Ang sabi nila hindi na natin pwedeng maibalik ang oras....paano kung sabihin kong ito ay kasinungalingan....Ako si dahlia at ito ibabahagi ko sa inyo ang istorya ng aking buhay.
Nanggaling ang pangalan kong "Dahlia" sa paboritong bulaklak ng aking lola na Dahlia dahil ako daw ay may angking kagandahan nang akoy dumating sa mundong ito.
Malakas ang simoy ng hangin,naririnig ko ang mga huni ng mga ibon sa na nasa tapat lamang ng aming bintana...
"Dahlia...dahlia..!!"
tinig galing sa ibabang palapag ng bahay.
"opo papunta na!!" aking tugon.
"Ikaw talagang bata ka hindi bat sinasabi ko saiyo na huwag na huwag kang tumambay sa bintana lalo na at itoy luma na at baka madigrasya ka!?".sambit ni lola Ancita.
"wag ka mag-alala lola ako pa!"
,"jusko ano pa bang magagawa ko sandali apo may ibibigay ako saiyo"
."regalo hindi ko naman kaarawan?"
Inabutan ako ni lola ancita ng maliit na kahon.
"Ano po ito lola?" tanong ko.
"Buksan mo ijah para malaman mo".
Nang buksan ko ang maliit na kahon nakita ko ang napakagandang kahoy na suklay na may naka ukit na pangalang "Dahlia"
."wow ang ganda naman ng suklay nato lola,pero bakit mo ito ibibigay sa akin mukhang luma na?".sabi ko.
"maganda diba sa iyo talaga yan itinago ko lang."
ngumiti sa kin si lola ancita at nagsabing may gagawin padaw siya, pinaghalong tuwa at pagtataka ang nararamdaman ko noong mga panahon na iyon dahil ang makalumang suklay na hawak ko ay may nakaukit na pangalan ko.
Ang hindi ko lamang alam na dito ko malalaman ang tunay na dahilan kung bakit ibinigay ng aking lola sa akin ang suklay na may ngalang "Dahlia".
lumipas ang ilang oras...
Oras na nang pag tulog,habang tinitigan ko ang suklay na ibinigay sa akin ng aking lola ay mayroong ala-ala na pumasok sa aking isipan
"sa muli nating pagkikita ikaw parin ang aking iibigin" Isang malungkot na tinig ,sa sobrang kaba at takot ay pinikit ko ang aking mga mata at hindi namalayang nakatulog......
"Binibini....binibini.....binibing Dahlia!"
ako ay nagising sa isang tinig na hindi ko alam kung saan galing.
"Binibini kinakailangan na po ninyong bumangon riyan sapagkat paparating na po ang iyong ama!
" teka binibini? Ama ? nasa abroad si daddy ahh!".
Nagmadali kong ibinuka ang mga mata ko nang makita ko ang kakaibang paligid, ito ay ang akig silid ngunit napapaligiran ng makalumang mga gamit at mukhang mamahalin.
"Teka lang ha miss sino ka at ano ang ginagawa mo dito sa bahay namin?".
"Binibini mukhang tulog pa po ang inyong diwa ako po si Marry ang iyong katulong!".tugon niya.
"katulong teka lang hah anong araw na ?"
"Ngayon ay Nobyembre 12 1938 binibini"
.nang marinig ko ang sinabi niya mabilis akong tumayo at tumakbo palabas ng bahay , hanggat pumasok sa isipan ko na ako ay bumalik sa makalumang panahon.
"Binibining Dahlia sa paanong paraan mo nakayang yumapak at maglakad sa labas ng tahanan bahay nakasuot ng "kamisa"?! Tinig ng isang ginang.
"ahhh pasensya na" tugon ko.
"Di bale tara na at pumasok sa loob at nang ikaw ay makapag bihis na".
"sige po papunta na".
Naguguluhan at nalilito biglang pumasok sa isip ko ang sinabi ni lola Ancita "Lahat ng nakalito na bahay ay mag daan patungo sa kasagutan"
kaya naman aalamin ko lung paano at sa paanong paraan ako napunta sa lugar na ito.
Nakatulala ako habang nakatitig sa salamin iniisip kung ano ba talaga ang nangyayari kaya tinanong ko si marry.
"marry?"may tanong ako.
"Ano po iyon binibini?" tugon niya
"Maglalaro tayo ng hulaan,kapag nahulaan mo lahat ng tanong ko bibigyan kita ng regalo ok ba?"
"Binibini naman, sasagutin ko lahat ng inyong mga katanungan hindi na ninyo kailangan pang bigyan ako ng regalo!"
Nagsimula na akong magtanong sa kanya ng mga bagay tungkol sa katawan na ito.
"sige anong buong pangalan ko,ilang taon na na ako at sino ang mga magulang ko ?"
"Ang buo po ninyong pangalan ay Dahlia Santos Florante kayo ay labing anim na taong gulang , iyong ama ay si Don Juan Florante, at ang iyong ina naman ay si Anchita Santos"
Mag tatanong pa sana ako ng biglang may tumawag sa akin.
"Binibining Dahlia siguro naman ay ikaw ay nakagayak na, alam ko namang hindi mo nanaisin na mahuli sa ating pupuntahan?"
Ang boses na yon ay nanggaling sa isang ginang na may magandang postura at napakagandang wangis , siya si Ginang Susan
*siya ang babaeng sumaway sa akin sa ch 1
"Wag ka mag-alala malapit na" sagot ko.
"Kung gayon ay maghihintay na lamang ako sa ibaba".
Nagmadali akong binihisan ni Marry, at mabilis na pumunta sa ibaba sumakay kami sa isang magarang karwahe,tinignan ko ang kapaligiran ito pala ang makalumang panahon napagkasimple walang pollusyon dahil sa mga sasakyan at pabrika.
"saan ba tayo pupunta?"tanong ko
"Wag mong sabihing,nakalimutan mo ang importanteng araw na ito?!" sagot ni Ginang susan
"Nako hindi! , ano kase naninigurado lang kung saan tayo pupunta" sagot ko
"Ikaw ay naimbitahan sa isang engrandeng kasiyahan na pangungunahan ng Nagiisang anak na babae ng Heneral si Juliana!"
"Ahhhh,ganon ba"
Nang hindi ko namalayan ay nakarating na kami sa lugar ng kasiyahan, pagbaba ko pa lang ng karwahe naririnig ko ang mga bulong bulungan ng mga kababaihan pati narin ng mga kalalakihan tungkol sa akin..
"Bakit sila nakatitig?" tanong ko
"Sapagkat sila ay namamangha sa iyong kagandahan binibini , ito ang pinaka unang beses mong dumalo ng kasiyahan" sagot ni marry.
Bago pa man mag umpisa ang kasiyahan ay may lumapit sa akin na babae
"Dahlia!!"
Napalingon ako aking likuran at nalaman kung saan naggaling ang tinig,ito ag galing sa isang babaeng mag mahaba at kulot na buhok siya si Juliana.
*Aka Cousin ko.
"Ikinagagalak kong makita ka rito sa aming munting kasiyahan" sabi niya
"Walang anuman" tugon ko
"Tara rito sa lamesa, maupo ka upang tayo ay makapag-usap"
Umupo kaming dalawa ni huliana sa lamesa habang magkasama naman sila marry at ginang susan sa isang gilid ng silid upang batiin ang kanilang mga kakilala
"dahlia, galit ka padin ba sa akin?"
"Hah, ako galit sa iyo hindi ko alam ang sinasabi mo?"
Nang matapos kong sagutin ang kanyang tanong ay naramdaman ko ang biglang pagbabago ng tono ng boses niya sakin ngumiti siya sakin at nagsabing
Sabay inom ng inumin at inilagay sa malapit sa akin.
"ahhh ganon ba ?, Sandali lamang may kukunin ako"
Pagtayo ni Juliana ay nasanggi niya ang inumin at muntikang matapon sa akin, sinadya niya ito dahil sa dinami rami ng pwedeng paglagyan ng maiinom ay inilagay niya ito malapit sakin.
"paumanhin dahlia hindi ko sinasadya!"
"ahh hindi ok lang"
"Nako ipagpatawad mo halika at tulungan kita tumayo"
Nang malalit na niya akong alalayan ay inilayo ko ang kanyang mga kamay at nagsabing
"Wag na ok lang ako Juliana"
Mabilis akong tumayo at pumunta kanila marry at ginang susan, agad kaming umalis sa kasiyahan kitang kita ko sa mga mata ni juliana ang poot sa nagmamayari ng katawan na ito.
Habang nasa karwahe ay napaisip ako kung anong dahilan at nagawa iyon ni juliana.
"Marry ?"tanong ko
"Bakit po Binibini?!" sagot niya
"Diba sabi mo pinsan ko si Juliana"
"siyang tunay binibini, ngunit si Binibining huliana ay inampon ng kapatid ng iyong ina"
"ampon so hindi ko siya tunay na pinsan?"
"sa dugo hindi pero sa pangalan kayo ay mag pinsan binibini"
Samantalang sa kabilang banda
"Juliana tila ikaw ay nababagabag,sabihin mo sa akin ijah kung anong problema" tanong ng Heneral
"wala po ama,napapaisip lamang po ako kung paano ako mapalalapit kay dahalia tila ay napopoot padin siya sa nangyari"
"ijah, ikaw ang nais pakasalan ni ginoong carlos sapagkat ikaw ang kanyang nais"
"Ngunit ama!"
"sige na ijah matulog kana"
Umupo si Juliana sa bintana habang inaalala ang nakaraan
ANG NAKARAAN
"Ginoong carlos sandali!"
"ano iyon juliana!?"
"Bakit ganyan na lamang ang iyong titig sa akin tila ba ay itunuturing mo ako na kalaban?!"
"Juliana! Hindi ko alam ang iyong sinasabi!"
"Hindi mo ako kayang lokohin Ginoong carlos nakikita ko kung paano ka romantiko ang titig mo kay dahlia!"
"Sa paanong paraan nadamay si Binibining dahlia sa ating usapan?!"
"ako ang iyong kabiyak ginoong carlos ngunit tila ba ay si dahlia ang iyong iniibig?anong meron kay dahlia na wala ako!?"
"Kailan man hindi kita iibigin sapagkat hindi ikaw si dahlia!!"
Lumakad papalayo si carlos habang namumula sa inis at lungkot si juliana
"Dahlia.........kahit anong mangyari nasa akin ang huling halakhak sa akin lamang ang kasiyahan na nalalasap mo ngayon, akin lamang!!".
Download MangaToon APP on App Store and Google Play