatili lang nakadapa at nakadukdok lang sa unan niya.

Five years ago, pauwi siya galing noon sa isang night club ng makita niya sa harap ng gate niya ang 2 months old baby na ito. Balak niya sana itong ihagis or itapon sa malayo nung araw ding iyon, pa'no ba naman kasi pagkakita pa lang nito sa kanya ay humagikhik na ito ng tawa na para bang isa siyang clown.. mabuti na lang talaga at napigilan siya ng alalay niya.

By the way, he's not living in the city right now; nasa isang probinsiya siya. Dito niya naisipang itayo ang palasyo niya malapit sa kabundukan kung saan walang basta-bastang makakapunta at makakahanap sa kinaroroonan niya. Maaring matanaw mo ito kung nasa syudad ka pero kung plano mo itong puntahan paniguradong maliligaw ka muna ng sobra. Nilagyan kasi niya ng mahika ang buong paligid ng palasyo niya para agad na maramdaman niya kung may magtatangkang pumasok dito sa teritoryo niya na mga kauri niya at para na rin hindi siya kaagad mahanap ng mga pinagtataguan niya.

Iisipin mong walang tao sa lugar na iyon bukod sa kanila.

"Luirica!" It was his butler ever since he was young.

What I mean is 'di naman siya tumatanda. He's a 186 years old by an age but 25 in physical.

"Yes Master, May kailangan po kayo?" Mabilis itong nakarating sa kwarto niya na lumitaw na lang sa sahig bigla.

"Didn't I tell you na ayokong lumalapit itong bigbwit na'to sa tabi ko? And refrain from doing things what others can't lalo na sa harap ng kutong lupa na'to." Padapa pa rin siyang nakahiga habang sinasabi ang mga iyon sa tagapagsilbi niya.

Tch. I don't hate her but I don't like her either. Sobra kasi lagi kung makangiti 'tong bugbwit na'to sa akin that's why I don't usually look at her and just ignore her pero ito pa rin siya't sunod pa rin 'to ng sunod sa akin kahit pa ni minsan 'di ko naman siya nginingitian o kinakausap pa.

Just what the hell is wrong with her?

Hindi talaga siya nagbago ng posisyon niya simula pa kanina at tila nagtulog-tulugan siya rito. Gusto kasi niyang isipin nito na hindi siya interesadong makipag-usap dito o makihalubilo sa kanya.

"Pawa chayo... Twitdlims." Maya-maya'y nagpaalam na rin ito.

Yeah right. Kahit 'di ko siya nakikita I know that kid is giving me a big smile right now like she's always been.

"Ms. Avinir, let's go?" He heard na nagsara na ang pinto niya kaya dun niya lang napagpasyahan tingnan ang iniwan nito sa kama niya.

Isang Tulip.

"That kid.." Pagkahawak niya rito ay agad din itong naging abo.

Sa tuwing humahawak kasi siya ng mga bagay na may buhay gaya ng halaman at anyong tubig ay mabilis itong namamatay kaya naman ni minsan ay hindi niya hinahawakan ang batang iyon. His hands are too sinful and dirty na kahit pa sabihing nakakahawak naman siya ng mga tao o ibang bagay, para sa kanya iba pa rin para sa batang katulad ni Avinir masyado itong inosente at mahina na baka matulad ito sa bulaklak na lagi nitong binibigay sa kanya. Hindi rin naman niya gugustuhing maging abo na lang ito bigla.

He maybe a Prince of Dark World pero hindi naman siya basta-basta na lang pumapatay ng nilalang.

...╚════❖•ೋ°🅣🅑🅒°ೋ•❖════╝...

...᯼...

...▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒...

Wuuh! 😅 Kamusta ang opening ko? Grabe.. Tagal na nito sa Drafts ko kaya I decided i publish na siya kahit paunti-unti at mabagal ang update...

Gaahh!! First fantasy chuchu ko to. Inspired ata ako sa isang story nung ginawa ko to.. I forgot kung ano yun.. 💦💦 Hehe.

Weiti.Weiti !!!

If you have other time..

Just read my other works!

Nandun sa profile ko.. 😄😄😄

ΨѺÜ may now proceed to the next chapter..

If merun na..

ONE

...↭ 𝐁𝐋∞𝐃 𝐌𝐎𝐍𝐒𝐓𝐄𝐑 ↭...

...𝖄𝖊𝖆𝖗 𝟏𝟗𝟔𝟔...

...ᙩ❶ᙬ...

...༐...

...╔════❖•ೋ°════°ೋ•❖════╗...

5̥ 𝖞𝖊𝖆𝖗𝖘 𝖑𝖆𝖙𝖊𝖗 ...

"Yuan! Yuan! Buksan mo 'tong pinto! Sabay tayong magbreakfast!" Malakas siyang kumakatok ngayon sa pinto ng kwarto ni Yuan.

Magmula nung nagkaroon sila ng unang tampuhan nito noong bata-bata pa siya ay palagi ng nakalock ang pinto nito pero kahit pa nagkaayos na sila nu'n ay 'di na talaga siya muli pang nakapasok pa rito.

"Hayss..." Iniwan niya na lang sa tapat ng pinto nito ang tulip na bagong pitas niya para rito.

Doon na naman siguro 'yun magdamag kasama 'yung babae niya.. Kaiinniisss!! Haba ngusong litanya niya.

Hayy naku, hanggang kailan kaya kami ganito? Hmmp!

.....

Ako nga pala si Avinir Satanus, 'yan ang pangalang ibinigay sa akin ni Yuan. 'Di naman sa wala akong respesto sa kanya pero 'yun kasi ang gusto niyang itawag ko sa kanya. Yuan lang.

Wala rin naman akong balak tawagin siyang Daddy, Tito or Kuya kahit pa siya ang umampon at pumulot sa akin nun dahil wala rin naman sa mga iyon ang turing ko sa kanya at 'yun ay dahil sa gusto ko siya. Tama, Gusto ko siya bilang Prinsipe- bilang napupusuan kong mapapangasawa balang araw! Marahil sasabihin mong bata pa ako na 10 years old pa lang ako ganito na kaagad ang naiisip ko pero para sa'kin siya lang ang kayamanan ko.. dahil kung wala siya wala rin ako.

Kaya simula noon nagkapagdesisyon na ako. Ako! Ako na ang magiging asawa ni Yuan paglaki ko! Hahahaha! (๑✧◡✧๑) *witch laugh*

"Di ka pa rin talaga sumusuko Ms. Avinir.. Hayaan mo na si Master, Hmn.. tulog pa siguro 'yun." Sabi ng tagapagsilbi nila kaya kumain na lang siya mag-isa ng paboritong breakfast meal niya.

Pandesal & Butter freshly made by Luirica.

Siya naman pala si Luirica.. Ang tagapangalaga ni Yuan na medyo mas bata sa kanya at aking guro sa lahat ng bagay na dapat kong matutunan lalo na sa mga gawaing bahay.

Siguro mas mabuti kung si Luirica ang tinatawag ko ng may paggalang kasi simula nung baby pa ako ito na talaga 'yong nag-aalaga at nag-aasikaso sa 'kin. Lahat kasi ng alam nito na dapat kong matutunan ay itinuturo nito sa akin kaya lang, gaya rin ni Yuan pangalan lang din niya ang gusto niyang itawag ko sa kanya.

"Hmmp! Akala niya siguro titigilan ko siya pero hindi! Hindi pa rin ako susuko.. Tama, Darating ang araw at makakasabay ko rin siyang kumain pero diba dapat ngayon pa lang masanay na siyang gawin 'yon Luirica? Kasi ako ang feather wife niya? Pagnag-eighteen na ko pwede niya na kong pakasalan."

"Ahm.. Hahaha... 💦 Masyado ka pang bata Ms. Avinir atsaka isa pa 'yung gusto ni Master e 'yung mga-"

"Feather wife? Tch. It's future not feather. Démį (Idiot) and about that marriage.. Masyado ka na atang nahihibang bata." Bigla na lang itong sumulpot sa kung saan at kinurot na lang ang pisngi niya bigla.

"Uiamm!!" Hindi niya na halos mabigkas pa ang pangalan nito dahil sa pagkakakurot nito sa kanya pero dala ng matinding pagkasabik nung makita niya ito kaya balewala na lang 'yun sa kanya at agad niya na lang itong niyakap sa tuwa.

Right. Nayayakap niya na si Yuan ngayon na dati ni dulo ng daliri nito ay 'di niya nahahawakan.

"Future pala 'yun..〈( ^.^)ノ Hehehe! Basta lagi mong tandaan ako na ang mapapangasawa mo!" Hindi pa rin siya bumibitaw ng yakap dito.

"What? Ang taas ng pangarap mo kutong lupa, Tch. Layo nga. Isa pa ayoko sa babaeng walang boobs." Sabi naman nito na tinanggal ang pagkakayakap niya.

"Ano ka.. Lalaki rin 'yan! Makikita mo luluwa rin 'yang mga mata mo pagnagdalaga na ko.. Hmmp!" Bwelta niya rito habang sanay naman si Yuan sa ganitong usapan nila pa'no laging 'yun nalang ang topic nila tuwing sinasabi niya iyon.

"Ha.Then wish you luck anyway, Luirica 'yung pinapaayos ko. Suleta gyivi wo ti (I'm going to rest)." Balewalang reaksyon nito sa sinabi niya atsaka naglakad na ito paalis hanggang sa bigla nalang ito naglaho.

Alam ni Avinir na sa kwarto ito papunta kaya naman pinuntahan niya rin agad ang silid nito at ganu'n na lang ang paglaki ng ngiti niya ng makita niyang wala na 'yung bulaklak na iniwan niya sa may pinto nito.

"Ayos!" Masayang reaksyon niya atsaka lakad-talon siyang bumalik sa kwarto niya para makapaligo.

Simula nung magkaisip siya alam niya ng hindi pangkaraniwang nilalang ang mga kasama niya rito sa malaking mansyon na ito. Tanging tatlo lang kasi sila nila Yuan ang nakatira rito kaya naman madami na talaga siyang napansing kakaiba sa mga ito.

Una, kay Luirica. May tenga kasi ito na hugis tatsulok, maliit na pakpak na kulay itim na para bang sa paniki at may buntot ito na medyo pa curl at may hugis pana sa dulo. Basta! kakaiba talaga ang buong kaanyuan nito bukod dun ay marunong silang gumamit ng mahika.

Malalaman mong malayo ang agwat ni Yuan kay Luirica dahil gaya ng sabi sa kanya ni Luirica si Yuan daw ay kayang pagmukhaing normal na tao ang itsura nito sa isang pitik at salita lang. Madali raw para rito na itago ang magkaibang kulay na mata nito, sungay, pakpak at buntot na hindi niya maisip kung totoo nga ba ang mga 'yon dahil sa pagkakaalala niya buntot at sungay pa lang naman nito ang nakikita niya rito pero dahil sa paniniwalang magiging asawa niya si Yuan no problemó kahit magmukha pa raw itong tipaklong.

Pangalawa, tumatagos sila ng pader na minsan ay ginaya niya noong babying-baby pa siya kaya makailang beses siyang nagkaroon ng bukol sa ulo niya, madalas tuloy sabihin sa kanya ni Yuan na marahil dahil sa ilang beses na pagkaalog ng ulo niya kaya ganu'n na lang kahina ang utak niya. Ito kasi ang nagtuturo sa kanyang magbasa, magbilang at kung ano-ano pa.

Pangatlo, hindi sila tumatanda as far as she remember kung ano ang itsura ni Yuan at Luirica dati ay ganu'n pa rin ang mga ito ngayon.

Syempre marami pangpatunay na naiiba siya sa kanila at ang alam niyang kauri niya ay 'yung mga taong minsan nakikita niya sa labas at nababasa niya sa libro na walang alam sa mahika pero ang pinakamalalang paraan na napatunayan niya iyon ay nung minsang pairalin niya ang katigasan ng ulo niya at naging dahilan kung bakit hindi na siya nakakapasok pa sa silid nito ngayon.

𝕱𝖔𝖚𝖗 𝖞𝖊𝖆𝖗𝖘 𝖆𝖌𝖔.. ⏪⏪

(Four years ago..)

"Wag.. W-wag po please... Agh!" Bigla na lang siya napabalikwas ng bangon habang habol ang hininga niya at pinipigilan ang maiyak.

Nagkaroon na naman kasi siya ng masamang panaginip kung saan iniwan siya ng mga tao sa paligid niya at kahit anong pakiusap niya ay tinalikuran pa rin siya ng mga ito.

"Yuan.." Unang pumasok sa isip niya.

Nang mahimasmasan siya ay 'di na rin siya ulit nakabalik pa agad sa pagtulog niya. Mag-isa lang siya rito sa malaking silid na ito at sa ganitong oras tanging buwan na lang ang nagsisilbing liwanag sa kwarto niya ngayon.

"Nakauwi na kaya si Yuan?" Tumingin siya sa orasan niya at nakita niyang malapit nang maghating gabi ngayon.

Bago pa kasi mag-alas nuebe ng gabi ay talagang pinapatulog na siya at pinagbabawalan ng lumabas ng kwarto niya pero dahil nga sa masamang panaginip niya gusto niya sanang may makitang kasama siya rito ngayon sa bahay nila, natatakot kasi siya na baka magkatotoo 'yong panaginip niya kanina na iniwan na pala siya rito ng mga kasama niya ng mag-isa.

Gusto niya sanang puntahan si Yuan ngayon at silipin kung nakauwi na ba ito at kung maari makikiusap sana siya na makitulog muna kahit sa sahig lang ng kwarto nito o kahit pa doon lang sa may pintuan nito walang problema sa kanya sadyang natatakot lang talaga siyang mapag-isa ngayon sa malaking kwartong ito, pakiramdam kasi niya mapapanatag siya basta malapit ito sa kanya.

Naglalakad na siya papunta sa kwarto ni Yuan nang makirinig siya ng malakas at malalalim na paghinga, mas lalo tuloy siyang nakaramdam ng kaba kaya naman mas binilisan niya pa ang paglalakad niya habang mahinang binabanggit ang pangalan ni Yuan at Luirica.

Hanggang sa napansin niyang nakabukas ng malaki ang pinto ng kwarto ni Yuan at dala na rin ng takot niya kanina dali-dali siyang lumapit dito para magsumbong sana.

"Yu-" Bahagyang natigilan siya at nanlaki ng sobra ang mga mata niya.

Ibang-ibang Yuan kasi ngayon ang nakikita niya, nakatalikod ito at tanging liwanag lang galing sa nakabukas nitong bintana ang nagsisilbing ilaw sa buong kwarto nito.

Ang malalakas rin na paghinga nito ang tanging maririnig lang ng mga oras na iyon. Alam niyang si Yuan 'yun, wala itong pang itaas na damit at nakapantalon lang ito, punong-puno rin ng kung ano-anong marka ang buong katawan nito at higit sa lahat may malaking sungay ito at mahabang buntot ngayon.

...

...

[ ʜᴇ's ᴘʀᴏʙᴀʙʟʏ ʟᴏᴏᴋɪɴɢ ʟɪᴋᴇ ᴛʜɪs. sᴏʀʀʏ ғᴏʀ ᴛʜᴇ ʙʟᴜʀɴᴇss. ʏᴏᴜ'ʟʟ sᴇᴇ ᴛʜᴇ ᴄᴏᴍᴘʟᴇᴛᴇ ɪᴍᴀɢᴇ sᴏᴏɴ. ]

"Y-Yu-Yuan..." Natatakot na may halong sobrang kaba na tawag niya rito, ni hindi niya nga magawang igalaw kahit anong parte ng katawan niya dahil tila napako ba siya sa kinatatayuan niya.

Pero ang mas ikinagulat niya ay 'yung nakita niyang nasa mga kamay nito hindi malinaw iyon sa kanya pero para itong laman loob na pumapatak pa ang napakaraming dugo mula rito.

"Alis." May diin na sabi nito at doon na nanginig ng tuluyan ang mga tuhod niya dahil sa laki at malahalimaw na boses nito, bakas din dito ang matinding galit sa pagkakasabi nitong iyon.

Nanatiling nakanganga ang bunganga niya na tila 'di niya alam kung anong gagawin o sasabihin niya rito at dahil mukhang nainis na ito sa kanya bahagya itong lumingon sa direksyon niya upang tingnan siya. Kalahati lang ng mukha nito ang nakikita niya pero kitang-kita niya ang kaliwang mata nito nang malinaw na mabuti nalang at wala namang pinagbago pero ang mas nakaagaw pansin sa kanya ay nung makita niyang mula sa bibig nito hanggang sa may baba nito ay may tumutulo ring mga dugo mula roon.

"AGH-" Pasigaw pa lang sana siya ng malakas nang biglang sumulpot sa harap niya si Luirica at ang sumunod na pangyayari ay 'di niya na alam dahil nawalan na siya ng malay.

"Ms. Avinir!" Bahagyang napatalon na lang siya mula sa pagkakaidlip niya sa bathtub niya, mabuti na lang at 'di siya nalunod dito dahil sa pagkakatulog niyang iyon.

"Luirica, bakit?" Tanong niya rito mula sa banyo.

"Magpapaalam sana ako saglit baka kasi hanapin mo ko.. babalik din ako agad Ms. Avinir." Sabi nito sa kabilang panig ng pinto.

"Okay, Balik ka kaagad ha." Ito lang kasi palagi ang kabonding niya rito dahil hapon pa talaga ang gising si Yuan.

'Di niya na rin ito narinig pang sumagot pa sa kanya kaya alam niyang nakaalis na ito kaagad.

Mabilis niyang tinapos ang paliligo at nag-ayos ng sarili niya. Plano niya na lang kasing pumunta na lang muna sa library nila rito para kumuha ng panibagong libro na maaring basahin niya.

Bitbit ang lumang libro na ibabalik niya ay lumakad na siya paalis pero syempre bago pa man siya magtungo sa library ni Yuan ay pumitas muna siya ng tanim niyang tulip at iniwan muli ito sa tapat ng pintuan nito.

Hindi niya tuloy mapigilang mapangiti ng maalala 'yung panaginip niya kanina, kung saan unang beses niyang makita ang ganu'ng anyo ni Yuan. Maaring nakakatakot ngang karanasan iyon pero dahil din dun nagkaroon ng malaking pagbabago ang pakikitungo ni Yuan sa kanya ngayon.

"Hehehe! May maganda rin palang dulot 'yung pagiging makulit ko noon." Nagpatuloy na ito sa paglalakad papunta sa silid-aklatan ni Yuan nang biglang mapatigil ito at may mapansin siyang kung ano sa gitna ng sahig nila.

Kulay itim na bilog iyon na may nakalutang na mga letrang gumagalaw paikot dito na sa pagkakatanda niya'y nakikita niya lang ang ganito sa tuwing umaalis sa kung saan si Yuan, para itong lagusan na hindi niya alam kung papunta saan pero alam niya na sa tuwing ginagawa 'yun ni Luirica o Yuan mabilis din iyong naglalaho pero itong nasa harap niya ngayon mukhang walang balak maglaho.

Nang makalapit siya ng husto rito ay may napansin siya sa gitna nito.

"Teka.. Bunbunan ba 'yan?" Napaupo pa siya roon para silipin ito ng maigi.

"Grabe, bunbunan nga!" Pinindot-pindot niya ito na wala naman na siyang ibang makita bukod sa pinakatuktok lang ng ulo na iyon.

"Ayy!" Napaigtad na lang siya bigla nung parang nanginginig ito at gumalaw-galaw pa ng sobra kaya sa takot niya pinukpok niya ito ng paulit-ulit ng librong hawak niya hanggang sa lumubog ito at tuluyang mawala. Mabuti na lang at 'di lumusot 'yung librong hawak niya kundi magagalit talaga si Yuan sa kanya. Hinintay niya pang may lumitaw muli rito pero ng mabagot na siya ay 'di niya na ito pinansin pa at umalis na rin doon.

Ngunit pagkaalis niya maya-maya lang din ay nadagdagan na lang ang laki ng bilog na iyon.

...╚════❖•ೋ°🅣🅑🅒°ೋ•❖════╝...

...᯼...

...▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒...

Yun oh~ Hehehe! Di ko hahabaan bawat chapter hirap eh..😅 Di kerokeropi ng aking pawers. Yung ibang napublish ko kasi dapat di bababa sa 4k words this time sakto lang.

SKL : Ang dami kong napanood na Japanese movie ngayon hohoho!

Ang gaganders! 😍😘💕

Sinu BL fan dito like me? Hi sayu! 👋

ΨѺÜ may now proceed to the next chapter..

If merun na..

TWO

...↭ 𝐁𝐋∞𝐃 𝐌𝐎𝐍𝐒𝐓𝐄𝐑 ↭...

...𝖄𝖊𝖆𝖗 𝟏𝟗𝟔𝟔...

...ᙩ❷ᙬ...

...༐...

...╔════❖•ೋ°════°ೋ•❖════╗...

                  "𝕷uirica!" Pabalik na sana siya sa kanilang sala dahil nakaramdam na siya ng gutom mula sa pagbabasa niya nang makita niya itong nakatayo kung saan naalala niyang may nakita siyang portal kanina.

"Ssshh.. Wag kang maingay Ms. Avinir." Bahagyang gumilid ito habang sinasabi iyon kaya naman nakita niya si Yuan kung saan nakapantulog pa ito sa harap mismo nung bilog na nasa may kabilang panig nila.

Grabe.. Ang gwapo pa rin Yuan kahit gulo-gulo ang buhok! ( ≧▽≦ )

Halatang may binibigkas itong salita na 'di niya maintindihan matapos bahagyang umupo ito roon atsaka pinasadahan ng palad nito ang bilog na iyon na habang ginagawa nito iyon may hangin at usok ding lumalabas rito hanggang sa unti-unti na rin itong naglaho.

Ang galing! °˖✧◝(⁰▿⁰)◜✧˖° Bilib na bilib na reaksyon niya rito, minsan lang kasi niya makita ang pagmamahika nitong iyon.

"Yuan, Anong nangyari? Bakit may ganu'n nun dito?" Tanong niya ng makalapit na siya rito.

"Nothing, mukhang may gustong lang bumisita sa akin." Sagot nito na gulo-gulo pa talaga ang buhok nito at mukhang nagising lang para roon. Bibihira lang talaga itong bumangon ng ganitong oras, kalimitan kasi ay hapon pa ang gising nito kaya naman nakita niya ito bilang isang magandang pagkakataon para yayain itong sabayan siya sa pagkain niya ngayon.

"Yuan saba—"

"I'm going back to sleep." Biglang sabi nito saka naglakad na lang paalis at mabilis na naglaho roon.

Hindi na siya agad nakapagreact pa dahil sa bilis ng pangyayaring 'yon.

"Ms. Avinir tara na.. Handa na ang tanghalian mo." Pagyayaya sa kanya ni Luirica na doon lamang siya natauhan bigla.

Sasabayan mo rin akong kumain Yuan! 'Di ako susuko! Akala mo ha.. Pursigido niyang turan dito.

Habang kumakain siya ay nananahi naman sa gilid niya si Luirica pero hindi niya pa rin mapigilang mapaisip kung ano nga ba 'yung nangyari kanina.

"Luirica, Ano ba 'yung ginawa ni Yuan kanina? Kasi alam mo kanina pagkatapos kong maligo nakita ko na iyon doon, may nakita pa nga kong bunbunan eh.." Patuloy lang siya sa pagkain niya habang nagkukwento siya rito.

"Naku Ms. Avinir gaya ng sabi ni Master may gusto lang bumisita sa kanya, Isa siguro sa mga kaibigan niya." Sagot naman nito.

"Kaibigan?! Talaga? Marami bang kaibigan si Yuan?" Namamanghang tanong niya.

Paano ba naman kasi wala pa siyang nakikita o nakikilalang kaibigan ni Yuan simula pagkabata niya, ni wala man nga lang dumadalaw dito kahit halos gabi-gabi naman na nasa labas ito.

"Hindi naman Ms. Avinir nabibilang lang sa daliri ang tunay na kaibigan ni Master pero maraming nakakakilala sa kanya at gustong makalapit sa kanya." Sa sinabi nitong iyon ay naimagine niyang maraming naghuhugis puso ang mata kapag lumalakad si Yuan.

Irr!! (>▂<) Ayoko! Ako lang dapat 'yung nakakalapit ng husto kay Yuan. Hmmp!

"Pero bakit ayaw papuntahin ni Yuan dito 'yung mga kaibigan niya? Magkaaway ba sila?" Nagtatakang tanong niya.

"Hahhaha! Hindi naman sa ganu'n Ms. Avinir magugulo kasi masyado ang mga kaibigan ni Master. Isa pa ayaw niyang may makaaalam kung nasaan siya nakatira dahil paniguradong yayain lang siya ng mga ito pumunta sa malalayo."

"Ah ganu'n ba.. pero sana hayaan niya silang bumisita rito kahit minsan para kahit papano makapaghanda tayo ng party." Gustong-gusto niya kasi talagang magkaroon ng party dito sa mansyon gaya nung sa mga nababasa niya, 'yung hindi lang silang tatlo 'yong imbitado.

Tuwing nagpaparty kasi sila sa bahay tatlo lang sila at 'yun lang din 'yung araw kung saan nakakasama niya ng buong araw si Yuan, sa madaling salita tuwing birthday at pasko lang niya nagagawang mag-ayos ng maganda sa paligid nila.

"Pero kailangan mong mag-ingat Ms. Avinir kung sakaling may makita ka nga at magpakilala sayong kaibigan ni Master dahil gaya ng sabi ko hindi lahat ng mga 'yon ay mabait.. ang iba sa kanila may lihim na dahilan kung bakit gusto nila makita si Master." Nabakas niya ang pagiging seryoso sa tono ni Luirica kaya tumango na lang siya nun bilang sagot rito.

Pagkatapos niyang mananghalian ay sa mapunong parte naman siya sa gilid ng mansyon tumambay dala ang kanyang sketch pad, mga krayola at pangguhit.

Isa ito sa pampalipas oras niya. Mula sa pwesto niya natatanaw niya ang gate kung saan iilang beses pa lang siya sa nakakalabas at 'yun ay sa tuwing kasama si Luirica at Yuan para mamili ng mga bagong damit o ano pang kailangan dito sa bahay nila.

Takot kasi siyang lumabas ng mansyon sa kadahilanang pakiramdam niya na sa oras na umalis siya rito ay wala na siyang babalikan pa. Hindi niya maipaliwanag pero mas pipiliin niya na lang na makulong dito kasama ang tinatawag niyang pamilya kesa lumabas at makihalubilo sa iba.

Baka mamaya kasi ipamigay na lang siya kung kanino nito sa oras na may mga taong gustong kumupkop sa kanya at 'yun ang pinakaayaw niya. Lingid sa kaalaman ng mga kasama niya na nakakaisip siya ng ganitong bagay, akala kasi nila masyado lang siyang masunurin dahil mariing pinagbabawal ni Yuan na may nakakapasok na ibang tao sa mansyon nito.

Napag-alaman niya rin na hindi basta madaling mahanap ang tinitirahan nila kahit pa kita sa buong syudad itong mansyon nila, narinig kasi niya mula sa mga taong minsan nakasalamuha niya sa labas ang tungkol dito dahil usap-usapan pala ang mansyong ito kung saan sila nakatira, magkakanda ligaw-ligaw ka muna bago mo ito matunton.. para raw itong sinasadya lalo na pagmay gustong makakita ng malapitan dito kaya doon siya nakaramdam ng takot.

Paano kung bigla siyang mawala o kaya maligaw? Pa'no pala siya babalik? eh ni hindi niya nga sigurado kung hahanapin ba siya ni Yuan kung sakaling mawala nga siya rito at baka nga matuwa pa ito pagnagkataon.

Iniling-iling niya ang ulo niya dahil ayaw niyang mag-isip ng kahit anong negatibo, gusto niya palaging lang siyang masaya sa paningin ni Yuan dahil ang sabi nito sobrang panget niya kapag malungkot siya.

At madalas sabihin talaga ni Yuan na ayaw nito sa mga panget.

Makalipas ang ilang minuto..

Abala siya sa pagguguhit ng puno ng bigla siyang may napansing kahon sa may damuhan nila, pinulot niya ito at tiningnan ang kabuuan nito.

"Saan naman 'to galing?" Maayos at bagong-bago pa ito pero mukhang kailangan gamitan ng susi bago mo ito mabuksan.

Bumalik na lang siya sa pwesto niya at pinagpatuloy ang ginagawa niya hanggang sa maya-maya lang din ay narinig niyang tinatawag na siya ni Luirica kaya naman bitbit ang mga gamit niya kasama ng kahon na napulot niya ay lumakad na siya pabalik doon.

"Ms. Avinir gising na si Master pumunta ka na roon sa silid-aklatan ngayon." Sabi nito na ang ibig sabihin nun ay oras na ng klase niya kay Yuan.

Inilapag niya muna ang ibang gamit na dala niya matapos bitbit lang ang ginuhit niya ay pumanhik na siya sa taas kung saan naroon ang future husband niya!

"Tch. May humahabol ba sayo?" Salubong agad nito sa kanya na sa sobrang excited kasi niya napalakas 'yung pagbukas niya ng pinto roon.

Naabutan niya si Yuan malapit sa bintana na nagbabasa at sa gilid nito ready na ang blackboard at chalk para turuan siya.

"Hehehe! Namiss kasi kita agad eh, nga pala tingnan mo 'tong ginuhit ko.. Anong masasabi mo?" Bagot na kinuha nito iyon habang siya naman umupo na siya kung saan siya laging nakapwesto rito.

"Yeah— maganda naman, maganda naman 'tong kabayong ginuhit mo." Walang kareak-reaksyong sabi nito sa gawa niya.

"Yuan! Hindi naman kabayo 'yan, Puno yan eh!" Sa sinabi niyang iyon ay bahagyang napataas na lang ang isang kilay nito at mukhang 'di kumbinsido sa iginuhit niya matapos ay ibinalik na rin iyon sa kanya.

"Fine. Puno na kung puno, mag-umpisa na tayo." Gustong-gusto niyang may moment silang dalawa ni Yuan pero hindi sa ganitong pagkakataon dahil ang sungit-sungit nito at seryoso sa pagtuturo. Mabuti na lang at napapagpasensiyahan siya nito dahil sa bagal niyang makaintindi rito.

Matapos ang klase nila ay maagang umalis si Yuan, I mean maggagabi pa lang ay nagpaalam ito na may pupuntahan ito, kalimitan kasi gabi na talaga ito kung umalis dito pero ngayon alas singko 'y medya pa lang ng hapon ay aalis na agad ito.

Wala talaga siyang ideya kung ano bang pinagkakaabalahan nito tuwing gabi. Ang tanging alam niya lang ay ayaw ni Yuan sa sikat ng araw dahil masyado raw masakit sa mata at nakakairita ang init dito at kapag tinatanong niya naman ito hindi siya nito sinasagot pero kahit papano alam niyang nakikipagkita ito sa babae.

𝕱𝖔𝖚𝖗 𝖞𝖊𝖆𝖗𝖘 𝖆𝖌𝖔.. ⏪⏪

(Continuation ng Flashback sa Chapter 1)

Nagising na lang siya na nasa loob na siya ng kanyang kwarto matapos napaupo na lang siya sa kama niya at gaya ng madalas niyang gawin tuwing nagigising siya sa umaga ay tulala muna siya bago kumilos pero dahil din do'n bumalik sa alaala niya 'yung nasaksihan niya rito kagabi.

"Yuan.." Biglang nanginig na lang ang mga kamay niya kaya naman pinagsiklop niya iyon na para bang pinipigilan niyang kumilos ito ng ganu'n.

"Marahil galit na galit sa akin si Yuan ngayon kasi sinuway ko siya.. Ba-baka palayasin niya ko.. Ayoko.. Ayoko po.. Promise magiging mabait na ko." Pagkausap niya sa sarili niya habang pinupunasan ang mga luha niyang patuloy lang sa pagpatak sa mata niya.

Isa-isang bumalik sa alaala niya 'yung mga bagay na ayaw ni Yuan na ginagawa niya, dala ng matinding takot sa nangyari kagabi naisip niyang baka this time iwanan na talaga siya ng mga ito kaya naman napagpasyahan niyang magiging masunurin na talaga siya.

Oo natakot siya sa nakita niyang itsura nito kagabi pero ang mas nangingibabaw sa kanya ay 'yung alam niyang galit na galit si Yuan nung mga oras na 'yun at kasama na dun 'yung panaginip niya na posible na ngang magkatotoo dahil sa pagiging pasaway niya.

Maya-maya lang din nun ay kinatok na siya ni Luirica at sinundo para mag-almusal siya, niyakap niya agad ito pagkakita niya rito atsaka mahigpit na kumapit sa kamay nito.

Hindi na nagsalita pa si Luirica tungkol sa nangyari kagabi sa kanila at umakto na lang ito ng parang walang nangyari kagabi.

Sa paglipas ng limang araw naging tahimik ang buong mansyon hindi na rin siya nag-iiwan ng bulaklak kay Yuan, ni halos 'di na nga sila nagkikita nito at nung minsan na maabutan siya nito na kumakain ay parang wala itong pakialam sa kanya na parang hindi ba siya nito nakikita.

"Galit pa rin siya sa akin.. Pa'no ba kami magbabati?" Tinupad niya talaga 'yung sinabi niya pero nagtataka siya... Bakit ganu'n? 'Di ba dapat magiging okay na lahat kasi nga 'di na siya gumagawa ng bagay na ayaw naman ni Yuan pero bakit parang mas lalong lumala pa ito at mukhang iniiwasan siya nito.

Hindi man kasi niya nahahawakan si Yuan, madalas man umaalis ito o kaya naman sinusungitan siya may oras pa rin ito sa kanya.. nagbobonding pa rin sila pero ngayon wala na talaga.

Kaya naman nag-isip siya ng pwedeng gawin dito para magkaayos sila.

.....

Sa sobrang pagtutok niya sa ginagawa niya hindi niya namalayang inabot na siya ng gabi. Oras na ng kanyang pagtulog pero pinilit niyang tapusin ang kwintas na bulaklak na pinaghirapan niya para ibigay kay Yuan.

Hindi na siya makapaghintay pa ng umaga kaya naman nais niya sanang hintayin ito at siya mismo ang mag-abot nito kay Yuan pero dahil nakita niya si Luirica na naghahanda ng sasakyan at mukhang may pupuntahan alam niya na agad kung saan ang lakad nito.

Paniguradong si Yuan ang pupuntahan niya! Pangsundo lang kasi kay Yuan ang gamit ng sasakyan na iyon kaya mabilis siyang kumilos kahit nakapantulog na siya atsaka palihim na sumakay sa likod ng sasakyan nito nang hindi namamalayan ni Luirica.

Hindi niya alam kung anong pumasok sa utak niya at ginawa niya iyon pero gusto niya talagang makita si Yuan ng oras na iyon, gusto niyang harapan na magsorry dito para magkabati na sila at bumalik na ulit sila sa dati.

Naramdaman niyang huminto na ang sasakyan pero hindi rin siya kaagad lumabas doon dahil hinintay niya munang makababa si Luirica. Nang alam niya ng siya na lang ang naroon sa sasakyan nito ay saka lang siya umalis sa pinagtataguan niya.

May kadiliman na ang buong lugar at puro mga patay sindi na ilaw lang sa bawat pinto ng mga gusali ang nakikita niya ngayon. May mga tunog din ng musika siyang naririnig mula sa mga iyon kaya huli na ng maisip niyang hindi niya nga pala alam kung saan sa mga iyon pumasok si Luirica.

Sinubukan niyang sumilip at lumapit sa mga establishimentong naroon pero ng makarating siya sa may bandang iskinita na tanging mataas na poste lang nagsisilbing ilaw doon ay bigla niyang nakitang lumabas si Yuan sa isa sa mga pintong iyon.

Yuan! Lalapit na sana siya rito ng may makita siyang babae na kasama pala nito.

Doon.. Nakita niyang isinandal ni Yuan sa pader ang babae iyon at sumubsob sa may leeg nito at ang sumunod na mga nangyari ay labis ng ikinagulat niya— masyadong na kasing naging agresibo ang kilos ng mga ito na sa hindi malamang dahilan ay kinilabutan si Avinir sa mga nasaksihan niya, nakaramdam siya ng takot, nang pandidiri? na hindi niya maintindihan.

(SPG 'yung scene na nakita niya... Really bad for her eyes! Shooot!)

This time nagawa niyang lumakad paalis doon na sa sobrang pagkashock niya ay muntikan pa siyang mahagip ng isang sasakyan bigla at dahil nga ro'n napaupo siya sa maduming parte ng kalsada rito pero ang mas ininda niya ay 'yung sugat na natamo niya sa magkabilang kamay niya dahil may mga basag na bote palang nandon at ang mas malala pa nasira 'yung kwintas na ginawa niya para kay Yuan.

Kinagat niya ang ibabang labi niya para pigilan ang paghikbi niya pero mas lalo lang siya nanghina ng makita niyang may mga dugo ng pumapatak sa mga kamay niya, at parang tinakasan siya ng lakas kaya muli nawalan na naman siya ng malay bigla.

.....

Nagising siya dahil nakaramdam siya ng lamig sa kwarto niya kaya kumuha siya ng unan sa tabi niya at niyakap ito ng mahigpit ngunit 'di na siya nakabalik pang muli sa pagtulog niya sa totoo lang masyado pa talagang maaga para bumangon siya.

Napaisip siya bigla kung ano nga ba ulit 'yung napanaginipan niya dahil 'di niya ito maalala. Pinipilit pa niya itong alalahanin pero ng nagsawa na siya ay naisipan niya na ring bumangon na.

Alam niyang sa oras na 'yun ay abala na si Luirica sa pagluluto ng almusal niya kaya naman naghanap na lang siya muna ng pagkakaabalahan niya at doon napansin niya 'yung kahon na napulot niya kahapon habang nagddrawing siya.

"May laman kaya 'to sa loob?" Sinubukan niya itong alug-alugin pero wala naman siyang naririnig na kahit ano rito.

"Tama!" Pumunta siya sa kusina saglit at doon palihim siyang kumuha ng maliit na kutsilyo, mabuti na lang at hindi siya nakita ni Luirica kundi paniguradong mapapagalitan siya nito.

"Hehehe.. Siguro naman ngayon mabubuksan na kita." Excited siyang malaman kung ano bang nasa loob ng kahon na 'yon.

Sinubukan niya muna ang ibang pamamaraan para mabuksan ito gaya ng maliit na alambre.. sinungkit-sungkit niya ito, ginamitan niya rin ito ng matinding lakas at panghuli ang maliit na kutsilyong kinuha niya.

"Ouch... " Dumaplis kasi bigla sa daliri niya 'yung kutsilyo nung pilit niya itong sinisiksik sa kahon at dahil dun nasugatan siya, hindi naman ganu'n kalakihan ang sugat niya pero may nalabas ng dugo mula rito.

"Patay.. Pa'no ba 'to? Ang chakit.." Pinilit niyang patigilan ang pagdurugo nito gamit ang pagsipsip dito at dahil nawala na ang focus niya sa kahon na 'yon lumabas na muna siya para maghanap ng pantapal doon sa sugat niya.

"Alam ko may bannid sa may sala eh."

Wala siyang kaalam-alam na may dugo na palang dumampi sa kahon na napulot niya na bigla na lang parang nalusaw o hinigop nun matapos ay kusang nalang umalog-alog ito.

POK! 🎊

Mahinang pagsabog nito pero pagkabukas nun ay siya ring paglabas ng itim na usok mula rito at isang portal.

Di rin naglaon ay may lumabas na mula rito.

"Vuy dir thwi àldeju tvu va inti. (At last I finally get through his maze.) "

...╚════❖•ೋ°🅣🅑🅒°ೋ•❖════╝...

...᯼...

...▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒...

Hindi pa tapos yung flashback.. Fufufu!

Ganern talaga~ 😎

Paunti unti lang talaga kerri ko dito kada chapter may ibang story pa kasi akong pinagkakaabalahan atleast may nadagdag naman.

ΨѺÜ may now proceed to the next chapter..

If merun na..

Download NovelToon APP on App Store and Google Play

novel PDF download
NovelToon
Step Into A Different WORLD!
Download NovelToon APP on App Store and Google Play