NovelToon NovelToon

Back In Time [Tagalog, Filipino]

Beginning

Nag dulot ng tuwa sa akin, ang isang malaking puno ng narra na nag bibigay ng lilim sa guard house, sa tabi ng pangunahing tarangkahan, ng unibersidad na ito. Ngunit, ang mahabang pila sa bag inspection, ang nakasira ng magandang umaga ko.

"Ganito ba talaga ang mga paaralan dito sa maynila?" Tanong ko sa isipan ko, matapos kong makita ang napaka habang pila ng mga estudyante—na nag papainspeksyon ng mga bag nila sa guwardya bago makapasok sa unibersidad.

Kung palaging ganito, kakailanganin ko ng gumising ng maaga araw-araw.

Mabilis na umusad ang pila. Sa wakas, ako na! Tinanggal ko ang pag kakasukbit ng bag ko at binuksan ko 'yon para ipakita sa guwardya ang laman. Ilang libro, mga notebook, payong, tubigan, at labakara— ang laman ng bag ko, na bumungad sa guwardya ng nag iinspeksyon ng mga bag.

Wala akong dalang matalim na bagay; at kung ano pa mang ipinag babawal, kaya naman sinenyasan na 'ko ng guwardya na makakaalis na 'ko, at isinara ko na nga ang bag ko.

Aabante na sana ako, nang biglang harangin ako ng mga salita ng isa pang guwardya, "Sandali, nasaan ID mo?" Tanong niya.

Bigla akong kinabahan, mukhang totoo nga ang bali-balita, na mahigpit ang mga paaralan dito sa maynila, pag dating sa pag dadala ng ID.

"Ah… sandali po." Natatarantang sabi ko, at dali-dali kong kinapa sa bulsa ng uniporme ko ang ID ko.

"Ito po," Sabi ko't ipinakita ko sa kaniya ang ID ko, 'di na siya nag salita at tumango na lamang; pag kakita niya, kaya umabante na ako.

"Hoooh!" Bumuga ako ng malakas na hangin mula sa katawan ko, para pakalmahin ang sarili ko mula—sa, pangyayaring 'yon—na pinakaba ako, ng sobra.

Pakiramdam ko sa mga sandaling 'yon, kriminal ako. Napaka higpit pala talaga ng unibersidad na 'to.

Nawala na ang kaba ko, kaya nagawa ko ng igala ang mga mata ko sa paligid. Nakakatuwa; napaka ganda, mayroon silang napaka lawak na patyo sa loob, at danaw na may maliit na tulay—na, kalimitan ay nakikita ko lamang sa mga kwentong pambata.

"Patingin ako, dali!"

"Saglit!"

Napatingin ako sa dalawang babaeng, tuwang-tuwa sa larawang nasa cellphone ng isa sa kanila. Buti pa sila, may kaibigan na—sa unang araw ng klase; samantalang ako, parang nasa ibang mundo, at wala man lang miski isang kakilala.

"Teka!" Malakas na sabi ko, nang biglang may pumasok na ideya sa isipan ko.

"May barya ba 'ko?" Tanong ko sa sarili ko't mabilis kong kinapa ang bulsa ng uniporme ko.

Nakakapa ako ng dalawang pisong barya sa bulsa ko, kinuha ko ang piso, at iniwan ko naman ang isa. Huminga ako ng malalim, at nanakbo ako papunta sa nakita kong danaw na may magandang tulay.

Pag dating ko sa danaw—ay tumingin ako sa paligid ko, upang suriin kung may nakakakita sa akin, noong makumpirma kong wala—ay pumwesto na ako sa gitna ng tulay.

Hinawakan ko ang piso; gamit ang mga daliri ko sa mag kabila kong kamay, at itinaas ito kapantay ng aking puso. Ipinikit ko ang aking mga mata huminga ng malalim, at matapos 'yon ay iminulat ko muli ang aking mga mata— sa pangalawang pag kakataon, upang makasigurado na walang nakakakita sa ginagawa ko.

Ipinikit ko na muli ang aking mga mata, "Diwata sa danaw na ito, (kung mayroon man) tanggapin mo ang aking kahilingan, kapalit ng piso na ito… Sana po makakita ako ng kakilala ko sa unibersidad na ito," Sabi ko't, inihulog ko na ang piso sa tubig.

Hinabol ko ng tingin ang pisong inihulog ko sa danaw, para pag masdan ang pag lubog nito sa tubig—ngunit, masyadong berde ang tubi; at hindi ko makita ng maayos, kaya hinayaan ko na lang.

Sana matupad, dahil kung hindi; sisidin ko ang pisong inihulog ko, para bawiin.

Nanakbo na 'ko papunta sa unang klase ko, civil engineering ang kursong kinuha ko— dito sa Atkinson University; prestihiyoso kase ito, at dito gusto ng mama ko.

Sa pangalawang palapag lang ang unang klase ko, kaya naman hindi ako nahirapan sa pag akyat sa hagdan—at, presko pa din ang pakiramdam ko pag dating ko sa klase.

Babaeng, may pink Hearts Strings bag, ang nakasabay ko sa pag pasok sa classroom, nginitian niya ako—at ngumiti din ako sa kaniya; bilang pag galang.

Pag pasok ko'y nakatingin sa akin lahat ng mga kaklase ko, siguro ganoon talaga sila; pinag mamasdan nila ang lahat ng pumapasok.

Hindi ko na sila tinitigan pa isa-isa, at pinili ko na lang na maupo na—sa hulian, dahil okupado na lahat ng mga upuan sa unahan.

"Hi." Nakangiting bati sa akin ng babaeng katabi ko sa upuan, maliit lang ang mukha niya, at bagay sa kaniya ang maitim niyang ringlets na buhok.

"Hello" Nahihiyang tugon ko sa bati niya, pero masaya ako, hindi ko akalain na may kakausap agad sa akin.

"Ang ganda mo naman," Sabi niya sa akin, at ngumiti pa siya habang pinag mamasdan ang mukha ko.

"Hindi naman, sakto lang." Pag papakumbaba ko.

"Anong pangalan mo? Ako si Loraine." Pag papakilala niya't iniabot niya pa sa akin ang kamay niya, para makipag kamay.

"Linsey," Sabi ko't kinamayan ko siya.

Nakatutuwang kausap si Loraine, madami siyang kinukuwento—at binibigyan niya ako ng mga tip para madali akong makapag adjust dito sa maynila.

"Hala ang gwapo!"

"Ang gwapo, ang gwapo!"

Biglang umingay ang mga babae sa klase, naistorbo ang usapan namin ni Loraine—at napilitan na kaming tignan, kung ano ang dahilan ng ingay ng mga babae sa klase namin.

"Hero…" Biglang lumabas sa bibig ko ang salitang 'yon, ang pangalan ng bagong dating na lalakeng ito.

"Kilala mo??" Tanong ni Loraine sa akin, at doon na napatingin si Hero sa akin.

Nag tama ang mga mata namin ni Hero, sa sandali; matapos niyang marinig ang sinabi ni Loraine.

Walang kahit anong salitang lumabas sa mga bibig namin, pareho kaming nagulat na makita ang isa't-isa.

Bakit siya narito?

Download NovelToon APP on App Store and Google Play

novel PDF download
NovelToon
Step Into A Different WORLD!
Download NovelToon APP on App Store and Google Play