Kaka transfer palang ni Amber sa SAN MIGUEL University, kinakabhan siya at nagpakilala sa unahan.
“Ako nga pala si Amber Villaruel nice to meet you!” Pagpapakilala niya at na upo sa isang tabi.
Napansin naman niya ang lalaking malapit sa bintana na nakatingin sa labas.
Hindi niya maiwasang kalabitan ang kanyang katabi at tanungin dito kung ano ang pangalan nung lalaki.
“Hi!”
“Hello! Ako si Vanessa Smith! Amber right?”
“Ah oo ako nga! Ngapala sino yun?” Turo ni Amber sa lalaki.
“Ah yung lalaki na malapit sa bintana? Siya si Andrew Sebastian. Ganyan talaga yan laging nakatutula ever since nung....”
“Nung?”
“Nung mamatay ang girlfriend niyang si Anna... Naging ganyan na siya.”
Nakaramdam naman si Amber ng awa sa nalaman niya. Siguro napaka heart breaking yun para kay Andrew.
Kaya nung araw na iyon napagdesisyunan niya na kaibiganin ito.
“Hi ako nga pala si Amber Villaruel!” Harang ni Amber sa daraanan ni Andrew.
“Ikaw yung bagong estudyante diba?” Andrew asked. “Oo! Gusto ko sana na maging magkaibigan tayo! Okay lang ba?” Isang malaking ngiti ang binigay ni Amber kay Andrew para ma convince niya ito na maging kaibigan niya.
“Bago ka nga dito! Listen! Ang ayuko sa lahat is yung pinapaki e laman ako! So, mind your own business! Hindi ko kailangan ng kaibigan!”
At umalis na nga si Andrew.
“Kung ako sayo wag mo nalang subukan na kaibiganin si Andrew kasi ikaw lang ang mahihirapan.” Sipsip ni Vanessa sa iniinom niyang juice.
Pero alam ni Amber na kailangan ni Andrew ng isang kaibigan. Isang kaibigan na makakasama niya at handa siyang tulungan sa mga problema niya.
Determinado parin si Amber na kaibiganin si Andrew. Kung kailangan ulit ulitin niya ang pangungulit dito sigurado si Amber na magiging magkaibigan din silang dalawa.
SA ROOFTOP
“Hi ulit! Ako ito? Si Amber!” Singhal ni Amber at umupo sa tabi ni Andrew.
Kasalukuyan silang na sa rooftop ngayon nalaman kasi ni Amber na ito ang favourite place na pagtambayan ni Andrew.
Sinong Source? Walang iba kung hindi si Vanessa lang naman.
-,-
“Ang kulit mo talaga nu? Hindi mo ba talaga ako titigilan?” Galit na sabi sakanya ni Andrew sabay kumain ng chicken.
“Chicken din ulam mo? Naks! Parehas tayo tignan mo!” Pakita ni Amber sa baon niya.
“Wala akong pake! Kumakain ako dito tapos guguluhin mo ako! Ms. Villaruel ano ba talaga ang plano mo?”
“Uy ikaw ah! HAHAHAHA masama ba na gusto lang talaga kitang kaibiganin? Ang lungkot lungkot mo kasi eh.”
“Oo, masamang masama! At hindi ko kailangan ng awa mo kaya kung pwede lang umalis kana! Bukas ang pintuan lumabas ka!” Putangina! Napamura nalang si Amber sakanyang isipan aalis na sana siya ng mahulog sa bag niya ang coke na kakabili lang niya kanina sa canteen.
“Coke ba yan?”
“Malamang! Aalis nako hindi ba pinapaalis mo na ako?”
“Wait!” Hindi maiwasan ni Amber na hindi ngumiti.
“Ano yun?”
“Papayag nako na maging kaibigan ka basta dadalhan mo ako lagi ng coke! Ano deal?!” At doon na nga nagsimula ang friendship nilang dalawa.
Download NovelToon APP on App Store and Google Play