NovelToon NovelToon

The Day And Time

The day and time

CHAPTER 1 2/3

Max:Tapos kana?

Josh:Teka lang....Tara

Pumasok na sa loob ang tatlong magkakaibigan para matapos na sila sa pag-enroll,pagpasok nila sa loob nagulat sila sa nakita nila dahil nakita nilang tatlo na ang dami palang tao,wala silang magawa kundi ang pumila,dahil sa taas ng pila hindi magawang mainip si Josh at gutom na gutom na silang tatlo,sinabihan ni Max si Josh na kumain muna sila ngunit hindi pumayag si Josh na baka bumalik sila sa huling pila,naisip ni Andrie na bibili na lang siya ng pagkain para sa kanilang tatlo at kakain nalang sila habang pumila ngunit hindi pa rin pumayag si Josh baka kung ano-ano ang sasabihin ng mga tao sa kaniya,nakasimangot ang mukha ni Andrie dahil tinanggihan ni Josh ang paraan ni Andrie at nag isip ng ibang paraan si Josh para makauna sa pila,naisip niya na gamitin ang kaniyang kagwapohan at nagwagi naman ito.

Max:Damn! Bro ang dami palang tao.

Josh:Pano to eh ang taas ng pila.

Andrie:Ano pa bang magagawa natin kundi ang pumila.

Josh:malapit na mag alas 11 eh hindi ba kayo nagugutom?

Andrie:Josh wala na tayung magagawa,tara na baka tumaas

pa yung pila.

Josh:Kung bibi......

Max:Ayshh tara na baka may dumating pa.

Josh:Tss di bahala kayo.

Andrie:Ano?ayaw mo atang magpa-enroll.

Josh O sige tara tara

MAKALIPAS ANG 20 MINUTO

Max:Guys gutom na ako.

Josh:Ako nga rin eh tignan nyu,buti pa sila kumakain na.

Josh:O akala ko ba kaya nyu yung gutom,sabi ko kasi sa inyu

na bibili muna tayo ng pagkain eh.

Max:Eh pano kasi ang taas-taas ng pila at isa pa baka

makabalik pa tayo bukas kung hindi tayo pipila ngayon

ikaw Andrie gusto mo bang bumalik bukas?

Andrie:NO!ayoko nang bumalik bukas kailangan kong

makapag-enroll ngayon,ang init-init kaya ng panahon

ngayon.

Max:Ikaw Josh gusto mo bang bumalik bukas?

Josh:Hindi na rin kailangan ko na ring makapag-enroll

ngayon makikipag kita kasi si Leyanne sakin bukas.

Andrie:Leyanne?yung ex mong pinagpalit ka sa tibo?

Josh:Sino paba.

MAX at ANDRIE:PINAGPALIT SA TIBO AHAHAHAHAHAH

Josh:(masamang tumingin sa kanila)

Max:Ohhhhh,Andrie tumigil kana baka lalabas na naman si

satanas.

Andrie:OHH ok.

Josh:hmmm

Andrie:Uhmm may naisip ako,ganito,bibili nalang ako ng

pagkain para sa'ting tatlo at dito nalang tayo kakain

habang pumipila.Ano?

Max:Oo nga Josh.

Josh:Mag-isip ka nga,ano nalang sasabihin ng mga tao

sakin,ano ipapahiya nyu ko ganun?

Max:Bro wala na tayong ibang paraan gutom na gutom na

kami oh.

Josh:Mag-isip nalang tayo ng ibang paraan.

Andrie:HAY NAKO bahala ka nga jan(nakasimangot)

Max:Pstt drie

Andrie:ANO!

Max:Ito naman ang sungit.

Andrie:Eh pano naman kasi nagugutom na ako tapos

tinanggihan pa yung paraan ko kakainis.

Max:SUS tama na yan 'di lang naman ikaw yung nagugutom

pati rin kami,ano kaya yung iniisip ni josh?

Andrie:Eh ano pa edi yung ibang paraan na sinasabi niya......

The Day and Time

Chapter 1 last

Nag-iisip ng paraan si Josh para makauna sa pila hanggang sa naisip niya na gamitin ang kanyang kagwapohan at tutol naman yung dalawa baka mapahiya siya ngunit hindi nila napigilan si Josh at ipinagpatuloy ang kanyang plano at nag wagi naman ito.

"may naisip ako"sabi ni Josh sa kanyang kaibigan.

"Ano?Siguradohin mong effective yan ha."wika ni Max.

"kung gagamitin ko kaya yung mukha ko."sinabi ni Josh ng walang pag alinlangan.

"Ano?Gagamitin mo mukha mo pano?"sabi ni Andrie na may halong inis.

"I mean gagamitin ko yung pagkagwapo ko eh sayang naman kung hindi gagamitin."wika ni Josh habang hinahawakan ang kanyang baba.

"Josh baka maligwak ka sa plano mo at mapahiya kapa wag nalang yan"nag-alalang sabi ni Max.

"Ahh basta ako bahala."Pumunta si Josh sa harapan at kinausap ang babae.

"JOSH wag nakooo.."pilit na pigilin si Josh ngunit hindit niya napigilan.

"uhmm Hi miss."nagpapacute habang kinausap ang babae.

"Yes,what can I do for you?"pabebeng sabi ng babae.

"Ako pala si Josh,Ano pangalan mo?"Tanong nito sa babae.

"alam ko naman na Josh ang pangalan mo famous ka dito right?"sabi ng babae

"hindi naman ako ganoon ka famous hehehe."pagsisinungaling nito sa babae.

"ahh okay,Ako nga pala si Mina."wika nito

"Mina.... hmm nice name parang ikaw."kinindatan nito ang babae.

"sabi nga nila hehehe salamat , nga pala ano pala yung favor mo?tanong nito kay Josh.

"HA?paano nalaman na hihingi ako ng pabor sayo?"mahinang sabi ni Josh sa babae.

"Hay nako ang obvious kaya anu ba yung favor mo sakin?"sabi ng babae.

"uhmm pwede bang makisiksik kami ng kabigan ko di pa kasi kami kumakain tapos nagugutom na yung dalawa kong kaibigan pwede ba?"nagmamakaawang pakiusap ni Josh sa babae.

"saan ba kaibigan mo?"tanong babae.

"andun sila sa huli"sabi ni Josh.

"Ok sige pasiksikin ko kayo"ngiting sabi ng babae.

"Wehh talaga."sinigurado ni Josh na totoo yung sinabi ng babae.

"OO nga sige na baka magbago pa isip ko."pagbabantang sabi ng babae.

"Sige,sige maraming salamat ah,Pstt halina kayo dali."plastic na pagkasabi ni Josh at tinawag ang kanyang dalawang kaibigan.

"Bakit?"takang sabi ni Max.

"Pila na baka magbago pa isip ni miss Mina(tumingin sa babae)Sabi ko sa inyo eh."mahinang sabi ni Josh sa kaibigan niya.

Nagtagumpay si Josh sa kanyang plano at natapos na sila sa pag enroll kaya naman ay hinding hindi sila nag dadalawang isip na maglakad patungong canteen.

"Hay salamat natapos din"masayang sabi ni Max.

"Nang dahil sa 'kin ang gwapo ko talaga."Pagmamayabang ni Josh.

"Tara na nagugutom na ako eh daldal nyu."nagmamadaling naglakad at hinablot ni Andrie ang kamay ni Andrie at Josh.

"OO na ito na nga eh"wika ni Max.

Habang nag lalakad ang tatlong magkakaibigan pinag-uusapan nina Max at Andrie si Kyle habang si Josh naman ay abalang-abala sa pag-iisip kung anung bibilhin.

"Max"tawag ni Andrie kay Max.

"uy drie bakit?"tanong nito kay Andrie.

"Ano nga pala yung pangalan ng cute na lalaki kanina,yung crush mong nakabangga kay Josh?"tanong ni Andrie kay Max.

"Si Kyle ba?sagot ni Max sa tanong ni Andrie.

"Oo siya sa tingin mo ano kaya yung niyang course?"mausisang tanong ni Andrie.

"sa pangangatawan niya.......siguro Engineer."may kumpiyansang sagot ni Max.

"Sa'kin parang mahilig siyang mag luto."hindi siguradong sabi ni Andrie.

"HA?Pano mo nalaman?"gulat na tanong ni Max.

"Ewan ko sa tingin nga lang diba at saka yung pisngi niya kasi parang siopao."wika ni Andrie.

"HAHAHAHA nang dahil lang sa pisngi niyang siopao nasabi mong mahilig siyang mag luto are you totally insane?"pagbibiro ni Max sa kaibigan.

"Eh malay natin,ganito nalang magpustahan tayo kung sino man yung mali sa'tin siya yung maglilibre ng tanghalian ano game ka?"pag-aalok nito kay Max.

"Sure siguradong ako yung mananalo ihanda mo na pera mo."may kumpiyansang pagmamayabang ni Max sa kaibigan.

"Tignan lang natin."pagmamayabang na sagot ni Andrie.

"Imbis na mag-isip kung anong kakainin,inaatupag pa yung pagpupusta."ma-attitude na pagkasabi ni Josh at nagpatuloy sa paglalakad.

"Problema nun?"gulat at mausisang tanong ni Max sa kaibigang si Andrie.

"Ewan ko dun tara na."sagot nito kay Max.

Download NovelToon APP on App Store and Google Play

novel PDF download
NovelToon
Step Into A Different WORLD!
Download NovelToon APP on App Store and Google Play