NovelToon NovelToon

Babysitting The Brat

The Brat

"Kailan ka ba titinong bata ka, ha@:" sermon ng ginang na si Nadie sa anak nito pagkauwi nila galing sa dean's office.

"I am not the one who started it, na-provike lang ako," katwiran ng dalagang sinermonan.

"maryosep namn, Lia! Nineteen ka na at kababae mo pa man ding tao! Bkit nanuntok ka? Kaisa-isa ka nga naming anak ng papa mo pero pakiramdam ko labindalawa Ang anak ko dala Ang kunsimisyon dahil sa pagkabratinela mo!" Parang hihimataying lintanya pa nito.

Napangising Ang dalaga. Oo, nanapak siya. Nanapak siya ng kaklase niyang babae.

"Paano kasi nilapitan Nita 'yung crush ko, Sabi nang akin lang 'yon, ehh!" nakangusong katwiran Niya sa Ina habang nakaupo sa Malaki niyang kama sa silid.

Siyapa namn Ang tipo ng tao na kung ano Ang gusto ay nakuha. kapag natipuhan niya, sa kanya na. kapag may humara-hara sa daraanan niya, sasagasaan niya talaga!

"Ano na Naman ba 'yan?" bungad ng papa niyang si Danilo Imperial sa pintuan ng kwarto niya.

Narinig siguro nito sinesermonan siya ng kanyang mama.

"Tingnan mo Ang asal ng anak mong iyang, Danilo! aba'y pinagsasabihan ko, nginingitian lang ako! 'ku!" Halatang pikon na sumbong ng kanyang Mama.

"Dan namn honey, Ang bantot ng Danilo , ehh"

"Ewan ko sa inyo! mag ama nga kayo, masakit kayo sa bangs!" irap nito sa kanilang mag-ama habang sapo Ang buhok na may bangs.

" Ank namn ba ginawa ng princess Lia ko?" tanong ng papa niya Saka ito umupo sa tabi niya.

"Ayan! kaya lumalaking brantinela Ang anak mo! masyadong ini-spoil! Hay naku! Noong Isang araw tunulak sa pool Ang Isang katulong, paano kung nalunod ' Yun? tapus nitong nakaraan nilagyan namn ng bulate iyung likod ng hardinera natin' at noong Isang linggo nakipagsabunutan soon sa kaklase niya. At ngayon nanapak? Mabuti na lang kaibigan ko iyong Dean," inis na salaysay ng mama niy.

"Paano ko namn siyang Hindi itutulak sa pool? panay Ang reklamo niya na mainit Kya hayu'n pinapaligo ko. Bad ba 'yon? Saka malulunod ba siya kung hanggang bewang lang Ang pinagbagsakan niya?" depensa namn niya.

"Anak, diyos ko, 'wag mo nang uulitin 'yon, baka kung mapaano 'yon? Mabuti na nga lang at hindi Tayo idinemanda. Saka bakit mo namn nilagyan ng bulate si Stella?" tanong ng papa niya.

" Eh, paano Sabi niya malinis daw Ang garden at inaalagaan niyang mabuti pero bakit nakakita ako ng bulate? Kaya nilagyan ko sa likod niya para makita Niya Ang sinasabi niyang malinis!"

"Ehh, bakit pati iyong Isang kaklase mo inaway mo rin daw?" tanong pa Rin ng papa niya.

"Iniinggit niya kasi ako sa buhok niyang bagong parebond, Hindi raw kagaya ng buhok kung kulot na wla na raw sa uso, kaya sinabunutan ko para parehas kaming kulot, but don't worry bati na kami."

Isa pang ayaw niya iyong pinakikialaman siya at iniinggit sa Isang bagay na Hindi namn talaga niya kinaiinggitan. Eh, sa proud siyang kulot siya. kaya hayu'n, sinira niya Ang rebond noong si Trina. Kulot na rin ito matapos niyang sabunutan!

"tsk, dpat sa'yo may dumisiplina," Sabi ng mama Niya na parang pabulong na Lang sa hanging.

"ano 'yun, Ma?"

"Danilo..."

"Dan nga honey, hey!"

"Whatever!"

"ano ba'yon?"

"call Gino, kung Hindi madisiplina Ang batang 'yan sa atin, pwes si Gino Ang bahala!"

"Ma! ano'ng si Gino? Bakit mo papupuntahin Ang talipandas na iyon dito? Maligaya na siya sa kung saang planeta man siya maroon!"

Nakita niyang napangisi Ang mama Niya dahil sa inasal niya.

"See? Pangalan pa lang niya natutuliro Kana. paano pa kaya kapag nandito na siya? pupusta akong para kang pinitpit na luya," Ang magaling niyang Ina.

wla na! tameme na talaga siya. pagdating sa lalaking iyon nawawala Ang compusure niya sa Sarili at natutulingag ng gusto niya Ay makukuha niya, pwes Meron pa lang isa na Hindi nya makuha-kuha at iyon ay wlang iba kundi si Gino Fortaleza!

Download NovelToon APP on App Store and Google Play

novel PDF download
NovelToon
Step Into A Different WORLD!
Download NovelToon APP on App Store and Google Play