Ang ginaw ng hangin 'pag gabi, napapasayaw nalang yung katawan ko sa sobrang ginaw. Nant-trip din yung hangin eh, sakin banaman isasabog yung kinumkom niyang galit mga ilang buwan na siguro. Yung dalawang coupling dyan parang nag e-enjoy pa, chill lang ang peg? May pasubo-subo pa ng fries, mabilaukan kayo diyan. Samantalang ako pinagdiskitahan ng hangin dito, gustong gusto ko ng sapakin tong hangin nato. Gulong gulo na 'yong buhok kung daig pang buhok na isang buwang walang suklay.
Eling tinakbuhan ng suklay.
*BUZZ BUZZ BUZZ BUZZ*
Ingay ingay naman ng cellphone kong Tecno. Tinignan ko kung sino tong tawag ng tawag si Mr. Father takbo responsibilidad lang pala. Binaba ko na 'yong phone kong mga ilang taon ko ng kasama sa buhay kong binuhusan ng kabaliktaran ng swerte.
Obob ka kasi Eli nag drama kapa
Oo na ako na tong bobong nagdramang tumakbo papalayo sa bahay na 50 pesos lang ang dala at 'tong pinakamamahal kong cellphone, nawala ko pa yung 50 pesos ko sa batang magnanakaw, hahays buhay nga naman kaya ngayon nandito sa plaza, nakaupo sa isa sa mga bench na bakanti, yung iba ayon inuupuan ng mga magjowang hindi naman magtatagal. WALANG FOREVER UY!
Bitter mo naman.
Bitter na kung bitter iiwan lang 'din naman yan 'pag lumubo na ang tiyan. Baby ang resulta ng pagmamahal kaso yung nagbigay ng 'pagmamahal' ayon tumakbo, tatago, at mabubuhay na parang walang babaeng inanakan at kinuhanan ng buhay dalaga. Yung mga 'I love you so much baby that I could give you the world' eme eme naman dyan, 'di kanga makabili ng load, mundo pakaya ibigay mo? tingiling bulilit.
"Eli nandito kalang pala, hanap ako ng hanap sayo" Sabi ng kung sinong taong naghahabol pa ng hangin, tumatakbo siguro to. 'Bat ba kasi tatakbo pa? feeling nasa race?
Tinignan ko yung lalake at tama talaga yung utak ko kanina na doon nalang ako sa may liblib na lugar kaso nangibabaw yung takot ko eh kaya ito resulta nakita na 'ko nitong bubuyog nato.
"Bakit ka nandito?" Sabi ko habang tinitignan si Arix ng masama.
"Hinanap kita, awang awa ako sa mukha ni Tita na alalang-alala" Sinabi ni Arix habang umupo sa tabi ko, pinausog pa'ko. Nahiya nako kay bubuyog na'to kaya umusog nalang ako, bait ko kasi.
"Alala? Susss luma na yan Arix " Napatawa kong sabe. Si Mama mag aalala sakin? Tss mas maniniwala pako kung naging marshmallow na 'yung bato.
Binatokan pako ng lukong bubuyog nato, ansaket saket kaya! Pabatok ng lima para quits na tayo.
"'Wag kangang magsalita ng ganyan Eli, Halos maiyak na yung Mama mo dun. Tatawag sana siya ng Pulis para hanapin ka" Inis niyang sabe.
Tatawag ng Pulis? ano kala niya sakin lalayas talaga? 'di noh, ano siya— sila pala GOLD? 'di ba pwede gusto ko munang mapag-isa? ang O.A naman ni Mama.
"Pulis agad? 'di niya ba alam ang word na space? kasi need ko yan ngayon" Napabuntong hininga nalamang ako, naiinis ako ngayong gabi! babalik ba naman yung not needed person sa buhay ko. Tapos akala niya tatanggapin ko siya? ano siya HELLO? Hi.
"Sige na uwi na tayo" Tumayo na yung bubuyog, napayakap pa siya sa sarili niya. O.A din to eh no? nagjacket pa siya ng kapal na kapal, mas makapal pa sa librong binasa ko last week. Tapos ako dito? ito t-shirt na black at karsones na cotton na black din— pebrit ko ang black kahit ulo nalang ang makikita sakin 'pag nasa dilim.
"Umuwi ka mag-isa mo" Tinalikuran ko siya at napatingin sa ibang side, ay puncheta naghahalikan yung coupling kaninang nagsusubuan ng fries. Ekkk ang baboy, 'di ba nila alam na hindi ito SPG?! May bata dito na walang kaalam alam sa mga ganyan ganyan- inshort AKO.
Nag enjoy kanaman?
Hindi uy! Ay igshet 'bat nanghaharang? walang respeto! "Tabe kanga dyan- Aray!" Pinitikan yung noo ko, huhu ang saket saket!
"Enjoy na enjoy ka dyan ah?" Asar na sabe nitong bubuyog nato
"Eh ano naman? dito pa kasi naghahalikan." Sabe ko na napakunot ang noo. "Nakakadalawa kana sakin Arix" Galit na sabe ko, galit galitan tayo para naman mawala yung atensyon niya sa ginawa kong pag enjoy ng live action rated SPG.
"Gusto mo may pang tatlo pa?" Nang t-threathen pa siya, edi wow.
"Sabi ngang good yung ginawa mo eh" Ngiti kong sabi bago tumayo at kinaladkad yung braso niya papunta kung saan.
Takot si Eli eyy
Hindi uy! gutom lang ako kaya gagamitin ko muna bulsa nito para may pambili 'tong ate nyo. Instant Libre without knowing ni bubuyog!
"Saan tayo pupunta?" Tanong ni Arix habang pulupot yung kamay ko sa braso niya.
"Basta..." Ngiting sabe ko, need niya ng assurance kaya ngingitian muna natin 'to para maya iyak iyak din 'to.
Demonyo ka Eli!
Shush kasalanan niya kung bakit hinanap pa ako eh. Ubos pera nito mamaya. Maganda na gabi ko.
...----------------...
BABALA:
...ang pagsusulat kong ito ay hindi planado kaya ang update ay 'di din planado. As you can see I'm a very lazy author with ideas na gusto ko lang sana i keep pero as a memory kaya ito isusulat....
*Salamuchie*!
"Masaya kana?" Masamang tingin ni Arix sakin habang nakaupo sa tapat ko.
Kagagaling lang niya sa counter, kinuha niya yung order namin, OO NAMIN.
"Thank you Arix hulog ka talaga ng kung saan" Sabi ko habang kumakain na ng burger.
Nasa Jolibee kami ngayon mga 5.2 seconds palang akong kumakain kasi itong kasama kung bubuyog opposite sa nickname na binigay ko, ang bagal bagal parang pagong.
At nagreklamo kapa talaga ah.
Nag order kami- ako lang pala hehe, basta yung inorder namin ay yung full set na, bumili- nagpabili pala ako ng burger, sundae at fries- parang na envy ako dun sa dalawang nag susubuan ng fries.
"Pagkatapos nito iuuwi nakita" Tingin niyang sabi sakin bago tignan yung pagkain niya sa harap.
"Sinong may sabing uuwi nako?" Yes 'nako' hindi 'ako' dahil my balak naman talaga akong umuwi eh, san naman ako matutulog kung wala ngakong pisong dala dito.
Napabuntong hininga nalang si Arix dahil sakin. Nu ka ngayon? Certified gahig ulo po ito.
"Saan kapaba pupunta?" Binitawan na niya yung pamimilit na iuwi ako ngayon ngayon na.
"Dyan..." Napakagat ako sa manok, Umm yummy.
"Saang dyan?" Napataas yung kilay niya habang kumakain at nakatitig parin sakin
"Basta dyan na may pagkain" Bored kong sabi, daldal naman nitong bubuyog nato. Hindi ba niya alam na dapat lasapin at bigyan ng katahimikan kapag kumakain?
Ikaw lang maysabi niyan Eli.
"Takaw takaw mo Eli" Napatawa pa siya nong sinabi niya yon
Nakakatawa? mabilaukan ka sana.
Hindi na'ko umimik kahit ininsulto niya ko, baka kasi mauwi sa liparan ng sagutan, Understanding ako, I know. Salamat naman at 'di na nagsalita tong bubuyog nato at binigay yung atensyon niya sa pagkain niya at ako naman binigay kona buhay ko sa pagkain na kinakain ko ngayon.
Hinay hinay lang Eli, walang aagaw...
Natapos ko ng kainin yung burger na inuna- pebrit kaya may privilege unahin. Sinunod ko yung manok at kanin, hindi ako nakapag hapunan feeling welcome kasi yung dalawang unggoy sa bahay eh yun tuloy nawala ako ng gana- eme eme, tumakbo na talaga ako non. Ngayon naman sa last at 'di makakalimutan na sundae at fries.
Kinuha ko yung fries at nilagay ng 1 second sa sundae at kinuha ulit para kainin. Favorite feeling talaga 'pag kinakain mo yung comfort food mo. Napahinto ako sa paggiling giling ng katawan ko ng mapansin kong nakatingin sakin 'tong bubuyog, 'di pa tapos sa pagkain niya, tulungan ko kaya?
Wow Helpful Eli
"Gusto mo?" Tanong ko kay bubuyog na nilalapit yung sundae at tska yung fries sa mukha niya. "Bili ka." Tinawan ko siya ng malakas dahil napangiwi siya sa ginawa ko. Yan napala mo sa pag insulto sakin.
Totoo naman talaga, takaw mo Eli.
Yung mga bulate sa utak ko kulang sa pisat.
"Para kang tanga dyan" Inirapan niyako bago bumalik sa pagkain, parang galit sya dahil nasa ibang side nakatanaw. Ayaw pakong pansinin. Bahala kanga dyan, ano ka wow.
Nang matapos na kami sa Jolibee napunta kami dito sa 7/11, may balak akong bumili ng ice cream at gummies. Pang snack ko mamaya habang magbabasa ng MMM.
Opkors 'di ako yung magbabayad ng mga nilagay ko sa basket, 'tong kasama kong taong humihinga ang magbabayad.
Nandoon siya sa kabilang side hawak hawak yung Piattos at Nova. Feeling ko sakin talaga yung Piattos, Favorite ko 'din yun at yung Nova malamang sa kanya. Hahays bibili nalang din ako ng Vitasoy at Mogu Mogu- favorite naming dalawa.
Arix Delavern ang bunso sa Pamilyang Delavern na matagal ng kaibigan ng mga Volceir. In short yung Pamilya niya close na close sa Pamilya ko, Yup I'm a Volceir. Soreil Vhal Volceir, ang nag-iisang anak ng current mistress ng Volceir Family na si Natalie Diane Volceir. Mayaman yang si Arix kaya no problemo sa pera, his Family's businesses are hotels while ours are about houses and more, hindi kona inalam yung ibang business ng family ko since hindi naman tungkol sa pagkain yung business nila.
"Hi kuya ano pong pangalan nyu?" Boses pabebe ng isang babae.
Tinignan ko kung sino yung hinihingian niya ng pangalan ay sus! Walang iba kung 'di si bubuyog. Titignan na niya ng masama yung babaeng lapit ng lapit at sunod ng sunod sa kanya, may uuwi bang bungi tonight?
Kaya na niyan ni Arix, ang laki laki niya 'di niya alam pano humandle ng babae? Sus jokers.
"I'm with my girlfriend." Arix
"Aww really? that's sad" Yung babae nanaman
Anong girlfriend? May kasama ba sya nun? Single naman tong bubuyog nato.
"Where naman yung girlfriend mo?" Pabebe pa din yung girl kahit babad na ng inggit yung boses niya
"Yang namimili ng Ice cream" Sabi naman ni Arix
Binatawan ko yung Ice cream at sinira yun at pumunta kung saan nakalagay yung mga chocolate.
Hayop din trip nito ah, gagawin pakong scapegoat? Hayoppp. Tinignan ko si Arix na naka smirk na sakin, langhiya! Wala na yung babae na ang pabebe ng boses, nilubayan na sya. Kukulamin ko tong Arix nato, pupunta ako sa probinsya at ipakukulam ko siya para matikom nayung bibig niya.
May umakbay na sakin at yes yung bubuyog na makukulam na soon, nakangiti pa sya.
"Suntokin kita dyan ei" Inis kung sabi.
"Bayad mo yan sa kinain mo at sa future kakainin mo" Nagwink pa siya pagkatapos banggitin yung bayarin ko.
Atleast bayad kana.
Anong bayad? Libre niya to, at kung pababayaran niya I can pay him full 'pag nasakin na yung wallet kong nakahiga sa bed ko.
Ang ganda ganda naman ng hugis ng buwan ngayon, 'di kering manuntok tonight. Hindi pa din kami bati nitong bubuyog, pagkatapos pinacounter yung binili namin- siya nagbayad - umalis ako agad at pumunta na sasakyan niya na nag-aabang labas ng 7/11. Nasa loob na si Mr. Dirk, siya yung driver ng car ni Arix since bawal pa magdrive siya but nag d-drive pa din siya, matigas din ang ulo niya. Mukhang may checkpoint since si Mr. Dirk nagdala ng sasakyan, sumakay ako sa back seat at feeling kotse ako dahil humiga ako sa malapad na upuan ng kotse. Nasira ngalang dahil itong taong katabi ko ngayon pinaupo ako at tumabi ako, bakante yung passenger seat dito patalaga sumuksok.
Di mo yan kotse Eli...
"Nakasimangot ka diyan?" Tanong ng taong hindi kona kilala mula ngayon
Inirapan ko lang siya pero pinagtawanan lang niya ako. Felling close si Mr. Weird Stranger. Ayaw ko masira 'tong gabi nato dahil sa bahay may sisira pa kaya hindi ko nalang siya pinansin at nagpokus sa mga tanawin sa labas, mga gusaling kasing taas ng pride ng nagbabasa at mga magagandang puno gilid ng kalsada. Bumalik ngalang yung atensyon ko kay Arix ng binuksan niya 'ko ng ice cream at nilalapit sakin.
Busit naman! Alam niya kahinaan ko.
Malamang tinaggap ko, tatanggi paba?
"Kutsara?" Tanong ko habang bukas ang aking palad
Ngumiti siya at nilagay yung plastic na kutsara sa palad ko. "Ito na po" Masaya pa talaga tono niya, bati naba kami? hindi ba uy.
Nag scoop agad ako ng ice cream at ang sarap shet! Yes bati na kami, hindi naman kami nag-away. Flavor ng Ice cream na kinakain ko ay Cookies and Cream.
"Patikim nga Eli" Lalapit pa sana siya sakin pero tinulak ko pagmumukha niya.
"Mag open ka ng sayo, walang agawan." Seryoso kung sabi.
Napasimangot pa ang loko at nag open naman ng sa kanya, Rocky Road nga yung sa kanya. Hindi ko mapigilan tignan yung ilong niya, matangos na mataas kasi eh, may mga mata pang nakaka attract agad, at mole sa ilalim ng mata. Hindi ko ikakaila gwapo talaga tong bubuyog nato kaya nga lapitin ng nga babae kagaya ng nangyari kanina, kaso feeling ko nakikipag kompetensya siya sakin ng pagiging single. Maraming opurtunidad na magkaroon siya ng girlfriend kaso ayaw niya eh, kawawa naman yung opurtunidad na yun eh.
Nagsalita kapa talaga Eli.
"Ano iniisip mo?"
"Ah..? Wala"
"Wala ka diyan, eh nakatanga ka. Pinabayaan mo yung Ice cream mo" Tinuturo pa niya yung Ice crean kong ma me-melt na.
Ay napasobra yung pag-iisip ko. Kinain ko naman yung Ice cream ko agad agad.
"Nag text si Tita sakin nong nasa 7/11 pako, iniwan mo. Maghahanda daw sila ng hapunan para sa'yo, sabihin mo lang daw gusto mo kainin" Sabi niya habang nag scoop ng Ice cream niya
Katawa naman yung sinabi niya, sariling Ina hindi alam yung paboritong pagkain ng sarili niyang anak? Kung tutuosin puro trabaho lamang yung inaatupag niya, wala ngang oras para sa birthday ko, pasko at new year. Pwede ko na rin siyang tawaging ka house mate ko kung hindi ko lang siya Ina.
Nagsubo muna ako bago tignan si Arix. "Sabihin mo 'wag na mag abala at nakakain na ako"
"Nabusog kana talaga sa kinain mo kanina?" Pa shock shock pa mukha niya.
"Kutusan kita diyan eh" Inis kung sabi.
Sa totoo lang masama talaga tumalikod sa grasya pero busog na talaga ako.
Talaga lang ah? Masarap magluto si Manang
Napaisip palang ako sa luto ni Manang napapalaway nako, kakain nalang kaya ako? kaso ayoko parin. Kakain habang nasa paligid si Mama at yung dalawang unggoy? hell no.
"Oh nga pala, 'bat yung Tecnong phone yung dala mo?" Nilagay na niya yung Ice cream cup sa plastic, ubos na.Pinalagay ko din yung akin. "Sa dami mong phone yan pang phone na yan yung dinala mo. Eh walang number si Tita sa phone mo na yan."
"Yan nga yung purpose nitong baby ko" Ni raise ko pa yung Tecno phone ko.
Yes may purpose why I chose to bring this, walang number si mama at blinock ko na siya dito para iwas tracker niya. That's why si Arix yung ka text niya right now.
"Kulit mo din eh no" Nginitian pa niya ako.
"Hinidi kapa nasanay?" Proud kong sabi.
Huminto na yung sasakyan at lumabas si Mr. Drix para pagbuksan ako ng pinto, lumabas naman ako at si Arix din sa isang pinto naman hawak hawak yung plastic ng 7/11 kung saan nakalagay yung mga pagkain na binili namin, may Ice cream panga eh.
Hinakbang ko na ang aking mga paa papunta sa malaking bahay na magarbo ang dating, Yes bahay ko'to, Pagpasok ko palang sa pinto sinalubong nako ng butler na nagbo-bow kasama na yong ibang maid.
"Miss Eli, yung Mommy nyu po nasa living room kasama yung Dad-" Pinutol kona yung sasabihin ng isa sa maid dito sa bahay
"Okay" Bored kung sabi
Kinuha ko yung plastic na hawak ni Arix at binigay sa maid na nagsalita kanina, Pangalan niya ay Aila.
"Ilagay moto sa kwarto ko" Kinuha naman niya yung plastic at nagbow
"Masusunod po Miss." Nakangiti siyang umalis
May mini refrigerator ako sa bedroom ko para doon ilagay yung mga pagkain kong need na malamig. Nagbuntong hininga ako at agad naman tinap yung balikat ko ni Arix.
"Kaya mo yan, 'kaw pa" Grabe maka boost ng wala, pero gumaan naman yung mabigat na dinadala ko.
"I know." I'm not scared or something, tatakbo ba ko kung scared ako? NOPE at tsaka bahay ko to.
Lumakad nako papuntang Living Room at mga deputcheng neneng bulete, may wine sa small table while Mom was sitting beside ng unggoy 1 at yung unggoy 2 na sa sofa katapat lang din. All of them are smiling, sarap sampalin ng kalderong may uling.
"Bat 'di pa umaalis tong mga nagpasilong?" Taray kung sabi, pinataas kopa talaga yung isa kung kilay at tinignan sila ng masama.
"Soreil!" Tinignan ako ng masama ni Mama.
Tingin lang, 'di moko masisindak dyan.
Umupo ako sa sofa na walang umuupo tumabi pa si bubuyog, Aano naman siya dito? viewer sa family drama? Ay shet pwede exchange place?
"Greet your dad, Soreil." Sabi ni Mama habang nakangiti
Ang peke peke peke.
Kumunot ang noo ko at tinignan lang yung unggoy 1 na nag e-expect na i g-greet ko siya? manigas ka dyan kakangiti mong unggoy ka.
"Nangangawit yung kamay ko Mom." Bored kung sagot. "I'm not interested to get close to this guest anyway, so there's no point." Nginitian ko lang siya
"Sorei-" Naputol yung pagtawag niya ng pangalan ko nagsalita kasi yung unggoy 1
"It's okay Natalie, Soreil might still be upset," Sabi niya habang hinahawakan yung kamang ni Mama, kapal. "but I'll make it up to her soon enough" Make it up to the hangin lang din.
"Make it up to me? I don't lack anything" I sneered at his words, Naiirita ako dito.
"You need a fatherly figur-" Hindi kona pinatapos, kairita talaga ang kakapalan ng pagmumukha nito.
"I grew up without that fatherly figure, that's not needed for me. Utterly useless" Hindi ko bet makipag- away this night, ganda kasi yung moon. Pero pag 'di to tumigil ay ibang usapan na.
...----------------...
PLAGIARISM IS A CRIME ! ! !
(nakalimutang ilagay)
***E N J O Y R E A D I N G***
Download MangaToon APP on App Store and Google Play