Hi everyone! This is my first book that i will be publishing and please bare with me dahil baguhan lang ako dito. That's all and please enjoy:)
______________________
Elias's Pov
(Phone is ringing)
"What?" Sagot ko
"Sir, the portal is almost done. Pwede na po kayong pumunta dto sa lab" ani ng scientist na hinire ko.
"Okay, papunta na ko" sagot ko.
"Manong Driver, punta tayo sa laboratory cancel muna mga meetings ngayong araw"
"Sige po sir"
_____________
Pagkadating ko, nilapitan ako ng isang scientist.
"Sir Elias the portal is done, pwede na natin paandarin toh".
"Okay, paandarin niyo na ngayon" utos ni Elias.
Siguro nagtataka kayo sa mga nangyayari ngayon, nasa isang laboratory kami na sa kasalukuyan ay nagpapagana ng portal. Isang portal ng mga demonyo, mga entities. Bakit kamo? Well, you'll see why in a second.
Kita sa mukha ng scientist ang pag aalinlangan dahil maaaring masama ang maging kalabasan nito. "Ano pang tinutunganga mo diyan? Start it now! I don't have all day" Sigaw ni Elias at mabilis na sinunod naman nung isa.
Nang mabuksan ang portal kita sa mukha ni Elias ang malaking ngiti na ito ay gumagana, but seconds later nagkaproblema sa portal.
"What's happening? Bat nagkakaganito ang portal?!" Tanong ko.
"I don't know sir, titignan po namin"
"Well do it fast, bilisan mo pabagal bagal masyado" pasungit na sagot ko.
Ang mga alarms ay tumutunog at hindi malaman kung ano ang nagiging problema. Mga nag papanic na ang mga tao hindi alam kung ano ang gagawin at hinahanap ang error sa portal.
"Sir kailangan na natin mag evacuate ngayon na, this could cause an explosion. WE NEED TO GO NOW!" sigaw nung scientist at mabilis namang sumunod si Elias, ngunit bubuksan pa lamang ang pinto ay biglang naglabas ng shockwave ang portal na naging dahilan ng pag ka untog ng mga ito at nawalan ng malay.
_______________________
Minutes had passed at nagising si Elias, blurry at hindi makita ang paligid ngunit may naririnig siya. Nang mahimasmasan he was suprised at napaupo na lamang sa kinaroroonan niya. May mga lumabas na creatures sa portal.
He stared with amazement, hindi pangkaraniwang hayop ang mga ito. Malalaki ang katawan, nakakatakot na itsura at malalaking ngipin na para bang nasa horror movie pero mas malala.
"What happened?" Tanong nung isang scientist nang magising.
"This happened hahaha" mala demonyong sabi ni Elias.
Napangiti si Elias dahil sa ilang taon na trail and errors, mga palpak na gawa, sa wakas ay gumana na ang matagal na niyang hinihintay. He finally succeeded.
"HAHAHA" tawa niya na parang demonyo. "I Elias Martin have finally succeeded, humanda na kayong mga hampas lupa kayo at mag sisimula na ang hindi niyo inaasahang bangungot"
ani nito na may ngiting nakaka loko.
"Ama Ina, Maipag hihiganti ko na kayo. Maipaghihiganti ko na kayo sa mundong pumatay sainyo, sa mga taong umapi at nanakit sainyo. Ako na ang bahala."
Sa oras na iyon, don na magsisimula ang bangungot na hindi inaasahan ng marami.
The Lyrincs are born...
To be continued......
Chapter 1 is here! Enjoy guys mwaps:)
Aria's Pov
I was scrolling on facebook habang nagsusuklay, just another normal day for me. Then napatigil bigla ako sa pag scroll dahil may post about a creature daw na nag wa-wonder na kumakain ng tao. Madalas peke ang mga ganito kaya d ko nalang pinansin.
"ARIA BABA NA DIYAN, MA LE-LATE KA NANG BATA KA!" sigaw ni mama na masakit sa tenga
"OPO PABABA NA!" sigaw ko pabalik sakanya,
Kinuha ko na ang bag ko at lumabas nang kwatro patakbo sa hagdan at nag slide pababa sa hawakan nito.
"Jusko namang bata ka, itigil mo nga yan at baka masaktan ka kaka slide sa hawakan ng hagdan" ani ni mama habang inahain ang ulam sa lamesa.
"Ma mag aaral ba ako ng parkour at martial arts para masaktan agad?" sagot ko. And yes oo tama nabasa niyo nag aaral ako ng dalawang yon, I can say na papunta na kong level ng pro hahaha.
"Ay siya oo na, kumain ka na diyan at dumeretso na ng school. Oh ito baon mo" abot sakin ng 150 pesos.
"Nasan po sina papa at si jun?" Tanong ko habang tumitingin sa paligid
"Umalis ng maaga papa mo kapatid mo naman nag hahanap na ng trabaho" Sagot sakin ni mama at umupo sa upuan para kumain.
Kinain ko na agad ang hinandang pagkain ni mama at nagpaalam nang umalis at tumakbo na ko palabas.
Hi nga pala, Ako si Aria Hart. Isang college student na malapit nang mag graduate. Isa lang akong simpleng city girl na pumapasok sa De la Salle, and yes scholar ako.
Sasabihin ko pa ba pangarap ko? Ay siya sige, pangarap ko maging scientist, agent, spy basta mga bagay na nakaka excit hahaha. But i'm taking the course of nursing dahil gusto kong makatulong sa mga tao.
Nakarating na ko sa building namin nang may tumawag sakin sa likod.
"huy beh, nagawa mo na assignment mo? pagaya naman libre kita starbucks mamaya" sigaw ng kaibigan kong si Effie.
"Oo na oo na, basta ha libre mo ko mamayang uwian" sagot ko sakanya at inabot ko ang notebook ko.
"Thanks behh, dabest ka talaga" at niyakap ako.
Ganito lang takbo ng buhay ko, pasok uwi pasok uwi. Simple lang kumbaga. "Hi sir goodmorning po" bati ko at tumango sakin pabalik ang teacher namin si sir Ced. Siya ang Teacher namin sa Chemistry and physics, at masasabi ko na ang pogi ni sir hahahahaha. Ops bawal yan.
Pumasok na ko sa room at binati ako ng mga kaklase ko " Goodmorning pres". "Goodmorning din sainyo" bati ko pabalik. Oo nga pala d ko pa nasasabi, ako din ang president ng room at ssg president.
Umupo na ko sa upuan ko nang may lumapit sakin na kaklase ko, si Felix ang VP ng room. "Huy teh, have you heard"
Tanong niya sakin na may pahampas pang kasama, oo mga bhie bakla siya.
"Teh d naman kailangan ng hampas sakit non ha, tsaka ang alin ba?" Pasungit kong sabi.
"Ay sorry teh hehe, yung ano... Yung creature na viral ngayon sa socmed, hindi mo pa ba nababasa yon?" Tanong niya sakin.
"Ahh yon? D naman ata totoo yon, wag mo nalang pansinin gaga" sabi ko sakanya habang kinukuha binder ko.
"Hoy beh malay mo naman noh" sagot ni felix sakin pabalik, aba may taas kilay effect pa.
Umupo na siya at sakto ding pumasok na ang prof namin. Ay siya mamaya na uli ang kwentuhan makikinig muna ako.
_______________________
Labasan na at magkasama kami ni effie palabas.
"Salamat at natapos din" sabi ni effie.
"Oy babae lilibre mo pa ako" sabi ko sakanya
"Oo nga pala hehe, tara na"
Naglakad kami papuntang starbucks at umorder na.
Habang paupo kami sa table namin nagtanong naman siya "Kamusta teh ang klase? Nakakabobo na ang chemistry ko na kinakaya" kunwaring paiyak niyang sabi.
"Teh kaya mo yan, tinutulugan ko nalang din ang ibang subject hahahaha" (wag kayong gagaya sakin na tinutulugan ang mga teachers na nag tuturo, masama yon haha)
"Wag ako teh, kahit sabihin mong nakakatulog ka ikaw padin pinaka mataas sa klase" sagot niya sakin at tumawa na lamang ako.
Dumating na ang drinks namin at inubos iyon, Pagkatapos ay nagpaalam na kami sa isa't isa at umuwi na.
"Bye beh, kita nalang tayo bukas" lumapit siya sakin at niyakap ako.
"Bye ingat ka" sagot ko sakanya at umalis na.
Habang pauwi ako saamin may nakita akong isang hayop sa kalye na may kinakain.
Nilapitan ko toh at lumaki ang mata. Nakakagulat dahil ang hayop na ito ay may kinakaing tao.
Hindi ko alam na kung anong klaseng hayop ito dahil ngangayon ko lamang nakita, nagtago ako sa isang sulok at tumawag ng pulis. matapos ko silang tawagan ay pinicturan ko ito at naghintay na lamang ng tulong.
______________
Habang papalapit ang mga pulis biglang umalis yung kakaibang hayop beacause of the loud noise ng mga sirens. Pagkadating nila ay inassist nila ako at nilapitan din ang katawan.
Nasa isang ambulansya ako ngayon at nilapitan ako ng isang pulis. "Ma'am, kami po ay magtatanong tungkol sa unying nakita kanina" sabi ng mamang pulis.
Hindi na ko nag salita at kinuha ko ang cellphone ko at pinakita dto, kita ko sakanyang mukha ang pagkagulat. Hiniram niya muna ang cellphone ko at pinakita sa taong mukhang detective ng kasong ito.
Nilapitan ako nung isang mamang pulis
"Ma'am, its fine for you to go home na kami na po mag aasikaso dto. Ihahatid ka nalang ng isang police officer dto papunta sainyo." ani niya at inabot sakin ang cellphone ko.
Habang pauwi, hindi maalis sa isip ko ang mga nangyayare. Ano kaya iyon? Bakit nangangain ng tao ang ganoong klase ng hayop?
To be continued.....
Sana nag enjoy kayo, update ako every other day, bye peeps;)
Download MangaToon APP on App Store and Google Play