Railey POV
Kasalukuyan akong naglalakad sa may corridor dahil kanina ko pa hinahanap ang class room na papasukan ko. Bawat class room na dinadaanan ko ay laging napapatigil ang klase ng mga lecturer dahil napapatingin sila sa gawi ko.
Nasaan na ba 'yon? Kanina pa 'ko paikot-ikot eh! Sigurado ako na late ako ng ilang subject. Si mommy kasi, gusto ng malaking school para sa 'kin.
Bakit ba kasi walang school map ang school nito? Ang laki-laki eh ! Yaman yaman! Wala namang school map! Bwiset!
Nakadating ako sa Third floor ng building 10 ang sabi ng napagtanungan ko ay diretsuhin ko daw yung floor na iyun hanggang sa makarating ako sa dulo, kapag daw nakarinig ako ng mga nagsisigawan at nakasaradong pintoay iyun na daw yung room na papasukan ko.
Bahagya pa s'yang nagulat nung sinabi ko yung section ko pero agad din s'yang nakarecover.
Nandito na ako ngayon sa seventh floor at patungo sa pinakadulong parte ng building.Malayo palang ako ay nakarinig na ako ng nagsisigawan, mukhang tama nga iyung napagtanungan ko. Tsk! Tsk!
Todo lakad lamang ako hanggang sa makarating ako sa harap ng pintuan.
* Tok Tok Tok
Katok ko. Nakakailang katok ako ay wala paring nagbubukas ng pinto. Mga bingi yata tao dito eh!
Bukas na bukas bibilihan ko sila ng cotton buds, para makapaglinis ng tenga.Nakakairita kanina pa ako katok ng katok pero walang nagtatangkang magbukas.Bubuksan ko na sana ito ng may biglang nagbukas nito.
Agad kong nakita ang gwapo niyang mukha, magandang ngiti, matangos na ilong at mukhang siya ang prof sa section na ito. Nakasiwang lamang angpinto kaya hindi ko makita ang loob.
"Good morning sir, i'm the new student." seryoso kong sabi. Agad namang nawala ang ngiti nya. Napalitan iyon ng kunot na noo at pagtataka.
"Ikaw ang bagong student?" Hindi makapaniwalang tanong ng guro.
Tumango lamang ako. "Sigurado ka?"
"00." nauubos na ang pasensya ko kaya ganto ako sumagot.
"Pasensya na kung nahuli ako dahil hinahanap ko pa ang building at room na 'to." dagdag ko pa. Tumango lamang ako guro.
Hindi ba niya ako papapasukin? Nangangalay na ako dito. Kanina pa.
"Hindi mo man lang ba ako papapasukin?" Tanong ko.Ipinagtaka ko pa kung bakit kanina n'ya pa ako hindi pinapapasok. At mas lalo akong nagtaka ng tuluyan na s'yang lumabas ng silid at isinarado ang pinto.
Huminga muna sya ng malalim bago magwika.
"Let's go to the Principal's office." what the heck! Kagagaling ko lang doon tapos babalik na naman ako doon. Pagod na ako at nangangawit na ang mga paa ko kalalakad tapos
Principal Office!
Wala na akong nagawa ng naunang na s'yang naglakad. Kahit naiinis ako ay sumunod na ako sa kaniya. Nakakainis!Nakakayamot! Hindi ako kumain ng umagahan para sa pesteng school na 'to!
(Principal's Office)
"What can I do for you Mr.Fuentes?" bungad sa amin ng principal pagpasok namin.
"Madame Principal are you sure na sa Section ko siya maglalagi?" Tanong ni Mr.Fuentes.
"Yes." nakangiting sagot ni Madame Principal.
"But Madame, girl is not allowed to my section." protesta ni Mr.Fuentes.
Ano daw girl is not allowed to my section? So ang ibig sabihin ay sa section ni Mr. Fuentes ay walang estudyante na babae. Kaya pala kanina wala akong madinig na boses ng babae.
"That's my final answer." bigla namang naging seryoso ang boses ni
Madame Principal. "You may go." sabi pa nito.Walang sabi sabi ay umalis si Mr.Fuentes,tumango muna ako kay Madame Principal bago lisanin ang silid. Feeling Korean.Lakad takbo ko s'yang sinundan, paano ba naman kasi ang laki ng hakbang n'ya. Tapos ang bilis pa n'yang maglakad. Kaazar.
(Classroom)
"Class you may have a new class mate." sabi ni Mr.Fuentes pagdating
namin dito sa class room. Nasa harapan ako ngayon at nakatayo ng tuwid habang nakayuko. Paano ba
naman yung mga lalaki ang talim ng tingin sa 'kin. Siguro kung nakakasugat ang titig malamang patay na ako.
"Introduce your self infront of your class mates." sabi ni Mr.Fuentes.
Iniangat ko ang ulo ko at nasalubong ko na naman ang masasama nilang
tingin Inayos ko muna ang salamin ko bago ako magsalita.
"My name is Hareit Railey Ward." sabi ko sa malamig na tono. Nagulat sila sa lamig ng boses ko pero agad din nila iyong binawi at mas tumalim ang titig nila.Sa lahat ng nandito ay dalawang tao lamang ang nakakuha ng atensyon ko.'Yung isa sa pinaka dulo sa kaliwa dahil walang emosyon s'yang nakatingin sa akin. Habang ang isa naman ay kalapit na may seryosong mukha pero ang mata n'ya ay kakikitaan mo ng awa.
Bakit gan'yan s'ya makatingin? Bakit ang lungkot ng mata n'ya, para!ng may gustong ipahiwatig ang mga mata n'ya.Agad na nawala ang atensyon ko dun sa lalaking malungkot ang mga mata dahil nagsalita Si Mr.Fuentes.
"Nice meeting you Ms.Ward let me introduce my self." sabi ni Mr.Fuentes habang nakangiti.
"I'm Tyler Fuentes your adviser." sabay lahad ng kamay, tinanggap ko naman iyon at nakipagshake hands sa kaniya." Now you may take you seat." sabay bitaw ng kamay ko. Nagsimula na akong maglakad papuntang upuan ko sa pinaka dulo dahil iyon lang ang bakante. Hindi mawala ang paningin nila sa akin hanggang sa maupo ako.
Railey POV
"Class dismissed." sabi ni Sir Fuentes bago lisanin ang silid.Pagkasara na pagkasara ng pinto ay agad na napatingin sa gawi ko ang mga kasama ko sa loob ng silid.
Nagsitayuan sila at lumapit sa gawi ko. Ngayon pinalilibutan nila ako. Nakayuko lamang ako ng may isang sapatos ang nakapatong sa arm rest ko, nag-angat ako ng tingin sa lalaking nasa harapan ko. Gwapo, Sungit, maputi at mukhang makulit. Tinignan ko lamang s'ya sa malamig na paraan,nakipagtitigan s'ya sa akin hanggang s'ya ang unang nag-iwas ng tingin.
"Hoy! Transfer umalis kana dito dahil hindi ka welcome dito." sabi nung lalaki na nakapatong ang paa sa arm rest ko.
"Alam ko." sabi ko sa malamig na tono. "Tingin n'yo pangalang ay halatang hindi na ako welcome dito." dagdag ko pa.
"Eh, alam mo naman pala eh." sabi n'ya. Ang iba naman ay nakikinig lang sa amin.
"Kaya makakaalis kana."
"Bakit hindi ikaw ang umalis."
"Inuutusan mo ba ako?"
"Ano ba ang pagkakaintindi mo?"
"Inuutusan mo 'ko."
"Eh di inuutusan kita, 'yan pala pagkakaintindi mo eh." sabi ko. Narinig ko naman ang mahinang pagtawa ng mga kasama n'ya.
"Ginagalit mo ba ako?!" Impit n'yang sigaw.
"Galit kana ba?"
"Ano sa tingin mo?!"
"Hindi pa." nagbungisngisan uli yung mga kasama n'ya.
"Pare, taob ka pala eh." sabi nung isa sabay tawa. Tumawa rin ang iba.
Nakita ko naman na umiigting ang panga nitong kausap ko.
"Shut up!" sigaw nung kausap ko. Natigil naman ang tawanan pero mayroong mga nakatakip sa bibig nila at nagpipigil tumawa.
"Dahil sa pang-iinsulto mo sa akin-" hindi na n'ya natapos ang sasabihin n'ya ng magsalita ako.
"Dahil sa pang-iinsulto ko sa 'yo ay paglilinisin mo 'ko ng class room sa loob ng isang linggo, right?" Napaawang naman ang bibig n'ya pero agad din n'ya iyong binawi.
"Yes. Because you're new student and for insulting me!" sigaw n'ya sa 'kin pero walang effect.
"Are you done shouting at me?" natahimik naman n'ya. "Because I need to go." sabi ko. Inalis n'ya ang paa n'ya sa arm rest ko at lumabas, sumunod din 'yung mga kasama n'ya hanggang sa ako nalang mag-isa sa room. Great!
Nagtagal pa ako ng ilang minuto bago lumabas para maglunch time. Nasa ground floor na ako at nagtatanong kung nasaan ang cafeteria.
"May I asked you? Where's the cafeteria?" Tanong ko dun sa babaeng mukhang mas bata pa sa akin. Sinabi naman niya sa akin kung nasaan kaya agad akong nagpasalamat.
(CAFETERIA)
Nandito na ako ngayon sa cafeteria at kumakain ng lunch, syempre mag-isa lamang ako dito kasi wala pa naman akong kaibigan. Habang kumakain akoay may nakita akong naglapag ng tray sa harapan ko at umupo sa harapan ko, pagtingin ko isang babaeng maganda ang sexy n'ya sa uniform n'ya at may magandang ngiti.
"Pwede pa share?" Tanong n'ya sa 'kin habang may malawak na ngiti.
Tumango lamang ako. "My name is Lauree Smith." sabay lahad ng kamay.
"Hareit Railey Ward." sabay abot ng kamay ko sa kan'ya at nagshakehands kami. Blangko lamang ang mukha ko habang s'ya ay ngiting-ngiti.
"New student right?" Tumango lamang ako. "Me too." Parang batang sabin'ya. "Can we be friends?"
"Why not?" iba na ang tono ng boses ko hindi na s'ya malamig, normal na lamang iyon.
"Teka? Bakit hindi ka pa naka uniform?" Sabay turo n'ya sa damit ko..
"Ang iksi." sabi ko.
"Oo nga eh. Pero masasanay ka rin."nag-umpisa na rin s'yang kumain at ako rin.Base sa inaakto n'ya mukha s'yang omasiyahin. Mukha rin s'yang madaldal.
"What's your section? "She asked.
"Section Eight."
"E-Eight?" Parang gulat n'yang tanong ay hindi pala gulat n'yang tanong.
"Omoooo." bigla s'yang namula. Anyare dito?
"Bak-" hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng may biglang nagsigawan,napatingin naman kami doon.
"Papa Blake!"
"Ronny!"
"Nathan ang cute moooo "
"Kylee ang hot moo"
"Mas hot si papa blake!"
Napailing na lamang ako sa mga sumisigaw at ipinagpatuloy ang pagkain.Tumingin naman ako ngayon kay Heaven na ngayon ay lalong namula ang mukha. Anyare dito?
"Bakit ka namumula?" Tanong ko, tumingin naman s'ya sa akin at tsaka ngumiti ng malaki.
"Yung isa kasi sa mga kaklase mo crush ko." sabay iwas ng tingin sa 'kin atnamula uli s'ya. "Ihhhhhhh! Kilig ako." sabi n'ya habang kinikilig. Parang timang eh.
"Eh, 'di ba kalilipat mo lang dito, eh bakit may gusto kana kaagad?"
"Eh, kasi na love at first sight ako hihihi." sabay hagikhik. "Hoy! Secret lang nating dalawa 'to, ha?"
"Paano ko naman sasabihin sa kan'ya eh, lahat sila pinaaalis ako sa section Eight."
"Huh? Bakit?" Nag-aalalang tanong n'ya.
"Hindi ko alam." sabay tingin sa likuran ni lauree kung saan nakaupo lahat ng Section Eight na lalaki, pagtingin ko ay nakatingin silang lahat sa 'kin.Kaya agad akong nag-iwas ng tingin.
"Andami ngang naiinggit sa 'yo eh, kasi The Only Girl of Section Eight ka eh" sabay pout. Haha ang cute n'ya.
"Sino bang crush mo dun?" Namula na naman s'ya. Ang dali naman kiligin nitong babaeng 'to.
"Si Ronny." naging kamatis na ang mukha n'ya dahil sa sobrang pula. Gan'yan ba talaga kapag may gusto kang tao. Tsk... tsk... tsk.. Buti na lang wala akong nagugustuhan. Haha.
Railey POV
Isang linggo na akong nag-aaral dito sa Thorn University pero lagi pa rin akong sinasabihan ng mga lalaki kong kaklase na Umalis ka na dito, hindi ka bagay dito, Hindi ka welcome dito. Nangunguna pa nga si Nathan sa pagsasalita sa akin ng ganoon, pero hindi nila ako sinasaktan.
Tapos ko narin linisin ang class room sa loob ng isang linggo at mamayang gabi ang lipat ko sa dorm ko.Hindi kana pwedeng umuwi sa bahay n'yo dahil may dorm na dito, which is malapit lang ng University pero pag-aari ng paaralan ang dorm. Kailangan mo ng gate pass para makalabas ka ng university.Pinahatid ko na kila mom at dad ang mga gamit ko, at ngayon nandito ako sa may gate nag-aantay sa pagdating wala pa kasi akong gate pass kaya dito lang muna ako sa loob.
Maya-maya lang ay may tumigil na puting van sa harapan ko, lumabas iyung driver ni Dad ang ipinagtataka ko rin ay kung bakit hindi sila lumalabas ng van.Nang makalapit sa 'kin 'yung driver ni Dad dala ang mga bagahe ko ay agad ko s'yang tinanong.
"Where's mom and dad?" bungad ko sa kaniya. Ibinaba muna n'ya yung mga maleta ay nagsalita mga gamit
"Sinabihan po nila ako na ako na daw po ang maghatid n'yo dahil aalis daw po sila." agad na nangunot ang noo ko.
"Aalis?" Tumango naman s'ya. "Saan daw sila pupunta?"
"Mag a-out of town daw po sila." bakit hindi nila sinabi. At bakit hindi sila tumawag man lang sa 'kin at sabihin na aalis sila ng bansa. At hindi ko talaga malalaman kung hindi dahil sa driver ni Dad.
"Nakaalis na ba sila?"
"Kanina pa po ala singko, kukuhanin ko lang po muna 'yung iba n'yong bagahe." sabay iwan sa 'kin.Wala silang balak ipaalam sa akin na aalis sila?
"Ma'am tulungan ko na po kayong magdala ng mga bagahe"
"Hindi na, ok lang. Makakaalis kana" sabi ko sa driver. Tumango naman s'ya sabay alis.Ala singko? Alas otso na.
"Ma'am tulungan ko na po kayo." sabi ni Manong Guard.
"Hindi na ho, ok lang ho." sabi ko sabay ngiti. Tumango naman s'ya at bumalik sa pwesto n'ya.Napabuntong hininga muna ako bago buhatin 'yung sampung maleta ko.Dapat pala nagpatulong nalang ako kay Manong Guard, antanga mo Hariet.
Tig limang maleta ang hawak ng dalawa kong kamy. Nasa tapat na ako ng boys building dormitory ng mag ring ang phone ko. Agad naman akong napatigil at kinuha ang cell phone ko sa bulsa ng pantalon ko.
- Mom's Calling
"Bakit hindi n'yo sinabi na aalis kayo?" Sabi ko ng sagutin ko ang tawag n'ya. Pagalit kong tanong.
"[Kasi sweetie may business meeting kami sa Korea]" alam kong naka
nguso si Mom kahit kausap ko s'ya sa phone.
"At wala talaga kayong balak na sabihin sa 'kin?"
"[Eh kas-]" hindi ko na pinatapos ang sasabihin n'ya ng magsalita ako.
"Wala akong kaalam-alam kung hindi ko pa tinanong sa driver ni Dad."sabi ko sa malamig na tono, natahimik naman sa kabilang linya.
Walang sabi-sabi ay ibinaba ko na ang tawag. Gan'yan talaga ang ugali ko, kapag nagagalit o naiinis ako nawawalan ako ng respeto sa mga tao.
Nilingon ko naman iyung boys building dormitory dahil ramdam kong may nakatingin sa akin kaya ng lumingon ako ay wala akong nakita.
Nagtago Na?
Hindi ko na lamang iyon pinansin at binitbit ko na uli'yung mga maleta ko.
Hindi naman ako nahihirapan sa pagdadala dahil sanay narin naman akong mahirapan Sumakay na ako ng elevator at nang tumigil na 'yung elevator sa seventh floor ay lumabas na ako.Kapansin-pansin na wala kang makikitang tao sa labas ng dorm lahat ng pinto nila nakasarado at wala kang naririnig na ingay. Aga naman nilang matulog.
Nasa dulo ng seventh floor ang dorm ko. Mag-isa lamang ako kaya sakto lamang yung laki nung dorm ko.
Bawat section kasi ay makakasama sa iisang dorm ang mga babae ganon din sa mga lalaki. Kung anong floor ng class room mo ay ganun din ang floor ng dorm mo.
Pumasok na ako sa loob ng dorm at masasabi kong perfect para sa akin. May tatlong kwarto ang dorm ko at mini kitchen, sakto lamang ang laki ng sala at 'yung banyo ay may shower pa. Sosyal. At isa pa tiles ang sahig.
Kulay puti rinang dingding may kurtina rin.Namili ako sa tatlong kwarto ng tutulugan ko at ang papili ko ay 'yung pangalawa dahil ang cute ng kwarto puting-puti 'yung wall habang bawat sulok ng kwarto ay may ilaw.Sinubukan ko kung umilaw at umilaw naman ang kulay ng ilaw ay purple sakto sa idol ko.
Malinis ang kwarto ng pasukin ko iyon, siguro nilinis bago ako papuntahin dito. Bukas na ako mag-aayos ng gamit ko tutal ay biyernes ngayon.
Sumalampak na ako sa kama at tinititigan lang ang kisame maya-maya ay hindi kona namalayan na nakatulog na ako.
Nagising na lamang ako nakaramdam ako ng tawag ng kalikasan kaya agad akong bumangon sa kama at agad na nagtungo sa banyo.Nagsipilyo at hilamos na rin ako bago lumabas ng banyo.Paglabas ko sa banyo ay nagtungo na ako sa kuwarto para kuhanin ang cellphone ko at tignan kung anong oras na at its 8:11 na ng umaga.
Naligo na ako dahil nagbabalak na akong lumabas ng University dahil ngayon ibibigay ang gate pass ko.
Nagbihis na ako ng t-shirts na gray at pantalon. Pinatuyo ko na rin ang buhok ko dahil hindi ako sanay na nag-iipit ng basa ang buhok. Ipinuyod ko na ang buhok ko sa lahatan at ibinilot iyon. Hanggang bunbunan ang taas ng puyod ko.
Nang ayos na ang lahat ay sinuot ko naman ang reading glass ko at kinuha ang bag pack ko na Korean style at lumabas na ako ng dorm.Naiilang pa nga ako dahil pinagtitinginan ako sa may corridor habang naglalakad pababa ng girls dormitory. Masyado ba akong maganda para pagtingin nila ako?
(Principal's Office)
"Here's your gate pass Ms.Ward." sabay abot sa sakin ni Mrs.Principal ng gate pass ko. Kinuha ko naman iyon.
"Thank you Mrs.Principal." sabi ko sabay ngiti, ngumiti naman siya sa akin.
Kaya tumango ako. "Aalis na ho ako." pagpapaalam ko tumango muli ako at ngumiti.Naglakad na ako papuntang pinto at pinihit ko na ang door knob ng tawagin n'ya ako.
"Ahh, Ms.Ward" tawag sa 'kin ni Mrs.Principal. Nilingon ko naman s'ya atngumiti. "Always smile. You're so beautiful while you are smiling." ngumiti naman ako sa kanya.
"Thank you Mrs.Principal." sabi ko. At nilisan ang silid.Habang naglalakad naman ako sa may ground at nakasalubong ko ang mga buo kong kaklase.
Lalagpasan ko na sana sila kaso they are blocking my way. At nangunguna patalaga si James. Maglalakad uli sana ako ng harangan n'ya muli ako habang nakangisi.
"Excuse me." sabi n'ya. Kapal ng mukha ano?
"Bakit dadaan ka?" Sarkatisko kong tanong.
"Hindi." Hindi naman pala eh.
"Excuse me." sabi ko habang nakatingin ng diretso sa kan'yang mata.
"Bakit? Dadaan ka?" Tanong n'ya habang nakangisi.
"Oo, kaso hindi ako makalakad because you're blocking my way." nakataas ang kilay kong ani.
"Ha!" singhal n'ya. Bakit wala na s'yang masabi? Hahaha.
Bago ko s'ya lampasan ay nagwika ako. "Psycho Boy." binangga ko ang braso n'ya dahil para medyo mapaatras s'ya.Narinig ko pa ang pagsigaw n'ya sa 'kin habang naglalakad ako palayo pero itinaas ko lang ang kamay ko
"Pare, Psycho ka daw. Hahahaha."
"I'm feeling with the psycho psycho" kanta naman nung isa.
"Pare taob, lagi ka nalang taob sa babaeng 'yun" kantyaw pa nung isa.
Hindi ko na narinig ang sinasabi nila dahil malayo na ako sa kanila.Agad kong ipinakita kay Manong guard iyung gate pass ko.
Pinagbuksan naman n'ya ako ng gate kaya nakalabas na ako ng University.
Nung lunes hanggang Thursday ay sa bahay pa ako natutulog dahil inaayos pa daw yung dorm na tutulugan ko. At dahil ayos at malinis na yung dorm ay doon na ako natulog kagabi.
Download NovelToon APP on App Store and Google Play