NovelToon NovelToon

Truth Behind The Glasses (Tagalog)

Chapter 1

(Ashene Lei's POV)

“IYAN NA naman iyong nerd.”

“Akala mo naman kung sinong maganda, makalandi, wagas.”

“Naiirita ako sa mga nerd na babae.”

Hay naku, nakakarindi na. It’s been what? Three? Six? I can barely remember when I started hearing those shits from those people describing themselves. Well, except that they don’t look like nerds, but worse.

Tawa much ako sa mga babae na kung makapanglait ng iba, parang wala silang salamin sa bahay.

Haist, na-stress na naman ang bangs ko sa mga ito! Walang ibang ginawa kundi mag-almusal ng panlalait, daig pa mga chismosa sa kanto.

“Ashene Lei Castro!”

Oh great! Just great!

Guess it’s time for me to run from this babae na super kulit!

“Hoy, baklita! Huwag mo ako takbuhan. May atraso ka sa akin. Bumalik ka dito.”

In your dreams!

“Kakalbuhin talaga kita kapag naabutan kita, makita mo!”

That’s my enemy. Oh scratch that!

She’s the worst girl ever, the enemy of all. Boses pa lang, nakakarindi na. Ewan ko ba kung bakit best friend turing niya sa akin eh palagi ko ngang nilalayuan at inaaway.

Siguro dahil na rin sa nalaman niya ang reason kung bakit ganito ako. Kaya iyon, feeling niya best friend ko na siya eh hindi naman sinasadya na malaman niya ang lahat. Hindi ko iyon in-open sa kanya. Sadyang pakialamera lang talaga siya!

Flashback...

Narito kami ngayon sa gym ng school namin. Walang tao dahil last period na sa hapon na ito.

At ako na isang honor student, first time nag-cut sa klase para makausap ang lalaking ito.

“Look, I am so sorry. Lalaki lang ako, mahina sa tukso-“

“Shut the fuvk up, jerk! Pwede ko rin naman sabihin iyan eh. Pwede ko rin gawin ang mga ginawa mo. Pero pinili kong hindi gawin kasi alam ko na may lalaking naghihintay sa pag-uwi ko. Lalaki na akala ko, ako lang ang tinitingnan, na ako lang ang mahal. Pero puta lang!”

Marahas kong tinulak-tulak siya. Hinuli niya ang mga kamay ko at mahigpit iyon na hinawakan. Halata na sa mukha niya na galit na siya sa ginagawa ko. Well, wala siyang karapatan na magalit! Ako itong niloko niya. Ako itong ginago niya!

Hinahayaan ko siya sa mga gusto niyang gawin dahil puno ang tiwala ko, pero-

“Anong pinagkaiba natin, ha? Pakisabi nga. Lalaki ka, babae ako. Ang pinagkaiba lang natin, gender, wala na. So paki-explain nga. Hindi ko ma-gets iyong reason mo. Na lalaki ka at mahina sa tukso? Ang sabihin mo, gago ka. Wala iyan sa pagiging lalaki mo. Gago ka lang talaga kaya mahina ka sa tukso!”

“Let me explain, babe. Puro ka dada. Papagsalitain mo rin ako at nang malinawan ka.”

Binawi ko na ang mga kamay ko na agad niya namang binitawan. Namumula na ang wrist ko. Masusuntok ko siya, kaunti na lang!

“Sige nga, explain! Anong palusot ang sasabihin mo? At nang maihanda ko na ang sarili ko sa pagtawa nang malakas sa isang malaking kalokohan na ginawa mo. Explain!”

Napakamot siya sa right ear niya. “Tsk!”

“Aba’t hoy-“

There he goes again. He kissed me when I’m not done talking. He’s always like this.

Siguro kung hindi kami nag-aaway ngayon, kikiligin ako. Pero galit ako. And I admit na sarado ang isip ko para makinig sa kung ano man ang hinanda niya na explanation. At kung ano man iyon, that’s pure bullshit!

Nanatili lang sarado ang lips ko while he’s trying to make an entrance.

Ang kapal ng mukha niya! Pagkatapos niya makipaglandian sa iba, magso-sorry siya sa akin at makikipaghalikan pa? Napakagago!

Biglang nag-flash sa isip ko ang mga nangyari kanina.

Ang ganda ng gising ko. Una kong kinuha ang phone ko para sana i-text ang boyfriend ko ng sweet messages. Nakita ko sa notification bar na may unknown sender na nag-send daw ng picture.

Hindi ko na sana papansinin kaso baka importante iyon kaya inuna ko nang i-open. Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa nakikita.

My boyfriend lying at the background, *****. And this ***** who took the picture didn’t even try to hide her face. Buong mukha niya lang naman hanggang sa may dibdib niya ang kinuhaan niya. And she was wearing a cheap-looking bra- plain black na nga lang, mukha pang baby bra.

Ipagpapalit na lang ako, doon pa sa walang cleavage!

Bumalik ang atensyon ko sa kanya nang hawakan niya ang baba ko at sapilitang paghiwalayin ang mga labi ko.

Hindi na ako nagdalawang-isip pa. Sinuntok ko siya. Lahat ng lakas ko, emosyon ko, pati na rin ang galit ko sa babae niya, binuhos ko sa suntok na iyon.

Well, I’m kind of a fighter kung kailangan sa sitwasyon. Puro kasi mga lalaki ang kapatid ko at hindi nila ako sinanay sa girl’s fight na tamang sabunutan at sampalan. So when it comes to strength, I am confident that I’m good with this.

Salo niya ang kanyang mukha. Matalim na rin ang mga tingin niya sa akin ngayon.

Kilala ko ang lalaking ito. Alam ko na iniisip niya, kung hindi lang ako babae, bugbog sarado na ako ngayon. Well, advantage ko pa rin na babae ako, at boyfriend ko ang nasampulan ko ng first fist fight ko.

Oops, from the moment he cheated on me pala ay hindi ko na siya boyfriend.

Hindi ako nagpakita ng kahit anong kahinaan sa harap niya. Pinipigilan ko rin ang pag-iyak na dapat ay bumabaha na ngayon sa sobrang sakit na binigay niya sa akin. Ayaw kong isipin niya na kawalan siya.

Dahan-dahan akong tumalikod at naglakad palayo sa kanya. Kahit naman nasasaktan ako sa ginawa niya, may parte pa rin ng puso ko na umaasa na pipigilan niya ang mga kamay ko. Na luluhod siya at magmakaawa na patawarin ko siya ngayon.

Pero hanggang sa makauwi ako, walang kamay na humabol.

Binalot ako ng panghihinayang sa pinagsamahan, sa mga alaala na binuo, at mga pangarap na hindi na mangyayari.

Sinusumpa ko, from this day onward, wala nang makapananakit pa sa akin tulad ng ginawa ng gagong iyon. This will be the first and the last time that I will cry and will look like a loser.

Well, right now I’m a loser. But this will never ever happen again, never!

Chapter 2

“HI, I’M Elvyra Montereal, nice to meet you all!”

What’s so excited about the first day of school? I don’t get it. This girl seems energetic over nothing.

It’s been two months since I graduated from senior high. And today is my first day in college.

Sa tatlong magkakapatid, ako ang bunso at ako na lang din ang nag-aaral. Lahat sila ay accounting graduates. Kaya iyon rin ang pinakuha nila sa akin.

Wala naman akong gusto na specific course, at wala rin akong pakialam kung ano man ang kunin ko. Confident ako sa IQ ko, kaya alam ko na kahit ano pa iyan, basta mapag-aaralan naman, makukuha ko rin.

“Hi, pwede patabi?”

Tsk, this Elvyra girl is malaking FC, feeling close! Makasmile parang wala nang bukas.

She has a pale ivory skin. At nagmumukha siyang maputla at sakitin sa white unform namin, dagdag pa na may kapayatan ang pangangatawan niya. Dibdib lang ang malusog. Tapos wavy at mahaba pa ang brown niya buhok.

“Dito ka na lang tumabi sa akin.”

“Vacant dito, dito ka na lang.”

“Miss Elvyra, sa unahan ka na lang. Huwag kang tumabi sa nerd, sige ka. Baka mahawa ka.”

At nagsimula nang lumakas ang kanilang pag-aagawan sa kanya.

She seems to be popular already in our class. First day pa lang, akala mo artista itong nakikita nila. Mas maganda naman ako.

“Fine by me.” Nameywangan siya at tumingin sa ibang students, specifically doon sa mga nag-offer.

“Mukha yatang ayaw niyo maupo sa pwesto niyo at kung maka-offer naman kayo, parang wala nang ibang mauupuan. Hello? Bulag ba kayo? Ang daming bakanteng seats. Wala akong makikitang nakaupo sa inyo, ha? Offer kayo nang offer, mga plastic.”

Natahimik ang lahat, pati na rin ang professor sa harap.

She’s something… She means trouble, I mean.

Pasimple akong huminga ng malalim.

One…

Two…

Three…

Nerd mode on!

Mahinahon at tila nahihiya na nagsalita ako.

“Miss Montereal…” Maupo ka kung saan mo gusto. Magtatanong pa kasi. You’re making a big deal out of it, you moron. Sayang sa oras! “Ah eh…”

Walang sabi-sabi ay naupo siya sa tabi ko at pinaandar ang bibig niya na ang tilin ng makina.

“Dito na lang ako sa tabi mo. Huwag mo na pansinin iyang mga iyan. Tawagin ka ba namang nerd, kung hindi ba naman mga sira. Paki ba nila? Why state the obvious, di ba? Tsk. So, anong name mo?”

Kalma, Lei. Kalma ka lang.

State the obvious nalalaman nito. Sasabog ako rito, promise. Masusuntok ko nang wala sa oras ang babaeng ito.

“Ashene Lei Castro po,” magalang na sagot ko.

“Ouch! Huwag ka na mag-po sa akin. I think magkaedad lang tayo except the looks. You look older than me. Anyways, nice to meet you, Ash.”

At kumindat pa talaga siya sa akin. Naku, nanggigigil na ako. Hindi ako makakatagal sa maghapon na siya ang katabi ko!

Pagkalipas pa ng ilang oras, pakiramdam ko daig ko pa ang nagtrabaho maghapon. To think dahil iyon sa babaeng walang humpay sa pagsasalita while in the middle of the class.

Bakit pa kasi sa akin tumabi iyon?! Gusto ko lang ng tahimik na buhay.

Tumingin ako sa wristwatch ko. I started to count down.

Three.

Two.

One.

Saktong pagpatak ng alas-singko sumabay ang pagtunog ng bell. Sa wakas tapos na rin ang first day of school na puro lang panlalait sa akin ng babaeng ito ang narinig ko.

Well, at least harap-harapan niya nilalait ang tao. I can say that’s good. Pero ibang usapan na kung maghapon niya iyon gagawin!I know I look like a nerd, but dude, wearing a thick glass doesn’t make me a nerd. What is this reasoning anyway?

May sinasabi pa siya na hindi raw ako marunong mag-ayos, ang manang kong tingnan. Turuan niya raw ako magpaganda para kaht papaano ay makahanap ako ng boyfriend.

Punyeta! Supalpalin ko na lang ang bunganga niya eh.

First of all, saan banda ang manang?

I am wearing the same uniform as her. I have long wavy black hair, and I just tied it up in an upsweep hairstyle.

And about getting a boyfriend, I’m gonna pass on that.

Inayos ko na ang mga gamit ko, at akma akong maglalakad palabas nang magsalita siya.

“Wait, Ash!”

Hindi ka pa ba tapos? I’m so tired! “Bakit?”

“Uuwi ka na ba, girl?” tanong niya habang nagre-retouch.

Isn’t it obvious? “Uhm, yeah?”

“Sabay ka na sa akin. Parating na rin ang sundo ko. Bukod sa mukha kang sakitin, baka ma-bully ka pa sa daan, konsensya ko pa.”Napamaang ako sa sinabi niya.

Can I punch her na ba? Baka ma-bully, eh sa talas pa lang ng dila niya, wala nang palag ang ibang bully.

“Ah huwag na. Salamat na lang. Susunduin ako ng kuya ko,” I said, smiling. I feel like my cheeks are going numb from wearing fake smiles all day.

“Ganoon ba?” Isinilid niya na ang make-up sa pouch niya. Tumayo na siya at sinukbit sa braso ang violet satchel niya and look at me with a bore look.

“Samahan na lang kita while you wait for your Kuya. Wala rin naman kasi akong gagawin. Nag-mall pa lang ako kahapon, and there are lots of fake bitches out there. So I’m gonna play it safe for a while,” she said. She even handed me her bag.

Oh? So this is the start of her reigning as a “queen?” I felt sorry for her. She chose the wrong girl to be her slave.

Without a word, tinalukiran ko siya. Hindi ko na inalam kung ano ang naging reaksyon niya.

Paglabas ko ng pinto, may iilan na estudyante roon. Hinihintay yata si Elvyra. And yup, she’s right about one thing.

“Fake bitches,” I mumbled.

They talk bad about her.

Kailangan ko bang mag-sorry and help her out of it? I can imagine her being the center of gossip from here on.

Bahala na nga siya. Kinuha ko na lang ang phone ko at nag-scroll lang nang nag-scroll. Wala ako sa mood i-open ang mga social media accounts ko, baka may makita lang ako na hindi ko magugustuhan at lumala pa ang inis ko sa buhay.

To be honest, blangko ang isip ko ngayon. Hindi ko na rin namalayan na nasa harap na rin ako ng school gate. Buti hindi ako natapilok sa daan at namatay.

Muli kong itinuon ang atensyon sa phone, only to see the safe folder open na hindi ko dapat binubuksan ngayon.Kasabay ng realization na iyon ay ang pagkabasag ng eardrums ko.

“Oh my gosh!”

Chapter 3

I covered my ears. I can feel my mind shaking from the shock. Bukod sa lakas ng tili ni Elvyra right in my ear, niyugyog niya pa ako nang pagkalakas-lakas.

“OMG, I thought you’re really a nerd. So you are just in disguise?”

“Huh?” kunot-noong tanong ko. Wala akong maintindihan sa sinabi niya sa sobrang bilis niyang magsalita. “Wait, will you stop shaking my body first? Nahihilo na ako!”

Agad niya naman akong binitawan.

Napapikit ako nang mariin at hinilot ang noo ko. Pakiramdam ko, naduduling ako.

“Breathe in. Breathe out. Ok!” Narinig kong sabi ni Elvyra sa tabi ko. “So girl, you were just acting like a nerd because of some guy who hurt you?”

“What are you talking about?”

Bigla ay naalala ko ang naka-open na folder. It is my diary!

Nanlilisik ang mata ko na tiningnan siya.

“Don’t dare to tell anyone what you just saw, *****!” may diin ang bawat salitang binitawan ko.

“Whoa, easy there *****.” Pinasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa. “I won’t tell anyone, like duh? But can you tell why?”

“Don’t act like we’re buddies and start asking why. Mind your own business, duh?” Gumanti ako ng tingin sa kanya as if I’m saying “she’s so pakialamera.”

I flip my hair at her only to look back again at her. With my glamorous think brow raised and my almond eyes with its ebony color piercing through her soul, I said with a firm voice, “stay away from me.”

“Lei!”

Bahagya akong nakahinga nang maluwag. Buti at dumating na si Kuya. Pagod na pagod na talaga ako just dealing with this girl.

Nakakapagod ang magpanggap.

BACK TO THE PRESENT…

I run as fast as I could as if my life will end in an instant if I stop.

This Elvyra girl is chasing me for a while now.

Ano na naman ang kailangan ng bruhang ito?

Nakarating ako sa oval ng campus. I slow down my pace and stop. Pinuno ko ng hangin ang precious lungs ko na parang sasabog na sa kakapusan ng oxygen.

My gosh, I’m dying!

“Hah!”

Napalingon ako sa kanya. Hindi ko akalain na may stamina siyang tinatago sa super slim niyang katawan na animoy may sakit.

“Do you want to kill me, you *****?!” asik ko sa kanya nang makahuma ako sa pagkahingal.

Namumula ang buong mukha niya. Gulo-gulo na rin ang mahabang buhok niya. Lumaki ang butas ng ilong niya and in the count of three, she’s going to fire.

“Ako dapat ang nagtatanong ng bagay na iyan, bruha! As you can see, I am wearing a ******* two-inch heels tapos magpapahabol ka,” hinihingal na reklamo niya.

“How come that it’s my fault?”

Tinaas niya ang kamay niya. “Give me a second. I’m dying.”

Lumunok siya nang ilang beses habang habol pa rin ang paghinga.

“One. Two. Three.”

“Why are you counting? Wait lang, matuto ka maghintay!”

Oh, who would have thought that having her around will be entertainment for my boring life?

“Loka-loka ka! Sasabihin ko lang naman na may bagong kwento si Jhon Lei. Intro pa lang girl, feel mo na iyong emotions niya. I’m so in love. Naiiyak na rin ako. Hug me, *****. Comfort me, come on!”

I rolled my eyes at her. I take my words back. She’s not entertainment, she’s a curse.

“Ewan ko sa iyo!”

Saturday ngayon and we are not required to wear our uniforms. Kaya ang lakas ng loob ni Elvyra na magpaka-queen by wearing flashy clothes and heels.

Even though I am into those clothes, too, I am wearing checkered roll-sleeves and black pants, and match them with white sneakers. I wanted to avoid attention as much as I could. Mahirap na dumugin ang ganda ko, baka mabugbog ko lang sila.

Pumunta ako sa isang bench na nasa ilalim ng puno. Maulap ngayon pero ang sakit pa rin sa balat ng init. Tanghaling tapat ba naman, tapos nakipaghabulan pa ako sa babaeng ito.

Anyways, what is she talking about?

“Don’t tell me hindi mo kilala iyong famous writer na iyon?”

She looks like she can’t believe that I don’t know the writer.

“Oh my gosh, girl! Sa gwapo niya na iyon, hindi mo kilala? Lower face pa lang, as in hmm, yummy! Puro kasi black and white ang pinopost niya sa mga social media accounts niya, from his pointed nose to his broad shoulders. Sinong hindi maglalaway? Pero syempre, hindi ko ipapatalo ang kuya mo,” she said with puppy eyes.

“Kadiri mo, manahimik ka nga!”

Mula kasi nang sunduin ako ni Kuya noong first day of school, nagka-interest na si Vyra sa kanya. And that was two weeks ago, my gosh! Akala ko mananahimik na ang mundo ko after I gave her a death glare, pero lumala lang ang sitwasyon.

Hindi na ako tinantanan ng babaeng ito. I mean, she stopped bullying me pero parang mas gugustuhin ko na lang na bully-hin niya ako.

Kinukulit niya ako na mag-set ng date nila ni Kuya! Ayaw ko nga, manigas siya.

Sinabihan ko na rin si Kuya na huwag niya na akong ihatid at sunduin, baka makabuntis siya nang hindi niya namamalayan. Sa mga tingin pa lang ni Vyra.

“Girl, sige na please? I promise, after one date na request ko sa iyo, hindi na ako uulit. Hindi na kita kukulitin. Please? I’m so pretty please?”

Even her vocabulary became a mess after her heart.

I sighed.

“You know what? You’re the type of girl my brother won’t take a glance for a second. So don’t bother. Asking me a favor is useless kahit na mag-set pa ako ng isang libong blind date para sa inyo. Now, get lost.”

“Ouch ha? Ganoon mo ba kaayaw sa akin? Hindi naman kita inaaway ha?!”

Hinampas niya pa ako sa balikat ko. Nakakapuno na siya ng pasensya. Anong tawag niya sa ginagawa niya? Hindi ba pang-aaway ito?

“Ano ba?!” asik ko sa kanya na hindi niya naman pinansin.

Naupo siya sa tabi ko na parang basang-sisiw. O nagmamakaawa? Her half-exposed thighs are rubbing each other na para siyang nagpipigil ng ihi.

Whatever she’s doing is not effective, it’s disgusting!

“So… anong gusto ng Kuya mo sa babae?”

“Hindi pabebe.”

“Hindi ako pabebe, I swear!” At may pataas-taas pa siya ng kamay na nalalaman.

“May pagkatomboy.”

“What the fuvk! Bakla ba iyang kuya mo?”

I smirked. She won’t win my brother’s attention. She is far from being a tomboy. Well, gawa-gawa ko lang iyon but it is better than saying “ewan ko.” Para na rin tumigil na siya.

Nanlulumo na yumuko siya.

I laughed at the back of my mind as I look at her pathetic state. I won.

She looks at me with her teary eyes. That just makes me grin wider.

“You’re lying. You’re grinning like a devil, *****!”

“I’m not lying, but you can say I’m a devil.”

Download MangaToon APP on App Store and Google Play

novel PDF download
NovelToon
Step Into A Different WORLD!
Download MangaToon APP on App Store and Google Play