NovelToon NovelToon

Call Me Major!

Chapter 1

WARNING: This series contains violence, abuse, brutality, and vulgar words, please be aware that this series also contains kidnapping, using or selling illegal drugs, abusing of power and other sensitive issues that may be disturbing for some readers. I do not promote, support neither romanticize any of the crimes and red flags that will be mentioned throughout the series, it's just needed in the story. Thank you.

Jonalyn 'Ayen' Macarios

"Hoy, Ayen, may speech daw mamaya si Mayor Pogi."

Napailing na lang ako sa sinabi ng kaibigan kong si Wrena.

"Anong oras?" tanong ko habang binabasa ang paborito kong libro tungkol sa pulitika na hiniram ko pa sa city library.

I was not interested in taking Law or Political Science as my course; I was just kind of curious about politics and law.

"Maya-maya, wala rin naman akong pakialam sa sasabihin niya. Gusto ko lang siyang titigan," kinikilig na sabi pa niya.

Ako rin naman, pero siyempre interesado pa rin ako sa iaanunsyo niya. Baka tungkol iyon sa mga issue na kinahaharap ng Caloocan o baka naman sa mga bagong programa na ipatutupad niya.

"Inaagawan mo ako sa crush ko," pabirong sabi ko saka siya tiningnan nang masama

Huh, sorry na lang, girl, pero ako ang nauna kay Mayor. Charot. Bakit kasi wala pa siyang girlfriend, eh? Umaasa tuloy ako na may chance kami," sabi niya habang nakanguso. Napailing na lang ako.

"Sorry, my friend, I'm his real girlfriend. Bawal kasing i-announce sa media," pagbibiro ko pa. Wala namang masamang mangarap. Halos lahat naman yata ng babae rito sa lugar namin ay nangangarap na maging kasintahan ni Mayor Zaviere. Sino ba naman ang hindi?

"Hoy, pinagnanasaan mo na naman si Mayor sa maruming isip mo," sabi ni Wrena at binato ako ng unan.

"Shut up," sabi ko na lang at inirapan siya.

"Pa-shut up-shut up ka pa riyan, may part-time job pa tayo mamayang gabi sa convenience store," she said while putting liptint on her pouty lips. Nakakainggit, medyo manipis kasi ang labi ko, e.

"You want?" She offered me her liptint. Agad akong napangiwi saka umiling.

"Bakit mo inaalok ang personal mong gamit sa ibang tao?" tanong ko saka muling ibinalik ang tingin sa librong binabasa ko.

"Ang arte mo," sabi niya saka tinuloy ang pagme-makeup.

"Para saan ang makeup? Speech ni Mayor ang magaganap mamaya, hindi party," natatawang sabi ko.

"Hindi ka pa ba sanay sa 'kin? Kahit maglalaba lang, naka-makeup pa ako," sabi niya.

"Ewan ko sa 'yo," natatawang sabi ko na lang habang napapailing.

"Pero alam mo ba 'yung tsismis? May tinatagong anak daw si Mayor Arken," bulong ni Wrena sa 'kin. Napakunot na lang ang noo ko.

"Puro tsismis lang naman 'yon, saka kung sakaling totoo man 'yon, ano naman?" Napaismid na lang siya sa sinabi ko.

"Duh, siyempre maki-criticize siya. Okay lang na may junakis na siya, pero 'yung katotohanan na itinago niya sa mga tao, ibang usapan na 'yon." Sa bagay, may punto siya ro'n.

"I won't judge him easily if that's true."

"Wow, iba talaga ang tama mo kay Mayor, 'no? Ikaw na, sa 'yo na ang korona," pagbibiro niya. Natatawang napailing na lang ako.

"Hoy! Kayong dalawa, puro kayo kuda at kalandian!"

Napaupo ako nang tuwid nang marinig ko ang boses ni Tita Celina. Tiyahin siya ni Wrena na talagang masakit magsalita at palaging nakasigaw.

"Ako lang 'yung malandi, 'no! Matino si Ayen," pagtatanggol ni Wrena sa 'kin. Palagi niya talagang sinasagot at binabara si Tita Celina.

Nasa Masbate ang mga magulang ko ngayon ngunit taga-Camarines Sur talaga kami, nandoon sila upang bantayan ang lola ko sa side ni Nanay. Sumama lang ako sa tiyahin ko na magpunta rito sa Caloocan City upang mag-aral, kaya lang ay hindi ako nabigyan ng pagkakataon. Mas inuna ko ang magtrabaho at mag-ipon para magpadala ng pera sa mga magulang ko.

Twenty-six years old na ako ngayon pero kung mabibigyan pa ako ng pagkakataon na makapagkolehiyo, hindi ko palalagpasin kahit ano pa'ng edad ko.

Dito ako natuloy sa tiyahin ni Wrena, apat na taon na rin ako rito sa Caloocan City at nagtatrabaho bilang katulong ni Tita Celina. Kahit masungit siya, kahit papa'no ay maayos siyang magpasweldo, peroume-extra din ako sa ibang trabaho na pinahintulutan naman ni Tita Celina.

Simple lang din naman kasi ang buhay nina Tita Celina. Hindi kalakihan ang bahay ngunit malaki rin naman ang espasyo. Gawa naman sa bato ang bahay niya, maganda ang pagkakagawa at may hardin pa sa labas ng bahay. Dikit-dikit din ang mga bahay rito kaya kapag sumigaw ka, rinig lahat ng kapitbahay.

"Ayen!"

Napangiti ako nang makita ang kaibigan ko na si Aljen. Basta na lang siya pumasok sa bahay ni Tita Celina, siguradong masisigawan na naman siya mamaya.

"Wala ka talagang kahihiyan sa katawan, 'no? Basta ka na lang pumapasok sa bahay namin," nakapamaywang na sabi ni Wrena. Mukhang magbabangayan na naman ang dalawang 'to.

"Shut up. Hindi ikaw ang pakay ko, kundi si Ayen my loves," sabi ni Aljen at inakbayan pa ako. Natatawang napailing na lang ako.

"Mag-aabogado ka ba talaga? Bakit napaka-cheap mong magsalita? Eww," pang-aasar ni Wrena.

Isang taon na lang ay makakapagtapos na si Aljen sa law school, masaya ako para sa kaniya pero naiinggit din ako. Gusto ko ring makapagtapos ng pag-aaral at maging veterinarian.

"Ewan sa 'yo," sabi na lang ni Aljen saka nilamukos ang mukha ni Wrena.

"Bwisit ka! Nagulo 'yung makeup ko!" Naiinis na napapadyak si Wrena saka agad na nagtungo sa kuwarto namin para ayusin ang makeup niya.

"Bakit mo ba naging kaibigan si Wrena? Ubod ng arte n'on, e," nakangiwing sabi ni Aljen.

"May kailangan ka ba, Attorney?" pabirong tanong ko.

"I need you in my life," he said while grinning. Sinuntok ko na lang nang mahina ang braso niya.

"Puro ka kalokohan," natatawang sabi ko na lang.

""Wag kang mangarap na magugustuhan ka ni Ayen! Una, kailangan mo munang maging mayor na marami nang nagawa para sa bayan natin. Pangalawa, kailangan mo munang maging sobrang guwapo. In short, kailangan mo munang maging si Mayor Arken bago ka niya magustuhan, pero siyempre imposible'yon," nanunuyang sabi ni Wrena pagkagaling niya sa kuwarto.

Alam ko naman na may gusto sa 'kin si Aljen. Kahit ilang beses ko na siyang ni-reject, hindi pa rin siya sumusuko. Hinayaan ko na lang, alam niya rin naman na hanggang pagkakaibigan lang ang kaya kong ibigay sa kaniya.

"Bakit ba kasi crush na crush mo si Mayor Arken? Magkasing pogi lang naman kaming dalawa," sabi ni Aljen at napahawak pa sa mukha niya. Napangiwi naman si Wrena.

"Ibang level din ang kakapalan ng mukha mo, 'no? 'Di hamak naman na mas guwapo si Mayor nang sampung beses sa 'yo," pang-aasar pa ni Wrena.

"Ang OA ng sampung beses, saka bakit ba crush na crush n'yo 'yon e ang tanda na n'on?"

Sabay kaming napatingin nang masama ni Wrena kay Aljen.

"Anong matanda? Thirty-five years old pa lang si Mayor, 'no. Hindi 'yon matanda," pagtatanggol ni Wrena kay Mayor.

"Oo nga, hindi pa 'yon matanda," segunda ko naman. Napasimangot na lang si Aljen.

"E di hindi," pagsuko niya.

"Teka, Ayen, magsisimula na yata ang speech ni Mayor Arken. Punta na tayo agad do'n para may mahanap tayong maayos na pwesto. Alam mo naman ang ibang fans ni Mayor, masyadong wild." Natawa na lang ako sa sinabi niya.

Tumingin muna ako sa salamin, ayos naman ang mukha ko. Naglagay na lang ako ng lip balm. Maraming nagsasabi na mukha lang daw akong 20, dahil siguro medyo maliit ang height ko, minsan nga nahihiya akong tumabi kay Wrena. Tinatawag din nila akong ano-baby face ba ang tawag do'n? Maliit din kasi ang mukha ko, bilugan ang mga mata, maliit na may katangusan ang ilong, manipis ang labi, mahahabang pilik-mata na medyo makapal ang kilay. Maputi rin ang balat ko kaya madalas naiinggit si Wrena. Pero lahat naman maganda para sa 'kin kahit ano pang kulay nila.

Agad kaming nagtungo sa paggaganapan ng announcement speech ni Mayor Arken. Tama nga ang hula ni Wrena na marami na ang tao, karamihan ay mga babae.

""Wag kang mag-alala, my dear friend, sisingit tayo. Ang pumalag bibigwasan ko," maangas na sabi ni Wrena. Natawa na lang ako at nagpahila sa kaniya. Gusto ko rin namang sumingit para makita ko nang malapitan si Mayor.

Kahit mahirap at talagang mainit, nagawan naman ng paraan ni Wrena at nakapwesto kami sa unahan. Ang sama lang talaga ng tingin sa 'min ng mga nasingitan namin.

"Hoy, ang kapal naman ng mukha n'yong sumingit. Kanina pa kami rito, e," nakataas-kilay na sabi ng babaeng katabi namin. Nginitian lang siya nang matamis ni Wrena.

"English-in mo nga 'to nang manahimik," bulong ni Wrena sa 'kin. Napailing na lang ako at bahagya siyang siniko. Puro talaga siya kalokohan.

"Hoy, kinakausap kita," sabi pa no'ng babae kay Wrena.

"Shh, 'wag kang magulo, ayan na 'yung boyfriend ko.

Napatingin ako sa stage. Agad na nagwala ang mga paruparo sa tiyan ko nang makita ko si Mayor Arken. Ang guwapo niya talaga.

"Good day, everyone. I am the mayor of Caloocan City, Arken Zaviere."

Napairap ako nang magtilian ang mga babae, pero hindi ko sila masisi, ang sexy ng boses ni Mayor. Pero ang sakit nila sa tainga.

"Ganyan karami ang kaagaw natin. Paano pa kapag naging governor siya? Senador? O kaya naman presidente ng Pilipinas? Lalo tayong mawawalan ng pag-asa. Kainis, bakit kasi ang guwapo niya?" napapailing na sabi ni Wrena.

"Hindi rin naman natin siya magiging crush kung hindi siya guwapo," natatawang sabi ko na lang habang nakatitig kay Mayor Arken na panay ang salita sa unahan.

Wala tuloy akong naintindihan sa sinasabi ni Mayor, e. Napakadaldal ba naman nitong si Wrena.

""Wag kang magulo, wala akong naiintindihan sa sinasabi ng mayor ko," sabi ko na lang habang nakatitig pa rin kay Mayor Arken.

"Wala akong pake sa sinasabi niya, gusto ko lang siyang makita," kinikilig na sabi ni Wrena. Napairap na lang ako.

"I'm planning to give free college scholarships for everyone. There's no age requirement when it comes to education. I'm giving everyone a chance to pursue their dream profession, no matter how impossible it may be for you. I'm giving everyone any educational benefits I can provide, but of course, it's only for those who are willing. But I'm persuading everyone to try. There's no harm in trying."

Napalunok ako habang pinoproseso ng isip ko ang mga binitiwang salita ni Mayor, pati si Wrena na maingay kanina ay natahimik din.

"Wow, ito na ang chance mo, Ayen," natutuwang sabi ni Wrena nang mahimasmasan siya. Niyugyog niya pa ang braso ko.

Napangiti ako habang nakatitig kay Mayor, pinipigilan ko ang sarili ko na maiyak. Tuwang-tuwa ako sa inanunsyo niyang 'to, pakiramdam ko ay binigyan ako ng pag-asa ni Mayor Arken na baguhin ang buhay ko.

Lalo ko siyang hinangaan.

"Let's help each other. I want everyone to cooperate for the betterment of Caloocan City. That's all. Again, this is Mayor Arken Zaviere. Thank you for lending me your time."

Napasinghap ako nang magtagpo ang mga mata namin ni Mayor. Napalunok ako dahil talagang nakatingin siya nang deretso sa mga mata ko. Napakagat ako sa ibabang labi ko at pinilit na pakalmahin ang nagwawalang puso ko, pati na rin ang mga paruparo sa tiyan ko.

Pakiramdam ko ay nakahinga ako nang maluwag nang tuluyan na siyang nag-iwas ng tingin sa 'kin. Umalis na rin kaagad siya ng stage. Nanghihinang napakapa ako sa dibdib ko, para akong hihimatayin.

"Grabe, ang tipid talaga laging magsalita ni Mayor. Ten minutes lang yata siyang nagsalita. Pero may napansin ako..." Napatigil si Wrena sa sasabihin niya saka tumingin sa 'kin. "Ayen, tiningnan ka yata ni Mayor," kinikilig na sabi ni Wrena saka niyugyog muli ang braso ko. Tila wala sa sariling napangiti na lang ako.

"T-tiningnan niya nga ako, Wrena. Nagtitigan kami," kinikilig na sabi ko.

"Hay, buti na lang sumingit tayo. Mapapansin ka talaga ni Mayor kasi ang puti mo, nagliliwanag ka! Panis!"

Hindi ko na lang pinansin ang pinagsasabi ni Wrena. Lutang na nakangiti pa rin ako habang inaalala kung paano nagtagpo ang mga mata namin kanina.

Nahalata ng mga customer sa convenience store na pinagtatrabahuhan ko na masaya ako. Todo ngiti ako sa customers na hindi ko naman palaging ginagawa.

""Te, 'wag mong masyadong ipahalata na hanggang ngayon ay kinikilig ka. Naiinggit ako," nakasimangot na sabi ni Wrena habang inaayos ang mga paninda.

Napakagat ako sa ibabang labi ko para subukang pigilin ang pagngiti ko. Natatawang napatingin sa 'kin ang customer. Para akong ewan na nakangiti, cashier pa naman ako ngayong araw.

"Bakit tuwang-tuwa ka yata ngayon, Ayen?" tanong ni Aling Marie habang naghihintay na maibalot ko ang mga pinamili niya.

"Tuwang-tuwa po siya kasi nagtitigan sila ni Mayor Arken," sagot naman ni Wrena. Pasimpleng inirapan ko na lang siya.

"Sus, kaya naman pala. Magtrabaho ka sa munisipyo, madalas mong makikita si Mayor kapag nagtrabaho ka ro'n," suhestiyon ni Aling Marie. Napangiti na lang ako at umiling.

"Pero bali-balita na may anak na raw si Mayor, e," dugtong naman ni Aling Marie.

"Kung may anak man po siya, aalagaan ko," nakangiting sabi ko. Natigilan ako

Nang maramdaman kong binato ako ng tissue roll ni Wrena.

"Magtigil kang babae ka at tapusin mo na 'yan, baka nagmamadali si Aling Marie. Maharot ka." Natawa na lang ako sa sinabi niya.

Maraming nakahalata na mas masaya ako ngayong araw. Hindi ko akalain na isang tingin lang galing kay Mayor, kikiligin na ako nang ganito. Palagi kasi akong nasa likod kapag may speech si Mayor. Buti na lang talaga at sumingit kami ni Wrena kanina. Parang gusto ko tuloy siyang ilibre.

"Nga pala, Ayen, nagpaalam ako kay Boss. Mauuna akong umuwi kasi may kailangan akong puntahan. Kaya mo na bang mag-isa rito?" tanong niya. Ngumiti naman ako at tumango.

"Saan ka ba pupunta?"

"Secret, no clue. Charot, may family gathering kinemerut kami. Maiirita lang ako dahil makikita ko 'yung mayayabang kong mga pinsan pero wala akong magagawa, sasabunutan ako ni Tita Celina kapag hindi ako nagpunta," napapailing na sabi niya. Hindi talaga sila magkasundo ni Tita Celina.

"Okay lang ako rito, mahalaga ang pupuntahan mo, e," nakangiting sabi ko. Pasalamat siya at maganda ang mood ko.

"Tigilan mo 'yang kangingiti nang ganyan, mapagkamalan ka pang nasisiraan ng bait." Napaismid na lang ako sa sinabi niya.

Naiwan din ako nang umalis na si Wrena. Kasama ko naman si kuyang guard kaya hindi ako natatakot.

"Sige, Ayen, umuwi ka na. Ako na ang bahala rito," sabi ng kasunod ko sa shift. Hindi ko namalayan na tapos na pala ang oras ng trabaho ko.

Napangiti ako saka binitbit ang bag ko. "Sige, alis na ako!"

Nakangiti pa rin ako habang naglalakad pauwi. Mukhang tama si Wrena, mapagkakamalan nga akong nababaliw ng makakakita sa 'kin. Pero okay lang. Wala naman na masyadong tao ng ganitong oras.

I smiled unknowingly when I remembered him again. Napakagat na lang ako sa ibabang labi ko upang pigilin na mapatili. Gusto kong magtititili at magtatatalon sa kilig. Grabe ang epekto sa 'kin ni Mayor.

Alam ko naman na imposibleng mapansin niya ako. Bukod sa siya ang alkalde ng Caloocan City, marami rin siyang negosyo bago siya naging mayor. Sa pagkakaalam ko pa ay may sarili siyang airlines sa iba't ibang parte ng Asya, kaya marami ang nagsasabi na hindi siya nanghihinayang na maglabas ng pera para sa mga mamamayan ng Caloocan City.

Noong nakaraang taon lang ay sumikat siya sa internet at nabansagang 'Most Competent Mayor in the Philippines.' Agaw pansin din ang kaguwapuhan nito. Inis na inis pa kami ni Wrena no'n dahil lalong dumami ang kaagaw namin.

Ang dami niya talagang nagawa para sa mga mamamayan dito. Talagang malaki ang naitulong niya, hindi na nakapagtataka na sa susunod ay maging gobernador na siya o senador. Hindi rin biro ang kasikatan niya rito, lalo na sa mga kababaihan.

I smiled widely while looking at his stolen picture on my phone. It was taken last month during his medical volunteer. Tumulong siya sa pag-aasikaso sa mga maysakit. Sobrang daming tao no'n pero nagawa ko pa siyang kuhanan ng litrato.

Napatigil ako sa paglalakad nang makarinig ako ng kakaibang ingay. Napakunot ako ng noo at napatingin sa eskinita na pinanggalingan ng ingay. Parang may nagsusuntukan na ewan, may mga kalabog akong naririnig.

Dapat bang sumilip ako? Mas maganda yata na umalis na lang agad ako. Ayokong madamay sa mga ganyan. Akala ko pa naman ay naubos na ni Mayor Arken ang mga loko-loko rito.

Huminga ako nang malalim at akmang lalakad na nang deretso nang makarinig ako ng malakas na daing na tila nasasaktan. Napabuntonghininga ako at napakamot sa batok ko. Ano ba 'yan? Bakit ba kasi ang bilis kong maawa?

Pasimple akong sumilip sa nangyayari sa may eskinita. Naningkit ang mga mata ko nang makita ko ang pamilyar na lalaking nakasuot ng three-piece suit. Pamilyar sa 'kin ang tindig nito. Sobrang pamilyar.

"H-hayop ka, Mayor!"

Napasinghap ako nang sumigaw ang lalaking nakaupo sa sahig. Duguan ang mukha nito at mukhang matindi ang pagkakabugbog dito.

Si Mayor ba talaga ang lalaking nakatayo sa tapat ng duguang lalaki? Ano'ng ginagawa niya rito?

"Should I kill him now, Mayor?" tanong ng lalaking katabi ni Mayor Arken na sa

Pagkakaalala ko ay bodyguard niya.

Napalunok ako at nanghihinang napakapit sa posteng tinataguan ko. Nanginginig ang mga tuhod ko at pakiramdam ko ay matutumba ako anumang oras.

"Do it quietly. Make him disappear without anyone knowing. You know what to do, right?"

Pakiramdam ko ay literal na nagtayuan ang mga balahibo ko sa malamig na boses niya. Para bang wala siyang pakialam sa buhay ng ibang tao.

Nanghihinang napaatras ako nang makitang tinutukan ng bodyguard ni Mayor ng baril ang duguang lalaki. Prenteng nakatayo lang si Mayor Arken habang walang emosyong nakatingin sa lalaki.

"Napakahayop mo! Sisiguraduhin kong malalaman ng mga tao kung gaano ka ka-demonyong hayop ka! Napakawalang -" Hindi na naituloy ng duguang lalaki ang sasabihin niya nang walang pakundangang sinipa ni Mayor Arken ang mukha niya.

Napasinghap ako dahil sa gulat. Lalong nanginig ang mga tuhod ko nang mapatingin ang bodyguard niya sa direksiyon ko.

Agad akong napaatras nang mapatingin din sa 'kin si Mayor Arken. Nagtagpo ang mga mata namin ngunit hindi na kilig ang nararamdaman ko ngayon kung hindi takot.

Kahit nanginginig ang mga tuhod ko, agad akong tumalikod at pinilit ang sarili ko na tumakbo palayo ro'n.

Pero huli na ang lahat nang maramdaman ko ang malaking kamay na humawak sa braso ko.

"It seems like we have an audience," boses ni Mayor iyon.

Nanginginig na napatingin ako kay Mayor na nakahawak sa braso ko. Literal na nanginginig na ang buong katawan ko dahil sa takot.

Ang bilis talaga ng pangyayari. Parang kanina lang ay tila nasa langit ako dahil sa kilig na nararamdaman ko kay Mayor, ngayon ay hindi ko na maipaliwanag ang nararamdaman ko.

"Should I kill her, Mayor?" malamig na tanong ng bodyguard niya. Favorite line niya yata iyon, halatang sanay na itong pumatay.

Napalunok ako nang mapatingin ako kay Mayor Arken. Naningkit ang mga mata niya habang nakatitig sa mga mata ko.

"I know you," mahinang bulong niya.

Napalunok ako at napaiwas ng tingin. Kilala niya ako?

Napailing na lang ako. Bakit nagawa ko pang kiligin nang kaunti sa ganitong sitwasyon?

Napasinghap na lang ako nang maramdaman ko ang kamao niya sa tiyan ko. Sinuntok niya ba talaga ako?

Napakapit ako sa dibdib ni Mayor Arken dahil pakiramdam ko ay matutumba ako. Narinig ko pa ang boses niya bago ako tuluyang nawalan ng malay.

"Don't kill this woman yet. I still need her."

To be continued:)

Download MangaToon APP on App Store and Google Play

novel PDF download
NovelToon
Step Into A Different WORLD!
Download MangaToon APP on App Store and Google Play