"OOHHH.." napadaing ako nang makagat ko ang aking dila. Bahagyang naluluha ako sa kirot na dulot nito.
"Bakit ka ba naman kasi nagmamadali, eh maaga pa naman." nagtatakang tanong ni Manang Diday. Sabay pahid ng basang kamay sa pulang apron nito.
Hindi ko ito nasagot agad at wala din akong planong sagutin ang katiwala. Kahit pa magmukha akong walang respeto at utang na loob.
"Good morning Manang Diday! Good morning--"
Nabitin sa ere ang plano nitong paghalik sa aking pisngi dahil sa mabilis pa sa alas kwatro akong umiwas. It was his routine kissing me good morning, kissing me good evening, good night at kahit afternoon basta gusto niya. Wala naman yung problema noon pero ngayon--it is questionable.
"Ah! Good morning!" matabang bati ko dito. Na di man lang nakipagtagpo ng tingin. Though, plano ko itong hindi kibuin. Pero traydor tong bibig ko. Naunang bumuka. Huli na para mapigilan ko. Nilagok ko nalang ang isang tasa kong gatas pagkatapos ay mabilis at tuwid na tuwid na tumayo sukbit ang aking itim na shoulder bag, na birthday gift niya sa akin. Tsk! Hindi ito kasali sa pagka-asar ko sa kanya kaya gamit ko ito ngayon, bukas at sa susunod pang maraming bukas. Sa tibay nito ay masarap itong panghampas sa mga taong may masasamang balak at may masasamang mukha.
"Do we have a problem here, Amy?" tanong nito na di ko inakalang mabilis itong nakasunod sa akin. Well, sa haba ba naman ng biyas nito ay mabilis at madali lang talaga ako nitong masusundan.
Haysss. Papaalis na sana ako kung hindi lang sana ako inaasar ng pagkakataon.
"Yeeesss!" mabilis na tugon ko na di parin nakipagtagpo ng tingin dito. "I am looking for my key." half meant na dugtong ko.
"Oh--Okay!" di kumbinsidong wika nito. Dinig ko din ang pagbuntong hininga nito.
"Aissshhh! Goodness! Nasaan na ba yun?!" asar na asar na sambit ko. Sa hindi mahanap na susi ng sasakyan. Kung kailan kailangan na kailangan at nagmamadali saka naman hindi mahagilap. And since I have my own car saka naman ito naganap. This is somehow, unbelievable!
"I can drop you by--"
"NO!" mabilis at may diin na tanggi ko. Saka ko nabungaran ang naghihinala nitong tingin.
Minsan lang ako nagtataas nang boses. At mostly, sa office lang yun. Lalo na at may trabahante akong sakit sa ulo. Yung mga trabahanteng hindi nakikinig, ginagawang laro ang mga bagay-bagay, bida-bida, di nagagawa ang gusto kong mangyari at lalo na yung biglang umaabsent after sweldo kasi may hang-over.
Nag-iwas agad ako ng tingin nang bigyan ako nito ng isang mabigat na titig.
"I think, we should talk about our problem, Amy?" sinusubukan nitong maging mahinahon sa pakikipag-usap.
"What? Ha-ha...My goodness para ka namang babae Brennan! You are just overthinking. Ha-ha.." sabay pakawala ng pilit na tawa. At muling hinanap ang nawawalang susi.
"Stop looking for that damn key! Let's talk." nagpipigil na saad nito.
Para naman akong napaso nang hawakan nito ang braso ko pero agad din naman itong bumitaw. Parang nakahinga ako ng maluwag. Thanks G'!
"You are not wearing our wedding ring." he's not questioning me but stated the words imperatively.
Napatingin naman ako sa palasingsingan ko. Mayroong white mark doon. Na siyang ipinagkaiba sa aking right finger.
"Hmmm.." panimulang ungot ko. "I put it in the jewelry box." sabay angat ng tingin dito.
"W--why?"magkahalong pagdadalawang isip at nanghihinang tanong nito. Looking straight to my eyes.
Napabawi ako ng tingin dito. He's eyes are speaking and asking for more. I heaved a sigh. Pero mabilis ko rin inaalala kung bakit ba ako nagkaganito.
"Gusto ko lang e-secured. Baka mawala ko." pabulong kong sabi.
A lie that I know he won't buy. Sino naman ang maniniwala na na gusto kong e-secured yun? I am not talking about it's price but referring the wedding sentiments. Nahh, alam naman niya ang katotohanan simula pa nung una.
"Ow--Okay." maagang pagsukong tugon nito. Na sa tingin ko'y umiiwas siya sa maaaring kahihinatnan. Na lalong nagpapa-asar sa akin. I hate him for being like this.
I am Amethyst Fiel Padillo-Lim. Some known me as independent, strong woman. Well, I am! And the guy with a broad shoulder, has a thick black eyelashes, has a perfect jaw, a straight nose, a high cheekbones and red full lips that just walk out through my bedroom's door is my husband in paper, Brennan Lim. He is handsome. Yes! Pero hindi ko siya mahal. And he knows it!
-------------------------
At 7:30 ay lunan ako ng taxing pinara ko sa labas ng subdivision.
Obviously, hindi ako nagtagumpay sa paghanap ko ng susi sa aking sasakyan. I am a bit frustrated kasi for two years having a car ngayon ko lang di mahagilap ang susi ko. As I remember, I had put it inside this black shoulder bag of mine yesterday--kagabi. Hindi ako pabaya sa aking mga gamit. Mapa-office o bahay, my things will always be well set, according to their purposes. Maingat ako sa aking mga gamit. Knowing na pinagpuyatan at pinagpawisan ko ito para mabili.
"Good Morning Madam!" bungad sa akin ng nakangiting si Mila. She is my mother-in-law assistant for 5 years. Ganun katagal dahil ganun siya ka loyal sa pamilyang Lim. Ang mga magulang ng mother-in-law ko ang nagpaaral sa kanya kaya siguro ganun. Mila is still beautiful in her mid 40's.
"Good morning." bati ko pabalik.
Hindi ako ngumingiti sa empleyado ko. Dahil I believe maraming abusado ang nag-aabang para umatake. And I believe if you put strong aura people will respect you.
"Good Morning Madam!" sabay-sabay na bati ng aking mga empleyado. Ready for todays event. Tinanguan ko ang mga ito saka ko ito nilampasan at dumiretso sa opisina ko.
Well I am an event specialist by the way. I assist my clients needs in their ideal celebration. Such as Christening, Birthdays, Weddings or any kind of parties. I always put my heart to my work that leaves my clients and their guest in awe, I mean speechless.
As I sat in my swivel chair. I put my black shoulder bag beside the table. Readying my self for workload today. May pupuntahan pa pala akong meeting with 3 clients. As I remember talking to Mila yesterday. Three different clients to be exact. Inilibot ko ang paningin sa apat na sulok na office but I end up watching those buildings, different vehicles and people walking outside through my glass wall.
"Start working your ***, Amethyst!" pabulong kong saad saka hinarap ang mga papeles sa aking lamesa. Nang tumunog ang aking Cellphone ng magkasunod-sunod. My phone is for my private life used. Kahit maypagtataka man ay kinuha ko ito.
Brennan:
Hi!
Tumaas ang kilay ko sa text nito. Brennan will never text me like this. So I assume, baka namaling pindot lang. So I just shrugged my shoulder. But the second one caught my attention.
The sender and the message. Tinitigan ko ito ng ilang minuto.
Saka ako nagtype ng short na reply.
When I am nowhere to go. I become selfish to end everything.
"Send me your resignation letter ASAP!"
"Ma'm, huwag namang ganito! Kailangan na kailangan ko talaga ng trabaho.."
"Sorry, Amethyst! Pero--kapag nanganak ka na pwede ka ulit mag-apply dito. Tatanggapin ka namin." pinal niyang sabi.
Bagsak ang balikat na umuwi ako dahil tinanggal ako sa trabaho. And to make my day worst. Pag-uwi ko nadatnan ko ang gamit ko labas ng nerentahan kong maliit na apartment.
"Manay, maawa po kayo sa akin. Buntis po ako at walang masisilungan.." nagkakandarapang sunod ko sa may-ari ng apartment na nirentahan ko.
"Amy, tatlong buwan kong tiniis at inintindi ang sitwasyon mo. Okay lang sa akin noong nakaraan pero--pero ngayon, kailangan na kailangan ko talaga ng pera at hindi naman lingid sa kaalaman mo na nagpapadialysis ako buwan-buwan."
"Pero Manay naman, kahit hanggang ngayong gabi lang Manay, bukas na bukas ay aalis ako." subok na pagmamakaawa ko.
"Umuwi ka sa inyo, Amethyst! Paniguradong malaking bukas ang pinto ng pamilya mo para tanggapin ka.." sabay sara ng pintuan ng bahay nito sa pagmumukha ko.
Tahimik ang paligid, malamig ang simoy ng hangin na dumadampi sa aking balat at kulay itim din ang langit. And this is the longest bridge of the City. Matatanaw sa baba ang kasing kulay ng langit na dagat. Everything is so perfect. This moment is perfect.
"Im sorry! Pero--saglit lang naman 'to. Prraaamissss." nawawala sa saktong katinuang saad ko. Ngumingiti, humihikbi, naiiling, bubulong, ngingiti ulit, hihikbi at paulit-ulit habang nanginginig ang mga kamay na nakahawak sa anim na buwang tiyan. "Pagod na pagod na ako." humikbing reklamo ko. "Gusto ko nang magpahingaaaa.." sabay tingin sa maaliwas na langit. Kasalungat sa nararamdaman ko. "Ahhhhhhh.." impit kong hikbi saka sandaling ipinikit ang lumuluhang mga mata.
"Im sorry." for hundredth times na bulong ko nang biglang may sumipa sa loob ng aking tiyan. Namilog ang aking dalawang mata the second time the baby kick. Lalo akong naging emosyonal. My baby kick. Saka ko ito hinaplos pababa, pataas at paulit-ulit. "Oh.." daing ko sabay gumuhit 'O', ang aking labi nang makaramdam ako ng sakit sa aking tiyan. Oh babyyy! Lalong namilog ang mata ko dahil sa sakit. Napa-inhale-exhale ako na parang manganganak.
"Baby, sorry--sorry...hindi na uulit si Nanay!" bahagyang natataranta at naiiyak na kausap ko sa batang nasa aking sinapupunan. Baka naririndi si Baby sa panay kong iyak or galit ito sa hindi magandang plano ko sa aming dalawa. "Sorry.. sorryy.." pa anas kong sabi, sinusubukan ko rin ang sariling kumalma. Ilang minuto ding ganun. Ilang minuto kong kinalma ang sarili hanggang sa unti-unting nawala ang kirot. Unti-unti naring natuyo ang luha sa aking mukha. "My baby." sabay marahang haplos sa umbok kong tiyan. "I love you, Baby. Sorry sa pagiging marupok ni nanay. Sorry sa pagiging bad ni nanay.. Di na uulit. Aalis na tayo agad-agad dito kapag wala ka ng tampo kay nanay ha. Sorryy.. Sorry." paulit-ulit na pabulong at may lambing kong sabi.
I find that life was so hard for me after that day. Galit na galit siguro yung baby ko kaya tuluyan niya akong iniwan. Well, it's my fault. Kahit sinong anak basta sinasaktan o nasasaktan ng magulang ay paniguradong maglalayas. Pero hindi naman ako ganito kung pinapaboran ako ng pagkakataon. If the tricky witch destiny not being playful for my life, hindi siguro ganito yung ending.
That day, I blamed my parents for dying early and for being poor. I blamed my EX for making me fell in loved and felt loved and the next day he's cheating on me. I blamed God for taking everything from me. And I blamed myself for being weak. I blamed everything and question everything that surrounds me.
Of all people, bakit ako nakaranas ng ganito? Bakit parang ako lang ang nakaranas ng ganito? BAKIT? Bakit ang daya-daya nila? Bakit sila masaya, samantalang ako heto at nagdurusa? Bakit ganun? Bakit ang daya ni tadhana? Bakit ang daya ni God?
"If you're hurt, cry it out. Everything will be okay." someone just said that.
And I cried my heart out while hugging a stranger. A stranger who lend some hand, shoulder and a hanky. Wala na akong enerhiya. Kailangan na kailangan kong manghiram kahit saglit ng enerhiya ng iba.
"Go--good morning mom." sabay halik sa pisngi nito. Brennan's mom is beyond beautiful at the age fifty five.
"Hi dear, sorry for interrupting from your hectic schedules. You know, I just missed the old days chitchatting with you."
"No-Its fine mom!" sabay ngiti ko dito. She is so kind that's why I give her the prettiest smile I could. "I also miss your original recipe of egg pie and some cakes."
"OW! Ipadadala ko rin yung favorite ng apo ko at ni Brennan."
"Chocolate cake!" magkasabay naming wika saka sabay din kaming natawa.
"Brennan at Brittany love everything with chocolates, manang mana sa yumao kong asawa." nakangiting sabi nito na ikinangiti ko din.
"Kung naging lalaki lang si Brittany paniguradong parang pinagbiyak sila na bunga."
"Sang-ayon ako diyan, the two really look alike. From toe to head pati ugali at hilig. Ang pinagkaiba lang eh babae yung Brittany natin."
"Opo mommy!" natatawang tugon ko. Pero mabilis ding humupa yun.
"Carmie is back!" nakangiting sabi nito pero hindi umabot sa mga mata nito. Ewan. But I know they are in good terms. They never cut their connection after his son and Carmie split.
"A-alam ko ho.." parang may bikig sa lalamunang sagot ko. Pero mabilis ding tumalikod para maghanap ng mga gagawin. "Alam ko naman po ang lugar ko sa buhay ni Brennan. Hindi ko po nakakalimutan ang nilagdaan ko nung araw na yun. And I believe, Carmie will love Brittany like it was her own child. Lalo na at kamukhang-kamukha nito ang ama." sabay baling dito na may ngiti sa labi.
Binigyan naman ako nito pabalik ng isang malawak at matamis na ngiti.
"I know, Carmie is amazing just like you."
Tinanguan ko ito bilang pagsang-ayon sabay ngiti.
Surely soon Brennan will have back his everything, his happy ending. And I'll be happy for watching him to who and where he is meant to be.
I shift uneasily in my chair while listening to my prof who I admire, discussing about Charles Darwin and his theory of evolution. Palihim naman akong sinisiko ng makulit kong kaibigan.
"STOP IT!" pabulong ngunit may diin kong saway dito.
"Yoko' Yoko.." pabulong ding sabi nito pabalik. "Samahan mo nga kasi ako mamayang hapon." makulit na dugtong nito. Saka muli akong kinublit. Paglingon ko para iripan sana ay nag-iba ang mukha nito at boses nito. Saka ko rin namalayan na pati paligid na kanina lang ay nasa loob ako ng classroom, naka-upo--ngayon ay nasa kinasusuklamang lugar ako at nakatayo. Ilang hakbang din ang kailangang hakbangin upang marating ang kinaroroonan ko mula sa kinatatayuan nito.
"Pakinggan mo ako--plee--ease hear me out." nakikikiusap nitong sabi with his hopeful eyes. "Let me explain. I'll explain."
Bumigat ang didbdib ko na parang may nakadagan.
Marami man akong nais sabihin pero hindi bumubuka ang bibig ko. All I know my heart is crying watching his image that is so broken.
"Amyyy I love you! AMYYYYY--"
basag na sigaw nito sa pangalan ko when I turn my back and walk out. No-- I think I am running, running again like someone is chasing me. Dumadagundong ang dibdib ko habang naririnig ko ang pagtawag nito sa pangalan ko.
"Amy--yy!" he's calling my name again like he's longing for me.
"Amy--yyy! Amyyyyy! Amethyst!"
Brennan's worried face, ang siyang bumungad sa aking mga mata.
"Ba--bakit?" nahihirapan kong bigkas. But Brennan didn't say a word instead he give me a rib cage breaking hug.
Malat ang lalamunan ko and I am panting too like I joined a 5 Kilometers run in Milo Marathon na siyang required namin noon sa P.E.
Nang tuluyang magising ang diwa ko ay bahagyang itinulak ko si Brennan. Para bumitaw sa mahigpit na pagkakayakap sa akin.
"Are you okay, now?" mapag-alalang tanong nito na tinanguan ko lang sabay inom sa tubig na inabot nito sa akin kanina. Hindi naman ito nangulit sa pagtanong. He is just there, standing while-- I don't know. I didn't mind him staring at me.
Masakit ang lalamunan ko. Sa tingin koy sisipunin ako bukas at sa susunod na mga araw. At pinaka-hate kong part ay yung first day or second day ng pagkakaroon ng sipon, I mean runny nose at clogged nose. I really hate those part. Trangkaso is waving too. Masakit ang bandang batok ko. Sana hindi matuloy at madala lang sa pag-inom ng gamot. I have another clients to meet up today.
Napa-angat ako ng tingin kay Brennan. He is there, standing, staring intensely at me. Kahit masakit ang lalamunan ay lumunok ako ng laway sabay ibinaling ang tingin sa digital clock. It's almost four in the morning. Napatingin ako sa batang katabi ko. Sa anak ko. She's sleeping soundly.
"I will call Mila that you will be absent for today." mahinahong sabi pero ikina-angat ko ulit ng ulo at nakipagtitigan kay Brennan.
"No! Kailangan ang presensya ko dun. Mila can't accommodate three clients a day. At pupuntahan pa ang mga venue. So I have to be present--
"Then cancel your meetings." hindi nababahalang suhestiyon nito.
"Tsk! Sayang din yung pagkakataon. Sayang yung pera na sana, maging bato pa." sabay tayo para pahinaan ang aircon.
"Ang sa akin lang ay magpahinga ka naman minsan." tugon nito. "Hindi ka na nagigisnan ng anak natin sa tuwing umaga dahil maaga kang umaalis. Sa gabi naman ay natutulog na siya pagdating mo. She's talking and asking about you lately. Namimiss ka na ng anak natin."
Napahinto ako sa narinig. Pero agad ding bumalik sa pwesto ng kinahihigaan ko kanina.
"Dun ka sa kabila kung gusto mong tabihan ang anak mo." pag-iiba ko ng topic at suhestiyon ko sa nakatayong si Brennan. Saka ibinaling ang tingin sa anak naming natutulog ng mahimbing. Sarap kurutin ng pisngi. Bubugbugin ng halik.
Sarap panggigilan.
"Hoy! Dahan-dahan naman baka magising si Brittany!" pabulong ngunit may diin kong saway kay Brennan ng halikan nito si Brittany na may kasamang panggigigil. Ako nga, sobrang pagpipigil ko. Dahil ayaw kong madisturbo ang tulog ng bata.
Ngumiti lang ang gago pabalik para mang-asar. Sarap tusukin ng mata nito. Napasimangot ako ng parang batang binelatan ako ni Brennan.
Kaasar talaga! Mas lalo akong naasar sa pagmumukha nito nang bumukas ang mga magagandang mga mata ni Brittany.
"Mom-mmyy.." nakapout na bigkas nito sa pangalan ko saka papungas-pungas na bumangon. Sinalubong ko naman ito ng yakap at halik.
"Go back to sleep, Baby." malambing kong wika. Saka inihiga ko ito sa aking braso sabay bigay ng mahinang tapik.
Buti nalang at ilang minuto ay nakatulog ito ulit.
"Pss--sstt!"
"Peste!--"
"Hey! Bad mouth! Don't curse infront of Brittany." saway nito sa akin sabay umayos sa pagtagilid para harapin ako.
"Eh--
sa nakakaasar ka!" may inis na pabulong kong tugon. "Atsaka, natutulog na ulit ang anak mo. Na ikaw ang dahilan kung ba't nandito ito ngayon natutulog sa bisig ko!" reklamo ko.
"Ang simple lang ng problema mo para tarayan mo ako ng ganito kaaga." natatawang sabi nito na parang naaaliw sa maagang pang-aasar sabay bangon at lumapit sa aking pwesto. "Akin na.." pabulong na hingi nito sa anak.
Dumikit ang braso nito sa aking braso para kunin ang anak namin.
Tsup!
Nabigla ako ng lumanding ang labi nito sa ilong ko. Mabilisan lang yun pero dama ko kung gaano kalambot iyon.
"Gago, talaga!" nahuhuling reaksyon ko. Sabay mahinang hampas sa matigas na braso nito.
"Arayyy! Baka magising ang anak natin. Ouch!" daing nito ng kurutin ko ito sa tagiliran. Dahil hindi ako nakuntento sa hampas lang.
"Bakit ka ba nambibigla?"
"Sige, sa susunod ay magpapaalam ako, asawa ko!"
Napangiwi naman ako sa naging sagot nito.
"Ewan ko sayo."
"I missed you, Amethyst!" sinserong sabi nito. "I missed those nights that we talk ramdom things til morning. I missed those nights sleeping next to you and Brittany. And in the morning I'll heard your non-stop complain, about me snoring and sleep talking. I--"
"I already have the papers." matigas kong sabi sabay iwas ng tingin.
"What? Anong klaseng papel? Intermediate o scratch paper? Ha-ha.." nakuha pa nitong magbiro. Pero ng di ako kumibo ay napatikhim ito. "What kind of papers?" walang kaalam-alam at may pagtataka na tanong nito sa sobrang katahimikan ko.
"Papers for separation. Papers for our annulment Brennan."
"A-anoo? Annulment paper?" di makapaniwalang tanong nito. Saka dahan-dahan na inihiga si Brittany sa kama.
"Yes! It's already inside my bag." nakangiti kong sabi habang nakatalikod dito. "I already signed it. Sayo nalang ang kulang pagkatapos mo ay ibalik mo sa akin dahil ipapasa ko pa yan sa abogado ko."
Bigla kong natanaw ang bulto nito sa harap ko. Napa-angat ako ng tingin. Dahan-dahan ako nitong pinantayan. He's eyes are asking many questions. He's lips are quivering, badly want to talk pero walang namumutawi.
What makes the whole scenario worst. He is down on his knees, with shaking shoulders, silently weeping.
Iniwas ko ang tingin. Dumapo ang tingin ko sa nakasabit naming wedding photo. Napangiti ako, magkahalong pait at tamis. I close my eyes for a second then deeply breath in and breath out. Finally! bulong ko sa sarili.
Download MangaToon APP on App Store and Google Play