Ulilang lubos si Mariela, natuto na siyang mamuhay mag-isa ng walang hinihingan ng tulong. Sa tanang buhay niya, siya lang ang kumakayod para sa sarili niya kahit pa kapitbahay niya lang ang kanyang tiyahin. Well, binibigyan naman siya ng pagkain nito pero para sa kanya ay siya lang ang bumubuhay sa sarili niya.
Ngunit dahil sa isang eksena sa coffee shop na pinagtatrabahuhan niya, nabali ang kung ano mang pinaniniwalaan niya. Kung bakit ba naman kasi siya pa ang napili ng GBC na gambalain, hindi sana magiging magulo ang buhay niya.
Ang GBC o mas kilala tawagin bilang Good and Bad Corpsman-baligtad yata. What I mean is, Good and Bad Corpsman, o mas kilala bilang GBC. Ito lang naman ang Elite Unit ng Diyos ng sambayanan na kung saan ang mga Anghel at Demonyo ay magkasamang gagawin ang kanilang trabaho, like they used to. Ang kaibahan nga lang ay imbes na invisible sila, nagkatawang tao ang mga ito.
With this new and different kind of environment of Angels and Demons, maisasakatuparan kaya nila ang kanilang intensyon dito sa mundo ng mga tao?
"You know, it's unfair that you spiritual beings can freely teleport yourself here in our world, yet we're not allowed to do that too."
"Why? Do you want to see hell?", makamundong tanong ng demonyo.
Pinalo ito ng anghel. Maamo at kalmado itong humarap kay Mariela saka ngumiti ng marahan.
"It is not yet the right time to see God, nor Lucifer, Mariela."
Tumirik ang mata ni Mariela sa sinabi nito.
"Or if you'll allow me, we can go straight to my home,” the Devil smirked at Mariela.
'Mga demonyo talaga, walang magawa sa buhay kundi dalhin pababa ang iba. Saksakin ko kaya 'to para matahimik na buhay ko?'
"That's a great idea Mariela!"
'Mali.'
Copyrighted by Isabella April 2019.
Former Title: The Good and The Bad
I hope you guys understand that I am not really fluent in English but I will try my best to translate every filipino word here in my story, and I hope you guys would learn to love and appreciate this. Forgive me for having this long message, I couldn’t publish it unless it has 500 words. Please bear with me as I fulfill what MangaToon requires every writer here in this app.
Another thing, sa ngayon sa filipino language muna itong story na ginagawa ko. Kapag natapos ko na itong story ay saka ko it-translate sa English. I am just tidying things up so that the story may come out good because this story has long been posted since 2019 and I’m still not able to come up with a good plot for this story. I’ll take this as a tool that would help me reconstruct what I had started.
Have a good day everyone! I do hope that a day would come that all of you may appreciate my works, because I have been dreaming of becoming a Paid writer for the past few years because I was unable to continue college, and this would be a perfect way to save up some money for my studies and needs.
\~Isabella
Note: This is a work of fiction, names of characters, places and other business organizations are the product of the author’s imagination. Any resemblance to people and businesses are purely coincidental. Scenes that I imagine for all of the chapters of this book is from the Bible. I'm reading it so that I know what I am writing with regards to the Lord. Still, it is fictional, but my spiritual understanding is not.
*\~*\~*
When everything collapsed and the world has fallen, humanity must have courage to survive this entirely new planet. Everyone must be smart for them to not be deceived. In this new era, humans are left with one option where choosing is the only alternative for them to be alive.
Anong gagawin ko kung ako na ang susunod sa lista? Sana hindi na lang namin nakikita ang alagad ng Diyos at demonyo, edi sana mapayapa ang buhay namin ngayon. Pero kung hindi naman sila nagkatawang-tao ay masyadong nakakatakot ang activities ng demonyo. Okay lang samin kung hindi namin nakikita ang mga Anghel dahil ligtas kami sa kanila, pero kung hindi rin naman nagkaroon ng physical body ang mga demonyo ay hindi matatapos ang mga exorcism sa iba't ibang bansa.
Nagtatrabaho lang naman ako ng marangal at hindi nananakit ng kapwa, pero bakit ako ang napili ng GBC na paglaruan?! Sa pagkakatanda ko ay wala akong kahit na anong ginawa para mabaling sa akin ang atensyon nila. ****** pa naman ako, hindi ako nanonood ng porn o kahit na anong movie na may sexual intercourse. Cartoons lang ang pinapanood ko pero bakit!
I'm a good friend to my friends and a great friend to my best friend. Pero bakit ako? Lord bakit ako?
"We're here to help you, Mariela," malumanay na paliwanag sa akin ng isang anghel na naririto sa interrogation room.
Sila na ang nagsilbing police ng aming mundo, ang demonyo naman ang gumagawa ng krimen. Totoo, sila ang gumagawa nito, demonyo nga diba. Mga walang magawa sa buhay. Kung bakit ba naman kasi pumayag si Michael, ang Archangel of Greater Good Elites, na magkasabay sila ng mga demonyo na gawin ang trabahong matagal na nilang ginagawa, hindi sana magkakaganito ang mundo.
Hindi sana magkakaganito ang letcheng buhay ko!
Umismid ako at hindi siya pinansin. I know I'm rude, but I just want a peaceful life where God is the only one monitoring my actions. Hindi ko sila kailangan. I've been living my whole life without anyone interrupting nor controlling me or any of my decisions, isn't that obvious enough for God to not command His angels to disturb me?
Rinig ko ang pagbuntong hininga niya. Hindi ko siya pinansin at patuloy na nanahimik. Kapag hindi ako nagsalita they'll let me go right? Oras na hindi ko sila kausapin, lalo na ang demonyong humila sa akin dito ay sigurado akong pakakawalan nila ako. If I show them I'm not interested of them helping me on something, they will surely bug off.
Muntik na akong sumigaw nang may sumipa sa pintuan ng pagkalakas-lakas. Marahas itong bumukas dahil sa impact na kagagawan ng lalakeng maangas na nakatayo sa labas. Nakapamulsa ito at madilim ang kanyang mukha nang tingnan ko.
Inirapan ko siya at humalukipkip. Ayan na, magsisimula na ang totoong interrogation. Kapag hindi ko sila kinausap ay sigurado akong pakakawalan nila ako and I will go back to my old boring, but at the same time fun, life.
"I told you Elijah, she's not that good to handle unlike the others," says the demon as he walk towards us and stand beside the angel before crossing his arms.
Hindi ko siya pinansin. Ano ba kasi ang nagawa ko para maisama sa listahan nila? Hindi naman ako sumusuway sa 10 commandments dahil simula ng magbago ang patakaran sa Langit at Lupa ay hindi naging madali para sa iba ang hindi sumunod sa utos ng Diyos. Madami ang napunta sa Purgatory of Sinners, ang nagsisilbing presinto ng mundo, nang lumabag ang karamihan sa mga tao.
Oras na hindi ka sumunod, siguradong maghihirap ka para makabalik sa dati mong pamumuhay.
Everyone is scared to go to that prison, dahil iba ito sa normal na kulungan na nakasanayan ng mga tao. Hindi ito basta-bastang papasok ka lang sa isang selda at ikukulong ka lang for how many days or years depende sa kasalanan na nagawa mo. Sapagkat oras na magkaroon ka ng mabigat na kasalanan, mabigat din ang iyong parusa.
Ang ibang nakakalabas doon ay nagiging matino ngunit laging tahimik, hindi nagsasalita at walang kahit na sinong kinakausap. Sila ang mga taong tumatanda at namamatay mag-isa.
Habang ang karamihan naman na nakakalabas ay dumidiretso sa isang mental hospital. Hindi namin alam kung ano mang mayroon doon pero nang makita namin iyon ay hindi na muli nagtangkang sumuway pa ang iba.
Ngunit dahil nagkatawang-tao na ang mga demonyo, hindi na malaman ng iba kung isang tao ba ang kanilang kausap o hindi. Hindi na nila matukoy kung ang kaibigan ba nila o ang minamahal ng tapat ay isang tao o demonyo.
Nariyan ang anghel para gabayan kami, but they are always speaking in riddles. Kailangan mong i-decipher ang kanilang mga sinasabi para mapunta ka sa tamang daan dahil kung hindi, wala ka ng kawala oras na kumatok sa iyong pinto si Satan, ang Archenemy of Baseborn Bad Elites.
"Hello! Hell to Mariela."
Pinalo ko ang kamay ng demonyong ito at sinamaan ng tingin. "You go rot in hell demon."
Ngumising-aso siya na mas lalo kong ikinairita. "I've been rotting in hell all my dark life honey, but it got me good. See?", sabay turo niya sa pagmumukha niya.
"Wag kang feeling. Hiram lang 'yan kaya wag mong angkinin," inirapan ko siya.
He chuckled making me shiver. Demons chuckling in front of humans are dangerous, meaning, my life is in danger if I didn't stop—natigilan ako at naestatwa sa kinauupuan ko. I talked to them! Oh my God! I spoke! Paano kung hindi nila ako tigilan?
Mariela you fool! Malamang hindi ka na nila titigilan dahil nagsalita ka na.
"Eh paano kung hindi lang ito ang gusto kong angkinin?", makahulugang tanong niya habang nakatingin ang mga matang kulay itim sa akin.
Napalunok ako at agad na napaiwas. Demons, they really have a way of deceiving us humans. Kaya madaming krimen noon dahil sa kanila, and I will not fall for that freaking ugly charm.
If I know, katulad ng shineshare sa akin ng mga katrabaho ko kapag binabangungot sila, may mahahaba itong mga kuko, hugis toro ang kanilang ulo, mala-aswang ang kanilang pagmumukha at may katawan ng kambing ang totoo nilang anyo.
Ugh. Asa namang mahuhulog ako sa demonyong 'to. He's a demon and humans are only for humans. Demons are for demons. Angels, well, puro sila lalake kaya Angels are for God only.
"I can feel your insides screaming my name," hindi pa rin nawawala ang mga ngisi sa labi.
I glared at him. Kahit gustong-gusto ko siyang barahin ay kailangan kong pigilan ang sarili ko, hindi nila ako tatantanan kapag nagsalita ako.
"Mariela, we're going to help you. I am going to help you, you don't need to be afraid and build walls to block us."
Napatingin ako kay Elijah. At paano naman niya nalaman iyon? Does he read minds? Matagal na bang nababasa ng mga anghel ang isipan naming mga tao? Kung ganoon, I feel bad, really guilty.
Paano na lang kung nabasa niya, hindi lang ang iniisip ko ngayon, ang mga aksyon ko kundi pati na rin ang mga pinakatatago kong isip?
Ngunit nang magtagal ang mga mata ko sa kanya, hindi ko maiwasang mapatitig sa napaka-amo niyang mukha. Kulay gintong mga buhok gaya ng kanyang mga mata, ang pilikmatang pagkahaba-haba ay ang dahilan kung bakit pumupungay ang kaniyang paninitig. Ang maamo nitong mukha ay marahang nakangiti sa akin, giving off that good and holy vibes.
I had no doubt why I am this calm the first time I laid my foot on this room. Imbes kasi na kabahan ako ay parang may kapangyarihan ang anghel na ito para pakalmahin ang puso ko at balewala lang sa akin ang ipakita ang tunay kong pag-uugali.
Angels really are the greatest creations of God. The greatest definition of divinity of all times.
Masama akong napabaling sa taong hinampas ang mesa dahilan para masinok ako. Pinigilan ko ang sariling sigawan siya, mahirap na, baka hindi talaga nila ako tantanan. Okay lang naman sa akin kung si Elijah ang gumambala sa akin pero kung kasama siya, 'wag na lang.
Papayag ako kapag si Elijah lang ang tutulong sa akin. Being involved with a demon is the last thing that I'll ever do, and that's also at the very last of my list. Not.
I would never let myself get involved with a demon!
"Staring is rude you know, baka matunaw si Elijah. Sige ka, kukunin kita," he winked before leaning towards me.
"Beel, enough. You're not helping," hindi ang iritasyon sa boses ni Elijah ang nakakuha ng pansin sa akin kundi ang tinawag niya sa kasama niya.
Bahagyang namilog ang mga mata ko sa sinabi nito at muntik ng humagalpak sa tawa. Beel? That's his name?! What a joke! Hindi ba siya minahal ng parents niya kaya ganyan ang pangalan niya?
Right. Demons don't know how to love, they've completely forgotten that one specific knowledge God has given them after disobeying Him.
Nawala ang mapaglarong awra nito dahilan para mas lalo kong pigilan ang pagtawa. Nginuso ko ang aking mga labi nang makitang sumimangot ang kanyang pagmumukha at marahas na binalingan ang katabi.
Nagsukatan silang dalawa ng tingin, kita ko ang pag-igting ng panga ni Beel bago inirapan ang kaharap at mabilis na tumungo sa pintuan. Pinanood lamang siya ni Elijah na lumabas bago bumuntong hinginga at binigyan ako ng isang marahang ngiti.
Nang umupo si Elijah sa katapat na upuan ay siya ring pagkawala ng maamong awra nito. Sumeryoso ang gintong mga mata dahilan para mapalunok ako.
"There's no much time left Mariela, we are running out of time," a white folder appeared in front of us. "A reading from the book of Jeremiah, Chapter 50 verse 35. A double rebellion, a punishment for those who seek must be plundered. So help me now and I will help you discover your wonders."
Napatulala ako sa sinabi niya. Nakaramdam ako ng kilabot sa mga ito, hindi masamang kilabot kundi pagkamanghang kilabot dahil wala akong naintindihan!
But damn, I felt it struck my sanity. Kahit na hindi ko naintindihan ang mga sinabi niya, bigla-bigla ay unti-unting tumaas-baba ang aking ulo making him give me the most divine and knee-wrecking smile.
Lord, kasalanan po bang magkagusto sa anghel ninyo?
A/N: is it okay if I ask help for the translation of this book in the comments section?
The incident in Mariela’s Town
A few days before the interrogation…
Sweats forming, knees weakening, visions slowly getting blurry, breathings hitching, I continued running. Hindi ako tumitigil. Even though darkness is following me, I kept on running away and did not bother to look back. Kahit pa ilang beses akong tinatawag ng Mama at Papa.
Pilit akong lumalayo. Pilit akong tumatakas. The surroundings are engulfed in pitch-black light. If there is really a black light. Darkness keeps coming. I can hear that devilish laugh closing in on me. The voices of my parents are no longer in reach of me. Nawala ito na parang bula.
It’s as if that deafening wicked growl ate their voices. I want to shout for help, but I know no one’s gonna hear me. I am all alone. I can feel it. I can feel loneliness slowly embracing my fragile soul. My heart’s beating loud and fast. Fear crept in me as I felt the evil creature’s presence behind me.
“Boo.”
Nagising akong sumisigaw at pawis na pawis. Habol ko ang hininga ko habang nakatingin sa pitch black Shadow na ngayon ay mala-demonyo kung tumawa.
“You should’ve seen your face!”, and he continued his cold and lifeless howl making me irritated.
Isang malalim na bumuntong hininga ang pinakawalan ko bago ko ito sinamaan ng tingin at bumalik sa pagkakahiga. I saw the horrible face of the creature following me. Wala itong mukha, bibig, ilong o kahit na ano. Pero nakapagsalita iyon and inflict fear in me.
Masamang panaginip man iyon gawa ng Shadow na hanggang ngayon hindi pa rin natatapos kakahalakhak, alam kong masamang pangitain ito. I glanced at my clock placed on the bedside table. 3:07am in the morning. Napabuntong hininga ako.
“Bakit ba kasi sinet mo ang alarm clock mo at exact 3am? Alam mo namang aktibo kami dahil Devil’s hour, diba?”, naramdaman kong umuga ang higaan ko.
Tinalikuran ko lang siya at hindi pinansin. Nakakainis! Why did I have that kind of dream?
‘The light of your Halo is slowly weakening, Mariela.’ Boses ng Halo ko ito ah?
Narinig kaya niya ang nasa isip ko?
‘Yes. I can hear your thoughts, nakalimutan mo na naman ba? Don’t worry, I still have my powers but for now, I can only protect your worries from him.’
Him?
‘The Shadow.’
Ah. Oo nga pala, silang dalawa lang naman ang kasama ko dito sa bahay. Bakit ko pa ba siya tatanungin kung sino yung him? Pero nagpapasalamat ako dahil nandito si Halo, bahagyang gumaan ang pakiramdam ko.
‘Is something bothering you?’
Wala. Protektahan mo na lang ang isip ko sa Shadow na ‘yan.
‘Okay.’
Hindi na nga siya nagsalita at naramdaman kong may kung anong warmth na pumalibot sa ulo ko.
“Oy, oy, madaya ka Halo! Bakit mo nilalagyan ng shield ang ulo niyan? Hindi na uso ang Ceelin Plus sa matatanda!”
Bumangon na ako sa pagkakahiga at sinimulanv itupi ang kumot. Matapos ayusin ang higaan ay kinuha ko ang tuwalya na nakasabit sa footboard ng kama ko at dumiretso na sa banyo.
“Teka! Hindi pa nga kita natatanong kung ayos ba yung—!”
Padabog long sinira ang pinto dahilan para hindi ko na siya marinig pa. Habang hinuhubad ko ang damit para makaligo na ay nagsalita si Halo.
“Pasensiya na Mariela, kung hanggang ganito lang ang kaya kong gawin para maprotektahan ka sa Shadow.”
“Ayos lang..” yun lang at sinimulan ko ng linisin ang katawan ko.
Another day, another hellish moment. Kailangan kong agahan ang paggising ko dahil baka ma-late ako sa trabaho. Mabagal kasi akong kumilos. Tahimik lang si Halo hanggang sa matapos ako sa pagliligo.
Nakatapis ako ng tuwalya na lumabas ng banyo para kumuha ng damit. Nakalimutan ko na naman kasi eh.
I found Shadow lying on my bed as he whistled when he saw me.
“It would be better if that towel is off, you know.”
Nakaramdam ako ng iritasyon nung bahagyang nilipad ang dulo ng tuwalya ko. Sarado ang bintana ng kwarto ko kaya alam kong siya ang gumawa nun. Binato ko sa kanya ang hinubad kong damit kanina. Pero wala itong epekto dahil tumagos lang ang damit ko sa katawan niya.
Mala-demonyo siyang humalakhak. “Hindi mo ako masasaktan sa ganyan.”
Right. He’s just a shadow. A pitch black shadow that doesn’t have any specific features and just plain dark mist hovering around the house. Following me anywhere I go. Kahit pa wala siyang mukha o kung ano, nai-imagine ko na ang nakakairita niyang ngisi.
“Kainis!”
Tinungo ko ang tokador sa corner ng kwarto. Matapos kong makuha ang mga damit na kakailanganin ko para sa trabaho at naglakad ulit ako patungo sa banyo.
“Hindi mo man lang ba kukunin ang panty mong basa?”, the Shadow sneered.
Naramdaman kong uminit ang pisngi ko pero pinanindigan kong talikuran ang damit na ibinato ko kanina.
“Saksak mo sa baga mo kung gusto mo!”
“‘Kay. Thanks— Aray!”, inda niya when Halo tasered him with his blazing holy ray.
Yan lang naman ang lagi kong nadadatnan paggising sa umaga. Shadow would always tease me, but Halo would always be there above me protecting me from him. Alam kong lalake sila dahil sa kanilang mga boses.
That’s the only clue they can give us humans so that we may properly address them. And it’s only been 40 years since they’ve introduced themselves to us humans. It’s been 40 years, and I wasn’t even made yet at the time they showed themselves to humanity. It’s been 40 years, and this is what had become of our future.
Eksaktong 6am ay natapos akong mag-ayos ng sarili at makapagluto ng agahan. Nakaupo ako ngayon katapat si Shadow. Feeling tao, akala mo naman makakaupo siya.
“You know, I can smell your faith slowly fading,” panimula niya.
Wala sana akong balak pansinin si Shadow dahil kanina pa siya maingay, kung anu-ano ang mga pinagsasasabi, pero nung matahimik siya at ‘yan agad ang lumabas sa bibig niya, kinabahan ako.
“I may be black but I can feel myself glowing darkly,” makahulugan niyang pagpapatuloy.
I know, idiot. So shut up!
‘Mariela, that’s not nice.’
Eh bakit? Evil being naman siya ha? He’s a demon to be exact!
‘He may be a demon, but he’s different from the demons still locked up in hell. Demons like him who have been tasked to escort humans for the rest of their lives, are chosen for it because of how they behave.’
Hindi ko kailangan ang isang tulad niya. I’m fine with being with you! Simula pagkabata, I will always be okay with just one celestial being beside me.
‘Mariela, that’s not how the world works—‘
I don’t care! Basta, ayoko sa kanya! Tinuro sa amin sa Garden of Eden na masama ang mga demonyo. We should avoid them completely, but why are humans stuck with them?!
“Ehem! Kanina pa ako dito nagsasalita at mukhang kayong dalawa lang ang naguusap... care to share, Mariela?”, Shadow remarked.
Inirapan ko lang siya at hinintay na lang pumatak ang 7am. 6:48 na pagkatingin ko sa wall clock na nakasabit sa itaas ng bintana dito sa dining room. Maliit lang ang bahay ko, tama lang sa isang tulad ko na mag-isang tinataguyod ang sarili para mabuhay.
“Aw, Mariela you’re hurting my feelings. Napa-pout tuloy ako,” biglang nag-expand patungo sa akin ang itaas na parte ni Shadow.
The scent of mint and garbage attacked my nose.
“Ew! Ang baho mo!”, sinubukan kong tanggalin ang itim na usok na kadugtong ng katawan niya pero walang epekto.
“You’re really pouching my heart, Ms. Mariela. Akala ko pa naman friends tayo, uwaa!”, is he sniffing? “Hindi mo na ba naaalala yung panahon na niligtas kita sa bangin?”
Nagpantig ang tenga ko sa narinig sa kanya. Hindi ako agad nakapagsalita dahil kay Halo.
“Shadow, enough. Hindi magandang simulan ang pag-aaway sa harap ng hapag-kaininan,” pansin ko ang lamig sa boses niya.
“Eh hindi naman ako nang-aaway ah? Si Mariela kaya! She’s giving me the cold treatment again!”
Nagsalubong ang kilay ko.
“Ang arte mo! Ang childish mo pa! Wag mo nga akong kausapin dahil hindi ka marunong umintindi!”
“Bakit? Ano ba ang hindi ko maintindihan? Kahit Shadow lang ako ay may utak at puso pa rin ako!”
“Wala akong pakealam!”
“See?! Narinig mo Halo? Wala siyang pakealam sa feelings ko? Uwaa!”
“Tumigil ka sa kakangawa mo dahil sinisira mo ang araw ko!”
“Did you hear that, Halo? Ako pa ang sinisisi niya. Uwaa! My feelings, it’s slowly breaking!”
“I said, enough!”
Doon lang kami napatigil nung nayanig ang buong bahay dahil sa boses ni Halo. Shadow stopped faking his cries but continued sniffing as if throwing his phlegm back in his nose. Ew! Disgusting.
“Shadow, I have already discussed everything to you. Hindi mo pwedeng asarin ang isang tao kapag bagong gising..”
Napatango-tango ako sa sinabi niya.
“The state of feelings of humans is very crucial when it comes to waking up in the morning, specifically if they have only a few hours of sleep—“
“Eh anong magagawa ko? I hate quiet mornings. I hate it when Mariela is silent..”
Iniwas ko ang tingin sa kanya. Ano naman ngayon? Tss.
“Mariela has always been silent—“
“But not before,” Shadow cut Halo off. “Nung bata pa siya, sobrang kulit niya. Tapos ngayon, lagi na niya akong iniiwasan! Tapos lagi na lang siyang may golden helmet sa ulo katulad dun sa old commercial ng Ceelin Plus. She’s always asking you to protect her thoughts from me—“
“Kasi puro kabastusan ang pinapasok mo sa utak ko!”, sabat ko.
“Anong bastos dun? Eh wala naman eh!”
I wanted to speak my thoughts, voice out everything. Pero hindi ko nagawa dahil uminit ang pisngi ko. I don’t know if I should be thankful for Halo blurring those rated SPG memories in my mind, but I could still vaguely remember the ***** man winking at me.
“Oh ba’t nagiging pula yang mukha mo? Are you sick?!”
I groaned in annoyance.
“I am sick of you!”
Kasabay ng pagsigaw ko ay ang tunog ng kampana. We were quarrelling for almost 30 minutes?! Nonetheless, I stopped talking to Shadow and focused on calming myself. Hindi pwedeng may bahid ng galit ang puso ko habang nag-darasal, masama raw iyon sabi ng Anghel na teacher ko noon. Nung bata pa ako ay hindi ko pa naiintindihan, pero ngayon ay alam ko na.
Praying while evil is hovering around your heart is very dangerous to humans.
“Let us all pray,” as soon as Halo spoke, Shadow got up and float out of the house.
Somehow, I felt guilty. The kind of guilt that should only be given to humans, and not to demons.
Nag-sign of the cross ako before bowing my head.
“Dear Lord, thank you for another beautiful sunrise to enjoy. Thank you for not always forgetting to wake me up. I pray that You would give me the strength to overcome any obstacle. I pray that You would help me strengthen my faith in You. I praise You for giving me a family, a life in this world. The job that I have, the job that You have given me. I pray that You will constantly remind me to be content with what I have and in all my circumstances…
“You are a wonderful God. A loving and understanding God. With this prayer, I praise You, my God. And for this meal, I thank You for blessing my home and always providing me with food and water. Father, in all that I do. I praise Your Holy Name. Amen,” nag-sign of the cross ulit ako at sinimulan na ang kumain.
I hope God hears my prayers.
Download NovelToon APP on App Store and Google Play