My Imaginary Boyfriend
Dedication: Nais kong ibahagi ang storyang ito na likha ng malikot kong imahinasyon sa mga kaibigan, pamilya, kaaway, at sa inyong mambabasa.
WARNING: GRAMMATICAL ERRORS AND TYPOS AHEAD. I'm not a perfect writer but I'll do my best to make this story fantastic. Bare with me until the end of the story. Thank you.<3
Disclaimer: This is a work of fiction. Names, characters, some places, and incidents are products of the author's imagination and are used fictitiously. Any resemblance to actual events, places, or persons, living or dead, is entirely coincidental.
No part of this book may be reproduced, distributed or transmitted in any form or by any means, without the prior permission to the author.
Copyright©Nisheena Rheeka Arce
All Rights Reserved 2022
---
Merimie
"MAHAAAL!" Sigaw ko sa kawalan ng makita ko na ang boyfriend kong pababa sa escalator. Syempre agaw pansin yung pagsigaw kong yon dahil sino ba namang tanga ang sisigaw ng 'mahal' sa airport diba? Ako lang.
Tumakbo ako palapit sa kaniya saka siya niyakap at inamoy-amoy. UMAAAAY GOOOSH! Ang bango ng honey ko.
"Who are you Miss?" Napabitaw ako mula sa pagkakayakap sa kaniya dahil sa sinabi niya.
"HAHA honey naman nakakatawa ka, ako to yung imaginary girlfriend mo. Remember asa panaginip tayo?" Hindi mabasa ang expression sa itchura niya, nakakunot noo itong nakatingin sakin. Hinawakan ko naman ang braso niya. Halatang nag g-gym siya dahil sa tigas ng muscle niya sa braso.
"Lika na uwi na tayo," yaya ko sa kaniya saka kinuha yung mga gamit niyang nagkalat sa lapag. Ay, san nga pala kami uuwi? Hinawakan naman niya ang braso ko at pinaharap ako sa kaniya.
"Miss kung sino ka man, hindi ako nakikipagbiruan sayo. Una sa lahat, hindi kita kilala at lalong lalo na hindi kita girlfriend. Atsaka ano bang sinasabi mong panaginip lang to? Miss tulog pa yata yang kaluluwa mo. Pakigising nga at ng marialize mong hindi ka nananaginip." Ako naman ngayon ang hindi maipinta ang itchura. Hindi, panaginip lang to. Ni hindi ko nga rin alam pano ako napunta dito sa airport eh, alangan naman nag teleport ako habang tulog diba? So ibig sabihin panaginip nga talaga to.
"Ano ka ba naman hon, maling-mali ka sa lahat ng sinabi mo. Hindi ako nananaginip, gising na gising nga ako eh, nakadilat mga mata ko diba? May tulog bang nakadilat? Wala naman diba? Maliban nalang kung gising ka pero nagtutulog-tulugan ka." Sabi ko na mas lalong ikinakunot ng noo niya. Napasapo naman ako sa batok ko ng makaramdam ako ng hapdi doon. Sinamaan ko naman ng tingin si Maya.
"HOY! kanina pa kita hinahanap andito ka lang pala." Panenermon nito sakin.
"Hey Miss, ikaw ba ang kaibigan niya?" Tanong naman nung lalaki sa harap ko.
"Yes Sir." Sagot naman ni Maya. Wow, magalang yarn?
"Can you tell to your friend na hindi siya nananaginip, na hindi ko siya girlfriend or imaginary girlfriend o what so ever words pa yon. Dahil hindi ko siya kilala pero magugulat nalang akong yayakap siya sakin at tatawagin akong boyfriend niya. Can you tell that to her, dahil hindi siya nakikinig sakin and I need to go." Pagkatapos niyang hakutin lahat ng gamit niya ay umalis na siya.
Hindi makapaniwalang napatingin si Maya sakin, "G\*ga ka fren, mapapahamak tayo sa kagagawan mo. Wala kang jowa remember? Tapos magugulat nalang akong sisigaw ka ng mahal dyan tas tatakbo at yayakap sa kung sino. Agaw attensyon ka, pot\*cca." Hindi ko nalamang siya pinansin sa kakadada niya. Iniisip ko parin kasi yung lalaki kanina.
Sobrang nakakahiya ka Merimie, naisip mo pa talagang nananaginip ka. Panenermon naman ng isip ko sakin. Nakaramdam naman ako ng hapdi sa noo ko.
"OUCH FREN AH! Ano bang problema mo?" Tinaasan niya ako ng kilay saka nag cross arms pa. ATTITUDE ka ghourl?
"Ako pa talaga may problema satin? HOY BABAE! Baka nakakalimutan mo, pumunta tayo dito sa airport para sunduin boyfriend ko at hindi yung IMAGINARY BOYFRIEND mo." Pag e-emphasize nito sa 'IMAGINARY BOYFRIEND' OO na, gets ko na. Wala na talaga akong jowa. Yawa.
Naghintay pa kami ng ilang minuto para sa pagdating ng 'BOYFRIEND' niya kunno at paglipas ng 1 2 3 4 5 6 7 8... 10 years ay sa wakas andito na rin yung boyfriend niya.
"Hi babe, How's your flight?" Salubong ni Maya sa kaniya.
"It's Fine, how are you?"
"I'm also fine." At dahil sukang-suka na ako sa pagiging PDA ng dalawa ay lumayo layo muna ako sa kanila at ng makapag honeymoon sila. Joke lang.
Nabalik lang ako sa wastong pag-iisip ng kausapin na ako ng bestfriend ko. Tapos na yata sila magkamustahan.
"Hey buddy how are you?" Tanong ng boyfriend niya saka ako niyakap.
"Well I'm fine, thank you and you." Sagot ko. May manners parin naman ako kahit papaano.
"Well babe yan si Meri may ginawa nanamang kabalastugan." Pinandilatan ko naman ng mata si Maya. Nginisian lamang ako nito at mukhang balak ituloy ang sasabihin.
"Ano yun?" Curious na tanong ni Miles.
"HAHA no worries babe hindi naman yon ganon kalala. Tara kain na tayo." Muntikan ko ng mabatukan si Maya sa sobrang kaba ko. Hinila naman niya si Miles sa isang restaurant, malapit dito sa airport.
---
"Mag c-cr lang ako," Miles said. Tumango lamang kami ni Maya.
"Swerte mo hindi ko sinabi."
"G\*ga ka talaga." Inirapan ko naman siya na siyang ikinatawa niya.
"Pero seryoso, pano kung magkita kayo uli nung lalaki na nilandi mo kanina tapos sabihin niyang kasal na pala siya tapos ipakulong ka nung asawa niya, HALA KAAA MABUBULOK KA SA BILANGGUAN!" Pananakot nito. G\*go talaga at FYI hindi ko yun nilandi na carried away lang ako.
Buti nalang bumalik na agad si Miles kaya sila na nag-usap, while me ito... kain to death kasi libre naman HAHAHA.
Nang matapos kaming kumain ay naglibot libot muna kami sa pinaka malapit na mall na nakita namin, yung dalawa ang sakit sa mata. Gusto ko na ngang umuwi kaso si Maya gusto pang maglakwatsa. Pinipilit ko ngang umuwi na dahil pagod boyfriend niya dahil sa flight nito pero ang g\*ga ayaw patinag, susumbong pa daw ako sa ginawa ko kanina.
Nakakainis, wala akong nagawa kundi ang sumunod nalamang sa kanilang dalawa na masayang kumakain ng ice cream. Meron din naman ako eh, ang mahal kong COOKIES & CREAM. nom nom.
Habang busy ako sa patingin tingin sa paligid ay may isang tao na nahagip nang mga mata ko.
Yung lalaki kaninang niyakap ko. Naramdaman ko namang uminit ang pisnge ko, shet nag b-blush ba ako? Iwinaksi ko nalamang ang namumuong imahinasyon sa ulo ko at nagtuloy sa paglalakad. Baka nagkamali lang ako, baka kamukha niya lang yun.
Pero possible naman diba? Ang pogi kaya nun, sobrang pogi. ANG HOTTIE! Sure kang hindi mafia boss yon? Jok.
Sa mga novels lang naman yung mafia mafia boss na yan o baka artista siya, hindi kaya? Pero impossible din. APAKASUNGIT eh. Oh baka CEO siya nang isa sa mga kilalang companya sa buong mundo! WoW possible kaya yun? Kasi parang anyaman niya tignan niya. The way niya manuot, magsalita, yung mga gamit niyang halatang mamahalin, tas yung relos niya. Parang nakita ko na yon somewhere eh, OO RICHARD MILLE! A very expensive watch. Gosh, it cost millions to buy that watch but then that guy have it.
Mukha akong namumulubi, sakit.
Narinig ko naman ang matinis na boses ng kaibigan ko, haist kelan ba matututong magtawag ng pangalan to na hindi pasigaw? As always pag pangalan ko ang maririnig mo sa kaniya kung hindi galit na pasigaw, sigaw na may kailangan.
Sinamaan ko naman siya ng tingin, lakas lakas ng boses asa mall kami. Ayan tuloy daming tumingin sa kaniya. Lumapit naman ako sa kanila, na o-op kasi ako pag kasama ko tong dalawang to. Sila lang naman nag uusap, parang hangin lang ako dito sa tabi nila.
Kung hindi lang para sa libre, hindi ako palaging sasama sa kanila eh. Tsk. Kung hindi ako hangin taga buhat ng bag, kung hindi taga buhat ng bag taga bili ng maiinom. Nagiging PA ako pag kasama ko tong dalawang mag jowang to. Swerte nila mahal ko sila pareho. Kung hindi matagal ko na silang itinakwil. Ang ganda ganda ko ginagawa nila akong katulong HAMP.
Ginabi na kami ng uwi dahil sa paglalaro sa enchanted world, oo ang saya. Ang sayang tumayo lang don tas manood sa kanilang naglalaro. Ang sarap nilang ipakain sa machine. Nanggigigil ako. Dapat sakin sinasama para ilibre, para pasayahin. Hindi para gawing ALALAY, BODY GUARD, PA SHOTAAAAAAAAA!
Nang makapag palit ako ng pantulog ay nahiga na ako kaagad, ngunit hindi pa ako inaantok. Naalala ko naman yung lalaki kanina sa airport. Ang pogi talaga, di ko malimutan yung mukha. May asawa na nga ba talaga yon? Siguro? Kasi ang sungit eh. Ayaw niya sigurong may ibang babaeng lalapit sa kaniya ksi alam niyang selosa yung asawa niya.
Sana ol ganon yung asawa. Ako kaya kailan magkakaasawa? Napaupo naman ako sa gulat ng dahil sa pumasok sa isip ko.
AY SHOTA KA MERIMIE! Ano ba tong pinag iisip ko? Ang bata bata ko pa pero asawa asawa na agad nasa isip ko. YOU'RE JUST 22 MERIMIE FOR GOD'S SAKE!
Nakabusangot akong muling humiga. Pagod na nga ako maghapon, mapapagpod pa akong mag isip ng kung ano-anong walang kwentang bagay.
---
Nakaramdam naman ako ng sakit sa dibdib, bakit nangyayare nanaman sakin to? Bakit? Ano bang nagawa kong mali? Nagmahal lang naman ako ah?
Nakita ko silang magkayakap, kapwa pareho silang masaya. Samantalang ako, andito ako. Lumuluha, nasasaktan sa mga nakikita ko. Bakit niya ako nagawang lokohin? Hindi ba't nangako siya sakin na hanggang huli mamahalin niya ako? Tatanda kaming magkasama? Mamumuhay kami ng mapayapa? Siya lang at ako.
Siya lang,
at ako.
Pero bakit nakikita ko siyang masaya? Hindi sakin kundi sa iba? Nakaramdam ako ng muling pagsakit ng dibdib. Nasasaktan ako hindi dahil sa nararamdaman sa puso kundi sa kasiyahan ng taong mahal ko sa piling ng iba.
"Iniisip mo bang minahal kita?"
"Kahit kailan hindi kita minahal at hinding hindi kita mamahalin."
"You're nothing but a trush to me."
Napaupo ako ng dahil sa sakit ng dibdib ko. Hinabol ko naman ang paghinga dahil parang kakapusin ako ng di oras. B-bakit ko nanaman yon napanaginipan?
Ilang taon na. Ilang taon ko nang nakikita sa panaginip ko yon. Kung hindi yung lalaking nasa airport ang nasa imahinasyon ko, ang nangyare naman sa nakaraan ko ang nasa panaginip ko. Simula noon, tila isang bangungot ang bawat scenario na nangyare sa araw na yon at isang masayang alaala naman ang panaginip ko tungkol sa lalaking niyakap ko sa airport.
Nababaliw na ba ako? Kailangan ko na bang magpa-psychiatrist? Hindi. Hindi ako baliw. Oo, panaginip lang yon. Yung bangungot na yon, hinding hindi na mangyayare yon. Hinding hindi na.
Tinignan ko naman ang orasan na nakapatong sa mini table sa tabi ng kama ko. 4:23 am. As usual, ganitong oras ako nagigising.
Nag ayos na lamang ako ng mahihigaan at nag ayos na nang sarili upang makapag handa sa pagpasok sa trabaho. Iwinaksi ko na rin sa isipan ko ang panaginip ko kanina.
Napatingin ako sa sarili ko sa harap ng salamin. Nakasuot na ako ng pang work attire ko. Simple lang naman yon but I found it sexy. Bagay na bagay sa kurba o mala coke ko na katawan, pero maliit dibdib. Grrrrr
8:30 na nang matapos akong mag almusal, nag linis pa kasi ako ng apartment ko bago ako naligo at nakakain ng umagahan. Sakto may ilang minuto pa bago ako makarating sa opisina.
Sumakay na ako sa kotse ko, i-nopen ko ang engine nito. Pagkatapos magdasal ay inayos ko na ang upo ko saka nag seat belt.
HAI! THIS IS IT!
Lunes ngayon kaya umpisa nanaman ng pagtatrabaho ko bilang Executive sa isang pinaka sikat na Companya sa balat ni satanas, de biro lang. Maganda naman ang pagtatrabaho ko dito, marami akong kaibigan at talaga namang mababait sila sakin.
Pagkapasok ko palang ng office ay naririnig ko na ang bulungan ng mga kasamahan ko sa trabaho. Nagiging bubuyog nanaman sila. Hindi naman mukhang beehive yung office namin ha?
"Excited na akong makita uli si Mr. Montero," masayang sabi ng isang babaeng maiksi ang buhok.
"For sure POGI parin si fafa Montero!" Kinikilig na sabi nang isang kasama nila na kinulang sa tela.
"Excited na rin ako, pero sana nagbago na siya." Sabi naman ng isa na puno ng kolorete ang mukha; pero sa paraan ng pagkakasabi niya sa huling tinuran niya ay parang malungkot siya o takot?
AYST! Bakit ko ba sila pino-problema, at sino ba yang MR. MONTERO na yan? Parang ngayon ko palang narinig ang pangalan na yon. Hindi kaya siya ang may ari nitong Dillera Corp.? Pero imposible... Montero siya at Dillera ang pangalan nitong Corp. Oum imposib—
"ARE YOU DAMN BLIND?!" Napasapo naman ako sa noo ko ng tumama ako sa... saan nga ba ako tumama? Inangat ko naman ang ulo ko at isang lalaking magkasalubong ang kilay ang nakatayo sa harapan ko. Napa atras naman ako dahil nakakatakot ang mukha niya, I mean... hindi naman ganon nakakatakot, kasi gwapo naman siya, matangkad, malaki ang katawan dahil sa muscles niya, yung buhok niyang malinis na nakaintak sa likod ng ulo niya, at ang mata niyang kulay
D-DILAW?!
"You're not only blind, you are also a deaf." May mga tumawa naman sa likod niya, ngayon ko lang napansin na may mga kasama pala siya. Mga naka business attire din sila katulad ng lalaking nasa harapan ko ngayon, pero bakit mas magandang tignan sa kaniya?
"Wait a minute, you're the woman at the airport," Nakataas kilay nitong sabi, h-ha? Nagkita na ba kami? At kailan pa 'ko pumuntang airport aber?
"Excuse me Sir, but you seem to be mistaken, we haven't met yet." Sabi ko. Hindi naman siya nagpatalo.
"You are the woman who shouted 'MAHAL' while running towards me, hugged me and said we are in a dream and I am your imaginary boyfriend." Bumalik naman sa isipan ko ang eksenang yon sa airport. Napatingin ako sa lalaking kaharap ko at ngayon ko lang napagtanto na...
"IKAW?!" Hindi ko mapigilang mapasigaw dahil sa gulat. Agad ko namang tinakpan ang bunganga ko. S-siya yung lalaki sa airport. Naalala ko rin yung sinabi ni Maya sakin.
"Pero seryoso, pano kung magkita kayo uli nung lalaki na nilandi mo kanina tapos sabihin niyang kasal na pala siya tapos ipakulong ka nung asawa niya, HALA KAAA MABUBULOK KA SA BILANGGUAN!"
HINDIIIIII.
Umalis na ako kaagad sa harapan niya dahil naririnig ko na ang bubuyog sa paligid. Ayaw ko pa namang nagiging center of attraction. Buti nalang at wala na akong narinig na bulungan pag dating ko sa 11th floor kung saan ang office namin.
Sinalubong naman ako ng mga mapang-asar na ngiti ng mga kaibigan ko.
"Anong meron sa mga ngiting yan?" Lumapit naman sakin si Dan, isa sa mga co-workers ko at the same time kaibigan na rin.
"Well Meriiiii, alam mo namang BESTFRIENDS mo kamiiii, pero bakit naglilihim ka samin?" Mahinahon nitong sabi habang hinihimas yung buhok ko. A-ang creepyyyyyy. Tinabig ko naman ang kamay niya, alam ko naman kung anong gusto niyang malaman eh, I mean sila.
"Pwede ba tigilan niyo 'ko? Atsaka fake news yang mga naririnig niyo as if namang gagawin kong yakapin yung Mr. Montero na yun." Wala naman akong naririnig na ingay kaya dumilat ako, nakapikit kasi ako habang sinasabi yun sa kanila. Alam ko naman irereact nila kaso parang mali yata ako ng iniisip.
Nakanganga silang lahat habang nakatingin sakin. Yung iba natatawa, yung iba naman kinikilig? AY EWAN KO BA!
Nag umpisa naman ang bulong bulungan sa paligid, lahat sila ay nakatingin sa pinto ng elevator. Habang palapit ang isang lalaking magkasalubong ang mga kilay. Ba-BAKIT SIYA NANDITO?!
Lahat naman sila'y tumayo para I greet ang mga bagong dating na naka business attire. SIYA NANAMAN?! Inilibot naman niya ang tingin niya hanggang sa dumapo ito sakin. Sa hindi maipaliwanag na dahilan, parang gusto ko nalang biglang magpakain sa lupa. Nakangisi ito na parang gusto akong kainin ng buhay.
Nag-iwas na lamang ako ng tingin. It means, magiging katrabaho ko siya dito sa floor namin. Araw araw ko na siyang makikita. A-ARAW ARAW?!
ARRRRGHHHHHHHH!
F A S T F O R W A R D...
Lunch time na kaya nag aayos na ako ng mga gamit ko. Buti nalang at hindi ako na i-storbo nung lalaking yun, pero SILANG LAHAT sila yung storbo sa pag ta-trabaho ko dahil sa bulong bulungan nila. Kesyo niyakap ko daw yung CEO namin, kesyo ang landi ko daw, kesyo kesyo kesyo ARGHHH! Kung hindi lang masama ang mang salvage ng tao, matagal ko ng sinako at tinapon sa basurahan ang mga ka co-workers ko maliban sa mga kaibigan ko dahil kahit isa sila sa mga nakiki bulong ay mahal ko parin sila PERO KAHIT NA PARA SILANG MGA BUBUYOG!
"MERI!" Tawag sakin ng isa sa mga kasamahan ko, "pinapabigay ni Mr. Montero." May iniabot naman siyang folder sakin. Inopen ko iyon at---
"WHAT?!" Nagulat naman silang lahat sa pagsigaw ko. Naiyukom ko ng wala sa oras ang kamay ko. Hindi maaari to.
Pumunta ako kaagad sa office nung Montero na yon, walang alinlangang sinipa ko ang pintuan ng office niya.
\*BAAAAGGG (tunog nung pinto)
Pagkapasok ko ay busy siya sa pakikipag landian sa secretary niya yata. Ito namang babaeng mukhang pugad ng ibon ay kung makakapit sa batok nitong Montero na to ay akala mo mahuhulog sa bangin. Wala akong pake kung CEO pa siya ng pinagtatrabahuhan ko, basta hindi ako papayag na gawin niya sakin to. Nang dahil ba sa nagawa ko sa airport? Napaka babaw naman ng dahilan niya. AY BASTA DI AKO PAPAYAG!
"Ms. Bautista, don't you even know how to knock before entering?" Naka busangot na sabi nito, yung babae naman ay natatawa. Anong nakakatawa sa sinabi ng Dinosaur na to? Sinamaan ko naman siya ng tingin, wala akong pakealam kung sinong nasa paligid namin. 'Di rin naman kasali yung mukhang pugad na to sa pag uusap namin kaya bakit hindi nalang niya paalisin?
Mukhang nakuha naman niya ang gusto ko, sinenyasan niya yung babae na lumabas. Masama naman ang loob nung babae, hindi sa kaniya kundi sakin dahil ansama ng tingin nito sakin. Syempre hindi ako nagpatalo sinamaan ko rin siya ng tingin. Psh.
Nang tuluyan ng nakalabas si pugad ay agad kong hinarap itong Dinosaur na naka upo sa swivel chair. Itinapon ko naman sa pagmumukha niya yung brown envelope na pinabigay niya.
"What's wrong with you woman?" Inis na sabi nito, serves you right.
"Ako dapat nagtatanong niyan sayo lalake, ANONG PROBLEMA MO SAKIN AT GUSTO MO AKONG TANGGALIN SA TRABAHO KO?!" HAAAAIST! NAKAKAGIGIL! Hindi naman ako nakakita ng kahit anong reaction sa mukha niya maliban sa... ngisi? AT NAGAWA PA TALAGA NIYANG NGUMISI?!
"Well Ms. Bautista, It's not my---" hindi na niya natapos ang sasabihin ng pigilan ko siya. Tinaasan naman niya ako ng kilay.
"For your information MR. WHO EVER YOU ARE—" naputol rin ang sasabihin ko ng sumingit siyang magsalita.
"Jin... Jin Russel Montero." Pagtatama nito sakin. ABA! At talagang may gana pa siyang magpakilala? Wala akong pake sa pangalan mo DINO!
"Hindi ko matatanggap yang ginawa mo, I will get a lawyer." Hindi naman maipinta ang itchura niya, parang natatawa siya na natatae.
"PFFT.. HAHAHAHAHAHAHAHAHA" Bumigay naman ang mga balikat ko. May nakakatawa ba sa sinabi ko?
"You're so funny Ms. Bautista." Nababaliw na ba siya? Hindi ako makapaniwalang sobrang babaw ng kaligayan ng isang tulad niya. AS IN?
Unti unti naman na siyang tumitigil sa pagtawa, siguro naman magseseryoso na siya ngayon? Umayos siya ng upo at talaga nga namang sumeryoso ang itchua niya.
"I don't want to see you again."
Napanganga ako sa sinabi nito. Masama ang tingin nito sakin. Ano bang ginawa ko sa kaniya para gawin niya sakin to? Do I even did something wrong to him? Sa pagkakatanda ko wala akong kasalanan sa Dinosaur na to.
"If it's about the airport scene, it's not even a big deal para gawin mo sakin to." Hindi naman niya ako pinakinggan. Dinampot niya lang ang papel na nasa lamesa niya at saka nag umpisa na itong pumirma.
Seriously? How stubborn. Sa tingin niya ba 11 years old palang siya? Eh parang nasa mid 30s na siya eh.
Tumayo lamang ako sa harapan niya, gusto kong malaman kung anong sasabihin niya sakin. Ayaw ko sa lahat yung ini-ignore ako.
"Get out Ms. Bautista dahil hindi na magbabago ang isip ko. It's either you leave on your own or--" tumigil naman siya saka ako tinignan ng nakakaloko.
"I will call a Security guard to drag you out from here." YAAAAAAAHHH! NANGGIGIGIL AKO! HINDI KO BA PWEDENG SIPAIN TO SA MUKHA?! APAKA...
APAKA YABANG!
Wala akong nagawa at umalis nalamang sa opisina niya. Ibinalibag ko ang pinto ng makalabas ako para alam niyang galit na galit ako sa kaniya.
I don't even deserve this.
Napatingin naman ako sa mga co-workers kong mukhang nag p-pyestahan sa mga ngiting iginagawad sakin. Anong nginingiti ngiti niyo dyan? Tanggalan ko kayo bibig eh.
Padabog akong bumalik sa upuan ko. Hindi ko nalamang sila pinansin. Pag usapan nila ako hanggat gusto nila, wala akong pakialam. Mahal ko ang trabaho ko pero nang dahil sa lalaking yon.
DUMATING LANG YUNG LALAKING YON! NAGING UNEMPLOYED NA AKO! MALAS!
Nag impake na ako ng mga gamit ko. Nalulungkot naman ang mga kaibigan ko ngunit nginitian ko nalang sila at sinabing magiging ayos lang ako. Nag boluntaryo pa nga silang kakausapin yung Dinosaur na yon pero pinigilan ko na sila.
Wala naman silang magagawa dahil BOSS nga namin yon at kung ano daw sinabi niya yun masusunod.
Bago pa man ako maka pasok ng elevator ay tinignan ko ang office ng magaling kong boss. Mag sisisi ka sa ginawa mo sakin. Sisiguraduhin kong pababagsakin kita.
Chor, di naman ako mafia queen. Isang ordinaryo lang ako na tao. Atsaka di ako marunong gumanti, wala rin sa vocabolaryo ko ang salitang revenge o maghiganti. Sobrang bait ko kaya, di ko lang alam bat kabaliktaran ng ugali ko yung ugali ng demonyong dino na yon. Tsk.
Mauntog sana siya at ng bumait bait naman siya. Yung mababagok talaga ulo niya. Yung magkaka crack yung bungo niya.
Ay bad bad. Tinapik tapik ko naman ang ulo ko. Masama yan Merimie, mababawasan puntos mo sa langit.
Pag pray nalang natin na sana matagal siyang mabubuhay pero sana hindi na rin siya nabuhay.
"I don't want to see you again."
"I don't want to see you again."
"I don't want to see you again."
"I don't want to see you again."
"I don't want to see you again."
Paulit ulit na tumatak sa isipan ko ang sinabi ng DINOSAUR na yon. Ni hindi na nga nawala sa isip ko.
Nakahiga lamang ako sa kama ko, hindi na ako pumasok dahil nga sa tinanggal na ako sa trabaho nung DINOSAUR na yon. Ni hindi ko manlang alam kung anong dahilan bat niya ginawa sakin yon.
Hindi kaya dahil sa ginawa ko nung nasa airport kami? Hmmmm... alin ba don? Yung pagyakap ko sa kaniya? Pagsabi ko ng boyfriend ko siya o imaginary boyfriend ko siya O yung tinawag ko siyang 'Mahal'?
ARRGHHHHH! KAHIT NA ALIN PA DON HINDI PARIN MAGANDANG DAHILAN NA TANGGALIN NIYA AKO SA TRABAHO KO! Y-yun yung tanging companya na tumanggap sakin sa lahat ng companya na inaplayan ko. \*snift Yawa naman. Bat ba ako umiiyak? ISH! Makarma sana yung lalaking yun. Ansama ng ugali niya.
\*growwwll (tunog ng gutom na chan)
Tunog ng chan ko. Nagugutom na ako, kaya tumayo ako para makapag luto. Kaso pagbukas ko ng ref. Ay wala itong kalaman-laman.
\*groooowwwll
Sumasakit na ang sikmura ko. Bigla namang tumunog ang doorbel kaya agad kong binuksan ang pinto.
"Oh Mr. Ramirez, may problema po ba?" Si Mr. Ramirez ang landlord ng inuupahan ko. Siguro maniningil nanaman ito.
"Eh neng, alam mo namang 3 buwan ka nang hindi nakakabayad ng upa. Kailangan na kailangan na kasi ngayon eh, kung hindi makakaalis ka na dito." Bakit parang ang malas naman yata ng katauhan ko? Bakit sakin lahat ang bagsak ng kamalasan? Gising ba ako nung mga panahong umulan ng kamalasan O baka pinagpuyatan ko pa siya?
Wala na akong nagawa kundi mag impake ng mga gamit na kukunin ko sa pag alis. Saan na ako titira neto? Wala na akong ibang mapupuntahan, PANO NA 'KO NETO?!
Kakapalan ko nalang ang mukha ko, kahit ayoko man gawin tong bagay na to, ngunit no choice ako. Kailangan ko ng pera at ng matutulugan. Pumunta akong muli sa Dillera Corp. Malamang sa malamang andito na yung Dinosaur na yun. Dapat lang, kailangan ko talaga siyang makausap at kung sasabihin niyang busy siya ay hindi ko siya titigilan dahil kailangan kong maibalik ang trabaho ko.
Umakyat naman ako sa 11th floor dahil nandun din ang office nung dinosaur na yon, paglabas ko palang sa elevator ay nag umpisa na ang bulong bulungan sa paligid. Nakatingin ang lahat sakin, pati ang mga kaibigan ko ay mukhang nagulat rin na makita ako ngunit kalaunay kumaway sila at parang masaya pang makitang andito ako.
Dumeretso naman ako sa office nung Dinosaur ngunit hindi pa man ako nakakapasok ay hinarang na ako ng secretarya niyang mukhang pugad.
"And where do you think your going?" Sinamaan ko naman siya ng tingin. Pa english english ka pa, malandi ka naman.
"Get out of my way, b\*tch." Hindi naman siya makapaniwala sa sinabi ko, inalis ko ang kamay niyang nakaharang sa harap ko saka ako nag tuloy-tuloy sa paglalakad.
Kumatok muna ako sa pinto niya, baka isipin niya pumunta ako dito para mag iskandalo.
"Come in." Narinig kong sabi nito. Dahan dahan kong binuksan ang pinto, busy naman siya sa pagbabasa ng papel. Pero agaw pansin ang salamin niya. M-mas lalo siyang gumwapo. Umangat naman ang ulo niya saka ako nito tinaasan ng kilay.
"What are you doing here Ms. Bautista? As far as I know you haven't had a job here since yesterday." Nang-aasar ba siya? Gusto niya yatang lumabas mula sa bintana? Gusto ko siyang barahin ngunit magpipigil muna ako sa ngayon. Kailangan kong palambutin ang puso niya, kung may Ilalambot pa ito. Baka kailangan pang ilaga para lumambot eh.
Huminga muna ako ng malalim bago nag umpisang magsalita.
"Mr. Montero, I need my job back. Wala na akong mauuwian dahil sa pinalayas ako sa inuupahan ko. Hindi pa din ako kumakain simula kahapon dahil sa wala akong pera para pang grocery. Malapit na ang sahod namin ng tanggalin moko sa trabaho, kaya please I need to get back to work." Hindi ko man gustong magmakaawa sa dinosaur at walang puso na Montero na to, ngunit kailangan ko talagang maibalik ang trabaho ko. Nakatulala ito habang nakatingin sakin. Mukhang nag iisip ng ipambabara sakin, subukan niya lang at pag nawalan ako ng patience tuluyan siyang lalabas sa bintana.
"Well, okay." Napatingin naman ako sa kaniya. W-what? Yun lang sasabihin niya?
"But..." Pagpuputol nito sa sasabihin.
"Be my Secretary," H-ha? Talagang nang aasar siya eh no? Hindi ko trabaho ang pagiging secretary atsaka...
"Diba meron ka nang secre—" Pinigilan naman niya ang pagsasalita ko sa pamamagitan ng pagtaas ng hintuturo.
"Then I will fire her," AHHHHHHH? Ga-ganon lang kabilis sa kaniyang gawin yun? Psh. Tutal siya naman may ari ng Companya na to, kaya nagagawa niya lahat ng gusto niya. No choice rin ako kaya tinanggap ko nalamang yung offer niya. Opportunity na rin to para sakin.
"Okay." Tanging sagot ko. Magpapaalam na sana akong aalis ng muli siyang magsalita, "As long as you work in my company, you have rules to follow. You will start tomorrow. Goodbye," bumalik na ulit siya sa pagbabasa ng mga papeles. Psh, masyadong bossy. Pero sa loob loob ko nag pepyesta na ako. Sa wakas lumambot naman ang puso niya, hindi na kailangang ilaga.
Ngayon ang problema ko nalang ay kung saan ako magpapalipas ngayong gabi. Naalala kong may kotse pala ako, siguro naman pwede na roon. Tapos dito nalang ako sa companya makiki cr. Wala naman akong pera para makakuha ng condo.
\*growwwlllll
Tunog ng chan ko. ARGHHH gutom na ako. Kaso wala akong pera, siguro titiisin ko nalamang muna ang gutom ko. Meron namang free foods sa canteen ng Companya, dun nalang ako kakain bukas. Sa ngayon, kailangan kong matulog para hindi ako sabog bukas.
K I N A B U K A S A N...
6 am palang ay gising na ako, saktong nagbubukas palang si Mang doni ng Companya, nakisuyo naman ako mag ccr, "Of course Ma'am Bautista, pwedeng pwede po." Pinasalamatan ko naman siya at dali daling pumasok ng comfort room.
Nang matapos ako sa pag aayos ng sarili ay sakto namang dumarami na ang mga taong pumapasok. 9 am na nang umaga pero wala parin si dinosaur, heto't naghihintay naman ako sa labas ng office niya gaya nga ng sabi niya kahapon. Psh, swerte nya boss ko siya. Pinag titiisan ko lang ugali niya dahil kailangan ko ng trabaho.
Nagsitayo naman lahat ng kasamahan ko, ibig sabihin andito na si dinosaur. Taas noo naman itong naglakad papunta sa kinaroroonan ko. Babatiin ko na sana siya ng bigla niyang itampal ang kamay niya sa mukha ko. ARGHHHH ANO BANG PROBLEMA NIYA?! Narinig ko pa ang pag bukas—sarado ng pinto nang office niya.
Tinanggal ko naman sa mukha ko yung papel na nilagay niya. Contract.
Ha? Ano to?
Binasa ko naman ang mga nakasulat rito. The following are the conditions-- ano daw? Bat may paganto? Hindi ba niya ako pinagkakatiwalaan? SA BAIT KONG TO?! HAY!
Pasalampak akong umupo sa swivel chair ko dito sa labas ng office ng boss kong FEELING POGI! Tsk. Sarap bigwasan ng DINOSAUR na yon. Ang laki-laking aso este tao di kayang mag handle ng problema.
Hindi ko ba pwedeng i crampled tong papel? Itapon ko rin kaya sa mukha niya? Ay, baka hindi pa ako nag uumpisa mapaalis ulit ako dito sa companya. Wag na. I'll just take the risk. Kung ito gusto niya pwes, gagawin ko nalang. Para sa trabaho at buhay ko.
Ano ba kasing demonyo pumasok sa katawan ng lalaking yun at ang hilig manira ng buhay ng may buhay? Sirain ko rin kaya kinaiingatan niya?
---
"Pumunta ka ngayon dito," Sinamaan ko naman ng tingin yung telepono kung saan nagmula yung boses niya. Tsk, masyado siyang pala utos. Simula nung naging secretarya niya ako ay wala na siyang ibang ginawa kundi ang utusan ako ng utusan. Yun din kasi ang nasa contrata.
Contract
The following are the conditions you must follo while you work at Dillera Corp. as secretary of the CEO:
1. You must obey everything I command.
2. As the CEO's secretary you have to get to work earlier than him.
3. You must always be at the door of his office before he arrives.
4. You should only be called once.
5. You cannot fall in love with your boss.
You have a penalty if you fail to do your task.
Bullsh\*t na contrata yan, puro pabor sa boss ko. EH PANO NAMAN AKO?! PANO YUNG GUSTO KO?! ARGHHH! Pumunta nalamang ako sa office niya para matahimik ang kaluluwa ko. Hindi pa naman ako titigilan nito hanggat hindi niya nakukuha ang gusto niya.
Kumatok muna ako bago pumasok.
"What can I do for you Mr. Montero?" Tanong ko ng maka pasok. Ngunit pag pasok ko ay wala siya, san naman pumunta yon? Baka lumabas saglit. Pagkasara ko ng pinto ay may biglang sumigaw.
"WAAHHH!" (Siya na nanggulat)
"AHHHHHHHHHHHHHHHH!" (Sigaw ko na nagulat)
Tawang tawa naman itong umalis mula sa likuran ng pinto. Naiyukom ko nalamang ang kamao ko, okay na yung pagpapahirap niya sakin sa trabaho pero itong pang ti-trip niya, hindi pwede sakin to. Habang nakatalikod siya ay kumuha ako ng lakas para sipain yung likod niya.
"AAAHHUGH!" Sigaw nito na paniguradong rinig sa labas. Bigla namang bumukas ang pinto.
"A-anong nangyayare dito?" Nginitian ko lamang yung lalaking palaging kasama ni Dino na pumasok, gulat naman siyang napatingin kay dino na naka luhod.
"Ahh ehh HAHA wala, naglalaro lang kami kaso natisod siya," hindi makapaniwalang tumingin sakin si dino.
"S-sinu—" Hindi na nito natapos ang sasabihin ng mahulog sa ulo ang vase na nakapatong sa gilid ng table niya.
"BO-BOSS!" agad siyang nilapitan ng mga taong nagkakagulo na sa labas ng opisina. Nanlaki naman ang mata ko ng bigla itong mahimatay ng mahulog ang vase sa ulo niya. Sandali, ang liit lang nung vase ah? Bat-- bat nahimatay siya?
Hinawakan ko ang bibig ko upang hindi matawa. Shet, w--- weak. HAHAHAHAHAHAHAHAH.
Tawa ko sa utak ko. Hindi ako pwedeng matawa, baka mabawasan puntos ko sa langit.
Hindi ko naman kasalanan kung bakit nahulog sa ulo niya yung vase, kasalanan na niya yon dahil siya naman ang nakasagi ng table. Itinakbo sa Clinic si dino dahil sa dumugo ang ulo niya. Ay basta hindi ko kasalanan yon.
Muli ko nanamang narinig ang bulong-bulungan sa paligid, ayan nanaman po ang mga bubuyog.
"Grabe nagawa niya yun kay Boss?"
"Nasesante na nga siya noon, baka gusto niya ulit mangyare yun sa kaniya?"
"Dapat hindi na siya pinagbigyan pa ng chance."
Yan lang naman yung mga naririnig kong commento nila, ano bang pakealam nila? Buhay ko to, gagawin ko kung anong gusto kong gawin. Ilang oras ang lumipas, tuloy parin sa pag c-chismisan ang mga marites kong co-workers ngunit Agad din silang bumalik sa pagta-trabaho ng makitang palapit si dino. Oh ayos na pala siya eh.
Nasa tabi lamang ng pinto niya ang table ko kaya't madadaanan niya ako kung sakali, ngunit hindi ko siya pinansin, kunyareng may chine-check ako sa computer ko. Ramdam ko ang masasama niyang titig, ngunit hindi ko parin siya tinignan. Bahala ka dyan.
Bago pa man siya makalagpas sa harap ko ay may sinabi siyang nagpa tindig ng balahibo ko, "Simula ngayon magiging mesirable na ang buhay mo hangga't andito ka sa companya ko." Kailangan ko na bang kabahan? Matakot? AISHH! RAMDAM KO NANAMANG PAPARATING SI KARMA!
A F T E R 2 W E E K S...
"AIISSHHHH PAGOD NAKOOOOO!" Sigaw ko sa kawalan. This past 2 weeks, palaging ako nalang yung inuutusan niya. Mas lalo siyang naging mahigpit sakin. Yung dating may kasama akong gumawa ng mga paper works ngayon ako nalang mag isa; binigyan niya ng bagong trabaho yung kasama ko. At talaga namang yung trabahong binigay niya ay ang dati kong trabaho. Pinapa inggit niya pa talaga ako.
Mas marami na rin siyang ini uutos ngayon kaysa noon, kahit kape nga niyang hindi ako ang gumagawa noon, ngayon sakin niya ini uutos. At ang mas worst pa sa lahat ay mas binabaan pa niya ang sahod ko. Pinatanggal niya rin sa schedule ko ang pagkain ng lunch, pati nga sa gabi ay over time ako. Binibigay niya kasi sakin lahat ng trabaho na hindi natatapos ng iba o sadyang hindi nila tinatapos dahil sinabi niya? Ang tanging pahinga ko ay pag tinatawag ako ng kalikasan.
Haist, pero kahit anong mangyare ay hindi ako pwedeng sumuko. Kailangan kong lumaban hanggang sa makapag ipon na ako, at pag may pera na 'kong muli ay saka ako aalis sa impyernong companya na pinapatakbo ng mas masahol pa kay satanas.
Andito ako sa rooftop ngayon, gabi na at andito parin ako sa office dahil nga sa over time ako. Psh, wala talagang puso ang dinosaur na yon. Tanging sa gabi lang ako nakakapag pahinga ng matagal dahil maaga siyang umuuwi. Noong una ay hinihintay pa niya akong matapos magtrabaho sa gabi ngunit ngayon ay napagod na rin yata sa kakahintay kaya't nauuna na siyang umuwi.
Kahit inaantok ay tinatapos ko parin ang trabaho ko, dahil kung hindi ay i le-late niya ang pagbibigay ng sahod ko at yun ang hindi ko gugustuhing mangyare. Kaya't kahit pagod na pagod at inaantok ay kinaya ko parin magtrabaho.
Bumalik na lamang ako sa office para ipagpatuloy ang pagta-trabaho, wala naman na akong uuwian kaya okay na sigurong dito nalang ako matulog sa office. Meron naman guard na naka night shift kaya pwede akong lumabas at pumasok any time. Sobrang inaantok na talaga ako, pero heto't tinutuloy ko parin ang pag ta-type sa computer.
At natapos ko na rin sa wakas. HAIST! Buti nalang at malakas ako. Unti unti nang bumibigay ang tulikap ng mata ko. Inaantok na talaga ako, siguro okay lang naman na umidlip diba? Gigising rin ako maya maya; at tuluyan na nga akong kinain ng dilim.
Download NovelToon APP on App Store and Google Play