1st episode~
Kapag ikaw ay babae, at ang iyong minamahal ay babae din, malaking kasalanan ba ito? Bawal bang magmahal?
Basta ay nagmamahalan kayo, hindi naman ito bawal diba?
Paano naman ang istorya ng pag-iibigan ni
Celestina at ni Katherine?
Tara na at tingnan kung saan ito makakarating sa isang mapanghusgang mundo.
Naging kolonya tayo ng mga español, amerikano at ng mga hapon. Dahil dito, tumatak na sa ating isip ang kanilang mga ugali. Mapabuti o masama man ito. Isa dito ay ang peminismo (feminism), na nagsirang tuluyan sa ating paniniwala noong bago pa tayo masakop ng mga español, na ang mga babae at ang mga manggamot o mas kilala sa tawag na babaylan ay ang pinaka kagalang-galang sumunod sa datu sa isang tribo.
Dahil sa pagkakapasok ng peminismo sa ating utak ay naging mababa ang pagtingin ng mga lalake sa mga babae. Na dapat ang mga kababaihan ay matuto lamang mag-alaga ng kanilang mga anak at gumawa lamang nang gawaing bahay, sapagkat minamaliit nila ang mga kababaihan. Malaking 'kasalanan' noon para sa lahat na magmahal ng kapareho mong kasarian. Tinatawag nilang 'weirdo' o kung ano ano pang labis na bulgar na mga pangalan ang mga taong nagmamahal lamang, ngunit sa kanilang kaparehong kasarian.
"Masama ba ito? Masama bang nahulog ako nang *buong buo para sayo?" (*Deeply in love or sum like that)
Tanong ni katherine kay celestina.
"......."
Ngunit wala itong sinagot.
"Sumagot ka celes! Kasi nahihirapan na ako na itago sa iba kung gano kita ka mahal!" -*K
(*K as in katherine and c as in celestina, ang haba kasi ng name nila😭 siguro para syang nn?)
"Akala mo ba hindi din ako nahihirapan?! Ikakasal na ko sa lalaking di ko naman mahal! Oo, bawal ang pag-iibigan natin! Bawal! Bawal! Bawal!" -c
Umagos ang maraming luha ni celes.
"Nagmamahalan lamang tayo, pero bakit ganto? Bakit kailangang maputol ng ating pag-iibigan dahil lang sa mapanghusga na realidad?"
Sinabi ni kath habang umaagos din ang luha mula sa kanyang mukha.
"Kung hindi nila tayo kayang tanggapin, tayo'y magtanan nalamang. Ayokong mawala ka sakin celes."- k
"Hindi pwede! Alam mo naman kung gano kalakas ng impluwensya ni Roberto sa lipunan. Pwede nyang ipatumba ang mga magulang ko! Wala na nga tayong magagawa! Kahit ano pang gawin natin, kahit magmakaawa pa tayo sa kanila, hindi nila tayo tatanggapin!" -c
"......Ipaglaban mo naman ako, celes" -k
"Paumanhin kath, pero simula ngayon ay hindi na tayo pwede magkita. Ikakasal na kami ni Roberto sa darating na Hulyo. Pero lagi mong tandaan, Mahal kita." -c
"Pero di sapat para ipaglaban mo ako? Ganto lang ba kababaw ang relasyon naten para sayo? Ano na yung pinagsamahan naten? Parang bula lang?" -k
"........."
Walang sinagot si celes ngunit sya ay umalis na mula sa bahay ni kath.
*Thump* Tunog ng pagbagsak ni kath sa lapag.
"Ano ba ang nagawa kong mali? Nagmahal lang naman ako diba, masama ba yun panginoon? Ganto ba talaga kasama ang magmahal ng kapwa kasarian mo?"(* Is it so wrong to love someone who has the same gender as you?)
Andaming tanong na umiikot sa ulo ni kath. Hindi padin sya makapaniwala. Na ang kanyang pinakaminamahal, ay hindi sya ipinaglaban.
《End of Ep. 1》
Episode 2~
Natulala na lamang sa kawalan si kath. Halos mabaliw na sya sa dami ng tanong na umiikot sa utak nya. Kung ano ano ang kanyang naiisip at nararamdaman. Nagagalit sya at nalulungkot sa iisang minuto. (* Mixed feelings.)
Pano na ang kanilang pag-iibigan?
Ganto na lamang ba ito matatapos?
Sumulat ng ilang daang liham si kath. Ngunit, niisa sa nga ito ay hindi sinulatan pabalik ni celes.
Mistulang, parang di na nila kilala ang isa't isa. Hindi man ito pinapakita ni celes, ngunit sya ay labis na nalulungkot dahil sa kanyang ginawa. Pero alam nyang huli na ang lahat kaya hindi na nya pa sinubukang kausapin si kath. Ang hindi alam ni celes, ay ganoon din ang akala ni kath.
《Pagkatapos ng 3 taon, desyembre 2,
1975》
Nabalitan ng lahat at pati ni celes na si kath ay nagkaroon ng malubhang sakit na nakamamatay. Naging biktima si kath ng sakit na dumadayo tuwing malamig ang panahon. Madami na ang mga nabibiktima ng sakit na ito. Ngunit hanggang ngayon, hindi padin alam ng mga tao ang eksaktong dahilan kung paano nahawa ang iba. Labis na ikinalungkot ito at nagsisi si celes. Nagtatalo ang isip at puso ni celes. Hindi sya mapakali. Susundin ba niya ang nais ng kanyang puso at bibisitahin nya si kath o mananaig ang isip nya at mananatili na lamang syang tahimik?
Sa wakas, nakapag-desisyon na si celes. Hinayaan nyan manaig ang kanyang puso.
Hinanap nya si kath at plinanong bisitahin ito. Nahanap na ni celes ang bahay ng kaniyang minamahal. (Lumipat kasi ng bahay si kath kasi na-broken hearted hshshshs)
'Tok, tok, tok' tunog ng pagkatok ni celes ng tatlong beses sa pintuan ng bahay ni kath. (Kahit aq yung nagsusulat pati aq kinakabahan HAHAHAHA)
'........' nanatili ang katahimikan dahil walang sumagot.
Naghintay ng ilan pang minuto si celes at muling kumatok.
'Tok, tok' tunog ng pagkatok nya.
"Ehem ehem, ugh, saglit lamang" *umabot sa mga ulap ang pag-asa ni celes ng marinig nya ang boses ni kath, ngunit rinig mo sa kanyang boses na malala ang kanyang kalagayan. (*Meaning umaasa padin sya sa love nila👽)
Nagulat si kath ng makita nya si celes sa pinto ng kanyang bahay.
"C-celes?! Anong ginagawa mo dito?!" -k
"Binibisita lamang kita kath, sapagkat nabalitaan ko na ikaw ay may malubhang sakit."
"Paano k-kung makita tayo ng iba?! O ni roberto?! Parang awa mo na celes! Wag mo na ako gambalain at umalis ka na!" -k
Sinarado ni kath ng malakas ang pinto at hindi ito binuksan kahit ilang beses pa man kumatok si celes.
Lumipas ang ilang oras at gabi na.
Pagbukas ni kath ng pinto, laking gulat nya at nakita nya si celes na nakatulog na sa pagiintay nya na buksan ni kath ang pinto. Mukha itong pagod at nahihirapang matulog ng nakasandal lamang sa isang kahoy na upuan. Mistilang, gumuho ang mataas na pader na naghihiwalay sa kanilang dalawa. Naawa si kath kay celes kaya ipinasok nya ito sa kanyang tahanan at pinatulog sa kama na malambot.
Mapapatawad ba ni kath si celes? Matutuloy pa ba ang kanilang pag-iibigan o ito ay mapupunta nalang sa wala?
《End of Ep. 2》
Download NovelToon APP on App Store and Google Play