Sa isang tahimik na lugar sa San Pedro Laguna ay nakatira ang isang binatang nag nga ngalan na Nolan. Isa lang siyang simpleng tao, hindi kagwapuhan, hindi matalino, walang nagkakagusto, at tamad din. Pero kahit ganon ay meron parin naman siyang matatalik na mga kaibigan siguro ay wala ng iba pang pag pipilian ang mga ito kaya naman kinaibigan sya ng mga ito.
Darwin: Nolan tara na at pinag hihintay mo na naman kami
Jerwin: Lagi namang ganyan yan bakit ba ang bagal mong kumilos?
Nolan: Sorry na ang ganda kasi ng pinanonood ko
Darwin: Ano na naman ba pinanonood mo?
Nolan: Ah anime Yung haikyuu
Nolan: Hindi ko akalain na maganda rin pala yung mga isports anime
Darwin: Isa yan sa paborito kong anime, ilang beses ko nang inuulit ulit panoorin yan
Jerwin: Hindi na nakakagulat iyon naglalaro ka ng volleyball diba?
Darwin: Oo kaya nga paborito ko yan
Jerwin: Pero himala akala ko sa hilig mo ang fantasy na mga anime?
Nolan: Nag try lang ako na sumubok ng bago
Nolan: Saan nga ba tayo pupunta?
Jerwin: Muntik ko nang makalimutan, ikaw ng mag sabi sa kanya
Darwin: Edi ako na ang hina mo talaga pag dating sa ganito
Darwin: Nolan... Gusto tayong maka usap ng lola
Nolan: para saan naman?
Jerwin: Hindi ko rin alam pero nanghihina na ang lola
Darwin: Baka huli-
Nolan: wag mo ng i tuloy alam ko
Jerwin: Tara na at baka ma huli pa tayo
Sabay sabay nang pumunta ang tatlo sa bahay ng lola ni Nolan, lola na rin ang tawag nila jerwin at Darwin dahil sa matagal narin silang kilala ng lola ni Nolan. Nang makarating ang tatlo sa bahay ng lola ni Nolan ay naabutan nila itong nang hihina habang naka higa sa kama nito sa loob ng bahay nila
Nolan: Lola hinahanap mo raw po kami?
Lola: Nandito na pala kayo, kasama mo ba sila?
Nolan: Opo nasa likod ko po sila
Nolan:May sasabihin daw po kayo?
Lola: Konting oras nalang ang natitira ko sa mundo, matanda na ako at maaring bukas ay wala na ako.
Lola: May gusto lang akong hilingin sayo
Nolan: Ano po iyon?
Lola: Gusto ko sanang ikaw ang tumupad sa pangako ko sa lolo at magulang mo
Nolan: Pero lola ang imposible po ng hinihiling mo
Nolan: hindi ko nga po alam kung totoo ba talaga iyon
Lola: Totoo iyon apo
Lola: Pakiusap
Nolan: Pero lola
Lola: Masyado na kong matanda para pag patuloy pa ito kaya naman gusto kong ikaw ang mag tuloy nang nasimulan namin ng lolo at mga magulang mo
Narrator: Hinang hina na tumayo ang matanda at may kinuhang kahon sa ilalim ng kanyang papag
Nolan: Ano po iyan lola?
Lola: Nandito ang lahat ng ka kailanganin mo, nandito narin lahat ng nalaman namin sa aming pag hahanap
Lola: Hanggang ngayon ay hindi parin namin na pupuntahan ito kaya nais kong ikaw ang unang maka pag patunay dito
Lola: Pakiusap apo ipangako mo
Nolan: Opo lola gagawin ko po ang lahat ng makakaya ko
'Ilang araw lang matapos sabihin ito ng lola ni Nolan ay namayapa narin ito ngunit nag dadalawang isip parin siya kung gagawin nya ito. Habang nakaupo si Nolan sa ilalim ng puno ng malaking mangga ay dumating si Jerwin
Jerwin: Kamusta? Ilang araw narin ng pumanaw ang lola
Nolan: Ok lang, matagal ko narin itong pinagdaanan kaya naman hindi na ko masyadong nag paapekto
Nolan: ok narin iyon upang mag kita na sila ng lolo
Jerwin: Anong balak mo?
Jerwin: gagawin mo ba yung bilin ng lola?
Nolan: Hindi ko nga alam eh para kasing ang labo kong magawa iyon
Jerwin: Nakita mo na ba yung laman ng kahon?
Nolan: Hindi pa tiya ka na kapag na pag desisyon na kong gawin iyon
' Habang nag uusap ang dalawa ay dumating narin si Darwin '
Darwin: Nandito lang pala kayo hinahanap ko kayo eh
Nolan: Bakit?
Darwin: Wala lang, pero ano nga palang balak mo?
Nolan: balak saan?
Darwin: Doon sa bilin ng lola mo, di ko nga alam kung bakit pati kami ipinatawag doon eh ikaw lang naman pala bibilinan
Jerwin: Oo nga nagtataka rin ako roon
Nolan: Hindi ko rin alam, pero siguro nagpaalam lang din siya sa inyo
Darwin: Pero balak mo?
Nolan: Tiya ka naiyon
Nolan: Pero kung gagawin ko ba sasama kayo?
Nolan: Wala narin naman akong natitirang kamaganak na nabubuhay, nag iisang anak lang ako at pumanaw narin ang huling kamaganak ko
Jerwin: Sasama ako, wala narin naman akong dahilan pa para manatili rito
Jerwin: Simula ng iwan ako ng mga magulang ko kayo nalang ang meron ako kaya sasama nalang ako
Nolan: Ikaw Darwin?
Darwin: Hindi ako sasama, baka mag sayang lang tayo ng oras diyan isapa may pamilya pa ako
Nolan: Sigurado ka?
Nolan: Wala namang mawawala kung susubukan natin
Darwin: Kahit na ayokong sumugal sa bagay na hindi ako sigurado
Nolan: sige kung yan ang gusto mo, pero kung mag bago isip mo ay sabihin mo kagad samin
Darwin: sige, pero tignan na muna natin yung laman ng kahon na iniwan sayo hehehe pa tsismis
Jerwin: Oo nga tignan natin
Nolan: Sige napapa isip din ako kung anong laman noon
' Pumunta ang tatlo sa loob ng bahay nila Nolan at kinuha ang kahon, nang buksan nila ito ay may nakita silang mapa, journal, kuwintas, kompas, at isang sulat. Binasa nila ang nilalaman ng sulat "hangad ko ang iyong tagumpay sa inyong pag lalakbay" laman ng liham. Agad nilang tinigan ang mga nakasulat sa journal, journal ito ng lolo ni Nolan sa kanyang pag lalakbay. Mayroon na 69 pages ang journal na ito at sa bawat page ay tila mag kaka layong araw ito sinulat dahil mag kaka layo ang araw nito. Tiningnan din nila ang mapa na kasama rito.
Nolan: Mukhang malayo layo rin pala ang pintuan papunta rito
Jerwin: Kaya nga parang gusto ko ng simulan
Nolan: na kapag desisyon na ko pupunta tayo
Jerwin: Kailan naman natin balak umalis?
Nolan: Sa susunod na araw, sa araw ng linggo
Jerwin: Sige ihahanda ko na ang dadalhin ko
Jerwin: Ano nga pala ang sasakyan natin, hindi naman pwedeng mag lakad tayo.
Nolan: Yung iniwan na motor ng lolo
Nolan: Marunong naman akong mag motor at meron din namang perang iniwan ang lola bago sya pumanaw
Jerwin: Sige,, pero sigurado kanaba win?
Darwin: Oo, balitaan nyo nalang ako kapag nahanap nyo na
Nolan: Sige
' Sabay na umuwi ang dalawa upang mag handa na sa pag alis nila, habang si Darwin naman ay nagpaiwan ng saglit at maya maya ay umuwi na sa kanilang bahay '
Nanay: Bakit ang aga mo ngayon umuwi 2pm palang ah
Nanay: Hindi mo ba kasama yung dalawa?
Darwin: Kasama ko sila kanina pero umuwi narin sila, naghahanda kasi sila
Nanay: para saan naman?
Darwin: Aalis sila balak nilang puntahan yung lugar
Nanay: Anong lugar?
Darwin: City of paradise.
' Napahinto sa pag lilinis ang mama ni Darwin ang sabihin nya ito at agad na humarap sa kanya '
Nanay: Sasama kaba?
Darwin: Hindi baka mag aksaya lang kami ng oras doon
Nanay: Bakit naman wala namang mawawala kung susubukan nyo
Darwin: Kahit pa ayoko parin
Nanay: Alam mo ba noong bata pa kami ng papa mo ay kaibigan na namin ang magulang ni Nolan at ni Jerwin, pinangarap din namin ng papa mo na puntahan ang lugar na iyon. Pero ng dumating ka sa amin ay itinigil na namin ang pag hahanap dito
Darwin: Kilala nyo po ang magulang ni Jerwin?
Nanay: Hindi ko ba nasabi sa iyo na kaibigan ko ang mama at papa ni Nolan at Jerwin?
Darwin: Hindi pa ngayon ko lang nalaman iyon, pero bakit po iniwan nila si Jerwin?
Nanay: Hindi nila ito iniwan, na aksidente silang dalawa noong huling araw ng pag hahanap namin sa lugar nagkataon na hawak ko ang anak nila kaya hindi ito nadamay
Nanay: Kaya naman bakit hindi ka sumama
Darwin: Pano po kayo ni papa?
Nanay: Matanda na kami ng papa mo pero malakas pa kami kaya naman hihintayin ka namin sa iyong pag babalik
Darwin: Pag iisipan ko po
Download MangaToon APP on App Store and Google Play