NovelToon NovelToon

Warrior's Samurai

Chapter I

Simula ng paghihiganti

Gaia's Point of View

Habang abala ang mga kasambahay sa pagluluto ng pagkain namin ay sinusuklayan niya ako.

"Anak, balang araw magiging reyna ka paghaharian mo at uupo ka sa trono." Saad nito.

Nagtaka ako kung bakit niya sinabi sa akin iyon. Nagtaka ako kung bakit niya ako sinusuklayan.

"Reyna! Magsisimula na." Balita ng mensahero namin.

"Susunod ako" tugon ni inay.

Naiiyak siya ng makita ko. Ng tumingin ako sa orasan ay alas dose ng umaga na at magkakaroon pa sila ng laban.

"Laban?" Tanong ko.

Bawat mensahe na ganoon ng mensahero ay alam ko na, may laban.

"Happy 18th Birthday!" Bati niya.

Tumulo ang mga luha niya kasabay nito ang pagingay ng mga lobo.

"May mga lobo!" Sigaw ko at kinuha ang sandata ko.

"Hayaan mo na sila anak, aalis din sila" saad niya.

Nagulat ako dahil noon inis na inis siya sa mga ito. Umalis na ito para makapaghanda. Nakita ko ang pirasong papel na nakasulat na "Dumating na" Ito siguro ang binigay ni manong kanina. Agad agad akong lumabas sa kwarto sumalubong sa akin ang mga kasambahay na nakangiti sa akin.

"Prinsesa, kakain na po" saad nila.

"Asan si Inay?" Tanong ko

"Kaalis lang po" sagot nila.

Tumakbo ako ng mabilis at kinuha ang Pana na bigay sa akin ni inay kapag hawak ko Ito lumiliwanag Siya na kulay berde. Kailangan mong hawakan ang tali para magkaroon ng bala. Dala dala ang kabayo ko pumunta ako sa pinangroroonan nila. Nakita ko ang unti unting pagkaubos nila. Habang si Inay ay nakikipaglaban. Matapang na sinuong ko ang laban at nagumpisang pumana. Nagulat ang Inay sa pagdating ko.

"Bakit Ka nandito? Delikado." Saad niya

"Inay, laban mo, laban ko rin." Sagot ko na napangiti Siya.

Alam Kong may kapangyarihan ako pero Hindi ko ito ginagamit kaya nasa kwarto lang ako.

"Anak, panahon na para gamitin mo ang kapangyarihan mo" saad ni Inay.

Ito na ba ang nasasaad na dumating na? Ito na ang araw na gagamitin ko ang kapangyarihan ko?

"Paano?"

"Bumaba ka at iharap ang mga kamay mo sa kanila"

Bumaba ako. Sa aking pagbaba nakita ko ang pagbabago sa kapaligaran. Iniharap ko ang mga kamay ko sa kanila at laking gulat ko na may lumabas na kulay berdeng liwanag at naging puno Siya. May veins din na lumalabas sa mga kamay ko na pinipigil ang paglakad nila. Kinakain Rin ang ilan ng lupa. At kinagulat ko na may malaking ahas na lumabas sa mga kamay ko.

"Teka, kadiliman ang ahas di'ba?" Tanong ko sa kanya.

"Anak, kadiliman ang naging kahati ng katawan mo. Half blooded ka. Hindi ka normal." Unti unting tumulo ang luha ng aking mga mata.

Hindi ako normal? Sa mundong ito kapag half blooded ka aayawan ka ng mga tao. Salot ka sa mundong ito.

"Half blooded?" tanong ng ilan.

"SALOT! TAKSIL!"sigaw na narinig ko.

Nakita ko ang paglapit ng yelong pana sa akin. Pinikit ko ang aking mga mata habang patuloy ang pagtulo ng mga luha ko. Hanggang sa naramdaman ko ang mainit na temperatura sa harapan ko. Pagbukas ng mga mata ko ay nakita ko si Selene.

"Selene?" tanong ko.

"That's what our friendship are for. Ligtas ka na" banggit niya.

Agad kong hintak ang mga kamay ni Inay at isinakay sa kabayo. Mas mahalaga ang kaligtasan niya sa madugong gera na ito. Sakay sakay sa kabayo ay nakita ko ang Hari ng liwanag na despiradong makuha ang kapangyarihan ni Inay para na rin sa pagtaas ng pwesto nito bilang makapangyarihan. Kinuha ko ang pana ko at yun ang ginamit ko para mawala sila sa direksyon na binabaybay namin. Ngunit may kapangyarihan siyang pigilin at ibahin ang direksyon ng mga pana ko. Kaya pinalipad ko ang mga kamay ko sa aking tiggilid at doon nagsitaasan ang lupa na nagkaroon ng haligi para protektahan kami. Gumawa si Inay ng isa pang haligi na gawa sa dahon. Kung sino man ang tumangkang sirain ito ay kakainin sila ng buo ng mga dahon na ito. Kami ang makapangyarihan sa lahat, kontrol namin lahat ng paggalaw at kapangyarihan nila kaya ganoon na lang ang pagsubok na kunin ang pwesto at kapangyarihan ni inay. Pero sa araw na ito umaga na kaya makapangyarihan sila, natatalo kami.

"Gaia, munting prinsesa sa aking mga kamay makukuha ko ang iyong inay."

Isang liwanag ang nakapatapon sa akin na sanhi ng pagkadikit ko sa mga halaman na ginawa ni inay.

"Inay!, unti unti niya akong kinakain!" sigaw ko.

Lumipad ang hari papunta kay inay. Hinawakan ko ang lupa at dumating ang mga ahas na kinain ang mga halaman. Samanthala, lumaban si Inay subalit hindi niya nakayanan. Ginamit niya ang kahit na anong kapangyarihan niya subalit siya'y natalo. Ang hawak niyang bilog na may simbolo ng araw ang tinapat niya kay Inay. Umiba ang temperatura ng panahon mas lalong uminit at umabot ng 121 C ang init halos nilalagay kami sa oven. Nakita ko ang unti unting paghina ni Inay kaya pinilit kung gumawa ng ahas subalit sa matinding init ay namamatay ito. Ilang segundo ay tumigil at bumalik sa dati ang temperatura. Namatay ang mga halaman, natuyo ang lupa, at natuyo ang mga ilog at sapa. Nakaratay na si Inay. Natakot ako sapagkat ngayon sa akin na siya nakatingin. Unti unting naglakad siya papunta sa akin.

"Munting prinsesa, nakikita mo ba ang iyong ina? Nakaratay, naghihina, at hindi makagalaw. Pinakamataas at pinakamakapangyarihan subalit sa ilang segundo ay mamamatay na." Pagtutukso niya.

"Hayop ka!" sigaw ko sa kanya.

"Well, wag kang magalala, isusunod na kita."

Tinpat niya ang hawak hawak niya at nagsimula na naman ang pagbabago ng temperatura subalit naalala ko ako pala'y may halong kadiliman. Hina hina ako pero sinubukan ko. Itinaas ko ang mga kamay ko. Unti unting umiba ang panahon. Nawalan ng kapangyarihan ang hawak hawak niya.

"Teka? Pano nangyari yun?" Tanong niya sa sarili

Unti unting bumalik ang lakas ko.

"Ngayon, ako naman"

Pinagulong ko sa lupa ang mga veins at pumulupot ito sa mga binti niya.

"Kinuha mo ang buhay ng Inay ko kaya buhay rin ang kapalit"

May mga ugat at ahas na nagsisulputan at hinatak pailalim sa lupa.

"HINDI!!" sigaw niya.

Agad kong pinuntahan si Inay. May malay pa siya subalit nanghihina na. Nilagay ko ang aking mga kamay sa kanyang dibdib. Nagliwanag ito na kulay berde.

"Anak, kunin mo na ang kapangyarihan ko"

"Inay, hindi kapangyarihan mo yan!"

"Anak, mamamatay na ako. Sige na."

Nilagay niya ang mga kamay ko sa kanyang ulo. Habang ako ay hindi tumitigil ang pagagos ng mga luha ko. Pagkatapos na kinuha ko ang kanyang kapangyarihan ay nawala at nagbago ang kalangitan. Lumiwanag ang mga ito.

"Isa ka ng reyna. Reyna Gaia, ang reyna ng mundo. Ang anak ko. I'm so proud of you" Sabay sa pagpikit ng mata niya ang pagtulo ng luha niya.

"Inay." Yinakap ko siya ng napakahigpit.

The new queen has come.

Download NovelToon APP on App Store and Google Play

novel PDF download
NovelToon
Step Into A Different WORLD!
Download NovelToon APP on App Store and Google Play