NovelToon NovelToon

Tommorow's Promise

Chapter 1

6:00 na nang umaga, at parang wala pa akong planong bumangon, nakakainis kasi, ala una ako nakatulog kagabi, kakagawa nang mga requirements ko, hindi korin masasabi kasi kailangan ko magpasa.

nakahiga parin ako nang marinig ko ang marihis na sigaw ni, Aki, kaibigan ko.

"bakit hindi kapa rin nabangon? bilisan mo, may pasok pa!" sigaw nya saakin, hindi ako nakikinig at nakahiga parin.

"ayan ka nanaman, bilisan mo'na! at baka ma late ka nanaman." aniya.

"malate? Palagi naman akong nalalate, sanay na ako." sabi ko.

"hindi porket ay lagi kang nalalate, ay dapat inaaraw-araw mona." tugon nya.

may point naman siya, pero tinatamad parin ako.

"oo na, mamaya na."

"Hindi yan madadaan sa mamaya na, bumangon kana." she said, ayoko namang inisin pa siya, at bumangon na nga ako.

dumaretso agad ako sa banyo, at naligo na, pagkatapos kong naligo, hindi ko rin gusto mag uniform kaya susuotin ko nalang ang aking white t-shirt, button top, at straight jeans.

inayos ko ang aking button top, tiniklop ko ito hanggang sa wrist ko, inayos ko na ang buhok ko at nagsimula nang mag pabango, rose dusk.

pagkatapos noon, ay lumabas nako nang kwarto para kumain nang almusal, at tamang-tama naman nakita ko si Aki, nasa lamesa na, matagal narin kaming magkasama, halos nakatira kami sa isang apartment, dapat ay kasama si Sol, at si Mari.

ang kaso ay, hindi pumayag si sol at ayaw nya raw, dahil gusto niya raw tumira mag-isa, daming arte eh, no? si mari naman ay sabi busy raw siya sa acads kaya panigurado daw ay gabi siya makakauwi, at minsan raw ay hindi na nga raw siya, umuwi.

pero kahit ganoon, tinetext ko silang dalawa kung kumain na sila nang, almusal, tanghalian at hapunan. Ayaw na ayaw ko kasing may nalilipasan sakanila nang gutom.

umupo nako sa silya at kumain na, pagkatapos ko ay si Aki nalang ang hinihintay ko, dahil sabi nya gusto niya raw magsabay kami! Kaya lumabas muna ako, para mag sigarilyo.

Alam nya rin na nagsisigarilyo ako, sinasabi niyang itigil ko nadaw, at masama raw yon sa kalusugan ko, hindi ko pinansin at hindi niya alam na pinagpapatuloy kopa rin.

hindi niya naman malalaman kung hindi ko sasabihin diba? daming drama lang!

pagkatapos ko magsigarilyo, pumasok nako sa loob.

"ano, okay kana? tara na." aniya.

"ge, tara." sabi ko, at sinakbit na ang aking bag.

nasa labas na kami at sana ay sasakay kami sa trycicle, nakakita naman agad kami, kaya pumara kami, sabi nya siya naraw roon sa labas, at ako naraw sa loob, dahil may nakaupo rin doon sa loob.

hindi ako pumayag, dahil nakapalda lamang siya! kahit mahaba pa iyon, iba parin ang nadadala nang hangin, kaya sabi ko doon na siya sa loob, at ako na sa labas uupo.

pumayag nalang siya, alam niya narin naman yon, kaya naman pagkadating namin ay nagbayad na kami kay manong, daretso naman agad kami sa loob.

"gago, feeling ko late na tayo!!" she said.

"ano naman?" i said.

"sinasabi mo?! gusto mo ba ulit mapagalitan? alam mo namang mas matindi pa ata kay satanas magalit yang adviser natin!" tugon niya.

"well, you're not lying, mas matindi payan kay satanas, eh." i chuckled.

"bilisan mo nalang!!" sabi nya.

pagkadating namin ay, marahas na sigaw agad ang aking naabutan!! pota, hindi ba pwedeng salita muna bago sigaw?! okay sana kung hindi masakit sa tenga, eh!

"late ka nanaman?!" alangan, hindi ba obvious? ano bang klaseng tanong yan.

pinaupo niya agad si aki, at ako?! papatayuin niya lang?? hindi korin masasabi, ayaw nya naman talaga saakin.

"anong pang tinatayo-tayo mo riyan! labas!" sabi nang bakulaw na adviser ko, kaya lumabas nalang ako.

pagkalabas ko ay, puro mura ang aking sinambit, parang tangang nagmumura na walang kausap?

naglakad ako paalis, at may nakabungguan ako sa hallway.

I was never interested about love, but for now..

Chapter 2

Tiningnan ko kung sino iyon, nagulat ako sa aking nakita, isang lalaking nakatingin sa akin, his eyes were green, nakinang ang mga ito, at ang basang-basa niyang buhok, at ang salamin niyang color black, naka ayos ang kaniyang polo, he's wearing trouser pants and a blue corner polo, ang bango niya, ang guwapo niyang titigan lalo na at tumatama sakanya ang araw, he's wearing a white, shoes.

inaabot nya saakin ang kanang kamay niya, at tinaggap ko naman iyon, pinagpagan korin ang suot kong, jeans.

"are you okay?" he asked.

Ang lalim nang boses nya, gumalaw rin ang kanyang adams apple.

heh! as if naman na ma fall agad ako? boring naman.

"yeah, thank you." i said.

medyo awkward narin, kaya napagpasiyahan ko nalang sabihin na, aalis nako, feeling close?? charot, parang tanga naman kung tatakbuhan ko lang siya roon habang nakatayo, bobo lang eh no?

hindi nalang siya sumagot sa sinabi kong iyon, at umalis nako, dumaretso ako sa library, magbabasa ako nang libro, bata pa lamang ako ay mahilig nako mag basa-basa nang libro.

lalo na kung romance, paborito ko magbasa nang mga romance, eh.

nagbabasa nang bigla kong marinig ang pinto na nagbukas, i look around. Nakita ko si aki, nakatayo, pinuntahan ko syempre.

"hoy, ginagawa mo riyan?? wala bang klase?" i said, she just looked at me, she's catching her breath.

"bat ka hinihingal? tumakbo ka??" i look at her, confused.

"hinahanap kita!! kanina pa, bat kaba narito?" she said.

"sa labas ta'yo mag usap, at uminom ka nga nang tubig, ayokong nakikita kang ganyan!" i said, ayaw ko naman talaga, ang sagwa lang eh.

uminom naman siya nang tubig, at nagpaliwanag naman na agad, kanina paraw ako hinahanap? wala pa atang isang minuto akong nasa loob nang library??

"halika na! pumasok kana raw, sabi ni ma'am margine!" she said, at hinila ako.

sumama na lamang ako sakanya, at binitawan ko ang kamay ko ang kamay ko sakanya!

pagkarating naman ay, umupo na agad ako at ayaw kong makita ang pagmumukha ni ma'am margine, punyeta kasi!! siya na ata sumira nang umaga ko, eh!

nagklase naman agad kami, habang nagsusulat ay naiisip kopa rin ang nakabungguan ko kanina sa hallway, nasaan na kaya siya ngayon? may girlfriend kaya siya? may nililigawan ba siya? punyeta! bat kopa 'yon iniisip?

para akong tangang naka ngiti sa unahan, kaya ata tumingin saakin ang katabi ko eh! normal lang ma fall, tanga! charot.

she looked at me confused, kaya tumingin rin ako sakanya, iniwas niya ang tingin nya. Parang nahihiya ba, ganoon. bakit naman?? natakot? ewan ko sainyo! dami nyong alam! char.

but not bad, definitely my type, pogi kasi! ano kaya name non? diko pa'la natanong eh, pfft, bakit ko naman itatanong? di naba ako nahihiya para sa sarili ko? hayst.

ilang oras kami nagklase, natapos rin agad ang mapeh teacher namin, next naman ay math teacher na, nag review nalang ako, kasi laging may pa surprise quiz itong teacher na'to! unexpected.

at ayon nga, dumating na ang math teacher, may pa surprise quiz nga siya, bwiset! parang wala naman akong naintindihan sa nireview ko eh, ano bayan, walang kwenta!

pero kahit ganoon, baka makapasa ako eh, baka lang nalang, diba? hindi masama mag baka eh, hehe.

"Okay, class, get one and pass, make sure na walang mag kokodigo sainyo! once na nahuli ko kayo, bagsak 60 ang marka." sabi ng math teacher namin, sabay bigay test paper.

"uhm, here." i said, kumuha ako at binigay ko sakanila.

nag-eexam na kami, kaso number 1 palang ay ang hirap na ng tanong, putangina ano ba 'to?

Green eyes, I'll remember it.

Download NovelToon APP on App Store and Google Play

novel PDF download
NovelToon
Step Into A Different WORLD!
Download NovelToon APP on App Store and Google Play