Chapter 1: The 3 Kings.
Written by BlackRavenInk16
"Lord Max, Lord Kai, Lord Ace, please, huwag n'yo pong gawin ito. You will lose your status as Gods kapag umalis kayo at manipulahin ang oras. Paano po kung may panibagong catastrophe na naman ang dumating? We can't afford to lose the 3 of you, kayo na lang po ang tanging pag-asa ng sangkatauhan."
Umiiyak at lumuluhod na ang matandang kanang kamay na si Aphotheous sa kasalukuyang hari ng Planet Earth but the 3 king doesn't seem to care.
Naroon sila sa royal palace. Isang palasyo na nakalutang sa langit at gawa sa purong ginto. Sa royal palace, piling tao lamang ang nakakatapak. Mga katulong, gardenero at mga royal guards. Pero kahit ang mga iyon, matinding qualification ang kailangan para makapagsilbi sa tatlong hari na hindi lang basta mga hari kung hindi itinuturing na ring Diyos ng mundo nila.
Ang tatlo na dati ay katulad nila, mga pangkaraniwang tao lang pero naging Diyos ng matalo ng mga ito ang demon king at binigyan ng tuldok ang apocalypse.
Ang apocalypse na nagdulot ng malaking pagbabago sa mundo at ginawang posible ang mga bagay na hindi iniisip ng mga tao na maaaring mangyari sa totoong buhay. Ang magkaroon ng mga talento at kakayahan na sa mga laro, pelikula at mga anime lamang makikita noon. Ang pagkakaroon ng super powers.
At ang tatlong nasa harapan ni Aphotheous ay ang tatlong pinakamalakas na lalaki sa buong mundo. No, marahil ay sa buong kalawakan.
They all lived for a thousand of years but unlike ordinary people, they never aged and never experienced any kind of sickness. Kaya ang tatlo na ang tinuturing na Diyos ng mga bagong tao. Ang mga tao na nagsurvive pagkatapos ng apocalypse.
"Who do you think you are to tell us what to do?" iritable na sabi ni Kai. Arogante at walang kangiti-ngiti sa mukha.
"Even if we lost our status as Gods, we don't care as long as we can have the chance to be with her again," seryosong sabi naman ni Max.
"I don't even care if I die if it means I can see her again," sabi naman ni Ace na nakangiti pero deep inside, naiinis na rin sa pangingialam ng kanang kamay nila.
"Pero paano naman po ang sangkatauhan? Paano kung magbalik ang mga taga ibang planeta para muling sakupin ang mundo natin? Kayo lang ho ang may kakayahan na talunin sila," muling pangungulit ng matanda.
"Don't be afraid. Our world is peaceful now. And we won't disappear, babalik lang kami sa nakaraan para iligtas ang babaeng pinakamamahal namin. Which means, Earth will still be saved. But of course, with our queen in our side," sabi ni Max.
"But--"
"If you have a chance to be with your family again, will you take it?" pagputol na ni Ace sa sasabihin nito.
Natigilan ang matanda. His whole family died when he's just 30 years old. Although matagal ng natapos ang apocalypse dahil sa tatlong hari, may mga natira pa ring mga halimaw sa earth kaya naman nagkaroon ng mga royal guards na siyang naglilingkod sa mga hari.
Ang mga hari naman ang nag-uutos na protektahan ng mga ito ang mga tao pero dahil sa muling pagdami ng populasyon ng lahi ng tao, ay hindi lahat, natututukan ng mga royal guards. Mayroong isang halimaw na nakaligtaan noon ang nagpunta sa bahay nila kaya kinain niyon ang buong pamilya niya.
Noong mga panahong iyon ay nasa tabi siya ng tatlong hari at wala siyang kamalay-malay na may nangyayari ng masama sa pamilya niya.
"You lost your whole family because you are in our side when it happens. You also lost your youth. Kaya kung mayroon mang dapat na humalili sa posisyon namin sa panahong ito, ikaw na iyon," sabi ni Ace.
Iyon lang at kumumpas ito saka nagkaroon ng liwanag ang isang daliri nito at itinapat nito iyon kay Aphotheous. Lumutang sa ere ang katawan ng matanda at sa isang iglap, naging 20 years old ulit ito!
"Wala kaming kakayahan na gawin kang immortal dahil kailangan mo iyong maabot sa sarili mong kakayahan but here's the proof that you can be the new king." Si Max naman ay hinagis kay Aphotheous ang royal seal kung saan doon ay nag-iwan sila ng mensahe para sa sangkatauhan. Kung saan nakasaad ang dahilan ng pag-alis nila.
"Let's go now, brothers. Our queen is waiting for us," sabi naman ni Kai. Ni walang pakialam kay Aphotheous. Ang gusto lang nito ay makabalik na sa nakaraan as soon as possible.
"I hope you will also find your happiness, Aphotheous." Ang huling sabi ni Ace bago tuluyang pumasok ang mga ito sa isang itim na portal na magdadala sa mga ito sa nakaraan.
Si Aphotheous na ngayon ay muling naging binata at nagbalik ang kakisigan ay napailing na lamang.
Alam ng tatlong hari na mawawala ang lahat ng kapangyarihan na mayroon ang mga ito kapag naglakbay sila sa nakaraan pero ginawa pa rin ng mga ito iyon.
Sa bagong mundo ay itinuturing ang mga ito na Diyos na pinakamakapangyarihan, nirerespeto at lahat ng klase ng yaman ay mayroon ang mga ito pero handang itapon ng mga ito iyon para sa pag-asa na muling makasama ang babaeng pinakamamahal nila.
Sa kabila ng isang libong taon, nanatili sa tatlo ang pagmamahal para sa iisang babae. Isang babae na matagal ng namayapa pero pinakamamahal pa rin nila.
He wish he can turn back time too o makapag time travel man lang siya katulad ng mga ito. Pero wala siyang kakayahan na gawin iyon. Hindi siya kasing lakas ng mga ito.
Chapter 2: Adopted
Written by BlackRavenInk16
BIRTHDAY ni Dahlia no'ng araw na iyon kaya medyo excited siya.
Pero ang mga magulang niya, tulog pa rin kaya siya na ang nag-asikaso sa kapatid niyang 10 years old para makapasok sa school.
"Wow. Bango na ng baby namin. Pakiss nga kay ate!" sabi niya sabay halik sa pisngi ng kapatid niyang si Mark.
Pero lumayo lang ito sa kanya. Parang naiinis pa.
"Ate naman, e! Hindi na ako baby, 'no!" nakasimangot na sabi nito.
"Hmp! Lumaki lang ng kaunti, feeling binata na. Bakit, may nililigawan na ba ang baby namin na 'yan?" pang-aasar pa niya rito na kinurot pa ang pisngi nito.
"Aalis na ako, ate! Malelate na ako!" sabi nito na hindi pinansin ang pagbibiro niya.
"Sige, ingat ka bunso, ah?" sabi naman niya.
Iyon lang at tumalikod na ito at naglakad palabas ng pinto.
Pero bago pa man ito makalabas, tinawag niya itong muli.
"Mark!" tawag niya.
"Bakit po?"
"Wala ka bang naaalala ngayong araw?" tanong niya saka ngumiti.
"E, ano naman ang maaalala ko ngayong araw?" masungit na tanong ng kapatid niya.
"Ah, wala. Sige, alis ka na. Ingat ka, ah," sabi niya.
Ano bang inaasahan niya? Na maalala ni Mark ang birthday niya? He's just 10 years old, baka nga hindi pa nito saulo ang kalendaryo.
But for some reason, parang kinakabahan siya ngayong araw. Hindi niya alam pero may masama siyang pakiramdam na para bang may mangyayaring hindi maganda.
Naglinis lang siya ng kaunti sa kwarto nila ni Mark at pagkatapos ay nagluto na ng aalmusalin ng mga magulang nila para paggising ng mga ito ay may kakainin na.
Walang trabaho ang papa nila pero may isang paupahan ito sa tabi ng bahay nila. Sakitin na ito pero kahit papaano, nakakapaglakad pa naman. Ang mama naman niya ay walang trabaho. Sa bahay lang ito at madalas, kaisa sa mga marites na madalas ay tsismisan tungkol sa kapitbahay ang hobby.
Kung minsan nga kahit siyang anak nito, topic din ng tsismis nito at ng mga kumare nito. Madalas, nilalait siya ng sarili niyang ina. Kesyo hindi raw siya marunong mag-ayos ng sarili at mahina raw ang ulo niya. Hindi raw siya katulad ng ate niya na isang superstar na malaki ang kinikita. Siya raw palamunin.
Nasasaktan siya sa sinasabi ng ina niya pero hindi na lang niya pinapansin. Kahit hindi naman talaga totoong palamunin siya dahil working student naman siya. Totoong hindi kasing laki ng ate niya ang sahod niya pero kahit papaano, nakakapag-abot naman siya.
Maliit nga lang dahil kahit pa may mga part time job naman siya, nauubos lang din ang kita niya sa mga school projects at allowance sa school. Scholar din siya sa sikat na university na pinag-aaralan nila kaya hindi rin totoong mahina ang ulo niya. Nag-apply siyang scholar dahil kung hindi niya gagawin iyon, hindi talaga siya makakapag-aral ng college.
First year college na siya sa kursong HRM. Maaga siyang nag-aral noon sa elementary kaya mas bata siya ng isang taon sa mga kaklase niya.
Pero kahit scholar siya, syempre hindi naman kasama roon ang mga gastos sa uniform, miscellaneous fees at baon niya kaya kailangan pa rin niya ng pera. Kaya naman minsan lang talaga siya makapag-abot sa ina. Although nag-aambag naman siya ng pagkain sa bahay, tubig at kuryente, para sa ina, hindi pa rin sapat iyon dahil hindi naman dito napupunta iyon kung hindi sa pangangailangan nila.
"Mabuti pa si Misty, ang laki na ng kita sa showbiz, ano?"
"Swerte mo, Mareng Inday, naging anak mo siya!"
"Pero bakit nga pala ni hindi man lang namin nakikita ni anino ng anak mo? Halos limang taon na siyang hindi umuuwi sa inyo, ah? Anak mo pa ba talaga iyon?" pang-eechos naman ng isang kumare nito.
"Gaga! Syempre busy sa trabaho ang anak kong maganda! Aba, sikat na sikat na siya, syempre wala lang time pumunta rito. Ang mahalaga, nagpapadala naman siya ng pera! Malaki ang pakinabang ko sa anak kong iyon. Hindi katulad niyan ni Dahlia!" sabi pa ni Inday.
Biglang kumalabog ang dibdib niya nang marinig ang pangalan. Kakatapos lang niyang maligo kaya paglabas niya, narinig niya ang pinag-uusapan ng ina sa harap ng bahay na malapit sa banyo nila.
"E 'di ba masipag naman iyong anak mo na 'yon? Buti nga kahit hindi n'yo na siya pinag-aaral, napag-aaral niya ang sarili niya. Maswerte ka pa rin!"
"Wala akong pakialam sa kanya dahil hindi ko naman siya tunay na anak! Hindi ko nga alam kung bakit hinahayaan ko pa na tumira iyon dito! Sayang lang ang kinakain niya."
Nanlaki ang mga mata niya.
Kung ganoon ay hindi siya tunay na anak ng mama niya? Kaya naman pala hindi maganda ang pakikitungo nito sa kanya.
Matagal na niyang napapansin iyon. Ang bunso nilang si Mark, lahat ng gusto nito ay ibinibigay nito. Ang Ate Misty naman niya, kahit halos hindi na sila lingunin nito ngayon dahil may pangalan na ito, pinagmamalaki pa rin ito ng ina. Kahit pa madalas ay kinakahiya sila ng ate niya sa ibang tao at tinatanggi na kapamilya.
Ang akala niya noon, kaya ganoon ang mama niya sa kanya ay dahil bunso si Mark at may magandang trabaho naman si Misty. Dagdag pa na middle child siya. Iyon pala ay dahil hindi siya anak nito.
Biglang tumulo ang luha sa mga mata niya. Kaya naman pala...
"E sino pala ang nanay niya kung gano'n? Anak ba ni Bong sa ibang babae?" Parang nabuhayan ng dugo ang kumare ng mama niya nang makarinig ng tsismis.
"Naku, hindi niya rin anak iyon. Ang sabi niya, napulot lang daw niya iyon sa kalsada, baka tinapon ng nanay. Saka hindi naman niya kamukha ang batang iyon. Kaya nga wala akong kaamor-amor," sabi pa ni Inday.
Hindi na niya pinakinggan pa ang ibang sinasabi ng mga ito at agad na lang siyang pumunta sa kwarto niya at doon nag-iiyak.
Sa pamilya nila, ang tatay lang niya ang mabait sa kanya. Iyon naman pala ay dahil hindi siya parte ng pamilya. Naiintindihan na niya ngayon kung bakit madalas, nararamdaman niya na mag-isa lang siya. Iyon pala ay dahil mag-isa na lang talaga siya. Kahit ang totoong magulang niya ay tinapon siya...
Napatingin siya sa poster ng favorite niyang artista na si Ace Montenegro Park. Nakangiti ito roon at tila ba sinasabi ng mga mata nito na huwag na siyang umiyak. Kaya naman pinunasan na lang niya ang luha sa mga mata at nagbihis na ng school uniform para pumasok na rin.
Bumuntong-hininga siya ng malalim saka pinilit na ngumiti sa poster ng hinahangaan niyang aktor. Ang tanging tao na nagpapasaya sa kanya kahit hindi naman siya kilala nito.
"Kaya ko 'to! It's my birthday today! Hindi dapat ako malungkot!" sabi niya kahit sa totoo lang ay down na down talaga siya dahil sa nalaman niya na ampon lang pala siya.
"Alis na po ako, 'nay," sabi niya na nagmano pa sa ina paglabas niya ng bahay.
"Magdala ka ng andoks mamaya pag-uwi mo, ha," nakataas ang kilay na sabi nito.
Nang marinig ang sinabi nito ay tila nalusaw ang tampo niya dahil sa sinabi nito kanina. Mukhang naaalala naman pala nito ang birthday niya. Kaya siya pinagdadala ng ulam. Baka magluluto ito para sa kanya at idadagdag ang andoks na gusto nito sa handa.
"Sige po, 'nay, alis na po ako!" sabi niya na yumakap pa rito.
"Siya, sige, mag-ingat sa byahe, ha," sabi pa nito.
"Sige po, salamat po. Mauna na ako..." Iyon lang at naglakad na siya palayo sa kanila.
Bumuntong-hininga siya. Gusto sana niyang kausapin ang ina dahil sa narinig niyang sinabi nito kanina tungkol sa pagkatao niya pero parang hindi pa niya kayang gawin iyon ngayon. Masyado pang masakit para sa kanya.
Isa pa, wala rin naman itong alam kung sino ba talaga ang totoong mga magulang niya. Marami pa namang araw, siguro bukas na lang.
Chapter 3: Getting Bullied.
Written by BlackRavenInk16
"GRABE, ang gwapo talaga ni Ace! Sana makita ko siya sa personal!"
Pagpasok pa lang ni Dahlia sa classroom, bulungan na agad ng mga humahagikhik niyang klase na may hawak na magazine ang narinig niya.
Naupo na siya sa silya niya habang mga kaklase niya, nagkukumpulan sa isang sulok habang pinagpepyestahan ang machong katawan ni Ace na half naked sa magazine.
Sa panahon kung saan kdrama at mga kpop idols na ang sikat, kayang-kaya pa rin talagang makipagsabayan pagdating sa kasikatan ni Ace Montenegro Park. Well, half korean din naman ito pero sa Pilipinas pa rin ito lumaki kaya mas sanay itong magtagalog. Pero kahit ganoon, ang looks ng mga koreano na kinababaliwan ng mga kabataan ngayon ay taglay nito kaya kahit nasa local industry ito, umaariba pa rin ang career nito.
Hindi lang gwapong mukha ang taglay ni Ace, magaling din itong sumayaw, umarte at kumanta. Kahit sino, masasabi na deserve nito ang kasikatan nito ngayon.
Kaya nga kahit siya, idol na idol niya si Ace. Wala siyang pinalalagpas na mga movies, tv series at albums nito. May koleksyon din siya ng mga posters, postcards at magazines nito katulad ng mga kaklase niya. Pati nga unan niya at mga bed sheets, may mukha rin ni Ace.
Ganoon siya kabaliw dito. Iyon nga lang, pagdating sa concert ticket, wala siya. Mahirap maging poor.
"Best, puro sila Ace 'no? Hindi lang naman siya ang pinaka-gwapong lalaki sa mundo! Ako, si Max ang dream guy ko! Ang gwapo niya best!" Halos himatayin sa kilig si Marga saka inilatag sa harapan niya ang newspaper na binili nito.
Isa namang business tycoon ang kinababaliwan nito. Si Maxwell Davis. Gwapo rin at sikat ang lalaking kinababaliwan nito. Bukod doon, matalino pa. Iyon nga lang, kahit sikat ito, kaunti pa rin ang nalalaman ng mga tao tungkol dito. Paano ba naman kasi, masyadong pribado ang buhay nito. Kahit Facebook nito at instragram account, nakaprivate.
Sa sobrang yaman nito, barya lang siguro ang kinikita niya rito. Marami itong iba't-ibang klase ng business, mapa-real estate business, clothing brands, hotels and restaurants at marami pang iba. Kaya hindi nakapagtataka na hinahabol din ito ng maraming babae at kahit ang mga katulad nila, kilala rin ito.
"Gwapo nga siya, friend. Kaso mukhang wala ka namang pag-asa sa kanya. Mukha siyang seryoso sa buhay, ni hindi ngumingiti tapos ikaw kengkoy. 'Di kayo compatible," prangkang sabi niya.
"Hoy, grabe ka naman sa kengkoy! Hindi mo ba alam na opposite attracts? Kapag nakita niya ang alindog ko, mala-love at first sight siya!"
"Oo, sige. Sabi mo, e!" natatawa na lang na sabi niya.
"Hay naku, prend, ang sarap hilahin ng buhok mo!" nanggigil na sabi ni Marga.
Natawa na lang siya dahil sa sinabi nito.
Maya-maya, bigla na lang lumapit sa kanya ang kaklase niyang si Rita, kasama ang dalawa nitong kanang kamay na si Becky at Sarah.
"Hoy, where's my assignment?" nakasimangot na tanong nito.
Agad naman niyang binuksan ang bag saka inabot ang notebook nito rito.
"Siguraduhin mo na tama ang mga sagot dito dahil kung hindi, tatamaan ka sa akin!" sabi pa ni Rita.
"Hindi ko maipapangako, kahit scholar ako, pagdating sa math hindi ako gaanong magaling pero ginawa ko naman ang best ko," sabi niya.
"Aba, Rita, pinopolosopo ka, oh!" panggagatong ni Bhecky.
Parang nainsulto naman lalo si Rita.
"Hoy!" muling sabi ni Rita saka lumapit sa kanya at hinila ang kwelyo ng damit niya.
Nakaramdam naman siya ng kaba. Siga talaga itong si Rita. Maganda pa naman sana pero mahilig sa basagan ng ulo at gulo kahit pa na babae ito. Gangster kung tawagin ng iba.
"Hindi mo ba alam na may koneksyon ang daddy ko sa mafia na si Kai Ashford? Don't tell me, hindi mo siya kilala?" tanong nito.
"Wala naman sigurong hindi nakakakilala sa kanya. Kinatatakutan siya ng lahat," sabi niya.
Totoo naman ang sinabi niya. Kahit ang ordinaryong tao lang na katulad niya, kilala ang sikat na si Kai Ashford. Kalahating pilipino, kalahating amerikano at kalahating italyano ang lahi nito. Kilala ang pangalan nito dahil sa paggawa ng masasamang bagay sa mundo. Isang tao na ginagawa ang lahat ng naisin out of a whim at hindi nangingiming pumatay na walang kinatatakutang batas. Ito ang ulo ng iba't-ibang klase ng underground business katulad ng pagbebenta ng drugs, ilegal na pasugalan, shark loans, human trafficking at marami pang iba. Marami ring kontrol na mga corrupt politicians at mga pulis si Kai. Kung tutuusin, parang ito na mismo ang batas at Diyos ng mga kriminal. Walang hindi natatakot dito.
Sabi nga ng iba ay marami na raw itong napatay pero kahit kailan, hindi nakahimas ng rehas dahil sa lakas ng impluwensya. Mabubura ka sa mundo na walang nakakaalam kapag kinalaban mo ang isang katulad nito.
Pero kahit ganoon, napakagwapo nito. Macho, matangkad, matangos ang ilong at may magagandang pares ng mga mata. He has dark hair, piercing blue eyes and fair skin with olive undertones. He also has a square jaw and a menacing bad boy smile. Kahit sino'ng babae, masasabing malakas ang dating nito kaya kahit masama itong tao, marami ang binabalewala na lang iyon. He's a handsome devil.
"Kilala mo naman pala siya at dahil may koneksyon ang pamilya ko sa kanya, ibig sabihin lang no'n, malaki ang consequences kapag kinalaban mo ako. Kaya kung ako sa 'yo, tigil-tigilan mo ang pagsasasagot sa akin ng ganyan kung ayaw mong baragin ko 'yang mukha mo," sabi nito.
"Sorry, sige, hindi na ako sasagot," duwag naman na sabi niya.
Iyon lang at binitawan na siya ni Rita saka umalis na ito sa harapan niya.
Para siyang natanggalan ng tinik sa dibdib ng makaalis na ang bruha.
"Girl, bakit mo naman ginawa ang assignment niya? Kaya ka nabubully, hinahayaan mo lang siya!" halos pabulong na sabi ni Marga.
"Tatlo sila, isa lang ako. Kahit isumbong ko siya sa mga teachers, pagdating sa labas, aabangan din ako ng mga 'yan. Ayoko lang ng gulo kaya hinahayaan ko na lang sila," sabi naman niya.
"Pero parang hindi naman yata tama na gawin na lang nila kung ano ang gusto nila. E 'di ipapulis mo na lang para magtanda ang mga 'yan."
"Hayaan mo na. Hindi mo ba narinig ang sinabi niya na konektado siya kay Kai Ashford? Kung totoo iyon, ibig sabihin, malaki din ang impluwensya ng pamilya niya. Ayong mainvolve ang buhay ko sa isang demonyo 'no. Gusto ko pang mabuhay ng matagal."
"At naniwala ka naman do'n? Girl, halata namang nagsisinungaling lang siya! Kahit nga mga celebrities at mga sikat at mayayamang tao, hirap na hirap magkaroon ng koneksyon kay Kai Ashford, siya pa kaya na hindi naman gano'n kayaman? Girl, inuuto ka lang no'n! Nagpapauto ka naman!" prangkang sabi nito.
"Hayaan mo na. Gano'n talaga ang life, hindi patas," sabi na lang niya.
Totoo naman talaga na hindi patas ang buhay. Mula pagkabata pa lang niya ay napapansin na niya iyon. Ang mga magulang niya ay palaging parang nanghihinayang na magbigay sa kanya noon. Ultimo mga damit niya, puro pinaglumaan. Kahit minsan, wala siyang gamit na hindi na nagamit ng Ate Misty niya. Pero pagdating sa kapatid niyang Mark, kahit ito pa ang bunso, kahit kailan hindi niya naipasa ang mga lumang gamit niya rito.
Kahit sa tuwing birthday ng mga ito, palaging may paparty noon at handaan pero pagdating sa kanya, kung hindi pa siya ang magluluto, baka hindi pa siya magkakaroon ng handa.
Kung sa loob pa lang ng tahanan nila, nakikita na niya na hindi patas ang mundo, sa labas pa kaya?
"Hay naku, girl, maghanap ka na kasi ng magiging boyfriend mo para may magtatanggol na sa 'yo!"
"'Yan ang mas imposible, walang magkakagusto sa akin," sabi niya.
"Oh, isa pa 'yan. Paanong may magkakagusto sa 'yo kung ikaw mismo, walang confidence sa sarili mo? Maganda ka kaya, hindi ka lang nag-aayos. Kaya mamaya, sasamahan kita sa parlor, magpaganda ka!"
"Wala akong pera. Alam mo namang malapit ng dumating ang bill ng kuryente. Palaging nag-e-aircon sina Nanay kaya sigurado malaki na naman ang bill namin, dapat pag-ipunan ko 'yon."
"Oo, alam ko ng yan ang sasabihin mo kaya ako na ang bahala."
"Huwag na, nakakahiya!"
"Sus! Para saan pa ang pagiging magbestfriend natin kung hindi kita maililibre man lang sa birthday mo!"
Nanlaki ang mga mata niya.
"Alam mo?" gulat na gulat na sabi niya.
Buong akala niya, hindi nito natatandaan. Simula pa ng pagkabata niya, mababa na ang presence niya pagdating sa ibang tao. Siya iyong tipo na kahit siguro tumayo sa harap ng maraming tao ay hindi pa rin papansinin o dadaan-daanan lang. Wala rin siyang gaanong kaibigan. Dahil siguro weak ang personality niya, ang mga tao, kung hindi siya iniiwasan ay binubully naman siya katulad nina Rita. She never made an impact with other people's lives.
Sa totoo lang ay si Marga nga lang ang kaibigan niya sa school. Kung wala siguro ito, baka sobrang out of place na siya roon dahil walang gustong kumausap sa kanya.
Kung tutuusin, maganda si Marga at maraming nagkakagusto rito. Kahit kenkoy ang tingin niya rito dahil palagi siya nitong napapatawa, sa ibang tao ay aloof ito at walang ganang makipagkaibigan.
Ang sabi nito ay namimili raw talaga ito ng kakaibiganin at dahil mukha raw siyang mabait at mapagkakatiwalaan, siya ang napili nitong gawing kaibigan kahit medyo sikat din ito sa school dahil sa galing nitong mag volleyball.
"Dahil nakalimutan ko ang birthday mo noong nakaraang taon at pagcheck ko kinabukasan ng Facebook ko ay nalaman kong birthday mo pala, pinangako ko sa sarili ko na babawi ako sa 'yo ngayong taon. Pinag-ipunan ko talaga ang pampaayos mo ngayong araw, 'no! Kahit man lang isang araw ay makapagpaganda ka!"
Nangilid ang luha sa mga mata niya dahil sa sinabi ng kaibigan. Hindi niya napigilan ang sarili na yakapin ito.
"Salamat, prend! Ikaw lang talaga ang nagmamahal sa akin!" sabi niya.
"Oo na! Oo na! Huwag ka nang madrama riyan!" natatawang sabi ni Marga.
"Seryoso, salamat talaga, Marga. Kung wala ka siguro rito, matagal na akong nagdrop out dahil kina Rita," sabi pa rin niya.
"Don't mention it, Dahlia. Masaya rin ako na naging kaibigan kita. Huwag na tayong magdrama, nandiyan na si Sir!"
Iyon lang at pumasok na nga ang guro nila sa classroom nila at nag-umpisa nang magturo.
Download MangaToon APP on App Store and Google Play