PROLOGUE
First year highschool ako noong una ko siyang makita. Wala namang espesyal sa kanya maliban sa guwapo niyang mukha, towering height, galing sa basketball at sa billiards. Ngunit hanggang tanaw ko lang siya. Paano ba naman kasi sa itim kong ‘to alam ko hindi niya rin naman ako magugustuhan?
Paano nga ba niya malalaman kung hindi man lang niya alam na nag-eexist ako sa mundong ‘to? Hanggang second year ako, siya pa rin ang gusto ko.
***
One time, habang nanonood ako ng training nila sa COCC (basic army training para sa mga gustong maging Citizenship Army Training Officers), sinundot ako sa tagiliran ng kaklase kong si Mark.
"Oi Elaijen! Alam ko kung sino ang crush mo!” sambit nito sabay tawa. Napatingin naman ako sa kanya nang may nagtatanong na mga mata.
“Si Andrei ng III-B!" tudyo niya. Bumilis pa ang tibok ng puso ko. Natumbok kasi niya agad.
"Hmp! Paano mo naman nasabi ‘yan?" patay-malisya kong tanong.
"Eh pa’no lagi kang nakatitig pag nagte-training sila," natatawa nitong tugon.
"Hmp! Hindi ah!" tanggi ko. Hindi ko alam kung naniwala siya basta nanahimik na lang siyang bigla sa tabi ko at nakipanood na rin.
Harap lang kasi ng classroom namin ang school quadrangle kaya kitang-kita namin habang nakalinya sila at nagmamartsa hawak ang kani-kanilang rifle na gawa sa kahoy.
Si Mark Quinzon ang naging bestfriend ko na lalaki sa classroom. Siya ang nakakausap ko kapag napapagod kami ng pangtitrip ng mga barkada kong girls.
Buong second year life ko nabuhos lang sa pagtanaw at pagtitig kay Andrei mula sa malayo.
***
"Alam mo girl it’s about time na ipakilala mo ang sarili mo kay Andrei. Ga-graduate na siya this year and before you know it, wala na siya!” saad ni Charm, isa sa mga barkada ko habang nakatambay kami sa gilid
na bahagi ng school canteen at tanaw si Andrei.
"Oo nga gurl!" sulsol naman ni Anne isa din sa barkada ko.
"Alam ko na girl idaan mo na lang sa love letter, " wika ni Anne sabay tawa nakipag-apir pa ito kay Kaye, isa din sa barkada namin. Napailing na lang ako bilang pagtanggi. Si Allene naman na pinakamaganda sa amin ay tumatawa lang.
"Ganito na lang girl kung ayaw mong magmukhang naghahabol, gumamit ka na lang ng codename para at least siya na ang bahalang maghanap sa ‘yo at para din malaman niya na someone is dying to be with him. Oh, ‘di ba bongga? English ‘yon ha," mahabang saad ni Kaye na pumapalakpak pa.
Ganito talaga ang mga barkada ko laging nangti-trip. Lima kaming magbabarkada. Si Anne na girly pumorma, si Allene na maganda maputi at sexy, si Charm na siga, si Kaye na medyo shy at petite, at ako nga si Elaijen.
Naubusan na yata sila ng mabubuska kaya kami ni Andrei ang napagti-tripan nila. May kami talaga eh ‘no? Haha!
Ganito talaga kami kapag vacant time nakatambay sa canteen hindi dahil masiba kaming kumain pero dahil nag-aabang na naman ang mga ‘to ng mapagtatawanan.
Paborito naming araw ng pagtambay kapag wednesday kasi naka-civilian dress ang mga estudyante at siyempre tumitingin na naman ng mga jologs pumorma. Ang sama lang. Hehe!
Si Mark siyempre kasama din niya ang iba naming classmates na lalaki. Kahit friends kami may sarili din siyang circle of friends na classmates din namin. Sila ang samahan ng mga pogi at mapormang Third year section A.
Yes section A kami kung nasaan ang top 45 ng batch namin. Hindi nga lang halata! Hehe! Since first year kaming magkaka-klase maliban kay Mark kasi transferee lang siya noong second year. Mataas kasi ang average niya kaya
sa A siya napunta.
Nababawasan at nadadagdagan lang kami kapag may taga ibang section na makakasingit sa top 45 at the end of school year.
INTRODUCTION
Ako nga pala si Elaijen Martin, call me Jen. Top 4 ako sa klase namin, 5th naman si Mark Quinzon, ka-close ko siya mula second year High School. Nagsimula ‘yon noong mapansin niya akong nakatitig kay Andrei Aramin. Ahead ng one year si Andrei at sa section B siya meaning may pagka-boplaks, hehehe!
Well, hindi naman masyado, actually E ang bottom section, so technically ‘di siya masyadong boplaks. Haha! Huwag kayong magalit namana ko lang ang pagka-bully ko sa mga barkada ko kaya pasensya na.
Siyanga pala dahil ako ang pinakamatalino sa barkada ako daw ang lider-lideran nila at sa kanila talaga ako nagmana ng bullying attitude. Hehe!
Hindi naman talaga kami bully. Trip lang talaga naming kumantiyaw lalo na kapag intrams at every wednesday sa canteen kapag kanya-kanyang porma ang lahat.
"Uy Jen, ano na’ng desisyon mo?" sundot ni Charm. Kinukulit na naman ako tungkol sa love letter thing.
"Uhm ok!" nasambit ko out of nowhere.
What?! At talagang pumayag ako? Tsk!
"Girl, tingnan natin kung paano mawindang ang Andrei mo, baka maparanoid at lilinga-linga kapag naglalakad para makita ang secret admirer niya," singit naman ni Anne at binuntutan pa ng pagtawa. Naki-ride na lang din ako sa trip.
Haayy! Mag-eeffort kaya siyang alamin man lang kung sino ako? Bahala na! Pumasok na kami sa klase nang nakangiti dahil sa plano ng barkada.
"Gawin mo na mamayang gabi ‘yong letter ha!" pahabol pang bilin ni Kaye bago kami nagsipag upo sa pwesto namin.
Magkakalapit lang kami ng seating arrangement. Sa bandang likod kami nina Anne at Charm, may tig-iisa lang kaming classmate na nakapagitan. Sa harapan naman namin sina Kaye at Allene, may nakapagitna din sa kanilang isang classmate namin, boy-girl kasi ang arrangement.
LOVE POEM
"Hi Eljay!" bati ni Mark habang papalapit sa puwesto ko. Humarap siya sa katabi kong si Chad.
"Chad, doon ka muna sa upuan ko may sasabihin lang ako kay Eljay," wika ni Mark. Yeah, Eljay ang tawag niya sa akin, hinayaan ko na lang siya.
Nagsimula namang nag-discuss ang teacher namin sa English. Hinayaan lang siya ng teacher namin na lumipat dahil siya ang top 1 sa English. Hay naku unfair! Haha!
"Uy, anong sasabihin mo?" bulong ko sa kanya.
"Basahin mo to! Sabihin mo kung maganda ha?" saad niya sabay abot ng notebook niyang nakabukas sa bandang gitna.
May drawing itong rose at noong binasa ko ang nakasulat, isa itong love poem. Tiningnan ko siya saka binasa ang huling linya.
"If they will just see how your smile looks to me,
Maybe they'll see how you glow when I met thee..."
"Ano pasado ba sa’yo?" tanong nito sabay kindat. Bigla pang sumikdo ang puso ko pero pinigilan ko ang sarili ko. Sabi kasi ng barkada niya kaya lang siya lumalapit sa akin kasi type niya si Allene at dahil ako ang lider ng barkadahan namin kaya siya nagpapalakas sa para ilakad ko siya.
Sabagay okay lang naman. Mabait si Mark at bagay sila ni Allene. Pareho silang anak-mayaman, sa katunayan sina Allene at Kaye ang madalas taga-libre namin ng barkada. Si Mark naman, anak ng engineer at may hardware business sila sa bayan.
"Uy, ano na?" Napapitlag ako dahil sinundot niya ng daliri niya ang pisngi ko.
"Oo na! Gusto mo lang namang malaman kung papasa to kay Allene eh!" tugon ko at nginitian siya.
“Ah! Oo eh! S-sana!" pautal niyang saad sabay kamot sa batok.
Ngumiti na lang ako. Napangiti rin siya ng matamis. Natuwa siguro dahil alam niyang papasa kay Allene ang poem niya.
***
Kinabukasan, sinalubong
ako nina Kaye at Allene sa pinto ng classroom.
"Uy Jen, pabasa na ng ginawa mong letter para kay Andrei" agad na ungot ni Kaye na sobrang lawak ang ngiti.
"Oo nga amin na!" sabay pang sambit nina Anne at Charm na parang kabuting sumulpot sa likuran ko. Talaga naman ang aga-aga kinukulit ako, maipasa nga kay Allene ang usapan.
"Uy, Allene! Maganda ba ‘yong love poem na ginawa ni Mark para sa ‘yo?" nakangiti kong tudyo. Nag-blush pa siya sa sinabi ko.
"Wala ‘no! Wala siyang binigay!" agad niyang depensa.
"Ang damot naman. Basahin lang namin!" baling agad ni Charm kay Alllene.
"Sige na. Pabasa!" segunda naman ni Anne sabay hila sa uniform ng isa.
"Wala talaga! Promise!" tugon naman ng isa. Nagtaas pa ito ng kamay. Tumango na lang ako at ngumiti sabay punta sa upuan ko.
"Siguro nga hindi pa nabigay," saad ko nang makaupo. Nagtinginan lang ang apat.
"Teka lang Jen, ‘wag mo ngang ibahin ang usapan" baling ulit ni Charm sa akin. Kahit kaillan hindi mo talaga siya mauutakan.
"Oh siya sige pero paano n’yo ito ibibigay?" sambit ko at iniabot na sa kanila ang letter. Hindi rin naman sila titigil hangga’t hindi nila nababasa.
"Isesend namin sa post office para mahirapan siyang ma-trace kung kanino galing." Sagot ni Kaye. Binasa niya ang unang linya sapat lang na kami ang makarinig.
Andrei,
I know this might look unlady-like… But I just wanna let you know that somebody from afar appreciates your existence...
Hindi na niya itinuloy dahil tinakpan ko ang bibig niya at pinandilatan siya... Binasa na lang nila nang tahimik.
"Pa-mysterious effect, pasok sa plano...Tingnan natin kung paano siya luminga-linga para tingnan kung may stalker siya" saad ni Anne matapos basahin ang liham. Nagtawanan naman ang iba. Natigil lang sila nang makitang paparating na
ang guro namin.
***
Recess Time
Bago kami lumabas ng recess time, nilapitan ko si Mark.
"Hindi mo pa pala naibigay ‘yong poem," bulong ko sa kanya. Tumitig naman siya sa akin ng ilang saglit bago nagsalita.
"Uhm, tuma-timing lang!"napapailing niyang sabi. Nginitian ko na lang siya.
"Hmm, sorry excited lang!" sabi ko saka naglakad na paalis.
"It's ok!" narinig kong sambit niya bago ako tuluyang nakalayo.
Download NovelToon APP on App Store and Google Play