NovelToon NovelToon

Mnemosyne's Youth

Prologue: Mnemosyne Blythe Zoyle

Ilang minuto kong tinitigan, nagbabakasakali na magbago, na baka nahihilo lang ako o mali ang nakikita ko.

I feel suffocated, hangang sa isa-isang pumatak ang mga luha ko sa mata.

With my trembling hands I grab the pregnancy kit — not one but three.

Hindi ko alam ang gagawin ko, I wish I'm just delusional but I know. This is all real.

Anong sasabihin ko sa parents ko? Kay Papa?

Hindi ko na napigilan at humagulgol ako.

I cannot keep this a secret, sooner my tummy will grow, but how would I tell them about this?

How could I tell them how disgraceful I’ve become?

I look at my phone beside me, takot na takot na ako but I need to call my Mom.

I honestly don't know what to do, or how to tell her, pero si Mommy lang naman ang malalapitan ko.

Humihikbi akong dinial ang number ni Mommy. Her phone kept ringing but she's not answering it.

And when she picked it up...”M-mommy", nanginginig ang boses kong tawag sakanya, nagsusumbong. Hindi alam ang gagawin.

"Mnem, what's wrong?" Para akong binuhusan ng malamig na tubig, hindi ako nakasagot.

It's not my mom, it’s Papa. His stern voice feels like thunder in my ear. “Nasa meeting ang Mommy mo, napatawag ka?" Tanong nya ulit.

My lips were trembling, I was scared, so scared that my mind went blank.

"W-wala po, Pa. Tatanong k-ko lang po kung pu..pupunta sya sa condo ko tonight" I managed to say without crumbling.

I suppress my cries, hirap na hirap pero ayokong marinig ng Tatay ko ang pag hikbi ko.

"Are you alright?" he sounds worried. Lalo akong napaiyak, my left hand went into my mouth to stop my cries from coming out.

"I'm f-fine po, bye Pa, I know you're busy"

Hindi ko na sya hinintay sumagot, binaba ko na ang cellphone ko.

"Papaaa... I'm sorry!" and I cried like a child. Patuloy na humagulgol, sa sakit. Sa disappointment. Sa katangahan. Sa pag-alala.

I know.. I know my father is gonna get mad, kasi...kasi napagdaanan na nya 'to noon. From his own sister, and now.. her daughter repeated the same mistake.

I'm just seventeen, but I'm already pregnant. Imagining my parents’ rage, disappointment and pain, hurt me even more.

I crawled back on my bed and hug myself in fetal position. I felt so drained.

Problem after problems. Where did I go wrong?

I was no longer crying hard but my tears  kept falling. Soon, I fell asleep. Probably because of exhaustion.

**

"Mnemy, b-baby--''

I woke up because of my mother's cries. Disoriented, but when I heard her, I immediately stood up.

Sa pagbalikwas ko, nakita ko siyang naka-upo sa lapag, kasama ng mga gamit kong nagkalat. 

My eyes went wide when I saw her expression.

She's crying... and her hands were holding the pregnancy kits.

"M-mommy", pagkatawag ko ay humarap sya sakin. Nagtataka, umiiyak, nanghihina.

When I saw her, I cried too.

"Baby, what's going on-" hindi nya matuloy ang sasabihin dahil humagulgol at sumama syang umiyak ng malakas sa akin.

"B-baby pa ang baby Mnem ko, bakit naman ganito baby girl. Please tell mommy what's going on, please. Please tell me this is wrong"... “Please" she begged and it pained me even more.

"I'm sorry..  Mommy, I'm sorry!"

Walang ibang namagitan saming dalawa kundi ang pag-iyak. The whole room got filled with our cries.

Lumapit ako sakanya kahit nanghihina, lumuhod. Pilit kinuha ang dalawa nyang kamay, yumuko ako.

"Mommy I'm sorry.. I'm sorry! Sorry po! Mommy!" I kept repeating the same words, begging her to forgive me.

Inaalis nya ang kamay nya sa pagkakakapit ko pero hindi ko hinayaan.

She's devastated but I was.... I was hurting.

"Baby, naman...." nahihirapan nyang sita. Pero umiling lang ako. Nakaluhod parin sakanya habang nakayuko ang ulo. Humahagulgol.

"Sorry po.. Sorry po, Mommy sorry. Mommy please, please  forgive me" I pleaded.

Pero ganon nalang ang pagka-estatwa naming dalawa ng bumukas ang pintuan  ng kwarto ko at linuwal non si Papa.

"Have you readied her things yet-----" He stopped midway when he saw both of us on the ground.

His passive face turn confuse, pero bago pa sya maka react tumakbo ako sa braso nya at humagulgol.

"Papa!!!" pag-iyak kong tawag.

"Papa, Papa I'm sorry! I'm sorry Papa! W-Wag ka magalit. Papa please wag nyo ko iwan. Papa ko!" Umiling-iling ako, I buried my face in my father's arms.

"Mnemo, tell me what happened.” His voice is hard, and with authority. Like he always do when I go to him after doing something wrong.

I stubbornly shook my head and repeated the same words over  and over again.

"Baby, tell me what's going on.” He was asking mom, ramdam ko ang pagkalas nya sa kapit ko. I look up at my father and saw his eyes darkly staring at my mother.

"Jezzrel, tell me what's the problem.” Naka-kunot ang noo ni Papa, he's still holding me by my shoulder  to support my stance.

Habang si mommy, tahimik na umiiyak. She's biting her lip when she took me from my father grasp. Afraid of his reaction.

"Wint-'' I stopped mom.

"Papa, I'm pregnant." At tuluyan akong nalaglag sa sahig.

When I look at my father, I saw him took a step back. His dark eyes radiated anger. He look down on me, jaw clenched and then I saw a tear fell from his eyes.

Napa-nganga ako, pero tumalikod sya. Si Mommy niyakap lang ako mula sa likod at umiiyak sa braso ko.

"You're just...seventeen" He said. Wala sa loob na napatango.

"****" and the loud crash of vases followed.

My whole body shivered and my grip on Mom's embrace tightened.

I didn't expect my father to lash out. He's always calm, compose, and cold. He's not someone who can be wavered by a mere emotion.

When he's mad, he's never physical. Pagsasabihan nya kaming magkakapatid, sesermonan tapos aalis. He will remain silent for days then until he decided to forgive us.

"Sorry po..Papa sorry po!" pikit mata akong nagmaka awa. Mom was protecting even though we both know my father will not harm me.

"Papa--"

"Shut up, Mnemosyne!"  his voice growled and I flinched.

"Who's the father" he asked darkly.

Umiling ako, refusing to say a name.

"Tell me who's the fucking father  before I kill someone!'' Galit na galit nyang sigaw.

"No!" I screamed. "No! Wala po! Papa, wala po!" pagmamaka awa ko.

"Fucking lies! Who's that bastard! Hindi ka mabubuntis kung walang lalaki Mnemo! Stop this bullshit and tell me!"

Mariin pa rin akong tumanggi habang binabaha ng luha ang mukha.

Exhaustion started to envelop  my whole system, as my mind became hazy...

I passed out.

~•~

No parts of this book shall be reproduce, publish, distributed or transmitted  without the permission of the author.

Plagiarism is a crime.

Chapter 1

"Naiihi na kasi ako Pheobe! Letsugas naman!" naasar kong sabi sa kaibigan ko habang kunot ang noo. Feel ko talaga sasabog na pantog ko!

Kung hindi ko lang sya kailangang hintayin kasi hindi ko alam ang pasikot sikot dito sa Private resort slash villa nila, hindi ko sya hihintayin!

Nakaka asar kasi, yung apat na banyo eh ginagamit, kasi naliligo yung iba naming kasama.

I stomp my foot on the ground, I'm really trying my best to suppress my pee but ghad! I can no longer wait!

"Pheobe!" sigaw ko ulit habang patalon talon, kasi letse hindi ko na kaya!

"Teka! Diretso ka nalang tapos makikita mo din yung CR!" bakit kasi ang daldal nito? Hindi nya maiwan yung kachikahan nya? Argh! I did what she said, half running, half walking. I went where she told me to but unfortunately, Wala akong Makita! Mini cabins ang nakikita ko!

"Oh my god, punyeta ka Pheobe! Puputok na ang pantog ko!"

Napapahawak na nga ako sa pepe ko sa sobrang ihi! I look back only to see no one, hindi parin sumunod ang gaga!

Napasabunot ako ng buhok ko sa inis, lumingon ako sa kanan but when I turn away. I bump into someone, muntik pa akong matumba buti napa urong lang ako at na balance ang sarili.

Inis akong nagpapadyak at tumingala, but when I did, my mouth parted.

Oh my god.

Hindi ko alam kung gaano ako katagal naka tingin lang sakanya, I was mesmerized. His thick brows were slightly creased but his lips were upturn, plastering an amuse face.

Tumikhim sya at doon ko namalayan na titig na titig pala ako. Shit lang? I blink not only once but thrice.

To avoid further humiliation I turn away and walk again.

"Stop." at huminto ako sa paglalakad pero hindi lumingon. "Go left and you'll see the restroom."

I resumed my walk and proceeded left like what he said but didn't mutter my thanks. It was rude of me but I felt so awkward, I suddenly felt like he would devour me any minute.

Ugh, when did I ever felt intimidated? This never happens!

Dahil sa pagmamadali kong lumakad, agad kong nakita ang restroom. Maliit lang at nasa tabi ng mga puno pero agad kong nakita kasi nagiisa lang naman na nakatayo doon.

Ang layo pala ng CR sa pinangalingan namin! At may paliko pa kasi, tapos ang sabi ni Pheobe diretso lang? Siraulo talaga yun.

Wala pa naman katao tao dito kasi private property.

But speaking off, who's that man? Baka kamag anak nila Pheobe?

Whatever, I need a release.

Napa pikit ako sa sarap dahil guminhawa ang pakiramdam ko nang mailabas ng katawan ko ang tubig.

After that, I look at myself in the mirror, tilted my head when I saw my face. I was wearing a sky blue one piece suit, my hair is naturally messy because I have a curly hair, patuyo na rin naman kaya hindi ko na pinakialaman pa.

Suddenly, the man appearance pop inside my head, grabe ngayon ko lang na realize na ang gwapo pala? Sa sobrang gwapo, napatulala ako. Ugh, hindi ko tuloy naka usap ng maayos. Why did I even act so flustered anyway? Para saan pa ang title kong Miss Friendship at hindi ko rin naman pala ma apply sa buhay. I roll my eyes.

Ang gwapo talaga kainis, I think his eyes were green, tapos ang tangkad tangkad. Nahiya ang 5ft and 3 kong height! Nakaka asar naman? He's kinda tan too, caramel color. Ang tangos pa ng ilong! And he has slight stubles! Grabe, ang manly! Walang ganon sa School ko?!

Inside the bathroom, I squealed! Kinikilig kasi talaga ako!

Hala, ang landi, May crush na yata ako finally? As in crush sa ibang tao at hindi sa circle of friends ng mga Kuya ko?

Pero hindi ko kilala! Kahit nga pangalan hindi! Paano ko ma ssearch sa Facebook?! Baka kilala ni Pheobe kasi sa pamilya naman nya tong property?

"Hoy, Blythe! Tapos ka na dyan? Bilisan mo may pa games daw sa pool." I jumped when someone shouted from the door. I sigh.

"Wait lang!" pasigaw kong sagot, I took one last glance in the mirror again, I pouted. Ano bayan, compare dun mukha akong nene kapag tumabi. Wala akong pag asa, grr.

Men like that are fond of strong independent women, with great physique. Although maganda ang katawan ko, may baby fats parin ako! Hirap na hirap nga akong ipitin ang tyan ko minsan!

Pagbukas ko ng pinto, mukha ni Pheobe ang bumungad sakin, sumimangot ako sakanya at hindi napigilang hilahin ang kanyang buhok.

"Aray! Inano kitang bruhilda ka?''

"Muntik na akong maihi sa simento! Sabi mo diretso, ang layo pala ng CR!"

"Luh, shunga ka lang talaga sa direksyon. Ako pa sinisisi mo."

"Hmp."

Naglalakad na kami pabalik nang maalala ko yong lalaki.

"May kuya ka ba?" tanong ko.

"Kapatid wala, pinsan marami." sagot nya. Napa tango ako.

"May kuya kang matangkad? Green ang mata? Moreno?" sunod sunod kong tanong.

Kumunot naman ang noo nya. "Matangkad meron, kulay green ang mata wala, Isa lang yung Kuya kong Moreno, pero di green mata nun."

"Ahh." I muttered absent mindedly.

"Bakit mo natanong? Gusto mo na mag jowa? Shala, gusto green ? Gaga nasa pinas ka, walang ganon."

"Heh! May nakita kasi ako kanina dito, lalaki. Tinuro nya san yung CR." mataray kong sabi.

"Ahhhh! Baka dumating na bisita ni Kuya! Sabi nina Mama ngayon din daw gathering nung isa kong pinsan dito."

So that means Malabo kong makilala yon! Lalo tuloy akong sumimangot. Feel ko yung nguso ko malalaglag na.

Tahimik na ulit akong bumalik sa pwesto namin.

Gutom ako, kaya wala pang ilang minuto tumayo ako para kumuha ng pagkain sa loob. That was when I realize there is no more pizza. Ubos na rin yung niluto kaninang lunch, mag gagabi na pa naman.

Puro ulam nalang nandito at chichirya! Myghad.

Narinig kong bumukas yung backdoor. Akala ko isa sa mga kaklase ko kaya sinigawan ko sila nang hindi lumilingon.

"Hoy wala na tayong kanin! Nasaan yung bigas? Magsasaing ako!" Tuloy tuloy akong nagsalita habang nangangalikot sa mesa.

"Myghad! Sabaw nalang din yung sinigang! Wala tayong ulam mamayang gabi!" pumunta ako sa ref, nakita ko doon yung mga itlog kaya kumuhaz akong dalawa, balak kong ipirito. Mag ssandwich nalang muna ako!

Sinara ko ang ref gamit ang paa ko "Hoy tanong nyo nga nasaan yung bigas--- AY PEPE!" napatalon ako sa gulat kasi apat na dambuhala ang nakita ko pag hagharap! Nabitawan ko yung itlog at nabasag!

My mouth parted again, at naka bikini lang ako! Oh my god!

I heard some of them giggled. "Pepe daw Alec." narinig kong sabi ng isa.

Who are these men?!

That's when I realize that the man I met a while ago was with them and he's looking at me intently.

"Pheobeeee!" malakas kong tili at sure akong rinig yon sa labas!

Chapter 2

My friends wrapped me inside the two big towels, I look like a human burrito.

Naka upo lang ako. Grabe, tokang toka na ako ngayong hapon sa hiya. Apparently those men were not strangers. Yun yung tinutukoy ni Pheobe kaninang ibang tao na bisita ng pinsan nya.

There are three villas here, dumiretso sila sa pinag stay-an namin kasi akala nila available to at ito kasi ang pinaka likod, kaya pala sa backdoor sila nangaling kasi may parking pa sa dulo ng resort. Sakto, pagpasok nila nandon ako sa kitchen at kung ano ano ang ginagawa.

I said my sorry to them and bowed because it was really embarrassing, tumili pa ako sa takot. Paanong hindi ako matatakot, akala ko trespasser! Ang lalaki pang tao!

Tsk, downside talaga ‘to ng pandak.

Thankfully Pheobe cousin said it’s okay pero yung mukha nun parang hindi ako mapatawad.  The other were just smiling at me pero hindi ko nakuhang ngumiti pabalik sakanila. They even look at me like I was their sister! Duh?

I pouted my lips without thinking.

“Get up, the boys are arranging a new pool game. Hayaan mo na ‘yun sina kuya, ‘di mo na ulit makikita mga ‘yon kasi nasa kabilang villa na sila.” True that, kasi medyo malayo yung kabilang Villa dito.

“Buti naunahan natin yung Pinsan mo sa pagkuha nito, Feebs.” Aly said.

“True, mas maganda kasi dito sa dulo.” sagot naman ni Pheobe.

“Kayo nalang, I’ll be fine here, Bantayan ko yung kanin. Liligo narin ako nito. I’m tired na eh.” sabat ko sa dalawa.

Tinignan nila akong pareho.

“What? Masakit na kaya braso at likod ko! Kanina pa ako langoy nang langoy ‘dun.”

“Sabagay, mukha kang isdang naka wala kanina.” pilosopong turan ni Aly, I bitchily roll my eyes on her.

“Fine, let’s go na Aly. Hinahanap na rin ako ni Drew.” Pagtutukoy niya sa Jowa niyang sinama nya dito sa party namin. Edi siya na may jowa, harot.

“Shoo.” sinimangutan nila akong pareho and when they left, I sighed heavily.

Sumukob ako sa mesa habang hinihintay matapos magluto yung rice cooker pero hindi ko inexpect na aantukin ako. My lids were heavy and moments later I fell asleep.

Medyo napamulagat ako nang maramdaman kong may umaayos sa buhok ko,  rough hands were combing it. I thought it was one of my male classmate so I didn’t mind.

“Paki patay yung cooker, thanks.” I said half asleep.

Wala akong narinig na sagot pero rinig kong pinatay yung rice cooker, I turn my face left but eyes are still closed, bahala na sila kaya natulog ulit ako.

**

"Oh, man. C'mon, stop staring at them. May type ka ba?" Nakakalokong sabi  Javier, habang ang inaasar nito ay hindi man lang siya liningon  at patuloy parin tumitig sa kawalan.

Tinapik ni Javier ang braso ni Ray.

"Gagi pare, We didn't get the villa 3 because you're late! who decided to go here at 6 PM ba?" Pagrereklamo ni Seb kay Alec.

"I didn't know there will be another guest. Malay ko bang may pa party ang pinsan ko"

"Dude, the villa 3 is bigger--"

"Dami mong arte tangina Seb, uwi ka na nga gago." asar na sita naman ng isa sa kanila.

"**** you Liu!" And Seb raised his middle finger.

Napailing nalang si Ray sa mga kasama nya.

"Anong oras dadating sina Ari?" Tanong ng lalaki.

"Morning na daw, let's rest for tonight."

Tumango silang lahat at nagkanya kanya na. But Ray stopped because when he look at his pocket, his car keys are missing.

"****" He muttered. The men look at him.

"Why?'' It was Alec.

"I drop my keys."

"Tsk, balikan mo kung saan ka dumaan." Suwestyon ni Seb. Tumango lang naman ang Lalaki at tumalikod sa mga kasama.

**

"You've been staring at them for quite a while now, sino crush mo dyan?"

Pagtanong sakin ni Aly. Sinimangutan ko sya, halata ba?

"Hindi, familiar lang yung iba. Basta parang kilala ko, lalo na yung singkit." turan ko.

"Ahhhh, yung mukhang koreano! In fairness gwapo, ‘yun yung crush mo?" Makahulugan niyang tanong.

"Hindi! familiar lang!" inis kong deny.

"Oh, ba't galit ka? crush mo nga?" pangaasar pa nya lalo.

"Hindi kasi! napaka issue mo." Saka ko sya inirapan.

"Anong pinagaawayan niyo dyan?" Siya namang padating ni Pheobe kaya liningon namin siyang dalawa.

Nakaupo lang kami dito sa ilalim ng puno ng buko, medyo mataas kaya nakikita namin yung mga nasa baba, hindi ko naman inexpect na magiging view ko sila sa pag tambay ko dito.

I was just sitting here, wearing my pair of shorts and white top.

Tapos nakita ako ng dalawa kaya naki upo din.

"Oh." atsaka naman binigay ni Pheobe ang chips at juice.

Umalis lang sya para kumuha ng pagkain.  Tapos ngayon may live show pa yata kaming mapapanood kasi may dalawa doon na nag m-make out na.

"Itong bunso natin, May crush na." pagiimporma ni Aly kay Pheobe.

Lumaki naman ang mata ng isa.  I rolled my eyes on them, wala naman kasi akong crush. Curious lang talaga ako kasi super familiar ang mukha ng iba.

I wonder where party I met them?

"Oh? sino diyan? baka kilala ko kasi tropa lang naman ‘yan ni Kuya."

"Wala nga kasi, napa kulit nitong si Aly."  sabay kunot noo ko silang tinapunan ng tingin.

"Kaya pala dito tumambay, umagang umaga kasi dito niya ma s-sight yung crush nya." Lalo pang dagdag ni Aly.

Ugh! napaka kulit.

"Pero sino nga dyan?"

"Wala! isa ka pa." masungit kong ismid sakanya.

"Yung singkit yata, sabi niya kilala eh."

"Hoy, sabi ko familiar! hindi kilala, fake news ka sis." tsaka ko tinampal ang braso niya.

"Ahhhh! Yung koreano! kaso di ko alam name niyan, pero ‘di nakapag tatakang magiging crush ‘yan ni Blythe. Mahilig yan sa Oppa eh."  Sa sinabi ‘yon ni Pheobe napa halakhak si Aly, hangang sa para silang tangang tumatawa habang ako, inis na inis sa kanila.

"Saya ka? saya nyo ‘no?" Sarkastiko kong tanong.  But the two of them just smirked at me.

Nagliwanag ang mata ni Pheobe, bigla ay kumaway siya sa harap namin. Bumilog ang mata ko, lalo na ng sumigaw sya ng "Cuz!"

Hindi ko alam pero bigla akong nag panic! Pinagtatapik ko siya pero ang gaga walang pakialam at tumayo pa sa kinauupuan naming bermuda!

"Punta tayo ‘dun dali!" Baling niya samin.

"Ayoko!" mabilis kong sagot

"Dali na, tawag tayo!"

"Ikaw lang, hindi kami kasali!" I fired back.

"Arte, pakilala pa kita sa Oppa mo!"

"Ihhh~ hindi ko nga crush!" Pinagpapadyak ko ang damo sa paa ko.

"Tara na, akala ko ba gusto mo nang magka jowa?" sabad naman ni Aly.

Sa huli, wala akong nagawa at bumaba kami sa padungdong na daan habang hawak hawak nila ako sa braso.

Muntik muntikan pa akong madapa! Hatak nang hatak hindi naman nila iniintindi ang paa ako! Plus, I'm barefooted for Christ’s sake!

Ang kati sa paa ng damo.

We arrived and most of his cousin friends were staring at us. Probably wondering why such college girls are coming inside their party.

"Wala ka ng bisita?" Pagtanong nong pinsan yata ni Pheobe.

Umiling naman ang kasama ko.

"They are still sleeping, Matindi pa tama ng mga ‘yun."

Tumango ang pinsan niya.

"It's still early, hindi ka uminom?" Pagtanong nito ulit habang nag-iihaw, kami naman ay sumilong sa cottage na mukhang ginawa lang nila.

"We did but only a little." She said pertaining to her and Aly. "Ito namang isa, hindi umiinom at tinutulugan lang kami." Baling niya sa ‘kin kaya sinimangutan ko siya.

I didn't care if anyone saw my face though. Anyway, I was hiding behind  her back so I doubt if anyone saw me. Nasa gilid ko pa si Aly, eh napaka tangkad nitong katabi ko.

"Have you taken your breakfast?"

I know where he's coming, kinurot ko sa braso si Pheobe pero umakto syang walang paki alam.

"Hindi pa! May tamad kasing magluto sa ‘min." Saka nya ako nilingon, Implying that I was that person. This girl!

"Sakto, Nagluluto kami at kakain palang." Biglang may sumingit sa usapan at kaibigan ‘yon noong pinsan ni Pheobe.

I still don't know their name and even if I know, it doesn't matter.

"Patapos na rin ‘tong barbeques, hintayin niyo na at samahan niyo na kami dito." Pagpapatuloy nong isang lalaki kanina na sumingit.

He smiled at us, his eyes suddenly landed on mine so I smiled back at him. Lalong nagliwanag ang mata niya.

"He's right, eat with us. Kung magluluto pa kayo, late na." Pheobe's cousin voice is stiff, he sounds like commanding us instead of offering.

"Okay! Oh, by the way kuya. These girls are my friends."  Gumilid ng kaunti si Pheobe kaya lumitaw ako sa harap ng mga nandon.

"This one is Alyssa, she's a varsity player that's why she's tall." Napa kunot ang noo ni Aly dahil doon pero tinanguan parin niya yong mga tao.

"And this one is Blythe, she's younger than me." pagpapakilala niya sakin.

"Hello." I said but then two guys offered their hands on me for a handshake.

Hindi ko alam ang gagawin ko noong una pero siniko ako ni Aly kaya binigay ko ang kamay ko.

Their hands were big at nag mukhang  kamay ng sanggol ang akin.

"I'm Seb."

"Liu, here."

I just smiled at the two of them.

"I'm Alec." It was Pheobe's cousin who introduced himself. He just glanced at us though.

Most guys followed after, In the back of my mind I knew I was waiting for someone. Pero hindi ko pinahalata.

Sa pag libot ng mata ko, dumapo iyon sakanya ng hindi ko inaasahan. My mouth parted a bit because his expression looks dark while staring back at me.

Napa pikit ako dahil hindi ko inasahan ‘yun, did I do something wrong?

Nawala lang ang atensyon ko sa kanya ‘nong hindi ko na matiis ang kati ng paa ko.

Ugh, This is why I don't want to go down! Hindi man lang ako hinayaang mag tsinelas nong dalawa!

Naiirta akong pinagkikiskis ang paa ko kasi ang kati kati.

"Girls, seat here." It was Ari? Or lily? who called our attention.

Yong isa sa lima na babae na kasama nila.

Last night there were just only four of them. Ngayon ang dami ng bilang nila, probably half of our class numbers.

Dalawa lang sa lima na babae ang nagustohan ko ang atmosphere. Paano yung tatlo hindi man lang tinago yung pagka disgusto samin. Lalo na kaninang sunod sunod na nag pakilala ‘yong mga lalaki.

I even sense that they dislike me the most because they kept glaring at me. Sinimangutan ko lang sila, wala naman akong ginagawa bitter na bitter ang mga ate mo.

"This one is my cousin, and these are her friends." Pakilala nong Alec sa pinsan. Tumango ‘yong iba na hindi lumapit kanina.

The other girls became less tense with Pheobe after finding out he's Alec cousin. Pero ganon parin sa amin ni Aly.

Knowing Aly, she'll just shrug this away. Lalo na at may pagkain sa harap nya.

"Let's eat." It was Seb who said that. Agad ko syang natandaan kasi sya yung pinaka maingay.

He's kinda a breath of fresh air, lalo na sa pamilya ko lahat tahimik.

Ako na nga yung pinaka madaldal sa kanila.

Nagkanya kanyang  upo na ‘yong iba, kahit si Pheobe na mukhang kinalimutan ako dahil sa pagkain.

Mga traydor.

In the end, wala akong upuan. Naubusan ako kaya nakatayo parin ako.

Hindi lang naman ako yung naka tayo pero ako lang yung babaeng walang upuan.

I let Aly sit first kasi.

Shit. Lalong nangati yung paa ko, its not just my foot now!

Hindi ko muna pinansin na wala akong upuan kasi nag squat talaga ako para I-scratch ang dalawa kong paa, I was kinda shock when I saw my legs were already red.

Kanina  ko pa kasi pinagkikiskisan.

To my amazement, someone offered a slipper.

Agad kong naamoy yung mabangong pabango kaya tumingala ako.

Para akong hinugutan ng hininga nang makita kung sino ‘yun.

It was the man last night, the one with green eyes! I blink twice.  Hawak parin niya yung slipper.

"Wear it." he said, Oh lord. His voice, dayum.

"A-ahm, thank you." I murmured.

After giving me a slipper he turn away. Tumayo na ako, pagkatayo ko may upuan na sa gilid ni Aly.

Did.. did he gave me a chair too?

Nagtaka naman ako at tahimik, kaya lumibot ang tingin ko pero ganon nalang ang pagkabigla ko nang halos silang lahat nakatingin sakin.

"Why?" diretso kong sagot sakanila.

"Ahem." Tumikhim si Ari, she even smiled at me.

"Let's dig in!" Masaya niyang basag at dahil don nag-ingay ulit ang mga kasama nila.

My eyes wonder to look for that man but to my disappointment he was seating far from me.  I sighed.

"Sarap." Turan ni Aly.

Liningon ko siya.

"Lahat naman masarap para sa ‘yo" diretsong turan ko sa kaniya. 

"Wag ka mag alala, favorite parin naman niyan ‘yung luto mo." Natatawang sabi ni Pheobe.

Habang ang isa eh busy kumain, tumawa din ako.

Lamon lang siya nang lamon dun sa inihaw na tahong.

I look at the seafoods in front of me. Gosh, favorite ko ‘to. Pero mas masarap kung linuto siya sa garlic and butter.

Tinikman ko muna bago ako kumuha ng marami, ‘nong nagustohan ko kumuha ako ulit.

"Wow, you liked it?!" Hindi makapaniwalang bulalas ni Pheobe, medyo malakas ang boses niya kaya tumingin sa ‘min sina Seb.

"Bakit, pihikan ba si Blythe sa ulam?" Tanong niya.

Umiling ako pero naunahan akong sumagot ng mahaderang Pheobe.

"Naku, kung hindi niyan sariling luto. Hindi ‘yan kakain!"

Parang ako yung nahiya sa sinabi ng kaibigan ko!

"Wow, you cook?!" mukhang di makapaniwala si Javier.

Tumango naman ako sa kaniya.

"Masarap magluto ‘yan, tamad lang madalas kaya minsan lang namin matikman ang luto niya!" Pagrereklamo ni Aly na mukhang komportable na kasi kaharap niya ang pagkain.

"She rarely eats someone else food too, ewan ko diyan ‘di naman maarte pero--'' Pheobe was cut off when a girl interrupted her.

"That's cooked by Ray! he cooks amazing!" She sounded like a proud girlfriend.

"Oh, masarap." walang ganang sagot ni Pheobe, ayaw na ayaw kasi nyang pinuputulan ng salita.

Kumunot ang noo ko sino ang Ray na tinutukoy niya, wala akong natandaang Ray na nagpakilala sa ‘kin.

"Sinong Ray?" Wala sa loob na tanong ko.  Humagikgik naman si Liu nang marinig ako.

"Yung nagbigay ng upuan at tsinelas sa ‘yo" pag-iimporma nya sa ‘kin.

"Ahh." kako naman at dumapo ang mata ko doon sa lalaki kanina na Ray pala ang pangalan.  To my embarrassment he's looking at my direction too pero mabilis niyang binawi.

Kumuha ako ng ibang luto at mas nagustohan ko iyong sinangang kaya nag spam ako.

"Masarap yung sinangag." I complimented. Nagustohan ko kasi talaga. It's soft and has a lot of garlic which I liked the most.

"Luh, totoo ‘yan?" di makapaniwalang tanong sa ‘kin ni Pheobe.

"Oo nga." sagot ko sa kaniya.

"Kuya! sino nagluto ng sinangag?!" malakas niyang tanong sa pinsan niya, na kinunutan lang naman siya ng noo. Napaka iskandalosa talaga.

"Hindi ko alam." Sagot nito.

"Si Jun!" It was Liu again who answered.

"Sinong Jun?" tanong ulit ng kaibigan ko.

Saka naman tinuro ni Liu ang singkit nilang kaibigan, na tumingin lang sa amin…

But because my friend is very dramatic suminghap siya ng malakas, liningon ako habang nanlaki ang mata.

Kumunot ang noo ko.

"OMG! Destiny?! crush mo ‘yun, tapos nagustohan mo pa yung sinangag nya!" Walang preno talaga ang bibig! Tinampal ko ang bunganga niya ng malakas, habang si Aly na napatigil sa paglamon at sinabunutan din ang kaibigan namin.

"Crush mo ‘to?!" Hindi makapaniwala si Seb doon, sabay pa sila ni Liu.  Hindi man lang ako binigyan ng time tumanggi!

"Pare, crush ka daw!"

Hala, ang epal ni Javier!

Tumawa naman yung ibang babae, habang ako namula ang mukha kasi hindi naman totoo?!

But I couldn't deny it because if I did, mag mumukha ulit akong denial katulad kanina!

"Oops." it was only then when she realised her  mistake kasi gigil ko syang tinignan.

"Crush mo 'tong supot na to?! grabe Blythe! dapat ako nalang, mas gwapo naman ako dito, tapos una pa akong nakipag shakehands sa ‘yo!" Pabirong sabi ni Seb. I couldn't help but laugh at him.

"Mahilig kasi siya sa Kdrama at Kpop, kaya type nya." Pagimporma ulit ni Pheobe kaya hindi ko na mapigilan na sabunutan sya.

"Hala hindi!" pagtangi ko at tumingin doon sa lalaking pinipilit nilang 'crush' ko daw. I said sorry to him and he just smiled at me.

"Pano ba ’yan, mahilig pala sa oppa. Yung isa, malayo sa mukha ng oppa."  Pagpaparamdam ng mga lalaki at iilan sakanila eh humalakhak na parang may nakakatawa.

I sighed, I lost my appetite.

Download NovelToon APP on App Store and Google Play

novel PDF download
NovelToon
Step Into A Different WORLD!
Download NovelToon APP on App Store and Google Play