NovelToon NovelToon

Loving My Bestfriend (Gxg)

Episode 1

Shanaia Asher

My name is Shanaia Asher Mendez a college student who fell inlove with her bestfriend Kailey Balt..Since when? hindi ko na rin maalala., She's a girl, what a shit right?? but what can i do? she's gorgeous indeed kaya itong puso ko hindi ko na makontrol sa pagtibok damn..they said that i am beautiful and smart but this beautiful girl is madly inlove with her same sex... what the fuck! I am on my way at the gazebo, our sanctuary and damn there she goes..

Tsss....ang aga aga ang bubungad sa akin ang lambingan nila.... nakakainis, mawawalan na naman ako ng gana ng buong araw.Alam niyo iyon? iyong pakiramdam na selos na selos kana pero wala kang magawa. Iyong pakiramdam na ang sakit sakit na pero kailangan mong itago at pigilan dahil in the first place wala kang karapatan.

I rolled my eyes at the irritating view from a far as l was walking towards them. Tila nakikipagkarerahan ang dibdib ko sa daan daang kabayo sa sobrang bilis nitong tumakbo. Masakit na at mahapdi ngunit patuloy lamang ito sa pagtibok nang hindi naaayon sa normal na takbo.

Nakabusangot na akong naglalakad palapit sa tambayan namin ng barkada, paano ba naman kasi malayo palang ako natatanaw ko na ang bestfriend kong kalambingan na naman ang boyfriend niyang bisugo.....badtrip.

Ngumiti na lamang ako ng pilit nang makitang nakatingin na sila sa akin but what the hell..

Kusang huminto sa paghakbang ang mga paa ko at literal na tumigil sa pagtibok ang puso ko sa aking nasilayan, damn this feeling i have towards her.. i hate it fucking hell.

Damn did they just kiss? really hindi man lang ba sila aware na may mga kasama sila? takte naman ito na namang puso ko naninikip na naman tang**a it really hurts and fuck maiiyak na naman yata ako shit.. shit.

shit... kalma self baka mahalata ka, but damn it,,.. i can't bear it any longer ..Kumuyom ang kamao ko. Nanginig ang tuhod ko. Nagpuyos ang kalooban ko.

Lumihis ako at pasimpleng pinahid ang luha kong tuloyan nang tumulo sa aking pisngi,,dinig kong tinatawag nila ako but l can't just let them see my tears and vulnerability because none of them doesn't know my feelings with my bestfriend,

Ayaw kong isugal ang friendship namin just because i fell inlove with her.

Kasalanan ko din naman dahil hinayaan kong mahulog ako ng tuloyan dahil kung tutuusin kaya ko naman siguro iyon maiwasan kung sa una palang lumayo na ako at umiwas.

But despite me began falling with her i still chose to stay and let my heart keeps on drowning.. fuck..

Dumiretso ako sa comfort room at tila nakisama ngayon ang tadhana dahil nadatnan kong walang katao tao ang loob nito,,

Dumiretso ako sa pinakadulong cubicle,. Pagkasara na pagkasara ko ng pintuan ay siya namang sunod sunod na nagbagsakan ang mga tubig mula sa aking mga mata,.

Nagmistulang ulan na ayaw magpapigil sa pagbuhos mula sa kaing mga mata. damn it I can't breath what the hell is wrong with my fucking weak heart? palagi na lamang ganito na literal na tumitigil sa tuwing nasisilayan ko siyang masaya sa lalaking tinitibok ng puso niya.

Hindi ko alam kung gaano ako katagal sa comfort room naramdaman ko na lamang na may kumakatok na pala sa pintuan ng cubicle kung saan ako naglabas ng sama ng loob.

"Labs okey ka lang? kanina pa jan magsisimula na ang klase" it was my bestfriend Kailey.

Damn that endearment, lalo akong nahuhulog eh kainis.

I wiped out my fucking wet eyes and dried my face and then heaved a heavy sigh..

Come on Shanaia get a grip, you can do this okey..

Huminga ako ng malalim at nang pakiramdam ko ay kumalma na ako ay saka ko binuksan ang pintuan, sinalubong ko siya ng matamis kong ngiti at pilit pinasigla ang sarili.. ohhh diba what a best actress i could be? damn my heart for keeps on falling to her..

"Let's go labs baka malate tayo, sumama kasi timpla ng tiyan ko" pagdadahilan ko.

Tinignan niya ako na para bang hindi siya kumbinsido sa aking tinuran at tila hindi man lang siya aware na nakikita ko ang pagsalubong ng manipis at maganda niyang kilay..

Marahas siyang bumuntong hininga na hindi nakaligtas sa akin,,nginitian ko siya ng matamis and gave her a peck on her cheek that makes her smile sweetly afterwards.

I clung on her right arms and got out the comfort room, kung hanggang pagiging bestfriemd niya lamang ang papel ko sa buhay niya then so be it, i would rather keep my feelings secretly for her than to lose her dahil hindi ako sigurado kung kakayanin ko bang tuluyan siyang mawala sa akin.

Dumiretso muna kami sa locker ko upang kunin ang libro ko sa unang subject namin ngayong araw,,pagbukas ko ng locker ko mayroon na namang nakaipit na papel na sa pakiwari ko ay love letter na naman.

My brows almost met again because of this fucking letter that i kept on receiving everyday with a fucking coward ashole.. nakakainis naman kasi ilang taon narin itong gesture na ito na sa tuwing umaga ay may nakaipit na letter dito sa locker ko na kinaiirita ko.

Kinuha ko iyon at nilakumos saka ko dineretsong tinapon sa basuran without reading it na nakapagpataas sa kilay ng kaibigan ko.

"What the hell labs hindi mo man lang ba babasahin?" bulalas niya na hindi ko na binigyan pa ng pansin.

Pagkadampot ko ng librong pakay ko at maisara na ang locker ko ay nagpatiuna na akong lumabas roon habang iritado naman akong sinusundan ni Kailey na malamang sa malamang ay nakataas parin ang kilay dahil sa aking ginawa sa walang kwentang sulat na iyon.

Hindi ko rin maintindihan kong bakit sa tuwing nakikita niyang hindi ko man binabasa ang mga sulat na natatanggap ko araw araw ay ganyan ang nagiging reaksyon niya.

Nang makarating kami sa room namin ay sabay na kaming umupo habang hinihintay ang pagdating ni prof, graduating na kmi sa kursong Business Management na pareho naming kinuha ni Kailey.

Our class went smoothly and just like our everyday routine ay tatambay muna kami sa gazebo na exclusively for our group only.

Nakailang klase na kami ngunit hindi parin maipinta ang mukha ni Kailey na mababakas parin ang pagkairita, tinaasan ko siya ng kilay nang irapan ako nito.. like what the hell ano ba problema ng babaeng to at nagkakaganyan.

I heaved a heavy a sigh and decide to talk to her to know what is really happening to her to act like shit again.. tssss.

"Labs what is up to you? kanina kapa nagkakaganyan ehhh?" i asked but as usual inirapan lang ako ng gaga what the heck is wrong with her huh...

Naiirita narin ako kaya naman hinarap ko na siya ng tuluyan and even raises my brows at her.

"Is it because of that damn letter again? diba sinabi ko naman na hindi ako interesado doon?"

Mararahas ang naging pagbuga niya ng hangin na tila ba kinakalma ang sarili at nang kumalma na marahil ang sarili ay saka niya sinagot na nagpataas pa lalo ng kilay ko.

" Paano ka magkakarelasyon kung hindi mo binibigyan ng pagkakataon ang nagbibigay ng sulat sayo?" she said in a low tone.

"Are you damn serious labs? how many times do i have to tell you na wala pa sa vocabulary ko ang pakikipagrelasyon" l irritatedly said

Bumuntong hininga siya at saka dahan dahan na tumango, tinitigan niya ako ng mariin sa mga mata saka ngumiti di kalaunan at nang matanaw na ng mga mata niya ang paparating niyang kasintahan ay siya ring bilis ng pagsikip ng aking dibdib.

Tinalikuran niya kami, sinalubong niya ang paparating na si Anton at heto na naman ang puso ko sa pagtigil sa pagtibok nang makita kung paano magdampi ang mga labi nila sa harap ko...shit naninikip ang dibdib ko.

Pakiramdam ko tutulo na naman ang mga luha ko any moment by now kaya naman dahan dahan akong nagyuko at inabala ang sarili sa pagbabasa sa librong hawak ko.

Luckily natapos ang araw namin na nananatili paring lihim ang tunay kong nararamdaman, kung kailan ba nagsimula ang lintik ng puso ko sa pagtibok para kay Kailey ay hindi ko na matandaan.

Humilata ako sa kama ko habang pinapakiramdaman ang patuloy na paninikip ng dibdib ko hanggang sa hindi ko na naman namamalayang may namamalisbis na namang luha sa aking pisngi..

Mapait akong ngumiti at nang sa wakas ay kumalma narin sa pagsikip ang dibdib ko ay inabot ko ang cellphone kong nakapatong sa bed table sa akong tabi, binuksan ko iyon habang wala sa sariling nagescroll sa news feed ko sa facebook.

When i was about to close my facebook app it was suddenly pop up,naningkit ang mata ko nang makitang may nag add sa akin na isang chinitong lalaki,.i scanned his profile and I must say he looks perfect dahil sa taglay nitong kaguwapuhan ngunit wala akong makapang kahit na anong paghanga man lang sa lalaki.

I just shrugged my shoulder about that thought with the man.

I was about to ignore it but Kailey suddenly appears on my head and her words earlier about me having in a realtionship with a man at wala sa loob na napaisip ako.. why don't give it a try baka sakali mawala na ang nararamdaman ko sa aking matalik na kaibigan.

Without any further ado i accepted the said request at hindi nga nagtagal may natanggap akong mensahe galing sa chinitong lalaki.

"Thank you for accepting shanaia??" with a heart emoticons na nakapagpangiti sa akin but don't get me wrong he made me smile not because i got attracted but because it reminds me of Kailey the way he delivered his message.

Nagtipa ako ng mensahe pabalik

" You are welcome and thank you for the ad too"

Madali kong nakapagpalagayan ng loob si Jasper at napag-alaman kong iisa pala ang pinapasukan naming university, bago natapos ang gabi ay naging magaan ang loob ko sa kanya dahil sa sense of humor niya.

Maybe it is the right time to divert my feelings with my bestfriend, baka nakoconfuse lang ako sa aking nararamdaman at kung si Jasper ang makakapagparealize sa akin kung ano at sino ba talaga ako ay handa kong panghawakan lalo at lalaki siya na dapat lamang ay sa kanya ako makaramdam ng pagmamahal na katulad ng mayroon si Kailey kay Anton.

Bumuntong hininga ako bago ko pinikit ang aking mga mata, buo na ang desisyon kong kalimutan at tuluyan ng tanggalin ang kung anuman ang nararamdaman ko towards my bestfriend and it will start tomorrow with Jasper on my side..

Kinabukasan pagbaba ko ng kotse ay namataan ko ang lalaking nakaabresiyete habang nakatuon ang tingin sa akin na tila ba ako ang hinihintay, babalewalain ko na sana ngunit nang matitigan ko ng mabuti ang mukha ay saka ko naalala si Jasper na nakapalitan ko ng mensahe kagabi.

Hinarap ko ang driver ko at sinabihang mag iingat at sunduin na lamang ako mamayang hapon na tinugunan naman niya ng pagtango bago tuluyang umalis.

"Hi good morning"  bati niya sa akin nang tuluyan na siyang makalapit na sinabayan narin ako sa paglalakad papasok ng campus.

"Good morning too"  I greeted back and smiled sweetly at him too.

"Do you have any plans after class?" he asked

Nag isip naman ako ngunit nang makumpirmang wala namang lakad ang grupo ay saka ko siya sinagot at sinabing wala naman.., naging malawak ang ngiti niya nang marinig ang naging tugon ko.

"Great i was planning to invite you for early dinner if you don't mind"

Nag angat ako ng tingin kaya naman hindi ko na namalayang napatango na pala ako nang makita ang nakikiusap niyang mga mata... like what the hell with his pleading eyes that he made me say yes to him that easily...but at some point okey narin ito baka sakaling sa pakikipaglapit ko kay Jasper ay mag iba ang ikot ng mundo at magkagusto narin ako sa opposite sex ko hindi ba... "as if ganun kadali at kaya mo "my alter ego said.

Episode 2

Shanaia Asher

"Care to introduce me to this handsome chinito with you Shan?" it was Kim..

She's smiling sweetly at Jasper who is sitting beside me here at our favorite tambayan.. waiting for the others to arrive.. l rolled my eyes at her coz obviously the way she looks at Jasper l can see that she is interested with this man again..

In our circle si Kim ang pinakaflirt not totally flirt naman pero siya kasi ang madalas showy sa pagkagusto niya sa isang lalaki na natitipuhan niya.

I shrugged my shoulder when she poked me on my forehead when I ignored her but  obviously as usual she really wanted to know the name of this man beside me... hayyys kahit kailan talaga itong babaeng to..

Nilingon ko si Jasper na malawak din ang pagkakangiti sa akin na nagpapalipat lipat ang tingin sa amin ng babaeng makulit na to..

I rolled my eyes once again at iritableng pinakilala sila sa isa't isa..

"Kimberly Jade Sy this is Jasper Xerxes Yu,, Jasper this is Kimberly Jade Sy my friend" walang gana kong pakilala sila isa't isa..

Mabilis naman nag abot ng kamay si Kim sa lalaki na may malawak na ngiti sa labi.. tsss there she is again..

"Hi Jas nice to meet you, ngayon lang ata kita nakita?"  dinig kong tanong nito kay Jasper.

After ko kasi sila ipakilala ay inabala ko na ulit ang aking atensyon sa pagbabasa sa librong hawak ko,showing them my "walang pake mode" dinig ko naman ang pagsagot sa kanya ng bago kong kaibigan.

"Yeah ngayon lang kasi kami nagdesisyon ni Shanaia na ipaalam na sa inyo ang relasyon namin" sagot niya na nagpaangat ng tingin ko sa kanila na nanlalaki ang mga mata.. What the hell did he just say?? damn this man anong relasyon ang pinagsasabi nito..

Magsasalita na sana ako at itanggi ang walang kwenta niyang sinabi nang tumunog ang cellphone ko senyales na may nagpadala ng mensahe sa akin...

Wala sa sarili ko itong binuksan nang makitang pangalan ni Jasper ang nakarehistro roon,, wala sa sariling napalingon ako sa kanya ulit at sa hawak nitong cellphone.

"Please sakyan mo muna ako, I will explain it to you later am begging you Shan" kunot noo ko itong binasa ng paulit ulit na tila ba namamali lamang ako ng basa ngunit kahit gaano ko pa ito ulit uliting basahin ay siya parin naman at walang pinagbago... What the hell..

Marahas akong napaangat ng tingin nang wala sa sariling nagtititili si Kim sa kanyang narinig.. Sasakyan ko ba ang mokong na ito? ano naman kayang nakain nito at nasabi niya iyon? like seriously siya? boyfriend ko?

"My god did l heard it right Shan? boyfriend mo siya? kailan pa beshy?" bulalas nito na para nang kitikiti sa kinatatayuan dahil sa kilig.

Nalipat ang aking atensyon ng tumikhim si Jasper sa aking tabi, seryoso ang mga mata niyang tumitig sa akin, makikita sa mga mata niya na tila nakikiusap sa akin na sakyan ang pagiging girlfriend niya ako kuno sa kadahilang wala pa akong kaideideya sa mga nangyayari, wala sa sarili akong napatango nang kalabitin ako ni Kim upang kuhanin ang aking sagot sa kanyang tanong..

What the hell why did i agreed to his lies?? tama paba itong pinapasok ko? shit ka Jasper mamaya ka lang sa akin naku ka talaga kukutusan kita bwisit ka..

Kimi lang akong nangingiti habang panay na ang kulit ni Kim kay Jasper na tila ba matagal nang magkakilala,, tulad ko mabilis din nakagaanan ng loob ni Kim si Jasper dahil sa sense of humor nito na hindi mo namamalayang napapatawa kana sa simple at corny nitong jokes..

Saglit kong nakalimutan ang kasinungalingang binuo ni Jasper kanikanina lang, tawang tawa kami ni kim sa mga jokes nito nang magsidatingan na ang iba ko pang kaibigan na salubong ang mga kilay na direktang nakatingin kay Jasper na patuloy parin sa pagpapatawa sa amin ni Kim.

Salubong ang kilay at halatang iritable naman si Kailey na nakatitig lamang sa likuran ng lalaki sa aking tabi, tumayo ako at kiming ngumiti sa mga kaibigan kong bagong dating,, wala rin sa sariling napatayo si Jasper nang lumipat ang kanyang mga mata sa mga kaibigan kong walang habas siyang titigan nang masama na kinailang ng huli..

I took a deep breath and cleared my throat to take their attention..

"Ahm Jas these are my friends, Zuchette Go turo ko sa kaibigan kong nakataas na ang kilay na nakatingin sa amin ng boyfriend kong hilaw,  "and Freianne Cruz pakilala ko naman kay Freianne na nakahalukipkip na ngayon habang mapanuri ang mga matang naglilipat lipat ang tingin sa amin ni Jasper  " and Kailey Balt my bestfriend"  pakilala ko sa kanila sa isa't isa..

Seryoso ang mukhang hinarap ako ni Kailey, humalukipkip at tila nagtatanong ang mga nanlilisik niyang mga mata. wait what's wrong with her? what have i done? she's throwing us death glare.. what the..

"And who is he labs? who the hell invited him here? this place is exclusively for our cirlcle only right?" mataray niyang tanong sa akin.

What the.... why on earth she get mad out of a sudden? ang init ata ng ulo ng babaeng ito? masama ang gising besh??

Nahihiya akong humarap kay Jasper na mukhang kalmado parin sa kabila ng harap harapang pinapakitang pagkadisgusto sa kanya ng mga kaibigan ko.

Ngumiti lamang siya sa akin ngunit tila hindi ako nakagalaw nang umangat ang isang braso nito na walang pakundangang pumulupot sa aking bewang.

Awtomatiko namang bumaba ang mga mapanuring mata ng mga kaibigan ko sa bisig niyang namamahinga na ngayon sa maliit kong bewang,,,Kim on the other hand was just here infront of Jasper smiling widely as if she's enjoying this fucking scenes towards us while honestly it makes me uncomfotable..

Jasper cleared his throat and turned his full attention to my friends who are now staring at us intently with their forehead crooks..

"Hi ladies l am Jasper Xerxes Yu Shanaia's boyfriend and it was nice to finally meet you guys" inabot niya ang kanang kamay niya sa mga ito na tila nagulat sa pagpapakilala ni Jas sa kanila bilang boyfriend ko kuno,their mouth was slightly open and their eyes?? oh my god tila sila nakakita ng multo sa laki ng pagkakamulat ng mga ito ng walang kakurapkurap..

Wala sa sariling inabot naman nina Freianne at Zuchette ang kamay niyang nakalahad ngunit kumunot ang noo ko nang nanatili parin ang mga mata at titig na titig parin si Kailey sa bisig ni Jasper na nakapulupot sa bewang ko, hindi rin nakaligtas sa paningin ko ang marahas na pagtaas at baba ng dibdib niya na tila hindi nagustohan ang mga salitang lumabas sa bibig ng lalaki sa aking tabi.

Gusto ko sanang isipin na nagseselos siya sa biglaang pagkakaroon ko ng boyfriend ngunit  bigla iyon nabura nang sa wakas ay nakita ko nang nag angat siya ng tingin sa amin ni Jasper ng palitan at saka matamis na ngumiti kalaunan na tila ba biglang narealized na magandang balita ang narinig?? damn ... Fuck Shanaia asa pa more... sakit no?? huwag kana kasi umasa straight ang kaibigan mo kaya hinding hindi ka niyan magugustohan huwag kang boba... huwang mong saktan ang sarili mo sa kakaasa pwede ba? gumising kana sa katangahan mo... hayan na si Jasper ohhh sa kanya mo ituon ang atensyon mo hayyss..

Bwisit talaga itong si ego ehh ipamukha talaga sa akin ang pagiging straight ng kaibigan ko...

"wow finally my boyfriend kana labs, am so much happy for you" humakbang siya palapit sa akin at saka ako niyapos ng mahigpit,, naramdaman ko ang simple niyang  pagpunas ng luha niya kaya naman kumalas ako sa yakap niya at saka siya tinitigan gamit ang nagtatanong kong mga mata.

Nagitla ako ng makita ko ngang basa ang magaganda niyang brown na mga mata, wala sa sarili ko itong pinunasan using my thumb but as soon as my finger touches her wet cheek tila ba lalong bumuhos ang mga luha niya ng tuloy tuloy na nagpakaba sa akin..

"Hey what's wrong labs? aren't you happy for me? is there a problem labs?"  i asked worriedly.

She shook her head while still smiling sweetly at me and Jasper..

"Tears of joy maybe labs?? sorry but am happy.. really" she answered.

Tinitigan ko siya ng mariin at pilit binabasa ang nakapaloob sa magaganda niyang mga mata ngunit wala ehhh,,ang hirap niyang basahin..

Akala ko pa naman nasaktan ka nang makita mong may lalaki na sa tabi ko Labs,,,pwede ba please lang huwag mo naman akong bigyan ng mga ganyang reaksyon na lalong nagpapaasa sa akin...damn umayos ka shanaia wag kang tanga pwede... asa ka ng asa sa wala Shanaia pwede ba nagtatangatangahan kana naman eh..

Ayan na naman si ego but atleast kahit papano may nagpapaalala sa akin upang kahit papano sa tamang daan parin ako napupunta...

After ng intense na ganap kanina ay naging maayos na nagpaalam si Jasper sa mga kaibigan ko dahil mag uumpisa narin ang unang klase niya ngayong umaga sa kurso niyang Architecture..

"Tara cafeteria guys gutom na ako" it was Kim.

Tapos na ang dalawang klase namin and just like the usual didiretso kaming canteen to take some snacks together.

Pag upo palang namin sa usual table ng grupo ay siya namang tunog ng cellphone ko at tulad ng hindi ko na naman inaasahan ay pangalan ni Jasper ang lumitaw roon..

Hindi ko na pinatagal pa ang pagtunog at sinagot ko na agad ito without glancing at my friends who was grinning at me that obviously teasing me for the sudden call of my so called boyfriend.

Sinagot ko na ito sa harapan nila dahil sigurado naman ako na wala naman kaming pag uusapang importante dahil sa pagkakaalam ko siya ang maghahatid sa akin mamaya sa bahay para mapag usapan narin ang mga kasinungalingan niya kanina sa harap ng mga kaibigan ko..

"Babe can i join you?"

Hindi ako nakareact kaagad nang marinig ang boses niya sa kabilang linya...what the hell?? papanindigan niya talaga ang pagiging boyfriend ko kuno mapatelepono man? ,,... shocks ano na Shanaia tutunganga kana lang ba jan? babe daw ohhh natulala kana dai..

" Babe please can i join you with your friends?" he asked again.

"Babe?" wala sa sarili kong naibukas ang bibig ko na dapat ay sa isip ko lamang iyon... fuck kailan ko pa naivovoice out ang mga salita na dapat ay sa isip ko lang?? shit..

"Ayyy sanaol may babe" it was kim teasing me obviously.

Kumunot ang noo ko nang mapadako ang tingin ko kay Kailey,,. nakatutok ang tingin niya sa likuran ko na tila may tinitignang kung ano... maya't maya ay may ininguso siya sa likuran namin ni Zuchet kaya naman sabay kaming napalingon roon.

And there... si Jasper nakatayo habang nakatingin sa akin at ang isang kamay na nakahawak ng cellphone niyang nakadikit sa kanan niyang tainga..

Kumaway ito sa amin at saka ibinaba na ang kamay niyang may hawak ng cellphone,, ngiting ngiti itong naglalakad palapit sa amin at para naman maging makatotohanan ang kasinungaling inumpisahan niya ay pilit akong ngumiti ng matamis rito.

"Do you mind if l join you guys?" tanong niya sa mga kasama ko nang tuloyan na siyang makalapit sa table namin.

"No we don't mind naman diba guys." ngiting ngiting tugon naman sa kanya ni Kim na sinabayan narin ng pagtango ng iba..

Umusog ako ng kaonti upang may maupuan si Jasper..

"Anyway babe ireremind ko lang ako maghahatid sayo mamaya huh?" sabi niya na tinanguan ko na lamang..

Hayss nagiguilty ako sa pagsisinungaling ko sa mga kaibigan ko.. humanda ka talaga sa akin mamaya Jasper,, langya ka hindi pa ako nagsinungaling sa mga ito pero ikaw?? takte ka...

" So hindi ka sasama sa grupo mamaya labs?"si Kailey.., she's looking at me using her emotionless yet beautiful brown eyes again.

" Huh?? may lakad ba tayo? " i asked confusingly

Nilipat lipat ko ang tingin ko sa mga kaibigan kong tila nakarinig naman ng hindi kapanipaniwala sa aking tanong.. what the.. may nasabi ba akong mali at ganyan sila makareact?as if naman may nasabi akong kababalaghan sa hitsura nila ngayon..

"Friday ngayon"  walang ganang sagot ni Kailey sa akin.,,.

Kumunot ang noo ko... so ano naman kung friday ngayon? ano bang meron kung--... shocks bonding day namin, sleep over sa bahay nila Kailey..damn nawala sa isip ko.

Episode 3

Shanaia Asher

"I am sorry for my lies Shan"  its Jasper

Pauwi na kami at kasalukuyan siyang nagmamaneho,,wala akong nagawa kung hindi ang hindi muna pagsama sa friday bonding night namin ng mga kaibigan ko..

Every Friday kasi routine na namin ang mag overnight sa bahay ng isa sa barkada which is tonight ay sa bahay nila Kailey..

Bumuntong hininga ako, ang mga mata kong sa daan kanina nakatutok ay awtomatik nang lumipat sa lalaking nagmamaneho na ngayon sa aking tabi.

Kanina pa ako nagtitimpi na huwag mailabas ang inis ko sa lalaking ito kaya naman pinakalma ko na muna ang sarili ko dahil baka kung ano ano namang masasakit na salita ang lumabas sa mga bibig ko bagay na iniiwasan kong mangyari.

I took a deep breath..

sigh

"Okey i'm all ears now Jas,. explain and please make sure totoo lahat ang lalabas sa bibig mo dahil kung hindi... I won't talk to you ever again" seryoso kong sabi.. Naiinis ako at nagagalit hindi lang sa lalaking itp kundi oati narin sa sarili ko.

I could see how his adams apple move ups and down maybe because of uneassiness he was into.. or maybe he's tense because of my raging anger towards him.

Sino ba naman kasing hindi magagalit hindi ba? kagabi ko lang siya nakilala tapos ngayon boyfriend ko na sa harap ng mga kaibigan ko... ano iyon nagkaroon ako bigla ng instant boyfriend ganun??? what heck right??..

She quickly glance at me and sighed heavily.

"I need you to act as my girlfriend infront of everyone kasi..." tila nahihirapan siyang banggitin ang salitang kailangan niyang sabihin sa akin bagay na ikinakunot ng noo ko,, naging sunod sunod narin ang paglunok niya na tila ba nahihirapan dahil sa biglaang panunuyo ng lalamunan.

" Kasi what? "  i can not hide my emotion anymore,, i am already pissed and irritated.

Marahas ang naging pagbuga niya ng hangin qt gaya kanina ay mabilisan lamang niya akong tinapunan ng tingin but wait... his eyes...it has mix emotions ngunit ang nagingibabaw? takot..

What the fuck why he seem so scared?

"Hey what's wrong? are you okey??" tanong ko.

Aminado akong nadala ako sa nakita kong takot sa kanyang mga mata,,kahapon ko lang man siya nakilala ay tinuturing ko na siyang kaibigan kaya naman hindi ko maitatangging nag aalala ako sa lalaking to..

Ramdam kong kailangan niya ng kaibigan na makikinig at dadamay sa kanya sa mga ganitong sitwasyon and honestly my anger towards him earlier totally vanished the time l saw the fears on his eyes just awhile ago.

Inihinto niya ang sasakyan sa gilid ng kalsada at saka ako hinarap ng maayos,, matiim niya akong tinitigan bago nagbuga ng hangin.

He smiled at me weakedly.

"My dad set me up with a fix marriage with one of the students here too... l don't want to get married yet Shan so please help me and act as my girl?"

What the fudge...uso pa pala ang ganito sa panahon ngayon?? buong akala ko sa novel lamang ito nangyayari.. but wait... so it means nilapitan niya lang ba ako dahil sa kailangan niya ng babaeng aarte bilang girlfriend niya? what the heck..

Tulala at awang ang bibig ko matapos kong marinig ang mga salitang iyon galing kay Jasper, walang kahit anong salita o letra ang lumabas sa bibig ko ng ilang segundo dahil sa pagkabigla.. Nabalik lamang ako sa katinuan at reyalidad ng ginagap nito ang kamay ko at marahang pinisil,.

Ang mga mata niya...... ang mga mata niya na naman na ang hirap tanggihan kaya naman mabilis akong nag iwas ng tingin at saka huminga ng malalim..

"So nilapitan mo lang ba ako dahil dito?" tanong ko.. gusto ko lang malaman kung dahil lang sa letcheng fix marriage na yan kaya niya ako inapproach last night coz he just needed someone to act for his play..

He shook his head countless times.

"No i just accidentally heard it this morning at wala na akong ibang maisip na paraan kung hindi gawin ito baka sakali kapag nalaman nila daddy na may girlfriend na ako baka hindi na nila ituloy ang letcheng kasal na iyon.... i'm sorry for dragging you in this mess but if you don't want to do this it's fine and i understand... really"  mahaba niyang litanya.

Hindi ko alam kung sa kabila ng maling ginawa niya kaninang umaga ay ganun na lamang kabilis nawala ang galit ko sa kanya sa halip ay naaawa ako sa sitwasyon niya ngayon...may mga magulang parin palang kayang kontrolin ang buhay ng kanilang anak ng ganoon lamang kadali,, hindi man lamang ba nila kinokonsidera ang ikaliligaya ng anak nila??

Nahabag ako nang makita ko ang pagyuko nito sa manibela, niyukyok niya ang ulo niya doon at kahit hindi ko man nakikita ang gwapo niyang mukha ay alam ko at ramdam kong tahimik na siyang umiiyak ngayon sa tabi ko.

Sa laki niyang tao at sa tikas ng pangangatawan hindi mo aakalaing ganito siya kalambot sa panloob... I mean barakong barako siya laki ng katawan at sa tangkad nitong anim na pulgada if i am not mistaken but look at him now.. silently crying inside his car and i must admit ramdam ko ang hirap na pinagdadaanan niya ngayon..

Okey Shanaia you need to help him besides freinds naman na kayo hindi ba? kaya sige na tulongan mo malay mo ito ang magiging daan upang mawala narin ang  atraksyong nararamdaman mo sa matalik mong kaibigan hindi ba?? go go Sha..

Kinalas ko ang seat belt ko at saka siya hinarap ng tuluyan.. lumapit pa ako ng bahagya upang bigyan siya ng marahang yakap upang kahit papaano ay guminhawa ang kanyang pakiramdam at malamang may kaibigan siyang handa siyang damayan at this kind of situation..

Hinagod hagod ko ng marahan ang kanyang likod not minding those cars na dumadaan sa tabi namin ngunit pareho kaming napaigtad sa sunod sunod na busina galing sa aming likuran..

Gabi narin at bukas ang ilaw ng kotse ni Jasper kaya naman kitang kita kami sa loob mula sa labas ng kanynag sasakyan lalo pa at hindi rin tinted ang kanyang sasakyan.

Umayos kami ng upo nang akala namin ay mga police patrol ang lulan ng kotseng bumusina sa amin ngunit nakahinga ako ng maluwag nang makitang sina Zuchet at Kim ang bumaba mula roon habang ngingisi ngising tumitingin sa amin ng lalaking kasama ko na kagagaling lamang sa pag iyak.

Kumunot ang noo nila nang makita ang mata ni Jasper na kagagaling lamang sa pag iyak..

"Did you two fought?"  seryosong tanong ni Kim sa amin nang tuloyan nang makalapit sa bintana kung saan ako nakaupo

Umiling iling ako at kiming ngumiti.

"No we were just-.."

"She was just comforting me,.. can you please take her with you? may pupuntahan pa pala ako and sadly i can't drive her home" Jasper cut me off

What the heck... ano daw? ano na naman to?

"What do you mean you can't drive me home?" naiirita kong tanong..

Kainis itong lalaking ito ang hirap basahin ng mga tumatakbo sa utak at hello mahihirapan yata ako sa pagpapanggap na ito.. damn.

He smiled at me and reach for my hand.. he caressed it softly not minding my friends eyeing us from outside.

"Babe please i hate it when you see me crying like a baby"  he said chuckling...

The hell is wrong with this man?

Tinaasan ko siya ng kilay at saka padabog na binawi ang kamay kong hawak niya.. tss bahala ka nga jan kainis kang siraulo ka..

"Fine"  padabog kong dinampot ang bag ko sa backseat ng kotse at walang babalang bumaba ng sasakyan ng hindi na siya tinapunan pa ng tingin.... tss naiinis  talaga ako..

Dumiretso ako sa loob ng van nila Kim ngunit saglit na natigilan nang maabutan ko si Kailey sa loob nito na kunot ang noong nakatingin sa akin.

Dumiretso ako sa pinakalikod ng parte, umupo ako roon ng tahimik at dahil sa naiirita nga talaga ako ay binuksan ko ang cellphone ko at nagtungo sa music app, pinatugtog ko iyon ng sagad at saka ko isinalpak ang earphone ko sa magkabilaan kong tainga.

Alam kong alam na ng mga kaibigan ko na kapag ganito ako ay ayaw ko muna ng kausap.. pumikit ako at hindi nagmulat ng mga mata kahit pa ramdam ko ang titig ng mga kaibigan ko.. Nagmulat na lamang ako ng mga mata nang maramdaman kong tumigil na ang sasakyan sa garahe nila Kailey at dahil nga naiirita pa ako ay tahimik akong bumaba ng sasakyan nang hindi na sila tinapunan pa ng tingin.

Dumiretso ako sa kwarto ni Kailey kung saan ako natutulog kapag dito sa kanila ang venue ng sleep over ng barkada., dumiretso ako sa banyo para makapaglinis ng katawan at makapagpalit.

Nakahiga na ako at nakapikit ng marmdaman kong lumundo ang kama..

"kain ka muna labs at bukas na lang natin gawin ang movie marathon natin"  si Kailey

She was caressing my left arm..

Hay kainis isa pa ito ehhh..

"Am still full labs, matutulog na ako ha masakit kasi ulo ko ehh" pagdadahilan ko..

Hinatak ko ang kumot at saka nagtalukbong.. wala ako sa mood dahil sa pesteng lalaking iyon.

Dinig ko ang marahas na buntong hininga nito at hindi rin nagtagal ay ang langitngit ng pinto senyales na lumabas na siya ng kwarto.

Pasensya kana labs wala ako sa mood dahil sa dami ng nangyari ngayong araw at hindi ko pa ata naaabsorb lahat.. and deep inside me ay nagiguilty ako dahil sa pagsisinungaling ko lalo na sayo..

Download MangaToon APP on App Store and Google Play

novel PDF download
NovelToon
Step Into A Different WORLD!
Download MangaToon APP on App Store and Google Play