Note: Lahat ng chapters ay 400 to 500 words only:)
Five chapters every week don't you worry guys!
-
Yeah! Summer na! At ito ang pinakaaantay naming dalawa.
"Lily anong plano?"
Napatingin naman kay Reign at kumunot ang aking noo. Plano? Ang alam ko ito lang inaantay namin para makapag pahinga kasi pagod na ang utak namin.
Umiling ako na ikinadismaya niya
"Tsk. Ang boring mo talagang kasama," sabi nito at binilisan ang paglalakas.
Napailing naman akong humabol sa kaniya para sabayan ito sa paglalakad.
"Reign kasi di pa ako binibigyan ng allowance ni mommy kaya wala pa akong pang outing." Sabi ko dito.
She pouted at napatingin sa paligid. Maganda at maaliwalas ang bukirang dinadaan namin, may mga naka pastol na baka at kalabaw sa di kalayuan.
Maya maya ay tumingin ito sa akin na nakangiti,"alam ko na!" Sabi nito."Akong bahala sayo. Libre ko."
Nanlaki ang mata ko at mabilis na umiling iling. "Wag na Reign ano ka ba."Natatarantang sabi ko at nag isip na idadahilan,"ako na bahala kay mommy na i advance yung allowance ko."Ngumiti ako ng hilaw dito
Napataas naman kilay nito at mariing tumingin sa akin, maya maya ay napabuntong hininga ito at di na nag salita hanggang sa makauwi kaming pareho.
"O lily you're here,"nakangiting salubong sa akin ni mommy. Hinalikan niya naman ako sa pisnge."Ready na ang meryenda m-"
"Mommy, tutal bakasyon naman pwedeng ibigay mo na sa akin yung allowance ko?" Nag aalinlangang sabi ko dito. Sinamahan ko pa na ngiting hilaw dito.
Napa 'O' naman ang bibig nito."Sure baby,"sabi nito at tinalikuran ako para kunin ang bag na nakalapag sa maliit na mesa sa sala. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa makabalik ito dito na hawak ang makapal na libo libong pera. Halos lumuwa ang mata ko ng iabot sa akin yun, parang hirap tanggapin."Here baby, tutal matataas naman ang grade mo ngayong semester kaya nilakihan ko na." Nakangiting sabi nito, nag aalinlangan pa akong tanggapin iyon. Nang hindi gumagalaw ang kamay ko para kunin iyon ay siya na kumuha sa kamay ko para ilapag ang pera sa palad ko. Hanggang ngayon tulala pa din ako.
O M G!
Totoo ba ito? Alam kung medyo mayaman kami pero di ko talaga inaasahan ito. Ngayon lang akong binigyan ng ganitong kalaking pera ni mommy.
Napakurap kurap na lang ako ng kumaway siya sa harap ko.
"M-mmoy...totoo ba ito?" Hindi makapaniwalang sabi ko dito habang nasa palad ko na ang paningin ko.
Pinisil niya naman ang cheeks ko at pinanggigilan iyon."Yeah baby!" Nakangiting sabi nito."By the way, ready na ang meryenda mo sa kitchen. Aalis muna ako para sundoin ang daddy mo sa airport." Pagsabi niya ay umalis na ito.
Ilang minuto pa akong nakatayo dito hanggang sa marinig ko ang andar ng sasakyan paalis.
Doon lang ako nag sisigaw sa saya at masayang binilang ang pera sa sa coffee table sa living room.
Napa 'O' naman ang bibig ko.
ONE HUNDRED THOUSAND
Agad kung tinawagan sa Reign.
-
500+ words:)
CHAPTER 1
"Libre naman diyan!" Nakangiting sabi ni Reign.
Hmmp. Good mood ako ngayon.
#Feelingrichkid tayo ngayon
Tumango na lang ako at tumabi sa kaniya sa silong ng umbrella tree. Malayo na ito sa bahay namin at dito kami mahilig tumambay ni Reign tuwing wala kaming mga assignments. Sarap huminga pag walang iniisip na problema sa school.
"Tutal ikaw naman nakaisip na mag out of town tayo."Basag ko sa katahimikan naming dalawa dito."Saan ba tayo mag babakasiyon?"
Binato nito ang mga kalapati na dumadapo sa palayan at nagsilaparan naman ito bago tumingin sa akin. "Sa seaside moonrise villa."
Ang seaside moonrise villa ay isang pagmamay-ari nila Matthew ang manliligaw ko noong grade eleven kami ni Reign. Kaya di ko sinagot ito noon ay pinagsasabay pala kami ni Samantha noon kaya ayon binasted ko nang walang pag aalinlangan. Sino ba siya? Tsk. At ito naman si Reign, sa dinami daming resort na pwedeng puntahan ay diyan pa talaga ako dadalihin. Ang last kung pagpunta noon doon ay yung dinala ako ni Matthew doon. Libre talaga ang silver ticket mo pag kasama mo siya.
"Hindi mo kasi ako sinama noon ni Matthew doo-" agad niyang tinikom ang bibig niya nung tiningnan ko siya ng matalim.
"Damn you! Reign wag mo na ngang banggitin sa akin ang pangalan niya. Nakakairita!" Sabi ko dito.
Ngumisi naman ito at sinundot sundot ako sa tagiliran ko. Nairita naman ako kaya tumayo ako at pinagpag ang puwetan ko at sinamaan ko ito ng tingin.
"Hindi na kita sasamah-"
Agad siyang napatayo at niyakap ang braso ko."Joke lang ito naman!"
Kuwala ako doon at tinulak ko ang ulo niya. Siya naman ang tiningnan ako ng masama.
"KAILAN ang alis natin kung ganun?" Tanong ko dito nung nagkabati na kami. Haha.
"Sa linggo." Sabi nito."Wala pa kasi si papa sa bahay."
Bata pa lang si Reign ay silang dalawa lang ng kaniyan ang ama magkasama sa modern house nila. Mayaman din sila. Engineer ang kaniyang ama. Ang ama ko naman ay isang piloto.
"Saan ba ang daddy?" Tanong ko sa kaniya.
"Bussy na naman, tsaka tumawag naman siya sa akin kanina. Ang sabi eh di daw matutuloy ang pag uwi niya sa sabado kaya sa linggo tayo makakaalis. Pero mag handa ka na kasi baka maaga tayo."
Tumango naman ako. May kaunting excitement akong nararamdaman sa aking sistema. Sa tagal ko ba naman di nakakatim ng vitamin sea. Hahaha.
Nag paalam na ako sa kaniya dahil tumawag si mommy na nakauwi na daw sila ni daddy sa bahay.
"Hello daddy! Na miss kita!" Natatawang niyakap niya naman ako at ginulo ang buhok ko.
Humiwalay naman kami sa isa't isa at hinawakan niya ako sa magkabilang balikat ko.
"Ang ganda na nang anak ko ah!" Nagtawanan kaming dalawa.
"Pogi ka din naman daddy."
"Napaka honest mo talaga."
Maya maya ay umeksena si mommy sa amin.
"Kain na tayo. Mamaya na yan."
Lumapit naman si daddy kay mommy at niyakap ito sa bewang niya. Bago pa sila makapasok sa kusina ay kumindat sa akin si daddy nago tuloyang nakapasok sa kitchen.
Napangiti naman ako at sumunod na din sa kanila.
Naging masaya ang haponan namin kaya ito kami at nanonood sa netflix.
Nasa kalagitnaan ako sa panonood ng tumunog ang cellphone ko sa tabi ko. Isang mensaheng walang pangalan ang nag pop-up sa message ko. Pinidot ko yun at binasa iyon.
"I'm Greg. Let's meet..."
CHAPTER 2
Nanlamig ang aking kamay at hindi man lang ako kumurap at nanatiling sa screen lamang ng aking cellphone ang tingin. Hindi ko maialis.
Sana panaginip lang ito.
Sana...dahil ayaw ko siyang makita.
Pinatay ko ang cellphone ko at hindi tinugon ang mensahe niya.
Pagkatapos ng lahat? Babalik siya na parang wala lang?
Nag focus na lang ako sa pinapanood namin at pilit na hindi inaalala si Greg.
KINABUKASAN maaga akong nagising kahit eleven na ako nakatulog kagabi. Wala pang katao tao sa kusina kaya ibig sabihin ay tulog pa si mommy at daddy. Siguro napuyat sila kagabi. Nauna na kasi akong umakyat sa kwarto dahil inaantok na talaga ako.
Nagpalaman na lang ako ng tinapay at iyon ang naging almusal ko. Bumalik ako sa kwarto para maligo. Nang matapos ay tinext ko si Reign para makipag tagpo na naman sa silong ng umbrella tree.
"Totoo?" Halos lumabas ang eyeballs niya sa gulat.
Kwinento ko sa kaniya ang lahat dahil alam niya din ang nakaraan namin ni Greg.
Tumango naman ako at malalim na bumuntong hininga."Akala ko okay na ako, pero nung magparamdam ulit siya biglang naramdaman ko ulit yung galit ko sa kaniya."Sabi ko dito.
Umusog naman siya para magdikit kami. Masuyo niyang hinaplos ang likod ko.
"Huwag kang makikipagkita sa kaniya,lily."Sabi nito."Alam ko yung pinagdaanan mo noong umalis siya. Iniwan ka niya na hindi nag sasabi."
Nginitian ko ito at sumandal na ako sa balikat niya. Pumikit ako at dinama ang malamig na simoy ng hangin. Pero agad din ako nagmulat ng makita ko ang mukha niya sa isip ko. Ahh! Bakit ba kasi siya nagparamdam pa. Okay na ako eh.
"Pero teka!" Biglang salita nito. Tumingala naman ako dito na nagugulohan."Paano niya nalaman yun number mo kung ganun?" Laglag ang panga niyang sabi.
Napaisip din ako.
Oo nga no? Matagal na siyang nagpalit ng sim. Ibinaon niya pa nga sa lupa yung sim card na yun palatandaan na tapos na talaga sila at di na muli mag uusap sa text. Dahil unang una! Si Greg ang nam-block sa number niya.
"Hindi ko alam." Sabi ko dito pero ang totoo ay napapaisip din ako ng malalim.
Bigla naman naningkit ang mata nito na ikinakunot ng noo ko. "Bakit?"
"Don't tell me...binigay mo no?" Sabi nito.
Inirapan ko naman ito at tumingin sa palayan.
"Bakit ko naman ibibigay sa kaniya? Ano ako stupida?" Sabi ko dito.
Ngumuso naman ito at di muna nag salita. Siguro nag iisip ito ng sasabihin niya.
"AHA!" Napahawak naman ako sa dibdib ko sa gulat. Tiningnan ko ito ng masama.
"Bakit ka ba nanggugulat?" Iritang sabi ko dito.
Natawa naman siya at tinapik tapik ang bikat ko."Baka ang mama mo nag bigay."Sabi nito."Alam mo naman yung mama mo obsess kay Greg noon. Gusto niya lagi itong ka bonding di ba? Botong boto pa nga ang mader mo sa kaniya." Mahabang sabi nito.
Napakamot naman ako sa kilay ko dahil nangangati iyon sa sobrang pagkairita.
"Bakit niya naman gagawin yun?"
Nagkibit balikat ito."Malay mo. O baka naputol man ang communication niyo noon ni Greg, pero baka sa mama mo, hindi."
GULONG gulo akong umuwi sa bahay pagkatapos ng usapan namin ni Reign. Nagpaalam na din ito dahil tatawagan niya pa ang daddy niya para kamustahin ito.
"Finally you're here!" Masayang sabi ni mommy nang lumabas ito sa kusina na may suot na apron.
Akmang sasalubongin ko siya ng yakap ng matigil ako sa pagsalubong nang makita ko si Greg at daddy na nagtatawanan palabas ng kusina.
At sa unang pagkakataon ay nagtama ang mata namin.
Anong ginagawa niya dito?
Download MangaToon APP on App Store and Google Play