I'm Dalton Wiliam and I'm a College teacher
7 years na akong nag tuturo Ng College students at masaya Ako sa trabaho ko
Nag eenjoy Ako sa trabaho ko at pag nakikita ko Ang mga studyante ko kung paano sila mag sumikap sa kanilang pag aaral
Pero may Isa akong student na pumukaw Ng aking atensyon, Bago lang sya sa school namin
Balita ko Transferri sya kase may kaso sya sa dating pinapasukan nya
Na kick out sya dahil sa panget na ugali nya
Sabi rin nila Sumasagot daw sya mga Prof. Nya
At ilang beses na rin syang na drop out
Hayssss, Hindi ko alam kung ano bang Meron sa mga kabataan ngayon
Pero Ang studyanteng to, naging sakit Ng ulo ko
At naging parte Ng Buhay ko
...
Dalton's Pov.
"Titiiit titiiit titiiit!" Tunog Ng alarm clock ko
Minulat ko Ng kaunti Ang kaliwang mata ko at inabot Ang celpon sa ibabaw Ng lamesa sa gilid Ng kama ko
"6:30 am" pero sobrang inaantok pa Ako
Kaya Naman inoff ko lang Ang alarm at bumalik Ako sa aking pag tulog
Hindi ko namalayang lumipas na Ang halos Isang Oras
Naalala Kong may klase pa Ako kaya Naman bigla Kong iminulat Ang mga mata ko at agad kinuha Ang cellphone sa gilid Ng kama ko
Sh*t " 7:43 am "
Dali Dali na akong bumangon at pumasok sa cr para mag sipilyo
Habang nag sisipilyo sinimulan ko na rin maligo
At Ng matapos ay nag luto narin Ako Ng agahan ko
"8:20 am" hayssstt bakit ba napaka bilis Ng Oras?
Napa buntong hininga nalang Ako
Nilagay ko nalang sa Tupperware Ang pagkaing niluto ko at umalis na Ako
Habang NASA byahe Ako
Eto nanaman Ang traffic , tumingin Ako sa relo ko
"8:36 am " napa kamot ulo nalang Ako
Kelangan alas 8:50 NASA school na Ako dahil nga alas 9:00 Ang Oras Ng klase
Napa hilot nalang Ako sa aking noo
Habang nag iintay na umusad Ang traffic
May nakita akong studyanteng SIGURADO akong nag aaral sa school na pinapasukan ko dahil sa kanyang uniform
Nag taka Ako kung bakit sa ibang direksyon sya papunta
Naisip ko agad baka mag cu-cutting to,
Kaya binaba ko agad Ang bintana Ng sasakyan ko at tinawag Ang studyanteng yon
"Excuse me, studyante ka Ng Astrals State University Tama?" Tanong sa kanya
Pero tinignan nya lang Ako at umiwas agad Ng tingin na parang inirapan pa Ako
May attitude, Hindi nya ata alam na Professor Ako sa pinapasukan nyang school
Tumingin Ako sa relo ko "8:39 am"
Binalik ko Ang mata ko sa kanya at sinabihan sya
" Hindi Dyan Ang Daan papuntang school, malelate ka sa 1st subject mo"
PINIPILIT ko syang pumasok dahil sa tingin ko mag cu-cutting class Ang studyanteng to at Ang Isa pa sa kinabahala ko
Babae Ang studyanteng to
"Hayyyy" napa buntong hininga nalang Ako
Hindi sya nakinig sa sinabi ko, tunalikod lang ito sakin at lumakad palayo
Hinayaan ko nalang sya at Hindi ko na pinansin
Ang mahalaga ngayon ay dapat Maka rating na Ako sa skuwelahan
Ng umusad na Ang traffic binilisan ko na Ang pag mamaneho
"Good morning sir"
"Hi sir Good morning"
" Good morning Po sir"
Bati sakin Ng mga studyante
Tinignan ko muli Ang relo ko
"9:05 am" 5 minutes late, di na rin masama
Nag check in na Ako agad at dumiretso na Ako sa 1st class ko
Raina's Pov.
Naiinis Ako sa ate ko at pinag transfer nya pa Ako sa ibang school eh ayaw ko NGANG mag aral na, gusto Kong mag trabaho at yumaman habang Bata pa Ako hayssss
At etong University na to tinanggap rin Ako
Ayaw talaga umayon sakin Ng panahon
Kaya Naman sinadya Kong ma late ngayon unang PASOK ko sa University na to
Syempre para I kick out ulit Ako haha
Bakit ba kase kelangan nila akong PILITIN mag Aral
Ang lagi lang sinasabi Ng ate ko kelangan para gumanda Ang future, eh sya nga nag tapos Ng pag aaral pero bakit nag tatrabaho sya Isang fast food bilang waitress
"7:30 am" bumangon na Ako Ang nag asikaso Ng SARILI ko
"Oh bat napaka bagal mong kumilos? Anong Oras na malelate ka malayo Ang skuwelahan mo" Sabi pa ni ate, naririndi talaga Ako sa boses sya tuwing umaga
"8:00 palang ate, bakit ba nag mamadali ka? Mag cocommute nalang Ako para mabilis" at ngumisi Ako sa kanya habang tinataas baba Ang dalawa Kong kilay na TILA inaasar ko sya
Napa ngiwi lang si ate at Sabi
"Wag mo Ng subukan gumawa ulit Ng kalokohan, nag tatrabaho Ako para Sayo kaya sana Naman suklian mo Ng maganda" sermon pa nya
Napa kamot ulo lang ako at sinubo Ang pagkain sa kutsara ko
"Sana Naman umayos kana Raina, dalawang buwan Kapa nga lang sa una mong pinasukan gumawa kana agad Ng kalokohan, ano Ng yare Sayo? Edi na kick out ka, sana Naman ngayon mag Tino kana" Sabi pa ni ate sakin na walang emosyon Ang muka
"Hayss, opo ate" pa lambing Kong Tono Kay ate
"Dalawa nalang Tayo kaya mag sumikap ka" Sabi pa ulit ni ate
"Eh ate ayoko na nga mag aral, gusto Kong yumaman at MAGAWA Ang mga pangarap ko" napa irap nalang Ako sa kanya
"Hayy" buntong hininga ni ate " Alam mo Raina, Hindi mo ma aachieve yang pangarap mo kung Hindi ka mag aaral Ng maayos!"
Medyo Galit Ang Tono ni ate kaya tumayo na Ako sa kina uupuan ko para Kunin Ang bag ko
"Ang daming Bilyonaryo sa Mundo na Hindi naman nag aral o nakapag tapos, kaya ko rin yun" pa habol ko pang Sabi sa kanya
At lumabas na Ako Ng Bahay para pumasok sa panibagong University na papasukan ko
Syempre sinadya ko ulit na late, kaya nag lakad lang Ako
NASA highway na Ako Ng naisipan Kong pumunta Ng convenience store para bumili Ng maiinom,
Habang papa lakad nga Ako may Isang Manong na tinawag Ako at TINANONG pa kung sa Astrals State University ba daw Ako nag aaral,
Eh kita Naman nya uniform ko kaya Naman inirapan ko lang sya at umiwas Ng tingin
"Hindi Dyan Ang Daan papuntang school, ma lelate ka sa 1st subject mo" Sabi pa nya
Hindi ko na sya pinansin at lumakad na Ako diretso papuntang convenience store
" Anong problema Ng lalakeng yun" napa irap nalang Ako
Bumili Ako Ng juice na maiinom ko at nag bayad na agad sa cashier
Tinignan ko pa Ang orasan ko bago Ako tuluyan umalis
"8:56 am" pumara na Ako Ng jeep at sumakay, na realize ko kase na nakaka tamad rin Pala mag lakad
"9:10 am" late 10mins na Ako pero chill lang Ako
"Late kana akin na Ang ID mo" Sabi pa Ng guard sakin
"Kuya Wala ho akong ID" at inirapan ko sya
"Studyante ka dito tapos Wala ka g ID? ibigay mo na sakin para Maka PASOK kana" pamimilit pa nya
"Wala nga ho akong ID kaya papasukin nyo na ho Ako dahil late na ho Ako " sagot ko Kay Manong guard
"Hindi pwede, alam mo naman siguro Ng rules Ng school na to, pag late ka kelangan mo Iwan Ang ID sa guard" Sabi pa nya
"Wala nga ho akong ID Ang kulit nyo Naman Po, Transferri Po Ako dito kaya Wala pa Po akong ID nyo kaya papasukin nyo na Po Ako" at inirapan ko nalang sya
"Dapat sinabi mo agad, Hindi ko alam na transfer ka, o sige na pumasok kana pero ilista mo Muna Ang pangalan mo dito" at inabot nya Ang ballpen sakin
Kinuha ko yun at sinulat Ang pangalan ko pa Alis na Ako Ng maalala na Hindi ko pa Pala alam kung nasaan Ang classroom ko
"Excuse me Manong guard saan ba dito Ang classroom Ng A-1 ?" Tanong ko Kay Manong guard
Agad Naman nya itong tinuro
Lumakad na Ako papunta sa oangalawang building at hinanap sa 3rd floor Ang classroom
"9:23: am" natatawa Ako sa SARILI ko, sa Ginagawa ko pero kase dito Ako nag eenjoy
Dahan dahan akong lumapit sa pinto Ng aking classroom naririnig ko pa Ang aming professor na nag di-discuss, natigilan ito Ng napansin ba may tao sa labas Ng pinto Ng aking classroom
at napansin Kong
Teka, sya Yung Manong kanina
"Good morning sir" malambing Kong Sabi at nginitian ito
Dalton's Pov
NASA kalagitnaan na Ako Ng pag di-discuss Ng aking lesson Ng biglang
" Good morning sir" malambing na Sabi nito at nginitian pa Ako
Parang namumukaan ko Ang studyanteng to
Kung Hindi Ako nag ka kamali, sya Yung studyanteng nakita ko sa side walk kanina
"Good morning, why are you late?" Tanong ko dito
Pero ngumiti lang ito at dire diretsong pumasok sa loob Ng classroom
Pinag titinginan sya Ng mga kaklase nya at pinag bubulungan
"Excuse me miss, pwede ko bang nalaman kung bakit ka late ? " Tanong ko pa,
Pero Hindi nya Ako pinansin naka upo lang sya pangatlong UPUAN SA unahan
Nainis Ako kaya Naman nilapag ko Ang librong hawak ko sa ibabaw Ng lamesa sa harapan ko
Lumamit Ako sa harapan nya at tinignan sya Ng seryoso
Raina's Pov
Ano bang problema Ng Professor na to? At tumayo pa sa harap ko, hayssss
Tiningala ko sya at tinignan Ang muka nya
NAPAKA seryoso Naman ata nya eh 25mins. Lang naman Ako late
Tumayo Ako at tinignan sya sa mata,
Pinungay ko Ang mga mata ko at inalis Ang emosyon sa muka ko, napansin Kong medyo nailang si Sir
"Alam nyo naman ho Ang sagot kung bakit Ako na late, bat pa Po kayo nag tatanong?" Ma attitude Kong Tono
Napa tingin lang si sir sa mga mata ko Ng tatlong Segundo at umiwas
"Alright, balik Tayo sa topic" Sabi lang nya at bumalik na ulit sya harap Ng white board at nag discuss
Habang nag susulat si sir sa white board
Napansin Kong kanina pa PANAY tingin sakin Ng mga kaklase ko, NASA kabilang row sila Ng UPUAN at sa tingin ko Grupo sila
Nakita ko rin silang nag bubulungan at Tama nga Ako, Ako Ang pinag uusapan nila
Tinignan ko sila sa mga mata at ngumisi sabay Iwas
Napansin ko pang nainis Ang Isa sa KANILA
Nakaka bagot talagang makinig sa mga teacher nating nag di-discuss Ng lesson nila
Kaya Naman, kinuha ko Ang akong sketch pad at nag drawing nalang
Naisipan ko ring si sir Ang idadrawing ko habang nag di-discuss sya
Naka ngiti pa Ako habang Ginuguhit si sir
Sa tingin ko rin gwapo sya, Yung tipong kikiligin ka pag naka salubong mo
Dalton's Pov
Habang nag susulat Ako sa white board Ng aming discussion napansin Ko Ang baguhang student na to ay Hindi nakikinig napa ngiwi Ako at Napa hilot nalang sa aking noo
"Excuse me miss?" Sabi ko na TILA nag tatanong kung anong pangalan nya
Pero Hindi ata nya Ako narinig, PATULOY parin sya sa Ginagawa nya kaya Naman lumapit Ako sa harap nya at inintay na mapansin nya ako
Raina's Pov
Wala pa Ako sa kalahati Ng Ginagawa ko
Pag lingon ko sa harap Ng white board
Biglang nawala si sir, hinanap ko pa
Ng mapansin Kong may naka Tayo sa harap ko
Dahan dahan akong lumingon at tinignan kung sino Ang NASA harap ko,
Si sir , Dali Dali Kong sinarado Ang sketch pad ko at pinatungan iyon Ng mga kamay ko at ngumiti sa harap ni Sir
"Hmm, Hindi naman ata ganyan ka gulo Ang buhok ko" Sabi pa ni sir at lumakad papunta sa harap Ng white board
Napa hawak Ako sa aking noo at napa buntong hininga *sigh*
Sh*t nakita ni sir Yung gawa ko
"Miss?" Sambit ni sir
Napa lingon Ako agad sa kanya at Tama nga Ako, Ako Ang tinatawag nya,
Inaabot nya SAAKIN Ang white board marker
Kaya naman Dali Dali akong tumayo at inabot iyon
"Sagutan mo" Sabi ni sir SAAKIN
Nilingon ko Ang naka sulat sa white board,
Binasa ko iyon at agad ko namang na gets Ang topic
Kaya sinagutan ko kaagad
Nakita ko pang parang nagulat si sir dahil na sagot ko Ng Tama Ang mga questions, Akala siguro nya Wala akong alam
"Good , btw introduce yourself, Hindi Kapa kilala Ng mga classmates mo" Sabi pa ni Sir
Tinignan ko Ang mga kaklase ko, pero muka namang Hindi sila interisado na makilala Ako
"I'm Raina Vega" walang emosyong sambit ko
"Sabi ko na eh, ikaw nga yun" nagulat Ang mga kaklase ko at si sir Ng mag salita Ang Isa Kong kaklase
"Ha?" Tanong ko
"Ikaw si Raina galing ka sa Minoas College University" medyo pa Galit Ang Tono nya
Napa ngisi nalang Ako Ng malamang may nakaka kilala Pala sakin dito
Hanggang dito umabot Ang chissmiss, ganun ba Ako ka sikat para makilala Ako Ng kahit na sino
"Excuse me class, kilala mo si Raina?" Tanong pa ni sir
Napa irap Ako, di ba obvious sir
"Opo sir, sya Yung nag tulak sa Kapatid ko sa 3rd floor building sa Minoas College University" pa Galit pa nitong Sabi
Ahh, so Kapatid nya Ang bumibully sakin nuon
Pinag tanggol ko lang Naman Ang SARILI ko nun
"Excuse me, Wala naman akong KASALANAN sa Kapatid mo, sya Ang may atraso sakin napuno lang Ako sa kanya kaya ko ginawa yun" Sabi ko pa sa kaklase ko
"Kung Hindi mo tinulak Ang Kapatid ko Hindi sana kami nahihirapan ngayon" Galit na Galit nitong Sabi
"Deserve nya yun, lagi nya akong pinag titripan di porket lagi akong late, at laging napapa away Akala nya kase biro lang Ako" pag yayabang ko pa
"Class enough!" Sabi ni sir saamin
"Bumalik kana sa UPUAN mo Raina" mahinahong Sabi sakin ni Sir
Bago pa Ako lumakad papunta sa UPUAN ko, nilingon ko Ang kaklase ko at naka tingin pa rin sya SAAKIN , Ang sama Ng tingin nya
Kaya Naman nginisihan ko sya at inirapan at dumiretso na sa aking upuan
Episode 3
Dalton's Pov
Akala ko nung una walang alam Ang studyanteng to pero na realize ko Hindi kopa sya lubusang kilala kaya Wala akong karapatan Mang husga
Nabigla Ako Ng masagot nya Ng Tama Ang bawat tanong na naka sulat sa white board
Matalino rin Pala Ang batang to pero nababahala parin Ako, dahil sa usapan nila Ng classmates nya
Hindi ko alam na may kaso sya sa ibang school
Pero pipilitin ko at pag sisipagan Kong mabago Ang studyanteng to
Lumipas Ang mga Araw lagi ko syang nakikitang nag dadrawing lang sa UPUAN nya at Hindi nakiki salamuha sa iba pa nyang mga kaklase, at pag bakante Ang klase nya nakikita ko sya lagi umaakyat sa rooftop Ng building namin at madalas rin syang huli umuwe
Minsan ay napapa away rin sya, lagi akong pinapa tawag sa principals office dahil sa kanya
One time may Isang grupo Ng mga kababaihan Ang sumugod sa kanya
Raina's Pov
Yesss! Vacant time at inunat ko Ang mga kamay ko paibabaw
Dali Dali Kong kinuha Ang bag ko at tumakbo paakyat papunta sa rooftop
Ang Ganda Ng tanawin dun, kitang kita ko Ang bawat sulok Ng kalsada sa labas, napansin ko rin may mag Ina sa may bandang waiting shed sa gilid Ng plaza, Ang saya SAYA nila kaya naisipan ko silang iguhit.
Naalala ko Yung Nanay ko, nuong maliit pa kami ni ate lagi nya kami pinapasyal sa plaza tuwing Wala syang trabaho, kung Hindi lang sana sila nag away ni tatay Buhay pa sana sila ngayon
Napangiti nalang Ako Ng maalala ko Ang masasayang sandali Ng Buhay ko na kasama ko Ang buong pamilya ko
Malapit ko Ng matapos Ang ginuguhit ko Ng biglang may narinig akong malakas na ingay
*BANGGG* malakas na pag bukas Ng Pinto sa rooftop
Sinipa pala iyon Ng Isang sigang studyante Ng Astrals State University
Dire diretso silang pumunta papalapit SAAKIN
Ano nanaman bang atraso ko, eh Hindi ko naman sila kilala tapos Lima pa sila lahat
Biglang hinablot Ng Isa sa KANILA Ang sketch pad ko, sa tingin ko sya Ang leader Ng grupo mahaba na kulay itim at straight Ang buhok nya, matangkad rin sya at maganda pero Ang angas nya
*Sswwsshhh* pag hablot Ng sketch pad
"Hoy! Hindi mo ba Ako NAKIKILALA?" Maangas na tanong sakin ni leader girl
"Haha, wala akong pakialam Sayo" sagot ko at ngumisi sa kanya
"Ah ganun" nainis nyang sagot
Pinunit nya Ang sketch pad ko, Mula umpisa
Nanlaki Ang mga mata ko at sumabog Ang dibdib ko sa sobrang sama Ng loob
Inagaw ko agad agad sa kanya Ang sketch pad ko pero Ang Dami na nyang na punit na gawa ko, nag dilim na Ang paningin ko
Kaya Naman, Sinipa ko sya Ng Todo sa sikmura
Ng ma tumba sya agad akong pumatong paupo sa tyan nya at sinabunutan sya, pinag sasampal ko na rin sya, Ang Isa sa mga kasama nya tumakbo papunta sa pinto Ng rooftop at sinarado yon, nandun lang sya naka Tayo
Sa tingin ko sya Ang taga bantay kung sakaling may teacher na dumating
Ang Isa nama'y PINIPILIT akong hilahin paalis sa pagkaka upo ko sa leader nila
At Ang dalawa Naman ay nag vivideo pa
Nag pupumiglas si Leader girl
Lalaban laban tapos Hindi Naman pala kaya Ang SARILI,
Ng mahiwalay Ako sa kanya hinawakan Ng Isa sa grupo nya Ang dalawa Kong kamany Mula sa likod
Sh*t trap Ako, Dali daling lumapit sakin si leader girl at tinuhod Ang sikmura ko
NAPAKA sakit nun, pero Hindi ko pwedeng ipakita na nasasaktan Ako
Kaya Naman tinawanan ko lang sya
"HA HA HA HA" malakas at nakaka Loko Kong tawa
Nakita ko sa muka ni leader girl na naiinis na sya , akto pang sasampalin nya Ako kaya inunahan ko sya
Dinuraan ko Ang muka nya at napa atras sya,
Diring diri sya kaya Naman nakalimutan na nyang NASA harap pa nya Ako
Agad Kong inuntog Ng likod Ng ulo ko Ang muka Ng babae sa LIKOD ko na naka hawak sa dalawang kamay ko, natumba sya at TILA na Hilo
Dinakma ko agad Ang buhok ni leader girl at kinaladkad sya papunta sa dungawan Ng rooftop, umakyat Ako duon habang hawak ang buhok ni Leader girl, Hindi sya Maka Alis sa higpit Ng pagkaka hawak ko
Tumakbo Naman pa palapit saamin Ang dalawa nyang Tau tauhan,
"SIGE! SUBUKAN NYONG LUMAPIT AT ITUTULAK KO ANG NAPAKA GANDA NYONG LEADER DITO SA ROOFTOP" pag babanta ko sa kanila
Napilitan silang umatras at Hindi alam kung anong gagawin
Maya maya pay napansin Kong may mga studyanteng naka tingin saamin Mula sa baba sa labas Ng building
Hindi ko sila marinig dahil rin sa taas Ng rooftop
Pero SIGURADO Ako, tumawag na sila teacher para pigilan Ang mga ngyayari
Dalton's Pov
Nag ka klase Ako sa next class ko
NASA kala gitnaan na rin kami Ng klase Ng biglang may Isang studyanteng nag tatakbo papunta sa classroom na tinuturuan ko ngayon
"Sir, sir William" pa sigaw nyang tawag SAAKIN habang tumatakbo papa lapit sa pintuan Ng classroom
Nag taka Ako at Napa tigil sa aking discussion
Nilingon ko ito at Ang sinabi nya
"Sir si Raina, napa away nanaman" pag aalalang Sabi nya
*Sigh* buntong hininga ko
Eto nanaman , napa kunit noo Ako at napa pikit sabay hinilot Ng thumb ko Ang kilay ko
"Ok class, BABALIKAN ko kayo" Sabi ko nalang sa mga studyante ko
Dali Dali akong tumakbo pa labas Ng building at nagulat Ako Ng makita si Raina sa ibabaw Ng rooftop habang hawak ang buhok Ng schoolmate nya
Kinabahan Ako kaya Naman pumasok Ako agad sa building at tumakbo paakyat sa rooftop
Ng Maka rating Ako duon, Ang Dami studyante na naka harang sa pinto
"Sir naka lock Po Ang rooftop" Sabi Ng School Vice president
"Ano?" Napa kunot noo Kong tanong
Pina tabi ko sila at pilit na binubuksan Ang pinto, pero Ang TIGAS talaga , paano nila to na lock Mula sa labas
Napa pikit Ako at naisipang sipain nalang ito Hanggang mabuksan
Sinipa ko iyon Ng pagka LAKAS LAKAS Hanggang sa mabali Ang kahol na naka lagay sa handle Ng pintuan na syang dahilan kung bakit Hindi yun mabuksan
Dali Dali akong lumabas sa rooftop
Napa lingon SAAKIN si Raina, kitang kita ko sa muka nya Ang Galit at puot
"Raina, please !" Mahinahon Kong Sabi sa kanya
"No sir, sila Ang nag simula Ng gulo, kaya naman Ako Ang tatapos" walang emosyong nyang Tono
"Raina pleaseee, bumaba ka dyan at bitawan mo Ang schoolmate mo" pamimilit kopa sa kanya
"Ok" ngumisi sya at hinila pa Lalo Ang schoolmate nya papa lapit sa dulo Ng dungawan
"Dito ko Po ba sya bibitawan?" Ma Lokong tanong pa nya
Kinabahan kaming lahat, Ng aktong ihuhulog nya sa 6th floor building Ang schoolmate nya
Aminado akong Hindi ko alam Ang gagawin ko
Pero kelangan ko tong pigilan
"WALA AKONG KASALANAN SA INYO!! PERO BAKIT? BAKIT YUNG ARTWORKS KO?" Galit na Tono Ng boses ni Raina lumuluha na rin sya Ng mga Oras na yon
Napa lingon Ako sa kanan ko at nakita ko sa sahig Ang punit punit nyang sketch pad, nilingon ko sya at sinabihan
"Raina, pag usapan natin to Ng mahinahon at maayos, bitawan mo na Ang schoolmate mo at pa babain sya dito" mahinahon Kong pag kukumbinsi Kay Raina
"Yes sir" naka ngisi nyang sagot
Hinila nya pa punta sa gilid Ng dungawan Ang schoolmate nya at sinipa ito pa baba
Lumagapak iyon sa sahig at agad namang tinulungan Ng mga kaibigan nya
"Ok na hi ba sir?" Prankang tanong pa ni Raina
Bumaba na ito sa dungawan at dire diretsong pumasok sa building,
Na hagip ko pa Ang mga mata nya, maluha luha ito pero mukang pinipigilan nyang tumulo Ang luha nya
Hinayaan ko na lamang sya
Alam Kong masama Ang loob nya
"Bumalik na kayo sa mga klase nyo" Sabi ko sa ibang studyanteng na nunuod saamin
"And kayo, pumunta kayo sa principals office" Sabi ko sa limang studyanteng naka away ni Raina
Lumakad na sila , at inaalalayan Ang kaibigang sinipa ni Raina
Ako nalang Ang naiwan sa rooftop
Nilingon ko Ang sketch pad ni Raina
Punit punit iyon at nag kalat sa sahig
Pinulot ko yun Isa Isa,
Na realize ko , napaka talented rin Pala nya
Siguro dito lang sya sumasaya kaya grabe Ang Galit nya Ng mapunit Ang mga drawing nya
Napa tingala Ako sa langit at dinamdam Ang malamig na simoy Ng hangin
Sa tingin ko, interisado na Ako sa kanya
Download MangaToon APP on App Store and Google Play