Bata palang ako, ipinamulat na sa akin ni mama kung papaano maging isang mabuting Kristiyano. Mula sa pagdadasal bago kumain para magpasalamat sa Diyos sa mga biyaya na natanggap namin, magdadasal bago matulog para humingi ng gabay sa pang-araw-araw na buhay, magdadasal na gamit ay ang rosaryo, ang magsusuot ako ng bestida na hindi masyadong kita o bakat ang aking kurba para hindi mabastos nang kung sinuman, lalo na't pinapaaral niya ako noon sa isang Catholic School.
Iyon pala, may dahilan.
Gusto akong ipasok ni mama sa kumbento para maging isang madre. Dati, hindi ko alam kung bakit. Naniwala kasi ako sa tinatawag ako ng Diyos para manilbihan sa kaniya kaya pagkatapos ko ng Kolehiyo, pumayag akong pumasok sa kumbento dito sa Tagaytay. Hindi lang pagiging tagapagsilbi sa simbahan ang gagawin ko, katabi din pala ng kumbento ang bahay-ampunan. Kami ang mga madre ang magtuturo sa kanila ng mga tamang-asal at kung ano ang mga dapat nilang matutunan.
Kumawala ako ng isang malalim na buntong-hininga pagkatapos ay pinihit ko ang pinto ng kuwarto kung saan ako natutulog. Natigilan ako nang tumambad sa akin ang babaeng namimilipit sa sakit. Naliligo na ito sa pawis. Agad ko siyang dinaluhan. "Sister Thelma?" tawag ko sa kaniya sabay hawak sa kaniya ."A-anong nangyayari sa iyo?" medyo nataranta ako dahil sa pag-aalala.
Napangiwi siyang bumaling sa akin. "Masakit ang puson ko, sister Ciel. Magkakaroon na yata ako ngayong buwan..." nanghihina niyang sambit.
"M-may gamot ka ba d'yan?"
"Iyon ang problema ko, eh. U-ubos na 'yung gamot ko—"
"Bibilhan kita sa labas. Maaga pa naman." alas siete palang naman ng gabi, kaya maaga din naman ako makakabalik dito sa kumbento.
"S-sigurado ka ba?"
Tango ang naisagot ko. Dinaluhan ko muna ang back pack ko pagkatapos ay nilabas ko ang wallet ko bago ako tuluyang nakaalis sa kuwarto. Iniwan ko muna si Sister Thelma. Pinili kong dumaan sa secret door. Baka kasi mapagalitan ako ni Mother Superior sa oras na malaman niyang aalis ako ng ganitong oras. Pero mas iniisip ko ang kalagayan ng kasamahan kong madre.
**
Nagpasalamat ako nang makuha ko na ang gamot na kailangan ko. Oras na para bumalik na sa kumbento. Para na din gumaling na si Sister Thelma. Marami pa naman kaming gagawin bukas.
Itinulak ko ang pinto ng botika. Naglakad na ako sa gilid ng kalsada. Kampante pa akong naglalakad dahil wala na masyadong tao, maliban nalang sa mga nadadaanan kong mga bar at resto. Weekend ngayon at karamihan sa mga ito ay puno dahil dumadayo pa ang mga taga-Maynila dito sa Tagaytay, marahil dahil sa relaxation na kailangan nila. Sana naman ay maging maayos sila pagkauwi nila. Diyos ko, kayo na po ang bahala magbantay sa kanila. Nawa'y mag-iingat sila.
Patuloy ako sa paglalakad. Tanaw ko na din ang kumbento. Dadaan na sana ako sa gilid nang biglang may humigit sa akin. Titili sana ako nang naunahan naman ako—biglang tinakpan ang bibig ko. Nanlalaki ang mga mata ko nang matagpuan ko ang sarili ko dito sa eskinita. Madilim at talagang hindi ko maaninag masyado ang lugar na ito.
"Finally," isang baritonong boses ang aking narinig mula sa aking gilid. Kung hindi ako nagkakamali, talagang itinapat niya ang kaniyang bibig mismo sa aking tainga. "Sister Celestina, or should I call you, Ciel?"
Sino ito? Papaano niya ako kilala? Sa pagkakatanda ko, hindi ako masyadong malapit sa mga lalaki!
Hindi ko lang inaasahan na tinanggal niya ang kaniyang palad sa aking bibig. Dahan-dahan akong humarap sa kaniya. Napatulala ako dahil isang chinito ang humigit sa akin dito. Mas matangkad siya sa akin. Hanggang balikat niya lang ako. Naka-corporate attire pa ito! "S-sino ka?" nanghihinang tanong ko sa kaniya. Kahit anong gawin ko, hindi ko talaga siya maalala!
"You are the chosen one to reach the heaven with me, sister." malamig niyang tugon. Humakbang siya palapit sa akin. Gusto ko sanang umatras pero hindi ko magawa. Ni ayaw gumalaw ng mga paa ko! Bakit ganoon?!
"A-anong ibig mong sabihin?" nanginginig ang boses ko.
His eyes darted on me. He lift up my chin. "You are chosen to please me, my heaven." then he give me a devilish grin. Bakit may heaven na pinagsasabi ang isang ito?
"H-hindi ko alam ang sinasabi mo—" hindi ko magawang dugtungan ang sasabihin ko nang bigla akong sinunggaban ng isang mainit at mapusok na halik sa aking mga labi. Nanlaki ang mga mata ko sa ginawa niya. Sinubukan kong itulak siya pero hindi ko magawa dahil masyado siyang malakas. Sa oras na tinutulak ko siya, siya naman ang pagdiin ng sarili niya sa akin. Hindi ko rin magawang igalaw ang binti ko. Pero bakit ganoon? Bakit nanghihina ang mga tuhod ko sa mga halik na iyon?
"I hope this is your last minute as a fúcking nun, Ciel." malamig niyang sambit. May inilabas siyang maliit na papel, napasinghap ako nang napagtanto ko na ipinasok ng lalaking ito ang isang kamay niya sa under garment ko! Doon ko naramdaman ang papel na hawak niya kanina! Talagang doon niya isiniksik?! "Call me if you think about it, my heaven."
Namulat ako na ang Panginoong Diyos ang tumatawag sa akin para pagsilbihan siya pero nagbago ang lahat buhat nang nagkrus ang mga landas namin ng lalaking nakakuha ng aking unang halik. Parang sinasabi niya na kailangan niya ako para siya ang pagsilbihan ko siya sa hindi ko malaman, kung sa anong paraan.
Humabol ako ng tingin sa papalayong lalaki. "Sandali!" malakas kong sabi.
Tumigil siya sa paglalakad at lumingon sa aking direksyon. He's waiting.
Lumunok ako. "S-sino ka ba talaga? A-anong pangalan mo?"
Again, he smirked. "Rowan Ho, my heaven. Remember that." binawi na niya ang kaniyang tingin saka muli niyang ipinagpatuloy ang paglalakad niya hanggang sa nawala na siya sa aking paningin.
And yes, this is my last night as a nun.
Isang malaking buntong-hininga ang pinakawalan ko nang ibinalik ko ang aking cellphone sa bag. Ngumuso ako. Kakatapos ko lang kasing kausapin si mama. Alam ko, hanggang ngayon ay nagtatampo pa rin siya dahil sa pag-alis ko sa kumbento. Hindi ko nga lang sinabi sa kaniya ang totoo kong dahilan-na hinalikan at hinawakan ako ng isang estranghero two months ago. Mabuti na nga lang din ay pinapayagan din ako ni Mother Superior sa naging pasya ko. Ako lang ang nakakaalam kung ano talaga ang dahilan.
Kasalukuyan akong saleslady ngayon sa isang luxury jewelry shop. Maganda din naman ang sweldo ko dito. Natutustusan ko na din ang mga pangangailangan ko. Kahit na wala na ako kumbento, hindi maalis sa lifestyle ko ang pagdadasal, ang kausapin ang Diyos. Humingi din ako ng tawad sa kaniya dahil sa pagtigil ko bilang maninilbihan sa kaniya pero kahit kailan, hindi ko siya tinalikuran. Alam kong alam niya kung ano ang rason ko, nahihiya na nga ako.
Siguro nga, wrong call ang nangyari kaya narito ako ngayon sa sitwasyon na ito.
Umaasa ako na mawawala din ang pagkatampo sa akin ni mama. Maiitindihan din niya ang tunay kong dahilan.
"Panginoon kong Diyos, sana, malinawan si mama sa oras na malaman niya ang totoo. Sana ay tanggap pa rin niya ako bilang anak niya. Patawad kung nadismaya ko kayo. Kayo na po ang bahala sa akin, amen." mataimtim kong bulong. Nagsign of the cross na din ako pagkatapos. Lumabas na ako sa locker room at bumalik na sa aking trabaho.
Tatlo kaming saleslady dito. Abala ang mga kasamahan ko na si Arra at Marian na nakikipag-usap sa mga client namin na puro mga couple na mukhang ikakasal na ang mga ito. Lihim ako napangiti. Minsan napapaisip ako, ano ba ang pakiramdam kapag nagmahal ka? Papaano mo masasabi na siya na nga ang gusto mong makasama habang buhay? Kahit na ilang beses kayo mag-aaway o may mga bagay na hindi ako magkakasundo, papaano sila tumagal?
Ilang beses na din ako nakasaksi ng kasal sa simbahan. Ano kaya ang pakiramdam ng bride habang naglalakad siya sa aisle? Papalapit sa taong mahal niya?
Lahat ng mga iyon, wala akong idea, siguro dahil focus ako sa pagsisilbi ko sa Diyos noon.
Napukaw ang atensyon ko nang biglang nagbukas ang pinto. Lalapit na sana ako doon para batiin ang bagong client pero nanigas ako sa kinakatayuan ko nang makita ko ang pamilyar na lalaki sa harap ko. Naka-corporate attire siya, nakaayos din ang kaniyang buhok. I can feel his dominance and intimidating aura. Nagtama ang mga mata namin. I hardly swallowed. "G-good morning, sir... What can I help you?" kinakabahan kong bati sa kaniya.
Walang nagbago sa ekspresyon ng kaniyang mukha. "I want to see some engagement rings." then he started to walk towards me. "Any recommendations?"
Parang nanumbalik ang ulirat ko. Nilahad ko ang aking palad para ituro sa kaniya ang direksyon para makapili siya ng mga singsing. Wait, is he going to be engage soon?
Seryoso niyang ibinaba ang kaniyang tingin sa stante. Kumunot ang noo niya. Binasa ko ang aking labi ko. Binuksan ko ang stante at inilabas ko ang tatlong singsing saka ipinakita sa kaniya.
"We have classic solitaire ring, promise ring and three stone ring, sir." sadyang hindi ko talaga binanggit ang pangalan niya dahil ayokong malaman ng mga katrabaho ko na kilala ko ang client na nasa harap ko ngayon. "Classic solitaire means simple, elegant and timeless, promise rings, it says you'll be there for her now and in the future. While three stone ring means yesterday, today and forever. Anong personality po ba ng mapapangasawa ninyo, sir?" I need to be chill. Huwag na huwag kong ipapahalata na natetensyon ako sa presensya niya!
"Actually, I have no idea." diretsahan niyang tugon.
Pakurap-kurap akong tumingin sa kaniya. What?
Seryoso siyang bumaling sa akin. "Even her ring size, no idea." he added.
Tumikhim ako. "Nahawakan mo naman ang kamay niya, hindi ba? Baka marecognize mo ang ring size niya." pormal kong sambit.
"Let me test with your ring finger." he said coldly.
Napamaang ako. "P-po?"
He grab the classic solitaire ring first. Inabot niya iyon sa akin. "Try this one." he ordered.
Para wala na ding away, sinunod ko ang gusto niya. Sinukat ko ang unang singsing. Maluwag ito. Tiningnan niya ang aking daliri. Parang hindi niya nagustuhan. Sunod naman niyang pinasukat sa akin ang promise ring. Sakto lang ang sukat nito sa akin pero mukhang hindi pa rin niya nagustuhan. At ang huli, ang three stone ring. Umiba ang ekspresyon ng kaniyang mukha nang tiningnan niya iyon. Tumingin siya ng diretso sa aking mga mata.
"Perfect," wait, that was a compliment, isn't it? "I'll buy this one."
Hindi ko mapigilang mapangiti. Iyon lang 'yon? Bibilhin na niya?! "S-sige po sir..."
"I don't mind the amount," he murmured.
Tumango ako. Huhubarin ko na sana ang singsing pero natigilan ako. Kumunot ang aking noo dahil bakit hindi ko matanggal ito? Hala? Napangiwi akong bumaling sa client ko. "Wait lang sir, ha?" hindi ko na hinintay pa ang sasabihin niya. Nagmamadali akong umalis sa kaniyang harap. Dumiretso ako sa banyo para matanggal ang singsing. Pero kahit anong gawin ko, ayaw talagang matanggal! Tsk, papaano na ito?!
_
Kagat-labi akong bumalik kung nasaan siya. He's just waiting while his finger tapping at the glass stand. Mukhang naramdaman niya ang presensya ko kaya tumingin siya sa akin. "What happend?" he seriously asked.
Napangiwi ako. "I'm so sorry, sir. H-hindi ko matanggal ang singsing sa daliri ko..." nahihiya kong sambit. "P-pero huwag po kayo mag-alala... Dadalhin ko rin po itong singsing sa inyo, ako na po ang mismong magdadala-"
"It's alright." putol niya sa sinasabi ko. Diretso siyang nakatingin sa akin. "From now on, you are my bride, Ciel."
Umaawang ang bibig ko. "H-ha?"
"Two months ago, I'm patiently waiting for your call. Ni isang beses, hindi mo ako tinawagan." mas lalo sumeryoso ang boses niya. "Are you avoiding me, hm?"
Lumunok ako't umiwas ng tingin. "H-hindi po, sir."
"Do you sitll have my business card, hm?"
"Y-yes."
"Well, that's good." muling may inilabas siyang papel at cheke mula sa kaniyang coat. Inilapag niya ang mga iyon sa ibabaw ng stante. "Here's my address and my payment. I'll wait for you to come."
"A-anong..."
"See you around, my heaven." tinalikuran na niya ako. He left me here speechless!
Hanggang sa naisara na namin ang jewelry shop. Si Arra ang nakatoka sa paghawak ng susi ng shop na iyon. Nagpaalam na din kami sa isa't isa. Nasabi ko din sa kanila tungkol sa insidente na hindi matanggal ang singsing sa daliri ko. Hanggang ngayon, hindi pa rin siya matanggal. Medyo frustrated na nga ako. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko.
Imbis didiretso ako sa apartment ko at makapagpahinga na, hindi ko alam kung bakit dinala ako ng mga paa ko sa isang matayog na gusali. Base sa address na binigay niya sa akin, isang itong penthouse! Kung hindi rin ako nagkakamali, puros mga mayayaman ang nakatira dito! Isang unit pa nga lang daw, milyones na ang halaga! Kaya pala may sobra pang ang ibinayad ng Rowan Ho na iyon nang bilhin niya ang singsing. Ngayon ko lang napagtanto kung bakit didiretso ako unit niya, para ibigay sa kaniya ang sukli niya! Ilang libo pa 'yon, ah!
Nang nasa tapat na ako ng unit ay agad kong pinindot ang buzzer. Ilang saglit pa ay nagbukas iyon. Tumambad sa siya sa akin. Bagong ligo. Teka, bakit naka-topless naman ang isang ito?! Tanging suot lang niya ay sweatpants!
"This is... unexpected." aniya. Nilakihan niya ang awang ng pinto. "Come in."
Humigpit ang pagkahawak ko sa strap ng aking shoulder bag. Ilang beses man nakipagtalo ang utak ko na huwag tumuloy, siya naman ang pagkontra ng katawan ko. Nakapasok nga ako sa loob ng unit. Wala masyadong gamit dito sa loob kaya malinis sa paningin.
Inilipat ko sa kaniya ang tingin ko. Nilabas ko ang sobre na naglalaman ng pera. Inabot ko iyon sa kaniya. Taka siyang tumingin sa hawak ko.
"Narito po ako para isauli ito. May sukli ka pa." diretshan kong tugon.
"You don't have to, my heaven." malumanay niyang sabi. "Besides, you are now my bride. Kung anong meron ako, sa iyo na din."
Kumunot ang noo ko. "W-what? A-anong ibig mong sabihin?" naguguluhan kong tanong. "You're kidding, right? Alam kong nagbibiro ka lang kasi hindi lang matanggal itong singsing."
"Nope, I mean it." wika niya sabay isinandal niya ako sa pader. Ikinulong niya ako doon. Nagtama ang mga tingin namin. "Do you realize what you did to me?"
Dahan-dahan akong umiling. "H-hindi ko maitindihan..." nanghihina na ako.
Unti-unti din niyang inilapit ang kaniyang mukha sa akin. Gustuhin ko mang umiwas ay hindi ko magawa. Bakit ganito ang pakiramdam ko? Bakit ang init bigla?!
"I didn't even know I could want someone this badly. I haven't felt this horny since we were highschool, my heaven." namamaos niyang sambit.
ANO?!
"You're gonna be my goddess and I'll worship your body so fucking bad, just take me to heaven, Ciel." I could feel his nose tip brushes over my face. Bakit ganito? Bakit parang hindi ako makahinga sa bawat ginagawa niya? Mas lalo ko naramdaman ang init sa paligid. Until I feel his arm wrapped on my waist. Mas inilapit niya ang sarili niya sa akin. "I can't lie, I'm picturing you naked right now..." sunod niyang hinalikan ang leeg ko.
Napapikit ako ng mariin. Ramdam ko na din ang init sa loob ko. Anong nangyayari sa akin?!
Kusang gumalaw ang isang kamay ko. Dumapo ang isang palad ko sa kaniyang batok. Dahil sa simpleng aksyon kong iyon ay marahas na pumasok ang isang kamay niya sa loob ng damit ko! Pinaglalaruan niya ang isang dibdib ko na dahilan para mapasinghap ak habang nakatingala. Hinuli din niya ang mga labi ko pagkatapos. Hindi man ako marunong humalik, ginagawa ko ang lahat para matugunan ko ng maayos ang mga halik na iyon.
'No!' sabi ng bahagi ng aking isipan. Pero tila taksil ang katawan ko sa inuutos nito.
Bigla na niya akong binuhat. Hindi ko alam kung saan man niya ako dadalhin. Hanggang sa nakarating kami sa isang silid. Hindi siya sa kama dumiretso.
Hiniga niya ako sa parang sofa. Siya din ang nakipaghiwalay mula sa aming halikan. Hindi maalis ang mga tingin niya sa akin. Pinag-aaralan niyang mabuti ang aking mukha pero sige pa rin ang maghaplos ng kaniyang mga palad sa iba't ibang parte ng aking katawan.
"Beautiful..." nakangiting kumento niya. "You'll be more beautiful if you wear off your clothes."
"R-Rowan..."
"Hm?"
"W-why? W-what did you do this?" I asked breathlessly.
Marahan niyang hinaplos ang aking pisngi. "Because you're the kind of woman I could only make love to, my heaven."
Download MangaToon APP on App Store and Google Play