NovelToon NovelToon

Kidnaped by a Mafia Boss

chapter 1: The boss

KIDNAPPED BY A MAFIA BOSS

YUIJI MOIRA VERDIN POV

“Kuya, arghh sagutin mo naman pleaseeee!”

Inis kong sinipa ang maliit na batong na daanan ko ng hindi parin sinasagot ni kuya xio ang tawag ko.

Kaninapa ako dito sa gilid ng kalsada at gusto ko ng umuwi! Pero paano ako uuwi kong walang mag susundo sakin?

Wala rin naman akong dalang pera para makapag taxi, kainis!

Biglang tumunog yong cellphone ko at nakitang tumatawag na din sa wakas ang magaling kong kuya!

“Mabuti naman at tinawagan mo ako, alam mo bang nakailang missed calls na ako huh? Kuya!” Inis kong sigaw

“I'm sorry okay? I'm just fucking busy here, yuiji”

Tks, busy daw? Sabihin mo nanbabae kana naman!

Nabaling ang paningin ko sa isang itim na van

“Yuiji?”

Hindi ako nakasagot, nakatitig parin ako sa itim na van na paparating sa pwesto ko.

“Hey, yuiji?”

Huminto ito sa harapan ko at bumukas ang pinto, lumabas doon ang hindi ko kilalang dalawang lalake.

“K-kuya may mga lalaking p-papalapit sakin, hindi ko silala kilala” Utal kong saad.

“What?! Shit! Where are yo—” Natuod ako sa kinatatayoan ko ng hablutin nong isa sa mga lalake ang cellphone ko at itinapon ito sa kong saan.

Fuck my phone!! You jerk!

Yong Isa naman ay pinalo ang ulo ko ng kong ano kaya na walan ako ng malay.

Dahan dahan kong iminulat ang mga mata at biglang na pa bangon ng maalala ang nangyari.

Wtf? Na kidnapped ba ako?

Napahimas ako sa likod ng ulo ko ng makaramdam ako ng kunting kirot.

Anong bagay ba ang pinalo sakin nong lalaking yon?

Nasaan ba ako? Inilibot ko ang paningin at nakitang walang kahit isang bintana ang kwarto.

Paano ako makakatas nito kong wala niisang pwedeng lusutan?

Bumukas ang pinto ng kwarto kaya napaurong ako ng upo sa kama dahil sa takot.

Pumasok ang Isang babaing mukhang katulong, nagulat pa nga ito ng makita gising na ako.

“G-gising kana, kailangang malaman ito ni sir!”

Sinong sir? Sinong tinutukoy niyang sir? Siya ba yong nag pa-kidnapped sakin?

“Sandali lang!” Pagpipigil ko sa kanya ng makita paalis na ito.

Binigyan niya ako ng nag tatakang tingin.

“Ano..am..m-masakit yong paa ako pwede bang pakihilot kahit Sandali lang? Please!” Binigyan ko pa ito ng nakakaawang tingin para lang maniwala.

Nakita ko pa ang pag-aalinngan sa mukha niya pero lumapit parin ito sa pwesto ko at marahang hinilot ang paa ko.

“Ate sino yong sir na t-tinutukoy mo kanina?” tanong ko

Sandali itong nahinto sa paghihilot ng paa ko pero agad din naman nag patuloy.

“Si boss”

Sino nga?! Oo alam kong boss niyo, pero sinong sir o boss? Anong pangalan?!

Kaiinis huh!

“Ate sorry ha” Usal ko at tinulak ito ng malakas.

Napasalampak naman ito sa sahig at nahihirapang tumayo.

I'm sorry!

Lumabas ako ng kwarto at tumakbo ng napakabilis

“NAKATAKAS YONG BABAE!” Malakas na sigaw nong ateng katulong ng makalabas ito ng kwarto.

Dapat siguro sinuntok ko na lang iyon para makatulog edi sana hindi pa ako mabubuking!

Napalingon ako sa likuran ko at nakitang maraming lalake na ang humahabol sakin, shit?

Hindi ko alam kong paano ako nakalabas ng malaking bahay na iyon.

Nang makalayo layo na ako ay nag tago ako sa isang malaking puno at doon at nag tago.

Lumabas lang ako ng makitang wala ng humahabol sakin.

Nakahinga ako ng maluwag.

Ang kailangan ko lang gawin ngayon ay kong paano ako makakalabas sa malawak na gubat na ito para makahingi ng tulong.

Bakit ba kasi nasa gitna ng gubat ang malaking bahay na iyon?

Nakarinig ako ng kaloskos at yapak ng kabayo?

Sinundan ko kong saan ng galing iyong naririnig ko at nakita ang isang lalaking walang saplot pang itaas ang nakasakay sa Isang itim na kabayo.

Nakatalikod ito sakin kaya hindi ko makita ang mukha niya.

Huminga muna ako ng malamim bago mag salita.

“Umm, excuse me?” Humarap ito sakin kaya kitang kita kona ang gwapong mukha nito at ang maganda niyang katawan.

Shit! May abs!

“P-pwede mo ba a-akong tulungang makaalis sa gubat na ito? Na k-kidnapped kasi ako” Mukha mabuti naman ito kaya siguradong tutulungan niya ako.

Bumaba ito sa kabayo at tumalikod para puntahan ang Isang malapit na puno at doon itinali yong tali ng kabayo niya.

“Kiddnapped?”

Shit! pati boses niya gwapo din!

Mahina kong pinalo ang pisngi ko dahil sa mga naiisip ko. Tumigil ka yuiji!

Nakatalikod ito sakin kaya hindi ko kita ang reaksyon ng mukha nito.

“Oo, tumakas lang ako para hindi ko makita yong boss na tinutukoy nila” Usal ko

Humarap ito sakin ng may Isang nakakalokong ngiti.

“Oww, but I'm their boss Miss yuiji”

Humakbang ito papalapit sakin kaya napaatras ako ng isang beses.

S-siya yong boss nila?!

“I-ikaw?” Nakangisi lang itong nakatingin sakin habang patuloy na humahakbang papalapit sa pwesto ko.

Luminga linga ako at nakita ang Isang maliit na sanga ng puno at kinuha ito.

“Subukan mo lang lumapit! Ihahampas ko ito sayo!” Sigaw ko at itunutok sa kanya yong hawak hawak kong maliit na sanga.

Humalakhak lamang ito at tinitigan ako na para bang Isa akong nakakatawang nilalang.

“What a shame, do you think you can hurt me using that stick? Hindi ko alam na ganyan pala kabobo ang kapatid ni xio”

Ano daw, bobo? Ako bobo!?

Tsaka kilala niya si kuya xio? P-paano?

“KYAHHH!” Napasigaw ako ng kunin niya sakin yong sanga.

Tatakbo na sana ako kaso ginamit niya ang kamay niya pang hampas sa batok ko kaya unti unting nanlabo ang paningin ko.

Bago pa ako mawalan ng malay naramdaman ko na lang na binuhat niya ako na parang sako.

Chapter 2: The boss (2)

{KEVIN XIO VERDIN POV}

“Wala parin kayong balita tungkol sa kapatid ko?!” Inis kong sigaw sa lalaking inutusan kong maghanap kay yuiji.

Umiling ito at yumuko.

“Sorry boss xio pero wala, ito lang yong nakuha namin ng puntahan namin yong lugar kong saan huling nakita si ma'am yuiji” Inabot nito sakin ang isang cellphone na sinisigurado kong kay yuiji.

Tinitigan ko ito at at nakitang may kaunting basag ang screen.

“K-kuya may mga lalaking p-papalapit sakin, hindi ko sila kilala”

Napapikit na lang ako at na pakuyom ang mga kamao ng malala ang huling sinabi sakin ni yuiji bago siya mawala.

Sinong mga lalake?!

Nakarinig ako ng mga katok sa labas ng kwarto kaya na idilat ko ang mga mata.

“Come in” Bumukas Naman ang pinto at pumasok si roger, assistant ko.

“Good evening sir xio” Yumuko ito “Nakauwi na po sa pilipinas si Knight Quantum”

Napataas ang kilay ko at masama itong tinitigan.

“So what? I don't fucking care!?”

“I'm sorry sir xio pero matagal na kayong may alitan ni sir quantum dahil sa mga negosyo niyo, kaya may kutob akong baka siya ang nag pa-kidnapped sa kapatid niyo kay ma'am yuiji”

Natigilan ako at napag tanto ang mga sinabi nito sakin.

Fuck! Tama siya!

“Roger” Tinitigan ko ito ng seryoso “Subay bayan mo ang mga kinikilos ni quantum, lahat ng mga galaw nito at kong saan siya nag pupunta irereport mo sakin. Understood?”

“Yes Sir!” Yumuko ito at mabilis na umalis.

“And you, albert” Tumingin ako sa lalaking inutusan kong hanapin si yuiji “ Find my sister again or puntahan mo ang mga kaibigan ni yuiji baka nandooon lang siya”

“Sige po sir xio” Yumuko din ito bago umalis.

Knight Quantum nakauwi kana pala pag nalaman kong may kinalaman ka sa pagkawala ng kapatid ko mapapatay kita..

{YUIJI MOIRA VERDIN POV}

Naidilat ko ang mga mata ko ng marinig ko ang pagtunog ng tiyan ko.

Shit! I'm hungry!

Kahapon pa nila ako hindi pinapakain!

Napaupo na lang ako sa kama at tulalang napatingin sa may pinto, hinintay na bumukas ito at may pumasok na mga pagkain!

Kahapon nagising na lang ako na may kadena na ang isa kong paa natatakot na siguro silang makatakas ulit ako.

Napaayos ako ng upo ng bumukas ang pinto at sumilip si ateng katulong na naitulak ko kahapon.

“Sandali lang!” Pigil ko sa kanya ng makitang aalis na ito.

Bumaba ako sa kama at tangkang lalapitan ko ito ng hindi ko magawa dahil nakakadena pala ang isa kong paa.

Kaya nakatayo lang ako sa kama at hindi makalapit sa kanya.

“Ano?” Taas kilay na tanong nito sakin.

Galit siguro ito dahil sa ginawa ko kahapon.

“I-i want food, I'm hungry” Usal ko

Pinagkunotan lang ako nito ng noo at umalis na para wala akong sinabi.

“HOY! I SAID IM FUCKING HUNGRY!!” Inis akong naupo sa kama.

Bwesit na katulong yon! Sabi kong gutom ako pero iniwan lang ako!?

Agad akong napatayo ng biglang bumukas ang pinto.

Akala ko si ateng katulong yong papasok hindi pala, kundi isang lalaking kulay puti ang buhok at may takip ang isang mata.

“W-who are you?” Lumapit ito sakin kaya napaatras ako.

Hindi ako nito sinagot at patuloy na naglakad papalapit sakin at tsaka tinanggal ang kadenang na sa paa ko.

“Wait..w-what are you doing?”

Tinitigan ako nito at kinaladkad palabas ng kwarto.

“He wants to talk to you” Sabi nito na nag pa lakas ng tibok ng puso ko.

Chapter 3: I'M HUNGRY

{SABRINA FERRER POV}

“What!? Nawawala si yuiji? Pero nagkakausap palang kami nong nakaraang araw!” tumango si albert naikinatigil ko

“I'm sorry pero wala dito si yuiji, but please albert balitaan mo ako kong nahanap niyo na siya okay?”

“Yes po ma'am” yumuko ito “Kailangan ko na pong umalis pupuntahan ko pa yong ibang kaibigan ni ma'am yuiji baka nandoon siya”

Tumango ako kaya umalis na ito.

Na saan maman kaya yong babaitang yon? Okay lang kaya siya? Sana naman walang masamang nangyari sa kanya

{YUIJI MOIRA VERDIN POV}

“H-huh? Sinong 𝒉𝒆 ba yong tinutukoy mo?” Tanong ko sa lalaking puti ang buhok na kumakaladkad sakin ngayon.

Hindi nito ako sinagot kaya napairap nalang ako.

He wants to talk to you daw? Sino naman kaya yon? Yong boss ba nila?

Tumigil ito sa paglalakad ng tumunog yong cellphone nito.

Mukhang may tumatawag ata?

Sinagot niya naman agad ito. Kaya may panahon akong titigan ang mukha nitong gwapo.

Oo gwapo siya! Bagay sa kanya yong puting niyang buhok dahil sa maputi niyang balat, mayroon nga lang takip yong isa niyang mata.

Ano kaya ang nangyari dyan?

“Yes boss—okay” Ibinaba nito ang tawag at tumingin sa likuran namin.

“Betty ibalik mo ulit siya sa kwarto dahil may meeting kami nina boss, kaya hindi mo na siya makakausap” Pagkausap nito kay ateng katulong, yong na itulak ko kahapon.

Nakasunod lang kasi ito samin.

“Yes sir!” Tumango naman yong lalake kaya iniwan niya ako kay betty.

So tama yong hinala ko? Yong boss nila yong gustong kumausap sakin?

Hinawakan ni betty yong braso ko saka ako kinaladkad pabalik sa kwarto.

Grabe makakaladkad te?!

“Hoy betty hinahanap ka ni ivan kanina pa” Sabi nong isang katulong na nakasalubong namin.

Lumiwanag naman ang mukha ni betty at tsaka mas binilisan pa ang paglalakad.

“Wait lang dahan dahan lang naman!” inis kong usal.

Tumigil kami ng nasa harapan na kami ng kwarto at tsaka binuksa niya ang pito at itinulak ako papasok sa loob.

“Dyan kana!” Usal nito at mabilis na isinara ang pinto.

What the fuck? Sino ba yong ivan na yon bakit ganon siya maka react? Boyfriend niya ba? Tks!

Napahiga ako sa kama at napaisip.

Bakit kaya gusto akong makausap nong boss nila? May sasabihim ba siya sakin o...

May balak siyang patayin ako?!

Kong totoo man itong iniisip ko mabuti at hindi na tuloy yong pagkikita namin!

Naipikit ko na lang ang mga mata ko, itutulog ko na lang itong gutom ko.

“Arghhh! Kainis hindi ako makatulog!” Napabangon ako at aksidenteng na dapadapo ang paningin ko sa paa ko.

“Oh my goshh!” Napatakip ako sa bibig.

H-hindi nakakadena yong paa ko!?

Napatayo ako at lumapit sa may pinto at binuksan ito, nag babakasakaling bukas ito..At tama nga ako!

Bukas ito!

Suguro nakalimutan itong isara ni betty! At nakalimutan niya ding kadenahin yong paa ko dahil sa pag mamadali niya kanina!

Napangisi na lang ako, may chance pa akong tumakas. Ang swerte ko naman!

Nag simula na ako mag lakad palabas ng kwarto.

Pinipilit kong hindi makagawa ng ingay.

Napapatago ako sa madilim na parte ng bahay kapag may dumaraan.

“Saan ba yong daan palabas?” Mahina kong tanong ko sa sarili.

Hindi ko na matandaan kong saan yong daan palabas nong una akong tumakas.

Napailing na lang ako at pumasok sa isang kwarto ng makitang may paparating na tatlong lalake.

Muntik na!

Inilibot ko naman ang paningin sa buong kwarto. Mukha itong opisina.

Kaninong opisina namang kaya 'to?

Mmm, maganda siya huh, malawak tapos malinis!

Naglakad lakad ako at natigil lang ng makita ang maraming pagkaing nakapatong sa isang lamesa.

Kuminang ang mga mata ko dahil sa nakita.

Agad ko itong nilapitan at nilantakan.

“Heaven!” napapikit ako sa sarap ng kinakain ko.

Grabeeee gutom na gutom na talaga ako!

Para akong asong hindi pinakain ng amo dahil sa itsura ko ngayon.

Naidilat ko ang mga mata ng makarinig ako ng mga yapak.

At papalapit ito sa opisinang kinaruruonan ko.

Shit! Napatayo ako at Napatingin sa paligid nag hahanap ng pwedeng pag taguan.

“What? Are you kidding me dude?! Haha” Rinig ko pang usal ng nasa labas.

Nakita kong unti unting pinihit ang doorknob ng kong sino kaya mas lalo akong nataranta.

Ohh shit, I'm dead! Kuya xio help meee!

Download MangaToon APP on App Store and Google Play

novel PDF download
NovelToon
Step Into A Different WORLD!
Download MangaToon APP on App Store and Google Play