NovelToon NovelToon

YOUR LAST MESSAGE (Completed)

START

..." YOUR LAST MESSAGE "...

...CHAPTER 1...

Hello! I'm Kiel pangit at wala ring kwenta haha.sorry ito lang Ako.

I have stage 4 Cancer,

pero di alam ng girlfriend ko.

Tama sa pangit kong ito may gf Ako.

Alam ng mga magulang ko na may ganito akong sakit matagal na,

Namana ko sa kamag-anak namin,

Dati di ako naniniwala sa mana-manang sakit na yan

But now? it's true totoo pala yun.

Sa dinami dami pa ng pwedeng ipamana sakin?itong sakit pa talaga.

Eh pwede namang kagwapuhan nalang o kaya hacienda joke haha

So yun nanga I have a beautiful girlfriend..

Girlfriend na sobrang mahal na mahal ko higit pa sa buhay ko,but kahit girlfriend ko siya iba naman Ang mahal niya,

Pano ko nalaman?

I saw her kissing with her Ex Rence, ilang beses na pero nagbubulag bulagan lang Ako,

Sabihin na nating she's cheating on me pero wala akong pake basta nakakasama kopa siya okay na yun.

I feel may gusto siyang sabihin saakin but she can't say it to me.

"Ki-i mean babe I have something to tell you".she said while looking at my eyes

"Ano yun babe?".I asked her with smile kaya iniwas niya ang tingin

"A-ahm nothing nakalimutan ko haha".kamot batok niyang Saad

"Okay?btw malapit na ang 18 birthday mo Anong gusto mong gift ko sayo?". tanong ko sakanya habang nakaupo kami sa lilim ng punong akasya

Mahangin.

Ang sarap sa pakiramdam

Sa heaven kaya?

masaya rin ba Doon?

"Ikaw bahala basta galing sayo".pilit ngiti niyang sabi

"Ah Sige,may tanong Ako babe".baling ko sakanya

"Ano naman yun?".

"What if kukunin na Ako ni Lord bukas ano last message mo sakin?".I asked her with smile

"Anong bang tanong yan?sa dami dami ng pwedeng itanong yan talaga?".kunot noo niyang tanong

"Wala nakakita lang kase ako ng ganong post sa Facebook..so Dali na babe ano nga last message mo sakin kapag kinuha na Ako ni Lord?".pangungulit ko

I really wanted to know your last message for me Bea.

"Aish! I love you Kiel okay naba?huh?atsaka dika kukunin nun ni Lord sobrang bait mo kaya".she said

"I love you too babe" yan Ang gusto kong I reply sa sagot niya kaso naalala ko si Rence pala talaga mahal niya,

Sana nga dipa Ako kunin eh

Pero sabi kase ni Lord madali na daw niya akong kunin babe eh

"Eh pano kung Ako mismo ang gustong sumama kay Lord?". tanong ko

"Ano ba babe tigilan mo nanga yang mga tanong mo na yan!nakakakaba ka naman babe".seryosong sabi niya

Sana ganiyan ka nalang palagi,

Sana kapag mawala na Ako maranasan ko ding hanap-hanapin mo.

...*****...

...SMILE...

It's now Sunday

At sa lumipas na araw kada papasok Ako sa University lagi niya akong inaabangan sa gate tapos yayakapin sabay sabing "I miss you".

Diko alam kung anong nangyayari sakanya?

Basta masaya Ako, Minsan nga kapag sinasabi kong pinagtitinginan kami sasabihin na man niya

"just don't mind them babe..ingit lang Ang mga yan"

Kaya napapatawa nalang ako,

Pero habang tumatagal at lumilipas ang Araw na masaya kaming magkasama, Yun naman yung Araw na nagsisimula ng manghina Ang katawan ko.

Siguro madali na.

Madali na akong mawala.

Pero sana Lord give me another time para makasama pa si Bea.

Eto na eh masaya na kami,pero wala akong magagawa.

Hindi na rin ako magugulat kung One Day maglaho nalang ako ng parang Bula.

...*****...

...MONDAY...

Pinabigay ko kay Ate ang Excuse letter ko na Hindi ako papasok,

Linagay ko doon na mayroon lang kaming importanteng pupuntahan,

Kailangan naming pumunta sa hospital.

...***...

"Iho dediretsohin na kita malala na ang sakit mo,Sigurado kana ba talaga sa desisyon mo?".alalang aniya ng doctor ko

"Opo doc..diko na kaya pa eh, okay na Ako sa ganito doc". ngiti ko

"Sige pero baka hanggang apat na araw nalang Ang itatagal mo..pano Mauna na ako". malungkot na sabi ni doc at umalis

"Anak?anak gusto kapa naming makasama". naiiyak na sabi ni Mom

"Mom gusto ko din kayong makasama pa pero ang katawan ko gusto ng mamahinga malapit na, atsaka andyan pa naman sina ate makakasama mo". ngiti ko

"Kahit na! nahihirapan kana nga tapos ngumingiti kapa!".aniya ni Mom

Kahit nga Ako diko alam kung bakit ganito Ako?

Nasasaktan na pero nagagawa pang ngumiti.

Siguro gaya nga ng sabi nila "Smile can hide the Pain"

Ganon ako gusto kong ipakita Ang ngiti ko para matakpan Ang sakit na nararamdaman ko...

VERY LAST TIME

..." YOUR LAST MESSAGE "...

...CHAPTER 2...

...*****...

...TUESDAY, WEDNESDAY & THURSDAY...

3 days passed at sobrang hinang-hina na Ako ngayon, pero pinipilit kong ipakitang malakas pa ako,

It's now Friday at bukas na Ang 18 birthday or should I say debut ni Bea.

Nakabili na ako ng regalo este nakapabili na ako ng regalo sa pinsan ko sa L.A. ng VIP Ticket na may kasamang dalawang Light Stick para sa concert ng K-pop Idol niyang BTS,

Gusto niya daw kasing Makita si Jungkook haha.

Dalawa ang pinabili ko kase kung makakasama pa ako edi thank you.

Pero kung hindi na edi si Rence nalang Ang isama niya sabay sigaw ng pangalan ng members ng BTS at wagay-way ng nag iilaw na Light Stick.

I want her to be happy.

I want to spend my time with her pero gusto na talaga akong kunin ni Lord eh haha.

...*****...

Gabi na ngayon at gusto ko ng magpahinga, and I feel na ngayon na Ako mawawala,

So I want to see Bea for the last time,

I want to be with her for the last time,

And I want to hug her and tell to her how much I love her for the very last time

"Hi babe, Good Evening".I chatted her

"Hello babe. Good Evening too".she replied

"Kumain kana ba?".I ask

"Opo tapos napo..ikaw?". tanong nya

"Tapos na din..babe busy kaba?".

"Nope why babe?"

"Ahm gusto mo puntahan kita dyan sainyo?".

"Luh? seryoso?"

"Oo ano puntahan kita dyan?".

"Sige nga"

"Teka lang babe".chat ko at nag offline muna

Lumabas ako ng naka hoodie at bumaba.

"Saan ka pupunta anak?". Mom asked

"Ah Mom, Dad pupuntahan ko lang po si Bea sa bahay nila".kamot batok kong paalam

"Pero anak-Hon let him".di natapos ni Mom ang sasabihin niya ng sumabat si Dad

"Sige, Basta mag iingat ka huh?".

"Opo Mom..Dad pwede ko ho bang hiramin yung susi ng kotse?".

"Oo naman Teka lang kukunin ko muna".Sabi ni dad at umalis

...*****...

...BE WITH HER...

Nagdra-drive na Ako papunta sa bahay nina Bea

After few minutes I arrived.

Lumabas ako at inayos ang hoodie ko.

Linabas ko Ang cellphone ko sa bulsa at chinat siya.

"Babe! labas kana".I chatted her

"Wait saan ka?". tanong niya

"Nandito sa labas ng gate niyo".I chatted

"Luh? seryoso?wait lang lalabas Ako".she replied

Bumukas ang gate nila at bumungad Doon ang napakaganda niyang Mukha.

Tumakbo siya patungo sa gawi ko at yinakap Ako ng mahigpit.

"I thought nagbibiro kalang".she said

"Seryoso Ako..atsaka parang hindi halata na excited ka eh noh".natatawa kong aniya

"Bakit naman?".kalas niya sa yakap

"Tingnan mo yang tsinelas mo hindi magkapareho oh".turo ko sa tsinelas niya

"Hala!madilim kase sa kwarto kaya ganiyan Mali tuloy yung nasuot ko".puot niya

"Weh?eh kita ditong maliwanag sa kwarto mo eh".sabay turo sa veranda ng kwarto niya

Tanaw kasi Ang kwarto niya dito sa baba.

"Eh hayaan mo na!pasalamat kanga at lumabas pa ako".pag cross niya ng braso niya sabay irap sakin

"Edi salamat".ani ko

"Ewan ko sayo!bahala ka nga dyan!".kunwaring walk out niya

"Oh tapos? bakit nandito kapa?".ngisi ko

Humarap siya sakin at linagay Ang dalawang kamay niya sa bewang

"Bakit dimo man lang Ako pinipigilan!".galit niyang nakapamewang sa harap ko

"Bakit naman kita pipigilan?".pilosopo kong sabi

"Aish!ikaw!".duro niya sakin

"Biro lang halika nga dito Bea ko". lambing ko sabay hawak sa kamay niya

"Ikaw kase!nang-aasar ka!".inis niyang sabi

"Opo sorry nanga po".yakap ko sakanya patalikod

"Eh ano bang ginagawa mo dito?".

"Bakit bawal ko bang puntahan Ang gf ko?". kunwaring tampo ko

"Hindi naman".

"Hindi naman pala eh".

"Oo nga pala samahan mo Ako". ngiti ko

"Bakit saan tayo pupunta?magtatanan naba Tayo?".gulat na harap niya sakin

Pinitik ko naman siya sa noo

"Ouchh babe!".nguso niya

"Anong nasa isip mo kase?,pero kung gusto mong itanan na kita sige ba Tara na". ngisi ko

"Sira!haha".palo niya sa braso ko

"So ano sasama ka sakin?".

"Sige Tara".

Umayos ako ng tayo at pinagbuksan siya ng pinto,

Pumasok siya sa loob kaya sinara kona.

Dali-dali akong tumungo sa driver sit at sumakay.

I start the engine and drive the car patungong park.

...***...

Hanggang sa makarating na kami,

Hininto ko Ang kotse at bumaba

CONTINUATION.....

THE KISS

...CHAPTER 3...

...THE KISS...

Nagsimula na kaming maglakad patungo sa playground,

Maybe it's look childish but I don't care kase ngayon lang toh wala ng susunod.

Umupo kaming dalawa sa swing,

Dahil gabi na wala ng taong nasa labas.

At tanging poste ng ilaw ,ang maliwanag na bilog na buwan at Ang mga bituin na nagnining-ning ang nagsisilbing liwanag dito.

"Bakit dito mo ako dinala?". tanong ni Bea

"Diko alam?".

"Eh?dimo alam kung bakit dito mo ako dinala?".

"Oo?aish basta gusto ko dito tayo pumunta".

"Ahh okay?.. babe". biglang seryoso niya

"Ano yun babe?".

"Pwede ikaw yung 18 roses ko? please"

'Kung pwede lang kaso dina aabutin eh'sa loob loob ko

"Sige ba para sa prinsesa ko!".masayang turan ko

"Yie hahaha,alam mo excited na ako bukas,tas excited narin akong malaman kung ano gift mo haha".parang batang aniya niya

'siguro kapag nalaman mo ang mangyayari sakin bukas di ka maging masaya sorry diko mapapangako Ang lahat ng sinabi ko'

"Talaga?Ako din dapat I-enjoy mo ang debut mo bukas ha?". ngiti ko

"Oo naman basta dapat pumunta ka ha! dapat nasa tamang Oras!".duro niya sakin

"Opo Mam!".saludo ko na parang Army

Tumawa naman ito pero ilang sandali lang,naging seryoso nanaman ang Mukha niya

"Babe". seryosong tawag niya sakin

"Bakit?".

"Ah wala babe bukas ko nalang sasabihin sayo". ngiti niya

'ano ba talaga Ang gusto mong sabihin sakin? please tell me' saad ko sa isipan

"Sige". tanging aniya ko

Namayani ang katahimikan sa pagitan naming dalawa,

Humarap ako sakanya kaya napatingin din siya saakin

Tiningnan ko ang magandang mata niya papunta sa matangos niyang ilong at pababa sa mapupula niyang labi.

Dahan-dahan kong linapit ang Mukha ko sakanya hanggang sa sobrang lapit na,

Linapit ko ang labi ko sa labi niya at ginalaw ito

Pero lumayo kaagad ako sakanya habang siya tulala

"Hoy!? ikaw!you-you kiss me!".late reaction siya? haha

"Oh ano naman?". inosente kong sabi

"Pakasalan moko!hinalikan moko".sigaw niya

"Eh bakit si Rence hinalikan ka,sinabihan mo rin ba ng ganiyan?".

"Hindi!pe-pero Basta!kapag sinabi kong pakasalan moko pakasalan moko!".inis niyang sabi

Kasal agad?pero kung dipa ako kukunin ni Lord why not diba?

"Sige pakakasalan kita sa langit". ngiti ko na kina laki ng mata niya?

"Anong! bastos ka!".palo niya sa braso ko

"Anong bastos dun?ano nanaman ba ang nasa isip mo?".ngiwi kong tanong habang sinasalag ang palo niya

"Ay iba ba ang ibig mong sabihin?".gulat na sabi niya

"Hahaha si babe dirty minded haha".

"Sira! Hindi noh! Malay ko bang iba ang ibig mong sabihin!".nguso niya

Nag-asaran lang kami ng nag-asaran hanggang mauwi sa pag tatanan este uwian HAHA

𝐂𝐎𝐍𝐓𝐈𝐍𝐔𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍..

...*****...

...DEBUT/BEA'S 18 BIRTHDAY...

...*****...

...BEA POV...

...KINABUKASAN...

...AFTERNOON...

Hindi man lang sinasagot ni Kiel yung tawag at chat ko,

Pero baka nagreready lang para mamaya aish

...EVENING...

Kanina pa ako hindi mapakali kasi simula pa kaninang Umaga hanggang ngayon ni isang reply sa chat ko wala hyst.

Kiel saan kana ba?

Ni isang greet wala?

"Wala ba dumating si Kiel?". tanong ko sa kaklase namin

"Wala eh". sagot nila

Nasaan kana ba?

"Sige excuse me tatawagan ko lang siya".

Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan siya,

"Please babe answer the phone".

Nang sumagot ang cellphone niya nagsalita na kaagad Ako

"Babe!saan kana ba? I'm worried may problema kaba?tell me? gusto mo puntahan kita?I love you please answer me?". sunod sunod kong sabi

"Ikaw ba si Bea?". sagot ng babae sa kabilang linya

Hindi naman siguro nambabae si Kiel?

"Oo ako nga..sino ka? bakit hawak mo ang cellphone ng boyfriend ko?".

"Ahm ako si Keisha ate ni Kiel".

Napagaan naman ang loob ko,

Pero nakarinig ako ng mumunting hikbi sa kabilang linya

"Gusto moba siyang makita?".

"Opo..Teka saan poba si Kiel? birthday kopo ngayon pero wala pa siya".nag aalala kong tanong

"Hindi na siya pupunta dyan" .

"Po? bakit po pinagalitan ho ba siya?".

"Hindi, hindi na siya makakapunta dyan kase wala na siya". sagot ng ate ni Kiel na parang humihikbi

"Po?ano po bang sinasabi niyo?Hindi kopo maintindihan". sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko

Anong wala na siya?

"Wala na siya Bea,iniwan na niya tayo,Patay na siya".iyak na sabi ng ate ni Kiel

Nang marinig ko ang huling sinabi ni ate Keisha ay

Biglang na estatwa ako sa kinatatayuan ko at may butil ng luha na pumatak galing sa mga mata ko,

Pano?eh kasama ko palang siya kagabi ah?

Naaksidente ba siya?

Anong nangyari?

"Nagbibiro po ba kayo?".iyak kong sabi

Wag naman please!

"Totoo ang sinasabi ko, kung ayaw mong maniwala pumunta ka dito sa ospital".

Pinatay ko ang tawag at walang sinayang na Oras,

Kahit debut ko ngayon hinawakan ko ang gown ko at tumakbo palabas ng event.

...*****...

Nang makarating na Ako sa ospital at alam na ang room number ay tumakbo ako patungo doon.

...*****...

Nakita ko ang magulang ni Kiel na umiiyak sa tapat ng isang room,

Napatingin sila sakin

"Ikaw ba si Bea?".tansya ko siya yung ate ni Kiel

"Opo". tanging sagot ko

"Gusto moba siyang makita?".pilit niyang ngiti kahit namumugto na Ang mata niya

CONTINUATION...

Download MangaToon APP on App Store and Google Play

novel PDF download
NovelToon
Step Into A Different WORLD!
Download MangaToon APP on App Store and Google Play