...ENGAGEMENT PARTY...
Hindi ko pa naman siya nakikita ay inalam ko na ang maliliit na bagay tungkol sa kaniya at masasabi kong totoo lahat ng yun.
Gwapo siya, matangkad, maganda ang katawan at mukhang mabait. Casual siya makipag-usap sa iba at minsan naman ay seryoso, depende sa tao. Pansin ko rin na mahilig siya sa wine at sa taong business minded.
Alam ko ang purpose ng party na'to pero hindi ako mahilig sa ganito kaya medyo nabuburyo ako. Narito si Mommy at Daddy, family niya at ilang kilalang tao. Masasabi kong talagang kahanga-hanga ang pamilya niya.
Paano ko magagawa na lokohin sila?
"Oh, hija! You're here lang pala, why don't you join us?" biglang sumulpot si Tita Gwen, ang magiging mother in-law ko.
"Hi po, dito na lang po ako. Medyo hindi po kase ako maka-relate sa topic." sabi ko at saka ngumiti. Ang totoo dahilan lang yun dahil medyo kinakabahan ako.
"Ano ka ba? Don't be shy, hindi naman sila nangangain ng tao. You can stand beside him na lang why entertaining our visitors." anito at inginuso ang anak. Tutol ako don kaya agad akong nagprotesta.
"Sorry, Tita. Medyo masakit po kase ang papa ko dahil sa heels."
"Ows, I understand. Okay, rest ka na lang muna here. Mamaya papupuntahin ko siya dito para maasikaso ka." sabi pa ni Tita, ngumiti na lang ako bilang sagot.
Iniiwasan ko talaga siya dahil sa loob ko hindi pa ako ready. Ang alam ko nagkita na rin sila noon ni Ate at nakapag-pakilala sa isa't isa. Natatakot ako na baka may mahalata siya.
"Heart." isang boses ang nagpabalik sa akin sa reyalidad. Tumingin ako sa gilid at nakita si Mama na papalapit.
"Why are you here? Hindi ba't sinabi ko na sa'yo na-"
"Ma, hindi pa ako ready." sambit ko at biglang nagbago ang ekspresyon ng mukha niya.
"Tandaan mo na dito naka-alalay ang pamilya natin pati ang buhay na kapatid mo. Kung hindi ka magtatagumpay, mag-sisisi ka makikita mo." ani Mama bago umalis.
Hindi iyon isang paalala kung hindi isang banta. Alam ko naman na hindi ako favorite na anak at less attention lang ang matatanggap ko. Pero sana naman hindi na ako makatanggap ng anumang pagbabanta mula sa kanila dahil nap-presure ako.
Pag nagkataon baka mabisto pa kami, mas malaking problema.
"Hi."
Napapikit na lang ako dahil sa isang boses. Bakit ba ang daming sumusulpot ngayong gabi? Para Silang multo na bigla na lang lilitaw at babati.
"Masama ba pakiramdam mo? We have guest room here pwede ka don magpahinga."
Imunulat ko ang mata upang makita ang kung sino iyon. Agad akong umiwas ng makasalubong ang aming mata.
"Ah no thanks, okay na ako dito saka maayos ang pakiramdam ko." tanggi ko saka tumingin sa buong paligid para lang umiwas sa kaniya.
"We've meet once, mahiyain ka pa rin until now." aniya at naupo sa tabi ko.
Pasimple akong lumayo.
"Huh?"
"O baka hindi ka lang komportable?" dagdag nito at pilit na ngumiti lang ako para hindi niya makita ang pagka-ilang ko.
First time ko siyang makita at hindi kami basta estranghero lang. Fiance siya ng kapatid ko plus may masamang balak pa ako sa kaniya.
May hiya naman ako, no choice nga lang sa pagkakataong ito. Kaya pinipilit kong umiwas samantalang siya mas pinipilit niyang lumapit.
Download MangaToon APP on App Store and Google Play