“Tell me, why did you do that to me?! Pinagkatiwalaan kita pero bakit ganon?!! Hindi ko inaasahang gagawin mo yun kasi sabi mo wala kang gagawin na ikasi-sira ng relasyon natin!" Umiiyak na sigaw ko sa kanya. Hahawakan nya na sana ang aking kamay pero iniwasan ko iyon.
"I-I didn’t mean to do that. S'ya yung pumilit sakin nun." Aniya habang nakatungo.
Hindi sinasadya. Ilang beses ko na 'yang narinig. Wala kami sa mga libro.
"Hibang ka na ba?! Anong s'ya yung pumilit sa'yo?! E sa inyong dalawa ikaw ang nasa katinuan'g tsanggala ka!" Nanlalaking mata na sabi ko.
"Alam mo hindi ko ma-gets 'tong pinag-aawayan na'tin e. Pinaliwanag ko naman na ang side ko pero hindi mo pa rin ini-intindi. Sarado yang isipan mo sa mga sasabihin ko! Kung ayaw mo maniwala? maghiwalay na tayo!” Sigaw na aniya.
Nanigas ako sa kinatatayuan ko sa huling sinabi nya. "Bakit parang ang dali lang sa'yo para sabihin 'yan? Minahal mo ba talaga ako?" Nakakunot noong tanong ko pero hindi nya ako sinagot.
"Para di na tayo magkasakitan pa. Maghiwalay na lang tayo." Sabi nya at lumisan na sa bahay ko.
Natulos ako sa kinatatayuan habang paulit ulit na bumabagsak ang aking mga luha. Bakit ganon? Bakit ang dali sa kanya putulin ang ilang taong relasyon namin?
Hindi ko namalayan na sa sobrang iyak ay nakatulog ako.
Download NovelToon APP on App Store and Google Play