Nag-aaral kami ng law books sa cafeteria kasama ang aking kaibigan. Concentrate kami sa pagsusulat ng notes sa aming notebook nang nagtitili ang girls na parang kinikilig, ang sakit sa tainga ang boses nila.
Dumating pala ang campus princes.
“Narito si Lincoln!” sigaw ng cutie friend namin na si Catie Zhang.
Napatingin ako sa lalaking naka-side bangs at cool na cool sa pagbitbit ng bag. Siya si Lincoln Vega, ang mood maker ng Industrial Engineering. Party goer, friendly, at masayahin. Member ng soccer team at masasabi kong MVP.
“Ang guwapo ng kapatid mo Vien!” sabi ng emo naming kaibigan na si Gwen Manansala.
Napailing na lang ako. Isang taon ang tanda sa akin ng step brother ko na Thai na si Kuya Daine o ang buong pangalan ay Sii Kao Nakhaeng. Geez, nahihirapan pa rin akong bigkasin ang name niya. Siya ang Snow White ng AB Literature dahil sa sobrang puti ng balat, pulang labi, at itim ang buhok. Singkit at matangkad siya at boyfriend niya ang COF ng Somri Company sa Thailand na si Kuya Harry na ang buong pangalan ay Tewada Somri.
Lagi kami kinukumpara sa looks pero sa talino naman ay talo ko siya. Ang mga kaibigan ko lang nakaalam na step brother ko siya. Hindi alam ng kaibigan niya na magkapatid kami kasi kapag nasa bahay sila ay lagi ako sa kuwarto o may lakad ako. Tapos ngayon hindi kami parehas ng condo unit na tinutuluyan. Ang alam lang nila na kapatid ni Kuya Daine ay si Korn na half brother ko. Halos magkamukha sila.
Nahagip ng tingin ko si Chardy Evans, ang prince ng Architecture. Sobrang guwapo, asset ang cute dimples niya, sobrang bait, kaibigan ng lahat, mapagmahal sa kapwa, halaman, at hayop. Makikita mo na tinuturuan niya ang Freshmen sa subjects, magbitbit ng mabibigat na bagay sa ibang tao na nahihirapan at binibigyan ang mahihirap ng pagkain, malinis na tubig, at damit. May fans club siya na ang pangalan ay Princesses, lagi sila nakaantabay sa buhay niya at number one supporters niya sa Tennis. Ang kinaiinisan ko sa kaniya ay ang pagiging mixed signal niya, ang daming tao na nag-assume na gusto sila nito pero hindi. Galing siya sa napakayaman na pamilya. May-ari sila ng Transportation company at Architect company. Sorry na lang sa mga babae na obsessed sa kaniya dahil hindi niya type ang lahi ni Eva.
Nagkakilala silang tatlo sa pageant no'ng Freshmen pa sila at naging magkaibigan. They are the best faces of university.
“Chardy, puwedeng sabay tayong mag-lunch,” hiling ni Krystal Eliseo, ang Campus Princess ng Law, anghel ang mukha pero alagad ng masasama ang ugali. Naging kaibigan namin siya no’ng senior high pero simula nang naging Ms. Ford University siya ay who you na siya sa amin tapos obsessed siya kay Chardy. Alam mo bang sinasabunutan niya ang mga babae na lumalapit kay Chardy? Grabe ang lala niya. Anghel siya sa harap ni Chardy pero pag talikod ay nagiging bruha na.
“Sorry Krystal, kami ang magiging kasama niya mag-lunch. Next time ka na lang,” pang-aasar ni Lincoln.
“Ano ka ba Lincoln! Puwede naman siya sumama sa amin mag-lunch, di ba Chardy?” sabi ni Kuya Daine, ang bait naman ng step brother ko.
“Yes, she will join us.” Ang bait naman niya kaya nagiging assuming ang bruha na iyan dahil sa pagiging mixed signal mo.
Umikot ang mga mata ko at itinuon ang atensyon sa libro. Geez, ang sakit nila sa mata. I have a crush on him before, pero nang nalaman ko na attracted siya sa kapwa niya kalahi ni Adan ay nawala ang pagka-crush ko sa kaniya.
Kung sina Kuya Daine ay campus princes, kami naman ang campus nerd. Laging pinagtawanan sa pagiging weird namin at tampulan ng tukso. Kahit ganoon ay bawing-bawi kami sa talino. Iyong dalawa ay magaganda at cute samantalang ako ay pinakapangit sa campus. Pandak, short hair, maraming pimples sa mukha at peklat sa balat.
Honestly, we’re not ordinary nerds.
“Malapit na ang next subject natin. Balik na tayo sa room,” paanyaya ko.
Sumang-ayon naman sila at tumayo kami saka naglakad paalis. Napadaan kami sa CR. Napansin ko na may cat fight sa CR ng girls. Kilala namin ang boses.
“Mauna na kayo, may gagawin pa ako.”
“Mangialam ka naman ng gulo ng iba,” sabi ni Gwen.
“Isumbong natin sa prof. ang nangyari kaya huwag ka nang sumugod.”
“Ako na ang bahala, kaya ko na ito.”
Humiwalay ako sa kanila. Pinipigilan nila ako pero hindi ako nagpatinag. Pumasok ako sa CR. Nakita ko si Krystal na nakipagsabunot ng buhok sa dalawang babae na nasa tingin ko ay Law students din.
“This trouble is against the rules of the university. Then, why didn’t you stop your stupidity?”
Tumigil ang away nila tapos tumingin parehas sa akin. Iyong dalawa ay tumayo sa gilid at tumingin sa ibaba samantalang si Krystal ay asar na inayos ang kaniyang buhok.
“If this trouble happens again then I will report to the guidance counselor regarding the bad behavior inside the university. Both of you will go back to class except you.” Tiningnan ko si Krystal sa mata.
Naglakad ang mga babae palabas ng CR na nasa ibaba ang tingin.
“Kailan ka matuto? Pagbalik-balik ka na sa office ng guidance councilor dahil sa parehong dahilan. Alam mo ba na konti na lang patatalsikin ka na sa university sa ginawa mo?”
“So what? They try to steal my man kaya deserve nila iyon. Bakit ka pakialamera sa buhay ko, a?”
“There is a line between love and obsession. Unfortunately, you are obsessed and delusional. You are studying law but you can’t understand the simple logic that he’s not into you because he doesn’t like girls.”
Itinaas niya ang kaniyang kamay “Ok! Ok! I understand Ms. First-Year Representative!”
Nag-walkout siya at sinara ang pinto ng malakas. Hinilot ko ang aking sintido.
Geez, this girl is impossible!
Advice ko lang sa kaniya na magpa-check-up sa utak, hindi ko na maintindihan ang ugali niya. Hindi naman siya ganyan dati, nagbago lang siya nang nagkagusto siya kay Chardy.
Umalis ako sa CR at pumasok sa room. Nagtanong sila kung anong nangyari at ang sagot ko ay same drama. Hindi na sila umimik, alam na nila na si Krystal naman ang problema.
After class ay tumambay kami sa bleachers. Nagbabasa ng chat si Catie samantalang si Gwen ay nagpapatugtog ng gitara. Tinatapos ko naman ang assignment ko.
“My gosh! May problema naman si Ate Cath! Girls nanghihingi ng advice ang sister ko. What do you feel na malaman ninyo na nag-cheat ang boyfriend. Ikaw, Gwen?”
“Masasaktan siyempre at susuntukin ko siya para pareho kami masaktan. Hindi lang dapat ako makaramdam ng pighati.”
“How about you, Vien? I expected a good answer from you Ms. Vien Rose Santiago kaysa kay Gwen.”
“I feel like it motivates me to become single forever.”
“Hindi kayo seryoso mag-advice, ‘no?”
Tumawa lang kami. Nakasimangot siya na binaba ang CP.
“I rephrase it. What did you do if you find him cheating?”
“Break-up!” sabay naming sagot.
“Hiwalay agad?”
“E sa uulitin naman niya iyon kaya hindi na magdalawang isip, break-up agad.”
“Gwen is right and we support break-up here especially for the stupid guys.”
“Ok . . . Sasabihin ko ito kay Ate Cath,” nag-type siya sa kaniyang CP.
Ipinatong ni Gwen ang gitara sa gilid. “May sasabihin ako sa inyo. May nakita akong guy na nagustuhan ko.”
“Waah! Really? Anong hitsura niya?”
“Matipuno, guwapo, moreno, may snake tattoo wrist tapos may peklat sa likod.”
It feels like familiar to me . . . I remember Ate Adele warned me about those guys. May snake tattoo sa wrist tapos may peklat sa likod na parang hinampas ng latigo.
“Parang linatigo ba ang hitsura ng sugat niya?”
“Oo.”
“He is like a gangster so better get rid of him.”
Natameme siya sa sinabi ko. Sana sundin niya ang advice ko kundi ay mapapahamak siya dahil sa ganyang tao. Tumunog ang CP ko at sinagot ko ang tawag.
“Hello Ma? Napatawag po kayo.”
“May niluto akong paborito mong munggo. Sa bahay ka na muna maghapunan, anak. Isama mo na ang kuya mo pag-uwi.”
“Sige po, pero . . . hindi ko makakasabay si Kuya Daine pag-uwi dahil may gagawin yata siyang project mamaya.”
“Sige, basta umuwi kayong dalawa mamaya. Magtatampo ako kung hindi kayo maghapunan dito.”
“Sige po.”
Ibinaba niya ang tawag. Napatingin sa akin ang mga kaibigan ko.
“Ayaw mo talaga magsabay kayo ng kuya mo, ‘no?” sambit ni Catie.
“E sa ayaw ko malaman ng iba na kapatid ko siya baka pagkumpara naman ang hitsura namin. Sasabihin na bakit ang pangit ko pero ang kuya ko ay ubod ng guwapo.”
“Masyado mong binababa ang iyong sarili,” komento ni Gwen.
“E sa totoo naman.”
Nagkibit balikat sila at bumalik sa kanilang ginagawa. Bakit kasi ako lang ang pangit sa pamilya?
Isinara ko ang gate ng bahay at pumasok sa loob. Napatigil ako nang marinig ang nagtawanan na alam kong mga kaibigan ng kuya.
“Geez, wrong timing!”
Umikot ako at umakyat sa pader. Umapak ako sa terrace. Buti bukas ang pinto kaya nakapasok ako sa kuwarto. Magtatago naman ako nito hanggang sa umalis ang mga kaibigan niya.
Nag-chat ako.
Mga 30 minutes ako sa kuwarto nang umuwi na sila. Lumabas ako at dumiretso sa dining area. Naghugas ng kamay at umupo sa hapag-kainan.
“Kain na.”
“Sige po.”
Kumuha ako ng kanin at mga munggo. Kumain ako.
“How is your study?”
“Exciting! May ipapagawa po sa amin ng screenwriting para magamit sa play namin. Alam mo po ba Pa? Nakagawa ako ng novel sa online na nagustuhan ng readers. Ang problema ko lang ay hindi ako pinapansin ni Nong Vien. Ayaw niyang sumama sa akin mag-lunch.”
“You’re too childish, Kuya Daine.”
“Bakit ayaw mo, anak?”
“Masyado lang po akong busy kaya hindi ako sumasama kay kuya.”
“Oy! Hindi ka naman lagi busy! May time pa nga kayo mag-hangout.”
Ang bunganga mo talaga! Walang preno!
“Dahil ba dati?”
Ang ibig niyang sabihin ay iyong lagi kami kinukumpara ng kuya. Pareho kaming mahal ng parents namin at wala sa amin ang lamang pero ang mga tao sa paligid namin ng kuya ay masyadong judgemental.
Hindi ako umimik. Nakatingin lang ako sa pagkain.
“Phi Daine, alam mo ba na mataas po ang score ko sa Math? Ako po ang may pinakamataas na score sa exam namin!” pagmamalaki ni Korn.
“Talaga? Congrats sa ‘yo!”
“We should celebrate it! Saan ba gusto kumain?” tanong ni Pa.
“Sa fast food chain po na may bubuyog na pula at yellow.”
“Sige, pupunta tayo roon bukas pagkatapos ng klase mo.”
Tumingin si Korn sa akin sabay kindat. Ice breaker ka talaga Korn, buti niligtas mo ako sa awkwardness.
Kinabukasan nasa library ulit kami ng friends ko para mag-advance study before class.
“Tingnan mo girls, sasama si Lincoln sa Pride Month Party. Anong ibig sabihin nito?”
I never heard party before other than a parade during Pride Month. But Kuya Daine said that the party is sponsored by no other than his friend Chardy.
“Don’t overthink, alam mo naman magaling makisama siya at party goer. Kahit hindi naman siguro part ng LGBTQIA+ puwede siguro siya maki-party,” komento ko.
“Imposible! Mga part ng LGBTQIA+ lang kasama rito.”
“Grabe ka naman, puwede siya maki-party kasi ally din naman siya,” sabi ni Gwen.
Ang ally ay mga taong sumusuporta sa LGBTQIA+ which is katulad namin.
“Kinakabahan na ako baka . . . bet niya ang boys, wala na akong pag-asa sa kaniya.”
“Wala ka naman talaga pag-asa sa kaniya sa simula pa lang,” panggagatong ni Gwen.
Siniko ko siya sa balikat at pinandilatan ng mga mata. Malungkot na iyong tao lalo pang dinagdagan ang bigat ng loob.
“How about this? I have a plan. Vien, can you give me a favor to go to the party to confirm na hindi totoo ang iniisip ko?”
“What? No freaking way!”
“Grabe ka Catie, papuntahin mo ang kaibigan natin sa party e naroon din ang nam-bully sa atin.”
“Ok! I have an idea. How about you pretend as a boy at the party? Para hindi ka nila makilala.”
“You persistent! What if my brother will see me?”
“Paano ka makikita ni Phi Daine e maraming tao roon? Baka magiging kasama niya si Phi Harry at mag-lovey-dovey ang dalawa na hindi ka na mapapansin. Sige na pumayag ka na, please?”
“Fine! On one condition, you will treat us in samgyupsal for two weeks. Deal?”
“Deal! For the sake of love.”
“Kung mapahamak doon si Vien dahil nakilala siya ng bully ay ikaw ang sisihin ko,” banta ni Gwen.
“I’ll take the responsibility if that will happen.”
Download MangaToon APP on App Store and Google Play