"Cie...rra..." agad akong napabangon nang may marinig akong nakakakilabot na boses. Nanlalaki ang mga mata at halos hindi makahinga. It just a dream lang pala. Bumangon ako saking kama at nagtungo sa kusina para uminom ng tubig at napabuntong-hininga na lamang.
Madaling araw na pala. Lumabas ako ng bahay at gaya ng dati, lagi akong nag-eensayo sa gitna ng gubat. Pinapractice ko kasi ng maigi ang martial art technique pero hanggang ngayon wala parin akong pagbabago.
I always wanted to become stronger para naman maprotektahan ko si angkol Miyo at ante Marina. Pero kahit anong gawin ko, tingin sakin ni ante Marina ay isang walang kwentang tao at hindi espesyal. Ang ganda nga ng bininigay niyang pangalan sakin eh, Cierra "The darkest color of all" and "The black one". Grabe ante, ganda ng kahulugan ng pangalan ko.
"Cie...rra..." napatigil ako saking pag-eensayo nang marinig ko ulit ang tinig ng isang babae sa paligid. Parehong tonog at nakakapangilabot ng balahibo.
"Sino ka?" tanong ko na may lakas ng loob. At may namuong tinig sa paligid.
"Feel us..."
"Find us..."
"Cry for us..."
Kakaibang tinig sa paligid na mas nagpatayo ng balahibo ko. Nakakaawa ang tinig nito pero nakakatakot rin. At mas lalong nanginig sa takot ang isang kagaya ko ng mag-iba ang ihip ng hangin at unti-unting dumidilim ang paligid.
"Cie...rra..." ayan na naman siya.
Naramdaman ko saking likuran ang kalamigan at hindi ito basta lamig lang. It feels like a ghost presence. And there was a hand on my shoulder, a bloody hand. Sinubukan kong sumilip sa'king likuran at doon ko napagmasdan ang nakalapit na mukha ng isang nakakatakot na mukha ng babae. May sugat sa kanyang pisngi at dumudugo ito. Maputla ang balat at may mahabang buhok. Napakimono dress at kulay itim. At mapupula ang mga mata.
Halos mamatay ako sa takot nang mabilis niyang hinablot ang aking mukha, dahilan upang makaharap ko sya. Puno ng pighati at kasuklaman ang kanyang mukha nang inilapit niya ng maigi ang kanyang mukha saking mukha. May binigkas syang salita at pasigaw niya itong sinabi. "Demons may cry!" halos mabingi ako sa lakas ng boses nito.
Sa pagkasabi niya nu'n, may scenaryong biglang sumagi sa aking isipan. Ito'y scenario ng nakaraan kung saan nakikita ko roon ang iyak, sakit, pighati, at pagdudusa ng mga demonyo.
"Please, spare our life...we're also innocent."
"None of demons were innocent. You deserve to die."
"You don't understand us!"
"No one will never understand, demons. All you do is killing, so I shouldn't show mercy to each of you."
"One day, she will fight for us..."
Kahuli-hulihang ani ng isang babaeng demonyo bago sya paslangin ng isang mandirigma. At di nagtagal nawalan din ako ng malay.
Cierra's P.O.V
"Cierra! Cierra, gumising ka!" narinig ko ang tinig ni Aslan at ito rin ang nagpabalik sa'king malay. Pero bakit duguan ang kanyang noo at madumi ang kanyang damit. Dala-dala din niya ang kanyang long sword, parang napalaban sya.
Napalaban? Teka, ano?
Agad akong napabangon at nag aalalang tinanong sa kanya kung ano ang nangyayari. "Teka... Bat ka duguan at bakit dala-dala mo ang espada mo? Anong nangyayari?"
Hindi maiguhit ang kanyang mukha at umiiwas ng tingin sakin. "Ang bayan natin...ay...pinasok ng mga demonyo." Hindi sya nakatingin sa'kin. Ayaw niyang makita ang reaksyon ko na ngayo'y nanlalaki ang mga mata. Iniisip ko sina angkol at ante, kaya tatakbo na sana ako para irescue sila pero agad akong pinigilan ni Aslan sa pamamagitan ng pagyakap sa'kin ng mahigpit. At umiiyak sya habang humihigpit ang kapit ng mga kamay niya sakin. Utal-utal n'yang sinabing wala na sila.
"W-wala na sila. Y-yung angkol mo, y-yung ante mo t-t-tapos yung p-pamilya ko. W-wa-w-wala na s-sila."
Nanghina ako sa sinabi nya at unti-unting pumapatak ang luha. Hindi ko narin mapigilang maghibi sa balikat ni Aslan. Ako ko magdrama pero di ko mapigilan ang bawat luhang pumapatak sa mga mata ko at bawat hibi sa'king bibig.
"Tahan na, Cierra...sabi ni angkol Miyo mo magpatatag ka raw. Tas sabi rin ng ante mo, mahal ka daw nya." Matapos ko marinig ang mga salitang yun, napatigil ako sa paghibi at niyakap ng mahigpit si Aslan habang umiiyak ng walang hibi.Gumaan din ang pakiramdam ko sa mga salita nila.
Matapos ang drama, napag isipan namin ni Aslan na magtungo sa Elderia kingdom. Malayo ang bayan namin sa Elderia kaya di maiwasang pasukin kami ng mga demonyo.
Sa'ming paglalakbay, nagkausap rin kami ni Aslan. Si Aslan ay kababata ko, s'ya lang ang nag iisa kong kaibigan sa bayan namin. Matapang sya at malakas at napapalibutan ng mga babae dahil sa gwapo sya at maskulado.
"Magsisimula na ang bagong buhay natin. Maaaring mahirap o maganda ang bagong buhay na tutunguhan natin." Saad niya at kalmado lamang sya.
"Sana nga lang ay... Hindi paghihirap ang matatasama natin." Tugon ko naman.
"Sana nga..."
Tatlong araw bago kami makarating sa malalaking pader ng elderia entrance. May nakabantay sa loob at mukhang hindi kami papapasukin dahil wala kaming token na maipapakita sa kanila. Ang token ang patunay na kami'y mamamayan ng elderia. Tanging ang matatanda lamang ang may ganon kagaya ni angkol at ante. Nagmakaawa kami sa bantay pero hindi yun tumatalab sa kanila.
Maya-maya nama'y may dumaang kupunan ng mga tao. Nakasakay sa kalisa ang kanilang pinuno. Nilapitan iyun ni Aslan ng walang pagdadalawang-isip at doon natanaw niya ang isang babaeng puno ng diamond ang kasuotan at nagliliwanag ang kagandahan nito. Nagulat ang babae sa kanyang biglaang paglapit pero nagawa nya paring maging kalmado at tinanong si Aslan.
" Ano ang iyong sadya, ginoo?" Ani ng babae sa malambot na boses. Hindi makasalita si Aslan ng matino sapagkat na didisturbo sya sa karisma ng babaeng kaharap niya. " Umm....ano..." tanging nabuong salita na lamang niya. Sa pagkakataong ito, lumapit rin ako at sinabi ang nais. "Pa-umanhin, binibini. Ako ay si Cierra at ito naman si Aslan. Maaari bang humingi ng pabor?"
May ngite sa kanyang labi bago pa man sya nagsalita, "Ano iyon?" Hindi nako nag alinlangang sabihin sa kanya. "Maaari bang makisabay sa inyo? Kapalit nito ay...pagiging alipin ng isang araw." hindi ko sya tinignan at agad na sumang-ayon. Hindi namin inilayo ang distansya namin sa kanyang sinasakyan dahil sigurado akong pipigilan kami ng mga bantay roon.
Pagdating namin sa harangan, agad na napansin kami ng mga bantay at aakmaing hindi kami papasukin. "Teka... Anong ginagawa nyo'ng dalawa d'yan?" ani ng head guard samin at sumenyales sya sa kanyang kapwa guard para palisin kami pero bago paman iyon nangyari, nagsalita ang binibini. "They're one of us. Why are you capturing them?" she whispered while giving them a disgusted face.
The head guard humiliated and apologized when he realized, it was the princess. He kneeled down and had begged to spare his life. "Please...spare my life, princess Starlette!". But the princess ignored him and sent some signal to the front to keep going.
So, she was the princess. How embarrassing? We don't even knows who's the king and queen, and the princess of this land. I must apologize to her.
"Umm... I'm sorry for not recognizing you, princess. Hindi kasi uso samin yung hari at reyna."ani ko at biglang pinisil ni Aslan ang aking tainga, medyo masakit yun. "Hehehe...pa-umanhin, prinsesa. Loko-loko ang kasama." may pekeng tawa na namuo sa mukha ni Aslan habang nakatingin sa prinsesa. At may mahinhing tawa akong narinig at nang aking liningon, ito ay ang prinsesa. Nakakatuwa pala ang mga sinasabi ko?
"Ok lang... I can't blame you." saad ng prinsesa at naging seryoso muli ang kanyang mukha. Ikinagulat naman namin iyon at muling nagsalita ang prinsesa. "You're new here. Why dont you explore different things there? Anyways... Let's separate here... And welcome to my kingdom!"
Nabigla naman kami sa kanyang sinabi at pinaalala sa kanya, "Pero pano ang deal?" saad ko. "Forget about it!" she exclaimed.
Lumiko ng daanan ang kanilang kupunan at iniwan kami dito. Humiyaw si Aslan, "Salamat, princess! Hanggang sa muli!" Pangite-ngite niya itong binigkas at hindi na nawala sa kanyang mukha ang ngite.
Cierra's P.O.V
"So...what's the plan?" saad ko habang patuloy na naglalakad sa syudad. Napakamot lamang s'sya sa kanyang ulo sabay bigkas ng "ewan". Sinapak ko ang kanyang ulo at wala syang reaksyon doon pero mgumisi sya. "Ni di man lang ako nasaktan."
"Eh sipa, gusto mo?" inis kong sabi habang nakahawak ang dalawang kamay sa aking baywang.
"Sus! Wag na! Kasing sakit lang naman ng langgam ang atake mo!" pang-aasar pa niya habang sinasadyang nilayo ang distansya sa'kin. Inis na inis na ko sa kanya kaya inatake ko na ng unang sipa. Alerto naman kaya hindi ko na nasipa ulit ang pwetan nya. Tumakbo sya habang sinusundan ang kahabaan ng daan patungo sa iba't- ibang lugar ng elderia. Hinabol ko ang pasaway na Aslan na iyon hanggang sa di ko namalayan ang isang matandang babae na bumili ng mga prutas sa gilid. Nabangga ko ang basket niya, dahilan para mahulog sa lupa ang ibang prutas na binili niya.
"Pasensya po, lola. Hindi ko sinasadya."sambit ko sa kagalang-galang na paraan. Agad ko namang kinuha ang mga prutas sa lupa.
Ngumite ang lola at ani pa niya'y "ok lang...mas mabuting aminin ang sariling kasalanan." Pinasok ko sa kanyang basket ang mga prutas at napaisip. Papaalis na sana ang matanda nang pinigilan ko iyon. Mahigpit ang pagkahawak ko rito at binigyan sya ng nakakaawang mukha. Naglakas-loob akong sabihin ang kung ano man ang nasa isipan ko." Lola...pwede bang makitira sa inyo? Kahit ilang araw lang, pwede na samin yun! Promise po magiging mabait at masunurin na bata po kami." medyo nahihiya ko pang sabi.
"Uy, Cierra! Anyare ahh?" Biglang sulpot naman ni Aslan habang nakakunot-noo ito.
"Tumahimik ka!" sambit ko naman. Tinarayan ko sya at umiwas ng tingin. High blood parin ako sayo, boy!
Napatahimik kami nang mapansing tumatawa ang matandang babae sa'min. Hindi kami naka-imik. "Nakakatuwa kayo mga bata. Hali kayo, sa'king bahay." Tumalikod siya sa'min at nagsimulang maglakad. Agad kaming sumama sa kanya.
Makalipas ang ilang oras, nakarating kami sa kanyang kubo. Isang munting kubo na tanging dalawang tao lamang ang kakasya sa higaan. May madamo s'yang bakuran, mga alagang kambing, may kunting anihan at puno sa paligid. Wala syang kapit-bahay pero may balon sa bandang kaliwa. Ang lugar na ito ay malayo sa capital, nasa hilagang kanlurang parte ng elderia ang lugar na ito. Malapit sa mabundok na lupa at sapa.
"Khalista!" Sambit ng matanda sa isang tao. Bumukas ang pintuan ng kubo at roon lumabas ang isang dalagitang may inosenteng mukha. Direkta s'yang nakatingin sa'min at nakakunot ang noo nang mapansin niyang may kasama ang matanda. Agad s'yang nag-react, "Lola, sino sila?"
"Sila ba? Ay oo...ano palang pangalan ninyo?" tanong ng matanda ng mapagtantong hindi kami nagpakilala sa isa't-isa. Tumaas ang kilay ni khalista. "Lola, bakit kayo nagdala ng hindi ninyo kilala? Hindi ba't nag-usap na tayong tatlo nito?" may pagbabago sa tono ng salita ni khalista at nag-iba din ang kanyang aura, mula sa inosenteng mukha hanggang sa naging kontrabidang mukha.
"Homeless kasi sila, apo. At mga bata pa sila, baka ano pang mangyari sa kanila sa syudad." paliwanag ng matanda ngunit hindi sang-ayon si khalista doon, bakas sa kanyang mukha ang hindi magpatuloy ng kahit sino sa kanilang lugar. "Pero lola...alam mo namang_" putol nyang sabi nang umapaw ang matanda sa kanya. "Natitiyak kong mabait sila at hindi kagaya ng iba dyan... Hali kayo, mga apo. Pasok dito!"
Napahinga ng malalim si khalista at hindi nawala sa kanyang mukha ang pagiging maldita. Kinuha ng matanda ang mga kamay namin para papasukin sa loob. Ikinagulat din namin ang kubo. Ang bahay nila ay underground, ang makikita sa loob ng kubo ay sementong hagdan lamang patungo sa ilalim.
Dahan-dahan kaming bumaba at bumungad sa'min ang mga antic na nakadisplay sa paligid at mga naka-ukit na linggwahi na hindi namin maintindihan. Nakakagulat rin dahil may nakatanim na halamang celes sa kahit saang parte.
Ang halamang Celes ay mahigpit na ipinagbabawal sa kahariang Elderia sapagkat binibigay nito ang kung ano man ang gustong hilingin ng mga tao ngunit sa isang kondisyon, maaaring pagkalas ng isang buhay o magkakaroon ng kapansanan. Sinasabi ring ito'y enerhiya ng mga demonyong celestian kaya lumalakas ang mga ito. Ito din ang pinakapangunahing dahilan kung bakit ipinagbabawal ito sa kaharian, takot ang buong mundo sa kakayahan nito at ang pag-usbong muli ng mga demonyong celes, lalong-lalo na ang pagbabalik ni haring Cedues ng Celes Kingdom. Ayon ng karamihan, si haring Cedues ay kasing lakas ng demonyong naghahari sa Death paradise. Ito ang kasalukuyang kinatatakutan ng mga mortal at immortal, matapos magwakas ang Celes kingdom.
Nakahiga ako sa aking kama, matagal narin nu'ng hindi ako nakapaghinga ng maigi. Ipipikit kona sana ang aking mata nang biglang sumulpot si khalista sa'king harapan. Wala parin sya sa mood." Kama ko yan!" ani niya kaya pala masama parin tumingin.
"S-sorry, hindi ko alam." saad ko at agad na bumalin ng higaan para hindi na sya magalit. Wala s'yang imik at agad na humiga.
Gumagabi na pala, hindi ko masyadong pansin kasi nasa ilalim kami. Pumasok sa loob ang matanda, kanina kasi nasa labas sya para i-check ang mga alagang kambing. Humiga s'ya sa kaliwang banda ni Khalista kung saan magkasunod ang kama ng matanda at ang kama ni Aslan. Si lola Luceta pala ang pangalan ng matanda.
Napansin kong hindi pa natutulog ang matanda at yung iba pa, kaya tinanong ko na kung ano man itong kanina pa sa isipan ko. "Lola...bakit may halamang celes sa paligid?". Wala pang isang segundo, gulat na galit ang bumungad sa'kin sa mukha ni Khalista. Ano bang problema nito?
"Apo...ang sagot ay hindi ko rin alam." tugon ng matanda at may malilim na iniisip ang ekspresyon ng kanyang mukha. Nakatuon ang atensyon ni Khalista sa matanda.
"Pero lola...alam mo po ba yung kwento tungkol sa mga demonyong celestian?" Panibagong tanong ko naman at gano'n parin ang reaksyon ni khalista. Hindi na s'ya nakapagtimpi, sumambat s'ya. "Bakit ba sobrang interesado ka? Di ba dapat kinakalimutan na kasi wala na? Dapat nga magsaya ka!" Walang brenong tugon ni Khalista at suklam na suklam ang tono ng boses nito. Nagtaas ng boses si lola Luceta dahil sa kanyang pag-asta. "Shalista! Tumigil kana!"
Shalista? Hindi ba't Khalista ang kanyang pangalan? Itatanong ko sana pero hindi ko na tinuloy dahil sa pangyayari.
Tinignan ako ng masama ni khalista bago n'ya nilagyan ng kumot ang kanyang mukha. Nagtitimpi s'ya sa galit. Nagsalita ulit ang matanda, "Pasensya kana, apo kong Cierra sadyang ganyan ang apo kong Shalista. Umm...may tanong ka kanina, ano nga ulit iyon?" ani ng matanda na ngayo'y nasa kalmadong tono. Tinignan ko muna si Khalista, baka kasi mapuno na naman s'ya ng galit sa'kin. "Tungkol po iyun sa Celes Kingdom." saad ko.
Nag-isip ang matanda at nagsimula s'yang magkwento, "17 years ago, may labanang naganap sa pamamagitan ng mga demonyong celestian at mga immortal. A bloody night for all sides. King Cedues tried to save his people but only his beloved wife and his little duaghter had succeed to leave the place. And no one knows where they are now."
Napaisip ako, so may chansang babalik pa ang mga celestian. Tumahimik ang matanda at maya-maya naman, bumangon s'ya sa kanyang kama. Lumabas sya at napansin iyon ni Khalista kaya sinundan niya ito sa labas. Nagkaroon din kami ng pagkakataon na magka-usap ni Aslan. Sinabi ko sa kanya ang mga kakaibang ipinapakita ni Khalista at sa mga paligid dito.
"Parang may mali sa pamilyang ito. Kakaiba sila mag-react kung babanggitin ang tungkol sa celes. At nalilito ako, khalista ang pangalan sinabi ng matanda kaninang hapon ngayon sabi n'ya Shalista." Tugon ko pa at napatango-tango lamang si Aslan. May iniisip din sya, "Baka makalimutin ang matanda, kaya hindi na niya maalala ang eksaktong pangalan ng apo n'ya." ani niya na nagbibigay punto sa sitwasyon.
Download MangaToon APP on App Store and Google Play