"ANG POKPOK NA MINAHAL KO"
"Anong ginagawa ng babaeng yan dito, Yven?"pagalit na saad ni mama.
"Gusto kong pakasalan si Yuri, Mama."buong tapang kong saad kaniya.
Naramdaman ko ang paghigpit ng hawak ni Yuri sa mga kamay ko. Napatingin ako sakaniya at nginitian ito. Alam ko naman kasing kinakabahan siya.
"Hindi ako papayag sa sinasabi mo Yven!"galit na tumayo si Mama at dinuro si Yuri."Hindi ka magpapakasal sa isang pokpok na kagaya niya!"
"Ma! 'Wag niyong pagsalitaan si Yuri ng ganiyan!"galit akong tumayo at hinarap si Mama."Siya ang papakasalan ko sa ayaw at sa gusto mo. Andito lang ako para ipaalam saiyo."saad ko.
Hinila ko na palabas sa bahay si Yuri at agad na pinasakay sa kotse. Hanggang sa makarating kami sa bahay ko ay nanatiling tahimik siya.
"Hon, anong iniisip mo?" nag-aalalang tanong ko sakaniya at niyakap siya.
"T-tama naman si M-mama mo, Yven." pumipiyok na ani nito. "Pokpok a-ako at 'di a-ako bagay saiyo---"
"Look hon, wala akong paki kung ayaw ni Mama saiyo. I love you at ikaw lang ang papakasalan ko, okay? Kahit ano pang sabihin nila." pagpapatahan ko dito.
Nakahinga naman ako ng maluwag ng makita ko itong ngumiti. Finally, magiging asawa ko na din ang babaeng mahal ko.
-------
Ilang buwan na ang nagdaan ng maikasal kami ni Yuri. Masayang masaya kaming dalawa noon at mahal na mahal ko siya. Pero nagbago iyon ng magbuntis siya at nalaman ko na hindi ako ang ama.
Agad akong napahinto papaakyat nang kwarto habang kaakbay ang babaeng plano kong makatalik ngayong araw na ito ng marinig kong tinawag ako ng 'pokpok'kong asawa.
"Pagod ako sa trabaho, Yuri. Manahimik ka muna." walang ganang saad ko at umaakyat na sa kwarto.
Nakangiti kong hinatid palabas ng bahay ang nakatalik ko kanina. Hinalikan muna niya ako bago ito tuluyang umalis.
"Yven, sa pamamahay talaga natin kayo gagawa ng kababuyan? 'Di ka ba nahihiya? Ha!"singhal ni Yuri na agad kong hinarap.
"Kababuyan ba,Yuri? At least ako sa harap mo mismo ginagawa iyon, 'di katulad mong malandi!"sigaw ko dito.
Napaharap ako sa kaliwa ko ng lumapat ang palad nito saakin. Agad namang nagtagis ang bagang ko at hinarap ko siya't tinulak sa pader.
"Ikaw pa ang may ganang magalit? 'Wag kang magmalinis! Dahil alam nating pareho na hindi ka malinis! Pokpok ka at lalong dapat ikaw ang mahiya dahil nagpabuntis ka pa sa iba!Sana naniwala nalang ako kay mama na 'di ka karapat-dapat pakasalan!"ani ko't tinalikuran ito.
Narinig ko pa ang hikbi nito bago ko tuluyang sinara ang pinto ng kwarto ko. Wala na akong paki sa babaeng iyon. Tsk!
-------
"Yuri! Lumabas ka ditong babae ka!" hinihingal kong sigaw ng makarating ako ulit sa sala habang hinahanap ito.
Ilang minuto ang nakalipas ng wala akong marinig na kahit na ano. Dati-rati kasi ay sinasalubong na ako nito sa gate kahit pinagtatabuyan ko ito. Nakakapanibago. Napalingon ako sa pinto ng kwarto nito at nilapitan ito.
"Y-yuri, h-hindi. B-bumaba ka jan. H-hindi totoo 'to! Yuri!" nanginginig ang boses ko habang nilalapitan ang nakasabit na katawan ni Yuri sa kisame.
Napuno ng hagulgol ko ang kwarto habang yakap yakap ko ang katawan nito nang may mapansin akong sulat sa kaliwang kamay nito. Agad ko itong kinuha at binasa.
" Hon,Kung nababasa mo man 'to sana 'wag ka ng magalit saakin. Noong gabing iyon wala ka't nasa trabaho pa ng may limang kalalakihang 'di ko kilala ang pumasok sa bahay natin at ginahasa ako. Gusto kong lumaban pero wala akong magawa. Sana mapatawad mo'ko kung pokpok man ako pero Yven, mahal na mahal kita.
-Yuri"
Mas lalo akong napahagulgol sa nabasa ko. Mas inuna ko ang galit. Ilang beses siyang humingi ng tawad, sana'y nakinig ako sa eksplenasiyon niya'di sana mangyayari 'to.
"Y-yuri patawarin mo'ko. Sana nakinig ako sayo. 'Di sana mangyayari ito."
-the end-
Download NovelToon APP on App Store and Google Play