NovelToon NovelToon

Supreme Asura [Tagalog/Filipino]

Chapter 1

Darkness covered the entire sky and the stars begin to appear and shine like a brilliant which indicating that it is a night time.

In a secret room wherein it is usually serve as meeting area to discuss about things. An old man is sitting in a manner and as well as other people here. They are discussing about the things that need to be tackled in tomorrow activity which is very important.

"Ano ang magiging plano niyo Pinuno?" Sambit ng lalaking nasa edad na apatnapo. Siya ay si Gon Li May pagkabahala sa boses nito lalo pa't dito nakasalalay ang kanilang kinabukasan.

"Pinuno, limang taon mula ngayon ay siguradong aaksyon ang ating mga karatig na mga angkan upang makapasok ang kanilang miyembro sa Cosmic Dragon Institute, ano po ba ang aksyon natin ukol dito?" Sambit ng isang ginang na may alinlangan lalo pa't alam nilang lima lamang ang slots na ibinigay sa kanila ng malaking institusyon. Siya ay si Ever Li

"Hahaha... Huminahon kayo at huwag kayong mabahala. Alam ko ang inyong mga hinaing ukol sa bagay na ito. Nakarating sa akin na binigyan tayo ng mahabang oras para sa preparasyon ukol sa kompetisiyon na gaganapin para sa mga bagong henerasyon na magiging disipulo o estudyante ng institusiyon na iyon. Nagkaroon ng pagbabago sa naging petsa ng pagtanggap ng mga bagong estudyante. Bukas na bukas din ay uumpisahan na rin natin ang pagsasanay sa mga batang edad anim pataas upang kahit papaano ay mayroon tayong representante kahit hindi tayo makakuha ng pwesto o slot para sa estudyante natin." Sambit ng Chief na nagngangalang Sandro Li ng Li Clan. Kahit na may masayang tono ang boses nito ay makikitaan ng lungkot ang pares ng mata nito maging ang iba ay alam din ito.

Noong nakaraang panahon na unang itinatag ang Li Clan ay masasabing napakasagana at napakaganda ng atmospera ng lugar na animo'y buhay na buhay ito. Maraming mga talentadong Cultivator ang umusbong dito. Sa katunayan ay kilala ang angkan ng Li sa pagkakaroon ng Martial Talents. Ngunit sa pagtagal ng panahon ay unti-unting paghina ng puwersa nito dahil na rin sa maraming mga suliranin na kinakaharap nila na hindi alam ng karamihan ngunit nanatili pa rin itong misteryo maging sa mga kasalukuyang namumuno sa Li Clan. Ang mga nag-uusap sa sekretong silid na ito ay ang Chief at ang mga Elders ng Li Clan.

Mayroon silang napagdiskusyunan lalong-lalo na sa mga paunang mga pagsubok o test para malaman ang martial talent ng isang bata kung may abilidad ba ito na maging makapangyarihang Cultivator sa hinaharap o mananatili lamang silang mga ordinaryong indibiduwal ng Li Clan. Masyadong mataas ang elspektasyon nila ngayon dahil sa ilang taon na lamang ay magkakaroon ng malaking aktibidad at iyon ay ang Cosmic Dragon Competition para sa mga bagong henerasyon ngunit sa kasamaang palad ay limang puwesto o slots lamang ang ibinigay ng Institusiyon sa lugar na ito.

Ang lugar na ito ay tinatawag na Green Valley. Tatlong daang kilometro ang layo nito mula sa Cosmic Dragon Institute na isang pangarap na lugar ng karamihan ngunit ilang Cultivator lamang ang naging matagumpay na nakapasok sa lugar na ito ngunit karamihan sa mga nakapasok ay walang balita o impormasyon ukol sa kanila maging ang komunikasyon ay pinutol na rin dahil sa mga batas na ipinapatupad maging ang impormasyon ng Cultivator ay hindi kumakalat o matagpuan man lamang. Matagal na panahon na rin na walang maski isa sa mga miyembro ng Li Clan ang napatapak o nakapasok sa Institusiyon na iyon kahit ni isang impormasyon ukol sa batas at palatuntunan nito ay hindi alam ng Li Clan. Kaya ngayon ay gusto nilang subukan na makapasok man lamang maski isang miyembro ng kanilang bagong henerasyon sa Cosmic Dragon Institute upang magbigay ng Pagkilala sa kanilang maliit na angkan.

Sino nga ba ang magbibigay importansya sa kanila? Isa lamang sila sa libo-libong mga nayon na nakatira sa kontinenteng ito kung kaya't ano pa ba ang hihingin nila? Masuwerte nga sila sapagkat kahit napakalayo nila sa Cosmic Dragon Institute ay binigyan pa rin sila ng pagkakataon ng Institusiyon upang maipakita at maipamalas nila ang kanilang husay sa larangan ng Martial Arts. Kahit na itinuturing na maliit na angkan lamang ang Li Clan ay umaabot sa mahigit tatlong libo ang mga miyembro nito. Hindi maitatangging napakarami nila ngunit ang kabuuang lakas nila ay napakahina pa rin. Sa kakulangan ng Cultivation Resources maging ng mga kagamitan o sandata ay pawang mga Common Armaments lamang isa pa ang mga ordinaryong sandata. Pagsasaka at pag-aalaga lamang ng mga hayop ang kanilang pangunahing hanapbuhay dito. Maaari silang maging Trainer o Tamer ng mga mababangis na hayop kagaya ng mga Wild Beast at Viscous Beast ngunit sa mababang Cultivation Base nila ay siguradong kakainin sila ng mga mababangis na hayop na ito bago pa sila makalapit sa mga ito. Ito ay isa rin sa pangunahing suliraning kinakaharap ng mga miyembro ng Li Clan.

"Bakit hindi kayo nababahala Chief? Alam niyong malaking pagkilala ang maaari nating makamit ukol sa malaking aktibidad na iyon idagdag pa ang mga benepisyo na ating makukuha kung maging opisyal na estudyante ang ating mga bagong miyembro patungo sa daan ng Cultivation."Sambit ni Dino Li na isa sa mga Elder ng Li Clan. Alam niyang isa itong seryosong sitwasyon at kailangan nilang makuha ang puwesto maski isa man lang sa kompetisiyon na iyon. Tuwing sampong taon lamang dumarating ang oportunidad na ito para sa kanilang mga maituturing lamang na ordinayong Clan lamang na maliit na sakop ng lugar na ito. Ang ganitong oportunidad ay isang malaking biyaya para sa kanila ngunit matinding presyur ito para sa kanila lalo pa't maraming angkan ang kanilang mababangga lalo na ang mga talentadong mga henyo ng mga bagong henerasyon ay siguradong lilitaw sa oras ng kompetisiyon na siguradong magiging matinding kalaban ng kanilang bagong henerasyon ng Li Clan.

"Wala na tayong magagawa pa kung hindi man tayo palarin na makatapak sa lugar na iyon. Alam nating marami pang bagay ang ating dapat problemahin lalong-lalo na ang ating pang-araw-araw na buhay at ang ating kaligtasan. Kung hindi talaga para sa atin ang oportunidad na iyon ay wala tayong magagawa. Alam kung may awa ang nakakataas sa atin." Sambit ni Chief Sandro Li na may positibong pananaw para sa bukas nila. Tipid itong ngumiti.

Nagkaroon ng katahimikan sa buong sulok ng silid tanda na tama ang sinabi ni Chief Sandro Li. Marami pa silang poproblemahin na magpapatagal pa ng kanilang angkan hanggang sa susunod na mga henerasyon.

"Mayroon pa kayong mga tanong? Kung wala na ay maaari na kayong umalis." Sambit ni Chief Sandro Li sa mga Elders. Alam niyang maraming bumabagabag sa bawat isa sa kanila hindi ukol sa kompetisiyon kundi sa mga sinabi niya kanina lamang.

Unti-unting umalis ang limang Elders sa silid na ito at magalang na tumungo o nilisan ang lugar na ito uoang gawin ang kanilang mga tungkulin. Sa totoo lamang ay mabigat ang tungkulin ng bawat isa sa kanila lalo na sa Chief dahil kaunting pagkakamali lamang ay siguradong babagsak ang kanilang pundasyon ng kanikang Li Clan.

Napabuntong hininga na lamang si Chief Sandro Li kasabay ng pagtayo nito at muling nagwika.

"Sana ay magkaroon ng mga talentadong Cultivator sa bagong henerasyon na ito, siguradong babagsak ang Li Clan sa oras na mawalan ito ng bagong pundasyon sa hinaharap." Sambit ni Chief Sandro Li habang nskatanaw sa mga bituin ngunit agad din nitong tinungo ang pintuan at mabilis na nilisan ang lugar.

Chapter 2

Nagkikislapang bituin ang makikita sa kalangitan habang ang batang lalaki na bagong tapak lamang sa edad na anim nitong nakaraang araw ay masayang tinatanaw ang mga bituin. Nakahiga ito sa damuhan at masayang gumuguhit ang kamay nito sa mga bituin na animo'y pinagdudugtong ito sa pamamagitan ng mga animo'y di makikitang linya. Ito ang karaniwang ginagawa ng batang nagngangalang Li Xiaolong. Madalas nitong paglaruan ang mga bagay na nasa malayo. Sa edad na ito ay mayroon itong masayang personalidad. Ang anyo ng batang ito ay may maputing balat, matangos na ilong na pinaparesan ng magagandang dalawang singkit na kulay abong mata. May medyo may kahabaang kulay puting mga buhok. Masasabi mong isa siyang depinisyon ng lahi o miyembro ng Li Clan.

Ngunit sa kabila ng magaganda st gwapong mukha ng kanilang angkan ay kabaliktaran naman sa kanilang mga talento sa Martial Arts. Sa mundong ito ay pinamukha sa kanila ang pagkakaiba ng lakas o kapangyarihan kaysa sa panlabas na anyo. Kaya hindi kataka-takang isa sila sa pangunahing tinutukso kung lalabas sila sa kanilang teritoryo. Kahit na maituturing na maliit na Angkan lamang ang mga Li ay masasabing malaki ang sakop ng kanilang teritoryo o lugar maging ang kanilang mga karatig na mga angkan katulad lamang ng Huang Clan at ng Lin Clan ay masasabing malalaki rin ang Teritoryo na sakop ng mga ito subalit hindi maiiwasan ang mga hindi pagkakaunawaan at iba pang mga suliranin sa kanila at ng iba pang mga angkan.

Isa sa dahilan ng paghina ng angkan ng mga Li ay ang kaunting mga Martial Arts Technique at resources ng kanilang angkan na dulot ng nagdaang panahon ay unti-unting nawala ang kanilang mga Martial Arts Techniques at mga Cultivation Resources kung kaya't hindi kataka-takang lubos na humina ang kanilang puwersa. Kung hindi dahil sa mga bagay na ito ay siguradong namamayagpag pa rin sila hanggang ngayon. Marami pang mga misteryo ang nakatago sa likod ng problemang kinakaharap ng Li Clan sa kasalukuyan.

Sa edad pa lamang na anim ay maraming namutawi sa isip ng mga kabataan lalong-lalo na sa mga bagong henerasyon ng Li Clan kasama na rito si Li Xiaolong. Pinangarap niyang maging isang malakas na Cultivator sa hinaharap. Gusto niyang ibangon ang Li Clan sa pamamagitan ng pagpupursiging malakas. Naaawa siya sa kanyang mga magulang na isang ordinaryong miyembro ng Li Clan. Ang kanyang ama ay si Li Qide na isang magsasaka lamang at ang kanyang ina na nagngangalang Li Wenren ay sa bahay lamang upang alagaan ang kanyang nakababatang kapatid na si Li Ying na isang taong gulang pa lamang. Masasabing kinakapos pa rin sila sa pang-araw-araw na gastusin lalo pa't ang kita ng kanyang ama ay isang daang tanso lamang na siyang dahilan kung bakit gustong maging malakas ng batang si Li Xiaolong.

Marami pang namutawing larawan ng mga pangarap ni Li Xiaolong sa kanyang mapaglarong isipan.

"Xiaolong, umuwi ka na!" Sambit ng malakas na sigaw mula sa hindi kalayuan.

Agad na nawala ang iniisip ng bata dahil sa narinig niya. Alam niyang boses iyon ng kanyang inang si Li Wenren. Sigurado siyang tapos na ang kanyang ina sa paghahanda ng kanilang hapunan.

Agad na napabangon si Li Xiaolong sa kanyang kinahihigaan mula sa malagong damuhan. Agad niyang nilisan ang lugar na ito lalo pa't kabilin-bilinan ng kanyang ina na huwag magpagabi o paghintayin na lumamig ang kanilang pagkain dahil isa itong kabastusan sa lumikha sa kanila. Biyaya mula sa langit ang mga pagkain kung kaya't hindi dapat baliwalain o masayang man lang ito.

Mabilis na tumakbo si Li Xiaolong mula sa pinuwestuhan kanina sa isang madamong kabundukan malapit sa kanilang bahay papunta sa kanilang bahay. Medyo bumusangot ang mukha ni Li Xiaolong ng malapit na siya sa bakuran ng kanilang maliit na bahay na animo'y kubo lamang dahil sa medyo may kaliitan ito lalo pa't nareyalisa niyang napakadungis niya pala dulot ng matinding pagbibiyak ng mga kahoy upang gawing panggatong.

Sa edad na apat ay nakikitaan na ng potensyal ng kanyang magulang si Li Xiaolong sa larangan ng lakas. Pinaniniwalaan ng kanyang ina na biniyayaan si Li Xiaolong ng pambihirang lakas lalo pa't sa edad na apat ay kaya nitong magbuhat ng isang sakong bigas at sa edad na lima ay nakaya nitong pumutol ng malalaking puno. Dahil sa taglay nitong lakas ay madalang lamang siyang makipagsalamuha sa ibang mga kaangkan niya lalo na sa mga kabataan lalo pa't hindi ordinaryo ang lakas nito. Noong apat pa lamang siya ay muntik na aksidenteng nadaganan niya ang isang miyembro ng kanilang kaangkan na muntik ng mabalian ng buto sa mga ribs nito kung kaya't pinaaalalahanan siya ng kanyang magulang na mag-ingat lalo na sa mga kaedaran niya o sa mga nakababata sa kanya sa pakikipaghalubilo sa mga ito lalo pa't hindi ordinaryo ang mga braso niya. Kung kaya't sa halip na magliwaliw buong maghapon ay namumutol na lamang siya ng mga puno o kaya ay namamalakol ng malaking mga puno lalo na ang mga tuyong kahoy upang gawing panggatong. Maraming mga puno ang pinapalakol niya at ibinebenta niya sa mga kapitbahay nila upang matulungan ang kanyang mga magulang sa pagtataguyod ng kanilang pang-araw-araw na gastusin. Bawat bugkos ng mga pinalakol na kahoy ay limang tanso ang halaga nito kung kaya't sa isang araw ay kumikita siya ng tatlumpong tanso na binibigay niya sa kaniyang ina ngunit hindi ito tinatanggap ng kanyang ina.

Agad na hinawakan ni Li Xiaolong ang kanyang bulsa at dinukot nito ang mga tanso at binilang.

"Isa, dalawa, tatlo...sampo....tatlumpo" pagbibilang ni Li Xiaolong sa kanyang kinita ngayong araw. Napahinga ng malalim si Li Xiaolong at napangiti ito dahil inaakala niyang naiwala niya ito ng humiga siya kanina.

"Buti na lang...." Sambit sa isipan ni Li Xiaolong at iwinaksi niya ang kanyang isipan ang kaninang iniisip. Agad na binuksan nito ang medyo may kaliitang pintuan ng harang ng kanilang bahay na isang tao lamang ang makakapasok at agad na binuksan ang kanilang pintuan sa bahay. Agad na nakita ni Li Xiaolong ang kaniyang ina na katatapos lamang maghain ng pagkain sa kanilang lamesa. Makikita ni Li Xiaolong na mainit-init pa ang mga pagkain na hinain ng kaniyang ina.

"O, anak kumain na tayo dahil siguradong gagabihin ng uwi ang tatay mo. Siguradong dumaan pa iyon sa pamilihan upang mamili ng mga dapat na kailangan natin sa bahay." Malumanay na wika ng kanyang ina na si Li Wenren habang nakatingin sa kanyang anak.

"Opo ma. Siya nga pala ma, ito po yung naging kita ko ngayon sa pagbebenta ng mga kahoy." Sambit ni Li Xiaolong at dinukot ang lahat ng kanyang perang tanso. Agad nitong inilahad sa kanyang ina ng nakangiti ngunit tiningnan lamang siya ng kanyang ina at nagwika.

"Itago mo lamang iyan upang gawing ipon nang sa gayon ay kung may pagkakagastusan ka o gustong bilhin ay maaari kang makabili. Masuwerte kami at binigyan kami ng masipag at mabuting anak." Sambit ng kanyang ina na ngayon ay nakatingin na sa mga mata ni Li Xiaolong. May mumunting tubig na makikita sa mga mata ng kanyang ina kahit na nakangiti ito sa kanyang anak na si Li Xiaolong.

Kahit na musmos pa lamang si Li Xiaolong ay biniyayaan siya ng matalas na pag-iisip lalo na patungkol sa pagbabasa ng emosyon ng tao. May malalim itong persepsyon ptungkol sa mga bagay-bagay kung kaya't nauunawaan niya ang gustong ipabatid ng kanyang ina. Hindi sila mayaman at lalong hindi sila isang maharlika kung kaya't ang pag-iipon lamang ang kanyang magagawa. Kahit na ganoon ang estado nila sa buhay sa kasalukuyan ay masasabing napakapalad pa rin ni Li Xiaolong sa kanyang mga naging magulang. Kahit na napakaordinaryong mamamayan sila ng Li Clan ay masasabing napakasipag ng kanyang ina at ama sa pagtataguyod sa kanila.

"Sige po ma, maghuhugas lamang ako ng kamay upang kumain." Masayang sambit ni Li Xiaolong upang magpaalam sa nanay niya.

"O sige anak, saka maligo ka na din kasi ang dugyot mo hahaha!" Masayang pagkakasabi ni Li Wenren sa kanyang anak habang natatawa ito.

"Ah...Ehh.... Sige po ma." Sambit ni Li Xiaolong habang kinakamot ng kanyang kanang kamay ang batok nito na wari'y nahihiya.

Agad na kumaripas si Li Xiaolong sa upuan na naiwan ang kanyang ina na tawang-tawa pa rin. Alam ng ina ni Li Xiaolong na si Li Wenren na responsable ang kanyang anak at parang binata na ito kung mag-isip. Kaya nasanay na siyang hindi ituring na bata si Li Xiaolong dahil na rin sa mature nitong pag-iisip at kung minsan ay sisimangot ito pag bini-baby.

Chapter 3

Napabuntong-hininga na lamang ang kanyang ina at tinapos ang mga gawaing bahay na hindi niya natapos. Saka niya pinuntahan ang natutulog nitong anak na sanggol pa lamang. Naawa nga siya sa anak niyang si Li Xiaolong dahil hindi nito maaaring kargahin ang nakababatang kapatid nito dahil na rin sa hindi pa nito kontrolado ang lakas nito. Siguradong kapag nagsimula na itong maging Cultivator ay saka lamang ito makokontrol ang tamang puwersang dapat na ilabas ng katawan ng kanyang anak. Napanatag ang loob ng kanyang ina dahil sa ligtas na nakauwi ang kanyang anak ngunit nag-aalala siya sa kanyang asawa. Medyo lumalalim na ang gabi kung kaya't binalot ng pangamba ang kanyang loob.

...

Medyo malalim na gabi kung kaya't mas lalong tumitingkad at lumiliwanag ang mga bituin sa langit. Walang bakas ng makulimlim na panahon na siyang pahiwatig na walang namumuong bagyo maski ulan. Napakatahimik ng lugar at tanging ang mga huni lamang ng mga insekto ang maririnig sa paligid na siyang nagbibigay kahulugan sa gabi. Walang bakas ng anumang kakaibang pangyayari ang maaaring makagulo sa pagpapahinga o pagtulog ng Li Clan.

Sa apat na sulok ng maliit na silid ay makikita ang isang batang may puting buhok at may maamong mukha ang nagmemeditate. Itong batang ito ay walang iba kundi si Li Xiaolong. Nagkakaroon ng mga mumunting mga enerhiyang bumabalot sa katawan nito at paunti-unting nagkakaroon ng rotasyon at sirkulasyon sa enerhiyang parang sumasayaw at masayang pumapasok sa bawat ugat nito ngunit karamihan sa mga enerhiya ay pumapasok sa ilong ni Li Xiaolong direkta sa meridian nito sa bandang tiyan na siyang lokasyon kung saan matatagpuan ang dantian nito.

Sa edad na tatlo ay ginagawa na ito ni Li Xiaolong dahil sa musmos pa lamang ito ay naimpluwensiyahan siyang gawin ito. Nagsimula ito ng minsang pumunta sa pamilihan ang ama niya at isinama siya nito upang mamili't-mamasyal. Sa paglalakad nila ay maraming nakitang kakaibang bagay ang batang si Li Xiaolong habang karga-karga siya ng kanyang ama. Sa edad na ito ay nakakapagsalita na siya maging ang ibang mga bata dahil na rin sa mga Bloodline ng kanilang mga kaangkan.

May binili ang kanyang ama kung kaya't  kailangan siysng ibaba muna ng kanyang ama upang maisilid sa bayong na dala-dala ng kanyang ama na si Li Qide.

Sa oras na iyon ay may lumilipad na kulay puting paro-paro na sobrang nakakaakit kapag tiningnan ng sinuman. Hindi nakaligtas maski ang batang si Li Xiaolong kung kaya't sinimulan nitong abutin at hulihin ang kaakit-akit na kulay puting paro-paro gamit ang mumunting kamay nito sa paniniwalang madadakip nito. Nagsimulang humakbang ang paa ng batang si Li Xiaolong  upang hulihin ang paro-paro hanggang sa pabilis ng pabilis ang hakbang nitong. Hindi namamalayan ng batang si Li Xiaolong na malayo na siya sa lugar kung saan naroroon ang kanyang ama at mas lumalayo pa ang distansya na namamagitan sa kanila subalit patuloy pa rin sa lakad takbo at talon ang batang si Li Xiaolong hindi alintana ang mga siksikang mga taong bumibili sa mga eskenita. Ang atensyon lamang ng bata ang ang lumalayong pigura ng paro-paro na siya namang hinahabol nito. Ilang paliko-likong eskinita ang dinadaanan ng bata hanggang sa bigla na lamang nawala ang pigura ng paro-paro na siyang ikinapagtataka ng mumunting batang si Li Xiaolong na wala musmos pa lamang ang pag-iisip.

"Gusto mo bang makita ang kaakit-akit na paro-parong iyon?" Sambit ng isang tinig na animo'y uugod-ugod na.

Agad na napatigil sa paghahanap ang batang si Li Xiaolong sa pinanggagalingan ng boses at nakita nito ang isang matandang uugod-ugod na habang may hawak na baston.

"Opo! Kaarkit-arkit po ryon!" Sagot ni Li Xiaolong sa di mabigkas ng tama ang sinasabi nito.

"Naniniwala ka bang paro-paro iyon na lumabas sa katawan mo?" Sambit ng matanda habang nakangiti.

Kahit na makikita ang pagkamangha sa mukha ng batang si Li Xiaolong ay biglang naalala niya ang habilin ng kanyang am't-ina. Biglang nawala ang manghang ekspresyon nito sa mukha.

"Sabi ni ama, bawal akong kumausap sa hindi ko kilala pasensya na po lolo." Sambit ng batang Li Xiaolong habang may malungkot na ekspresyon.

"Okay lang iyon iho, dahil sa pinagtagpo ang landas natin ay gagantimpalaan kita ng Martial Absorption Technique. Matagal pa bago mo makita ang kaakit-akit na paro-paro. Hindi lang isa kundi hindi mabilang sa dami. Isang ulit ko lamang gagawin ang Technique na ito, ang lahat ay nakasalalay na sa iyo bata kung magagawa mo ito o hindi." Sambit ng matanda habang matamis na nakangiti sa batang si Li Xiaolong ngunit may halong lungkot na hindi nahahalata ng batang ksnyang kasama.

Hindi na hinayaan ng matanda na makasagot pa ang batang si Li Xiaolong. Agad siyang pumuwesto sa sementadong lugar at agad na isinagawa ang Technique sa pamamagitan ng pagmeditate. Pumikit ang dalawang mata ng uugod-ugod na matanda at nagsagawa ng mga pagkilos o pagkumpas ng mga kamay upang isagawa ang nasabing Technique. Unti-unting nagkaroon ng mga enerhiyang bumabalot sa katawan ng matandang lalaki at mabilisang hinihigod ang enerhiya patungo sa katawan nito. Maya-maya pa ay nagkakaroon ng hugis ang mga enerhiyang nakakalat kani-kanina lamang.

"Palo-palo, mga palo-palo." Sambit ni Li Xiaolong habang hindi nito mabigkas ng tama ang salitang "paro-paro."

Mula sa pag-upo hanggang sa pagkilos at pagkumpas ng kamay ay tinandaang maigi nito at itinanim sa puso't-isipan ng batang si Li Xiaolong takot na mawalang saysay ang kanyang ginawang pagtingin sa nasabing Absorption Technique.

Ilang sandali pa ang lumipas ay biglang nakarinig ng pamilyar na boses si Li Xiaolong sa kanyang likuran. Nang tingnan niya ito ay bumungad sa kanya ang pigura ng kanyang ama habang may dala-dala itong mga supot at ang lalagyan ng bayong nito.

"Saan-saan ka sumusuot anak, diba kabilin-bilinan kong huwag kang lumayo dahil siguradong pagagalitan ako ng iyong ina. Pinag-aalala mo kami." Sambit ni Li Qide na siyang ama ni Li Xiaolong.

"Dito lang po ako ama, sa katunayan ay kasama ko po siya." Sambit ng batang si Li Xiaolong habang may tinuturo ito sa kanyang harapan.

"Sino anak?!" Sambit ni Li Qide sa kanyang anak.

"Siya pooo???!" Pagtuturo ni Li Xiaolong ngunit ng hinarap nito ang nasa kanyang harapan ay isang malaking pader na lamang ito ni walang anumang bagay na naririto.

"O diyos ko, anak baka pinaglalaruan ka ng demonyo o ng masamang espiritu ng lugar na ito, Umalis na tayo sa lugar na ito maaaring may gustong kumuha sa iyo." Sambit ng kanyang ama na pahisterikal. Alam niyang maraming kwento-kwento tungkol sa lokasyong ito kung saan ay sakop ng pamilihan. Mayroong misteryong bumabalot sa malaking pamilihan na ito lalo pa't walang ideya ang karamihan sa totoong nakaraan ng lugar na ito.

Mabilis na nilisan ng mag-ama ang lugar na ito upangbumalik sa kanilang bahay. Walang plano si Li Qide na isalaysay ito sa kanyang asawang si Li Wenren lalo pa't sandamakmak naman na sermon at leksyon ang maririnig nito.

Dahil sa pangyayaring ito ay ito ang dahilan kung bakit nagkaroon ng Absorption Technique si Li Xiaolong hanggang sa kasalukuyan ngunit isa rin ito sa dahilan kung bakit mas lumakas ang kanyang pisikal na lakas. Subalit sa kabila nito ay gusto niyang makita ang kaakit-akit na mga paro-paro na siyang noo'y nasaksihan niya sa matandang hindi niya kaano-ano.

Minsan ay naiisip niysng niloloko lamang siya ng matandang lalaking iyon dahil sa dalawang mag-aapat na taon na ay ni walang maski isang paro-paro ang lumabas sa katawan niya o kung kayang magkaroon ng hugis paro-paro ang mga enerhiyang bumabalot sa katawan niya.

"Malaking Kalokohan!" Sambit ni Li Xiaolong sa kanyang isip ng binalikan niya sa kanyang alaala ang matanda, ang Absorption Technique at ang mahigit tatlong taong ginugol niya sa Absorption Technique daw.

"Hindi maaari, maraming taon na ang ginugol ko upang makarating sa estadong ito, ngayon pa ba ako susuko. Ang sumusuko ay talo!" Sambit ng kabilang parte ng kanyang isipan.

Gulong-gulo ang isip niya ukol sa maaari niyang gawin ngunit mas pinili niya ang pangalawang naiisip niya. Hindi siya susuko dahil wala naman siyang mapapala kung titigil at susuko siya. Ayaw naman niyang may pagsisihan siya sa huli. Naisip ni Li Xiaolong ang mabubuting dulot ng Absorption Technique na ito lalo na sa gawain niyang pagsisibak ng mga kahoy gamit ang palakol, ang pagiging malakas niya, talas ng memorya lalo na sa kanyang pambihirang lakas sa kasalukuyan.

Patuloy pa rin siya sa nagmemeditate kahit na muntik ng itigil ni Li Xiaolong ang kanyang ginagawa dahil sa magulong isipan nito. Mabuti na lamang at hindi nagambala ang kanyang sinagawang meditation.

Hindi namamalayan ni Li Xiaolong na malapit ng magbukang-liwayway nang unti-unting nararamdaman nito ang kakaibang pangyayari sa kanyang katawan partikular na rito ang unti-unting pamumuo ng porma o pigura ang mga nakakalat na enerhiya.

Halos namangha si Li Xiaolong ng makita ang pagbabago sa mga enerhiya na ngayon ay animoy mga paro-parong masyang pumapasok sa katawan niya. Napakasarap sa pakiramdam habang dumadaloy ang maraming porsyento ng enerhiya sa kanyang buong katawan lalong-lalo na sa kanyang dantian.

"Sa wakas ay nakita ko ang bunga ng aking matiyagang pagmemeditate na isang uri ng pagcucultivate. Sa oras na lumakas ako ay mayroon ng magandang kapalaran para kina ama, ina at sa aking kapatid. Lolo kung sino at saan ka man ngayon, Maraming salamat sa biyayang ibinahagi mo sa akin!" Puno ng Sinseridad at pasasalamat ang kanyang gustong sabihin sa matandang nagbahagi ng nasabing Technique sa kagaya niya na hindi naman nito kaano-ano.

Maya-maya pa ay tinigil na ni Li Xiaolong ang kanyang ginawang pagmemeditate. Sinabi sa kanya ng ama niya na isa ang pagmemeditate sa mabilisang pagcucultivate. Pero wala siyang kaide-ideya sa sinasabi sa kaniya ng kaniyang ama tungkol sa pagcucultivate o Cultivation, isinawalang-bahala niya na lamang ito dahil alam niyang malalaman niya rin ito balang araw.

Download MangaToon APP on App Store and Google Play

novel PDF download
NovelToon
Step Into A Different WORLD!
Download MangaToon APP on App Store and Google Play