Taong 1916 may isang kaharian ang nag ngangalang VIRGANIA ang bayan na nalipol at naging alipin ng 20 taon sa mga kamay ng LIBANIA ang ikalawa nuon sa magigiting at mayamang kaharian. Sa pagkakaalipin sa kahariang ito naranasan nila ang di makatarungang pag paslang at pamumuno ng Rahang si Calib.
Taong 1926, nagkaroon ng isang malawakang pag aaklas ang mga alipin ng VIRGANIA kung saan ang pag bubuklod ay pinamunuan ng isang matipunong ginoo na si RAHA MAGKI subalit sa kasamaang palad ay natalo at naubos ang kawal na binuo ng magiting na RAHA at sa di inaasahan siya ay nahuli at hinatulan ng KAMATAYAN sa huli muli na namang naging alipin ang mamamayan ng VIRGANIA ngunit sa pag kakataong ito ay hinatulan ang lahat na maging pinaka mababang alipin ng mga alipin....
Taong 1936 may isang makisig na lalaki ang nag ngangalang AHARA isang romano na nagmula sa sagradong angkan apo sa tuhod ng dating namayapang hari na si Lakib ilang taon na ang nakalipas bago sakupin ang bayan ng VIRGANIA. Ayon din sa parehong taon muling bumuo ng lihim na samahan ang mamamayan ng VIRGANIA kung saan ang samahan ay tinawag na SANDUGO, ito ay isang samahan na pang malawakang pag aaklas.
Dumanak ang napakaraming dugo at marami ang nalagas sa tauhan ni prinsipe AHARA subalit marami rin ang bilang ng namatay sa kawal ng LIBANIA. Gayunpaman araw o gabi ay patuloy parin ang hidwaan ng mag kabilang panig at kahit tila mauubusan na ng lakas ang prinsipe ay hindi parin siya nag patinag sa labanan at sa huli ay tuluyan natalo ng samahan ng prinsipe ang kawal ng LIBANIA dahil sa mga patibong na ginawa nila na naging dahilan ng pag kamatay ng kanilang Raha na ikinasuko din ng bayan ng LIBANIA.
Ayon sa parehong taon ay nakalaya sa pag kakaalipin ang mamamayan ng VIRGANIA kaakibat nitoy na ibalik ang kanilang kaharian at tuluyang nabawi ang karangalan at karapatan ng kanilang bayan kasabay ng pagpapalakas ng kanilang kaharian ay naibalik din ang lupain ng mga mamamayang naangkin ng LIBANIA.
Nang makabalik ang mamamayan ng bayang VIRGANIA ay nagkaroon sila ng malaking pigging upang ipag diwang ang kanilang tagumpay kaakibat din nito ay hinirang ng buong bayan ang prinsipe upang kanilang maging HARI na kung saan ay mamumuno sa kanilang bayan, at simula nga ng kanyang pag takda bilang HARI ay nagsimulang umusbong ang kaharian at naging isang pinaka makapangyarihan, mayaman, magiting, at maunlad na bayan. Sa kabila nun ay kinatatakutan din at pinangingilagan ng ibat-ibang kaharian ang kaharian ng VIRGANIA dahil sa ito ang naging pinaka maipluwensang kaharian sa buong Kalupaanan.....
Taong 1941, ay ang ika-dalawampung taong pamumuno ni haring AHARA sa bayan ng VIRGANIA at ito rin ang taon na muling nagkaroon ng digmaan sa pagitan ng kaharian ng VIRGANIA at LIBANIA. Isang paghihiganti sa pagkamatay ng dating Raha na si CALIB kung saan ay pinamunuan ng kanyang apo na si GAUD isang prinsipe na nagmula sa tapat na angkan, anak ni prinsessa WAYA ang prinsessang pinatawan ng parusa dahil sa pagtatanan sa dating General ng palasyo. Subalit ibinalik sa sagradong angkan ng Rahang si Calib bago mamatay upang ipag higanti ang buong kaharian, kaya naman upang isakatuparan ang kautusan ng hari ay nagsimula muli ng digmaan ang bagong itinakdang Raha na si GAUD bilang tanda ng pag sunod sa huling kautusan ng Raha at palasyo. Subalit muling naitaas ng bayang VIRGANIA ang kanilang tagumpay, at sa kabilang banda ay umuwi namang sugatan at talunan ang mga kawal ng LIBANIA.
Sa parehong taon din ng digmaan ay pinarangalan ni haring AHARA ang kanyang mga kawal, binigyan ng mga pabuyang trigo at bigas, pati na tig iisang hektarya ng lupa upang makapag simula sa kanilang pamilya. Ganun din ang kanyang ginawa sa mga kawal na binawian ng buhay sa labanan kaakibat nitoy nagkaroon ng isang piging upang parangalan ang lahat ng sundalong sumulong sa digmaan at isa na rito ang tatlong mandirigma ng palasyo na sina SHATTU, isang sagradong angkan apo ni haring AHARA, mahusay na mandirigma at pantas ng palasyo. DAMINA , isang sagradong angkan apo sa tuhod ng haring AHARA, pamangkin sa pinsan ni prinsipe shattu, pinuno sa ikatlong pangkat ng sandatahan ng palasyo, at mahusay na mananayaw at musikera. GANIA isang pinuno ng ikalawang pangkat ng sandatahan, at taga-pag-ingat yaman ng palasyo ang pinaka magiting at matalinong babae ng buong bayan kung saan ay walang kinabibilangang angkan subalit dahil sa kahusayan ay hinirang siya ng hari bilang kauna-unahang Lady ROYAL ng palasyo.
Ang tatlong mandirigmang ito ang naging malakas at matibay na pundasyon ng buong bayan at kaharian, mag kakaiba man ang kahusayan ay pinag buklod ang kanilang kakayahan upang gapiin ang kalaban at mapanatili ang kapayapaan ng kanilang bayan. Magkasama nilang hinarap ang ibat ibang uri ng labanan kasabay ng pagpoprotekta nila sa kanilang mamamayan , bayan, kaharian at sa isa't-isa. Gayunpaman, ang pag-usbong ng kani-kanilang mga unang pag-ibig ang sya ring mismong naging dahilan ng pagka-buwag ng kanilang samahan at ito ang naging simula ng kanilang matinding hidwaan.......
Nuong gabing nagkaroon ng piging ang palasyo ay nag patawag naman ng mang gagamot ang taga pag bantay ng hari at sa silid kung saan nag papahinga ay isiniwalat ng mang gagamot ang malubhang sakit ng kaniyang kamahalan kung kaya't ipinatawag ng hari sa kanyang tagapag bantay ang mahal na reyna at ang punong taga pagpayo ng palasyo.
"Anu ang lagay ng mahal na hari" (ang nag aalalang bungad ng reyna at tagapag-payo sa manggagamot.) " Mahal na reyna ikinalulungkot ko pong sabihing malubha na po ang karamdaman ng kamahalan, napansin ko na hindi pang karaniwan ang tibok ng kanyang pulso kasabay nitoy natutuyo ang kanyang mga labi at nahihirapan syang huminga, isa po itong sintomas na mayroon siyang sakit sa puso kaya naman napaka delikado para sakanya ang pag-aalala at pag-iisip ng sobra, kung kayat kailangan nya ng mas maiging pahinga." (Sunod-sunod naman na paliwanag ng manggagamot.)
"Makakaalis kana at kung maaari nais ng palasyo na ilihim mo ang pag susuri sa kamahalan upang masigurado ang kanyang kaligtasan, maliwanag ba???"(pautos na tugon ng tagapag-payo ng hari)
Kaya naman tuluyan ngang umalis ng tahimik ang manggagamot sa silid ng mahal na hari.
" Mahal na reyna,kung maaariy wala sanang makaalam ng karamdaman ng kamahalan hanggat hindi pa naipapasa ang kanyang trono. Sa ngayon kailangan ng kaunting pag iingat." (Pag-papaalala naman ng tagapag-payo ng hari).
"Aking taga payong akil, nais kung sunduin mo ang aking kapatid na si pitan, nag sasagawa sya ng pag aalay sa bundok ng kuhom, pamadaliin mo sya at sabihing pumarito."(utos naman ng mahal na hari sa kanyang tagapag-payo). "Masusunod kamahalan"(tipid na sagot ng tagapag -payo sabay ng pag yuko bilang tanda ng pag galang at kasabay nitoy tuluyan na nga siyang lumisan upang tupdin ang kahilingan ng mahal na hari.)
"Mahal na reyna, nais kung mag sagawa ng pag pupulong sa unang bulwagan upang maipabatid ang bagong itatakdang hari na papalit sa aking trono, at kaakibat nitoy isang matinding hidwaan, "(nag aalalang sagot ng Mahal na hari).
" Wag Kang mabahala Mahal ko, Ang nais koy mag pahinga ka kamahalan upang manumbalik ang iyong lakas."(sagot naman ng Reyna na bakas din Ang pag-aalala) Ang gabi Ng pagdiriwang ay napuno ng pag-aalala at pangamba para sa angkan ng Hari.
Ikalawang buwan ng taong 1941, ay nag padala ng mensahe sa ibat-ibang lugar ang Mahal na hari,ang mensaheng naglalaman ng isang sagradong paanyaya, at ayon sa mensahe
ay inaanyayahan ang tapat na angkan, maharlikang angkan at ang sagradong angkan na dumalo sa pag pupulong upang maging saksi sa magaganap na pagtatakda sa Principeng hihirangin bilang taga pagmana ng corona. Ayon sa parehong araw na pagtanggap ng mensahe ay nagkaroon naman ng mga pagpupulong ang panig ng bawat angkan, nangyayari ito upang hindi malihis ang mga kagustuhan nila at maging isa ang kani-kanilang suporta.
Bago mag dapit hapon ay nakabalik na ng palasyo ang mensaherong si mathaman na dala-dala nuon ang mga kasagutan ng bawat angkan na silay dadalo sa magaganap na pagpupulong sa sinabing bulwagan, at nakatala din duon ang listahan ng mga angkang dadalo sa araw ng pagtatakda.
Sa kabilang banda naman ay pinasundo ng tagapayong si akil ang kapatid ng haring si General pitan na sa kasalukuyay nagsasagawa ng pag-aalay sa bundok ng kuhom.
Ang bayan ng VIRGANIA ay nagsasagawa ng pag-aalay sa bundok ng kuhom isang beses bawat buwan ang kanilang itinalang pagsasagawa nito at tumatagal ng isang linggo.Ang pag-aalay sa bundok ng kuhom ay isinasagawa lamang ng mga sagradong angkan, dahil ito ay isang pag-alaala sa dakilang layunin ng mga angkang nag alay ng kanilang mga buhay.
Si Pitan ay bunsong kapatid ng Mahal na Hari, siya ay itinuturing matapat na kapanalig ng hari at palasyo. Ayon sa kasaysayan ang bayan ng VIRGANIA ay may pinaka malakas na hukbo ng sandatahan at ang pangalang Pitan ay kinatatakutan ng mga mandirigma sa ibat-ibang bayan, kaya naman tinagurian siya ng palasyo bilang PUNONG MAESTRO ng sandatahan sa palasyo.
Ang kinaroroonan ng bundok ay nasa kanlurang bahagi kaya naman mula dito ay matatanaw ang pag lubog ng araw, Masasabing maaliwalas ang bundok na ito dahil dalawampung tao ang maaaring makadalo sa pag-aalay. May matatagpuan ding ilang puntod ng mga bato na nag papatong-patong mula sa malaki hanggang sa maliit upang isimbulo ang bilang ng pag-aalay sa bundok , Ang pagsasagawa ng pag aalay ay mataimtim kaya Ang paligid ay sobrang tahimik na tanging huni lamang ng mga ibon sa Parang ang naririnig, mayroon ding mga hinabing ibat-ibang kulay ng bandera sa paligid na nagsisimbulo sa pagkakakilanlan ng isang kaharian. at ito ay ang puting tela na nasa kaliwang bahagi ng maliit na mesa(simbolo ng KADALISAYAN) Asul na nasa kanang bahagi Ng mesa(simbolo ng KAPAYAPAAN) Dilaw na dekorasyon sa itaas na bahagi(simbolo ng KATAPATAN) at Berde na nasa itaas ding bahagi(simbolo ng KAGITINGAN),at ang pinaka malaking telang may sagisag ng bayang VIRGANIA na nakalagay sa harapan ng maliit na mesang pinaglalagyan ng mga alay.Masasabi ding maaliwalas at may kalinisan ang buong paligid nito dahil sa mga pino at ligaw na damo na matagal ng tumutubo rito kaya naman ang mga nag-aalay ay nag huhubad ng kanilang mga panyapak.
Pag sapit ng takip silim sa bundok ng kuhom ay muling nagsagawa ng huling pag-aalay ang MAESTRO Kung saan pinuno ng katahimikan ang paligid.
Habang nakaluhod ay nakapikit at taimtim na nag aalay ang General, makalipas ang ilang Sandali ay hindi niya namalayang dahan dahan na pala siyang napahimbing habang naka luhod, at sa kanyang pagkahimbing ay isang matalinhagang propesiya ang nag dalaw sa kanyang panaginip kaya naman agad niyang naimulat ang kanyang mga mata at bahagyang tumayo, samantalay tama ring dumating ang mensaherong ipinadala ng tagapayo ng Mahal na Hari)
"Mahal na General"(sambit nito kasabay ng pag yuko bilang tanda ng paggalang).
"Ipagpaumanhin nyo, subalit ipinag uutos ng Hari na kayoy bumalik na sa palasyo"
"Pinag uutos ng Mahal na Hari?(nag tatakang tanong ng General sa mensahero)
"Hindi ko po tiyak ang kanyang layunin subalit ninanais ng kamahalan ang iyong agarang pag babalik"(puno naman ng mensahero). Kaya naman agad na itinuloy ang kanyang bahagyang pagtayo at dali-daling nilisan ang bundok ng kuhom upang tupdin Ang kahilingan Ng kanyang kamahalan.
Download MangaToon APP on App Store and Google Play