NovelToon NovelToon

Lost Pages Of Magic

Prologue: First Spark

( First Spark )

[ Tw: Bloody and Contains Suicide ]

Pagsasalaysay*

Matagal na Panahon nang nakalipas, nang tila may kumislap sa himpapawid, kumikinang ito sa kalangitan na para bang naging umaga ang gabi.

Umusbong ang mga bulalakaw sa iba't ibang lokasyon sa buong Mundo.

Hindi maipaliwanag ng mga mananaliksik at siyentipiko sa buong mundo kung paano nila ito hindi akalain naramdaman o nakita man lang sa pinakamakapangyarihang satellite na pinalakas ng makabagong teknolohiya nung panahon nila wala rin silang nakitang resulta sa monitor at reciever.

Ito ay isang hindi maipaliwanag na sandali para sa mga mananaliksik at mga siyentipiko dahil hindi pa sila nakaranas ng isang error sa dekada nang kanilang serbisyo at ng kanilang teknolohiya.

Nalilito sa mga biglaang pangyayari, hinalungkat nila ang liblib na kagubatan kung saan naroon ang hinulaang lokasyon ng pagbagsak ng hindi maipaliwanag na misteryo.

Siniyasat nila ang lugar para lamang matagpuan ang isang libro, ikinagulat nila ito at ikinataka.

Ang lahat ng mga mananaliksik at siyentipiko ng ASAN ay hindi maintindihan kung paano naroroon ang isang libro, saan man ito nanggaling at kung paano ito nakalagpas sa Atmospera ng mundo ng hindi man lang nasira o na gasgasan, nagsimula silang mag question kung bakit at paano ito naparoon, maraming mga cryptographer ang sumusubok na maunawaan ang skripto at simbulo, ngunit wala silang mahanap.

Kamakailan lamang, isang mananaliksik ang nakilala ang mga letra at simbolo na naka sulat sa manuskripto.

Sinabi nya na katulad ito ng mga titik na matatagpuan sa isang maliit na liblib na nayon sa Mandilena ng kontinenteng: Aendsia

Ito ay nakila na kagaya sa baybayin, sa tulong ng mga mananaliksik ang mga siyentipiko ng ASAN ay diskubre ng isang nakakagulat na rebelasyon.

Sila'y nabigla sa hindi makatotohanang mga resulta na kanilang natuklasan, ang kanilang natagpuan ay isang Grimoire,

Isang uri ito ng manuskrito, binubuo ng maraming kasulatan tungkol sa mahika, salamangka, at maraming uri ng nilalang na itinuturing na "halimaw" sa libro.

Bagamat matapos malutas at matuklas ang mga misteryo at ilang malalalim na konteksto ng grimoire, itinuloy nila ang pag sasaliksik at sila'y nag sagawa ng experiment.

Kung saan gumawa sila ng ilang imbestigasyon, sinubukan nilang isiwalat at basahin ang ilan sa mga salamangka na nilalaman ng grimoire, at lahat sila ay nabalisa sa mga resulta.

Kahit na pagkatapos na sundin ang lahat ng mga tagubilin na nasa grimoire.

Lumilitaw na walang kinalabasan ang kanilang pag sasaliksik at naisip na isa lamang itong ubos oras.

Kaya't marami ang nag-abandona sa pag-aaral at unawa ng konteksto ng grimoire.

Kasunod nito, inilathala nila ang aklat sa publiko sa kanilang website, na pinahintulutan bilang "mystical book of the celestial" na pinamagatang "celestial's grimoire" matapos sa ng orihinal na pamagat na isinalin mula sa aklat.

Maraming tao sa buong mundo ang naintriga sa pagtuklas na natagpuan ng ASAN.

May mga taong sinubukang ibunyag ang mga misteryo na hindi mahanap ng mga tao ng ASAN, ngunit lahat sila ay na nabigo.

Ang ilan ay nawawala at ang iba ay nawalan sa katinuan at namatay dulot ng sa pagsasaliksik ng konteksto ng libro.

( P.S: made this Black and white for content censorship )

*

Pagkatapos mabalitaan ng publiko itinago ng ASAN ang buong pahina tungkol sa aklat, at hindi na muling nakita pa ang page tungkol sa aklat sa website ng ASAN.

Hanggang sa ilang matigas na ulo na grupo ng mananaliksik ay hindi sinasadyang matagumpay na nakagawa ng isang bagay na hindi maipaliwanag na salamanka sa kanilang blog na tungkol sa malalim na pag-unawa sa konteksto ng aklat.

Sila ang naging silbing alamat sa larangan ng pananaliksik, natuklasan nila ang mahika at mga misteryo na kung inaakala ay piraso lamang ng ating imahinasyon.

Ngayon ang mundo ay nagiging isang modernong pantasya na kung aakalain ay posible lamang sa mga komiks o kuwentong katakata lang.

*

Prologue: Crevasses and Monsters

[ (!) Tw: Violent, bloody and brutal. ]

( Still prologue, Chapter 0.5 )

Maraming tao ang sumubok na hanapin ang mga piraso na may may kaugnayan sa mahihiwagang bulalakaw na lumitaw sa kalangitan para sa kanilang inaasam na kapangyarihan at maging sikat.

Ngunit dulot ng pagkauhaw sa kaalaman at intensyon na palawakin at palakasin ang kanilang impluwensya at kapangyarihan, lahat sila'y nabigo, nawalan ng pag-asa't napagod.

Ngayon ay iilan na lamang ang mga mananaliksik at taong nagtatangkang hanapin ito.

Isa ako sa mga taong naghahanap pa rin sa mga nawawalang piraso ng aklat.

Sa katunayan nakahanap na ako ng piraso ng aklat.

Sa kasamaang palad nawala yung pahina nung nagsimula akong mag-imbestiga tungkol sa mga kakayahan nito.

"Totoo ba na binabalot at may nilalaman itong misteryosong kapangyarihan?" Ayan palagi ang nasa isip ko habang isinasagawa ang pag-i-imbestiga.

Nangyari ito nung bata pa ako, maraming taon na ang nakakalipas nang mahanap ko ang isang piraso ng aklat.

Dahil sa isa pa akong bata, wala akong alam sa taglay na kapanyarihan ng bagay iyon.

Nang una kong mahanap ang pahina'y bigla ko itong itinabi, paningin ko noon ay ang ganda't angas ng bagay na iyon, kaya nama't isinilid ko ang pahina sa isang kahon na nakatago sa ilalim ng aking kama.

Ilang taon ang nakalipas nakalimutan ko na ang tungkol sa piraso ng aklat.

"Pa, ano yang pinag-aaralan mo?" Napuno sa kuryusidad, itinanong ko kay ama kung tungkol saan ang weirdo nyang libangan.

Pamilyar sa akin ang mga simbulo na isinasaliksik ng aking ama.

Bigla kong naalala ang tungkol sa misteryong pahina na napadpad sa likod-bahay namen.

Dali-dali akong umakyat sa kwarto ko't nadapa pa nga, aking nadiskubre na ang pahina na itinabi ko noon nung bata pa ako'y isang mahiwagang parte ng misteryo na binabalot ng hiwaga.

Hindi ko inaakalang isa pala iyon sa mga misteryo na isinasaliksik ng aking ama.

Ang pagkakatulad ng wika at mga simbulong nakasaad sa pahina ng misteryosong skripto ay tugma sa pinag-aaralang skripto ng aking ama.

Ang skriptong ito ay isang abugida, kabilang sa pamilya ng mga Brahmic script. Malawak itong ginagamit sa Luzon at iba pang bahagi ng Aendisia noong ikalabing anim at ikalabing pitong siglo bago pinalitan ng alpabetong Latin noong panahon ng kolonisasyon ng mga Esolya..

Maswerte't nakita at napag-aralan ko ang wika at skripto ng mga kasulatan na kasalukuyang pinag-aaralan ng aking ama nung panahong iyon.

Ilang araw ang nakalipas, dulot ng aking  kuryusisad, aking napag tripan at ginamit ang misteryosong pahina.

Pagkatapos na sundin ang mga pamamaraan at maisagawa ang lahat ng naka saad sa pahina, hindi ko sinasadyang na-trigger ang isang bagay na hindi ko alam. ;-;

Kuminang nang sobrang liwanag ang pahina't ang ilaw na nanggaling sa pahina'y sobrang lakas, tila'y nagmistulang light house ang bahay namin.

Bagay na ikinataka ng aking ama na papauwi palang sa bahay namin mula sa trabaho nya.

Habang kumikinang ang pahina ay nawasak ito sa piraso't pumasok sa aking katawan bago mawala nang tuluyan.

Nagtamo ako ng kakatwang marka na nagmistulang tattoo sa aking likuran, bagay na napuna ni ama nung pag bukas nya ng pinto sa pag mamadali't pag aalala.

Ngayon, na ang mana ng mundo ay halos maubos na ng mga tao nito, ang baluti na humahadlang at nagtatanggol sa mundo ng mahabang panahon ay humina na.

Hindi napansin ng mga tao na nasira na ang baluti ng mundo at unti-unting nasira ito at nagkaroon ng maraming bitak, lumitaw ang mga lagusa patungo sa ibang dimensyon.

At ang baluti ng mundo ay unti-unting pinasok ng mga kagimbal-gimbal nilalang, ang mga halimaw ay nagsimulang lumitaw sa iba't ibang sulok ng mundo.

Lumitaw na ang isa sa kagimbal-gimbal na pangyayari na nakasaad sa aklat ng grimoire, tumagas na parang alon ang mga halimaw na nasa loob ng bitak.

Lumikha ang mga nilalang na ito ng isang kaguluhan, nagsimula silang mag wasak ng mga istraktura at pumatay ng walang awa.

Ang ilan sa mga ito ay gumawa ng mga istraktura na may kakatwa hugis.

Tinawag ang mga istrakturang ito bilang obelisk at ang iba ay piitan, ang obelisk ay isang istraktura kung saan ginawa nila ito upang ipaalam na nasakop na nila ang bahagi ng territoryong iyon.

Iba't iba ang mga disenyo ng iba't ibang nilalang, bagay na kinatataka ng mga tao dahil litaw nalang ito ng isang araw.

Na dapat ilang taon ang aabutin kung gagawin ang mga istrakturang iyon.

Ang mga halimaw na lumitaw sa mundo ay dumaan sa mahinang parte at butas ng baluti nang mundo, lumikha sila ng mga lagusan mula sa iba't ibang dimensyon, na ginawa namang daluyan ng mga halimaw bilang tulay sa aming mundo.

Ang mga naitalang record ng mga nilalang na pumapasok sa aming planeta ay hindi masusukat, at ang ilan sa mga halimaw na pumasok sa aming mundo ay lubhang makapangyarihan, higante, dambuhala't sobrang lakas.

Ang ilan sa mga ito ay naglilimlim, habang ang iba ay naghahasik ng lagim at delubyo.

Ang tangging maihihintulad ko sa mga pangyayaring ito ay ang pag dating ng impyerno sa mundo.

Mga tao'y nagsisigawan, ang mundo'y tila magulo, hindi mabilang na nasawi sa iba't ibang sulok ng bansa.

Tao'y nag kakagulo, habang ang ilan ay lumalaban para sa kanilang kaligtasan.

Ang lapag ay mistulang binaha ng dugo, maraming bangkay sa daan, at ang taong nasalanta ay umiiyak at mistulang nabaliw sa pangyayari.

Ang pitong nilalang ay sapat na makapangyarihan para katakutan ng sangkatauhan, sila mismo ay binansagang na "ang pitong delubyo na sumakop sa mundo", marami ang sumubok na sugpuin at patayin ang mga ma-alamat na ito ngunit wala ni isa ang nagtagumpay.

Kahit na ang isang bansa man o ang buong mundo ang umatake sa mga halimaw na ito ay hindi parin sapat, sa pagkat alam nilang walang makakaligtas sa hagupit ng pitong binansagang halimaw.

Ang ilan sa mga binansagang halimaw ay nananahimik at nananatiling nakatago o natutulog, walang sinuman ang nagtangkang gisingin sila muli.

Dahil ito lamang ang tumitigil sa mga sakunang makakaharap nila pag inistorbo nila ang nananahimik na delubyo, dulot ng paglaganap ng mga halimaw na ito.

Napilitan ang ilang sa mga tao na lumaban sa mga mapanuksong nilalang na sumakop ng mundo.

Nakalaad dito ang pitong delubyo na kinakatakutan ng buong mundo.

Legend*

(Lugar) - Pangalan [ Titulo ng Nilalang ] ( Paglalarawan sa nilalang )

ᜀᜈ᜔ᜆᜐ᜔ᜉ( Antarcsia ) - 𝔑𝔬𝔯𝔤𝔟𝔢𝔯𝔫 𝔉𝔯𝔬𝔰𝔱𝔟𝔦𝔱𝔢 [ ᜈᜄ᜔ᜌᜒᜌᜒᜎᜓᜅ᜔ ᜃᜒᜅ᜔( 𝔉𝔯𝔬𝔷𝔢𝔫 𝔎𝔦𝔫𝔤 ) ] ( Higanteng lobo't panginoon ng taglamig )

ᜀᜉ᜔ᜆᜒᜃᜎ᜔( Aftrikāl ) - 𝔊𝔯𝔬𝔱𝔧𝔬𝔨𝔞 [ ᜋᜑᜓᜐᜌ᜔ ᜈ ᜐᜒᜈᜂᜈᜅ᜔ ᜊᜒᜑᜒᜋᜓᜆ᜔ᜑ᜔( 𝔊𝔯𝔢𝔞𝔱 𝔄𝔫𝔠𝔦𝔢𝔫𝔱 𝔙𝔢𝔥𝔢𝔪𝔬𝔱𝔥 ) ] ( Hari ng mga dragon at sumisimbulo sa buwan at kasakiman )

ᜀᜁᜈ᜔ᜇ᜔ᜐᜒᜀ( Aendsia ) - ℨ𝔞𝔯𝔦𝔬𝔫𝔦𝔰 [ ᜉᜅ᜔ᜃᜎᜏᜃᜅ᜔ ᜄᜓᜏᜇᜒᜀ( 𝔓𝔩𝔞𝔫𝔢𝔱𝔞𝔯𝔶 𝔊𝔲𝔞𝔯𝔡𝔦𝔞𝔫 ) ] ( Dimensyonal phoenix na nagtataglay ng kapangyarihan ng araw )

ᜁᜂᜂᜋᜓᜃᜓᜈᜒ( Euromonope ) - ℌ𝔢𝔯𝔫𝔢 𝔱𝔥𝔢 ℌ𝔢𝔩𝔩𝔥𝔬𝔲𝔫𝔡 [ ᜄᜓᜏᜇᜒᜌ ᜅ᜔ ᜁᜋ᜔ᜃ᜔ᜌᜒᜈᜓ( 𝔊𝔲𝔞𝔯𝔡𝔦𝔞𝔫 𝔬𝔣 ℌ𝔢𝔩𝔩 ) ] ( Dambuhalang may higanteng sungay namamahala sa pinto't tarangkahan ng impyerno )

ᜂᜎ᜔ᜐ( Ulsa ) - 𝔏𝔢𝔳𝔦𝔞𝔱𝔥𝔞𝔫 [ ᜋᜎᜓᜉᜒᜆ᜔ ᜅ᜔ ᜃᜉᜄᜆᜈ᜔ ( 𝔗𝔶𝔯𝔞𝔫𝔱 𝔬𝔣 𝔱𝔥𝔢 𝔒𝔠𝔢𝔞𝔫 ) ] ( Mutated Shark/ Dunkleosteus, ang tagapamahala ng karagatan )

ᜂᜎᜉᜈ᜔( Ulfkran ) - 𝔑𝔦𝔡𝔥𝔬𝔯𝔤𝔫𝔡 [ ᜇᜄᜓᜈ᜔ ᜈ ᜏᜎᜅ᜔ ᜃᜆᜉᜓᜐᜅ᜔ ᜄᜓᜆᜓᜋ᜔( 𝔘𝔫𝔢𝔫𝔡𝔦𝔫𝔤 𝔊𝔩𝔲𝔱𝔬𝔫𝔬𝔲𝔰 ) ] ( Sakim at Masibang ahas na kumikibkib sa puno ng mundo )

Sila ang mga halimaw na nakakuha ng titulong ipinagkaloob ng bawat kontinente, kahit sa kanilang malaking presensya at kanilang laki ay hindi parin matukoy lokasyon at kinaroroonan ng mga delubyong ito.

*

Download MangaToon APP on App Store and Google Play

novel PDF download
NovelToon
Step Into A Different WORLD!
Download MangaToon APP on App Store and Google Play