ᴄᴇʟᴇsᴛɪᴀ ᴡᴏʀʟᴅ - Ito ang mundo kung saan ako nakatira at ang iba pang nilalang na dimo lubos akalain na totoo.Ito ang mundo ng mga Salamangkero kung saan sakop ng External at tinatawag itong Magical Dimension
Dahil sa isang pagkakamali ay nangyari ang hindi dapat nangyari.Dahil dito ay naging magulo ang mundong ito
Dahil sa insidenteng naganap ay nagsama-sama ang mga nilalang na pawang kathang isip lamang,Mga nilalang na nagmula sa ibang mundo at dimension...Ilan lamang dito ang mga
Ang mga ᴛᴀᴏ - Sila yung mga nilalang na normal at walang kakayahang lumaban sa mga Phantom at gumamit ng mahika o kapangyarihan,Sila ay nagmula sa Mortal World o Normal Dimension
Ang mga ᴘʜᴀɴᴛᴏᴍ sʟᴀʏᴇʀ - sila naman mga orihinal na nilalang na nakatira sa Celestia World.Sila ay may kakayahang gumamit ng mahika.Tinatawag silang salamangkero...Sila ang nagtatanggol sa mga tao laban sa mga masasamang Phantom
ᴛʀᴀɪᴛʜᴏᴍ sʟᴀʏᴇʀ (trαч-tσm) - Sila ay mga masamang Phantom Slayer,Mayroon silang masasamang hangarin at kumampi sila sa mga masasamang Phantom...Itinuturing silang traydor ng buong Celestia World
ᴘʜᴀɴᴛᴏᴍ - Sila ay nagmula sa isang mundo na tinatawag na Phantom World o Dark Dimension...Karamihan sa kanila ay masasama at ang ilan ay mabubuti ngunit tila na uubos na
ᴘɪʀᴀᴛʜᴏᴍ (pαч-rα-tσm) - Ang tawag sa mga mabubuting Phantom.Sila ay itinuturing na traydor sa kanilang lahi dahil sa pagtulong at pagkampi sa mabubuting Salamangkero.At dahil nadin sa paglaban at pagpigil sa masamang balak ng mga kalahi nila
At ang huli ay ang mga ᴅʀᴀɢᴏɴ sʟᴀʏᴇʀ - Sila ay isang uri ng salamangkero na naninirahan sa Celestia World...Gamit nila ang isang malakas at mataas na antas ng kapangyarihan,Ang kapangyarihan ng mga Dragon...Isang nilalang na nagtataglay ng mga sinaunang mahika ng mga totoong dragon
Iilan lamang sila sa mga nilalang na naninirahan o karaniwang makikita sa Celestia World...Ang mundo kung saan ang "MAGIC DOES EXIST"
Unknown pov
Habang marahan kong sinisimsim ang aking mainit na kape ay bigla namang naagaw ng isang nakasisilaw na liwanag na nagmumula sa ilalim ng aking kama ang syang nakaagaw ng aking pansin
Maingat kong ibinaba ang aking kape sa round table na nasa harapan ko saka tumayo at dahan dahang lumapit sa kama habang nakaharang ang aking siko sa aking mukha bilang panangga sa nakasisilaw na liwanag
"Anong meron dito?" wala sa sarili kong natanong saka lumuhod at marahang kinapa ang ilalim ng kama
Agad kong kinuha at tiningnan ang isang bagay na nakapa ko mula sa ilalim na ito. Sa paglapit nito sakin ay mas lalong lumiwanag na syang nagpapikit sakin
"Ugh nakakasilaw...Maaari ka na bang tumigil? Ano bang klaseng hiwaga ang bumabalot sayo?"
Nakapikit na wika sa diko matiyak na bagay na hawak hawak ko dahil sa liwanag na bumabalot dito. Bahagya kopa itong nilayo at pinilig ang ulo pakanan
Ilanh segundo lang ay tila nakakaintindi ang bagay na ito at unti unting nawala ang liwanag na bumabalot dito kaya't binuksan ko na ang aking mga mata
"Isang libro?" Turan ko habang nakatingin sa isang librong halata na ang kalumaan ngunit maayos pa naman ang pagkakabalot
Pinagpaggan ko ito dahil sa gabok na nakabalot bahagya pa akong napaubo
Kinapa kapa at dinama kopa ang libro
Hindi ito pangkaraniwan...May kakaibang aura at kapangyarihan ang nararamdaman ko sa librong ito
Binuksan ko ito subalit wala akong nakitang sulat sa paunang pahina kaya't pinagpatuloy ko ang pagbuklat na maging sa pangalawang pahina ay wala ding laman at purong blankong papel lamang ang laman...Binuklat ko ito hanggang sa huling pahina subalit wala talaga kung kaya't napailing na lamang ako at ibaba na sana ng bigla naman itong lumutang sa hangin na bahagya kopang kinaatras
Anong meron? Anong klaseng libro ka?
Bigla na lang lumakas ang hangin sa paligid ko, maging ang bintana at pinto ay malakas na bumukas dahil sa lakas ng hangin
Kasabay nito ang pagbukas ng libro na patuloy sa paglipat ng mga pahina. Ilang sandali lang ay natigil ang pahina ng libro sa unang pahina, nagliwanag ito ng bahagya kasabay ng paglitaw ng mga letra sa mismong itaas ng libro
Tila sumasayaw ang mga letra, pinanood ko ang mga itong gumalaw na nakabuo ng isang salita hanggang sa isang pangungusap na nagkasunod sunod na
"Sa pagmamahalan ng magkasalungat na lahi mabubuo ang kasulatang magtatakda sa kanilang kapalaran"
"Sa pagsilang ng dalawang nilalang magsisimula ang pagbabago sa kapalaran ng buong sanlibutan"
"Maaring mangwasak o magliligtas sa sanlibutan"
"Sa kanilang pagkapanganak dalawang kapalaran ang maari nilang pagpilian"
"Ang landas ng kabutihan o ng kasamaan"
"Laban sa pagitan ng iba't ibang nilalang"
"Kapangyarihan laban sa kapangyarihan,Kadugo laban sa kadugo,Laman sa laman"
"Sino ang totoong kaibigan at sino ang tunay na kalaban?...Sino ang dapat panigan?"
"Magampanan kaya ng bawat isa ang nakatakda nilang kapalaran?"
"O pare-pareho lang silang dadanas ng kalupitan at sasapit sa malagim nilang kamatayan?"
"Promonium laban sa Bathalumium"
"Ang kapalaran ng bawat isa ay malapit ng magsimula"
Pagkatapos kong mabasa ang mga ito ay biglang kumapit ang mga letra sa pahina ng libro kasabay ng pagkawala ng liwanag at pagsasarado nito
Anong ibig sabihin nito? Ito ba ang libro ng propesiya na matagal ng iniingatan ng aming angkan? Ito na ba ang propesiyang matagal ng hinihintay ng aking mga ninuno?
Pero sino ang mga nakatakda? Sinu-sino ang dapat kong pagsabihan at panigan? Sino sila? Anong bang magaganap?
"Ohh Bathala naway gabayan nyo ang sanlibutan at huwag hayaang mapahamak...Naway panigan mo kami Bathala ng kabutihan"
Matapos kong magdasal ay nakarinig ako ng ingay mula sa labas kung kaya't sinilip ko ito
Halos manigas naman ako sa kintatayuan ko ng marinig ko ang mga Phantom na armado at halatang handang pumatay ano mang oras
"Dito nga sya nakatira?"
"Kung ganoon pasukin nyo, hanapin nyo ang libro at dakpin ang babaylan"
Ng marinig ko ang usapan nila ay wala akong inaksayang oras at kinuha ang libro saka dali-daling tumakas gamit ang aking kapangyarihang teleportation
"Ang nakatakda ay maganap na" huli kong usal bago tuluyang lisanin ang aking munting tahanan
Download NovelToon APP on App Store and Google Play