NovelToon NovelToon

Love Story

Love Is A Gamble

"Are you in love with me now?" Biglaang tanong ni Lucas.

Huli na nang namalayan kong nakatitig pala ako sa kaniya. Instead of avoiding his gaze, I remained staring at him with my poker face.

"Of course..." Then I started to smirk. "Not."

I saw how his energy suddenly fell. Sinamaan ako nito ng tingin ngunit tinawanan ko lang siya.

"Bakit? Pagod ka na bang maghintay? Sabi ko naman sa'yo, e mapapagod ka rin," Natatawa ko pa ring saad.

I didn't forced him to stick with me, it's his own will. Minsan ko na ring nasabi sa kaniyang hindi pa ako siguradong pumasok ulit sa isang relasyon dahil na rin sa takot. I have trust issues and I don't even know how to trust someone again.

"No, I'm just wondering..." Bahagya pa itong natawa.

My eyebrows furrowed because of confusion.

"Wondering of what?"

Muli ako nitong tinitigan nang direkta sa mata. Then I suddenly felt something weird inside me.

"Why do you have to be this pretty?" He then pinch my cheeks and laughed a bit.

Inis ko namang tinanggal ang kamay niya.

"Pretty your ***. Bolero," Pabulong kong singhal sa kaniya.

Bahagya itong lumapit sa tainga ko 'tsaka dahan-dahang bumulong.

"I will wait, Domi. I promised to take the risk even though there's no assurance. Kahit 'di mo sabihin, susugal ako para sa'yo kahit matalo,"

And with that, he left my heart dumbfounded.

Agad akong umiling at sinampal ang sarili nang mapagtantong nakangiti na pala ako kakaisip sa kaniya.

"What the freak is wrong with you, Domi?! Nakakadiri mga imaginations mo," Singhal ko sa sarili.

These past few days, madalas na 'kong makaramdam ng mga weird feelings. Familiar pero hindi ko na tanda kung kailan ko ulit huling naramdaman. At madalas ko lang 'yon maramdaman kapag nasa malapit lang si Lucas.

I let out a deep sigh and continue with what I'm doing. I'm currently doing my unfinished tasks here in Library since it's our free time.

"Lucas?" Bulong ko sa sarili nang makita ang pamilyar nitong pigura.

He's on the other table and he's with someone.

Kanina pa pala siya nandito sa library? Gano'n ba 'ko katulala para 'di siya mapansin?

"Lucas, " Pabulong kong tawag dito.

As far as I remember, almost 1 year na siyang nanliligaw sa'kin. And as I have said, it's his own will. I didn't even gave him any permission to court me, sadyang desidido siya.

Muli akong napangiti sa isiping 'yon.

"Hoy, Lucas, " Pagtawag ko ulit dito.

Sandali itong lumingon ngunit iniwas din ang tingin. He then talked to the girl who's sitting beside him.

My eyebrows shot up. Ano? Gano'n na lang 'yon? Lilingunin niya lang ako saglit?

Agad namang uminit ang ulo ko dahil do'n kaya kahit pa naiilang ay hindi na ako nagdalawang isip na lumipat sa table nila.

"Hoy, Lucas. 'Di ka na namamansin, ah, " Biro ko rito.

Sandali lang ako nitong nilingon bago bumulong sa babaeng kasama niya. I was about to say hi to that girl when she rolled her eyes at me and immediately grabbed her things. Sabay silang tumayo ni Lucas.

Without saying anything, agad silang lumabas ng Library.

Saglit akong napatulala. There's this familiar feeling again. Sunod-sunod na bumagsak ang mga luha ko. I felt like I got stabbed in my chest more than twice.

Kahit pa magulo ang isip ay agad kong nilikom ang mga gamit ko. I want to clear things up. Ayoko ng ganito.

Agad ko siyang hinanap kahit pa patuloy pa rin sa pagtulo ang mga luha ko. I didn't mind those judgemental eyes. He and his words were the only thing that matters to me right now.

Then I saw him... With that girl again. Malapit sila sa gate. Agad naman akong tumakbo palapit doon.

"Lucas!"

Nang marinig ang sigaw ko ay inis itong lumingon sa'kin. May binulong siya sa babaeng kasama bago ito halikan sa noo. My knees and lips were starting to tremble the way how my heart starts to broke into pieces.

Ilang saglit pa'y dahan-dahan itong naglakad palapit. I can feel that he just forced himself to face me.

"What?" Walang gana nitong tanong.

Patuloy pa rin ako sa pag-iyak habang tinitigan ang kakaibang Lucas sa harapan ko. It's not him. He's different from this freaking guy in front of me! Please, tell me it's not him.

"S-sabi mo, maghihintay ka... "

I looked at his eyes.

"I t-thought you'll take the risk even though there's no assurance? " Pagpapaalala ko ng mga sinabi niya.

I waited for him to wipe away my tears but he didn't. And it breaks me even more.

"Domi, I've waited for a fucking year... Sino bang tangang maghihintay ng higit pa ro'n?"

I tried to stop myself from crying but the struggle is real. The more I forced myself to stop, the more it comes out.

"You didn't even gave me any hint that you like me, too." Mas nawawalan ng gana nitong saad.

"B-bakit mo pa sinabing susugal ka kahit matalo kung hindi mo naman pala kayang panindigan hanggang sa huli?" Patuloy sa paghagulhol kong tanong.

"I'm sorry but I can't wait any longer, Domi," Saglit pa nitong nilingon ang babaeng nasa gate. "And that girl, hindi niya ako pinaghintay..."

I can hear his deep breath. Halatang ayaw niya nang magtagal pa ang usapan naming 'to.

Isang mapait na ngiti ang gumuhit sa labi ko. I know he doesn't care about me anymore.

I'm just wondering why my body felt so numb but my heart isn't. It's damn broke right now.

"I thought I'll be happy to tell you that you won," Bahagya pa akong tumawa nang muling gumaralgal ang boses ko. "Y-yeah, you won my freaking heart..."

Isang beses ko pang sinilayan ang mukha niya bago dahan-dahang punasan ang luha ko.

"Nakakalungkot isiping ikaw 'yong nangakong susugal pero ako 'yong natalo..."

written by john patrick

I Can Call My Own

I have a suitor named Vince. Sa lahat ng bagay o okasyong nagaganap sa buhay ko ay palagi siyang nandiyan. Minsan ay napapaisip akong may gano'n pala talagang klase ng tao. I just felt so lucky dahil kahit walang kami ay kusa niyang ipinaparamdam na meron .

"Pwede akong sumama?" Tanong nito.

I just heaved a sigh and slowly nodded. Alam niya namang hindi ko siya kayang tanggihan.

Kasalukuyan naming tinatahak ang daan papuntang airport. Doon ko susunduin ang pinsan kong si Nicole na pansamantalang titira sa'min. Laking states at wala pang gaanong alam sa pagiging independent.

"Mary!"

Agad naagaw ang pansin ko nang sigaw na 'yon. Nakangiting tumakbo papunta sa'min si Nicole habang hila-hila ang kaniyang maleta.

From her long blonde hair, slim body, down to her long leg. You can't even resist but to stare at her deep set of eyes, well-carved nose and luscious lips.

Masasabi mong isa nga siya sa depenisyon ng mga babaeng perpekto ang panglabas na anyo. Bonus na lang sigurong matalino't talented siya. Malayong-malayo kumpara sa akin.

"Mary, pwede bang kumain muna tayo? I still have jetlag but I'm so hungry," She said while holding my wrist.

Napalingon naman ako kay Vince na tulalang nakatingin kay Nicole. Agad ko itong kinulbit dahilan para mapansin siya ni Nicole.

"Oh, hi. I'm Nicole."

Nginitian naman ito ni Vince bago maglahad ng kamay.

"I'm Vince. Mary's friend."

Napatingin ako bigla kay Vince na hindi man lang ako tinapunan ng tingin.

Friend? Is he even serious?

Pakiramdam ko ay may kung anong bumara sa lalamunan ko.

Ano bang gusto kong marinig mula sa kaniya? Na manliligaw ko siya? Pero 'yon naman 'yong totoo, e.

Ilang beses kong iwinaksi sa utak ko ang bagay na 'yon bago namin mapagdesisyunang kumain. Pero mukhang ako lang yata ang pagkain lang talaga ang ginawa. Tuloy-tuloy lang sila sa pag-uusap. Sinubukan kong sumingit ngunit wala rin akong maintindihan. Pakiramdam ko ay nakikihati lang ako ng lamesa sa kanila.

Week has passed. Gano'n pa rin, pumupunta pa rin sa'min si Vince gaya ng dati. Nagdadala ng bulaklak at nagmamano kay Mama.

Ngunit sa bawat araw na dumadaan ay ang palaging tanong na lumalabas sa bibig niya ay, "Nandiyan ba si Nicole?"

Ako pa ba talaga o hindi na?

"Ah, oo. Nasa kwarto niya." Walang gana kong saad bago bahagyang ngumiti.

Edi sana'y isinama niya na lang 'yang si Nicole sa condo niya para hindi siya nahihirapang magpabalik-balik dito sa bahay. Buti sana kung siya lang 'yong nahihirapan pero hindi e, pati ako. Hirap na hirap na akong makitang palagi na lang silang magkasama habang ako, durog na durog na.

"Pakihintay na lang."

Akmang aalis na ako nang hawakan niya ang braso ko.

"Galit ka ba?"

Nagtaas ako ng kilay at bahagyang natawa.

"Ako? Magagalit? Kanino?"

"Sa'kin."

Lumungkot ang boses nito. Dahilan kung bakit nag-init ang gilid ng mga mata ko.

"Alam mong hinding-hindi mangyayari 'yon, Vince. Just do what makes you happy. Nandito lang ako palagi..."

Wala akong naggawa kun'di tumalikod nang gumaralgal ang boses ko. Agad akong tumakbo papasok sa kwarto.

I should've gave him the permission to be mine before. Ang daming pagkakataon pero sinayang ko. Ang tanga-tanga ko.

Sa labis na pag-iyak ay hindi ko namalayang nakatulog na pala ako. Pagbangon ay sumalubong sa'kin ang salaming nagpakita kung gaano ako kamiserable ngayon.

Agad akong lumabas ng kwarto na parang walang pakialam sa mundo. Ayoko ng magkaroon ng pakialam sa lahat. Wasak na wasak na ako, iisipin ko pa ba sila?

Unang tungtong pa lamang sa baitang ng hagdan namin ay umalingawngaw agad ang tugtog mula sa baba. Ano na naman bang drama ni Mama sa buhay?

Hindi ko na 'yon pinansin pa't dire-diretso lamang na bumaba. Sumalubong sa akin ang nag-uumapaw na kulay pulang lobo. Halos pinuno na nito ang buong sala.

Nandoon ang pinsan kong si Nicole na nakangiti sa'kin. Tinaasan ko lamang ito ng kilay at nagtuloy-tuloy sa paglalakad nang bigla nitong hawakan ang braso ko't may inginuso sa likuran.

Nang lingunin ko iyon ay sumalubong sa'kin ang ngiting hanggang ngayon ay hindi ko kasasaawang tingnan.

Para saan ba lahat ng 'to?

Kung may balak silang maglandian, ba't dito pa sa bahay?

Agad kong tinanggal ang kamay ni Nicole at dumiretso na sa paglalakad. Wala akong panahon para sa drama nila.

Nang mapatigil ay parang nahigit ko ang aking hininga. Ramdam ko na ang sariling pintig ng puso nang hapitin ni Vince ang bewang ko.

"Please, don't turn your back at me..." Bulong nito sa tainga ko.

Muli ay umapaw na naman ang luha ko.

"Ano ba talagang gusto mong mangyari, Vince ha? Pinaglalaruan mo ba talaga ako? Kasi kung nakikipaglaro ka lang, ayoko na! Kung kailangan mong mamili sa'ming dalawa ng pinsan ko, siya na ang piliin mo kasi kahit kailan hindi ko ginustong maging isa sa pamimilian! If you really love me, there shouldn't be any choices! Dapat ako lan—"

"E, ikaw lang naman talaga..."

I almost forgot how to breathe when he cutted me off. He started to look more serious than the usual.

"Ikaw lang simula umpisa, Mary. You're in a competition with nobody. You run your own race. I'm all yours, baby..."

Dahan-dahan niyang hinuli ang kamay ko't pinagsalikop ito.

"Nagpatulong lang ako sa pinsan mo para sa planong 'to."

Nang bitawan niya ang salitang 'yon ay nagsilabasan mula sa iba't-ibang sulok ng bahay ang mga kabarkada niya. They're holding a small piece of card board. May lumapit pa upang magbigay ng bouquet ng roses.

Dahan-dahan niyang hinaplos ang mata ko.

"Sorry for making you cry. I love you so much, Mary."

Umingay ang paligid nang iharap na ng mga kaibigan niya ang mga hawak nitong papel.

I almost laugh when I saw what's written on it.

"YOU WILL BE MY GIRLFRIEND."

Natatawa akong humarap kay Vince.

"Hindi mo na talaga ako tatanungin?"

He shook his head.

"I don't wanna waste more time, Mary. Just let me be yours now, officially and I promise to court you forever."

I slowly nodded my head while smiling from ear to ear.

"Akin ka na?" Mangha nitong tanong.

"Sa'yo lang naman talaga ako."

And with that, he hugged me tight.

There's no exact words or phrase that can explain how much I'm happy right now.

Finally, I already have him.

I already have the man...

Whom I can truly call my own.

written by john patrick

When Your Girlfriend Is Addicted To Bl Series

"Baby, samahan mo na kasi ako manood!"

Patuloy kong niyuyugyog ang balikat ng boyfriend kong si Clint. May bago na kasing release na episode 'yong pinapanood kong BL series at gusto kong ipanood din sa kaniya 'yon.

"No," Nakasimangot nitong tanggi.

"Sige na kasi! Papakita ko lang sa'yo!"

"E, straight nga ako tapos panonoorin mo ako ng ganiyan."

Napailing naman ako sa kaartehan niya.

"Isang episode lang 'yon, ipapakita ko lang sa'yo!"

Muli lamang ako nitong inilingan. Uminit naman bigla ang ulo ko sa inasal niya.

"Ang arte mo! Ipapanood lang naman e! Bahala ka nga kung ayaw mo!" Singhal ko sa kaniya bago magmartsa papasok sa kwarto.

Bahala siya sa buhay niya. Kalalaking tao ang arte. Ipapanood lang naman, siya pa may ganang tumanggi. Ang gwapo-gwapo pa naman ni Sarawat at Tine.

Sa kalagitnaan ng panonood ay biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko. Hindi na ako lumingon dahil alam kong si Clint 'yon.

Dahan-dahan nitong ipinulupot ang braso niya sa baywang ko. Biglang nanuot sa ilong ko ang bango niya ngunit hindi ko 'yon pinansin.

"Baby, I'm sorry..." Bulong nito.

Tutok na tutok lamang ako sa panonood. Titili na sana ako dahil sa kilig nang maramdaman kong isinusuksok na ni Clint ang kaniyang mukha sa leeg ko.

"Ano ba, Clint? Nanonood ako."

Namumungay ang mata nito nang mag-angat siya ng tingin. Sumimangot siya nang makita ang magkasalubong kong kilay.

"Mamaya ka na lang manood. Akala ko ba magb-bonding tayo?" Nakasimangot nitong tanong.

"Kaya nga kita niyayayang manood, e! Ito 'yong bonding na tinutukoy ko!" Pagturo ko pa sa laptop na nasa kandungan ko.

"But this is not the bonding that I've expected. Uuwi na lang ako, Klein. Manood ka na lang dito."

Hindi ko na pinansin ang pagd-drama niya't ipinagpatuloy na lamang ang panonood.

"Omyghad! I-kiss mo na! Bilis!" Tili ko habang sinasabunutan ang sarili.

Kahit pa nakatodo na ang aircon ay ramdam ko ang pagtagaktak ng pawis sa noo ko.

Adik na yata ako.

Napahinga naman ako nang maluwag nang sa wakas ay natapos na ang 4 parts ng isang episode na 'yon. Next Friday pa ang update kaya manonood na lang muna ako ng iba pang series para hindi mabore.

Nagtaka ako nang hindi man lang nakareceive ng kahit isang message mula kay Clint.

Is he mad? Dahil lang sa hindi kami nakapagbond? E, siya naman 'yong may ayaw e.

Kaagad naman akong nagtipa ng mensahe.

To: Clint

Uy, Clint! Galit ka ba? Sorry ha? Kasalanan mo naman kasi, e. Ipapanood lang naman sa'yo. Good night, sleep well and I love you.

Pagkasend ng message na 'yon ay naghintay ako ng ilang minuto para sa reply niya ngunit walang dumating. Napasimangot na lamang ako bago itabi ang cellphone.

Baka nga galit 'yon.

Kinabukasan ay nagising ako dahil sa ingay na nagmumula rito mismo sa kwarto ko. Nang bumangon ako ay bumungad sa'kin si Clint.

Nandoon siya sa couch at hawak-hawak ang laptop ko.

"Good morning, baby. Bilisan mong mag-asikaso, magd-date tayo." Nakangiti nitong sambit habang ang mata'y nakatutok lamang sa screen ng laptop.

"Hindi ka galit?"

Umarko ang kilay nitong tila nagtataka.

"Why would I? E, hindi ko naman kayang magalit sa'yo."

Ramdam ko naman ang bahagyang pamumula ng pisngi ko kaya't dali-dali na akong nag-asikaso.

Pagkalabas na pagkalabas ng walk in closet ay nakita ko ang maayos na pagkakalatag sa baba ng kama ko. May mga pagkain na rin do'n at nakabukas na ang flat screen TV sa harapan namin.

"Huh? Dito tayo magd-date?"

Napatingin ako bigla sa dress na suot ko. Marahan nitong hinila ang kamay ko bago paupuin.

"This is what you want, right? And what my baby wants, my baby gets."

Mangha akong napatitig sa kaniya. Agad niyang pinindot ang remote control at sumalubong sa akin ang tugtog ng isa sa mga paborito kong BL series.

"If you're addicted to BL series then let's be addict together. I love you so damn much, Klein."

written by john patrick

Download NovelToon APP on App Store and Google Play

novel PDF download
NovelToon
Step Into A Different WORLD!
Download NovelToon APP on App Store and Google Play