Nahihiya ako! Gretchen" ayoko kong sumali sa mga ganyan.
"Greta nickname [Gretchen].. Ano kaba chance mona to Neng panghihikayat ni greta.
Kung pumasa ka sa Audition, may pagkakataon kang manalo ng pera. Balita ko 10k daw ang cash price " na pabulong na sabi nung may nakitang taong paparating.
At neng naka broadcast sa radyo, pagkakataon mo na itong ipakita at iparinig ang maganda mong boses sa madlang people na habang sinasabi ay may action pa. ha!ha!ha!ha” tumawa ako ng malakas.
Alam ko naman na napakasuported nitong si gretchen simula nong bata kami, kami nayong magkakalaro araw araw silang nasa bahay kong hindi naman kami yong sa kanila.
Matalik na magkaibigan Ang mga magulang namin. At sa pamilya nila greta mahihilig silang tumugtog nang musika.
Lalo na si tita Meranda ina ni greta mahilig gumitara.
Bukas na mag-audition sina Amy at Alvin saad ni greta na nakatingin saakin.
Talaga! pabulalas kong sinabi kasi simula nang graduation namin nang high school bihira na kami magkabonding nila alvin since pare- pareho na kaming collage ngayon si alvin accountant and business ad, samantalang si amy wala nakung balita at ako naman Culinary kinuha ko kasi pangarap kong maging chefs at maging mechilen chefs.
Ako sa manila nag-aaral at si Alvin naman sa laguna.
At na alala ko noong high school kami si Alvin ang lagi kong kasama, lalo na kapag mag-cutting classes kami para kumuha ng bayabas sa bundok, at si Amy ang boyish sa groups at warfreak namahilig makipagrambulan.
"Hoy!! Hellooooo.... anu na nangyari sayo at tulala kana dyan saad ni greta' na nakatayo na pala sa harap ko habang winawagayway ang mga palad sa harap nang mukha ko at ngumiti nalang ako.
At tumango kasi alam kong hindi ako titigilan at mangungulit at mangungulit ito saakin.
Tumalon si Greta sa tuwa at niyakap ako.
' Yes" 4pm alis natin bukas at magkita kita nalang tayo sa parola.
Parola Ang tambayan namin at ang lugar kong saan meeting place namin magkakaibigan.
Maya maya napansin kong iniikot ni greta ang mata niya na parang may hinahanap.
“Greta.. Asan si bebe [Manilyn], kapatid kong bunso.
Wala dito kasama ni Aiza. panganay na kapatid ni greta.
Saan pumunta saad ni gretang nakakulot kilay.
Bumalik tingin ko kay greta' at sumagot' hindi ko alam tanungin mo kaya si tita para malaman mo.
Bakit anu ba kailangan mo kay bebe balik kong tanong kay greta.
"Greta ' Eh..usapan namin na tuturuan nyakong mangabayo ngayon sabay kamot sa ulo'
Tara' yaya ko kay greta simula nang magcollage ako hindi na ako ulit nakapangabayo.
Kay puti ako saad ni greta sabay hawak sa lubid na ang tinutukoy ang kabayong nakatali malapit saamin.
Lumapit kay puti at pasampang tumalon para sumakay habang nakangiti.
At ako naman lumakad para kunin si bansot[ pangalan nang kabayo] Anak ni puti tinawag namin na bunsot kasi subrang liit nang ipanganak ni puti.
Pero kahit maliit si bansot ang tulin tumakbo.
kinuha ko si bansot at pasampang sumakay
"Yah, yah, yah, at matuling pinatakbo para habulin si greta na narinig kong pasigaw na tumawa at nagsabing paunahan kaming makarating sa kinarabao [ bundok tawag namin kinarabao kasi hugis kalabao] At pasigaw din akong sumagot" Sige" sabay padyak Yah,yah,yah, at matulin kong pinatakbo si bansot at dumaan kami sa matatarik na daan para mas mabilis akong makarating kong baga [shortcut]
At successful nauna akong dumating sa Kubo na nakatayo sa turi ng bundok.
Tambayan namin habang pinapakain ang mga kabayo.
Bumaba ako kay bansot At pumasok sa kubo At malalim na nagmunimuni at nagiisip habang nakahiga sa kawayang upuan nakatitig sa Asul na langit.
Hindi kami mayaman at hindi ko naman masabing mahirap kami.
Madami lang talaga kaming alagang hayop kasi si mama mahilig sa mga hayop.
Dalawa lang kaming magkapatid ako panganay Si Nicole [Neng" nickname]kinuha sa first letters Nang pangalan ni Mama[ Nieves] 23years old Naku ngayon at 2nd year college umuuwi ako every weekends to relax.
At simpre makasama family ko.
Dalawa lang kaming magkapatid pero palagi kaming nagaaway si Manilyn kamukha ni mama na maputi at matangkad at madaming nagsasabing kahawig nya si Bea alonzo or si tanya garcia. Mahiyain ang kapatid kong si Manilyn at tahimik na nakuha nya naman ang ugali nang papa ko.
Active sa klase si manilyn na ngayon ay 4year high school na.
Pero kahit palagi kaming nagtatalo mahal na mahal ko kapatid ko at I'm proud of her pero hindi ko pinapakita yon sa kanya.
At ako naman kabaliktaran ni manilyn kamukha ko naman daw si papa. kong si manilyn gatas ako naman coffee mate at palagi kaming kinukumpara na ayaw na ayaw kong narininig siguro yon dahilan kaya hindi kami nagkakasundo nang kapatid kong si manilyn. sinasabihang maganda at tinatawag syang 'tisay'
Ako naman gwapo daw kasi kamukha ko si Papa at kong lalaki daw ako gwapo.
Pangalan nang papa ko [Dominador ] in short Doming.
Mahilig uminon papa ko at kapag may kasalan or okasyon iniimbitahan papa ko para sya ang magluto Chef ang papa ko dati sa barko.
Pero after nyang magkasakit hindi kami pumayag na mangibang bansa ulit si papa.
May mga lupa at bahay naman na syang naipondar at sa ngayon sakahan at pagtatanin at pag aalaga nalang ng mga hayop ang kanyang pinagkakaabalahan magkatuwang sila ni mama.
Napurol ang pagmuni muni ko dahil narinig kong may paparating.
' yah.Yah, yah Narinig ko mga yabag ni puti At tumingin ako kay greta na hindi makapaniwalang nauna pakung dumating sa kubong tambayan namin.
Nakangiti akong tumingin kay greta at sinabi kong "Ako pa" at humagalpak kami ng tawa na nahiga kami sa kawayang upuan habang nakatingin sa kulay asal na langit.
"Greta.....sarap nang buhay noh?
Lumingon ako sa katabi ko at ngumiti
At sumagot " Oo nga! sana ganito palagi.
Yoy...Greta...Napaupo at tumayo kaming dalawa ni greta At Tumingin sa tumatawag saamin at nakita namin si Manilyn na nakasakay kay Makbot [ pangalan nang kabayo asawa ni puti] At sabay kaming simugaw at nag wave nang kamay na bilisan.
Habang hinihintay si manilyn dumating. Kinuha ko tali ni bansot at dinala sa mas malalagong damo para don sya kumain.
Naiwang nakaupo si greta at naririnig kong kumanta habang sinasabayan ang togtog mula sa cellphone nya.
Habang ako naman malaya rin kumanta na umalingawngaw ang boses ko na may echo pa sa kabundukan.
Nakita kong dumating si manilyn at patalong bumaba kay makbot.
At paglapit kay greta sabay palo sa hita nito dahilan para mapasigaw ito sa gulat at akmang gaganti kay bebe[Manilyn] pero mabilis na nakatakbo at naiwasan ang hampas ni greta at nagsimula silang maghabulan na parang bata at nagtawanan.
Pasigaw akong nagtanong kay bebe kong asan si Aiza. At kong saan sila galing. humahagalpak sa tawang sumagot na umuwi na si aiza at nagpasama sa kanyang mamili sa kabilang bayan.
Tumango tango nalang ako habang naririnig kong paungot na nagsalita si greta kay manilyn at tinuro ang namumulang hita na bumakat pa ang kamay ni bebe sa lakas nang palo.
Lumapit ako sa dalawa habang si bebe nakangisi paring hinaplos ang hita ni gretang namumula.
Sabay tanong na subra bang malakas at masakit?
napangiti nalang ako sa itsura ni greta at humalakhak ulit si manilyn[bebe]
Di namin namalayan ang oras dahil sa usapan namin para bukas.
5:30pm na pala. nagyaya nakung bumalik at kanya kanya na kaming tumayo at nagsipagsampahan sa kabayo at pustahan ulit na pauhanan makarating sa bahay.
Pabalik na kami sa bahay at walang tigil ang hagikhikan.
"Manilyn..malakas na tinawag pangalan ni greta.
" Greta.. Bakit?
Manilyn...sa bahay ka matulog hah.
Yah' Sabay padyak sa kabayo at humakhik....
At ang bilis ni makbot tumakbo at sabay din kaming pumadyak ni greta 'yah, yah, yah
at mabilis na pinatakbo ang kabayo para habulin si manilyn.
At pagdating namin si manilyn pababa palang din sa kabayo at nakangiting tumingin samin
Sabay sabing "panalo ako"
Umiling uling nalang ako at tumingin kay gretang nakangiting bumaba kay puti.
At dinala nanaman ang mga kabayo sa kani kanilang pwesto para makainum nang tubig.
At halatang uhaw na uhaw ang mga kabayo.
Pumasok ako sabahay at nakita kong kadarating lang din ni papa nagmano ako nang mapadaan sa harap nya. na nanunuod nang TV.
Pumunta ako ng kusina nakita ko si mama na naghahanda na nang lulutiin para sa dinner
.'Mah..tawag ko' anong dinner na lulutuin mo tanong ko kay mama.
Papa mo gusto raw kilaw na at isasalad kotong paco saad ni mama.
Tumango tango nalang ako habang paalis nang kusina. Dumaretso ako nang banyo para maligo at makapagpalit na nang damit.
Pagpasok ko nang kwarto nakita ko si bebe na nakaupo at nagbabasa.
"Manilyn...ate bukas ba sigurado kang sasali sa Audition?
Na nakatingin saakin at naghihintay nang sagot ko.
Oo"mapilit si greta at kasama ko naman sina alvin at amy mag Audition din daw.
"For sure mananalo ka saad ni manilyn at tumalikod at nagbasa ulit.
"Anu nilutong ulam ni mama tanong ni manilyn saakin.
Kilaw at salad daw syang paco kasi yon daw request ni papa.
At biglang bumukas ang pinto nang kwarto at lumasok si greta at daretsong pasampa sa kamang nagiya.
Napatingin ako kay manilyn at sabay kaming tumingin kay greta at nagtanong.
Anong nangyari at nakabusangot ka?
"Greta...sinu paba eh di bwesit ako kay aiza ginamit nang walang paalam yong sapatos ko gagamitin koyon bukas.
At humagalpak nang tawa si manilyn
"Bebe...yon ba yong suot ni aiza kanina na sapatos naitapak nyayon sa poop nang aso tawang tawang sinabi.' sabi kona ngaba na sapatos moyon eh.
At si greta na nakahiga Nagsisipa sa hangin na naiinis. Greta kasing edad lang ni manilyn 17 parehong 4 year high school pero magkaiba nang school.
Dalawa lang din silang magkapatid at pareho rin babae at bunso rin si greta na mahilig magtantrum sa mga magulang nya.
Si Aiza naman ay mas matanda saakin nang isang taon.
Pero mas gusto kong kasama si greta.
Tahimik kasi si aiza at mahiyain din at walang boses para sa sarili sunod sunuran kong anu iutos mo gagawin.
Ayaw ko sa ganun tao.
Masyadong mabait at paander kahit sa ibang tao.
Hindi katulad ni greta na Maldita palaban hindi sila nagkakalayo nang ugali ni bebe a.k.a Manilyn.
"Neng..Bebe gretchen halina kayo para kunain Narinig naman tawag ni mama.
Sabay sabay kaming tumayo at lumabas nang kwarto at nakita namin na nakaupo nadon si papa at si mama at hinihintay nalang kaming lumabas nang kwarto. daretso na kami sa lamesa na puno na nang pagkain at meron din hiwang mga fruits na alam ni mama napareho namin gusto ni bebe kumain nang dinner fruits lang.
Kasama namin si greta kaya no choice kami kundi ang kumain ng ibang putahing nakahain sa mesa.
Narinig kong tinanong ni papa si greta kong andyan na papa nya.
"Greta, opo tito tumatagay po magisa at ngumiti si papa
Sabay tingin kay mama at sabing pakatapos natin kumain punta ako kay pare sabay ngiti kay mama.
Yong kinilaw lagay ka sa manko dadalhin ko at magtatagay kami ni pare saad ni papa
Tahimik lang kaming kumakain Pakatapos namin kumain Nagpaalam ako na pupunta kami bukas sa bayan para sa Audition.
Tumingin si papa saakin na akmang tatayo na at umupo ulit.
At nagkatinginan kaming tatlo at sabay sabay na nagsabi na mag Audition sa singing contest.
Nagtinginan muna si mama at papa bago sumagot si papa na bahala kayo at tumalikod na at umalis dala mangkok na pinahanda kay mama.
At si mama nagsalita kailangan moba nang bagong damit na isusuot sa Audition?
"Nicole hindi na ma...
"Manilyn mah' ako gusto kong bumili nang bagong bag sira na bag ko. tagal konang ginagamit yon na habang nagsasalita nanunulis ang nguso na alam kong nagpapa bebe kay mama.
"Nieves" lumapit at hinalikan sa ulo si manilyn at malambing na sinabi "ayyy Ang bebe ko nagtatampo sige bili ka bukas nang bag kapag nakapasok sa Audition ate mo
Nanakangiting nagsasalita si mama at nakatingin saakin.
At ako naman nabigla at magsasalita sana ako biglang singit si bebe.
"Manilyn.Yan ate ha! sayo nakasalalay bago kong bag kapag hindi ka nanalo bukas gugupitin ko sapatos mo.
Tumingin ako nang pairap kay manilyn at sinabing subukan mo lang...
Maghugas ka ngayon nang mga pinggan.
Tulong kayo ni greta! akmang magsasalita si Manilyn hinawakan ni greta balikat at nagsalita si gretchen "okay" no probs buddy sabay swag nang kamay sa ere at pakindat pang sumagot saakin.
At umalis naku sa table na dala plate kong ginamit na nakangisi kay Manilyn na simangot na simangot.
Palabas ako nang kitchen nang makita kong naghaharutan si bebe at greta na akala mo mga bata.
Lumabas ako at naupo sa duyan habang pinapakinggan ko ang kanta sa cellphone ko.
sabay kumanta
🎶 Brigde of life🎵
At nag disisyon akong ito ang kakantahin ko
bukas sa Audition.
Hindi kona malayan na nasalikod kona si mama at nagulat ako nang niyakap ako mula sa likod ko at humalik sa buhok ko palubong na sinabi goodluck"Honey bukas at may ibinigay na pera saakin. Nagulat akong tumingin sa kanya at nagtanong kong para saan yon
"Nieves after nyo sa Audition ibili mo nang bag kapatid mo, matanggap kaman oh, hindi sa Audition para saamin ni papa mo ikaw ang singer namin.
Nangilid kuha sa mata ko at sabay yakap kay mama
At ungot "uhmm" anu bayan mah' ayaw ko nang drama happy lang tayo pinupog ako ng halik ni mama habang nakayakap ako sa kanya.
At nakita kami ni manilyn sa ganun ayos at umirap ang mata saakin sabay lapit kay mama at hatak nang mga kamay para mapalayo si mama saakin at lumingon saakin sabay dila.."bleh"
Nakatingin nalang ako na nakakunot noo, sabay bulong 'napaka childish talaga!
at iniugoy ko yong duyan.
tumingala ako sa langit at nakita ko madaming bituin at bilog na bilog na bwan. Nang ibabako tingin ko.
Nakita ko nalang si tita Meranda at aiza na padating na may dalang gitara si tita.
"Good evening" bati nang mga bagong dating.
Tumayo ako para salubungin si tita at magmano.
Sabay sabay naman lumabas nang bahay sina mama bebe at greta na nakangiting nagbatiin.
" Greta guys.... liwanag nang bwan laro tayo nang tagu taguan at tumbang preso. At nagsimula kaming magsipaglaro kasali si tita at mama.
At napuno nang tawanan ang bahay huminto lang kami nang marinig naman boses ni uncle Rey[Papa ni greta] Na nagsabing Good evening!!
kasama si papang dumating na mukhang magtatagay ulit.
Lumapit kami ni Manilyn para magmano kay tito Rey at pagkatapos kong magmano pinitik ni tito Rey Noo ko.
Na Dahilan para magtawanan sila mama at papa pati narin si tita.
Hinawakan ni tito Rey ulo ko at sabay gulo sa buhok at sabay sabing "Dalaga na si pandak" Na lalong lumakas ang tawanan.
Alam kong binibiro lang ako ni tito pero nasasaktan ako. at simangot akong umalis at pumasok sa kwarto.
Pumasok ako sa kwarto at nahiga sa kama ko at naglagay nang headseat' para diko marinig ang tawanan sa labas. diko namalayan na dumaloy na ang luha sa aking mata at pasimpleng pinunas ko at pasampang nakadapa sa kama at nakatulog sa ganung position..
6am Nagjogging ako papunta sa kinarabaw[bundok]
At pagdating ko sa kubo nagsimula akong magyoga para marelax at marelease ang tension kong nararamdaman. Pakatapos kong magyoga konting stretching pa ginawa ko.
Nakita kong mag 8am na. At ang sikat nang araw medyo masakit na sa balat.
Kaya nagdesisyon nakung bumalik nang bahay.
Tumayo naku at nagsimulang tumakbo pababa nang bundok. at nakita ko mula sa malayo si mama na nagwawalis nang mga tuyong dahong nalaglag mula sa puno nang manga. hinanap ko si manilyn at greta at sumagot si mama "tulog pa
Ang dalawa maya payan magigising.
Lumapit ako kay mama at bumati "Good morning mah" sabay halik sa pisngi.
At kinuha ko ang hose nang tubig at nagsimulang diligan mga halaman.
Sa sulok nang mata ko nakita ko si papang nakatingin saamin ni mama habang nainum nang kape..
Pa' Good morning..bati ko kay papa na napatingin saakin at ngumiti habang humigop ulit nang kape.
Hindi ako malapit sa papa ko hindi katulad ni manilyn papa's girl.
Hindi ko alam kong bakit pero siguro dahil sa lumaki ako na wala sya sa tabi ko.
At lalo akong naiilang kasi mga kaibigan nya aliw na aliw sa sabihan Jr. Ako ni Papa.
Dumaretso naku sa loob para magpalit at maligo.
Pagkatapos kong maligo
Pumasok ko sa kwarto at nakita kong himbing na himbing parin si Manilyn at Greta. Magkayakap pa ang dalawa habang natutulog.
At parehong balot na balot sa comforter.
Nagbihis ako nang pambahay na damit at nagsimulang ilagay ang mga pangkulot ko sa buhok.
Tamang tama maya sa Audition nakacurly hair ako.
At nakasimple block dress with heels.
Download MangaToon APP on App Store and Google Play