NovelToon NovelToon

That Summer

001 : THE SOULS

001 : THE SOULS

It is finally the summer break! Tapos na ang klase ng mga estudyante at wala na silang mga pasok. Kagaya ni Ica, tahimik at mahilig magbasa ng libro. Summer ang isa sa mga araw na pinaka hinihintay niya dumating kasi gusto na niyang magpahinga sa lahat ng pagod sa school na iniinda niya.

Ngayong summer ay naisipan ng pamilya niya na magbakasyon sa isang sikat na resort na kilala sa magagandang view nito lalong lalo na ang falls nito na pinag-uusapan talaga ng lahat. Pero hindi kagaya ng kanyang pamilya, ay matamlay at parang hindi masaya si Ica sa planong iyon ng kanyang pamilya.

Si Ica kasi ay isang introvert. Mas pipiliin niyang manatili na lamang sa loob ng kanyang kwarto, magbasa ng libro, magdrawing o di kaya naman ay magsulat ng storya na galing sa kanyang makulay na imahinasyon kaysa ang lumabas at gumala kahit saan.

Ngunit kung ganun naman ka kulay ng kanyang imahinasyon ay ganun naman ka walang ka-buhay buhay ang kanyang personalidad.

Hindi naman sya takot sa tao, pero umiiwas siyang makihalubilo sa iba.

Gustuhin man ni Ica na magpa-iwan nalang sa bahay ay wala na itong nagawa. Dumating na nga ang araw at oras na para sila ay bumyahe. Madaling araw pa lamang ay nakahanda na sila, sakay ng dalawang puting van.

Dahil sa insomnia at sa katotohanang hindi makatulog sa byahe ay tanging si Ica at ang Driver na lang ang nanatiling gising sa buong byahe.

Kung minsan ay nagbabasa ng libro, pero kadalasan ay nakatingin sa bintana si Ica, pinagmamasdan ang mga tanawin na kanilang nadadaan, lalong lalo na ang magandang sunrise na nag-pangiti ng patago sa kanya. Labis niya itong nagustuhan at kinuhanan pa niya ito ng litrato gamit ang kanyang cellphone. Dati ng fan ng kulay asul na langit at mga ulap, ngayon lang unang nasilayan ni Ica na ganito kaganda ang sunrise, at simula ngayon ay aabangan na niya ito araw araw.

Makalipas ang 4 na oras ay narating na nga nila ang Resort. Kasabay ng paghinto ng makina ng sasakyan ay unti-unti namang nagising ang mga kasamahan ni Ica sa van. Ginising nito ang 7 years old na pinsan, si Joshua na natutulog sa tabi nito saka bumaba. Tumungo ito sa likod upang tumulong sa pagkuha ng mga gamit nila ng biglang dumating ang mama nito at pinigilan siya.

" Nak, hindi. Kami na ng mga kuya at Tita mo dyan. Pasyalin niyo na lang ang buong resort ng pinsan mo para mag-enjoy kayo ", sabi nito. Napa-atras naman si Ica sa paglapit ng mama niya sabay kuha ng mga maleta nila.

" Two weeks naman po tayo dito, Ma. Marami pa pong oras para maglibot ", sagot naman nito.

" Atleast ngayon masisimulan niyo na. Sige na, kami na dito ", wika ng mama niya at hindi na nga ito naka-angal pa. Tumango na lamang ito bilang pagsang-ayon sa ina, umatras at dumiretso sa kanyang bagpack na kanina ay dala niya pero ngayon ay nakapatong na sa maleta ng Kuya Aaron niya.

Binuksan niya ito at mula sa mga laman nitong libro ay kinuha niya ang isang makapal na notebook saka ballpen. Nagpalinga linga ito sa mga kasama na ngini-ngitian naman siya, hinahanap niya ang pinsang si Joshua para makasabay sa kanyang paglilibot pero hindi na niya ito mahanap kaya naman umalis na lamang siya mag-isa.

Mula entrance ng resort hanggang sa pool ay nilibot nga lahat ni Ica ang bawat attraction. Sa ma ziplines, Vikings, Pool. At sa sobrang dami at ganda nga ng mga tanawin ay halos hindi na napansin ni Ica na malayo na ang kanyang narating, halos nakalimutan niya na mag-isa lang pala siya at takot sa mga tawo dahil enjoy na enjoy siya sa kanyang nakikita.

Habang patuloy na naglilibot ay nahagip ng mga mata ni Ica ang pinsang si Joshua at ang pagkadapa nito sa damuhan, kaagad naman itong tumakbo papunta sa pinsan.

" Josh! Ok ka lang? ", nag-aalalang tanong nito ng marating na ang pinsan na nakadapa sa damuhan.

Tinulungan niya itong bumangon at napangiwi ito dahil sa sakit. Napatingin naman si Ica sa dumudugong tuhod nito.

" Ate Ica ", iyak ni Joshua sa kanya.

" Patay ka sa mama mo wala pa tayong isang oras dito nasugatan ka na agad ", wika nito sa pinsan na ngayon ay mas umiyak pa dahil sa sinabi niya.

" Ate Ica please wag niyo po akong isumbong kay Mama ", hagulhul nito.

" Yun ay kung hindi niya makikita ang sugat mo, pero pag nakita niya, Josh alam mong bawal tayong magsinungaling ".

Umiyak lang ng umiyak si Joshua. Tinitignan at pinag-aaralan ni Ica ang sugat ng pinsan at sinusubukang tigilan ang pagdurugo nito. Itinayo nito ang pinsan saka naghanap sila ng mapag-uupuan. Sa di kalayuan ay may isang bench, akay akay ang pinsan ay tinungo nila yun. Nang maka-upo ay ginamit ni Ica ang kanyang panyo at ipinahid sa dugo, ngunit hindi pa rin ito tumitigil. Hindi na alam ni Ica kung ano ang gagawin kaya naman nagpaalam ito sa pinsan para maghanap ng gamot.

" Dito ka lang, wag na wag kang aalis kung ayaw mong isumbong kita sa Mama mo, ok? ", utos nito sa pinsan. Tumango naman sa kabila ng hagulhol ang pinsan. Inilapag ni Ica ang notebook at ballpen sa tabi ng kanyang pinsan saka umalis.

Hindi alam kung saan siya makakahanap ng gamot ay nagpalinga-linga lang sa daan si Ica. Hanggang sa may makita siyang elevated na kubo na maraming tao at parang mga naka-unipormeng staff s ng resort ang nasa dulo ng kubo, kaya tinungo na lamang niya ito.

Pagdating duon ay tinanong kaagad niya ang isang staff sa reception desk kung saan makakabili ng gamot sa sugat. Tinuro naman ng staff sa kanya ang first aid kit na nasa gilid. Mula duon ay kumuha si Ica ng band aid pati narin ng isang 500ml bottle ng alcohol saka mga bulak. Nagpasalamat sya sa receptionist bago lumabas.

Paglabas ay hindi alam ni Ica na maka-kasalubong pala niya si Ivan, si Ivan na pagkalabas niya ay nakita siya agad at napatigil pagkakita sa kanya, si Ivan na crush niya sa school nila. Hinihintay na mapatingin sa kanya si Ica ay nakita nito ang hawak na band aid, bulak at alcohol.

Napatingala si Ica at gulat na makita si Ivan sa harap niya. Napatigil din ito at natulala. Hindi nito inaasahan na sa lahat ng lugar ay dito pa niya ito makikita uli, buong akala kasi ni Ica ay hinding hindi na nito makikita ang crush dahil graduate na ito this year sa school nila, habang siya ay 4th year college palang sa susunod na pasukan.

Mas lalong hindi rin alam ni Ica kung ano ang gagawin kasi naiilang parin ito sa crush dahil last week lang bago magtapos ang school year ay nag-confess ito kay Ivan. Hindi man ni-reject ni Ivan pero hiyang hiya pa rin ito sa ginawa.

Hanggang sa pilit na ngumiti si Ica, at binati ng mahina ang crush. Napangiti naman si Ivan at binati rin siya. Hindi niya ito inaasahan. Maliban kasi last week sa pagconfess niya ay ito palang ang pangalawang beses na makakausap niya ang crush.

" Ica! Kamusta? Ayos ka lang? Bat may alcohol at band aid ka na dala? ", pag-aalalang tanong nito sa kanya.

" Ok lang ako, salamat. Yung pinsan ko lang nadapa kaya nasugatan ", nauutal na sagot ni Ica. Pinipilit niyang pakalmahin ang sarili kasi kinakabahan siya sa tuwing kaharap ang crush.

" I see, asan siya? ",

" Nasa bench sa baba ",

" Tara baka makatulong ako ",

" Hala hindi, hindi na baka naabala pa kita ",

" Hindi ok lang. Sige na para makilala ko din pinsan mo ",

Wala ng nagawa pa si Ica dahil kinuha ni Ivan ang bote ng alcohol sa kanya at siya ang nagdala nito. Nagtanong ito kung saan ang direksyon saka ngumiti kay Ica at nauna ng maglakat.

Naiwan namang tulala at halos hindi makapaniwala si Ica. Halos hindi niya akalain na nangyayari ngayon ito sa kanya, parang isang panaginip isip niya.

" Nagbabakasyon din pala kayo dito ", kwento sa kanya ni Ivan habang naglalakad sila patungo sa bench. Nasa likod si Ica kasi nag-ooverthink na ito kung ano ang gagawin para hindi mailang ang crush kaya halos hindi niya narinig ang sabi ni Ivan.

Lumingon si Ivan sa kanya para tignan kung ok lang ito at kung nakasunod pa ba ito sa kanya. Napabalikwas naman si Ica. Napatawa naman ng mahina si Ivan dahil sa reaction ni Ica.

" Sorry ", sabi ni Ica sabay yuko.

" You don't have to. Just relax Ica, its just me. I know that you're shy and I am making you nervous but, please, I am just an ordinary person like you, be comfortable with me ", sincere na wika ni Ivan na nakangiti.

" Salamat ",

" So uhm, hanggang kailan kayo dito? ",

" 2 weeks ",

" I see ",

" Kayo? ",

"1 month ",

" Wow ",

" Ate Icaaaaaaa!! ",

Agad na napatingala si Ica ng marinig ang iyak ng kanyang pinsan. Napalingon uli si Ivan sa kanya pero napatakbo na si Ica papalapit sa pinsan dahil sa pag-aalala.

" Joshua anong nangyari? Ok ka lang? May masakit ba sayo? ", nag-aalala at nagpapanic na tanong nito sa pinsan na napaluhod sa damuhan. Tumakbo din kasunod niya si Ivan.

" Akala ko po hindi niyo na po ako babalikan ate, natakot po ako ", hagulhol ng pinsan. Niyakap naman ni Ica ang pinsan at pinakalma ito.

" Sorry, Josh hindi ko sinasadya ",

" Is this the mighty Josh that Ate Ica was telling me about? ", biglang wika ni Ivan sa likod ni Ica. Kumalas naman sa yakap si Joshua at napatingin sa taong nasa harap niya sabay kunot ang noo.

" Sino po kayo? ",

" Hi Josh, I'm Kuya Ivan, kaibigan ni Ate Ica mo. Sorry natagalan sa pagbalik ang Ate Ica mo, kinausap ko pa kasi siya ", nakangiting wika nito sa bata na parang matagal na niya itong kilala at parang sariling kapatid lang ang turing kay Joshua.

Pinahid ni Joshua ang luha sa pisngi gamit ang braso nito saka ngumiti kay Ivan. " Hi Kuya Ivan! Ang pogi niyo naman po, para po kayong prince sa story book na binabasa ko at ang puti puti niyo pa po ",

Napatawa naman si Ivan dahil sa sinabe ng bata saka napatingin kay Ica na nakayuko.

" Kaya nga ako crush ni Ate Ica mo eh ", nanlaki ang mata ni Ica dahil sa sinabe ni Ivan at mas lalo pa itong napayuko, umaasang makakatago pa siya mula sa nararamdaman.

" Crush ka po ni Ate Ica? Hala, naalala ko na! Ikaw po yung nasa sketchpad ni Ate Ica. Kaya naman po pala ",

Napataas naman ng kilay si Ivan dahil sa narinig.

" Wala, dali na gamutin na natin sugat mo baka ma-impeksyon pa to ", pag-iiba ni Ica sa usapan.

Kinuha nito ang alcohol kay Ivan ng nakayuko at hindi tumitingin tas nag-focus lang ito sa paggamot sa sugat ng pinsan.

Umiiyak man dahil sa hapdi ay pinapakalma at nililibang ni Ivan si Joshua hanggang sa malagay na ni Ica ang band aid sa sugat nito.

" Good boy, Joshua ", masayang bati ni Ivan sa bata, napangiti naman ito sa kanya.

Napatayo naman si Ica ng tumunog ang phone sa bulsa niya. Tumalikod siya kina Ivan at sinagot ang tawag.

" Ma? Opo, kasama ko po si Joshua. Ok po, babalik na po kami ",

" Babalik na po tayo? Pano po si Kuya Ivan, Ate? ", tanong ni Joshua bago pa man makarap uli si Ica sa kanila.

Napatawa naman si Ivan sa tabi niya. Napalapit na nga ang loob nito sa bata. " Ok lang ako, Joshua, babalik na din ako sa cottage namin. Bukas nalang ulit ",

" Ok po Kuya Ivan, bye bye po ",

" Bye bye din, Mighty Josh ", wika nito sa bata saka napatingin kay Ica na naiilang na tumingin sa kanya.

" Bye Ica, ingat kayo sa pagbalik sa cottage niyo, bukas uli ", nakangiti nitong wika.

" Salamat, ingat ka din ",

Habang naglalakad palayo ay naiwan si Ivan na nakangiting nakatingin sa imahe nila Ica. Masayang masaya ito na makita muli si Ica at makasama sa loob ng dalawang linggo. Nagtapos man ang school year, kagaya ni Ica ay hindi din nito inaasahan na mas makakasama pa niya ito ng matagal, at mas makikilala dito sa resort.

Naalala ni Ivan ang sinabi ni Joshua tungkol sa drawing ni Ica sa kanya na nasa sketchbook niya, napangiti ito dahil bumalik sa alaala niya last January na may nagbigay sa kanya ng regalo at portrait niya ang laman, at last week niya lang nalaman na kay Ica pala yun galing.

For 5 months, hindi niya alam na si Ica pala ang anonymous girl. Siguro kaya sila nagkita ngayon uli dito sa resort para magawa na niya at masabi kay Ica ang hindi niya nagawa last week. This time, he will not hesitate but tell her how he truly feels about her.

THAT SUMMER

002 : THE SAVED

002 : THE SAVED

Pagkatapos mag-haponan ay dumiretso na sa kanya kanya nilang mga cottage ang pamilya ni Ica. Sa isang cottage ay kasama ni Ica ang Mama at si Kuya Aaron niya. Nakapatay na ang lahat ng ilaw at tulog na din ang lahat, maliban sa kanya.

Hindi alam ni Ica kung bakit gising pa rin siya ngayon, kung dahil ba ito sa insomnia niya or sa pag-o-overthink niya sa nangyari kanina na kasama si Ivan. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala na nagkita sila ulit at makakasama pa niya ito sa 2 linggo ng pananatili nila dito sa resort.

Simula nung magka-gusto siya kay Ivan ay hindi talaga pumasok sa isip niya na mangyayari ito sa kanya.

She is just simply admiring him from afar before, and Ivan was so out of her league.

Gwapo, sa sobrang gwapo nito ay famous ito sa buong school, pero kahit ganun, simple at lowkey pa rin ito. Total opposite ni Ica na isang nobody.

Ngayon friends na sila, pero andun pa rin ang hiya ni Ica na hindi mawala wala. Sinusubukan naman niyang kumalma sa tuwing nakikita si Ivan pero hindi talaga niya macontrol ang sarili. Kaya minsan, kusa nalang siyang lumalayo.

Alas 12 na ng madaling araw, at hindi parin siya makatulog. Kinuha niya ang notebook niya sa bedside saka marahan na bumaba ng kama, binuksan ang pinto saka lumabas ng cottage nila.

Napaka-tahimik ng paligid, sobrang maaliwalas ang ihip ng hangin na bumungad sa kanya. Hindi rin masyadong madilim sa paligid dahil sa ilaw na nagmumula sa malaking buwan, kaya natatanaw pa rin niya ang mga attractions sa di kalayuan at mga katabing cottage.

Nagtataka siya kung saang cottage kaya naroon si Ivan, at kung natutulog na rin ba ito ngayon. Umupo siya sa coffee table sa labas ng cottage nila at napatingin sa langit, sabay buntong hininga.

" Kung ganito lang sana kapayapa ang mundo ", bulong niya sa sarili. Binuksan niya ang dala dalang notebook at nagsimulang magsulat ng journal entry niya ngayong araw, at sa huling pahina nito ay ang guhit niya ng buwan at ang naka-ngiting mukha ni Ivan.

Naalimpungatan si Ica dahil sa maliwanag na ilaw na naaninag niya kahit nakapikit siya. Napakunot siya ng noo at napakurap.

" Good morning, anak. Bat dito ka natulog sa labas? ", bungad sa kanya ng mama niya na kakalabas lang ng cottage nila at parang kakagising lang din nito.

" Nagpapahangin lang po ako kagabi, di ko po namalayan na nakatulog na po pala ako ", sagot nito.

Napangiti naman ang mama niya sa kanya.

Nag-ayos na sila ng mga gamit sa loob ng cottage, naligot nagbihis saka pumunta sa main building ng resort para sabay na mag-agahan kasama ang buong pamilya.

Kaagad na pumunta si Joshua kay Ica at sumabay ito sa pagkuha ng pagkain sa catering. Magkasama din ito sa table, masayang nagku-kwentuhan ang iba pero si Ica ay tahimik lang na kumakain sa gilid.

Nang matapos sila ay nagyaya namang mag-swimming ang Kuya Aaron ni Ica at kaagad naman na pumayag ang iba. Nag-sipagbalikan sila sa kani-kanilang mga cottage para magpalit ng pang-swimming na damit. Suot suot ang kanyang rashguard at hanggang tuhod na cycling ay dumiretso si Ica kasama na ang kanyang pamilya sa malaking pool.

Dahil sa hindi marunong lumangoy at sa takot na baka malunod ay nanatili lamang sa gilid si Ica at hindi bumaba sa pool, tahimik lang na pinapanood ang pamilya niyang masayang lumalangoy sa malawak na pool.

" Ica! Goodmorning ", kaagad na napatingin si Ica sa gilid niya dahil sa pamilyar na boses, at nakita si Ivan na naglalakad papalapit sa kanya. Nakasuot ito ng puting t-shirt at cargo shorts.

" Hi ", mahinang wika ni Ica, pero narinig naman iyon ni Ivan kaya mas lalo itong napangiti.

Napayakap naman sa sarili si Ica hindi dahil sa lamig kundi dahil nahihiya ito sa kanyang suot, hindi kasi ito sanay na magsuot ng mga fitting na damit.

" I saw Josh in the pool and kinda thought you were here also, then I found you here at the side. That's your fam? ", wika ni Ivan ng makalapit na ito kay Ica, at umupo katabi nito sabay turo sa pamilya ni Ica na kasama ni Joshua.

" Yeah ",

" Why not join them? Josh is having a really good fun ", sambit nito habang masaya ding pinapanood si Joshua at family ni Ica sa pool.

" I don't know how to swim ", naiilang na sagot ni Ica.

Napalingon naman sa kanya si Ivan at malungkot na tinignan ito habang nakayuko sa pool.

" I see, I'm sorry. Ako din hindi marunong ", malungkot na wika ni Ivan at tahimik na tinignan si Ica ng hindi nito alam, nakayuko kasi ito sa pool at parang malalim ang iniisip.

If only he could do something. Sa isip niya. Kahit siya kasi mismo ay hindi marunong lumangoy. Napalinga linga siya sa paligid at may nakita. Napangiti ito sa naisip at nagpaalam kay Ica.

Maya maya pa ay nagulat na lamang si Ica kasi may biglang tumama sa kanya. Bubbles.

Napaka-raming bubbles. Nakita niya si Ivan na masayang nakangiti sa kanya hawak hawak ang bubble gun na pinanggagalingan ng bubbles. Kahit anong iwas niya ay tinatamaan siya ni Ivan ng bubbles habang malakas na tumatawa.

" Ivan teka ", wika ni Ica sabay tayo at tumatakbo papalayo kay Ivan na hinahabol siya ng bubbles. Tumungo si Ica sa gilid kung nasaan naka display ang mga bubble guns at kumuha ng isa at tinira ito kay Ivan.

Nagtitirahan at naghahabulan na sila ngayon ng bubbles sa isat isa. Parehong masaya at malakas na tumatawa. Kahit hindi man marunong lumangoy, at kahit hindi man maka swimming si Ica sa pool, masaya parin siya dahil sa naisip na laruin nila ni Ivan.

Dahil sa tuwa ay muntikan ng mahulog si Ica sa malalim na parte ng pool, biglang tumigil ang mundo ni Ica at inakalang ito na ang katapusan niya, pero bago pa man siya tuluyang bumagsak sa pool ay may kamay na mahigpit na humawak sa kamay niya.

" It's ok, I got you! Kapit lang ng mahigpit ", wika sa kanya ni Ivan at buong lakas niyang iniligtas si Ica mula sa pagka-kahulog sa pool.

" Ok ka lang? ", nag-aalalang tanong nito ng mai-angat na si Ica. Tumango naman si Ica bilang sagot pero ramdam parin nito ang takot at kaba mula sa muntikan nitong pagkaka hulog.

" Ica, anak ayos ka lang? ",

Pareho namang napabalikwas sa likod sina Ica at Ivan at nakita ang nag-aalalang Mama ni Ica at sa likod nito ay ang ibang pamilya pa nito na naglalakad patungo sa kanila.

" Ok lang po ako ma ", sagot sa kanila ni Ica.

Napangiti naman ang ina nito at napatingin kay Ivan. " Salamat talaga iho ha sa pagligtas mo sa anak ko, kung wala ka baka napano na si Ica ",

" Walang anuman po, Tita. Ivan nga po pala, schoolmate po kami ni Ica ", nakangiti at marespetong bati ni Ivan sa mama ni Ica.

Mas lalong lumapad ang ngiti sa mukha ng mama ni Ica. " Kaya naman pala, buti at dito rin kayo nagbakasyon. May makakasama na sila Ica at Joshua sa paglilibot, sila kasi ang mga pinaka bata samin ",

" Hi bro, Aaron, kuya ni Ica. Thank you talaga sa pagsagip mo sa kapatid ko ", pakilala ni Aaron sabay lahad ng kamay niya para makipag-shake hands kay Ivan, tinanggap naman ito agad ni Ivan.

" Walang anuman po ", nakangiting bati ni Ivan.

" Kuya Ivan! ", malakas na tawag ni Joshua mula sa likod at patakbong lumapit kina Ivan at niyakap ito sa tuhod.

" Andito na si Mighty Josh!! Kamusta ka? ",

" Ok lang po kuya Ivan ",

" Bat parang mas masaya ata tong mag-habulan sa bubbles. Teka, sinong taya? Kung sino man manalo lilibre ko ng ice cream mamaya! ", masayang wika ng Tito ni Ica sabay kuha sa bubble gun na nasa tiles. Napatawa naman ang iba pati na si Ivan, at nagsimula na nga silang magsipag-takbuhan. Hanggang lahat na sila ay may mga kanya kanya ng bubble guns at tinira tira na ang isat isa.

Pati ang ibang mga turista ay natuwa din sa kanila at nagsipag kuha rin ng mga bubble guns at sumali sa kanila.

Sobrang saya nilang lahat, lalong lalo na si Ica, na tahimik na pinapanood ni Ivan ang bawat mga ngiti nito sa mukha. Ngayon lang kasi nito personal na nakitang masaya at naka-ngiti si Ica, maliban sa mga pictures.

Sobrang cute niya. Sa isip niya, na naging dahilan din ng mga ngiti sa labi niya.

Simula ng araw na yun, tuluyan na ngang napalapit sa pamilya ni Ica si Ivan. Naging parte na ito ng kanilang pamilya, ganun nadin si Ica at ang kanyang mga pamilya sa pamilya ni Ivan. Kasama ni Ivan ang parents niya at ang younger sister nito na si Anice. 22 si Ivan samantalang 12 naman si Anice. Kagaya ni Ivan ay mababait rin ang parents ni Ivan at parehong maalahanin.

THAT SUMMER

003 : THE SONG

003 : THE SONG

Dahil sa paglalapit ng dalawang pamilya ay sabay na ito sa lahat ng gawain. Araw araw ay palagi silang magkasama, lalong lalo na silang tatlo ni Ica, Ivan at Joshua.

Dahil birthday ng Lola ni Ica ay nagkaroon ng kasiyahan sa resort. Nagrent ng malaking space at tent ang pamilya nila Ica at nag-celebrate kasama ang pamilya ni Ivan.

Mula sa cottage nila dahil kinuha ang inutos sa kanya ng Papa niya na kunin ang manika ng kapatid, pabalik na sa tent ng celebration nila Ica nang napatigil si Ivan sa di kalayuan at tahimik na pinanood si Ica na nasa pinaka likod na table, mag-isa. Tahimik na nagbabasa ng libro habang ang iba ay nagka-kasiyahan sa harap.

He smiles. As he knows from the very beginning that Ica was the type of silent and introverted girl who would always stay alone, and in love with books. He had always admired her, since the very beginning ng katatapos lang na school year.

He doesn't know since when Ica started to admire him too, but all he secretly knows is that, the first time he saw Ica alone in the hallway peacefully reading a book on the first day of class he knew he had fallen for her.

Seeing her with her books, indulge in a magical world inside her imagination, this is the very reason why he likes her. She is not trying hard unlike other girls, but she is peaceful, calm, which makes her more beautiful and stand out.

He saw Joshua run towards Ica, and Ica happily and attentively talk to her cousin when he shows her something, then Joshua runs back to her Mother na nasa unahan, Ica was silently back to her books again.

This. This other side of her, makes him fall even more. All this time, she knew Ica as the most silent one, now, since they first met again in this resort, he was thankful to know how caring and loving Ica is to her family, especially to her only cousin. Fate literally has given him an opportunity and another chance to know Ica, be with her longer, and most especially to let Ica know that he likes her too.

The first time he got a chance was when Ica first confessed to him. Akala talaga niya nung una, hindi siya gusto ni Ica, kasi lagi kasi siya nitong iniiwasan at hindi pinapansin sa school, only to find out on the last week of the school year na kaya lang naman pala ito umiiwas kasi gusto din siya nito. He could have told her that time that he likes her too, but Ivan knew to himself that he got speechless, and always blamed himself for losing that chance.

Maya maya pa ay napa-ayos ng pwesto sa kinatatayuan si Ivan ng makitang nilapitan ng pamilya ni Ica si Ica at binigyan ng microphone, pinipilit na pakantahin. Patuloy naman sa pag-iling si Ica pero pinipilit talaga siya at chini-cheer pa. This time, napangiti na si Ivan at naisipan ng bumalik sa tent.

Kakadating pa lang niya sa tent ng magsimulang kumanta si Ica. Napatigil siya, napatulala sa kinatatayuan, halos hindi makapaniwala.

I lie awake at night

See things in black and white

I've only got you inside my mind

You know you have made me blind

Ang ganda ng boses niya

I lie awake and pray

That you will look my way

I have all this longing in my heart

I knew it right from the start

Napalingon na ako sa kanya, kilala ko na ang boses niya dati pa. Malumanay at mapayapa sa tenga. Pero gusto kung siguraruhin kung siya ba talaga ang kumakanta.

Oh my pretty pretty boy I love you

Like I never ever loved no one before you

Pretty pretty boy of mine

Just tell me you love me too

Siya nga. First time ko siyang marinig kumanta at napakaganda ng boses niya. Parang isang anghel

Oh my pretty pretty boy

I need you

Oh my pretty pretty boy I do

Let me inside

Make me stay right beside you

Hindi lang ako ang nagulat sa ganda ng boses niya. Kundi ang parents ko, si Anice na naka-ngangang nakapanood sa kanya, at ang pamilya niya na napatahimik nalang at bilib na bilib na nakatingin sa kanya.

I used to write your name

And put it in a frame

And sometime I think I hear you call

Right from my bedroom wall

Para siyang isang sirena, nakaka-bighani ang kanyang boses. Kahit anong pilit ko ay hindi ko maalis ang aking mga titig sa kanya.

You stay a little while

And touch me with your smile

And what can I say to make you mine

To reach out for you in time

Oh my pretty pretty boy I love you

Like I never ever loved no one before you

Pretty pretty boy of mine

Just tell me you love me too

Para siyang ibong adarna kung kumanta, napakalinaw masarap sa tenga. Gagawin ko ang lahat marinig ko lamang ang boses na ito.

Oh my pretty pretty boy I need you

Oh my pretty pretty boy I do

Let me inside

Make me stay right beside you

Bakit ako kinakabahan? Bakit bumibilis ang tibok ng puso ko. Kahit alam ko naman na sa sarili ko na gusto ko siya. Ang kantang itopara ba ito sa akin?

Oh pretty boy

Say you love me too

Mula sa pagkakayuko, ay tumingala si Ica at hindi ko inaasahang titingin siya diretso sa mga mata ko. Ang mga matang iyon, ang kanyang brown, magaganda at mapu-pungay na mata na isa sa mga dahilan kung bakit ko siya nagustuhan ay ngayoy nakatingin sakin at sa akin lamang

Oh my pretty pretty boy I love you

Like I never ever loved no one before you

Pretty pretty boy of mine

Just tell me you love me too

Oh my pretty pretty boy I need you

Oh my pretty pretty boy I do

Let me inside

Make me stay right beside you

" Grabe, di ka naman nagsabi Ica na ang galing galing mo naman palang kumanta! ", wika ng papa ni Ivan kay Ica.

" Oo nga iha, alam mo sa ganyan mo kagaling sa talent na yan. Sisikat ka, like, siguro artista ka na siguro ngayon ", mama naman ni Ivan

" Ate Ica, ang galing niyo po, idol na po kita simula ngayon ", si Anice.

Bakas sa mukha ni Ica na hindi ito sanay sa mga papuri na natatanggap nito ngayon pero nakangiti pa rin ito at nagpapasalamat sa lahat.

" Isa pa! Isa pa! ", simulang sigaw ni Aaron na suportadong suportado sa kapatid, sinabayan ni Tito Dominique na tito ni Ica, hanggang sa sumabay na ang lahat pati narin si Ivan na halos hindi na maitatago pa ang mga ngiti sa mukha dahil sa kilig.

I have always loved you since the very first time I saw you, and I have always fallen for you every single day. The more that I stay with you, the more that I love you, Ica. Sa isip ni Ivan.

After that day, halos hindi na makatulog buong gabi si Ivan sa cottage nila. Iniisip kung paano sasabihin kay Ica ang nararamdaman.

THAT SUMMER

Download MangaToon APP on App Store and Google Play

novel PDF download
NovelToon
Step Into A Different WORLD!
Download MangaToon APP on App Store and Google Play